You are on page 1of 4

Mga dapat iwasan saPAGPUPULONG

1.Mr Huli=parating huli

2.Mr Umali=maagang umaalis

3.Mr Sira=sirang plaka

4.Mr Duda=parating nagdududa

5.Mr Iling=lagging umi iling iling


6.Ms Gana=walang gana

7.Mr Whisper=bulungero

8.Mr Apeng Daldal=daldalero

9.Ms Tsismosa=nagdadala ng kung anuanung balita

10.Mr Henyo=nagmamagaling

11.Mr Pal=paalis alis

12.Mr Tang=tagasunod

Repleksyon:

Sa paksang ito, natutunan kong dapat palagi tayong aktibo at dapat nakikinig sa ano mang bagay lalo
na kapag nakakabuti ito para sa atin. Sa pagpupulong, kailangang lahat ng miyembro ay nakikibahagi
at tumutulong sa ano mang pinag-uusapang paksa. Sa ganong paraan, matatapos ang pagpupulong ng
may pagkakaintindihan at pagkakaisa sa bawat miyembro. Katulad sa ating mga ugnayan, kailangan
ang pagkakaunawaan at pagtanggap sa bawat isa upang maging mas matatag ang ugnayang taglay.
Sa buhay, kailangan nating magtulungan at magkaisa upang matapos ang ang ano mang pagsubok ng
mas mabilis at maayos.
POSISYONG PAPEL

Repleksyon:

Ang aming napiling paksa sa aming posisyong papel ay tungkol sa teenage pregnancy sa buong
bansa. Ang paksang ito ang nagpamulat sa aking kaisipan tungkol sa mgaepekto ng maagang
panganganak o pagkabuntis. Ang teenage pregnancy ay parang hindi kinakakatakutan ng mga tao
dahil sa alam nila ay madali ang pagpapalaki ng bata. Sa kabilang dako,nadadamay ang mga magulang
natin dahil sa ating mga ginagawa kung kayat sila ang namomroblema. Hindi madali ang pagpapalaki
sa isang bata.Hindi gusto ng ating mga magulang na maranasan natin ang mga naranasan nilang
paghihirap sa pagpapalaki nila sa atin.Gusto nilang makapagtapos muna tayo ng pag aaral saka tayo
humanap ng ating mapapangasawa para hindi tayo mahirapan ng husto.Mag aral muna tayo para
saating kinabukasan at para rin sa ating mga magulang.
Bagnen,lugar kung saan ako lumaki,kung saan ako ipinanganak at kung saan ako unang
natuto.Napakatahimik ang lugar na ito,payapa ang pamumuhay ng mga tao at pagsasaka ang kanilang
trabaho.Dahil sa hirap ng pamumuhay,marami ang umalis para magtrabaho dahil sa kagustuhan nilang
mabigyan ng maayos na pamumuhay ang kanilang pamilya.Minsan,nagkakaroon ng pangamba at takot
ang mga mamamayang nakatira dito dahil sa biglaang sagupaan ng mga NPA at mga sundalo.Hindi ko
masasbing ang mga tao dito ay mababait at may pagkakaisa pero parang ganon na nga.Ang mga
mamamayan dito ay nagtutulungan at nagdadamayan.Marami ring mga magagandang tanawin
dito;mga rice terraces,mga bundok na pwedeng akyatin,mga ilog na pwedeng languyin at mga
kweba.Pinapakita ng larawang ito ang kapayapaan ng mga taong namumuhay dito at ang lugar na
kailanman ay walang katulad.

Repleksyon:

Sa tagal na panahong paninirahan doon, nagkaroon ako ng maraming alaala.Dito ako unang umibig sa
isang taong hindi kaibig-ibig.Dito ako nagkaroon ng maraming masasaya at masalimout na alala.Mga
masasayang ala-ala naming magkakapamilya at mga kaibigan.Dito rin ako natutu kung paano
makipaglaban at kung paano tumayo sa sariling mga paa.Ang lugar na ito ay parang kapamilya ko na
rin na hindi ko makakalimutan dahil dito nagsimula ang lahat. Gusto kung ipaalam o kayay sabihin na
“there’s no other place like home”.

You might also like