You are on page 1of 16

ENGLISH 5

SUMMATIVE TEST
Activity 1
Using at least two different appropriate linkers or connectors combine the two sentences
below into one that shows cause and effect relationship.

1. The night was warm.


They could not sleep.
Sentence _________________________________________________________

2. The balloon is harmful to the atmosphere.


Mother did not buy it.
Sentence _________________________________________________________

3. We keep on planting trees.


Sentence _________________________________________________________

4. He waters the plant.


It is wilting and dying.
Sentence _________________________________________________________

5. It was a stormy day.


Classes were suspended
Sentence _________________________________________________________

Activity 2
Direction: Take a look at the given words on column A. From these words, write a blended or
portmanteau word to be written on column B

Example: chill relax = chillax


A B

television photogenic

smoke fog

friend enemy

car hijack

cyberspace magazine
MATHEMATICS 5
SUMMATIVE TEST

Activity 1
Direction: A. Perform the indicated operations.
1. (14 + 3) – 7 = N

2. 5 × (5 + 9) = N

3. 35 ÷ 5 + 8 = N

4. (16 – 4) + (7 + 3) = N

5. (12 ÷ 3) + (11 × 3) = N

Activity 2
Direction: Read carefully each item and write the letter of your choice on the box
provided before the item.
1. The common multiples of 6 and 4 are ____________.
A. 2, 3, 4 B. 4, 6, 8 C. 8, 12, 16 D. 12, 24, 36
2. The common multiples of 4, 5, and 8 are ____________.
A. 8, 10, 16 B. 16, 20, 24 C. 40, 80, 120 D. 50, 90, 100
3. The LCM of 15 and 9 is __________.
A. 3 B. 15 C. 45 D. 135
4. The LCM of 2, 3, 4, and 5 is __________.
A. 20 B. 30 C. 50 D. 60
5. A common multiple of 3, 5, 9, and 10 is _________.
A. 30 B. 50 C. 90 D. 100
ARALING PANLIPUNAN 5
SUMMATIVE TEST

Gawain 1
Panuto: Suriin ang mga pares ng pangungusap. Isulat ang S kung ito ay nagsasaad ng sanhi at
B kung ito ay bunga.
1. ________ Patuloy ang pagtambak ng mga volcanic na materyales sa ilalim ng karagatan.
________ Unti-unting lumitaw ang mga pulo sa karagatan na siyang bumuo ng kapuluan
ng Pilipinas.
2. ________ Nawala na ang mga tulay na lupa at tuluyan nang lumubog sa dagat.
________ Natunaw ang yelong bumabalot noon sa malaking bahagi ng malalaking
kontinente.
3. ________ Patuloy ang paikot na paggalaw ng mga tectonic plate sa ilalim ng mga
karagatan.
________ Nababago ang anyo, hugis, at posisyon ng mga kalupaan dahil sa paghihiwalay
at pagbabanggaan ng mga plate.
4. ________ Hindi tumitigil ang paggalaw ng mga tectonic plate sa ilalim ng karagatan.
________ Minsan nagkakaroon tuloy ng mga paglindol, pagputok ng bulkan, at pagkabuo
ng mga bundok
5. ________ Pinaniniwalaang may mga tulay na lupa noon.
________ Malayang nakapaglalakbay ang mga hayop noon sa malalawak na mga lupain
ng daigdig.

Gawain 2
Isulat ang salitang TAMA kung ang bawat pahayag ay nagsasaad ng katotohanan at MALI
naman kung hindi nagsasaad ng katotohanan.Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

_____________________1. Ang mga Negrito ang unang tao sa Pilipinas ayon sa Teorya ng
Core Population.
_____________________2. Si Henrey Otley Beyer ang naghain ng Teorya ng Core
Population
_____________________3. Ang Tabon man ang pinakaunang tao sa Pilipinas.
_____________________4. Natagpuan ang labi ng Cagayan man sa tabi ng mga
kasangkapan at labi ng mga hayop na may 750 000 taong gulang.
_____________________5. Tinatayang kasabay na nabuhay ng Java man ang Tabon Man.
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
SUMMATIVE TEST

Gawain 1
Piliin ang tamang sagot sa mga sitwasyong ibibigay.T itik lamang ang isulat.
____1. Nagdadala ng regadera si Ana papunta sa kanilang halamanan. Ano sa palagy mo ang
kanyang gagawin?
a. magdidilig
b. magbubungkal
c. maglalagay ng abono
d.wala sa nabanggit

