You are on page 1of 749

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] SH2: Lights, Camera, Slaughter!


[TOTALPARTS] 47
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
WAG PONG BABASAHIN :)
-------------------------------------------

*******************************************
[1] Author's Note
*******************************************
STORY UNDERCONSTRUCTION. DO NOT READ.

*******************************************
[2] Prologue
*******************************************

Genre : Mystery | Thriller | Romance

Rating : PG-13 (Foul words and gruesome scenrarios are possible)

Warning : This is a Sequel. Do not read this if you havent read SLAUGHTER HIGH to
avoid confusions.

Prologue

- - - - - -- - - - -

Isang taon na ang lumipas mula nang mangyari ang kagimbal-gimbal na massacre na
kumitil ng napakaraming buhay.

Isang taon matapos maging Slaughter High ang Provident High.

Isang taon ng pagluluksa at pangungulila.


Ang lahat ay nagsisikap magbagong buhay upang makalimutan ang bangungot ng kahapon.

Pero paano kung ang inakala nilang bangungot ng nakalipas ay bumalik?

Akala nila tapos na ang lahat pero hindi.

Sa isang grupo ng film students ay nagsisimula pa lang ang lahat.

Akala nila sila ang kailangang gumawa ng pelikula yun pala may gumagawa na nito.Ang
kailangan nalamang nilang gawin ay ganapan ang kanilang mga karakter at ipaglaban
ang kanilang buhay.

Walang mapagkakatiwalaan, Walang mapapaniwalaan.

LIGHTS... CAMERA... SLAUGHTER.....

*******************************************
[3] Chapter I : Scars
*******************************************

Sleepy's Note : Hi! Under revision pa ang story nato. Maguguluhan ka kapag binasa
mo to ngayon. If gusto mo talagang basahin then gora basta wag mo akong sisisihin
kung sakaling maguluhan ka. hahaha XD I'll try my best to edit this as soon as I
can. Medyo busy pa kasi ako sa school so yeah Patience is a virtue. Btw, This is
the sequel of SLAUGHTER HIGH.

- - - - - -- -- -
{ Robbie's POV }

Nagising akong mag-isa nalang sa auditorium. Madilim ang paligid at tanging ang
ilaw lang sa stage ang gumagabay sakin. Napatingin ako sa mga upuang katabi ko
lang ngunit wala nang katao-tao dito. Nyeta nagsi-uwian na ata silang lahat, di man
lang ako ginising.

Kinuha ko ang mga gamit ko at agad na lumabas mula sa auditorium. Makailang-ulit


kong pinindot ang elevator button ngunit walang umiilaw. Nyeta sira pa ata, magha-
hagdan nalang ako. Biglang nag-ring ang cellphone ko kayat dali-dali ko itong
sinagot --Isang unknown number...

"Sino to?" tanong ko habang humahakbang pababa ng hagdan ngunit wala akong
naririnig na sagot sa kabilang linya. Tanging malalim na paghinga lang ang
naririnig ko. Nakakilabot.

"Nyeta baho ng hininga mo, sino ka ba?!" Napasigaw na lamang ako. Nakakainis tong
mga prank callers, di ba nila alam na may trauma pa ako sa takutan.

"Long time no see Robbie"

Shit...Yung boses na yun...

Napako ako sa kinatatayuan ko't hindi ko naiwasang makaramdam ng matinding takot


lalong-lalo na nang makilala ko ang boses nito. Nakaramdam ako ng matinding takot
gaya nang naramdaman ko dalawang taon na ang nakakaraan sa Provident High...

Ngunit mas natakot ako sa katotohanang hindi nanggagaling ang boses sa telepono.
Nanggagaling ito sa mismong likuran ko!

"Dixon" mahinang bulong ko at agad na napalingon sa kanya. Nakakatakot ang tingin


niya, parang isang demonyo. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakangisi. Wala
akong ibang nakikita kundi poot at kasamaan...

"H-hindi...Patay ka na... Pinatay ka na namin" Yun na lamang ang mga salitang


lumabas sa bibig ko. Takot na takot ako, gusto kong tumakbo ngunit di ko magawa.
Bigla akong tinulak ni Dixon kaya nagpagulong-gulong ako sa hagdan...

Duguan akong bumulagta sa sahig habang hilong-hilo. Sigaw ako ng sigaw, humihingi
ng tulong ngunit walang nakakarinig sa akin. Sinubukan kong gumapang ngunit di ko
magawa dahil nakalabas na ang buto sa siko ko. Nyeta ayoko pang mamatay!

"Hindi ka makakaligtas Robbie. Magre-reunion na tayo sa impyerno" Tumawa si Dixon


at agad na inilabas ang isang maskara mula sa bulsa ng suot niyang jacket...
Maskara ng demonyo...

Napapikit na lamang ako at napasigaw sa abot ng makakaya sa pag-asang may


makakarinig at tutulong sa akin.

Biglang natahimik ang paligid kayat dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.

"And he's awake! Palakpakan!" Nagulat ako nang biglang bumungad sa akin ang teacher
kong kamukha ni Dracula. Nyeta for the first time masaya akong makita ang mukha
niya.

Hingal na hingal ako at pawis na pawis pero malaki ang pasasalamat ko dahil
panaginip lang ang lahat. Walang round 2 sa hagdanan at wala ang tangnang si Dixon.

Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sa akin ang lahat ng mga classmate ko,
yung iba nagtatawanan at yung iba halatang nawe-weirduhan sa akin.

"Rob okay ka lang?" Tanong sa akin ng kaklase kong si Curtis kayat tumango na
lamang ako kahit napakabigat parin ng hininga ko.

"Robbie Lloyd Chen ang classroom ay classroom, kung gusto mong matulog you can get
out of my class" Sermon sa akin ni Sir kayat tumayo na lamang ako at agad na
lumabas ng classroom. Sanay na akong mapagalitan, ano pa bang bago?

Dumiretso na ako sa locker ko at agad na ininom ang mga gamot kong pampawala ng
stress. Nang maisara ko ang locker ko ay bigla na lamang sumulpot si Ria sa tabi ko
kayat halos mapasigaw ako sa gulat.
"Dude are you okay? Youre sweating like shit!" Reklamo niya at agad na pinunas sa
akin ang panyo niya. Nyeta ano bang akala niya sa akin? Nazareno?

"Im okay, stop acting like mom" agad kong inilayo sa kanya ang mukha ko. Si Ria ang
nakababata kong kapatid. Tumigil ako ng isang school year kaya ngayon magkapareho
na kami ng kapatid kong nasa first year college.

"You cant blame me for worrying. Look at you kuya, para kang naliligo sa pawis
tapos ang putla-putla mo pa. Nainom mo na ba ang gamot mo?" Tanong sa akin ni Ria
kayat hindi ko maiwasang mainis.

"Look thank you sa concern pero wala akong sakit. Magaling na ako, I dont need
anyone's fcking help! Im alive and thats what matters!" Giit ko. Hindi ko
namalayang napalakas ko pala ang boses ko kaya nagtinginan sa akin ang mga tao sa
paligid. Dali-dali akong naglakad palayo ngunit sinundan parin ako ni Ria.

"For one year you did nothing but magkulong lang sa kwarto mo kuya, you keep on
saying na okay ka lang pero yung totoo okay ka lang ba talaga? Oo alam kong
magaling ka na, magaling na ang mga sugat mo pero yang sugat diyan sa kalooban mo
magaling na ba?"

Natigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang sinabi ni Ria.

"Magaling na ako, Its almost two years. Wala nga akong peklat eh" I assured her.
Napabuntong hininga na lamang ako at agad na isinilid ang mga kamay sa bulsa ko.

"Thats right, you dont have scars on your skin but how about on the inside? The
scars inside us are the worst. Nakakainis! I just want my brother back! I want
Robbie the idiotic Chen back! " Dagdag pa niya at nahalata ko sa boses niyang
naiiyak na siya kayat napakamot na lamang ako sa ulo ko at dali-dali siyang
inakbayan.

Eversince my brush with death, Ria changed. Hindi lang kaming mga biktima ng
massacre ang apektado, ganun narin ang mga pamilya namin.

"You never lost me Ria. You never will kaya pwede ba wag kang magdrama? Ang korni
mo para tuloy tayong yung mga nasa teleserye na kinaiinisan natin" Pag-iiba ko ng
usapan. "Tara sa canteen may mga tindang siopao daw dun. Ibebenta kita"
"Kuya naman eh!" Sigaw niya at agad akong hinampas.

- - - - - - - - - -

Habang namimili kami sa cafeteria ay bigla kong narinig ang breaking news sa TV.

"ISANG BUWAN NALANG BAGO ANG PANGALAWANG ANIBERSARYO NG MALAGIM NA MASSACRE NA


NAGANAP SA PROVIDENT INTERNATIONAL BOARDINGSCHOOL O MAS KILALA NA NGAYON SA BANSAG
NA SLAUGHTER HIGH. MATATANDAANG UMABOT SA HALOS DALAWAMPU ANG MGA BUHAY NA NASAYANG
NANG DAHIL SA KRIMEN NG BINATILYONG SI DIXON SANTINO. NGAYON AY NAGHAHANDA NA ANG
MGA PAMILYA NG MGA BIKTIMA PARA SA TAUNANG VIGIL PARA GUNITAIN ANG ALA-ALA NG MGA
YUMAO." Ulat nung babaeng reporter.

"Ale pakipatay nga ng TV!" Sigaw ni Ria na halos batuhin na ang tv kayat pinilit ko
nalang ang sarili ko na ngumiti.

Magda-dalawang taon na. Kamusta na kaya sina Kevin, Carly at Dominic? Matagal
narin kaming di nagkikita o nagkakausap. Sa pagkakaalam ko kabila't-kanan ang
appearance at interview ni Kevin sa mga tv station nang dahil sa mga nangyari.
Naging instant celebrity ata ang loko. Sina Carly at Dominic naman nasa New York
ata.

Sa New York rin sana ako mag-aaral kaso hindi nagbago ang isip ko't dumito nalang
ako sa Pilipinas. Kahit papaano'y

"Kuya yung phone mo umiilaw" Siniko ako ni Ria.

Nyeta sino na naman kaya to.

Tiningnan ko ang cellphone ko. May text message na dumating gailing sa isang
unknown number. Bigla akong kinilabutan nang mabasa ko ang mensahe....

From : +639**********

Malapit na ang reunion. See you soon Provident High Class 2012.
Nyeta anong reunion?

END OF CHAPTER ONE

*******************************************
[4] Chapter II : Team Timang
*******************************************

{ Erin's POV }

"I killed him! Hindi ko sinasadya! Please wag mo akong isusumbong!" Pagmamakaawa ko
sa kanya sabay luhod.

"Nakagawa ka ng Krimen! You have to surrender yourself!" Sigaw naman ni James sa


akin.

"And what rot in jail?!" Dahan-dahan kong inilabas ang kutsilyong nasa likuran ko.
"I already killed someone today james. Killing you wont make any difference. So ano
na? Will you keep my secret o ngayon din papatayin na kita?!" Sigaw ko sa kanya.

"CUT!!!" Sigaw ng teacher naming si Ms. Marie na ikinagulat namin and at the same
time ikinainis. Nakakapagod kayang magpaulit-ulit na umarte tapos icu-cut lang!

"Erin! Show some passion! Your eyes are too dead! Ikaw naman James wag masyadong
pa-cute! Mamamatay ka! Hindi makikipaglandian!" Sigaw sa amin ni Ms. Marie at agad
na nagtawanan ang lahat ng mga nanonood sa amin. "Aish! Let's call it a day.
Everyone get some rest!"
Hayy sa wakas! Its almost 6pm! Nakakagutom din tong parating umaacting!

"Remind me again bakit Performing arts ang kinuha kong kurso?" Pagod na daing ni
James at walang kagatol-gatol na humiga sa sahig.

"Because you want to be a hearththrob na pinipilahan ng chicks? Ay hindi, gusto mo


nga palang maging pornstar" Biro ko sa kanya habang inilalagay ang gamit ko sa bag.

"Erin Hope Eusebio bakit mo alam ang ambisyon ko sa buhay?" Biro rin niya pabalik
habang nakahiga parin sa sahig.

"Kasi yung kalandian mo nangingibabaw" Nagulat ako nang bigla na lamang may umakbay
sa akin. Si Curtis lang pala, bestfriend ko since highschool. Buti nalang talaga't
magkapareho lang kami ng pinasukang college! Gaya ng dati, kaagad kong pinasuot sa
kanya ang backpack ko. Siya talaga ang taga-dala ng gamit ko. hihihi

"Seryoso Erin bakit anlaki ng backpack mo ngayon? Ano ka magha-hiking? Grabe---


aray! aray!" Hindi na natapos pa ni Curt ang sinasabi niya dahil agad ko nang
pinisil ang ilong niya para tumahimik siya.

"Alam niyo kung hindi kayo mag-bestfriend aakalain talaga naming kayo na" Biglang
sabat ni Kitty na kararating lang din kasama ang boyfriend niyang si Milo kayat
agad kong binitawan ang ilong ni Curt. Actually magka-kabarkada talaga kami; Ako,
si Curt, Kitty, Milo, James at ang magkapatid na sina Ria at Robbie. Ang tawag sa
amin Team Timang.

"Yang mukhang yan boyfriend ko? Asa!" Sarcastic kong sigaw.

"Tss, di ko type ang walang boobs!" Sigaw naman ni Curt kayat dali-dali ko siyang
hinampas. Kakainis! Ginagawa pang issue ang boobs!

"Yan na naman kayo, mamaya di na naman kayo magpapansinan kasi nagkakapikunan" Awat
sa amin ni Kitty. Pero tama nga naman siya, kami lang ata ni Curt yung mag-
bestfriend na parang aso at pusa.

"Tara na nga kumain nalang tayo. Teka asan ang mga Chen? Hindi ba sila sasabay
satin?" Tanong ni Milo at agad na napatingin sa wristwatch niya.

"Kanina sa Bio101 tinopak ata si Robbie. Nakatulog tapos ayun nanaginip ata ng
masama at nagsisigaw sa classroom pinalabas tuloy ni sir" Kwento sa amin ni Curtis.
Hindi kami magkakaklase lahat, magkakaiba kasi ang courses namin ngunit nagkakilala
lang kami dahil sa mga tinitirhan namin. Nakatira kasi kaming lahat sa loob ng
campus. Roommate ko sina Ria at Kitty samantalang roommates naman sina Milo at
Curt.

"Hoy kayo ang roommates ni Robbie, may pinagdadaanan ba yun o sadyang nasobrahan
lang sa panonood ng horror movie collection niya?" Tanong naman ni Milo kay James.

"Ha? ah eh w-wala. Ewan. Malay ko" Mautal-utal na saad ni James.

Sabay-sabay kaming limang nagtungo sa cafeteria para mag-dinner at dun naabutan nga
namin ang magkapatid na nagke-kwentuhan.

"Nyeta antagal niyo kanina pa kami naghihintay dito!" Reklamo ni Robbie. Yan ba ang
may pinagdadaanan? Eh as usual asal baliw na naman ang loko.

Sabay-sabay kaming pito na kumain. Syempre panay ang kwentuhan, tawanan at asaran.
Maya-maya pa'y nagsimulang dumami ang mga taong naghahapunan sa cafeteria.

"Mag-iisang oras na tayo dito di ka parin tapos kumain?!" Reklamo ni Ria kay James
na patuloy parin sa paglamon kahit tapos na kaming lahat.

"Marami yang pinapakaing bulate sa tiyan niya, malamang aabutin yan ng ilan pang
oras" Biro naman ni Robbie kayat agad siyang sinamaan ng tingin ni James.

"Nagsalita ang lalakeng mukhang bulate" Walang emosyon namang ganti ni James na
patuloy parin sa pagnguya.

Napansin kong tahimik lang si Curt. Yun pala may ka-text, may pangiti-ngiti pa.
Chickboy talaga! Kainis! Nahawa na nga talaga siya ni James!

"Wag kang ngumiti ng ganyan para kang baliw" Agad ko siyang siniko. Napatingin siya
sa akin at binigyan ako ng ngiting nakakaloko.

"Jealous?" Tanong niya sa akin at dahan-dahang inilapit ang mukha niya kayat
nagkantyawan ang barkada. Kainis! Paano ko ba naging bestfriend ang ungas nato!
"Ewww! Kilabutan nga kayo! Di ko type ang mga chickboy!" Sigaw ko ngunit patuloy
parin sila sa pagtawa at panunukso sa amin. Ang hayop na si Robbie may pa-heart-
heart pose pa.

"Iha ikaw si Erin diba?" Natigil kami sa pagkakantyawan nang bigla na lamang
lumapit sa akin ang guard ng cafeteria. May dala-dala siyang bulaklak kayat
nagkatinginan kaming lahat. Dahan-dahan akong tumango.

"May nagpapabigay sayo." Sabi ng guard at agad na umalis nang maiabot sa akin ang
boquet ng bulaklak. Ang mga babae kapag nakakatanggap ng bulaklak kilig ang
nararamdaman pero para sa akin hindi, kilabot ang tanging nararamdaman ko ngayon.
Biglang inagaw ni Curt mula sa kamay ko ang bulaklak. Binasa niya ang card na
nakapatong dito at halata sa mukha niya ang inis.

"Kanino galing? Kay Winston na naman ba?" Tanong ni Kitty.

Pinunit ni Curt ang papel. Sapat na itong sagot para sa aming lahat. At sapat narin
ito para muli akong kabahan.

"Seriously Erin that man is getting creepier, just file a restraining order" Payo
ni Milo sa akin. Alam nilang lahat ang tungkol kay Winston. Siya ang 43 year old na
pumo-porma sa akin. Kapatid niya ang isa sa mga professors kayat malaya siyang
nakakapasok dito sa compound. I told him that he cant court me, I even told him
that I dont like him pero for two months, patuloy siyang nagpapadala sa akin ng
bulaklak. He is really creeping me out.

"They cant grant Erin a Temporary Restraining Order against That old man" Sabi
naman ni Robbie na bigla na lamang na sumeryoso.

"Ha? Bakit naman? Stalker na nga ata siya eh!" Tanong ni Ria.

"Walang probable cause. Hindi sapat na rason sa mata ng batas ang pagpapadala ng
bulaklak. Unless sasaktan o direktang pagbabantaan niya si Erin, malaya siyang
makakalapit dito. Thats why the justice system sucks. Kailangan pang may masaktan
bago may umaksyon" Nagulat kaming lahat sa mga sinabi ni Robbie. Kung pagbabasehan
mo kasi sa kilos niya, para siyang isip batang napakaraming kalokohan. Hindi namin
akalaing lalabas to mula sa bibig niya. He's just so weird sometimes.
"Edi ipa-ban nalang natin si Winston dito sa compund. Tch ang matandang yun sarap
upakan" Inis na saad naman ni Curt at agad na tumayo para magpunta sa banyo.

"May kapatid si Winston na professor dito. Malakas ang kapit niya" Sabi naman ni
Milo.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Guys teka, baka masyado lang tayong napa-praning. Its just a flower, siguro
thoughtful lang talaga siya tapos tayo nagbibintang lang pala" Sinabi ko nalang
para wag na silang mag-alala. Sa totoo lang natatakot ako pero baka naman kasi
napa-praning lang talaga ako.

"Minsan may magandang naidudulot ang takot. Nang dahil sa takot natin, nakakaiwas
tayo sa kapahamakan. Nakakaiwas tayo sa mga bagay na makakasakit sa atin. Paranoia
can sometimes save you while bravery lets you do stupid things" Muling seryosong
saad ni Robbie kayat lahat kami ay muling napatingin sa kanya.

"Brad, Ang weirdo mo" Walang paligoy-ligoy na saad ni James at agad na tinapik ang
likuran ni Robbie.

"Teka Erin diba may schedule ka ngayon sa radio station?" Tanong naman ni Milo
kayat dali-dali akong napatingin sa relo ko.

Shit! Oo nga pala! Monday ngayon!

Dali-dali na akong nagpaalam sa kanila.

- - - - - --

Madilim na ang paligid at napakalakas ng simoy ng hangin. iilan na lamang ang mga
taong nakakasalubong ko dahil ang karamihan sa kanila ay nasa mga bahay na nila o
di kayay naghahapunan sa cafeteria. Naglalakad ako patungo sa radio station para sa
weekly shift ko nang maramdaman kong may pares ng mga paang sumusunod sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at pinakinggan ang paligid. Narinig kong may naglalakad
parin sa likuran ko at mistulang papalapit ito sa akin at mas binilisan ko nalang
ang paglalakad.
Lumalakas ang kabog ng dibdib ko at nagsimula akong pagpawisan dahil sa takot.
Napatingin ako sa paligid, wala na talagang tao pero may isang building sa malapit
na may nakabukas pang ilaw. Siguradong may gwardya pa sa loob nito.

Napalingon ako at tama nga ang hinala ko. Nasa likuran ko ang may-edad nang si
Winston.

"Hi Erin! Wag ka na kasing pakipot!" Sigaw niya habang nakangiti. Takot na takot
ako kayat mas binilisan ko ang paglalakad hanggang sa napatakbo na ako papasok ng
building.

END OF CHAPTER TWO.

- - - - - - - --

Sleepy's Note : Ang Temporary Restraining Order o TRO ay isang court order kung
saan ang isang tao ay hindi maaring lumapit sa isa pang tao in a given distance. It
serves as protection actually. Applicable din ito sa actions ng company etc.

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

*******************************************
[5] Chapter III : Trapped
*******************************************
{ Third Person's POV }

Pakiramdam ni Erin ay maaabutan siya ni Winston kung magpapatuloy siya sa pagtakbo


kayat mas minabuti niyang magtago na lamang sa loob ng banyo. Nakapatay ang lahat
ng mga ilaw, sinadya niya itong wag buksan para hindi mahalata ni Winston na
naroroon siya. Pumasok siya sa pinakahulihang cubicle at pumatong sa nakasarang
toilet bowl upang hindi makita ang kanyang mga paa.

Nanginginig ang kanyang mga kamay at halos maiyak na siya sa takot. Dali-dali
niyang kinuha ang cellphone niya mula sa bag ngunit laking dismaya niya nang
makitang wala itong signal.
- - - - - - - -

"Erin stop teasing, nasaan ka?" Malambing na tanong ni Winston habang tinitingnan
ang bawat kwartong nadadaanan. Halata sa mukha ni Winston ang pananakbik kay Erin.

Pagnanasa. Yan ang tanging nararamdaman niya para sa dalaga. Marami-rami nadin ang
mga dalagang nakakarelasyon niya sa kabela ng kanyang edad kayat nang ayawan siya
ni Erin ay mistula itong naging isang napakasayang hamon para sa kanya. Walang
dalagang umaayaw sa kanya sapagkat may koneksyon siya sa isang propesor, yan ang
nasa isipan niya.

Bigla siyang nakarinig ng isang kalabog mula sa isang kwarto. Mas lumapad ang
kanyang ngiti.

"Erin alam ko kung nasaan ka" Nakatawang saad nito at agad na pumasok sa kwarto.

Binuksan niya ang ilaw ngunit laking gulat niya dahil hindi si Erin ang kanyang
naabutan dito kundi isang taong nakasuot ng mahabang itim na damit at maskara ng
demonyo....

- - - - - - - - - -

{ Erin's POV }

Mag-iisang oras na yata ako dito sa loob ng cr. Gustong-gusto kong lumabas upang
humingi ng tulong ngunit di ko magawa kasi natatakot akong baka nasa labas ng si
Winston at hinihintay ako.

