Filipino 8 Modyul 1 Pretest

You might also like

You are on page 1of 3

Department of Education

Region VII
Division of Cebu Province
TAYUD NATIONAL HIGH SCHOOL
Tayud, Consolacion, Cebu

Panimulang Pagtataya sa Filipino 8


Modyul 1

Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa araling ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin mo
ang titik ng tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?


a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw-araw na pamumuhay.
b. Kuwentong-bayan na maaring kathang isip na pumapaksa tungkol sa mga pinagmulan.
c. Ito’y pasalin dilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang nilalang.
d. Ito’y kwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha ng daigdig at iba pa.
2. Pansinin ang alamat na nasa loob ng kahon.
“ Huwag kang makialam matandang
Ano ang kapuna-puna sa pangyayari?
hukluban! Bubunutin
a. makatotohanan naming lahat ng aming magustuhan upang
b. kapani-paniwala mailipat sa aming
c. posibleng maganap tahanan.” Sabay-sabay na nagtwanan ang
d. di kapani-paniwala mag kabataan.
“ Mga lapastangan! Hindi na kayo
3. Ano ang pinapakahulugan ng salawikaing nagpaalam ay sinira pa ninyo
“Anuman ang tibay ng piling abaka ay wala ang aking halaman. Mula ngayon kayo ay
aking paparusahan.” Hindi
ring lakas kapag nag-iisa”?
pinapansin ng mag kabataan ang sinabi
a. pakikisama b. pagtitiis c. pagkakaisa d. pakikipagkapwa
ng matanda, bagkus lalo pa
silang nagbulungan at naghagikgikan.
Hindikang
4. Matatapos na ang inyong breakime kaya nagmamadali nila namalayan
bumalik na unti-unti
sa inyong silid-aralan sapagkat ang
na pala silang lumiliit at tinutubuan
susunod na guro sa inyong klase ay mahigpit sa pagtatala ng attendance. Sa di inaasahan, nasaksihan mo ang
ng pakpak.
pagkahimatay ng isang mag-aaral. Ano ang iyong gagawin? Sila ay naging ganap na
bubuyog.
a. Ipagwawalang bahala na lamang ang nasaksihan Nagliparan
upang hindi mahuli sasila
klase. sa paligid ng
mag bulaklak habang
b. Pupuntahan ang guidance counselor upang ipaalam ang nangyari sa mag-aaral.
nagbubulungan. Bzzzzzzzz, Bzzzzzzz.
c. Tutulungan ang mag-aaral at ihatid siyaBzzzzzzzzzz
sa clinic para mabigyan ng paunang lunas.
d. Magpapatala muna ng attendane sa guro at ipaalam ang kanyang nasaksihan.

5. Usong-uso sa mga kabataan ang “fliptop”. Nais mong maging “in” sa bagong henerayon na iyong kinabibilangan
ngunit gusto mong maging makabuluhan ang nilalaman ng fliptop na iyong ibabahagi. Ano ang dapat mong
gawin?
a. Humalaw ng makabuluhang kaisipan mula sa karunungang-bayan ng ating panitikan.
b. Gayahin ang istilo ng isang sikat na rapper.
c. Mapagawa ng fliptop sa mahusay bumuo nito.
d. Mangopya ng mga fliptop sa napanood na video.

6. Namatay siyang malayo sa bayang sinilangan dahil sa pag-asam ng isang mas mabuting buhay para sa kanyang
mga minamahal. Anong salita ang binibigyang turing ng mga salitang nakahilig sa pangungusap?
a. siya b. malayo c. namatay d. pag-asa

7. Nag-umpisa ang palatun-tunan nang tanghali kaya naman pawisan ang mga nagsipagdalo. Ano ang binibigyang
turing ng salitang “tanghali”?
a. palatuntunan b. nagsipagdalo c. pawisan d. nag-umpisa

Hango sa Modyul 1, Salamin ng Kahapon… Bakasin Natin Ngayon, Gabay sa Pagtuturo ng FIlipino
8. Alam mo bang labis akong nalungkot sapagkat di-gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle
East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Ano ang gamit ng salitang may
salugguhit sa loob ng pangungusap?
a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing
b. nagpapakita ng katuwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon

9. Iniisip kong umuwi tuwing Pasko. Ano ang tinutukoy sa salitang nakahilig?
a. lugar b. panahon c. paraan d.pagsang-ayon
10. Ganoon pa man, tulad mo ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang aking mahal sa
buhay. Alin sa mga pangungusap ang pang-abay na panlunan?
a. Pasko b. mahal sa buhay c. sa bahay d. tawagan
11. Uri ng tulang dula na paligsahan tungkol sa isang singsing na nahulog sa dagat ng isang dalaga?
a. duplo b. karagatan c. pamanhikan d. Huego de Prenda
12. Alin sa mga dulang patula ang gumagamit ng tsinelas bilang palmatorya na ipinamamalo sa palad ng sinumang
nahatulang parusahan?
a. Huego de Prenda b. pamanhikan c. karagatan d. duplo
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang ginagamitan ng eupemistikong pahayag?
a. sumakabilang buhay para sa namatay c. buto’t balat para sa payat
b. magbuburo sa asin para sa hindi mag-aasawa d. papatay-patay para sa hipong tulog
14. Ayon sa pagkakasalaysay, ang uring ito na tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan
na naglalaman ng mga opinyon, saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o isyu.
a. tula b. sanaysay c. dula d. maikling kwento
15. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay suporta sa pangunahing ideya?
a. nagbibigay ng tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
b. madalas na itinatanong sa pagsusulit
c. nagbibigay daan upang matandaan ang mga detalye
d. susi para sa lubusang pagkilala sa pag-unawa at pangunahing ideya
16. Paano mo malalaman na haiku ang tula?
a. isang uri ng tula na may lima-pito- lima (5-7-5) na pantig at binubuo ng tatlong taludtod
b. tula na may 14 na taludtod
c. tula na may 12 sukat
d. tula na may sukat na 12 bawat taludtod
17. Ano ang ikinaiiba ng tanaga sa haiku?
a. tula na may 4 na taludtod , binubuo ng pitong pantig at naglalaman ng isang diwa ng makata
b. tula na may tig-5 taludtod sa bawat saknong
c. tula na may sukat at tugma
d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong
18. Kailan masasabing ang isang pamilya ay isang huwaran?
a. may ina, ama at mga anak c. nakatira sa maayos na bahay
b. may masaganang pamumuhay d. may pagmamahalan at respeto sa isa’t isa
19. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang huwarang pamilya?
a. magiging mapanagutang mamamayan c. hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
b. magiging sikat na mamamayan d. maayos ang pagpapalaki sa kanila
20. “Iilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at
nakikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang
malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi…”
Ano ang nais ipahiwatig sa sitwasyon?
a. may problemang hinaharap ang kaibigan
b. isang sanggol sa piling ng isang ina
c. naramdaman niya ang suliraning pampamilya
d. binabalikan ang mga pangyayari

’Ang lalagyang walang laman ay maingay.

Hango sa Modyul 1, Salamin ng Kahapon… Bakasin Natin Ngayon, Gabay sa Pagtuturo ng FIlipino
Hango sa Modyul 1, Salamin ng Kahapon… Bakasin Natin Ngayon, Gabay sa Pagtuturo ng FIlipino

You might also like