____2. Nakita ni Bert ang kanyang ama na nag-ipon ng mga pinagbalatan ng prutas at gulay.
Ano sa palagay mo ang gagawin ni Bert?
a. Si Bert ay gagawa ng salad
b. Si Bert ay magtatapon ng basura.
c. Si Bert ay gagawa ng organikong abono
d. Wala sa pagpipilian

____3. Nakita mong tuyong-tuyo na ang iyong mga halaman. Ano sa palagay mo ang maaari
mong gawin?
a. Bubungkalin
b. lalagyan ng abono
c. didiligan
d. wala sa pagpipilian

____4. Dapat masang-masa ang lupa kapag nagbubungkal.


a. Tama
b. Mali
c. di sigurado
d. wala sa pagpipilian

____5. Napansin mong pumayat ang iyong mga halaman.Ano ang maaari mong gawin?
a. Hahayaan na lang na mamatay ang halaman.
b. Di ko na papansinin dahil payat na.
c. Lalagyan ko ng abono para tumaba at yayabong.
d. wala sa nabanggit

Gawain 2
Isulat ang tsek ( √ ) kung tama ang isinasaad ng mga pangungusap sa wastong pangangalaga
sa halaman at ekis ( × ) naman kung hindi.
_____ 1. Ang mga kulisap at peste ay mapaminsala sa mga halaman.
_____ 2. Gumamit ng organikong fertilizer upang puksain ang mga kulisap sa mga halaman.
______ 3. Huwag pansinin ang mga kulisap at peste na dumadapo sa mga halaman.
_____ 4. Gumamit ng organikong pataba sa mga halaman.
_____ 5. Alisin ang mga tuyong dahon sa mga halaman.
FILIPINO 5
SUMMATIVE TEST

Gawain 1
Basahin at unawain ang kwento. Sagutin ang mga kasunod na tanong. Bilugan ang letra ng
iyong sagot.
Si Maki Nilya at si Kom Pyuter
(sipi mula sa Hiyas sa Pagbasa p. 186)

Hindi na mapigil ang agham at teknolohiya sa pagtuklas ng mga modernong


kagamitan na angkop sa uri ng pamumuhay ng tao.
Malungkot si Maki Nilya. Siya’y nasa madilim at maruming sulok, sa ibabaw ng
isang lumang mesang uuga-uga na. Marami na siyang alikabok. Bihira na siyang gamitin ni
Jon-Jon.
Dati-rati, tuwang-tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang harap si Jon-Jon.
Mangyari, nahahawakan ni Jon-Jon ang kanyang mga letra at bilang. Nililinis siya ng
malilinis na daliri ni Jon-Jon. Pagkatapos ng mahigit na isang oras na pagmamakinilya ni
Jon-Jon ay lalo siyang natutuwa dahil masayang- masaya ang kanyang tagapag-alaga.
“ Sige na po, Daddy. Ibili na ninyo ako ng computer. Mas madali akong makapag-
research at mas mabilis akong makapagmakinilya ng aking mga assignment,” ang paliwanag
ni Jon-Jon sa kanyang ama.
“Ano? Ipagpapalit ako ni Jon-Jon sa computer? Hindi na ba ako mahal ni Jon-Jon?
Paano na niya ako malilinis kung may computer na siya? Ano na ang mangyayari sa akin?”
Ang tanong ni Maki Nilya.
Kinabukasan, may bagong computer na si Jon-Jon. Malungkot na malungkot si Maki
Nilya. Nainggit siya nang ilagay ito sa ibabaw ng matibay at bagong lamesa. Sinisimangutan
niya si Kom Pyuter kapag nakikita niya itong nakatingin sa kanya.
“Okey ang computer mo, Jon-Jon,” ang sabi ng kanyang Daddy. “Mapagagaan at
mapabibilis mo ang iyong mga gawain dahil madali kang makapagbubura kung may mali
kang nai-type. “Hindi pa mabubura o mawawala ang mga impormasyong minakinilya mo.”
Madalas mag-unahan sa paggamit ng computer si Jon-Jon at ang kanyang mga kapatid..
Nagkakaroon tuloy sila ng pagtatampuhan.
Isang araw, ibinalita sa radyo na maghapong magba-brownout sa lugar nina Jon-Jon. Hindi
makapagkompyuter si Jon-Jon. Ipapasa pa naman niya ang kanyang report sa kanyang guro
bukas ng umaga.
“Anong gagawin ko?” ang tanong niya. May naisip si Jon-Jon. Nilapitan ni Jon-Jon si Maki
Nilya at nilinis ng malambot na puting papel.
“Kailangan din kita,” Ang sabi ni Jon-Jon kay Maki Nilya. “Ikaw yata ang unang gamit na
iniregalo sa akin ni Daddy noong magtapos ako ng Kinder. Alaagaan at gagamitin din kita
lagi katulad ng computer,” ang sabi ni Jon-Jon. Mula noon hindi na malungkot si Maki
Nilya. Nginingitian na niya si Kom Pyuter.
1. Bakit nalungkot si Maki Nilya?
a. Bihira na siyang gamitin ni Jon-Jon at puno na siya ng alikabok.
b. Inaway siya ni Kom Pyuter.
c. Nagmukha na siyang basura dahil hindi na siya kailangan ni JonJon.
d. Itatapon na siya ni Jon-Jon dahil pangit na ang hitsura nito.