Nagulat ako nang bigla na lamang bumukas ang pintuan. I gasped at out of fear at
dali-daling tinakpan ang bibig ko. Jusko tulungan niyo po ako. Wag niyo po akong
hayaang mapahamak.
Madilim ang paligid ngunit naaninag ko ang pares ng mga paang pumasok sa loob ng
banyo. Wala akong magawa kundi mapaiyak na lamang dahil sa takot.

"Erin? Erin nandito ka ba?!"

Yung boses na yun!

Pakiramdam koy nabunutan ako ng napakalaking tinik nang marinig ko ang boses ni
Curt. Dali-dali akong lumabas ng cubicle at agad siyang niyakap. Iyak lamang ako ng
iyak habang nanginginig parin dahil sa matinding takot.

"Shhh. Nandito na ako, tahan na. Hindi ko hahayaang makalapit sayo ang gagong yun"
He assured me while hugging me tightly pero kahit na anong gawin ko, hindi parin
ako matigil sa kakaiyak.

"Lets go" Inakbayan ako ni Curt at agad na hinalikan ang ulo ko. Lumapit kami sa
pintuan ngunit laking gulat ko nang hindi ito mabuksan ni Curt.

"Curt stop fooling around!" Sigaw ko sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Im not! Teka ayaw mabukas ng pinto" Muling sinubukan ni Curt na buksan ang pinto
ngunit ayaw talaga. Pinaghahampas namin ang pinto para may makarinig sa amin ngunit
balewala.

"Tawagan mo sina Kitty" Utos sa akin ni Curt ngunit napasabunot na lamang ako sa
sarili dahil sa takot.

"Walang signal! Kanina ko pa sinusubukan! Curt natatakot ako!"

"Dont be scared okay? Baka sira lang talaga ang lock dito. Wag kang mag-alala
walang mangyayaring masama sa atin" He assured me and hugged me again.

Wala kaming ibang magawa kundi umupo na lamang sa gilid ng kwarto at maghintay ng
magbubukas ng pinto pero sana nga lang.... Sana wag si Winston ang dumating.

Hinawakan ni Curt ang nanginginig kong kamay at agad niyang inihiga ang ulo ko sa
balikat niya. Mabuti nalang talaga at nandito si Curt.
"Sinaktan ka ba niya?" Tanong ni Curt kayat bahagya akong napailing. "Ano ba naman
kasi ang pumasok sa isip mo't nag-iisa ka. Gabi na sana nagpasama ka sa akin"
Dagdag pa niya kayat ibinaon ko na lamang ang ulo ko sa balikat niya.

"Aish! Sa susunod sasama na ako kahit saan ka magpunta." Kinuha niya ang headset
mula sa bag niya at isinuot niya sa akin ang isang parte. Magkasabay naming
pinakinggan ang mga kanta ni Ed Sheeran. Kahit papaanoy unti-unti nang nawawala ang
takot ko.

- - - - - - -

Bigla akong nakarinig ng mga kalabog sa pintuan. Nakatulog pala kami ni Curt. Gusto
kong tumayo pero nakasandal sa akin ang natutulog paring si Curt. Ang kamay niya
nakayakap sa bewang ko. Lokong to mamanyakan pa ako -_-

"Curtis gising" bulong ko sabay sundot sa pisngi niya.

Biglang bumukas ang pintuan at bigla na lamang bumungad ang mukha ng janitor. Gulat
na gulat siya nang makita kami.

"Anong ginagawa niyo dito?!" Sigaw ng janitor kayat agad na nagising si Curt.

"Kuya may naglock po sa amin dito kagabi!"

"Kaya pala may alambre at padlock sa pintuan. Teka sino naman ang gagawa sa inyo
nyan? Umuwi na nga kayo alas tres na ng umaga" Sabi ng janitor na halatang
naguguluhan.

Nagkatinginan kami ni Curt. Kapwa nagtataka.

Sino namang gagawa sa amin nun? Aish! Di kaya ang Team Timang? Eh sila lang naman
yung parating nanunukso sa amin eh. Kung si Winston naman, parang imposible, bakit
niya ako ikukulong dito kasama si Curt?
END OF CHAPTER 3

- - - - - --

Thanks for reading!

Vote and Comment ♥

*******************************************
[6] Chapter IV : Filmfest
*******************************************
{ Third Person' s POV }

Dahan-dahang idinilat ni Winston ang kanyang mga mata ngunit laking gulat niya nang
makitang nakatali siya sa isang upuan at may busal ang bibig. Hilong-hilo parin
siya ngunit sinusubukan niyang magpumiglas. C

"Sa susunod, pipiliin mo ang gagaguhin mo" Sumulpot sa harapan ni Winston ang
saralin na ngayoy wala nang suot na maskara.

Napangiti ang salarin at itinitapat sa mukha ni Winston ang makintab na scalpel.

Bakas ang matinding takot sa mukha ni Winston, nagsimulang bumigat ang hinga nito
at mauulinigan ang pagpiyok ng boses niyang nagmamakaawa.

"Pasensya na tatang napaaga tuloy ang deadline mo" kalmadong tanong ng salarin at
walang ano-anoy bigla na lamang inundayan ng saksak ang pribadong bahagi ng katawan
ni Winston.

Impit na sigaw at magkahalong ungol ang umalingawngaw. Bakas ang matinding sakit na
nararamdaman ni Winston na ngayoy duguan at namimilipit sa matinding sakit.

[KATHRYN'S POV]
lakad..Kwentuhan..tawanan...

napakalapit lang naman nang meeting place namin pero umabot lang naman kami ng 6:30
pm.

pagdating namin nagulat kami nang ang naabutan namin doon ay sina KC, Zoey ,
Kayla , Jason , Melissa at Quen .

galing naman ni ma'am. dinistorbo yung weekend namin tapos iindianin kami. Galing
-_-

"Anak ng balut! nasaan si Ms. Marie" dj

at nagsunod-sunod ang reklamo ng lahat.

bigla namang dumating si Ms. Marie. na late lang siguro. tss.

"Everyone , bakit kayo nandito ?! dinostorbo niyo yung date ko " ms. marie

O_O huwaaaw ! kami pa ngayon ang distorbo

"Ma'am ! nag GM ka kaya sa amin.pinapupunta mo kaming lahat. " Zoey

"kami yung dinistorbo mo . tss. " Dj

halatang nainis si Ms. Marie sa sinabi ni Dj kayat nakisali si Milo sa sigawan

"Ms. What were trying to say is that pumunta po kami dahil sabi nyo may emergency.
Ayaw po naming pumunta dahil busy din po kami kaso natatakot kaming ma-insulto ka
kapag di kami pumunta." Milo

Biglang kumalma ang aura ng lahat. iba din tong si Milo eh. kapag siya ang
nagsalita kumakalma ang lahat. Swerte talaga tong si Kitty sa kanya.

napabuntong hininga si Ms. Marie

"Sad to say students but my cellphone was stolen kanina. The message was just a
hoax" Ms. Marie
"huwaaaat !"

"Taena "

"ngeeeee ! " kanya-kanyang sigawan ang lahat. Sino bang hindi mababadmood na
nasayang ang oras at weekend namin dahil lang sa walang hiyang prank message.

"Okay okay... since nandito nalang din kayo. ibibigay ko nalang ng advance sa inyo
ang project ninyo para hindi na kayo pumunta dito on monday. okay ba yun?" Ms.
Marie

"Okay ! Okay ! " sigawan ang lahat.

umalis muna si Ms. Marie dahil may ipapakilala daw siya sa sa amin na mentor.

Umaatikabong chikahan na naman.

Lumapit ako kay Quen para mag-sorry ulit dahil sa kagabi pero napansin kong parang
badmood. Nakita kong ang sama ng tingin niya sa kapatid niyang si Kayla.

"Psst. hoy ano yan " sabi ko kay Quen sabay ngiti sa kanila ni Kayla.

"Kath tong si Kuya may PMS ! " napalakas ni kayla ang sigaw niya kaya nagtawanan
ang lahat.

Si Quen na naiinis kanina ay napatawa rin.

Kilalang-kilala ko yan sila , kahit na anong away , magtatawanan parin yan sa huli.

"Ano bang pinag-aawayan niyo?! " Robbie . chismoso alert . nyahaha

"E tong si Kayla natuto nang mag ala PBB TEENS ! " Quen

"Huwaaaat ! " sigawan ng lahat . maging ako nagulat din. Ito kasing si Kayla ay may
pagka Maria Clara. Ang tanging lalaking nakikita kong kasama niya parati ay si Quen
lang. Inosente kumbaga.

"Kayla ... paano na ako .. paano na tayo ? " emote ni Robbie

*PAAK*

yun nabatukan tuloy ni Kayla. hahahaha

"Kuya sorry na. uyyy. bibigay na yan sa killer smile ko " Kayla sabay ngiti

"wala yan compared sa killer smile ko " Quen sabay ngiti din

hala yun. labanan ng mga killer smile. Kahit na sinong babae't lalaki matutuwa sa
mga ngiti nila. Kung hindi lang kapatid ang tingin ko kay Quen , baka nagtititili
na ako sa ka gwapuhan niya.

"Aray ! Nyeta ! " napasigaw ako nang bigla akong siniko ni Dj . sus pag ako di
makapagpigil! kakatayin ko talaga to.

"Tawa ka ng tawa sa kanila. Mas nakakabaliw kaya ang saakin *killer smile* " dj

dafuq , ang gwapo ni Dj ! pero control yourself Kathryn ! bawal kang kiligin sa
mortal frenemy mo !

"HAHAHAHAHAHAH ! TANGA MO TINGNAN DJ ! BUDOY ! HAHAHA " ako. tawa lang ako ng tawa.

"Tss. sa gwapo kong to nagawa mo lang akong tawanan kathryn ? " dj

yey ! naiinis na si Budoy . hahahaha

"EHEM ! " Ms. Marie

dali-dali kaming nagsitakbuhan sa mga upuan namin.

biglang natahimik ang lahat ng biglang may pumasok na lalake.


DAFUQ ! ang poooogi ! kamukha niya si Mario Maurer ! ♥ ♥ ♥

kahit na walang salitaan , mukha palang ,alam ko na talagang kinikilig ang mga
girls. Pati nga ako eh ! ampoooogiiii ! yung mukha ng girls abot tenga ang ngiti at
gustong-gusto nang ngumiti.

Tiningnan ko ang mukha ng boys, badmood sila sobrang halata ! hahahaha!

"Uhhm, this handsome guy here is Mr. Tobi Yan. Siya ang mentor niyo sa pagdirect ng
movies. he will be with us for a month " Ms. Marie

"Ms , kayo na ba ? " Kc . pranka masyado . hahaha

"Eww. he's my cousin" Ms. Marie

Dafuq ! hahaha. tiningnan ko ang mukha ng ibang girls , yun oh ! pulang pula .
hahaha. sino ba naman ang di kikiligin sa kapogihan niya... gaaaaawwdd ! hahah .

[A/N : PASENSYA NA , Isinali ko ang pagka fangirl ko kay P'Shone. hahaha ]

"Okay so di na tayo magpapaligoy-ligoy pa. Today's activity , You'll be with a


group composed with 3 members. Ako ang pipili ng mga members. Your task , shoot a
romantic impromptu scene . No scripts , kung ano lang ang maisip nyo. One member
would shoot & direct while the other two would portray" Ms. Marie

sanay sa ako sa ganitong activities pero This time , ewan ko ba kung bakit naiilang
ako sa groupmates kong sina Quen at Dj . Si Ma'am kasi ! bakit kami pa yung ginrupo
! --_--

ako lang ang only girl kayat ako na yung character pero nag Jack'enpoy pa ang
dalawa kung sino ang Director sa kanila. Nanalo si DJ kaya't siya ang director pero
iba yung mukha niya parang naiinis. Ano na naman kayo ang problema nito ? O_O . Si
Quen naman abot tenga ang ngiti.
ipromptu lang kaya't bahala na kung ano ang gawin at sabihin namin

***TAKE ONE-----SHOOTING****

"action" dj

"Kathryn 3 months na tayong mag-on pwede bang " sabi ni Quen sabay nguso. alam ko
ibig sabihin niya. humihingi ng kiss pero shooting lang naman to kayat go with the
flow lang. haha

"Anong ? *ginagaya ang pagnguso ni Quen* "

dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin habang ako umaatras habang ngumingiti
pero deep inside , AYOKO NG KISSING SCENE ! di pa ako ready . huhuhu

"CUT !!!!! " ang lakas ng sigaw ni Dj . bigla akong nakahinga ng maluwag ,
pasalamat talaga ako kay Dj !

lumapit si Dj sa amin. Si Quen naman ay nakinig kay Dj

"Guys sana wala tayong kissing scenes as much as possible" seryosong sabi ni DJ

THANK GOODNESSS ! HAHAHA ! blessing in disguise talaga tong unggoy nato . yiheee

__________________________________

[DJ'S POV]

Malas! ako pa naging director. tsk. tsk.

heto ako ngayon , ako ang nagdi-direct para sa eksena nina Kath at Quen.

biglang naglakad papalapit si Quen kay Kathryn na para bang manghahalik.


"CUT !!!! " ako . hindi ko namalayan na napalakas na pala ang sigaw ko.

gusto kong matawa sa mukha ni Quen. Epic fail ! hahaha. Pero si Kath parang natuwa
sa ginawa ko. halatang nalilito si Quen kayat palusot agad ako.

"Guys sana wala tayong kissing scenes as much as possible" ako .

****TAKE TWO-----SHOOTING****

"action" ako

"babe , bagyo ka ba " quen

tss. pumipick-up lines pa siya

"bakit? naman " kath

Nyeta parang kilig na kilig naman tong si Kathryn

"CUT !!! " sigaw ko

"Bro anong mali ? " quen.

mali ? mukha mo ang mali nyeta !

"Quen , medyo basag na pick-up line mo , iba nalang "

tumango lang si Quen. hahahhaa >:)

si Kath naman parang naiinis na.


****TAKE THREE-----SHOOTING****

"action" ako

"Kath puling ka talaga" quen

tss. naman tong lalakeng to !

"Bakit naman " sabi ni Kath habang nakangiting abot tenga

nyetaaa ! naglalakad si Quen palapit kay Kath

"Quen lumayo ka slight ! " ako

pwede akong sumigaw ,di rin naman ako maririnig sa video. pero ang nyetang si Quen
hindi nakikinig sa akin.

Patuloy na naglalakad si Quen hanggang sa napakalapit na ng mga mukha nila nyeta !


hindi bato nakikinig si Quen?! HELL NO !

"Quen lumayo ka ! walang kissing scene ! " ako

napatingin ang lahat sa amin at halatang inis na inis na ang dalawa.

Eh bakit naman di ko sila pagsasabihan eh napaka lapit na ! ako ang director at ako
ang masusunod. Tss.

"CUUT ! " ako

Lalapitan sana ako ni Kath at mukha siyang naiinis mabuti nalang at bigla akong
nilapitan ni Mr. Tobi

"Wait , parang wala kayong chemistry ni Quen . " sabi ni Sir Tobi kay Kath
hahahahah ! may kakampi ako. hahaha !

"Hoy ikaw ! palitan mo si Quen " sir tobi

teka ako ba kausap niya ? O_O

[ nakooo DJ nagmamaang-maangan kapa gusto mo naman ! ]

"A..ako sir ? " ako

"Ayy hinde ! hinde ! yang anino mo " sir tobi

agad kaming nagpalit ng puwesto ni Quen. Bigla kong nakaramdam ng kaba. Nyeta ! di
naman ako ganito ah.

Pagharap ko kay Kath ay bigla siyang nag smirk ! naku po ! ewan ko ba kinakabahan
ako. Hindi naman ako ganito. TSSSS. mukha na akong bakla. nyeta !

****TAKE FOUR-----SHOOTING****

"action" quen

"kath may sasabihin ako " ako

"ano yun ?"kath casual lang niyang sabi .

kay Quen ngumingiti siya pero sa akin hindi . nakakainis

"kung ikaw ang magsisilbing kandila ko sa dilim. Hindi kita sisindihan"ako

"bakit naman ? "kath


ngumiti na siya pero alam ko acting lang naman ang reaction niya

"Kase mas gugustuhin ko pang maglakad sa dilim kasama ka kesa makarating ako sa
liwanag na wala ka na" ako

siyempre binigyan ko siya ng pamatay na smile. Siya rin nginitian ako

Nyeta ang ganda nitong babaeng to! ang puso kooooo ! diyosmiyo !

dahan dahan akong lumapit sa kanya. nakangiti parin siya

kinuha ko ang kamay niya at hinalikan ito.

titig lang ako sa mata niya. halatang nagulat siya sa ginawa ko.

"And cut" quen

agad silang nagpalapakan lahat. Grabe ! ang lahat pala nanood sa amin.

pulang-pula ang mukha ni Kath

"EHEM !!! " quen

ang sama nang tingin niya sa akin.

"Oy ! ayaw pang bitawan ang isa't isa" james

Ayy. hindi ko pa pala nabibitawan ang kamay ni Kathryn. hehehe ^__^

bitaw agad ako dahil parang hiyang-hiya na si Kath

"Uyyy ! " sigawan ang lahat. nyeta ! pinagtutulungan talaga kami

tanging si Quen lang ang hindi nakangiti...

bleeh ! mamatay ka sa inggit ! hahaha

"Kath , kakakilig noh ? *wink* " ako


"Tss. may rabis na ang kamay ko ! " sigaw ni Kathryn sabay pahid ng kamay niya sa
pants niya.

ang cute talaga nito kapag naiinis . hahaha

"Sus. kayong dalawa! bakit ngayon lang namin napansin na bagay pala kayo" Ms. Marie

"Ms. Ikaw lang. kami dati pa "kitty

"Oo nga , if I know ligawan na ang patutunguhan niyan"Ria

tawanan lang ang lahat.

si Kath inis na inis na talaga. hahaha

"Okay awat na students , break time muna para dinner then balik kayo " ms. marie

after dinner pinaupo na kaming lahat para sa lectures. back to boring land........

10 pm na kami natapos. Sobrang nakakapagod. inaantok na kaming lahat.

Nyeta! di pwedeng mag-isa si Kathryn matulog sa apartment niya , hindi ko pa


natatapos ang alarm system. tss. paano bato ?!

"Kath.." ako

"Kathryn ! sleepover kami ng girls sa place mo ! " Ria

shit ! naunahan ako pero bahala na basta't may kasama siya dun.

"Sure " kath

"Paano kaming mga boys ? " james


"Girls muna next time na kayo! haha" kitty

mabuti naman at may kasama si Kath , hindi na siya matatakot dun sa gagong Winston
na yun.

napansin kong parang wala sa mood si Robbie.

"Robbie boy ! the hell's wrong? " ako

"Nyeta ...wala "robbie

"Sus , nag-iisip lang yan tungkol sa secret admirer niya" Ria

"WOW ! ibang klase bro ! may secret admirer ka na pala ! " james

biglang inakbayan ni James si Robbie.

"Tss. not a secret admirer more like secret texter " robbie

"Ano bang sinabi ? " milo

"Im coming back..." robbie

nagpaalaman na kaming lahat dahil gabi na baka mapano pa ang iba.

ang mga kumag ang tatamlay na ng mga mukha

______________________________________

[3RD PERSON'S POV]

Ang dean ng motion picture institute ay kasalukuyang nasa opisina niya.

madaling-araw na pero nasa opisina parin siya , nagpaplano kung ano ang pelikulang
gagawin nila para isali sa HorrorFilmFest 2012

malaking karangalan para sa unibersidad kapag sila ang nanalo.

tinawag niya ang kanyang sekretarya ngunit wala ito.

naghanap siya ng ibang mauutusan ngunit siya lang talaga mag-isa.

Ang mga janitor ay umuwi na at ang mga guards ay nasa ground floor pa

[nasa 8th floor ang dean , mayaman ang school kayat mataas. haha XD]

pagpasok niya sa kanyang opisina ay nagulat siya nang naabutan niya doon ang isang
taong nakasuot ng jacket at hoodie. Parang may hinahanap itong papeles.

"HOY ! Anong ginagawa mo sa opisina ko?! " sigaw ni Dean.

hindi inaasahan ng salarin na maaabutan siya nito.

"Im asking you again , WHAT THE HELL ARE YOU DOING IN MY OFFICE ? "ma-awtoridad na
sigaw ulit ng dean

lalapitan na sana ni Dean ang salarin ngunit napatigil siya ng bigla itong nag-suot
ng maskara ng demonyo.

"So ? ginagaya mo na ang slaughter high ?! GET THE HELL OUT OF MY OF------ "
napatigil sa pag-sigaw si Dean ng biglang bumunot ng kutsilyo ang salarin.

dali-dali siyang tumakbo palabas at hinabol naman siya ng salarin.

May katandaan nadin si Dean kayat hindi siya masyadong makatakbo. Sigaw lang siya
ng sigaw.

"Tulong ! Tulong ! " dean


takbo lang siya ng takbo hanggang sa bigla siyang nakaramdam ng pananakit sa
kanyang dibdib. Hinawakan niya ang kanyang dibdib at napahiga...

nilapitan siya ng salarin..

"T...tu..tulong ! " dean

walang ginawa ang salarin. nakaupo lang siya sa harap ni Dean habang hinihintay na
malagutan ito ng hininga.

itinago na ng salarin ang kanyang kutsilyo.

"Kudos Dean Romero. Hindi ko pala kailangang gamitin ang kutsilyo ko. Rest in Shit
sir. Ako na ang bahala sa filmfest " sabi ng salarin habang tumatawa.

______________________________________

eeeee ! update agad ako dahil kinikilig parin ako sa kathniel. hahaha :D

maraming salamat sa pagbabasa :)))))))))

may clues dito kung sino ang salarin , di ko lang maco-confirm . haha :D

Vote po :))) and sana po please comment sa reactions nyo :)))))

salamatssss :)

HaliMAu .. out :)

*******************************************
[7] Chapter V : Temporary Nanny
*******************************************
{ Erin's Point of View }
7pm. Oras na naman para sa schedule ko sa campus radio station namin.
Nakapagtataka, hindi sumabay sa akin si Curt. Kainis naman, sabi niya sa akin
sasamahan niya ako parati. Sinungaling talaga yung ungas na yun.

"And you are still tuning into the campus show. Our next song is dedicated to my
bestfriend who keeps on ditching me. Curtis yoon, this song is for you" I jokingly
said at agad na pinatugtog ang 'F-you by Lily Allen'

While the song was playing, the station manager got my attention. Sinenyasan niya
ako na may tumatawag sa request line namin kayat agad ko tong sinagot.

"This is Erin speaking. Request and it shall be heard."

"The songs you play are so cheesy. Play some Linkin Park for the love of God" Isang
masungit na boses ang narinig ko mula sa kabilang linya. I was trained to be
patient pero hindi ko lang talaga maiwasang mainis.

"And who the hell am I speaking to?" I said sarcastically. Nag-iinit na ang dugo ko
pero pinipilit ko paring gawing mahinahon ang boses ko.

"Dylan Dela Vega" walang emosyon nitong tugon kayat automatic kong ibinagsak ang
telephone. Paano kaya to naging Kuya ni Avery? Eh ang bait nun.

This jerk is really testing my patience. Well, challenge accepted.

I put my headphone and mic back once the song stopped.

"Our next song is requested by the one and only Dylan Dela Vega. Here's your
favorite song Dylan, Barbie Girl theme song by Aqua" Tawa lang ako ng tawa habang
pinapatugtog ang kanta. I can already imagine the pissed look in his face right
now.
Biglang tumunog ang cellphone ko.

From : Curt

Bought you dinner sorry late ^__^V

Nang lumingon ako nakita ko si Curt malapit sa pintuan. May dala-dala siyang mga
pagkain at naka-peace sign gaya ng emoticon niya. I try to get mad at him but I
just cant.

