You are on page 1of 1

Kasaysayan ni San Agustin

Si San Agustin ang pinaka-dakilang Ama ng simbahan, isa sa mga dakilang henyo ng
sangkatauhan, na ang impluwensiya ay patuloy na pinakikinabangan ng daigdig hindi lamang sa
larangan ng pananampalataya, kundi gayon din sa pilosopiya, panlipunan (social) at pulitikal na
kamulatan. Kaya siya ay kabuuan ng isang masaganang pagkatao (profound personality): bilang
isang dalubhasa sa pilosopiya at teknolohiya, makata, mananalumpati, manunulat, isang batikan
sa larangan ng pakikipagtalo at balitaktakan (polemicist) sa pagtatanggol sa tunay na kaalaman,
ito ay ginamit niya sa pagtanggol sa “Turo ng Simbahan: kakaiba at paghihiwalay sa simbahan
(schismatic) at mga sanhi ng maling kaalaman (heretics)”. Siya ay humantong sa mataas na antas
ng pagsulong sa larangan ng Espirituwalidad (Mystic) at higit sa lahat, siya ay isang masunuring
alagad ng Panginoon. Nasumpungan sa kanya ang kabuuan ng kaalamang Kristiyano
(synthesis of Christian thought) at naging mahalagang batayan ng kaalamang kanluranin (Western
thought).

You might also like