2. Bakit dati-rati’y tuwang –tuwa siya kapag umuupo na sa kanyang harap si Jon-Jon?
a. Naaalagaan pa siya ni Jon-Jon at nalilinisan.
b. Nararamdaman niyang siya ay kapakipakinabang dahil ginagamit siya ni Jon-Jon
at niliinis pagkatapos siyang gamitin nito.
c. Hinahawakan ni Jon-Jon ang mga letra at bilang na nakakabit sa kanya.
d. Nilalaro-laro ni Jon-Jon ang mga letra at bilang na nakakabit sa kanya.

3. Ano ang pinag-uusapan ni Jon-Jon at ng kanyang Daddy?


a. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagtapon sa makinilya at pagbili ng bagong
computer.
b. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagbili ng bagong computer at ipamigay na
ang makinilya.
c. Pinag-uusapan nila na ilagay na sa bodega ang makinilya at bumili na ng
computer para mas mapadali ang kanyang gawain sa pagreresearch at hindi na
siya magbubura sa tuwing nagkakamali siya ng naitayp.
d. Pinag-uusapan nila ang tungkol sa pagbili ng bagong computer dahil mas
mapapadali ang kanyang gawain sa pagreresearch at para na rin makapaglaro
siya online kasama ang kanyang mga kaibigan.

4. Ano ang naisip at nadama ni Maki Nilya nang marinig niya ang paguusap ng mag-
ama?
a. Nalungkot siya dahil mawawalan na siya ng silbi kay Jon-Jon at naisip din niyang
di na siya maaalagaan nito.
b. Nalungkot siya dahil naisip niyang hindi na siya gagamitin ni JonJon at itatapon
na siya nito.
c. Natuwa siya dahil sa wakas ay makakapagpahinga na siya.
d. Masaya siya dahil hindi na siya pag-aagawan ng mga kapatid

5. Paano nakakatutulong ang computer sa iyo bilang mag-aaral?


a. Napapadali ng computer ang paggawa ng mga takdang aralin dahil posibleng
makakapagsearch tungkol dito at maaari na ring ipasa ito online sa pamamagitan
ng internet.
b. Ang computer na mismo ang gagawa ng takdang aralin at panonoorin na lamang
ito hanggang sa matapos.
c. Sa pamamagitan ng computer, nagkakaroon ng koneksyon sa pagitan ng guro at
mag-aaral sa mga panahong kinakailangan.
d. Lahat ng nabanggit maliban sa letrang ___. Isulat kung anong titik ito.
Gawain 2
Bilugan ang mga salitang magkatugma sa bawat bilang.

1. kawayan, langgam, bayan

2. gatas, patatas, itlog

3. tulya, matanda, silya

4. maganda, matanda, mayumi

5. matalas, pantas, matatas


SCIENCE 5
SUMMATIVE TEST

Activity 1:
Directions: After reading about physical and chemical properties, identify what property is
possessed by the sample materials listed below. Choose your answer inside the box.

Combustibility Flammability/Combustibility

Brittleness Ductility Elasticity


Activity 2:
Direction: Look at the illustrations below. Identify the type of change in matter. (Physical or
Chemical Change)
MUSIC 5
SUMMATIVE TEST

Gawain 1
Panuto: Kilalanin ang duration ng mga sumusunod na note at rest. Isulat ang sagot sa
patlang.

Gawain 2:
Tukuyin ang rhythmic syllable ng mga sumusunod na nota. Isulat ang sagot sa patlang.

1.

2.

3.