- - - - - - -

As we were both eating panay lang ang kwentuhan namin. I am so lucky to have him as
my bestfriend. But minsan feel ko unlucky din kasi hanggang bestfriend lang. Sa
totoo lang nagkaroon ako ng feelings sa kanya noong highschool pa kami kaso ayokong
masira ang friendship namin kaya tinatago ko nalang. Its better to have him around
kahit bestfriend lang rather than to risk anything.

"Erin matatapos na ang playlist. Kailangan mo na ulit magsalita" Paalala sa akin ni


Curt kayat dali-dali ko nang tinapos ang kinakain ko.

"And please wag mo nang ipatugtog yung Barbie girl, nakakabaog." Dagdag pa ni Curt.

"Ewww. I hate that childish song too. Gumaganti lang talaga ako sa Dylan na yun" I
said as I put my headphones on. "Hala ano na ang ipapatugtog ko? wala na akong
maisip" Napakamot na lamang ako sa ulo ko.

"Play Ed Sheeran's songs." Curt suggested.

"You hate his songs." I reminded him

"Pero favorite mo siya. Kaya nga madami akong kanta niya sa ipod ko eh" Ewan ko ba
pero napangiti ako ng napakalapad nang marinig ko yun mula sa kanya.

"Curtis Yoon, can you stop being so sweet? I am your bestfriend, not one of your
flings." Biro ko sa kanya at agad na sumandal sa kinauupuan ko.

"Tss. Mas maganda ka pa sa mga nakaka-fling ko." Mahinang saad niya kayat sinipa ko
ng mahina ang upuan niya. Ang hilig talagang mambola ng lokong to -_-

"Maganda ka kaso medyo tanga. Tingnan mo, mic mo naka-on"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Curt. Nagulat ako nang marealize kong naka-on
pala talaga ang mic. Shit! Narinig yata ng lahat ang usapan namin. Kainis!

Maya-maya pay nagpaalam si Curt na aalis muna. For sure makikipagkita na naman yan
sa chicks niya. Susunduin niya nalang daw ako mamaya kapag uuwi na ako. Minsan
talaga naiinis na ako sa pagiging sweet niya, baka kung ano na naman ang maramdaman
ko nito.

- - - - - - - - - - -

{ Third Person's Point of View }

Nasa labas ng radio station si Curt habang may kausap sa cellphone. Gabi na, walang
katao-tao ang kalsada at napakalamig ng simoy ng hangin kayat bahagya nitong
niyakap ang kanyang suot na jacket.

Abala siya sa pakikipag-usap nang bigla na lamang niyang narinig ang iyak ng isang
bata.

Sinundan ni Curt ang iyak hanggang sa naaninag niya ang isang batang nasa hindi
kalayuan. Umiiyak ito habang may isang taong nakasuot ng Jacket ang kumakausap sa
kanya. Di maaninag ni Curt ang mukha nito dahil may hoodie na nagkukubli sa kanyang
mukha.

"Bata okay ka lang diyan?" Sigaw ni Curt ngunit laking gulat niya dahil bigla na
lamang tumakbo palayo ang kumakausap sa bata.

Dali-daling tumakbo si Curt papalapit sa bata.

"Okay ka lang? Kilala mo ba yun?" Sunod-sunod na tanong niya sa batang babaeng iyak
parin ng iyak at agad itong yumakap sa kanya.

"Baby, Tumahan ka na. Nasaan ang mga magulang mo?"Pagpapatahan ni Curt dito ngunit
di sumagot ang bata. Panay lamang ang iyak nito.

- - - - - - - - -

{ Erin's Point of View }

Papatapos na ang program ko kayat nagsimula na ako sa pagliligpit ng mga gamit ko.
Narinig kong may kumatok at nagulat ako nang makita ko si Curt na may karagang
isang batang babae.

"Oh my God. Sinasabi ko na nga bang magkakaanak ka ng maaga. Sino ang ina?" Tanong
ko kayat agad niya akong sinamaan ng tingin.

"Ha-ha. Tulungan mo nalang nga akong patahanin to" Inis niyang utos sa akin kaya
lumapit na lamang ako sa kanila. Ang cute-cute ng bata! Medyo singkit siya at
napakaputi. Sarap ampunin!

"Pa-karga!" I asked curt kaso pinagtawanan niya lang ako. "Anong nakakatawa?!"
"Sa payat mong yan? mababali ka lang pag-kinarga mo siya. I-page mo na nga lang
siya. Baka nag-aalala na ang magulang niya" Nakakaloko niyang saad kayat
pinanlisikan ko nalang siya ng mata.

When I paged her tumambay nalang muna kami sa coffee shop para maghintay ng susundo
sa kanya. Pinakain namin siya ng cake kayat kahit papaanoy tumatahan na siya.

"You know we look like a happy family" Biro ni Curt na naka-smirk pa.

"Family? sino naman ang nanay at tatay natin kapatid?" Pambabara ko sa kanya at
agad niya akong sinamaan ng tingin.

"Hindi ka ba talaga kinikilig sa mga banat ko?" Tanong niya.

"Hulaan mo! hahaha"

*******************************************
[8] Slaughter 6 : Everybody Hurts
*******************************************
Dala ang kanyang laptop at projector sabik na sabik si Sir Romeo na ibahagi ang
kanyang proposal sa dean na siyang namamahala sa darating nilang film festival.

"

[Robbie's POV]

As usual , nakarecieve na naman kami ng txt message galing kay Ms. Marie pero this
time. Sinisigurado niya sa amin na totoo na talaga.
Epal talaga ! putek !

nakarating na kaming lahat doon kaya't dali-dali nang nag-umpisa si Ms. Marie

"Students , Sorry talaga sa abala. Mayroon kasi akong special announcement.


Yesterday nalaman namin na nag-file pala ng leave si Dean Romero. May emergency daw
kaya't next semester pa siya makakabalik but before he left nag-iwan siya ng note
about the upcoming HorrorFilmFest2012." Ms. Marie

YESSS ! ito na ang pinakahihintay kong filmfest ! :DD

"Ma'am ano pong film fest yan ?! " Jason

"malamang horror ! " dj

loko-loko talaga tong si DJ

"Ma'am ano po ang piece natin? " ako

"Based from the message Dean Romero left , it would be called SLAUGHTER HIGH. Dean
Romero made it clear na kailangan freshman lang ang sasali sa production. He made
it clear na kailangan based on the true events. So therefore , Mr. Robbie Chen you
are tasked to be the head writer of this film piece since you were there on the
actual massacre. Dean Romero also said na Ms. Bernardo should be part of the
production." Ms. Marie

"Wha..what ? SLAUGHTER HIGH ? " ako

"Yup"

i tried to hard to forget that massacre tapos ngayon gusto nilang alalahanin ko na
naman para makagawa kami ng pelikula? tangina naman oh !
**BOOOGSH!!**

napatingin kaming lahat kung saan nanggaling yung tunog.

Si Kathryn pala.

Bigla siyang lumabas sa room at nagdabog ng pinto.

Dali-dali siyang sinundan ni Enrique palabas.

"Tss. Epal ! "

napatingin ako kung sino ang nagsabi nun. Si Dj pala.

"Is there a problem?! " Ms. Marie

at nagtanong ka pa.

"Ma'am with all due respect , Im not going to join the production. " sabi ko sabay
tayo sa aking upuan. Hindi ako tuluyang lumabas dahil may sinabi pa siya

"I know this is hard for everyone specially for you but wala tayong magagawa.
Pasensya na talaga. The decision is done. Mr. Chen are you sure of your decision ?
Last time ay nag-expel si Dean ng student dito dahil di ito sumunod sa kanyang
utos." Ms. Marie

"Then expel me. I saw my friends die one by one and I dont want to relive that
moment over and over again." sabi ko sabay alis.

"Kuya ... " Ria

hindi ko na pinakinggan ang kapatid ko dahil badtrip na talaga ako.


___________________________________________

[ENRIQUE'S POV]

"Based from the message Dean Romero left , it would be called SLAUGHTER HIGH. Dean
Romero made it clear na kailangan freshman lang ang sasali sa production. He made
it clear na kailangan based on the true events. So therefore , Mr. Robbie Chen you
are tasked to be the head writer of this film piece since you were there on the
actual massacre. Dean Romero also said na Ms. Bernardo should be part of the
production." Ms. Marie

Napatingin ako kay Kath sa sinabi ni Ma'am.

Halatang nabigla si Kath.

Biglang tumulo ang kanyang luha at dali-dali siyang umalis sa classroom kaya't
sinundan ko siya.

Hindi ko siya naabutan pero kilalang kilala ko na siya.

Alam ko kung saan siya nagtatago sa tuwing gusto niyang mapag-isa.

Tama nga ako. Nasa Rooftop na naman siya sa theatre department.

"Bestfriend ! okay ka lang ? "

nagulat siya nang marinig niya ang boses ko

dali-dali niyang pinunasan ang luha niya at pilit na ngumiti.

"Oo naman. Nagpa-practice ako para sa performance ko mamaya sa theatre class "

"Baliw. magkaklase kaya tayo sa theatre class , walang performance nuh . At isa pa
kahit na magaling kang umarte alam ko parin kapag nagsisinungaling ka " sabi ko sa
kanya pagkatapos ay niyakap ko siya ng napakahigpit.

"Alam kong di ka okay , iiyak mo lang yan, nandito lang ako " ako
"bwisit ka , alam mo palang di ako okay , ba't nagtanong ka pa ?!" kath

nagsimulang umiyak si Kath.

"Kath , iiyak mo lang yan pero walang pahiran ng sipon okay ? "ako

natawa siya pero maya maya'y tuluyan ng humagulgol.

magkayakap lang kaming dalawa. Ibinaon niya ang mukha niya sa right shoulder ko.

nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siyang ganito.

Mahal na mahal ko si Kath higit pa sa kaibigan.

Alam kong di niya ako mahal pero okay lang. As long as kasama ko siya, masaya na
ako.

Nagulat ako nang makita ko ang kanang kamay niya.

Punong puno ng peklat ang kanyang pulso.

kaya pala hindi ko ito nakikita noon dahil parati siyang nakasuot ng relo. Nahulog
siguro ang kanyang relo kanina.

Naaawa ako sa kanya. Marami talaga siyang pinagdadaanan.

___________________________

[DJ'S POV]

**BOOOGSH!!**

nakita kong lumabas si Kath sa pintuan.

Susundan ko sana siya kaso naunahan ako ng dakilang epal na si Quen.


"Tss. Epal ! " ako

napalakas yata ang bulong ko kaya't napatingin sila sa akin.

Wapakels ako ! nyeta !

Mabuti nalang talaga at nagsalita si Robbie kaya't napunta sa kanya ang atensyon.

"Then expel me. I saw my friends die one by one and I dont want to relive that
moment over and over again." sabi ni Robbie.

Nagulat kami dun. For the first time nakita kong nabadtrip si Robbie at nagwalk-out
pa.

"Class , hanggang dito nalang muna ang meeting natin dahil kakausapin ko si Dean
Romero pati ang ibang teachers regarding with the filmfest. Goodbye" sabi ni Ms.
Marie at tuluyan ng umalis.

nagpaalam sa amin si Ria dahil siya nalang daw ang kakausap sa kapatid niya.

"Guys , okay lang kaya si Kath ? " Kitty

"hanapin nalang natin" ako

"Oyy ha ! hahaha" james

"tss. tigil na okay" ako

"pustahan nandoon sa rooftop si Kath" Kitty


"If wala si Kath sa rooftop kiss mo ako 3 seconds " Milo

"Milo kahit naman matalo o manalo ka diyan sa pustahan maghahalikan padin naman
kayo. More than 3 seconds pa ! " james

umakyat na kami sa rooftop.

Rinig na rinig parin namin ang pag-iyak ni Kathryn

Nang makarating kami doon, nagulat kaming lahat sa naabutan namin.

Oo nandoon si Kath pero kasama niya si Quen. Saklap , magkayap pa sila.

Nasaktan ako sa nakita ko.

lalapitan ko sana sila kaso pinigilan ako ni Kitty.

Nyeta !

"Guys , hayaan muna natin si Kath. tara baba na tayo " Milo

sumunod nalang ako sa kanila at bumaba na kami.

dumiretso nalang kami sa cafeteria.

Lahat kami tahimik hanggang sa magsalita si James.

"Bakit ba ganun kung maka-react si Kath sa slaughter High ? " james

"her cousin died there" ako na ang sumagot

"teka alam mo ? " tanong ni Kitty sa akin

tumango nalang ako.

halatang di siya makapaniwala na magku-kwento sa akin si Kathryn. Simula pa kasi


noong mag simula ang klase ay parati lang kaming nag-aasaran. Asarang napupunta sa
isnaban.

"Ganun ba talaga sila ka close ? " Milo

"Oo. simula noong mamatay ang pinsan niya ay parang namatay na din siya. Bigla
siyang nagbago. " Kitty

"Paano mo naman nalaman? " james

"may kaibigan kasi ako , classmate niya si Kath noong highschool. Kilala si Kath sa
highschool bilang isang spoiled brat at immature. Siya parati ang nagsisimula ng
mga kalokohan pero kahit naman ganun siya mabait parin naman daw siya. Nagulat nga
yung kaibigan ko dahil ibang-iba nadaw si Kath ngayong college. " kitty

"Si Kath spoiled brat at immature ? " ako

di kasi ako makapaniwala na ganun si Kath. Ang kath kasi na kilala ko ay napaka
mature mag-isip.

"Oo nga eh ! di rin ako makapaniwala. Tinatanong ko si Kath pero di naman niya
tinatanggi , sinasabi lang niyang nagbagong buhay siya. Pero alam ko dahil yan sa
nangyari kay Parker."

"Anong Parker ?? "

nagulat kaming lahat ng biglang sumingit si Robbie. Good mood na pala siya.
kararating lang niya sa cafeteria kasama si Ria.

"Uyy , bakit nyo binanggit ang kaibigan ko? " ulit niya nang hindi kami sumagot.

"pinag-uusapan lang namin ang dating Kathryn bago namatay ang pinsan niyang si
Parker " Kitty

"Oo nga ibang-iba siya ngayon compared noong unang beses kaming magkakilala. "
Robbie
nagulat kaming lahat sa sinabi niya.

"Magkakilala kayo noon ?! " sabay sabay naming sigaw

"Wow , ano to sabayang pagbigkas ! " Robbie

"Pero kuya you said it yourself , nagkakilala na pala kayo ni Kath noon ? bat di mo
kinwento " Ria

"Nahihiya ako eh. " Robbie

"Marunong ka pala nun ?! " ako

"Robbie mag kwento ka nga " Kitty

"Okay but promise me you wont make fun of me? Si Kath nga sinabihan kong wag
sabihin sa inyo ang nakaraan eh ! " Robbie

"SABIHIN MO NA NGA ! " Ako

"Pssh.. Okay fine.." Robbie

at nagkwento na si Robbie sa nangyari

----------FLASHBACK------------

First year highschool palang sina Robbie nang imbitahan sila nila Dominic na
magbakasyon sa townhouse nila sa tagaytay.
magahahating gabi na nun nang naisipan nilang magtaguan.

kanya-kanya sila sa pagtago.

Naisipan ni Robbie na magtago sa likod ng Puno ng Mangga na malapit sa isang kanal.

Napakatahimik ng paligid at hindi masyadong mahangin pero bigla nalang may sumutsot
sa kanya.

napapapikit si Robbie sa takot.

Napapansin niya na mula sa itaas ng puno ang sumusotsot.

Sa takot, napadasal si Robbie

"Our father in heaven ho-------------- " napatigil si Robbie nang biglang sumabay
sa kanya sa pagdadasal ang isang boses ng babae.

napatingala si Robbie at nakita niya ang isang babaeng mataas ang buhok , nakangiti
ito sa kanya habang nakaupo sa isang sanga.

Napasigaw si Robbie sa nakita niya at napatakbo..

"AAAAHH---- !! "

**spash**

natigil sa pagsigaw si Robbie nang bigla siyang nahulog sa kanal.

dali-daling bumaba ang babae sa punuan at tinulungan si Robbie na makaalis sa


kanal.

Tawa ng tawa ang babae habang tinutulungan si Robbie na umahon.

"Teka di ka multo ?!!!! " tanong ni Robbie


"Of course not ! sa ganda kong to sasabihin mong multo ako?! "

"Parker naman bakit mo ako tinakot ! " Robbie

"Sorry di ko sinasadya , di pala ako si Parker. Ako si Kathryn. "

......................END OF FLASHBACK........................

LAUGHTRIP ! hahahhaha ! tawang-tawa kaming lahat sa kwento ni Robbie.

"Hoy , di kaya nakakatawa. " Robbie

"Yucks ! hahaha :D yun mahilig sa horror movies pero napaka-matatakutin pala! " Ria

at yun nagtawanan na naman kami.

"Tama na nga ! back to the point ! " Robbie

"Oo , sorry go tapusin mo na------ HAHAHAHHAHAHA ! " james

kaming lahat di makaget-over. di kami makapagsalita ng maayos dahil sa kakatawa.

"Haha... o sige na. seryoso na tayo baka mag transform na naman yan si Robbie" Milo

tumigil na kami sa kakatawa dahil medyo over na.

"Napaka daming kalokohan ni Kath. Hindi ko alam na doon pala siya parating
tumatambay sa puno. Nag sorry din naman agad siya dahil sa nangyari. Pagkatapos nun
naging magkaibigan kami. Di lang kami gaanong close noon dahil natatakot akong pag-
tripan na naman niya ako. " Robbie

ang dami pala talagang kalokohan nitong si Kath. Di ko inakala na pareho pala kami.
"Dj , seryosong tanong . Nasaktan ka ba noong nakita mong magkayakap sina Kath at
Quen kanina ? " Milo

Nagulat ako sa tanong niya.

Biglang natahimik ang lahat at nakatingin na sa akin.

*gulp*

"Bakit naman ako magseselos ? may karapatan ba ako ? " ako

"Dont answer my question with another question Deej . Yung totoo mahal mo siya diba
? " Milo

Grabe naman. nararamdaman kong pinagpapawisan ako sa tanong nila.

"Deej , wala namang masama kung aaminin mo. Halata narin kasi namin eh.
Magkakaibigan tayong lahat dito , wag kang matakot umamin " Ria

*gulp*

Ano ba ?

aaminin ko na ba na unang beses ko pa siyang nakita ay nahulog na ako sa kanya ?

aaminin ko na bang iniinis ko siya parati para may daan ako para mapalapit sa kanya
?

aaminin ko na ba na mahal ko talaga siya

NYETA naman oh !

"Halata na ba talaga ?! " sabi ko sabay smirk.

napaka-ikli lang ng sagot ko pero nang dahil sa sinabi ko. Nagtayuan ang mga
kaibigan ko at nagsaya na para bang nanalo sa lotto !
"Yun yon eh ! " sigaw ni Robbie

bigla naman silang nag high five ni Milo

"Thank you lord umamin na ! " Ria

nakakahiya nga sa mga lunch lady ang ginagawa nila eh. Mabuti nalang talaga at kami
lang ang mga students doon.

"So kailan natin liligawan ? " Robbie

"Anong natin?! ako lang ang manliligaw no! Solo flight lang " ako

"Tutulong kami sa panliligaw ! tinulungan nga ninyo si Milo noon na manligaw sa


akin diba ?! " kitty

oo nga pala. Kami yung nag-effort para lang sagutin ni Kitty tong si Milo .

"OPERATION : Ligawan si Ms. Sweetheart " sigaw ni James

"Uyy , sinong liligawan ? "

hala. kilala ko yung boses na yun.

nasa likod ko ang nagsasalita pero alam ko talagang si Kath yun.

ang mga nyetang kaibigan namin natahimik din.

[END OF CHAPTER 6]
__________________________________

Pasensya na , wala munang patayan sa chapter nato.

Plano ko kasi talagang i feature muna ang friendships nila. :)))))))

SA CHAPTER 8 . IPO-POST KO NA ANG OFFICIAL BOARD OF SUPECTS.

Salamat po sa pagbabasa

*******************************************
[9] Slaughter 7 : New found Happiness
*******************************************
[KATHRYN'S POV]

"Uyy , sinong liligawan ? "

tanong ko sa kanila pero di sila sumagot. Nakatayo lang sila sa doon.

Medyo nakaka-offend dahil ang saya nila kanina tapos pagpasok ko bigla silang
tumahimik.

"ba't bigla kayong natahimik ? Uhm sige , una na ako .. " ako

naglakad na ako paalis nang biglang hinatak ni Dj ang kamay ko.

"Huy , bat ka aalis agad ? " dj

"para kasing nakakadistorbo ako sa inyo eh. hehe "ako

"sus ang bilis talagang magtampo nitong si bebekath. " sabi ni Kitty sabay hatak sa
akin para umupo.

weird silang lahat ngayon. Abot tenga ang mga ngiti nila.

"Kath , bat ka umalis kanina ? " Milo


"La lang. awkward eh " ako

tumango nalang sila. Ayaw ko din kasing i kwento sa kanila ang lahat eh. Sa totoo
lang napaiyak talaga ako kanina nang sabihin ni Ms. Marie na Slaughter High ang
gagawin tapos kailangan akong sumali.

Ayaw kong sumali sa production na yun.

Nang dahil kasi sa massacre na yun , nasira ang buhay ko at ng pamilya ko.

umorder nalang ako ng coke tapos kwentuhan agad kami.

Inilapag ko muna ang kamay ko sa table.

Napansin kong kakaiba ang tingin sa akin ni Dj at Kitty.

parang nakatingin sila sa right hand ko.

napatingin ako kung ano ang tinitingnan nila.

Dafuq ! hindi ko suot ang wristwatch ko ! baka nakita nila ang scars ! T_T

dali-dali akong pumunta sa banyo ng cafeteria.

Ini-lock ko ang cubicle at naghanap ako ng anumang magagamit ko para maitago yun.

"Bebekath... " kitty

sinundan niya pala ako

"wait lang ha " sabi ko sa kanya

"Bebekath get out of there. Alam kong nagtatago ka lang diyan " kitty
4 months palang kaming magkakilala pero kilalang kilala na niya ako.

dahan-dahan akong lumabas sa cubicle ang inilagay ang kamay ko sa bulsa ko.

"Kitty , distorbo ka sa tawag ng kalikasan ko . hahaha" ako

hindi tumawa si Kitty sa halip ay tinanggal niya ang wristwatch niya.

kinuha niya ang right hand ko at isinuot niya sa akin ang wrist watch niya.

naiiyak ako. alam kong alam na niya ang scars ng pulso ko pero tinutulungan nya
lang akong itago yun.

"Bebekath , dont cry , stop crying. Save it for the theater. " sabi niya sabay
punas ng luha ko.

"Kitty kasi eh , nahihiya ako sayo " ako

"You dont have to be. Were bestfriends right. Nakita ko na yan noon " kitty

"Huh ? nakita mo na to? you must think im a freak " ako

"No youre not . Alam ko mahirap ang pinagdadaanan mo. Just promise me you'll never
attemp to commit suicide ever again. " kitty

niyakap ko nalang si Kitty at agad kaming lumabas na parang walang nangyari.

You heard it right .

I slit my wrist last summer.

Hindi ko kinaya ang mga problema ko noon.

My Mom and Dad were about to get an Annulment , and the only person I know i could
lean on died. None of my friends were there dahil kakalipat lang namin ng bahay.
Yung ibang kapamilya ko naman sa tuwing nakikita nila ako ay parati silang umiiyak
dahil naaalala daw nila ang pinsan ko sa akin. Pero ang pinakamasakit , narinig
kong sinabi ng Lolo ko na sana ako nalang daw yung nawala instead of my cousin.
Marami daw akong kalokohan compared sa pinsan kong napakabait. I have no hard
feelings towards my cousin. I just wanted to escape from hell at inakala kong
kamatayan ko ang solusyon.
I was rushed to the hospital . I almost died.

