You are on page 1of 2

FILIPINO

Unang Lagumang Pagsusulit


Ikalawang Markahan

PANGALAN _____________________________ Seksyon_____________________

ANG TAKDANG-ARALIN
Melanie O. Laniog

“Mga bata huwag kalimutang gawin ang inyong takdang-aralin sa Filipino”,


ang bilin ni Gng. Laniog. Kinabukasan maaga pang naligo at umalis ng bahay si Lito.
Niyaya niya ang kaniyang kaibigan na pumunta sa isang malapit na computer shop
sa bayan. “Lito dito ka na sa tabi ko umupo para sabay nating laruin ang paborito
kong on-line game,” yaya sa kanya ni Dan. “Sige Dan, dito na lang ako sa isang
computer, may ireresearch kasi ako tungkol sa takdang-aralin namin kay Gng.
Laniog kailangan may magawa at may maisasagot ako sa Lunes.” Ang tugon naman
ni Lito. “Ganun ba, akala ko kasi maglalaro tayo.” Panghihinayang na sagot ni Dan.
“Ay! oo nga pala, mabuti ipinaalala mo sa akin kaibigang Lito, may takdang aralin din
pala kami kay Gng. Taduran. kailangan ko ring magresearch.” Bulalas nito. Halos
magkasabay nga nilang natapos ang kanilang ginawang takdang-aralin. Masayang
umuwi ang dalawa. Pagdating ng Lunes, parehong nakatanggap ng papuri mula sa
kanilang guro at mga kaklase sapagkat marami silang naibahaging kaalaman tungkol
sa kani-kanilang araling tinalakay.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Sino si Gng. Laniog?

2. Saan pumunta ang magkaibigang Lito at Dan upang magresearch?

3. Paano naakit ni Lito si Dan na gumawa ng takdang aralin?

4. Bakit kailangan mong gawin ang mga takdang araling ibinibigay ng guro?

5. Dapat bang tularan ang dalawang magkaibigan? Bakit?

. Gamit ang mga sangguniang nasa loob ng kahon, Isulat sa puwang ang sangguniang
dapat gamitin upang matugunan ang hinihingi ng bawat bilang.

____ 6. Ano ang pinakamalaking bansa sa Asya?


____ 7. Ano ang kasingkahulugan ng salitang mabini?
____ 8. Ano ang pinakasikat na pelikula noong 2018?
____ 9. Ano ang tamang bigkas ng salitang palatuntunan
____ 10. Sino ang pinakamagaling na manlalaro noong 2018?

B. Lagyan ng tsek ang pahayag na gumagamit ng magalang na pananalita.


_________11. Puwede po bang mahiram ang malaking Atlas?
_________12. Gusto kong gumamit ng globo, titser !
_________13. Puwede ko po bang ipasok ang aking tsinelas sa loob ng silid-aklatan?

 Panuto: Gamitan nang angkop na pang-uri.Piliin ang titik nang tamang sagot.
14. _____ ang mga manlalaro ng basketbol.
A. Mababa B. Masasaya C. Matangkad
15. Ang mga prutas at gulay sa probinsya ay ________.
A. sariwa B. lanta C. bulok
16. _____ ang klima sa Lungsod ng Baguio.
A. Mainit B. Malamig C. Mahangin
17. _____ magtrabaho ang diyanitor sa palengke.
A. Mabagal B. Tamad C. Masipag
18. Ang mga barangay tanod sa aming lugar ay _____ nag-iikot upang masigurado ang
katahimikan.
A. bihira B. malimit C. palaging
Gamitin ang angkop na pahiwatig sa pagbibibgay ng kahulugan.Piiliin ang titik na
nagsasabi kung paano ito binigyan ng kahulugan.

a. Kasingkahulugan
b. pormal na depinisyon
c.pagbibigay ng halimbawa

19. Lantad o hayag sa katotohanan ang mga kabataan ngayon.

20...Ang sinampay ay paglalagay ng mga damit,panyo,shorts,kumot at iba pa.

You might also like