You are on page 1of 3

Ang Dagat Caspian ay ang pinakamalaking anyong tubig na nakapaloob sa Lupa ayon sa sukat,

minsan inuuri na pinakamalaking lawa sa mundo o isang dagat.[2][3] Mayroon itong endorheic
basin (isang basin na walang outflow) na matatagpuan sa pagitan ng Europa at Asya.[4] Ito ay
hinahangganan ng Kazakhstan sa hilagang-silangan, Russia sa hilagang-kanluran, Azerbaijan sa
kanluran, Iran sa timog, at Turkmenistan sa timog-silangan.
Matatagpuan ang Dagat Caspian humigit-kumulang 28 metre (92 ft) sa ibaba ng pantay-
dagat sa Caspian Depression, sa silangan ng Kabundukang Caucasus at sa kanluran ng malawak
na kapatagan ng Gitnang Asya. Umaabot ang sea bed sa katimugang bahagi nang kasimbaba ng
1,023 metre (3,356 ft) sa ibaba ng pantay-dagat, kaya ito ang ikalawang pinakamababang likas
na depression sa lupa kasunod ng Lawa ng Baikal (−1,180 metre (−3,871 ft)). Para sa mga
sinaunang nanirahan sa ang baybayin nito ang Dagat Caspian bilang isang karagatan, marahil dahil
sa alat at laki nito.

Ang Lake Baikal ay matatagpuan sa bahaging timog ng Siberia. Ito


ay nangangahulugang The Nature Lake sa salitang Mongolian. Ito ang itinuturing na pinakamalaking
anyo ng tubig tabang sa mundo.
Mahalaga ang Lake Baikal sa taglay nitong biodiversity.
Ang biodiversity ang ay tumutukoy sa pagkakaiba ng mga halaman
at hayop sa isang lugar.
Sa kasalukuyan, matatagapuan dito ang 1,000 uri ng halaman at 2,500
na uri ng hayop kung kaya naman pinahahalagahan ito upang mapanatili ang buhay
ng hayop at halaman na narito.

Ang Huang Ho naman ay mahalaga dahil dito rin ang naging tagpuan ng kabihasnang Shang . Ang
ilog Huang Ho rin ay tinawag na Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ng tubig nito ay nagiwan
ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito. Ang taunang
pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga tao dito sa
pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng mga
dike. May mga pamayanang sumilang dito. Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahing ito.
Kaya ang Huang ho ay matatagpuan sa Tsina.

Ang Fertile Crescent ay tinaguriang Duyan ng Sibilisasyon. Ito ay matatagpuan sa silangang baybayin ng
Mediterranean Sea. Ang mga bansa na may karapatan upang makinabang rito ay Iraq, Syria, Lebanon,
Cyprus, Jordan, Israel at etc.
Ang kahalagahan nito sa atin ay nagkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa sibilisasyong nabuo noon. Higit
rin itong nakatulong sa mga kalapit na bansa dahil sa masaganang suplay ng tubig para sa agrikultura.
Ang may dalawang libong taong gulang na Hagdan-hagdang palayan ng Banaue ay
inukit sa mga bulubundukin ng mga sinaunang katutubo na tinatawag na mga Batad sa
bansang Pilipinas. Ang Hagdan-hagdang Palayan ay kinikilala rin bilang ikawalong
wonder sa mundo.

Dahil noong unang panahon pa lamang ito nai-ukit sa bundok, kakaunting kagamitan
lamang ang ginamit ng mga sinaunang katutubo upang magawa ang obra na ito. Sila ay
dumepende sa kanilang sariling lakas at sa kanilang malikhaing kaisipan upang
magawa ang hagdan-hagdang palayan. Ang mga palay dito ay nadidiligan gamit ang
isang sinaunang irigasyon na nakakonekta sa mga kagubatan sa bandang itaas ng
palayan.

Ang pamosong palayan na ito ay matatagpuan sa Banaue. Ang bayan ng Banaue ay


isa sa mga siyam na bayan ng probinsiya ng Ifugao, na matatagupan sa Rehiyong
Administratibo ng Kordilyera. Ang bayang ito ay nasa hilaga ng Hungduan, silangan ng
Sabangan, kanluran ng Mayoyao at timog ng Bontoc at Barlig.
Ang bulubundukin kung saan inililok ang hagdan-hagdang palayan ay may mahigit-
kumulang na taas ng 1,500 metro at may lawak ng 10,000 kilometro kuwadrado. Dati rin
itong kinikilalang Hagdan-hagdang Palayan Patungong Kalangitan.

Ang khyber pass ay matatagpuan sa gitna ng mga bansang Pakistan at Afghanistan.


Ang khyber pass ay kumokonekta sa Peshawar ng Pakistan at Kabul ng Afghanistan.
Ang khyber pass ay ang daanang may haba ng apat na pu’t limang kilometro. Ang
kahalagahan ng khyber pass ay ang mga sumusunod na dahilan:

may malaking ginampanang papel sa paghulma ng kasaysayan ng India at sa mga


katabi nitong bansa.

nagsilbing pinaka-importanteng daanan ng mga mangangalakal na nagmumula sa kung


saan mang lupalop ng daigdig.

isang estratehikong lokasyong pangmilitar na nagamit ng napakaraming mananakop.

nagsilbing tulay sa gitna at timog Asya.

Upang malaman ang iba pang detalye ukol sa mga elemento ng kultura, maaaring
pumunta sa link na ito

Ang BUNDOK EVEREST (MT. EVEREST) ay matatagpuan sa pagitan ng


Nepal at Tibet na may taas na 27"59"17 N o 27 degrees. Ito ay 59 minutos at
17 segundo Norte ng Equator. At mayroon ding haba na 86"53'31"N o 86
degrees.
Nepal
Ang Mount Everest ay matatagpuan sa gitna ng bulubundukin ng Himalayas
sa hangganan ng Tibet at Nepal.

A ng kagubatan ng Borneo ay may lawak ng 427,500 square kilometers, at ito ay


nahahati sa iba’t-ibang mga eco-regions; ang kagubatan sa paanan ng bundok, ang
sentro ng kagubatan ng Borneo, at ang pastulan ng Kinbalu.
Ang limang rehiyon ng kagubatan sa paanan ng bundok ay natatangi sa isa’t isa dahil
sa kanilang klima at sa dumadaloy na ilog ng Kapuas at Barito na dumadaloy sa bawat
gubat. Ang mga ilog na ito ang pumipigil sa mga hayop na lumipat mula sa bawat
rehiyon ng gubat.

Asya bilang ang pinakamalaking kontinente sa buong mundo.


maaasahang makakakita ka ng maraming anyong tubig at lupa dito.
kalakalan

You might also like