Everything flashed back. All my shenanigans , all my mistakes.

nakita ko rin ang lahat ng kapamilya't kaibigan ko. Dun ko naramdamang mahal pala
nila ako.

Tapos dun ko pa na realize , masarap palang mabuhay. Kaya heto ako ngayon ,
nagsisikap baguhin ang sarili ko para sa pamilya ko at para sa sarili ko.

Nagpakalayo-layo ako at dito nag-aral malayo sa kanila para hanapin ang sarili ko.
Gusto ko pagbalik ko sa kanila , okay na ako.

Pero kahit malayo ako sa kanila hindi sila nagkulang ng gabay at pagmamahal. Ako
lang talaga ang may gusto na pansamantalang lumayo muna sa kanila.

-------------------

8:30 pm . Wala akong scheduled program ngayon sa radio station kaya't tambay muna
ako sa facebook.

online c Quen kayat chat mode kami ng bestfriend ko.

Quen : Hello Kathyyyyy !

Ako : Hi Quennyy !

Quen : ang sagwa parang pangbabae naman ang pangalan ko. hahaha

Ako : LOL . btw , sa tingin mo , tatanggapin ko ba yung slaughter high o hinde ?

Quen : its up to you Kath. Pero para sa akin , tanggapin mo nalang kaysa naman ma
expel ka.

Yun yon eh ?! nangba-blackmail ang school admins para lang mapilit ang mga students
na gawin ang gusto nila.

Nakakabadtrip eh . Nagpaalam na ako kay Quen para matulog na.

ewan ko pero di ako makatulog paki ramdam ko may nagmamasid sa akin. Sheesh !
kaloka !

___________________________________

[KATHRYN'S POV]

today is TUESDAY .

I HATE TUESDAY !

why ?

Tuesday lang naman ang araw na puro quizzes ang binibigay sa amin. Nakakapagod
sobra. Yung mga kaklase ko nga na napaka kulit , bigla nalang nagiging zombie sa
tuwing sasapit ang kahindik-hindik na araw na to.

Pero kahit na nahihirapan kami panay parin ang kulitan at kwentuhan naming lahat.
Kahit na may barkada kami , close parin namin ang iba naming kaklase.

"Psst ! nakatulala ka diyan ?! " dj

wala kaming seating arrangement kaya't kung saan saan lang kami umuupo. Itong si Dj
tumabi sa akin kayat siguradong umaatikabong kwentuhan na naman ito.

"Wla. may iniisip lang ? " ako

"Uhh , sino ako ? " sabi ni DJ sabay Pogi Pose.

Dafuq! di ko alam kung bakit bigla akong kinilig . tss O_O


"Ewww ! " hahaha :D

kwentuhan...tawanan...quiz....pagluluksa sa
scores...kwentuhan...tawanan...quiz...tawanan

yan lang naman ang cycle namin. haha XD

6 pm na natapos ang lahat ng classes namin. dali-dali kaming nag-dinner. sabay-


sabay kaming lahat as usual.

umupo na ako sa usual chair ko sa cafeteria. Nakita kong papalapit na si Quen sa


akin. Kami kasi yung parating magkatabi kapag kumakain. Pero nagulat ako nang
biglang inunahan ni Kitty si Quen sa upuan niya.

Uupo nalang sana si Quen sa right side ko pero bigla na naman siyang naunahan ni
Milo.

"Kath , dun muna ako sa kapatid ko ha ? " paalam ni Quen sa akin.

kawawa naman. mukhang napahiya.

i smell something fishy. Nag-away ba tong dalawang lovebirds namin ? bat di sila
magkatabi ?

biglang sabay na tumayo si Milo pati narin si Dj na katabi ni Kitty.

Nag change seats ang dalawa .

huh O_O weird .

ngayon katabi ko na si Dj . kwentuhan na naman. nakakatuwa siyang kausap may sense


of humor.

nagpaalam na ako sa kanila dahil schedule ko na para sa radio station.

"Kathyyy ! hatid na kita ! " sabi ni Quen sabay lapit sa akin.

"Ako na bro ! kath hatid na kita ! " sabi din ni DJ


"wag na ! malapit lang naman " ako

"Kuya hayaan mo nalang si DJ ang humatid ! " sabi ni Kayla sa kapatid na si Quen

napalingon si Quen sa nakababatang kapatid at pinandilatan ito ng mata. Si Kayla


napatawa lang.

dafuq . paano ba to ? mas gusto kong mag-isa nalang ako.

"Hep.hep.hep. Ako nalang tutal doon din ako papunta! " sigaw ni Zoe

thank youuuu ZOEEEEE ! XD

natahimik silang lahat. dali-dali kong inakbayan si Zoe at saka umalis na.

" Zoe i love you talaga!!!! " ako

"sus okay lang yun , pupunta nga rin ako doon dahil may iuutos sa akin si Kuya Roy
" Zoe

kapatid pala ni Zoey yung sound engineer sa radio station na si kuya Roy.

nang makarating kami doon , agad na akong nagpaalam sa kanya dahil magsisimula na
ako sa program ko.

sa kalagitnaan ng program ko ay nagsimula na akong tumanggap ng callers. This time


si Kuya Roy na daw ang unang kakausap sa mga callers para maiwasan ang nangyaring
prank call noong nakaraang araw.

"Hello caller number 1 , whats your name ? "ako

"Cassie !! "

hala si Cassie ang first caller ko ?!!

"Hello baby ! how are you na ? "ako


"Im okay ate , I miss you na ! ate may tanong daw si Kuya Dj ! " cassie

huh O_O naka drugs ba tong batang to ?

"huh ? ano yun ? " ako

"Date daw *giggle* " cassie

"huh O_O "

biglang binaba ni Cassie ang phone. Tatanungin ko sana si Kuya Roy at si Zoe pero
bigla silang nawala. Yung totoo anong trip ng mga tao ngayon ?!

nagring na naman ang isa pang phone.

"Hello caller number 2 ? whatcha doin ?! " ako

"Hello Dj Kath ! "

Dj kath . haha XD naaalala ko na naman yung unggoy na si Dj. haha

"Hi whats your name ? "

"Kath date naman kayo ni Dj oh ?"

bigla niyang binaba ang phone.

Dafuq -_____- ?!

nag ring na naman ang phone dali-dali ko itong sinagot. sana naman hindi na to
nangt-trip.

"Hello caller number 3 , please tell me ano ang song request mo ?"

"may song po ba na ang title ay MAKIPAGDATE KA KAY DJ ? "

what the hell is wrong with the world

teka kilala ko ang boses na to ah. Milo ?! O_O

"Yung totoo Milo ikaw ba to ? "ako


"nope , im bearbrand " Milo

naiinis na ako at dali-dali kong binaba ang phone.

ilang segundo lang ang lumipas bigla na namang tumunog ang phone.

Chillax Kath...Inhale...exhale ... inhale...exhale..

sinagot ko na yung phone.

"Hello caller number 3 please tell me youre a serious caller "

"Hi Kathryn ! I can assure you , seryoso ako sayo "

hala ! ang boses na to !

"Dj ,if this is another prank humanda ka talaga sa akin " ako

"hala nakilala mo ako ?! haha. may gusto sana akong itanong sayo eh hehe " dj

halata sa boses niya na medyo nauutal siya at nahihiya.

"A..ano yun ? " ako

"Date tayo pleaaaaaaaaaaase ? " dj

tama ba yung narinig ko ?! asdfghjkjkl!!!!

hinga nang malalim... Huuuhaaaaa

"Deej , thats not a funny joke. wag mo nga akong pagtripan ! "ako

"Im not joking. Seryoso talaga ako. " dj

gusto ko sanang paniwalaan siya pero natatakot ako na baka pag pumayag ako sisigaw
siya bigla ng , PATOLA ! huhuhu. baka mapahiya ako kung sakaling prank to.
"I know what youre thinking Kath but please believe me. Im serious. Okay fine mag
re-request nalang ako ng kanta. "dj

"Okay ,that i can believe. anong kanta ? "ako

"One and only you by Parokya ni Edgar !!!" dj

binaba ko na ang phone tapos pinatugtog ko ang kanta.

♫It took one look

And forever laid out in front of me


One smile and I died
Only to be revived by you

There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'Bout the way life plays out

I take one step away


But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you, ooh

Hala ?! totohanan na ba talaga to ?

alam kong kahit nag-aasaran kami parati ni DJ ay magkaibigan kami

alam kong kahit na anong asar niya, di naman talaga ako nagagalit sa kanya

Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine

Ooh
They told me that this wouldn't be easy
And no
I'm not one to complain
I take one step away
But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you

I take one step away


But I find myself coming back to you
My one and only, one and only you♫

napatulala nalang ako sa kinauupuan ko.

biglang nag ring ang phone kayat sinagot ko ito

"Hello ? caller number i cant remember , whats your name ? " ako

"hi DJ kath ako po si Annie ! "

ayy. buti naman. kilala ko tong si Annie. Avid listener ko to. sure na akong hindi
na to prank.

"Hello annie ! how can I help you tonight ? " ako

"mag rerequest po sana ako ng LIVE WHILE WERE YOUNG ng One Direction and Sana po
pumayag kayo na makipag-date kay DJ. Bagay na bagay po kasi kayo tapos sincere po
siya "Annie

hala umaygad !

lahat ng mga sumunod na callers ay parating tungkol sa amin ni DJ ang bukambibig.


Sinasabi nila na sana pumayag daw ako dahil seryoso daw si Dj, bagay kami , sayang
daw kapag hindi ako pumayag...uhhh.. siyempre ako sinasakyan ko nalang. Im not
saying no or yes , i'll just laugh. Pero I admit , KINIKILIG NA TALAGA
AKOOOOOO ;) .

last caller na .... agad ko itong sinagot..

"Hello last caller ! " ako

"Hello kath ! " dj

tumawag ulit si Dj , huhuhu. baka tanungin na naman ako ....


"Tapos ka nang magrequest. give chance to others ! haahahaha "

"done with the song request but you havent answered my other request yet. I wont
give chance to others , baka maagaw ka nila sa akin. "

Anooo daw ?! kaloka ka Dj . Ito namang puso ko para ng super bass! hahaha

"Really Kath. can you please go out on a date with me ? " dj

Dj is special to me....what the hell , oh well

"Okay fine. But ! if this is a prank , I swear to God Dj , I will never talk to you
ever again " ako

bigla siyang tumawa.

"Yes boss ! " dj

**tooot..tooot..tooot**

dafuq ?! binabaan ako ?! ano bayeeennn !

agad na akong nagpaalam at tinapos na ang program ko.

bigla namang dumating si Kuya Roy

"Kuya saan ka galing? "ako

"inihatid ko lang si Zoe. bakit may problema ba? " kuya

"inatake na naman ako ng prank calls eh" ako


tumawa lang si kuya.. bat ba ang weird ng mga tao ngayon ?! ... hayy buhay...

_____________________________________

[3rd PERSON'S POV]

magaalas-syete na ng gabi pero naghihintay padin si Ms. Marie ng sagot mula kay
Dean Romero.

Wala doon si Dean Romero kayat napag-utusan ni Ms. Marie ang secretarya nitong si
Beth para tawagan o kontakin si Dean.

Sa pagkakaalam ng lahat ay umalis muna si Dean Romero sa iskwelahan dahil sa isang


emergency.

[ a/n : Dean Romero died on chapter 4 at yung note na sinasabing iniwan niya ay ang
salarin ang may gawa ]

mag-aalas otso na nang gabi ng mapagdesisyunan ni Ms. Marie na umalis. Hindi parin
kasi sinasagot ni Dean Romero ang cellphone niya.

Kahit na umalis na si Ms. Marie ay patuloy paring tinatawagan ni Beth si Dean pero
di talaga ito sumasagot.

Tanging si Ms. Beth nalang ang natitira sa 5th floor.

nakaka dalawampung missed calls na siya pero di parin sumasagot ni Dean.

naghanda nalang si Beth na umalis dahil gabi narin.

papaalis na sana siya nang bigla siyang maka recieve ng txt galing kay Dean Romero.
FROM : Dean Romero

Beth go to the rooftop ASAP

kinatatakutan niya ang boss niya kaya't dali-dali niya itong pinuntahan sa
rooftop.

Pagkarating niya doon ay nagtaka siya dahil siya lang mag-isa doon at wala si Dean.

Napagdesisyunan niyang hintayin nalang muna si Dean Romero dahil baka bumaba lang
ito.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarinig ng bakas ng paglalakad si Beth

Inaasahan niyang ito si Dean ngunit nagulat siya nang makita niyang ito ay isang
taong naka jacket at nakasuot ng maskara ng demonyo. May dala itong baril at
kasalukuyang nakatutok sa kanya.

"Oh my God , huwag mo akong sasaktan maawa ka " Beth

tumawa lang ang salarin.

" If you want money , i'll give you everything i have. just dont hurt me please !
"beth

"lakad.. !

sabi ng salarin sabay tutok sa kanya ng baril.

"ha ?" beth

"LAKAD ! "

itinuro ng salarin ang dulo ng rooftop

"oh my god! "beth

walang magawa si Beth kaya't sinunod niya ito.


bigla siyang tinulak at ng salarin at tuluyan ng nahulog mula sa rooftop ng
building.

"That was very easy , di man lang ako pinagpawisan " salarin

_________________________________

[KATHRYN'S POV]

nasa labas naako ng building. gabi na,halos wala ng katao-tao doon.

LOOORD, sana po wala si Winston . huhuhu

"Psst ! Psst ! "

huhuhuhu... sino kaya yan.. natatakot na talaga ako.

dali-dali akong naglakad ngunit laking gulat ko nang biglang may humarang sa akin.

Nakita ko ang mukha nila , SHETS ! mga kaibigan ko pala. abot tenga ang mga ngiti.
Hinanap ko si Dj pero wala siya. saan kaya yun ?

"Guys naman tinakot nyo ako "

tumawa lang sila.

Biglang lumapit sa akin si James at nilagyan ng piring ang mga mata ko.
ayaw ko sana kaso hinawakan din nila Kitty ang ulo ko.

"Guys naman ! ang sama nyo, wala namang ganyanan " ako

"Sorry bebekath , kailangan eh , hahaha" Robbie

sus , kung di ko lang sila mahal , uupakan ko na talaga to.

"pag-ako madapa humanda talaga kayo sa akin ! " ako

inalalayan nila akong maglakad.

"wag kang mag-alala kath di ka mahuhulog sa kanal " Milo

tawa ako ng tawa.

naalala ko yung mukha ni Robbie 4 years ago nang mahulog siya sa kanal ! hahahahaha

narinig kong tumatawa rin sila . hala bakit sila tumatawa ?!

hindi naman nila alam diba?!

sobrang lakas ng tawanan nila

bigla kong narinig si Robbie na sumigaw ng

"Tumigil na nga kayo, kayo kaya ang ihulog ko sa kanal ?! "

"HALA ! alam nyo ang tungkol sa kanal ? " ako

nagtawanan na naman silang lahat.

"guys tigil na tayo " Milo


"Bebekath stay here okay. Dont take off the blindfolded " ria

"Okay fine " singhal ko sabay cross ng arms ko. maldita muna ang peg . haha

hindi kasi ako mahilig sa sorpresa although na aapreciate ko talaga ang effort
nila.

naririnig ko silang naglalakad palayo sa akin.

Kathryn .... wag kang matakot , di ka pababayaan nang mga kaibigan mong loko-loko..

ilang minuto din akong nakatayo doon.

September na kayat napakalamig narin ng hangin

aalis na sana ako nang biglang may nagtanggal ng blindfold ko.

I flinched a bit.

"Oh my god " ako

"Oh sorry kung nagulat ka " dj

I just nodded. Napatingin-tingin ako sa paligid. Sobrang ganda.

nasa mini-forest kami ng school. Super ganda. Ang mga punuan ay may nakasabit na
mga christmas lights at mini light bulbs.

It looked so cute. Tapos napakarami pa ng mga bituin sa langit.

Yung puso kooooo ! ♥♥♥

Napakasarap sa pakiramdam ng nakikita ko.

DJ padilla . He never fails to make me smile

He never fails to make me happy

He never fails to make me like him more


"Nagustuhan mo ba ? " dj

"shunga ! oo naman " ako

"Good " dj

bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila niya ako sa isang malaking puno.

Natawa ako dahil nakakita ako ng isang malaking foam sa baba ng puno.

Matagal na akong di nakakaakyat sa puno kaya't medyo nagdadalawang isip muna ako.

"Sabi nila magaling ka raw umakyat sa puno ? haha" dj

"Oo naman ! " ako

ewan ko kung anong pumasok sa isip ko. Tuluyan na akong umakyat sa puno

"Mag-ingat ka diyan baka mahulog ka "

"No worries , I used to do this all the time " ako

"Sana mahulog ka " dj

nagulat ako sa sinabi niya. Napatigil ako sa pag-akyat sa isang sanga.

"dafuq ! gusto mo pa talaga akong mahulog noh ?! " ako

"Yup , sana mahulog ka sa akin gaya ng pagkahulog ko sayo. " dj


uweeeeee ! baka mahulog ako dito nang dahil sa kilig. nakoo po. mabuti nalang at
hindi masyadong maliwanag dahil feel ko talaga pulang-pula na ako.

"Bolero ! " ako

tumawa lang siya.

nang makita niyang maayos na ang pagkakaupo ay umakyat na din siya.

Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito kasaya.

Yung pakiramdam na pinapahalagahan ka ng isang tao kahit na di nyo gaanong kilala


ang isa't isa.

stop the drama kath.. BE HAPPY !

"Deej ! bakit may foam na ilalim ng puno ? " ako

"Baka kasi mahulog ka , mapatay pa ako nina Kitty " dj

natawa ako sa sinabi niya. Takot talaga siya kay Kitty.

"Salamat pala kath dahil pumayag ka sa date nato ^__^ " dj

awkward na kayat nag smile nalang ako.

kwentuhan kami ng kwentuhan.

"Kath... alam kong naguguluhan ka kung bakit kita inayang mag-date " dj

"Di naman... naiintidihan ko kasi ang mga taong sira ulo . hahaha " ako
tawanan lang kami.

bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Kathryn Chandria Imperial Bernardo i love you...." dj

O_O

ano daw ?!

"Kathryn Chandria Imperial Bernardo i love you...."

"Kathryn Chandria Imperial Bernardo i love you...."

"Kathryn Chandria Imperial Bernardo i love you...."

nagkatitigan kami .

Nararamdaman ko ang sincerity niya.

Lorrrdd , baka maihi na ako sa kilig

His face moved closer to me.

sa sobrang lapit ay naririnig na namin ang paghinga ng bawat isa

he looked at my lips

If I would have my first kiss tonight , im happy its with him

malapit na talaga !

we both closed our eyes


Nagulat kaming dalawa nang sabay tumunog ang mga cellphone namin.

SAVED BY THE PHONE!

yan kasi napaka slowmo niyong dalawa ! >:D hahaha

"Tss. Epal ! " dj

natawa ako sa reaction niya. Para lang bata XD

ang cute !

FROM KC :

OMG! GUYS , MS. BETH JUST COMMITTED SUICIDE !

PUNTA KAYO MOTION PICTURE BUILDING

"Omg ! for real ?? " ako

"Baka biro lang to ? " dj

bigla naming narinig na tumatakbo ang mga kabarkada papalapit sa amin.

bumaba muna kami ni Dj sa puno.

"GUYS ! nagpakamatay si Ms. Beth !! " sigaw ni Robbie

"Hey , neighbors kami ni Ms. Beth. Kahit na matandang dalaga yun , wala naman yung
pinagdadaan. imposible yan " dj
bigla na namang tumunog ang cellphone ko.

1 PHOTO RECIEVED

huh ?! anong photo ?!

dali-dali kong tiningnan ito.

nabitawan ko ang cellphone ko sa nakita ko.

Picture namin ni Dj at Cassie habang natutulog kami sa kwarto ko!

"Kath , okay ka lang ?! "dj

dinampot ni James ang phone ko.

kakaiba kami ng reaksiyon.

Panay lang asar niya sa amin. One big happy family daw !

lumapit ang iba para tingnan ang phone ko na hawak ni James.

Si Dj naman lumapit sa akin at tinatanong ako kung anong mangyari Pero di ako
makapagsalita.

tuwang-tuwa silang lahat habang nanonood ng litrato.

"D..Deej... ikaw ba ang kumuha ng photo na yun ? " ako

"Huh O_O " dj

dali-dali niyang tiningnan kung ano ang litratong sinasabi ko.


"Kath hindi ako ang kumuha nito. Tulog talaga ako dito "dj

"Oh my God. Then sino ang kumuha ng photo na yan ? " ako

nakita kong nagulat din ang mga kaibigan ko.

Maging sila halatang natatakot.

Biglang tumunog ang phone ni Kitty.

dali-dali niya itong binuksan.

"What the hell ! "sigaw ni Kitty na halatang natakot sa kanyang nakita sa cellphone
niya.

[END OF CHAPTER 7]

______________________________

WOHOOOOOO !

next chapter ire-release ko na ang Official Board of Suspects.

Marami ring new characters :)))))

Thanks for reading :)))

comment your reactionss...


HALIMAU .. OUT ♥

*******************************************
[10] Slaughter 8 : Moving Out
*******************************************
[DJ'S POV]

"What the hell"

napatingin kaming lahat kay kitty. bigla siyang napaiyak

niyakap siya ni Milo dahil takot na takot siya.

"Kits anong nangyari ? " Ria

hindi sumagot si Kitty. Sa halip ay ipinakita niya kay Milo ang cellphone niya

halatang nagulat si Milo sa nakita.

"Bro anu yun ?"Robbie

"Picture niya habang natutulog siya sa kwarto niya"Milo

"Baka naman isa lang sa atin ang kumuha niya. Imposibleng may makapasok na ibang
tao diyan." James.

"Nang makarating ako sa bahay last sunday , nadatnan kong sira ang bintana pero
binaliwala ko lang yun eh " sabi ni Kitty habang umiiyak

"Yung vase na basag sa bahay ni Kath , isa ba sa inyo ang nakabasag nun ? " Ria
"walang vase na nabasag nun " Robbie

"Oh my god " sabi ni Kath at tinakpan ang bibig niya sa takot.

niyakap ko siya para maramdaman niyang nandito lang ako para protektahan siya.

"Kath , Kitty doon na kayo matulog sa amin " Ria

they just nodded

umalis nalang kami doon.

iniwasan naming dumaan sa building kung saan nagpakamatay si Ms. Beth dahil baka
mas matakot pa ang girls.

napatingin ako sa relo ko , 11 pm na pala.

nang makarating kami doon , agad na namin silang pinatulog.

kami nalang mga boys ang natira sa sala.

"Guys kaninong number galing yung photos ? " Robbie

"Unknown number , tomorrow I'll talk to my uncle alam niya paano mag track down ng
cellphones " Milo

"Baka naman prank lang talaga ? " james

"If it was a prank , who and how would that person do that. " ako

"Mabuti pa umuwi na kayo magaalas-dose na oh , may pasok pa tayo bukas. " sabi na
Robbie na halatang nag-aalala.

"Robs makikitulog ako dito ha ! " ako

"Ako din ! " Milo

"wala ba talaga kayong tiwala sa powers ko ? " Robbie

"Kili-kili powers lang naniniwala kami ! " ako

"since ako lang naman ang walang love life dito , mauna na ako aking mga kaibigan.
"sabi ni James sabay pumunta sa pintuan.

