Professional Documents
Culture Documents
Ang likas na yaman (tinutukoy sa ekonomika bilang yamang lupa, lupain o hilaw na
materyal) ay likas na nagkakaroon sa loob ng mga kapaligiran na hindi gaanong ginagambala ng tao, sa
isang likas na anyo. Kasalasang binibigyan ng katangian ang likas na yaman sa laki ng kaibahan ng
biyolohika na mayroon sa iba't ibang mga ekosistema.
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente at sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong
bahagi ng mundo. Ang kontinenteng ito ay ang pinakamalaking lupalop sa buong mundo at tinaguriang
isa sa pinagsibulan ng mga dakilang Kabihasnan na nagpabago at humubog sa kaisipan at paniniwala ng
mga tao sa daigdig nating ito.Ilan sa mga kilalang kabihasnan na nagmula dito sa Asya ay
ang kabihasnang Tsina,India, Mesopotamia, Persia at kabihasnang Armaiko na may dalawang sangay-
ang Israel at arabo. Sa Asya rin matatagpuan ang Karagatang Indian, Dagat Timog Tsina (ang
pinakamalaking dagat sa mundo), Karagatang Pasipiko at Karagatang Artiko. Ang Europa ang kadikit
nitong continente na pinaghiwalay lang ng mga hangganan ng kabundukan ng URAL, Dagat ng
caspian,Itim na dagat at ng kabundukan ng Cawkasus. Ang Suez Canal naman ang siyang hangganan
nito bago dumating sa bansang Ehipto ng kontinenteng Aprika. Sa dami ng mga pangkat ng lahi ng mga
tao, ang Asya pa rin ang nangunguna at patuloy na yumayabong sa paglabas nito patungo sa iba pang
mga bansa at pagdagsa din dito ng mga ibang lahi ng tao mula sa kontinente ng Europa, Amerika at
Afrika.
Mga Anyong-lupa
Bilang pinakamalaking kontinente sa buong
mundo, matatagpuan sa Asya ang iba't ibang
anyong-lupa
1. Bundok at Bulubundukin - ang bundok ay
ang anyong-lupa na nakaangat mula sa lebel
ng dagat ( sea level ) at may taas na umaabot sa