You are on page 1of 7

Pambungad na Panalangin

P:Manalangin tayo. Tumahimik


Ama naming makapang-yarihan, kaming
mga tinubos ay tunghayan mo ngayon sa
iyong
kagandahang-loob upang sa
pagsampalataya sa Anak mong
si Kristo makamtan ang kalayaan at
pamana sa piling mo sa
pamamagitan niya kasama ng
Espritu Santo magpasawalang
hanggan.
B—Amen.
Panalangin ukol sa mga Alay
P—Ama naming Lumikha,
sa paghahain ng banal na pagpapalitan
ng iyong mga kaloob at ng aming alay
kami’y pinapagsasalo mo sa iyong
buhay na namumukod-tangi at walang
kapantay. Ipagkaloobmong ang aming
pakikinabang sa iyong pakikisamang
aming maaasahan ay siya ring umiral sa
aming pamumuhay araw-araw sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
B—Amen.
Prepasyo (Pagkabuhay IV)
P—Sumainyo ang Panginoon
B—At sumaiyo rin.
P—Itaas sa Diyos ang inyong
puso at diwa.
B—Itinaas na namin sa Panginoon.
P—Pasalamatan natin ang
Panginoong ating Diyos.
B—Marapat na siya ay pasalamatan.
Ama naming makapangyarihan, tunay ngang
marapat na
ikaw ay aming pasalamatan ngayong
ipinagdiriwang
ang paghahain ng Mesiyas, ang maamong tupa na
tumubos sa
aming lahat. Siya’y talagang maaasahan
at ang katapatan niya sa pananagutan ay siyang
bumago sa dating pamumuhay sa sangkatauhang
namihasa sa
pagkasalawahan. Ang dangal ng tao ay ganap na
itinampok
upang mamana namin sa pakikipagkapatid kay
Hesus.
Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng
papuri sa
iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y
nagbubunyi
sa iyong kadakilaan
Panalangin Pagkapakinabang
(Tumayo)
P—Manalangin tayo. (Tumahimik)
Ama naming mapagmahal,
manatili kang kapiling ng
iyong sambayanan na ngayo’y
pinapakinabang mo sa iyong
sariling buhay at gawin
mong kami’y pasulong na
makahakbang mula sa dati
naming pagkamakasalanan
patungo sa pagbabagong
nagdudulot ng iyong kabutihan Sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang
hanggan.
Pagtatalaga
Tagapamahala: Ngayon ay gaganapin natin ang pagtatalaga
ng mga tagapaglingkod ng dambana na nagnanais
paglingkuran si kristo at isabuhay ang mg autos niya.
Reberendo ____________________ narito ang mga batang na
humihiling na sila ay maitalaga bilang linkod ng dambana.
PARI: Kapatid, Inihanda mo ba silang Mabuti upang
maunawaan nila ang papasukin na Gawain?
Tagapamahala: Opo, Padre
PARI: Sagutin niyo ang mga katanungan.
Tinawag kayo ng PANGINOON upang sumunod sa
kanya. Kayo ba ay nakahandang tumugon sa tawag niya?
Sacristan: Opo, nakahanda po kami.
PARI: Handa ba kayong sumunod sa gabay ng Espiritu Santos
sa buhay Ninyo?
Sacristan: Opo, nakahanda po kami.
PARI: Bilang mga lingkod sa dambana nakaanda ba kayong
tuparin ang mga tungkuling iaatas sa inyo?
Sacristan: Opo, nakahanda kami.
PAGBABASBAS NG KASUOTAN
Tagapamahala: Ngayon ay babasbasan ang mga kasuotan na
gagamitin sa paglilingkod
PARI: MANALANGIN TAYO.
Ama naming mapagmahal na pinagmulan ng lahat ng
biyaya, narito ang mga kasuotan ng iyong mga lingkod.
Basbasan mo ┼ ang mga ito tanda ng kalinisan na tinanggap
nila noong sila ay binyagan. Hinihiling naming ito sa
pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Tagapamahala: Amen.
TAGAPAMAHALA: ngayon isusuot sa mga bagong talaga
ang kanilang kasuotan sa paglilingkod.

PARI: Diyos na maawain, ibinigay mo sa amin si kristong


anak mo hindi upang paglingkuran kundi maglinkod sa ngalan
ng pag-ibig, ibinuwis niya ang kanyang buhay sa krus upang
iligtas ang sanlibutan. Hinihiling naming na basbasan mo ang
mga batang ito na tinawag mo upang maging lingkod ng
iyong dambana. Hinihiling naming ito sa pamamagitan ni
hesukristo na aming panginoon.
Amen
Palakpakan po natin ang mga bagong tagapaglingkod ng
dambana

You might also like