"hoy james diretso na sa bahay wag nang mag chicks " sigaw ni Robbie

"yes dad ! haha " james

para lang kaming mga baliw. Kahit may problema o inaalala nagtatawanan at
nagbibiruan parin.

doon na kami pinatulog ni Robbie sa kwarto niya.

Hindi ko akalaing magkakasya kaming tatlong lalaki doon.

makaraan ang ilang oras ay naririnig ko nang humihilik tong si Robbie

tulog na ang dalawa pero ako , di talaga ako makatulog.

Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas napagtapat ko na sa taong mahal ko ang


nararamdaman ko.

Nang dahil kay Kathryn , nakalimutan ko ang lahat ng mga pinagdaanan ko.
Buong buhay ko ay hindi naging masaya pero mula nang makilala ko si Kath, nagbago
na ang lahat.

Sayang lang talaga !

umeepal tong cellphone namin !!!

BWISIT !

gusto ko sanang i text si Kath kahit nasa kabilang kwarto siya pero baka tulog na
siya. Ayoko din naman siyang distorbohin.

lalabas nalang ako para uminom ng tubig. Medyo nauuhaw narin ako eh. :)

pagkababa ko sa hagdan napansin kong parang may tao sa sala. Hindi ko lang maaninag
dahil walang bukas nailaw.

pagkalapit ko sa sala nakakita ako ng isang babaeng mahaba ang buhok.

nakatalikod siya mula sa akin.

diyosmiyo ! multo ba to ?

bigla siyang humarap sa akin.

Anak ng meant to be ! Si Kathryn ng buhay ko lang pala.

"Uy ! gising ka pa ? " ako

"Ay hinde! hinde ! tulog na tulog pa ako ! " kath

nagtawanan kami. asus , gumaganti na sa akin.


lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"bat di ka makatulog " ako

"ewan . haha " kath

"ang sabihin mo , iniisip mo ako ! " sabi ko sabay taas baba ng kilay ko

*paak*

habit talaga niya ang pambabatok sa akin.

"ikaw ha , namumuro ka na sa pambabatok. kiss nalang *wink* " ako

"sira " sabi ni Kath tapos tumawa na siya.

biglang sumeryoso ang mukha niya.

Parang natatakot parin siya nang dahil dun sa picture.

"Bernardo , wag kang mag-alala nandito kami , Nandito AKO . hindi kita pababayaan"
ako

humarap siya sa akin. Kitang kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya.

"Salamat" sabi niya sabay ngiti.

kahit naman nakangiti siya nahahalata ko paring marami siyang inaalala

"Kath uhm... "

*gulp*

"hmm ? "
"What i told you back there , that was true. All of them were true. Mahal kita .
"ako

kahit na napakadilim doon , nahalata kong nag-blush siya. haha galing ko talagang
magpakilig ng babae ! nyahaha

alam kong naguguluhan siya dahil noon para kaming aso't pusa tapos ngayon para
kaming mga kuting na naglalambingan.

ヽ('ー')人('∇`)人

"Kathryn Chandria Bernardo I will court you and prove you that im dead serious. I
love you. "

I love her. I always have and always will.

lumapit ako sa kanya.

tiningnan ko siya sa mata.

*tsup*

I kissed her

it was slow and passionate.

kahit sa halik , gusto ko paring iparamdam sa kanya ang pagmamahal ko.

Masaya ako dahil kasama ko siya pero mas masaya ako when i felt her kissing me
back.

She kissed me back !


siguro naman meron akong katiting na pag-asang mahal din niya ako ^_^

"Ehem..Ehem.. "

dali-dali kaming napabitaw sa isa't isa at umayos sa pagkakaupo.

tiningnan ko kung sino yun.

Nyeta !!! Si Robbie naman oh ! EPAL !

Binigyan ko siya ng death stare and i mouthed the words GET THE HELL OUT OF HERE

ang walang hiya , tinawanan lang ako >.<

"hahaha. sorry guys nakadistorbo ba ako ? " robbie

at nagtanong ka pa ?!

narinig kong tumatawa lang si Kath.

tss..

"Robbie cheese ka ba ? " ako

"bakit naman ? "robbie

"Ang sarap mong gadgarin ! Leche ka ! " ako

nagtawanan ang dalawa -_-

pfft..
"sige guys mauna na ako " sabi ni Kathryn sabay tayo sa upuan.

huwwaaaag muna .. ^O^

dali-dali kong hinawakan ang kamay niya.

"Wag muna *pout* " ako

napangiti si Kath

"Ngek. inaantok na ako eh . hehe" kath

"Sige mauna na ako sa inyo. matulog na kayo ha ! " sabi ni Robbie sabay akyat sa
hagdan Robbie

Nyeta ! wag ka ng magpaalam . SHOO ! CHUPI !

inakbayan ko si Kath.

"Hintayin muna nating umakyat ang mokong " bulong ko sa kanya

tumawa lang siya.

maya-mayay umakyat na din kami.

hindi ko tinatanggal ang kamay ko sa balikat niya.

magkatapat lang ang mga kwarto kayat sabay kaming pumasok.

bago siya tuluyang makapasok.

"Goodmornight Kathryn ko Dream of me " ako


tumawa lang siya.

tuluyan na kaming pumasok sa kanya-kanyang kwarto namin.

madali lang akong nakatulog.

----------

♫ HAHAHAHA HAHAHAHA (TUNE : WHAT MAKES YOU BEAUTIFUL ) HAHAHAHAHA ♫

[A/N : kung naiintriga kayo kung ano ito , pakinggan nyo sa multimedia box. super
fun . haha ]

ang lakas ng kantang naririnig ko.

dali-dali akong napabangon.

Tunog pala ng alarm clock ni Robbie.

"Mabuti naman at nagising ka na " Robbie

sus , ang demonyo pa ang bumungad sa paggising ko.

"Anong oras na bro ? " ako

"9:24 am na " robbie

dali-dali akong napatayo sa kama.

"HAHAHA. no worries. wala daw pasok ang lahat dahil may prayer vigil para kay Ms.
Beth eh "robbie
totoo pala talaga. kawawa naman siya.

teka pupuntahan ko muna si Kath ^__^

"And if binabalak mong puntahan si Kath sa kabilang kwarto wag na " Robbie

O_o

"huh ? bakit naman ? " ako

"Sinundo na kasi siya ni Dominic " robbie

Nyeta ! sinong dominic ?! naman oh !

"Ha ?! sinong dominic? saan daw sila pupunta ? manliligaw niya ba yun ? " ako

biglang tumawa si Robbie! Ang dakilang epal ! Nyeta ! nag-aalala na nga ako dito.

"Hinay-hinay lang bro. gwapo ang kalaban pero mahina " robbie

"Sino nga ?! " ako

"Dominic Imperial yung pinsan ni Kathryn. " robbie

nakahinga ako ng maluwag.

Kilala ko si Dominic dahil parati silang nasa news nang dahil sa massacre.

Nakaka-relate din ako sa sitwasyon niya.

"Bro mabuti pa umuwi ka muna. Freshen up para di ka mabaho pag nagkita kayo ni Kath
" Robbie

"Di ako mabaho no ?! bibig mo lang ang naamoy mo ! haha "


sinunod ko ang sinabi ni Robbie at umuwi na. Mamaya nalang ako makikipagkita sa
kanila.

________________________________

[KATHRYN'S POV]

nandito ako ngayon sa apartment ko. Kasama ko si Kuya Dominic at ang fiancee niyang
si ate Kat.

"Chandria , bat di ka dito natulog kagabi ? " tanong ni Kuya na halatang nag-
aalala.

Chandria talaga ?!

nalaman niyang di ako dito natulog dahil doon kami nagkita sa bahay nila Robbie.

"Ya , may something lang kasing nangyari. Btw , bakit pala kayo nandito ? " ako

"Wala lang namiss kita eh ^_^ . dinalhan pala kita ng mga prutas medyo
nangangayayat ka na eh " Dominic

napaka-sweet talaga ng pinsan kong to. palagi niya akong tinatawagan at binibisita
para mangumusta. Mahal na mahal ko tong pinsan kong to. Malaki ang pinagbago niya
mula nang mamatay si Ate Parker. Naging seryoso na siya at napaka guarded.
ibinibigay niya sa akin ang atensyon niya kay ate parker noon.

"Thanks kuya ! ee ! tumataba na nga ako eh ! diba ate Kat ? haha " ako

nandito rin si ate Kat . Napakabait niya. Mahal na mahal nila ang isa't-isa. Kahit
papaanoy masaya si Kuya.

"dinadamay mo pa ang wifey ko ! haha " sabi ni Dominic sabay kiss sa noo ni ate
kat.
ang sweeeeet ! ^__^

"kayo ah ! lalangamin kayo nyan ! " ako

"if I know may boyfriend ka na ! haha . ipakilala mo naman sa amin " ate kat.

natawa ako sa sinabi ni Ate Kat. Wala akong boyfriend sa ngayon eh ^__^ ,
nanliligaw palang . haha :D

"Chandria , ipakilala mo sa amin ha kung may boyfriend ka na " kuya dominic

i just nodded and laughed.

"Kuya stop calling me chandria ! " sabi ko sabay pout

"no way , malilito ako. Kath at Kat diba ang lapit. Chandria nalang dahil unique !
"

si kuya talaga. nagtawanan nalang kami.

"Oo nga pala , kath nabalitaan namin ang tungkol sa suicide ng isang employee dito.
Okay ka lang ba talaga dito ? " kuya dominic

napapraning na naman. -_-

i assured them that everything's okay. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol kay
winston at yung sa photos. Baka kung ano pang gawin ni kuya.

matapos ang ilang oras ay nagpaalam na sila.

----
naligo muna ako at nag-ayos.

kinalimutan ko muna ang tungkol sa picture dahil ayaw kong takutin ang sarili ko.

aalis na sana ako nang bila akong nakarinig ng katok sa pintuan.

"Sino yan ?! " sigaw ko habang papunta sa pintuan

"Ako to yung future boyfriend mong napakapogi ! "

si DJ pala !

di ko maiwasang mapangiti dahil naaalala ko yung kagabi.

All this time inakala kong never na akong magiging masaya but he proved me wrong.

He made me happy.

He gave me another reason to smile.

dali-dali kong binuksan ang pintuan.

tumambad sa akin ang napakagwapong mukha ng lalaking mahal ko. Oo na mahal ko na


yung lalaking tinatawag kong demonyo , unggoy at kung ano-ano pang negative sa
mundo :)))

"Uy ! kinikilig siya ! " sabi ni dj sabay pinch ng cheeks ko.

"Araaaay ! Dj naman eh ! " ako

"Ayy sorry ang cute mo kasi. " dj


dafuq , baka magblush na naman ako.

hindi ko na siya pinapasok dahil papalabas narin kasi ako.

"Teka , may lakad ka ? " dj

"yup , kakausapin ko yung president ng housing. gusto ko kasi lumipat. " ako

"lumipat ka sa puso ko ! " sigaw ni Dj

di ko maiwasang tumawa.

"loko ka talaga. " ako

bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"pinuntahan na ni Kitty ang president tara sumunod na tayo " dj

pinasakay na niya ako sa car niya.

siya ang nagbukas ng front seat door bago ako pumasok. angsweet naman ! haha

nang makarating kami doon.Seryoso mode kaming lahat.

Todo apologize ang lahat ng administrations sa amin. Nakiusap din sila sa amin na
wag ipagsabi sa iba ang tungkol sa photos. Baka daw kasi magsi-alisan ang mga
students.

papalipatin nalang daw kami sa isang bahay tapos sagot na daw sa school ang lahat
ng expenses.

"Saan po kami lilipat ? " tanong ni Kitty


"Im so sorry but the only available is Ms. Beth's house"

"WHAT ?! " sabay naming sigaw ni Kitty

"sir kamamatay lang po ni Ms. Beth kagabi tapos papalipatin na kami agad doon ? "
ako

wala kaming nagawa. pumayag nalang kami. Pinayagan din nilang kaming dalawa ni
Kitty ang tumira doon.

Bawal kasing tumira ang boy at girl sa iisang bahay unless magkadugo sila or mag-
asawa.

binigyan na kami ng susi at alarm systems.

"Bebekath , everything will be okay. Look at the bright side. magkasama tayo " sabi
ni Kitty sabay akbay sa akin.

Ako pala ang bunso sa kanilang lahat kayat ako ang lagi nilang bine-baby sa grupo.

pagkalabas namin sa office naabutan namin ang barkada na nagke-kwentuhan.


naghihintay pala sila sa labas.

"Saan daw kayo lilipat? " tanong ni Milo

"Sa bahay ni Ms. Beth " kitty

napansin kong biglang ngumiti si DJ.

"REALLY ?!! . haha. ang lapit lang pala ng bahay natin ngayon " sigaw ni Dj

"Dj yung totoo tinulak mo si Ms. Beth no ?! " biro ni James


"Oyy hindi ah.kasama nyo kaya ako kagabi. masaya lang ako dahil mababantayan ko na
ngayon tong si Kath . haha " Dj

"sus , dumadamoves na ang manok natin ! " sigaw ni James.

"nakakainggit naman kayo. " sabi ni Ria

nilaitan namin ni Kitty si Ria at inakbayan.

"You can sleep and go there anytime you want Ria! " sabi ko sa kanya.

napagkasunduan naming magtutulungan kami sa paglilipat ng gamit.

Inabot kami ng limang oras sa paglilipat.

hindi ako nakaramdam ng pagod dahil kahit napaka-busy namin , panay kasi ang
kulitan namin ni Dj.

5pm na nang matapos kaming lahat.

Heto kami ngayon sa bagong bahay namin kumakain ng Pizza.

tawanan lang kami ng tawanan.

biglang may kumatok sa pinto.

"Teka lang buksan ko muna " sabi ko sabay tayo

"Sama ako ! " sigaw ni Dj

"Uyyy ! PBB TEENS ! " sigawan ng lahat

natawa nalang ako.


pagbukas ko ng pintuan. nagulat ako nang makita ko ang mga kaklase kong sina Quen ,
kayla , Kc at Zoey.

"Hi best ! lumipat na pala kayo , di nyo man lang sinabi ! "sabi ni Quen

bigla kong naramdamang inakbayan ako ni Dj.

Nakita kong biglang lumaki ang mata ni Quen. Ang kapatid naman niyang si Kayla ay
napatawa.

"Uyy ano yan ha? haha " Zoe

pinapasok ko nalang sila. Nagdala din pala sila ng mga pagkain. Nagkaroon kami ng
salo-salo dahil house warming daw.

Pagsapit ng 7pm ay nagsilabasan na kaming lahat.

Oras na kasi para sa prayer vigil namin.

Ang lahat ng mga students , teachers at mga employees ay pupunta sa gymnasium para
ipagdasal ang kaluluwa ni Ms. Beth.

napakadilim ng gymnasium. Tanging kandila lang ang nagsisilbing gabay namin sa


daanan. Mabuti nalang at hinahawakan ni Dj ang kamay ko para di ako madapa.

Sa sobrang dami ng tao , nagkahiwa-hiwalay kaming lahat. Tanging si Dj nalang ang


kasama ko.

"No worries , magkikita-kita tayong lahat mamaya. I will never let go of your hand
para di tayo magkalayo okay ? *wink* " dj

eeee ! nakakilig naman tong manliligaw ko ! ang sarap sagutin kaso masyado pang
maaga .. ^__^ yung mga paro-paro sa tiyan ko nagliliparan na.
____________________________

[3rd person's POV]

habang abala ang lahat sa prayer vigil para kay Ms. Beth .

Hindi sumali ang magkaibigang sina Emma at Jenny sa halip ay tumambay lamang sila
sa bahay ni Emma.

"Emma , okay lang ba talaga na di tayo sumali dun sa Prayer vigil? " tanong ni
Jenny sa kaibigan niyang si Emma.

"Sus , dont worry Jenny napakaraming tao doon and di nila mapapansin na wala tayo "
emma

"bakit kaya nagpakamatay si Ms. Beth no ? sayang naman ng buhay niya " jenny

"oo nga eh. Alam mo Jenny excited na talaga ako sa horrorFilmFest " Emma

"Bakit naman ? diba ayaw mo sa horror movies ? " Jenny.

"Shunga ! i dont care about that. Sinabi sa akin ng lahat ng teachers na sa


production ng Slaughter High, ako daw ang gaganap bilang parker. " Emma

"bakit parang sure na sure ka nang ikaw ang bida ? " Jenny

"Sure talaga ako. Are you forgetting na pamangkin ako ni Dean Romero. I get what I
want. Kayat sure akong ibibigay nila sa akin ang role" Emma

"Emma, di mo ba alam. may bagong recommendation list si Dean Romero , si Kathryn


daw ang number 1 sa list " jenny
biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Emma

"Wag mo ngang paniwalaan yan , Sure ako na ako ang gaganap sa lead role. Try lang
nila , ipapafire ko ang mga teachers kapag ibinigay nila ang role sa iba. " Emma

"bilib naman ako sa confidence mo ! haha" Jenny

**BOOGSH!**

nagulat ang dalawa sa napakalakas na kalabog.

"Ano yun ?! " tanong ni Emma

"ewan pero parang galing sa taas " sabi ni Jenny

*gulp*

"Jen , please paki tingnan kung ano yung kumalabog sa taas " paki-usap ni Emma

"You bitch , its your house . ikaw ang dapat pumunta. haha " Jenny

[EMMA'S POV]

wala akong magagawa , napaka-arte nitong kasama ko.

Ako nalang talaga ang aakyat para tingnan kung ano yung kumalabog sa taas.
i have the biggest house here in the whole school.

Ako ang pamangkin ng Dean kaya't I get what I want.

Excited na ako dahil sure na daw na ako ang gaganap sa lead role ng slaughter
high . YESS !

nandito na ako sa taas.

wala namang kahit anong nabasag dito. Ano kaya yung kumalabog ?

"AHHHH ! "

nagulat ako nang makarinig ako ng sigaw. Si Jenny yun.

dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan.

pagdating ko doon , natakot ako sa naabutan ko.

Nakita ko si Jenny na ginigilitan ang leeg na parang baboy na iniihaw.

napasigaw ako sa takot.

mas lalo akong natakot nang makita ko ang salarin.

Isang taong nakasuot ng Jacket at maskarang demonyo.

pagkakita niya sa akin dali-dali niya akong hinabol.

dali dali rin akong tumakbo. Mabuti nalang at malaki tong bahay. matatagalan siyang
hanapin ako.

dali-dali akong nagtago sa guest room.

tumakbo ako sa ilalim ng bed at nagtago doon.


Lord tulungan mo ako.

Takot na takot na ako.

Sa takot ko naihi ako.

Gusto ko pang mabuhay.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang campus security..

calling CAMPUS SECURITY.....

please sagutin mo... please...tulungan nyo ako.

pinipilit kong takpan ang bibig ko para di niya ako marinig..

iyak lang ako ng iyak. gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero alam ko
walang makakarinig sa akin.

"Hello " sagot sa akin ng tinatawagan ko.

oh thank god! maliligtas na ako ! salamat diyos ko !

"tulungan nyo po ako , pinatay po niya yung kaibigan ko.. please papatayin niya ako
! please ! " ako

"huh ?! sino ? "

"THE RIPPER ! he's here ! " ako

"huh ? yung demonyong nakamaskara tapos naka jacket ? "


"Oo ! PERO iba yung maskara niya ! Para ng skull na metal. PLEASE TULUNGAN MO
AKO !!! " ako

"okay..okay.. pupuntahan kita. nasaan ka ? "

"nasa block 3 Romero's residence ... please hurry up . help me please. i dont wanna
die. call everyone . call the swat , police or the fucking army . help me please !
" ako

"okay. nasaan ka ngayon ? "

"nandito ako sa kwarto nagtatago ! please stop asking questions help me please "
ako

"okay , hide under the bed . dont make a sound. im coming "

"please hurry up ! " ako

hindi ko binaba ang tawag

takot na takot parin ako. Hindi ko mapigilang umiyak.

bigla akong nakarinig na may naglalakad malapit sa kwartong kinaroroonan ko.

dahan-dahang umikot ang doorknob.

" Oh my god ! please hurry up ! he's trying to get in ! " ako

"calm down Emma. Malapit na ako. Magtago ka lang diyan"

teka.. ano ?
"Pa..paano mo nalaman ang pangalan ko ? " ako

biglang tumawa ang nasa kabilang linya.

"Shhh. magtago ka lang diyan. pupuntahan kita promise. Pag nagkita tayo , katapusan
mo na ! "

oh my god . no..no..no

bigla akong nakarinig ng isang putok ng baril at tuluyan ng nakapasok ang salarin.

dali-dali akong tumakbo at lumabas sa pinagtataguan ko.

"HELP ME! HELP ME ! AHHHHH ! " sigaw ako nang sigaw habang pinipilit na binubuksan
ang bintana...

bigla niyang hinila ang buhok ko at itinulak ako sa kama.

napahiga ako at sinaksak niya ako ng ilang ulit.

Sigaw ako ng sigaw.

nahawakan ko ang lampshade ko at dali-dali ko itong hinataw ko siya nito sa ulo.


dali dali akong tumayo at sinubukang tumakbo pero di ko kaya.

habang naglalakad ako palayo sa kanya nakaramdam ako na para bang may mabigat akong
dinadala.

Napatingin ako sa tiyan ko at natakot ako nang makitang nakalabas na pala ang
bituka ko dahil sa saksak na tinamo ko.

iyak ako ng iyak habang naglalakad.

hawak hawak ko ang bituka kong nakalabas mula sa tiyan ko.


pero laking gulat ko nang bigla akong itinulak ng salarin at pinahiga sa kama.

Sinaksak niya ako ng maraming beses.

Napakasakit.

sigaw ako ng sigaw .

nagkalat ang dugo sa kwarto.

kahit na anong gawin ko ,hindi na ako makapanglaban.

ilang ulit pa niya akong sinaksak hanggang sa tuluyan ng dumilim ang aking
paningin.

[END OF CHAPTER 8]

______________________________

HETO NA ... bwahahaha :D

nasa right side ang OFFICIAL BOARD OF SUSPECTS

Choose who you think is/are the Killer/killers XD

May mga bagong characters , makikilala nyo sila sa next chapter :)))

maraming salamat sa pagbabasa.

VOTE & COMMENT ur reactions .. pleaase ? :))))))))

haliMAU out ♥

*******************************************
[11] Slaughter 9 : Conflict of Interest
*******************************************
Pwede pong mag-request ? sa mga nagbabasa ng S.U , sana po mag-comment kayo ng
reactions niyo , or maski smiley face man lang . hahaha

mas nakakainspire po kasi magsulat kapag nakakabasa ako ng comments nyo. hehe

Sensya na kung demanding ako.....

ENJOY CHAPTER 9 :)))

____________________________

[Kathryn's POV]

Thursday Morning.

Lapit na ang weekend , Tiis lang Kathryn.....

pagbaba ko sa kitchen , naabutan ko si Kitty na may hawak na bulaklak.

"Awww , ang sweet naman ni Milo " ako

"bebekath , its for you! from youknowwho " sabi ni Kitty sabay wink

umagang-umaga pinapakilig na ako ni Dj . hahaha ^____^

sarap sarap sana ng kwentuhan namin sa classroom kaso dumating na si Ms. Marie

lessons na naman , sana may activity tapos partner ko si DJ ^__^ hahaha


"So everyone , todays lesson will be about Literal blahblahblahblah "ayy ewan ,
nakakapagod pakinggan si Ms. Marie .

♫*everyone's ringtone*♫

sabay-sabay tumunog ang mga cellphones namin. Kanya-kanyang ringtone , kanya-


kanyang bukas ng phone.

"Di nyo ba alam yung silent mode ?! " inis na sabi ni Ms. Marie

"Oh my God ! Emma Romero and Jenny Han were brutally murdered last night ! " Ria

"Pinagsasaksak daw ! " James

"OMG !!"

