You are on page 1of 2

1.

Caspian Sea
Saan: Matatagpuan sa Kazahkstan, Turkmenistan, Iran, Georgia, Azerbaijan at
Armenia.
Kahalagahan: Pinakamalaki at pinakamahaba sa buong mundo. Ang
pinakamalaking lawa sa daigdig kung susukatin ang lapad nito. Ang lapad ay
394,299 km, ito ay higit na malaki kahit pa pagsama-samahin ang sumunod na anim
pang mga lawa. Marami itong langis at natural na gas na makukuha at mamimina sa
paligid nito.
2. Lake Baikal
Saan: Matatagpuan ito sa timog ng Rusya sa rehiyon ng Siberia, sa pagitan ng Irkutsk
Oblast sa hilagang-kanluran at Republika ng Buryat sa timog-silangan.
Kahalagahan: Ito ang lawang tabang sa daigdig na may pinakamaraming bolyum, na
naglalaman ng halos 20% ng mga di-nagyeyelong tubig tabang, at nasa lalim na 1,637
metro (5,371 talampakan), ang pinakamalalim. Isa rin ito sa mga pinakamalinaw sa
lahat ng mga lawa, at inakalang ang pinakamatandang lawa sa daigdig sa 25 milyong
taon. Ito ang ikapitong pinakamalaking lawa sa mundo ayon sa sukat ng kalatagan nito.
3. Huang Ho
Saan: Matatagpuan ito sa China. Nagmumula sa Bulubunduking Bayan Har sa
lalawigan ng Qinghaisa kanlurang Tsina.
Kahalagahan: Ito ay ang ikalawang pinakamahabang ilog sa Tsina at nagsilbing
pangunahing daanan ng mga barkong nangangalakal.
4. Fertile Crescent
Saan: Matatagpuan sa silangang bahagi ng Mediterranean patungo sa Tigris-Euphrates
Rivers hanggang Persin gulf.
Kahalagahan: Ang fertile crescent ay ang pinagusbungan ng kauna-unahang
kabihasnan
5. Banaue Rice Terraces
Saan: Matatagpuan ito sa mga lalawigan ng Apayao, Benguet, Lalawigang
Bulubundukin at Ifugao.
Kahalagahan: Ang kahalagahan naman nito ay pinagkukunan ito ng kabuhayan tulad
ng pagsasaka at isang Pook na Pamanang Pandaigdig ng UNESCO. Isa sa mga
binansagang World Heritage Site ng UNESCO (United Nations Educational, Scientific,
and Cultural Organization) at ikawalo sa mga kahangahangang pook sa buong mundo.
Ang hagdan-hagdang palayan ay ang kaisa-isang istruktura sa Pilipinas na walang
ipinapakitang impluwensiya mula sa mga dayuhang mananakop. Dahil sa masalimuot
na topograpiya ng Cordillera, nahirapan ang mga dayuhan na makarating sa kanilang
lugar. Ang mga tribong nakatira rito ay ilan sa mga kaunting Pilipinong matagumpay na
tumanggi sa dominasyon ng mga dayuhan at nagpakita ng kanilang sariling kultura at
tradisyon.
6. Khyber Pass
Saan: Matatagpuan ang Khyber Pass sa pagitan ng hilagang Pakistan at kanluranin
Afghanistan.
Kahalagahan: Ang kahalagahang nito ay naging isa ito sa pinakalumang daanan at
rota ng kalakalan sa pagitan ng Central Asia at South Asia. Kilalang landas at tinahak at
ginamit ng manlalakbay upang makarating sa India
7. Mount Everest
Saan: Matatagpuan sa pagitan ng Nepal at China (Tibet) na may taas na 27"59"17 N o
27 degrees. Ito ay 59 minutos at 17 segundo Norte ng Equator. At mayroon ding haba
na 86"53'31"N o 86 degrees at matatagpuan sa gitna ng bulubundukin ng Himalayas sa
hangganan ng Tibet at Nepal.
Kahalagahan: Ang Mount Everest ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo
na may taas na 8,848 metres (above sea level). Ang mga pinakaunang mga Timog
Silangang Asyanang nakaakyat dito ay sina Noelle Wenceslao, Janet Belarmino at
Carina Dayondon. Mahalaga ang Mt. Everest dahil dito napapag aralan ang mga
Tectonic Plates, weather systems at high altitude atmospherical environment. Mahalaga
din ito sa ekonomiya ng Nepal at Tibet dahil sa mga inaakit nitong turista. Ganun din
may kaakibat din itong spiritwal na importansya sa mga taga doon.
8. Borneo Rainforest
Saan: Sa Brunei (Borneo)
Kahalagahan: ang kahalagahan nito ay pwede mo siyang mapagkunan ng gamot o
pagkain at ito ay isa sa mga ipinagmamalaking kagubatan ng timog-silangang asya
kabundukan ng Himalayas sa timog. Kahagahan din nito ay pagpapanatili ng balance
environment.

You might also like