4.
5.
ARTS 5
SUMMATIVE TEST
Gawain 1.
Panuto: Pagtambalin ang mga paglalarawan sa hanay A sa mga tinutukoy nito sa Hanay B.
Isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang.
Gawain 2.
Iguhit sa loob ng kahon ang larawan na nasa ibaba gamit ang Crosshatching at Contour
Shading.
PHYSICAL EDUCATION 5
SUMMATIVE TEST
Gawain 1
Gawain A.
Panuto: Piliin mo ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_____1. Anong klaseng lugar ang dapat mong isaalang-alang kung ikaw ay maglalaro ka ng
striking/fielding game?
A. malawak na lugar C. patag na lugar
B. malawak at patag na lugar D. patag at may malambot na lupa

_____2. Ang larong Sipaang Lata ay tinatawag din na _____.


A. Kick the Can C. Kick that stick
B. Kick the Ball D. Kick and Spike
_____3. Anong kagamitan ang kailangan mong gamitin kung maglalaro ka ng
Siyato?
A. lata C. maliit at malaking patpat
B. bola D. malawak na lugar

_____4. Ang Sipaang Lata ay pinaghalong larong _____


A. Batuhang Bola C. Patintero
B. Tumbang Preso D. Habulan at Taguan

_____5. Alin sa mga sumusunod na kaangkupang pisikal ang HINDI naidudulot sa paglalaro
ng Siyato?
A. muscular endurance C. muscular strength
B. bilis D. tatag ng puso at baga

Gawain 2
Isulat kung Tama o Mali ang mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa patlang

__________1. Ang Softball ay isang uri ng laro na isinasagawa ng dalawang


magkatunggaling pangkat.

__________2. Ang batter ang magbibigay sa pitcher ng bola sa pamamagitan ng


paghagis nito.

__________3. Kung nasalo ang bola ng mga fielders o taya, kailangan ng


manlalarong tumigil sa alinmang base siya inabutan.

__________4. Ang manlalaro na makababalik sa homebase na hindi nataya ay


makakakuha ng 4 na puntos.

__________5. Ang softball field ay hugis diamante na may 4 na base at isang


homebase.
HEALTH 5
SUMMATIVE TEST
Gawain 1
Panuto: Nasa loob ng kahon ang mga sitwasyong may maayos at hindi maayos na relasyon.
Alin dito ang maisusulat mo sa kaukulang talahanayan sa ibaba? Isulat ang iyong sagot sa
tamang hanay.

Maayos na Relasyon Hindi Maayos na Relasyon


1. 1.

2. 2.

3. 3.

Gawain 2
Panuto: Isulat sa patlang ang S kung sang-ayon ka sa isinasaad ng bawat pahayag at HS
naman kung hindi ka sang-ayon.

_________1. Ang mabuting pakikisalamuha sa ibang tao ay nakapagdudulot ng malubhang


sakit.
_________2. Ang magandang pakikitungo sa kapwa ay makapagbibigay ng kasiyahan at
kagaanan ng nararamdaman.
_________3. Mapananatili ang magandang kalusugan sa pamamagitan ng maayos na
pakikipagrelasyon sa bawat tao.
_________4. Mahalaga ang suporta at pagmamahal mula sa pamilya upang maiwasan ang
tensiyon na nagiging sanhi ng pagkakasakit.
_________5. Magiging madali ang paggaling ng isang tao mula sa karamdaman kung
marami siyang nakukuhang suporta mula sa mga mahal sa buhay.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
SUMMATIVE TEST

Gawain 1
Panuto: Isulat ang salitang nakakabuti kung ang mga gawain ay may magandang
naidudulot ang panonood ng telebisyon at di nakabubuti kung ito ay nakasasama.

1. ___________________ Nakapaghahatid ng balita.


2. ___________________ Maaaring gayahin ng kabataan ang mga napapanood na di angkop
sa kanilang edad.
3. ___________________ Paraan ng komunikasyon.
4. ___________________ Nakapagpapalabo ng mata.
5. ___________________ Updated sa mga nangyayari sa loob at labas ng bansa.

Gawain 2
Panuto: Kilalanin kung totoo o fake ang sumusunod na impormasyon. Iguhit ang masayang
mukha kung totoo at malungkot na mukha naman kapag peke.

_________1. Ibinalita sa diyaryo ang tungkol sa pagputok ng Bulkang Taal.

_________2. May patalastas na bagong produkto para kumintab sa isang iglap ang buhok.

_________3. Ibinabalita ni Jessica Soho ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo.

_________4. May impormasyon kang natanggap na mabisang gamot ang bawang sa pagpuksa

ng Covid 19 virus.

_________5. Sinasabi ng iba na ang virus na sanhi ng sakit na Covid 19 ay namamatay sa mga

lugar na maiinit ang klima.

You might also like