"hindi naman siguro totoo"

"diyosko"

"kawawa naman sila "

"nakakatakot"

kanya-kanyang reaction ang lahat.

Di kami makapaniwala.

Iisa lang pala ang messages na dumating sa amin at iisa rin ang mensahe , Wala na
ang dalawa.

biglang tumunog ang sirena ng amubulansya at mga pulis kayat kaming lahat ay dali-
daling lumapit sa bintana upang tingnan kung ano ang mga nangyayari

totoo nga.
wala na nga sila.

"Everyone Get back to your chair " Ms. Marie

narinig kong sinabi nya yun pero patuloy parin kaming nakiki-osyoso sa mga bintana.

"I said GET THE HELL BACK TO YOUR CHAIR !!!!! " Ms. Marie

Dafuq !

gulat na gulat at takot na takot kaming lahat. dali-dali kaming nagsitakbuhan


pabalik sa aming mga upuan.

"Okay so I guess everyone is already settled , We will have 3 new students mamaya
ko nalang si ipakikilala sa inyo. For now lets proceed to our lesson" Ms. Marie

habang nagle-lesson si Ms. Marie

"psst"

napatingin ako kung sino yung sumotsot , Si Ria pala.

kasalukuyan kong katabi ngayon si Jason , isa pa naming kaklase. Hindi daw kasi
niya masyadong nakikita ang nakasulat sa board kayat nag swap na sila ni Ria na
siyang seatmate ko.

"Jason , balik na ako sa upuan ko " Ria

umalis nadin si Jason sa upuan ni Ria.


"Kath..excited talaga ako sa new students " bulong ni Ria sa akin.

"bakit naman ? " ako

"Baka may POGI ! eeee ! " Ria

hindi ko naiwasang mapatawa sa sinabi ni Ria , ang kulet eh. haha :D

"ehem ! "

napalingon kami ni Ria sa narinig namin. Halatang exagerrated ang ubo na yun.

nagulat ako ng makita ko si DJ na nasa likod namin.

hala !

hindi siya tulad nung dati na nakangiti. Halatang naiinis ang mukha niya.

bigla siyang umalis sa kinauupuan niya at bumalik sa original seat niya.

Tinitingan ko siya pero hindi siya bumabalik ng tingin sa akin.

Hala anung problema nun ?!

"Bebekath Sorry " sabi ni Ria sabay nag peace sign

O_O

"huh ? why?bakit?ngano? " ako

"nainis ata si DJ .hehe " Ria


"Di , moody lang yan.haha " ako

----------------

Lunch time na pero hanggang ngayon di parin kami nagpapansinan.

2 days palang akong nililigawan tapos di na agad ako pinapansin.

Ayaw kong ako ang unang makipag-usap sa kanya , wala kaya akong kasalanan :3

"Hoy bat ka tulala diyan ? "

si Dj pala.

Bigla siyang umupo sa tabi ko

"Wala may iniisip lang " ako

biglang nagcross ang arms ni Dj

"Im sure iniisip mo kung anong itsura ng new students. di ka ba kontento sa ka-
gwapuhan ko ? " sabi ni Dj sabay Pogi sign

tawa lang ako ng tawa sa kanya

eh ang cute kaya niya. hahahaha

"Kath naman eh ! wag mo nga akong pagtawanan ! " dj

"Dj , wag ka ngang maging OA diyan , ako lang kaya yung excited sa new students. 2
days ka pa lang na nanliligaw tapos may patampo-tampo ka kay bebekath. "Ria
tama ! hahaha

binigyan ni Dj ng death stare si Ria

natatawa lang ako sa kanila.

"Déjà vu" robbie

napatingin kaming lahat sa kanya.

"bakit anong meron ? " Kitty

"Alam nyo ba, the day before ng massacre may tatlo ring bagong students ang
inintroduce sa amin"Robbie

seryosong seryoso ang mukha ni Robbie.

di naman siya ganito eh.

Si Robbie kasi yung taong napakamasayahin

kahit nag-iisa siya nakangiti nga siya eh ,minsan inaasar naming baliw.

"Rob baka naman coincidence lang?" james

"Ewan pero iba yung pakiramdam ko eh , yung nangyari kanila Jenny at Emma ala-----"
Robbie
natigil ang pagsasalita ni Robbie nang sinenyasan siya ni Ria sa tumahimik na.

"Kuya , dont talk about that please , youre scaring me " Ria

"Sorry" sabi ni Robbie sabay ngiti

mas nauna akong natapos kumain sa kanilang lahat kayat kinukulit ko sila in anyway
possible.

nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko

"Dafuq ! " nasabi ko ng dahil sa gulat

pagtingin ko si Quen lang pala.

"Besty! grabe mo naman , natatakot ka na sa akin ? haha " Quen

"sensya na besty ! haha " ako

Ibat-iba ang tawagan namin pero sinisigurado kong hindi pang lovers.

"guys hiramin ko muna tong babaeng to" quen

mabuti nalang talaga at tapos na akong kumain kundi mababatukan ko talaga tong
lalaking to.

"Saan tayo pupunta?"ako

"basta wag nang madaming tanong , bilis ! " quen


napatingin ako sa mga kaibigan ko , they just nodded and gave me the go-ahead look.

napatingin din ako kay Dj pero poker face lang siya

"Sige guys , samahan ko muna tong si Besty " sabi ko sabay tayo

"baka Pesti " dj

nakita kong nagpipigil tumawa ang mga kaibigan kong nakarinig sa sinabi niya.

siniko ko siya ng mahina.

nag smirk lang si Dj

loko loko talaga tong lalakeng to , thats why i love him.

ang dali ko lang nahulog sa kanya

noon abot langit ang inis ko sa kanya

pero ngayon abot pluto ang saya ko sa tuwing nakikita ko siya

"Hoy Kathryn Chandria Bernardo! ako ang kasama mo pero parang nasa bermuda triangle
ang iniisip mo " Quen

natawa lang ako sa sinabi niya.

"Enrique Villar saan ba tayo pupunta ?" ako

siyempre , tinawag niya ako gamit ang full name ko kayat yun din ang tawag ko sa
kanya . adik lang XD
"Basta " quen

sinusundan ko lang kung saan siya pupunta pero patuloy ko lang siyang kinukulit.

"Saang basta ? " ako

"Sa basta sabi ! " quen

"saan nga eh ?! " ako

"Basta sabi ! tigas ng ulo ! " sabi ni quen sabay kamot ng ulo

bigla siyang tumigil sa paglalakad kayat napatingin ako sa kinaroroonan namin. Nasa
tapat kami ng Music Room.

sa tabi nun ay may tarpaulin. na basa ko ang nakasulat , may audition pala mamaya
para sa isang musical. Open to all students na gustong mag perform ng kahit ano ,
basta marunong pwedeng mag perform.

Gusto ko sanang sumali pero hindi pwede , paninindigan ko yung sinabi ko na dapat
focus lang ako sa pag-arte at paggawa ng mga pelikula.

Matagal ko ng kinalimutan ang hilig ko sa musika.

awkward silence na masyado kausapin ko nga tong bestfriend ko.

"sabi ka ng sabi ng basta yun pala dito lang sa music room " ako

biglang kumunot ang noo niya at napakamot sa kanyang ulo

"Sabi ko sayo BASTA meaning: Beside A Short Tarpaulin AYUN ! " quen
* Facepalm *

tawa ako ng tawa ewan ko kung bakit , dahil ba sa kakornihan o dahil reaction niya.
haha

"Oyy sige na tama na ang tawa. Actually , dinala kita dito para makita mo tong
tarpaulin " quen

"So anong gagawin ko sa tarpaulin , kakainin ko ? ahahaha " ako

biglang sumeryoso ang mukha ni Quen kayat tumigil na ako sa pagtawa.

"Kath naman seryoso na. Alam kong magugustuhan mo to , sumali ka para naman maging
masaya ka " quen

huh O_O

wala naman akong sinasabihan na mahilig ako sa music

"Hindi ko gusto yan no. Theater kaya ang trip ko " ako

"Sus , wag ka ngang magmaang-maangan diyan. Parati kaya kitang nakikitang


tumatambay sa music room. saka yung si Kayla , adik na adik yun sa tumblr kayat
nakita niya yung dating account mo dun , marami ka daw post about music tapos may
videos ka pa " quen

hala tama.

Di ko pa pala nade-deactivate ang tumblr account ng dating kathryn.

"Quen yung totoo , stalker ka no ? hahaha " ako

"Ulol , nasa tapat lang kaya ng music room ang dance room. Parati kaya kaming
nagpa-practice doon. Marami ngang nakakakita sayo na tumutugtog. " quen
ay tanga ko talaga.

marami palang nakakakita sa akin O_O

kaya pala pianogirl ang tawag ng iba sa akin.

Spell TANGA ...A-K-O

"Di ako sasali quen " ako

"Yan ka na naman KATHRYN CHANDRIA ! bagay na bagay ka sa mga teleserye. Alam mo ,


dapat gawin mong priority ang kasiyahan mo. " quen

may point namin din tong lalakeng to eh. Pero pag-iisipan ko muna.

biglang nag-bell kayat nagsipuntahan na ang lahat sa kani-kanilang classes.

dumiretso kami ni Quen sa Gymnasium.

May announcement daw kasi si Ms. Marie para sa lahat ng Film major na students.

pagkadating namin dun , bigla akong hinila ni Kitty at pinaupo.

tumabi din sa akin si DJ

hayyy. Baka tama si Quen , kailangan kong unahin ang kaligayahan ko.

Actually , Masaya naman talaga ako ngayon.

Masaya ako dahil sa mga kaibigang nakapalibot sa akin tapos may Dj pa.

tanging hiling ko lang naman ay magkaroon ng lakas ng loob para makausap ng maayos
ang parents ko.
______________________________________

[DJ'S POV]

nakita kong dumating na si Kath kayat dali-dali akong umupo sa tabi niya.

napansin kong medyo tahimik siya kanina pa.

"Seryoso mo ngayon ah? saan ba kayo nagpunta ni Quen ? " ako

ngumiti lang siya.

naman kath oh ? nagseselos na ako dito :(

parang napansin yata ni Kath na nagpapacute ako sa kanya kayat bigla niyang pinisil
yung cheeks ko.

(♥___♥)

tumawa siya pagkatapos.

"Aray naman Kath , love mo talaga ako ha ? " sabi ko sabay pacute na naman dahil
baka hindi na pisil , kiss na ang gawin niya sa akin. hahaha

ang saya dre ! :)))))))))))))))))

"Uy !!!" sigawan ng mga nakakita

nakita kong namula si Kath at nagpatuloy sa pagsusulat.


"Pssst. awat na " ako

siyempre kahit na gustong gusto ko kapag tinutukso kaming dalawa ng mga kaklase
namin , kailangan ko paring magpa good shot sa kanya. HAHAHA :)

tumahimik na kaming lahat dahil nagsalita na naman si Ms. Marie.

"Malapit na ang HorrorFilmFest2012 kayat ang next production natin would be called
slaughter high. May makakasama tayong Special visitor na magga-guide sa production.
" Ms. Marie

biglang may umakyat na lalaki sa stage.

Wow ha , may pa backstage effect pa ang kumag.

Nagtilian ang mga babae.

Pogi daw.

hayy. mabuti nalang talaga at iba sa kanila si Kath.

Wala siyang pake kahit na gwapo ang nasa stage.

napatingin ako kay Robbie dahil naninibago ako dahil nanahimik siya bigla. Kanina
kasi daldal lang siya ng daldal.

Gulat ang mukha ni Robbie habang nakatingin sa stage.

Siyempre tumingin din ako sa stage.


teka , baka kilala ni Robbie tong lalaki sa stage? . Imposible namang na love at
first sight si Robbie sa lalaking yun.

"Okay so for the girls out there asking, the gentleman beside me is Mr. Kevin
Antonio" Ms. Marie

ah kaya pala. Siya pala yung isa pang survivor sa massacre noon. Kaya pala nagulat
si Robbie.

"Auditions for the role will be on Semptember 10 , 2012 . I will post a list
containing the names of those students who were personally recommended by Dean
Romero" Ms. Marie

mabilis lang natapos ang announcement ni Ms. Marie dahil dumating ang Head ng
campus security. May announcement din para sa amin.

hindi nag-iisa ang head ng campus security, kasama din niya ang ibang police. Pati
din yung si Detective Rossi.

"Good afternoon students. I know all of you are aware sa nangyari tungkol sa
dalawang female students last night " Detective Rossi

siyempre tumango kaming lahat. (pero di sabay-sabay , di kami robot ! nyahahaha)

"Hanggang ngayon di pa namin nadadakip ang pumatay sa kanila. Kayat for security
reasons , magpapatupad kami ng curfew. At 9pm, kailangan nasa loob na kayo ng mga
tinutuluyan ninyo. Kailangan may kasama kayo parati. No one should sleep alone. "
Detective Rossi

"Nakalimutan ko nga palang sabihin , Girls should be with girls dahil baka mag PBB
teens lang kayo kapag boys at girls ang magkasama. Gusto namin na walang buhay ang
masasayang na naman pero at the same time , ayaw din naming madagdagan ang
populasyon. GETS ? " Detective Rossi

natawa kaming lahat sa sinabi niya.

loko-loko talaga.
Pero ewan ko ba , parang familiar ang mukha niya.

natapos na ang announcements kaya pinauwi na kaming lahat.

Siyempre sama-sama parin kami ng TEAM POLRAN.

habang papalabas kami sa gymnasium, biglang may tumawag kay Robbie. Napalingon din
kaming lahat.

"Uyy Kevin Long time no see bro ! " bati ni Robbie tapos nag manhug sila.

kami nakatayo lang. OP mode. hahaha

"Nag txt kaya ako sayo ! Sabi ko Im coming back . hala matanda ka na talaga Robs "
sabi nung Kevin.

ah. si Kevin pala yung nagtext. Tanga naman nitong si Robbie. haha :D

nagpaalam muna si Robbie sa amin , kwentuhan daw muna sila ni Kevin.

Kayat heto kami ngayon , naglalakad patungo sa cafeteria.

Kanina ko pa talaga napapansin na parang wala sa sarili si Kath.

"Kath okay ka lang ba ? " ako

ngumiti lang siya

"Kath naman , yung totoo , kanina ka pa namin napapansin " Milo

Napapansin narin pala ng iba na medyo weird si Kath ngayon.


ngumiti lang si Kath.

Pasimple kong hinawakan ang kamay niya.

nagulat ako nang maramdaman kong napakalamig ng kamay niya. Kinakabahan siya ?

Hinawakan ko yung noo nya para tingnan kung may lagnat ba siya.

"Wala akong lagnat. " Kath

"Pero bakit ang lamig ng kamay mo ? " ako

natigil ang iba sa paglalakad. Napatingin sila sa amin.

"Uyy! HHWW !!! hahaha" Ria

dali-daling bumitaw sa akin si Kath. Tapos biglang nag-blush.

^___^

"Anong HHWW? " Milo

"Sus painosente pa si Manong Milo , Holding hands while walking!" James

nagtawanan kaming lahat.

langya talaga tong mga kaibigan ko. hahaha

"Guys , mauna na ako sa inyo " sabi ni Kath sabay pasok sa Music Room
pero bago paman siya pumasok hinila namin siyang lahat.

"Oy!Oy!Oy! where you going bebekath ? " Milo

"Music room " painosenteng sabi ni Kath sabay turo sa tapat niyang pintuan.

"Anong gagawin mo diyan bebekath? " Kitty

"Naman eh ! " Kath

marunong palang mahiya tong mahal ko ?

"sige wag mong sabihin basta kiss mo ako" ako ^____^ ... PBB TEENS MODE. nyahahaha

"Okay sasabihin ko na " ayyy. ayaw talaga akong halikan ulit ? :(

tumawa silang lahat..

Aiishh. at least I tried :)

huminga si Kath ng malalim

"mag-aaudition ako " kath

" Susuportahan ka namin " ako

"Talaga ? " kath

"Duh ?! oo naman ! ikaw kaya yung bunso namin. Siyempre malakas ka sa amin eh "
sabi ni Ria kay Kath
naging masaya si Kath

dali-dali namin siyang tinulak papasok doon. Siyempre moral support kaming lahat.

"Ms. Bernardo , im glad youre here to audition. Ikaw talaga yung inaabangan ng
lahat " Mrs. Valdez

hindi ngumiti si Kath

Sure ako masna-pressure yan

sinamahan namin si Kath sa backstage.

kinakabahan parin siya.

Hinila ko siya dun sa madilim na part ng backstage. (oyy. wholesome ang intention
ko ! hahaha )... siyempre di ko pinahalata sa tropa.

"Wag ka ngang kabahan.. " ako

"ang daming tao eeee ! " kath

ang lamig ng braso niya.

"gusto mong tumugtog diba? " ako

tumango lang siya.

"Then dont be nervous. Okay , ganito nalang tumingin ka lang sa akin para di ka
kabahan. Enjoy okay ?" ako

tumango siya ulit pero this time ngumiti siya sa akin. Diyosmiyo ! ang ganda talaga
ng mahal ko.
I cupped her face and kissed her forehead.

biglang tinawag yung pangalan niya. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa stage. Pero
before siya umakyat , She winked at me and mouthed , THANK YOU.

♥_♥ Lord salamat po sa lahat lahat. Kinikilig napo talaga ako.

siyempre pumunta din ako sa chairs para panoorin siya. Piano pala yung instrument
niya.

[A/N: NASA right side ang song :)) ]

♫Before I fall too fast

Kiss me quick
But make it last ooh ooh
So I can see how badly this will hurt me
When you say goodbye

Keep it sweet
Keep it slow
Let the future pass
And don't let go
But tonight I could fall too soon
To this beautiful moonlight

This Girl ♥

The first girl to ever make me feel this way

The first girl to make me realize that life is good

The first girl to prove me that love do exist

Nyeta , para na talaga akong bakla , Pero ganito talaga kapag nagmamahal ka .

But your so hypnotizing


You've got me laughing while I sing
You've got me smiling in my sleep
And I can see this unraveling
Your love is where I'm falling
But please don't catch me

Bigla siyang tumingin sa akin tapos ngumiti siya. Diyos ko kung nakakamatay ang
Kilig , i cremate niyo na ako.

bigla akong tiningan ng barkada. May meaning yung mga ngiti nila.

Nanunukso yan for sure.

So now you see


Why I'm scared
I can't open up my heart without a care
But here I go
It's what I feel
And for the first time in my life I know it's real

Biglang may nagsilapit sa kanyang mga lalaki.

Kanya-kanya silang nag-abot ng bulaklak sa kanila.

NYETA !!!

lumapit din si Quen ! EPAAAAAAAL !

halatang nagulat si Kath.

hayy... marami talaga ang may gusto sa mahal ko.

Pero Ako yata si DJ , di ako patatalo.

Kinuha ko yung paper roses sa bag ko.

Gumawa kasi ako ng oregami Roses kanina.


Wala silang panama dito ! hahaha. Pinaghirapan ko to tapos yung sa kanila ? as if
naman sila ang nagtanim nun >:D hahaha

tumayo ako at umakyat sa stage inabot ko sa kanya ang roses.

tumingin siya sa akin at ngumiti.

Narinig kong nagsigawan ang lahat. Yung mga babae kinikilig . nyahahaha

But your so hypnotizing


You've got me laughing while I sing
You've got me smiling in my sleep
And I can see this unraveling
Your love is where I'm falling
So please don't catch me

If this is love, please don't break me


I'm giving up
So just catch me ♫

nang matapos ang kanta. Nagsitayuan ang lahat at nagpalakpakan.

siyempre kami ng tropa , tumakbo na naman sa backstage para salubungin yung baby
namin.

------------------------

pagkatapos naming lahat na mag-dinner gumawa ako ng paraan para ma-solo si Kath
kaya heto kami ngayon sa ibabaw ng puno.

7 pm pa kayat pwede pa kaming gumala-gala sa campus.


"Congrats kath , so hindi ka na talaga sasali sa Film production ? sa musical kana
talaga sasali? " ako

"Yup , Musical ang sasalihan ko,I dont care if pagagalitan man ako ni Dean Romero
kung di ako sasali sa Slaughter High..Thanks pala Dj, as in thank you... " sabi ni
Kath tapos tumingin sa mga mata ko.

"You dont have to thank me. Malakas ka sa akin , mahal kaya kita " ako

ngumiti lang siya. Sana naman mahal niya rin ako.

"Nagulat kaming lahat , marunong ka palang tumugtog ng piano ? " ako

"Haha. Actually first love ko talaga yung music kaso ngayon Film production ang
gusto kong pagtuunan ng pansin. " kath

Sigurado akong tungkol na naman ito dun sa pinsan niya.

"Kath kung saan ka masaya dun ka. Maiintindihan ka naman ng lahat kapag sinunod mo
ang gusto mo. Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo. You dont have to change
everything about yourself. " ako

"I..I changed myself dahil na realize ko na sinayang ko lang yung buhay ko. I admit
, when I was in highschool ako yung definition ng salitang wreckless " kath

halatang pinipilit lamang niyang ngumiti

"halos every week pinapatawag yung parents ko sa principal's office. Lagi akong
napapaaway , lagi akong napapagalitan. Pero nagbago ang lahat October last year,
nung malaman naming wala na si Ate Parker " kath

bigla kong naalala yung mga scars niya sa pulso.


Sana noon pa ay nakilala ko siya para nagkaroon siya ng karamay noong mga panahong
nasasaktan siya.

"We all have our own demons inside of us , We all have our Dark sides . Kailangan
mo lang hanapin yung ilaw. Yung ilaw na yun , yun yung alam mong magpapasaya sayo."
ako

Leche ! ano yung pinagsasabi ko ang lalim dre !

"Lalim mo Deej ! di kita naiintindihan. hahaha :D " kath

"Minsan lang akong maging seryoso ,sakyan mo nalang yung trip ko. hahaha " ako

"Ikaw deej , ano ka nung highschool ka ? " Kath

hala oo nga ?

Ano nga ba ako noong nasa highschool ako ?

"Nung highschool ako , isa rin akong simpleng student. Gaya mo , laging napapaaway
din. Akala kasi ng lahat maangas ako at mayabang. Yung tropa ko rin kasi noon ay
ang mga siga sa school , akala ng lahat ng students puro sila masasama pero defense
mechanism lang nila yun dahil marami din silang mga pinagdadaanan. " ako

pagkatapos kong magkwento , kaming dalawa biglang natahimik

Ano yun ? may santong bang dumaan bigla?!


"Thanks Deej " sabi ni Kath sabay ngiti sa akin...

Ang ganda talaga nitong babaeng pinakamamahal ko ♥_♥

"Sabi nang wag kang mag thank you eh " ako

bigla siyang nagpout.

ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko , dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa
kanya.

napapikit kaming dalawa. Pero bago pa namin matuloy ang gagawin namin, biglang
tumunog ang cellphone ni Kath.

NYETA , panira ng moment !

dali-daling kinuha ni Kath ang phone niya.

"Deej , pinapauwi na ako ni Kitty. hehe " kath

---_---

Kitty naman eh , umeepal pa. tss.

"Mamaya na ! " ako

"Baka mag-alala yun " kath

"Okay fine , pasalamat ka malakas ka sa akin. Wait , una akong bababa para kung
mahuhulog ka , sa akin lang. hahaha " ako
habang dahan-dahan akong bumaba narinig ko na may binulong si kath sa sarili niya

"Matagal na akong nahulog" kath

Assuming lang ba ako or hint na yun na may nararamdaman din siya sa akin ?!!!

"anong sabi mo kath? " sabi ko sabay bigay sa kanya ng killer smile ko.

