You are on page 1of 3

BIYERNES SA IKAAPAT NA LINGGO NG

APATNAPUNG ARAW NA PAGHAHANDA


Panalangin Pambungad
Ama naming makapangyarihan,
Ipinaglaan mo kami ng kaukulang tulong
Na sa aming kahinaan ay iyong itinutugon.
Ang iyong kaloob sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan
Ay makamtam nawa namin nang buong kaligayahan.
Sa pagtanggap naming nito,
Kami nawa’y makapamuhay ayon sa inaasahan mo
sa pamamagitan ni Hesukristo
Kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.

Panalangin Ukol sa mga Alay


Ama naming lumikha,
Ang paghahaing ito
Sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan
Ay siya nawang magpagindapat
Na kami’y maging lalong dalisay
Sa pagharap sa iyo
sa pamamagitan ni Hesukristo
Kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.
IKALAWANG PAGBUBUNYI O PREPARASYO SA
APATNAPUNG ARAW NA PAGHAHANDA PARA SA
PASKO NG PAGKABUHAY
P: Sumainyo ang Panginoon
B: At sumainyo rin
P: Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
B: Itinaas nanamin sa Panginoon.
P: Pasalamatan natin ang Panginoon nating Diyos.
B: Marapat na siya ay ating pasalamatan.

P: Ama naming makapangyarihan


Tunay ngang marapat
Na ikaw ay aming pasalamatan
Sa pamamagitan ni Hesukristo
Na aming Panginoon.
Sa pagbabakasakali mong kami’y bubuti,
Isinugo mo si Hesukristo upang pangunahan kami.
Bilang pagsunod sa iyong atas na bigay,
Ipinahahayag ng iyong Anak ang iyong kalooban
Na ang mga api’t dukha ay kanyang damayan.
Ngayon ay iyong inihahandog ang pagkakataong aming
maisaloob ang kanyang ganap at kusang paglilingkod
Upang sa iyo’y lagi kaming makasunod.
Kaya kaisa ng mga anghel
Na nagsisiawit ng papuri sa iyo
Nang walang humpay sa kalangitan,
Kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.
Panalangin pagkapakinabang
Ama naming mapagmahal,
Kaming mga nakikinabang ay loobin mong bumagtas
Mula sa dati naming pagsuway na aming tinatalikdan
Pagtungo sa pamumuhay na iyong pinababanal
Sa pamamagitan ni Hesukristo
Kasama ng Espiritu Santo
Magpasawalang hanggan.

You might also like