"Sabi ko sayo , bilisan mo na . ayaw kong matagalan dahil baka patayin tayo ni
Kitty " kath

weeh? narinig ko yung kanina ! hahaha

nakababa na ako kayat hinihintay ko na siya.

"Oyy dahan-dahan ka kath " ako

"Yes boss ! " kath

naglakad kami pauwi.

Magkatabi na ang bahay namin ngayon ^___^

hindi ako masaya dahil nagpakamatay si Ms. Beth pero on the bright side , nang
dahil sa kanya mas nagiging malapit pa ako kay Kath.
holding hands while walking !

Oo magkahawak ang kamay namin habang naglalakad [Translate lang ?! XD ]

nagkukulitan kami habang naglalakad.

Kinikiliti ko kasi kayat takbo siya ng takbo palayo sa akin.

Tawa lang kami ng tawa

habang dumadaan kami sa Music Building biglang tumigil si Kath sa pagtakbo at


pagtawa.

"Deej narinig mo yun ? " kath

huh O_O

tumahimik din ako para pakinggan yun.

"Ah oo , naririnig ko yung puso ko sinisigaw yung pangalan mo " sabi ko sabay wink
sa kanya

wala naman kasi talaga akong naririnig eh.

napatawa si Kath pero sumeryoso agad.


"Di meron ! parang may sumigaw ,tinawag yung pangalan ko " Kath

tumingin-tingin ako sa paligid.

wala namang ibang tao

"Deej , parang galing sa taas " sabi ni Kath sabay turo sa itaas ng music building
na nasa tapat namin.

ayaw kong mag-alala siya kayat lumapit ako sa guard ng music department.

"Guard may tao ba sa taas ? " ako

"Oo " guard

"Guard para po kasing may sumigaw sa taas eh. " ako

"huh ?! teka uhm.. umuwi na kayong dalawa nung girlfriend mo. Ako na ang bahala "
guard

bigla siyang nagradyo sa guard na nagro-roving daw sa taas. pinapatingnan kung may
kaguluhan ba doon.

mabuti naman....

pero napakasarap pakinggan nung sinabi ni guard na GIRLFRIEND MO .. ^__^ nyahahah


nilapitan ko na si Kath na nakauposa isang bench sa tapat ng building.

"Oh ano daw ? " kath

"titingan daw nila kung ano yun " ako

"Tara " sabi ni Kath sabay ngiti....

Saya mga dre... ang saya.. :))

________________________________________

[Mrs. Valdez POV ]

Napakagaling ni Kathryn sa performance niya kanina.

alam ko di siya kasali sa music club pero kailangan ko siyang isali sa orchestra at
musical. Bihira lang akong makahanap ng mga studyanteng ganun ka galing. She has
the talent , voice and passion. I cant let her slip away.

kinausap ko si Kathryn kanina tapos pumayag naman siya. Sabi niya , hindi daw siya
sasali sa Film Production nila dahil sa Musical nalang daw siya sasali.

I can feel it , mananalo talaga kami sa next musical dahil kay Kathryn.
kaibigan ko ang teacher niya sa major kayat dali-dali ko siyang tinawagan.

"Ms. Marie can we talk about your student , Ms. Bernardo ? " ako

"Why mam ?" tanong ni Ms. Marie

"Kailangan ko siya para sa musical at Orchestra. I need her talent so bad. Pwede
bang wag mo nalang siyang isali sa Film Production ninyo ? " ako

"Mrs. Valdez , ang desisyon po ay kay Dean Romero. Depende po sa kanya kung
papayagan siya. Nakausap mo na ba si Kathryn tungkol dito ? " Ms. Marie

"Yup and she wants to join . " ako

"Oh.. talk to dean Romero nalang po for verification " sabi ni Ms. Marie tapos
nagpaalam na.

tinawagan ko si Dean Romero pero walang sumasagot so I left him a voice message.

"Good afternoon Dean Romero , A student from your department , Kathryn Bernardo. I
believe na gusto mo siyang isali for your film production. Pwede po wag nalang
siyang sumali sa inyo. I need her so bad for the musical and orchestra. I already
offered her a role for the musical and she accepted it. Mas prefer po niya sa music
so I would be glad kung hahayaan niyo siyang sumali sa amin. Thanks dean."

-----------

Napatingin ako sa orasan , Its almost 9pm

nagsiuwian na ang iba kanina pa.

Damn this curfew. Pati kaming mga guro nadadamay pa.


napansin kong ako nalang mag-isa dito sa music department kaya nagsimula na akong
magligpit ng mga gamit ko.

Bigla akong nakarinig na parang may tumutugtog ng piano sa music room kayat dali-
dali ko itong pinuntahan. Magaling ang tumutugtog , kailangan ko siyang isali sa
orchestra.

pagkarating ko doon , wla nang tao. Wala narin yung musika.

Bigla ko na namang narinig yung tunog ng piano pero this time, narealize ko na
nangangaling pala yung tunog ng piano sa speaker.

bigla akong nakarinig na parang may babaeng nagsasalita kayat lumapit ako sa
speaker para marinig ko ng maayos yung sinasabi ng babae.

natakot ako ng marinig ko na humingi ng tulong ang babae. Ramdam na ramdam ko ang
takot sa boses ng babae. Para siyang may kausap sa cellphone. Humihingi siya ng
tulong.

Teka parang pamilyar yung boses..Kay Emma Romero tong boses na to ah ? OH MY GOD !
Siya yung pinatay kahapon !

Natakpan ko ang bibig ko sa takot.

Rinig na rinig ko ang sigaw at iyak ni Emma habang pinapatay siya..

Teka , bakit ko siya naririnig...

Tatakbo na sana ako nang biglang may humatak sa akin mula sa likod ko. Pilit niya
akong sinasakal gamit ang wires ng piano.

Napakasakit , napakahapdi .
Gusto kong sumigaw pero di ko kaya.

nanlaban ako kayat nabitawan ako ng salarin.

Nagulat ako ng makita ko siya. Ang salaring umatake sa akin ay nakasuot ng Jacket
at maskara na parang bungo .. Oo bungo

sumigaw ako ng tulong kaso hindi ko magawa napakasakit sa lalamunan.

Nahiwa pala yung leeg ko kanina dahil sa wire. Sa tuwing sisigaw ako ay hindi ko
natutuloy dahil biglang sumisirit ang dugo sa leeg ko.

Nararamdaman ko na maraming dugo ang lumalabas sa lalamunan ko.

nakatayo lang ang salarin , parang tinutukso niya ako.

Dali-dali akong lumapit sa pinto ngunit lock ito.

Nakita kong bukas ang bintana kayat tumakbo ako doon.

natanaw ko na may tao sa baba....

si Kathryn !

huminga ako ng malalim.

sumigaw ako

"Tulong ! KAAATHRYN ! " habang sumisigaw ako , ramdam na ramdam kong tumulo ang
dugo sa lalamunan ko at ang iba tumatalsik na sa bintana.

bigla akong hinila ng salarin..


Diyos ko , sana narinig ako ni Kathryn..

Ayaw ko pang mamatay....

nararamdaman ko na naman na sinasakal ako ng salarin gamit ang wire , biglang


dumilim ang paningin ko............

________________________________

[KILLER'S POV]

Natatawa ako Kay Mrs. Valdez nang pinarinig ko sa kanya ang huling sandali ni Emma
bago siya namatay....

Pagkatapos nun , Sinimulan ko na ang planong pagpatay sa kanya

Gustong-gusto niya talagang makaalis.

Sinipa pa nga ako ng bruha eh.

kaya yun. Pinatakbo ko muna.

Hindi ko inaasahan na may dadaan pala.

Bigla niyang tinawag si Kath.

Kayat dali-dali ko siyang hinila para di siya makita ni Kath at Dj.

kinuha ko yung piano wire at sinakal ko siya.

No choice siya , napaka-talim kaya ng wire.

Mas masasaktan siya kapag nagpumiglas siya , mas lalalim ang sugat.
Pero sadyang napaka likot nitong babaeng to , mas hinigpitan ko nalang yung wire.

Grabe yung dugo , parang gripong sira ! hahaha

sobra yata akong nag-enjoy sa ginagawa ko kayat di ko namalayan na malapit na


palang naputol ang kanyang ulo.

nang mapansin kong patay na siya.

In-off ko na yung video camera...

Wow ! ang ganda ng pagkakakuha ko.

Yan ang napala ni Mrs. Valdez

muntik na niyang alisin si Kath sa pelikula ko , yan tuloy isinali ko nalang siya
sa pelikula.

bigla akong nakarinig na parang may naglalakad.

Putangina naman oh !

dali-dali akong lumabas doon. hayy salamat hindi nila ako nakita.

nang masiguro kong wala ng tao , hinubad ko na ang costume ko.

punong-puno ng dugo eh.

oo nga pala nakalimutan kong sabihin , binago ko na pala ang costume.

Kung noon maskara ng demonyo ang gamit ni Dixon

ngayon maskara naman na parang silver na bungo ang gagamitin ko.

ayaw ko nung gamit ni Dixon noon , masyadong luma ang style eh.
Malapit na pala ang auditions , pipili na ako ng iba pang isasali sa masterpiece
ko.

Actually , napili ko na sina Kath , Dj at Robbie.

ewan ko sa iba , pipili pa ako eh.

pero kahit na kulang pa ang cast , nagsimula na akong mag shooting.

Umaayon talaga ang lahat sa plano ko.

[END OF CHAPTER 9]

________________________________________

matagal-tagal narin pala akong di nakaka-update kayat hinabaan ko na .haha :D

Comment naman diyan please :))))

Halimau OUT ♥
*******************************************
[12] Slaughter 10 : Family Ties
*******************************************
______________________________________

[3RD PERSONS POV]

"Parts! nakarinig daw ang mga bata dito ng sigaw galing diyan sa taas. Over "

Narinig ng mga guard ang mensaheng iyon kayat inikot nila ang buong building.

Ang isa sa mga guard ay pumunta sa opisina ni Mrs. Valdez. Narinig kasi niya na
parang may pintuang sumara.

Nagulat siya nang Makita niya ang walang buhay na katawan ni Mrs. Valdez, naliligo
ito sa sarili niyang dugo.

Tuluyang nasuka ang guard nang Makita niya na malapit nang maputol ang ulo ni Mrs.
Valdez.

Ilang minuto lang ang lumipas at nagsidatingan agad ang mga administrators ng
eskwelahan at ang mga police.
_______________________________________________

[Detective Rossi's POV]

11 pm na ng makarating ako sa Theatre arts University.

Sabi nilang lahat na crime scene daw ito pero nakapagtataka dahil , tanging iisang
ambulance lang ang nakita ko at tatlo lang yata ang police na dumating.

Umakyat ako sa mismong crime scene at naabutan ko doon na nag-uusap ang owners ng
school at head ng police department na kinabibilangan ko.

Nagulat ako ng makitang kasalukuyang nililinis ang crime scene.

"Teka , that's a crime scene ! bakit nyo yan nililinis ? " ako

Biglang humarap sa akin ang head ng police station na si Sir Tomas.

"Det. Napagkasunduan naming lahat na isikreto muna ang krimeng ito sa mga
estudyante. " sir tomas

"Ha ? bakit naman. Sir they have the right to know " ako

"Its for the student's good. This will only create mass hysteria , baka mas
magkagulo ang students " sir tomas

Para sa mga students ? o para mapanatili ang malinis na rePUTasyon ng skwelahan?


"But sir h----- "

Hindi na ako pinatapos pa ni Sir Tomas sa pagsasalita

"Kapakanan lang ng students ang iniisip namin dito detective kayat sana sundin mo
kami " sir tomas

"Sir we know what happened at Provident International Boarding School " ako

"Detective , this is different from that massacre. Baka nga robbery lang to turned
into homicide "sir tomas

Tumango nalang ako.

Walang hiyang buhay to oh ! . Wala akong magagawa , mas mataas ang posisyon nila sa
akin. Kailangan kong sumunod.

Mahirap talaga kapag napapalibutan ka ng buwaya.

Yung si Sir Ungas este Tomas , buwaya yun pero ang mukha orangutan.

Pangalan lang naman ng skwelahan ang pino-protektahan nila.

Alam kong binayaran ng administrators ng school si Sir Tomas para mapasunod ito sa
kanilang gusto.

Wala akong choice kundi mag-conduct ng sarili kong imbestigasyon.

Ayokong maulit yung mga nangyari noon sa provident international boarding school.

[A/N : Si Detective Rossi po yung nasa Book 1]


_____________________________________________

[Kathryn's POV]

Kakauwi lang naming ni DJ.

Sobrang saya nga araw ko kaso nasira lang nang dumaan kami sa Music Department.

Sino kaya yung tumawag sa pangalan ko kanina ? Creepy naman.

Nasa loob ako ng kwarto ko.

♫ Lets go crazy ! crazy ! crazy till we see the sun ---- ♫

Tiningan ko ang cellphone ko

DJ CALLING.....

^__^

Dali dali ko itong sinagot.

"Hey ! " ako

"Hey punta ka sa bintana mo " dj

Siyempre pumunta rin ako.

Nakita ko doon si Dj , nag wave sa akin

Magkatapat lang kasi ang mga bintanan namin.

Nag wave back din ako sa kanya


"Boss di ka pa matutulog ? "Dj

"Nope tambay muna ako sa facebook " ako

Biglang nagvibrate yung phone ko,may tumatawag.

"Deej, may tumatawag baba ko muna huh ? " ako

"yess boss " dj

Tinapos ko na yung tawag naming ni DJ

Pagkakita ko , si Mommy pala yung tumatawag.

Once a week ko lang kasi sinasagot ang mga tawag nila.

Miss na miss ko na din si Mommy kayat sinagot ko agad ito.

"Hello Mommy ! " ako

"Baby! How are you ? baby miss na miss ka na namin ng daddy mo " mommy

"Honey Loudspeaker mo naman " narinig ko si Daddy.

Uyy , akala ko on the rocks parin ang relasyon nila , bakit Honey ? haha

"Baby , naririnig mo na rin ba ako?" daddy

"yup ,loud and clear" ako

"Baby nag-aalala kami sayo, nabalitaan namin yung nangyari sa dalawang students
diyan. Please anak , dito ka nalang mag-aral. " Mommy

Napabuntong-hininga ako.

"Mommy , Safe po ako dito. Masaya rin po ako. You have nothing to worry about. "
ako

" Baby, miss ka na talaga namin, pwede ka bang umuwi dito kahit ngayong weekend
lang ?" daddy

Shit yung luha ko parang tutulo na.

Miss na miss ko na rin naman sila eh ,di pa lang talaga ko handa para magpakita sa
kanila. Nakokonsenya pa ako.

"Dad medyo busy po kasi eh. I promise uuwi po ako sa semestral break." Ako

Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Akala ko si Kitty pero pagbukas ko, nagulat ako nang Makita kong si DJ pala.

Nakangiti tapos may dalang bulaklak.

Eeeee ! sweet eh.

"Baby baka may boyfriend ka na diyan kaya hindi mo gustong umuwi " daddy

Oo nandito nga sa harapan ko ang pogi ! hahaha :D

Biglang pumasok si Dj sa kwarto ko tapos umupo sa bed.

Pinandilatan ko siya ng mata at tinuro ko ang phone.

"Uy baby ? bat di ka sumasagot , may boyfriend ka na no ? " daddy


Nako po ,biglang nag-iba ang mood ng boses ni Daddy.

"Dad , wala po. Kung meron man promise ipapakilala ko sa inyo " ako

biglang ngumiti si Dj na abot tenga.

Dafuq ,na gets niya ??!!

Narinig ko sa kabilang linya na umalis si Mommy dahil nakalimutan niya na may


niluluto pala siya.

"Dad wala si Mommy ? " ako

Napatingin ako kay Dj , nakatingin pala siya sa akin.

Di ko maiwasang mapangiti ^_____________^

"Oo , pinuntahan muna ang niluluto niya. Hindi na pala loudspeaker to baby. " daddy

"Ah " ako

"Baby, okay na pala kami ngayon ng mommy mo , sumasali kami sa counseling. Going
strong na nga ulit kami " daddy

"Dad , you don't have to do that. Tanggap ko naman na wala na talaga kayong pag-asa
eh. Drop the lies dad " ako

Bigla akong pinaupo ni Dj sa kama ko tapos hinawakan niya yung kamay ko

"Baby , I know mahirap paniwalaan but truth be told , okay na kami ng Mommy mo. We
are fixing ourselves para pagbalik mo , One big happy family tayo. " Daddy

Shit ! si Luha tumulo na !

Dali-dali kong pinunasan ang luha ko. Tumingala ako para mapigilan ang luha ko.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Dj sa harapan ko.

Para siyang ewan na gumagawa ng Wacky faces , di ko maiwasang mapangiti.

Si Luha humuhupa na.

Huminga ako ng malalim

"Dad I love you, I love both of you. Im also trying to fix myself para pagbalik ko
okay na tayo ulit. Salamat talaga. Uuwi ako kapag handa na ako then we'll be that
happy family " dali dali kong binaba ang phone.

Ewan ko ba bigla kong niyakap si Dj.

Bigla niya akong hinalikan sa noo.

Salamat lord ! nandito si Dj

"Yun oh ! umiiscore na si DJ natin ! " sigaw ni Robbie

Dali-daling bumitaw si DJ sa akin at hinabol si Robbie.

"Bwist ka talagang unggoy ka !!! " DJ

Tawa lang ako ng tawa.

Bumaba ako sa sala.

Nandito pala ang buong barkada.

---------------

Habang naglu-lunch kami nagulat ako nang biglang may tumakip sa mata ko.
"uy sino to ? " ako

imposible namang si DJ , magkatabi kasi kami.

"sino nga to ? " tanong ko habang tumatawa.

biglang bumitaw yung kamay na nasa mata ko.

"Hala di mo na ako kilala.. tsk.tsk "

kilala ko yung boses na yun.

"Kuya Dominic !! " bati ko sa kanya.

nagtawanan naman yung barkada

"Hello ! anong ginagawa mo dito kuya ?" ako

"May sasabihin daw sa akin si Kevin " kuya dom

"Nako dominic , alam ko na kung ano ang sasabihin ni Kevin " Robbie

im sure kakausapin ni Kevin si kuya tungkol sa film production.

"Ano ? " kuya dom

"mas mabuti pang sa kanya mo mismo marinig, By the way bro , manliligaw pala ng
pinsan mo." Biglang tinuro ni Robbie si Dj

gulat na gulat ako sa ginawa niya.

Dafuq ?! Robbie mababalatan talaga kita ng buhay !


biglang nawala ang ngiti sa mukha ni kuya Dominic.

Teka may problema ba?

"Ya ? may problema ba ? " tanong ko kay kuya

Mistulang nahimasmasan si Kuya sa tanong ko kayat bigla siyang ngumiti.

"Ah wala. Dude wag mong lokohin tong pinsan ko hah " kuya dom

"Oo naman ! " dj

sus ! haha

"Sige mauna na ako " biglang umalis si kuya dominic.

Teka anong problema nun ?

nang makaalis na si Kuya ay tinanong ko si Robbie.

"Robs anong problema nun ? " ako

"Hayaan mo na yun. Sino ba naman kasing di magugulat kung ang mismong kapatid mo at
boyfriend niya ay kamukha ng pinsan mo at ng boyfriend niya. " robbie

"HA ?! " sigaw naming lahat.

Oo sabay sabay talaga.

Ang hirap kayang intindihin yung sinabi niya.


"Diyosmiyomarimar ! sabay sabay pa talaga " Robbie

"Hoy Robbie magkwento ka nga " Kitty

huminga ng malalim si Robbie.

"Nakwento ko na to eh , uulitin pa ? .. tss... ok fine...Si Parker ay may Boyfriend


, ang pangalan nun ay Grey. Kaso pareho silang namatay. Tapos itong si Kathryn na
sobrang carbon copy ni Parker. Ito rin namang si DJ ay medyo kamukha ni Grey "
Robbie

Ah , kaya pala.

Nakita ko na yung picture. Magkamukha nga.

"I dont get it , bakit parang hindi happy si Dominic , may ginawa ba si Grey ? "Ria

Oo nga yan rin sana yung tanong ko eh.

"Ah. wala nevermind " Robbie

[A/n : Tanging ang apat lang na survivors ang nakakaalam na killer din si Grey sa
book 1 . Isinikreto nila ito bilang pabor dahil tinulungan sila ni Grey bago ito
namatay]

natigil kami sa kwentuhan namin nang biglang narinig naming nagdadabog si Quen at
agad na nag walk-out.

Malayo sila ng kinauupuan mula sa amin kayat di namin alam kung ano ang problema
niya.
Bilang bestfriend niya , sinundan ko si Quen palabas ng cafeteria.

Nakita ko siyang nakaupo doon sa isang bench na malayo sa mga tao.

"Uyy anong problema ? " ako

"wala " quen

"Anong wala eh abot lupa na ang nguso mo " ako

biglang ngumiti si Quen.

Alam kong isa lang yan sa kanyang signature fake smile niya.

"Nakakainis na kasi si Kayla eh. " Quen

"Quen sensya na ha , wala akong alam na advice tungkol diyan. Only child ako eh "
ako

"Okay lang pero ganito naman talaga ang magkapatid laging nag-aaway. Minsan
napupuno lang talaga ako sa kanya " Quen

"Ano bang problema " Ako

matagal bago nakasagot si Quen.

"May boyfriend na kasi " Quen

"Ha ? talaga. wag kang magalit. Natural lang yan eh " ako

"Nakakapanibago lang kasi na yung batang lagi kong inaalagaan at binabantayan ay


may iba ng kasa-kasama " Quen

Naiintindihan ko rin naman siya eh.

inakbayan ko nalang si Quen at sumabay nalang ako sa kanyang pumunta sa susunod


naming klase.

______________________________________

[DJ'S POV]

sinundan muna ni Kath yung epal na si Enrique kayat heto kami ngayon ng barkada sa
cafeteria, asaran ng asaran.

bigla akong tinawag ng head ng campus security.

"Guys una muna ako , may kailangan yata sa akin " paalam ko sa kanila.

tumango lang sila.

pinapunta nila ako sa opisina nila dahil may itatanong daw.

wala choice , kailangan kong sumunod.

Nang makarating ako doon , Nakita kong naghihintay sa akin si Detective Rossi.

Bakit ba napaka familiar ng mukha niya ?

"Good Afternoon sir " Bati ko sa kanya tapos pina-upo niya ako.

"Mr. Padilla may itatanong lang sana kami tungkol sa narinig mo kagabi ? Kaninong
sigaw ang narinig mo ? " Det. Rossi

" Ha ? uhm sir , yung kasama ko po ang nakarinig sa sigaw. sinabihan ko lang ang
guard tungkol sa narinig niya. Bakit ? may nangyari po ba ? " ako

"Oo , natagpuan naming patay doon ang guro na si Mrs. Valdez " Det. Rossi

ha ?!

totoo pala talaga yung narinig ni Kath

"Sana isekreto muna natin ito iho. Gusto kasi ng skwelahan na maging pribado muna
ang kasong ito. " Det. Rossi

tumango nalang ako.

"Ano daw yung narinig ng kasama mo ? Wala ba siyang nakita ? " Det. Rossi

"Sabi niya narinig lang daw niyang may tumawag sa kanya kayat napatingin siya sa
taas. Pero wala naman daw siyang nakita. " Ako

tumango lang din si Det. Rossi

"Sir sana wag nyo na pong interviewhin yung kasama ko dahil baka matakot lang yun.
Yung mga sinabi ko kanina ay yun din naman yung sinabi din niya sa akin eh. " ako

"Okay may tiwala ako sayo Jarred " Det. Rossi

Jarred ?

bakit jarred ang tawag niya sa akin ??

matanda na talaga tong lalakeng to.

"Po ? Dj po yung pangalan ko " ako

"Ay tama , pasensya na. Nasanay lang kasi akong tawagin kang Jarred " Det. Rossi
Anong pinagsasabi nito?

two letters lang naman yung real name ko.

yung totoo naka rugby ba tong matandang to ?!

"Bakit po Jarred ? nagkakilala na po ba tayo ? " ako

"Oo , nagkakilala na tayo pero baka di mo na ako natatandaan. Tell Carlos I said Hi
" Det. Rossi

kilala niya rin ang Daddy ko ?

Weirdo nitong lalaking to.

umalis nalang ako dahil klase ko pa.

Jarred ...Jarred....bakit parang familiar ang pangalan na yan ?

[END OF CHAPTER 10]

________________________________________

HELLO :)

Sa mga nakabasa diyan ng special chapters ng SLAUGHTER HIGH called Child's Kill

Im sure kilala nyo na ang real identity ni DJ

hahaha :D sakyan nyo nalang ang trip ko. Alam kong medyo nonsense.

hahaha :D
Next chapter makikilala niyo na ang new students :))))

*******************************************
[13] Slaughter 11 : Auditions
*******************************************
a/n : Liars are Great Actors , Actors are Great Liars

Never be decieved by a wolf in a sheep's clothing.

_____________________________________________

[DJ'S POV]

September 9 , 2012

Sunday na Sunday pero nandito kami ngayon sa classroom namin. May special
announcement daw si Ms. Marie.

"The other day ,I told you na may bago tayong students. Last Thursday ko pa sana
sila ipapakilala sa inyo kaya lang ininterview pa sila ng todo-todo ni Dean
Pascual. " Ms. Marie

Biglang may pumasok na tatlong students. Dalawang lalake at isang babae.

Magkatabi kami ni Kath.

Napatingin ako sa kanya dahil bigla siyang tumahimik.

Kanina kasi napaka daldal niya eh. hahaha

"Good morning pala everyone I'm Tyler Ponce"

Napatingin ako dun sa nagsasalita dahil pamilyar yung boses.

Nagulat ako nang Makita ko yung mukha niya


Tyler ?!

Classmate ko siya sa highschool.

Isa yan sa mga tropa ko.

"Im Sophie Song"

Sabi rin nung isang babae.

"Im Paul Feliciano"

Sabi nung isang lalake.

Uyy. Grabe naman ng ngiti nitong si Paul.

Bigla siyang nag wink kayat napatingin ako kung saan siya nakatingin.

BWISIT TONG LALAKENG TO ! NAKATINGIN KAY KATHRYN KO!!

Biglang yumuko si Kath na para bang tinatakpan ang mukha niya.

O_O

Inakbayan ko si Kath para tumigil si Paul sa kakatitig sa kanya.

Oh yan ! mamatay ka sa inggit !

Biglang napatingin sa akin si Paul na halatang nagulat.

Bigla niya akong nginitian.

Siyempre kahit nababadtrip ako sa kanya , nginitian ko parin siya.

After 5 minutes , Pinapunta na kaming lahat sa gymnasium


Ngayon kasi yung auditions para sa Slaughter High.

Habang naglalakad kami papunta sa gym , bigla kaming nilapitan ni Paul.

"DJ PADILLA ! " sabi ni Tyler tapos nag fist bump kami.

"Gago , bat di mo sinabi na lilipat ka ? " ako

Ganyan talaga yung batian namin.

Parang endearment ang bad words.

"biglaan eh . nagpasama sa akin yung pinsan kong si Paul na mag-transfer dito."


Tyler

Nyeta , pinsan pala niya yung lalakeng yun

Mabuti nalang talaga at di niya kasama si Paul ngayon kundi mauupakan ko talaga
yun.

"Ty , si Kath nga pala . Kath si Tyler " ako

Nagngitian lang lang silang dalawa.

Pero nakapagtataka dahil parang shocked yung mukha ni Tyler

"Uhm , Deej, Tyler mauna na ako, kakausapin ko muna si Ms. Marie " kath

Nginitian ko lang si Kath at tumango ako.

"Girlfriend mo Bro ? " Tyler


"Oo bakit ? " sabi ko.

Siyempre confident na confident ako habang sinasabi yun.

Chin up dre !

"Swerte mo pre. Binata ka na talaga " Sabi ni Tyler habang ginugulo ang buhok ko

"Di ka talaga nagbago bro , Once a gago , Always a gago. hahaha " ako

_____________________________

[KATHRYN'S POV]

Dafuq ! As in bwisit !

Bakit nandito si Paul ?!!

Nagkakilala kami ni Paul noon habang nasa ospital ako.

I tried to commit suicide kayat pina-attend ako ng mga seminars at group theraphy.
Doon kami unang nagkita ni Paul. Pareho kaming may pinagdadaanan kayat naging close
kami ni Paul noon.

Patapos na yung last session namin nang manligaw si Paul sa akin.

Pero binasted ko siya.

Diyos ko Tulong ! Ayaw kong malaman ng iba lalong lalo na si Dj na nagtangka akong
magpakamatay noon. Baka layuan nila ako. Huhuhu

Si Tadhana naman napaka TROLL !

Pinsan pala ni Paul yung kaibigan ni DJ sa highschool.


Dali-dali nalang akong nagpaalam sa kanila.

Dumiretso ako sa banyo.

Nakaharap lang ako sa salamin.

Kath ... Inhale...Exhale...Inhale... Exhale

Biglang bumukas ang pinto ng CR.

"Hello Kath ! " Kayla

"Hi ! " sabi ko sabay ngiti

"Namumutla ka yata ? " Kayla

Tumawa nalang ako.

"kinakabahan ka sa auditions ? " Kayla

Kay Paul ako kinakabahan... Hindi naman ako kinakabahan sa auditions dahil sa
musical na ako sasali.

Ngumiti nalang ako.

"Mag-aaudition ka din ? " tanong ko sa kanya para maiba ang usapan

"Yup" Kayla

Biglang bumukas ang pintuan at biglang pumasok ang Impaktang Bitch na si Sabrina

[A/N : Siya yung sa radio station na napaka bitch kay kath ]


"Kath ang putla mo yata ngayon ? " Sabrina

Bwisit , wag mo akong guluhin ngayon kung ayaw mong dumugo yang gums mo !

Ngumiti lang ako.

"Nalaman mo na siguro yung results ng audition para sa musical no ? too bad hindi
ka nakuha " sarcastic na sabi

Ano ? di ako nakuha ? :(( kailangan ko talagang sumali sa Slaughter High ngayon.

"Sab , kahit na di nakuha si Kath alam parin naman ng lahat na magaling talaga si
Kath " Kayla

Nag smirk lang si Sabrina.

Ako naman di maka-imik.

Mabuti nalang talaga nandito si Kayla may tagapagtanggol ako.

"Don't worry Kath , theres always the next time " Sabrina

Biglang humarap si Kayla sa kanya

"WOW ! that's Fantastic ! Youre so PLASTIC ! " sabi ni Kayla

"Excuse me ? " Sabrina

Tawang tawa talaga ako sa mukha ni Sabrina.

"Oh youre excused and by the way , payong kapatid Uso ngayon gumamit ng Deodorant.
Ang baho te super !" sabi ni Kayla sabay hila sa akin palabas ng Cr
Tawa lang kami ng tawa .

"Oh my God , Kayla thank you " ako

"Sus no worries. Bestfriend ka kaya ng kuya ko , malakas ka sa akin no " Kayla

Ramdam na ramdam ko ang kaba habang naglalakad kami patungo sa gymnasium.

Bigla akong tinawag ni DJ at pinaupo sa tabi niya.

Mabuti nalang talaga at hindi na niya kasama si Paul.

Mag-uusap pa sana kami kaso nagsimula ng magsalita si Ms. Marie.

"Good Afternoon Everyone , Before we start , Gusto ko sanang ipakilala sa inyo ang
mga tutulong to make this production Possible. Of course we have Mr. Kevin Antonio
to be our reviewer, Mr. Tobi Yan to be our mentor for directing and Mr. Romeo
Guzman as our producer " Ms. Marie

May I call on Bernardo , Chen , and Padilla

Siyempre tumayo kaming tatlo.

"The three of you are sure na kasali na sa Production. The roles and position are
yet to be announced so lets start with the audition " Ms. Marie

Hinawakan nalang ni DJ ang kamay ko.

Alam niya talagang ayaw kong sumali.

Pero wala na talaga akong magagawa....

"Easy lang ang audition process natin. You should state your Name, Age,Aspired role
or position and reasons for taking up your chosen course. Hindi nyo na kailangang
mag sample dito ng talent nyo dahil teachers nyo ang tatanungin namin " sabi ni Mr.
Guzman

At yun , nagsimula na ang auditions........................

"Hey everyone, Im Enrique "Quen" Villar , 17 years old. I would want to play
Dominic Imperial because I admire his love for his sister and his girlfriend. He
experienced pain and I believe , I could play that. I took up this course because
of our family business."

"Hello girls and boys , my name is Kayla Villar , 16 years old. I am Quen Villar's
younger sister. I would love to play the role of Miki or be the director. Im not
suitable for any lead roles. I chose this course because my parents' want me to
guard my dear big brother."

"im Rianne Mae Chen , Ria for short. Im Robbie's younger sister. 16 years old. I
honestly would want to work as a writer. I chose this course because this has been
my dream "

"Im Kitty Mae Torres, 17 years old. I would want to play Kat's character because I
love her personality, she went through a lot and I believe I can give justice on
her role. I took up this course because theater has always been my escape from
problems. Acting is my passion.

"Im Milo Salvador, 17 years old. I want to be the floor director. I chose this
course because I want to entertain people and make movies."

"Im James Antonio, 17 years old. I want to play Dixon, Dixon's personality is very
difficult and Im up for the challenge. I chose this course because just like them,
I want to make movies. "

"Hey Im Paul Feliciano , 17 years old. I want to play Ethan because we have the
same sort of aim.I just transferred here. The reason why I chose this course is
because, I want to be with the girl who stole my heart "

Nagulat ako nang mapansin kong nakatingin siya sa akin.


"Bwisit ! "dj

Napatingin ako kay DJ

Hindi siya tumitingin sa akin. Halatang naiinis siya.

Ewan ko kung ano ang problema niya pero hinawakan ko nalang ang kamay niya para
naman kumalma siya.

Bigla siyang humarap sa akin.

"Okay ka lang? " ako

"Tss " bigla niyang hiniwalay yung kamay niya tapos tumingin ulit sa stage.

Dafuq ?!

Nakakainis >.<

Humanda talaga to sa akin mamaya , away pala ang gusto niya huh.

Nagpatuloy nalang ako sa panonood ng auditions.

Nakakabadtrip tong katabi ko . Putek !

"Im Tyler Ponce , 16 years old. I want to play Grey's character. I took up this
course because I was persuaded by my lovestruck cousin , Im only here for one
semester because I'll migrate on Korea next year"

"Im Sophie Song , 17 years old. I want to be the make-up in charge of the cast. I
specialize in make-up illusions. I took up this course because of our family
business , which is pretty much essential to horror movies. Kami yung gumagawa ng
fake blood at prosthetics."

Ang galing pala ng business nila.

Sila pala yung nabasa ko sa isang horror magazine. Nang dahil sa kanila mas
nagiging convincing ang mga horror movies.
Napatingin ako kay Robbie.

Uy ! mukhang type yata ni Robbie si Sophie ! hahaha

"Im Zoe Hermosa , 17 years old. I want to works as a production designer. I chose
this course because I want to explore the film industry "

"Im KC Quizon , 17years old. I want to portray any character as long as she has a
death scene. I love playing roles of death . I chose this course because I love
movies. "

Weird talaga nitong si KC .

Si KC kasi yung Goth Girl namin.

Laging naka black at kung maka eye-liner wagas.

Pero mabait yan.

"Im Jason Cruz , 16 years old. I want to portray Blake's character. I took this
course because just like the others I want to make movies."

"Hey all , Im Kristy Garcia. I want to play Parker Imperial because I believe that
I have the talent. I took this course because I want to be an actress "

Wow taas ng confidence level nitong si Kristy.

Nagulat kaming lahat ng bigla siyang nag-wink kay Sir Guzman.

I smell something bitchy

hindi na kami pinaakyat sa stage dahil sure na daw kami na kasali.

Nakakainis , akala ko kasali ako sa musical.

Kasalanan ko to , masyado akong assuming.


6pm na nang matapos ang audition.

sobrang nakakapagod.

Todo iwas ako kay Dj , Nakakainis kasi.

nasa gymnasium parin kami. Hinihintay lang naming lumabas ang iba para hindi
masikip.

"kath sa tingin mo makukuha ako ? " Ria

"im sure makukuha ------ "

hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang

"Kaaath ! "

napalingon kaming dalawa ni Ria

nako po ! Si Paul !

"Magkakilala pala kayo kath " Ria

tumango nalang ako.

"Ria , una na muna ako , kausapin ko muna to " paalam ko kay Ria.

lumapit ako kay Paul.

"Naaalala mo naman siguro ako diba " sabi ni Paul sabay ngiti

ayaw ko din namang maging bastos.

Mabait din naman kasi si Paul.


"Oo naman " ako

napansin kong kami nalang palang dalawa ang natitira sa gym. nasaan kaya si Dj ,
ano kayang problema nun ?

"So I guess classmates na tayo " paul

ngumiti nalang ako.

"Paul sana wag mong sabihin sa iba kung paano tayo nagkakilala , ayaw ko kasing
malaman nila eh. " ako

ngumiti din si Paul

"Sure , If yan yung gusto mo. Pero kath kung totoo mo silang kaibigan , matatanggap
ka naman nila kahit na may bad past ka. " paul

may point din naman siya pero natatakot lang talaga ako sa reaction nila.

sumabay nalang ako kay Paul papunta sa cafeteria , siyempre kwentuhan muna.

Mabuti nalang at tinawag siya nung Tyler kayat nakapunta na ako sa barkada.

Pagdating ko sa usual table namin na-curious ako dahil may kulang.

"oh , Nasaan yung si DJ? " ako

"Hala ka Bebekath inis yun sayo " James

O_O
"Huh ? bakit siya galit? Eh ako nga yung dapat na magalit sa kanya dahil sa inasal
niya kanina" ako

"Eh kasi po nagseselos yun." Kitty

"Pfftt... nagseselos ? bakit naman ? " ako

"Kanina pa kaya namin napapansin na todo selos si DJ kay Paul. Obvious na obvious
kasi na may gusto sayo yung paul. Tapos kanina after nung auditions ay nag-usap pa
kayo. Kaya yun badmood masyado si Dj. Wait Magkakilala ba kayo ni Paul ? " Milo

tumango nalang ako at akmang aalis

"Oyy saan ka pupunta ? " Kitty

"Puntahan ko muna yung demonyo "ako

"Yiheeeeee ! " sabay nilang tukso sa akin

^___^ tuksuhin nyo pa ako , mas lalo akong kinikilig ! hahaha

"Kath try mo sa mini forest " Robbie

"Ok poooo " sabi ko sabay alis

-------------------------------

Nandito ako ngayon sa mini-forest , tama nga si Robbie nandito si Dj.

Nasa taas ng puno si Dj , yung puno na parati naming inaakyat.


pasimple akong umakyat doon sa puno.

Alam kong nakikita niya ako sadyang di lang niya ako pinapansin.

Magkatabi na kami sa itaas ng puno.

Wala parin siyang imik.

Awwwkkwaaaaard !

hingang malalim..

"Deej bat ka nandito ? andaming lamok oh " ako

"Edi umalis ka , magsama kayo ni Paul ! " Dj

sigawan lang. bastos huh

"Wow , bastos mo naman. Edi o sige aalis na ! bwisit " sabi ko habang bumababa sa
puno

"Oy dahan dahan lang " sabi ni DJ

naman eeee ! kahit na galit sa akin , sweet parin

"shut up ! kung hindi lang kita mahal , itinulak na kita diyan " ako

Hala ?!!! bat ko sinabi yun. narinig kaya niya???.


"Ano ?! " dj

dalawa ang ibig sabihin ng ANO

A. hindi niya narinig

B. narinig niya , di lang siya makapaniwala

nang makababa na ako dali-dali akong naglakad palayo.

Siya naman dali-daling bumaba sa puno tapos hinabol ako.

Bigla niyang hinatak yung braso ko para humarap ako sa kanya.

"Araaay ! " ako

nagulat ako dahil nakangiti na si DJ , yung ngiting masaya.

Okay Fine letter B talaga ang ibig sabihin ng ano niya.

"Sorry ^_^ " sabi ni Dj sabay nag peace sign

napansin yata niya na masakit yung pagkakahila niya sa akin kayat binitawan niya
ako.

"ano yung sabi mo ? mahal mo ako " sabi ni Dj sabay ngiti

napakamot ako sa ulo ko.

sure na akong namumula ako ngayon.

yung kilig level abot langit na oh !

"Ewan ko " ako

bigla niya akong isinandal dun sa isang puno


yung dalawang kamay niya isinandal niya sa puno para di ako makaalis.

Kinorner ako sa puno. putek ! hahaha

Eye to eye kaming dalawa.

hindi ko maiwasang mapangiti.

"Oyy smile means yes ! " dj

"Maraming ibig sabihin ang smile ! " ako

hinalikan niya ako sa noo.

"I love you , KATHRYN CHANDRIA IMPERIAL BERNARDO " dj

pinisil ko ang cheeks niya.

"I love you too DJ PADILLA " ako

bigla niyang itinaas ang dalawang kamay niya

"YEHEYYY !!!!!!! Woohoooo ! " Dj

dali dali kong tinakpan yung bibig niya.

"Huy huy eksaheradaaaaaaa ! " ako

bigla naman siyang tumigil. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ito.

"So tayo na ? " dj


I just nodded and smiled at him ako

Ang saaaayaaaaaa! hahahaha

dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

hahalikan niya sana ako pero tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko.

"huy bakit bawal kiss ?! " sabi ni Dj sabay pout.

"Ang sama mo kaya kanina! sinigawan mo pa ako " ako

"Sorry na , nagseselos lang naman ako kanina eh " dj

"Selos ? bakit naman ? " ako

huminga ng malalim si Dj

"Sino ba ang hindi maiinis , Kitang kita ko yung tingin sayo ni Paul. Yung ngiti
niyang abot tenga. Tapos yung audition niya pa kanina drama drama pa siya na i want
to be the girl who stole my heart! Tapos kanina nag------

*TSUP*

natigil sa pagsasalita si Dj dahil hinalikan ko na siya.

ang ingay eh kaya hinalikan ko na.

bibitaw na sana ako kaso bigla niyang pinulupot yung dalawang kamay niya sa likod
ko tapos mas diniinan niya yung halik.

Oh my Glob ! kissing monster pala tong boyfriend ko.

i pushed him a bit para matapos yung kiss

mabuti nalang at bumitaw narin siya.

hingal na hingal kaming dalawa

natawa nalang ako.

"tara na sa cafeteria gutom na ako " ako

"Yes boss " sabi ni Dj sabay akbay sa akin.

Sobrang saya ko ngayon.

Sana ganito nalang parati.

______________________________________

[KILLER'S POV]

Nice !

Napili ko na ang cast para sa pelikula ko.

Sa tingin nila sila ang gagawa ng pelikula pero di nila alam , tinutulungan lang
nila akong gawin ang pelikula ko.

I have my Cast , now I'll just have to make sure that nothing gets in my way.
Kumakain ako nang bigla kong napansin na dumating Sina Kath at Dj

holding hands tapos parang napakasaya.

LIFE IS GOOD !

dahan-dahan ng nangyayari ang mga plano ko.

Siyempre sa isang movie kailangan ng Romance , Kayat ang napili kong ang magbibigay
ng romance factor ay sina Dj at Kath. Akala ko noon di magwo-work ang plano namin
dahil nagtangkang magpakamatay si Kath pero i was wrong ! nagkadevelopan nga ang
dalawa.

All our hardwork paid off !

Sila na ! haha

nagpaka cupid pa talaga ako para lang magkalapit ang dalawa.

Siyempre sa isang story hindi mawawalan ng problema ang mag syota.

and thats already taken care of .

Bago pa man sila nagkakilala , inalam ko na ang kani-kanilang backgrounds.


Minanipula ko ng konti para mas exciting...

Paano kaya kapag pinaniwala ko si Kath na ang taong pumatay sa kanyang mahal na
pinsan ay KAPATID pala ng boyfriend niya??

Excited na ako sa pelikula ko !

"Bakit parang ang saya mo yata ? "

"Wala lang " ako


"Bwisit , sila na "

"Tapos ? dapat nga maging masaya ka , umaayon na ang lahat sa plano natin. Tangene
naman ! wag kang mag-inarte " ako

[END OF CHAPTER 11]

_______________________________________

Sensya na if medyo sabaw or nonsense.

Napanaginipan ko kasi kayat sinulat ko na. hahaha :D

Sila na ! hahaha :D

Pati ang killer nagce-celebrate.......

May idea na kayo sino ang killerS ?

sipag ng killer no? matagal na palang pinagplanuhan ang lahat. :)))

NEW CAST & CHARACTERS:

Tyler Ponce ----- Jerome Ponce

Paul Feliciano------Paul Salas

Sophie Song---------Sofia Andres

Romeo Guzman-------JM deguzman


HaliMAU out ♥

*******************************************
[14] Jarred
*******************************************
Sa mga nakabasa po sa Chapter11 , may binago po ako sa last part dahil may namali
ako. hehe

Pasensya na kung medyo naguluhan kayo .. Sorry talaga :)))

_____________________________________

[Detective Rossi]

CARLOS CHUA CALLING.......

Dali-dali ko itong sinagot.

"Good evening Carl napatawag ka yata " ako

"Tinawagan ako ng anak ko kanina nagtatanong siya kung magkakilala ba daw tayo.
Please detective wag mo munang sabihin kay Dj ang katotohanan" Carlos

napabuntong hininga ako

"Nirerespeto ko ang desisyon mo pero sooner or later , malalaman din niya ang totoo
" ako
"Pagdating ng tamang panahon, sasabihin ko na sa kanya ang katotohanan." carlos

ibinaba ko na ang telepono.

Nakakawa ang nangyari sa kanilang pamilya noon.

-----FLASHBACK-----

baguhan palang ako sa serbisyo noon nang makatanggap ako ng tawag tungkol sa isang
krimeng involved ang isang pamilya.

Nang makarating ko doon nagulat ako sa nadatnan ko , isang babae ang naliligo sa
sarili niyang dugo. Binawian siya ng buhay dahil sa mahigit dalawampung beses na
saksak na tinamo niya.

At ang mas malala , sarili niyang anak ang gumawa nito.

Pati kami hindi makapaniwala na ang isang bata , kayang gawin yun sa parents niya.

"HUMIHINGA PA ANG LALAKE !! "

biglang sumigaw ang isang police kayat nagsitakbuhan ang mga paramedics para
masalba ang lalake.

napag-alaman kong ang lalakeng nakaligtas ay si Carlos Chua , Ang ama ng pamilya.

pumasok ako sa loob ng bahay , nadatnan ko doon ang batang si Darren.

Nakaupo lang siya sa sofa , nakangiti.


kinikilabutan kaming lahat sa kinikilos ng bata.

paano magagawa ng isang musmos ang patayin ang sarili niyang mga magulang?

tiningnan ko ang mga litrato nila kayat napag-alaman ko na mayroon pala silang
bunsong anak.

sabi ng mga kapitbahay , nasa ospital daw ang bunsong anak na si Jarred kayat dali-
dali ko siyang pinuntahan.

Naawa ako kay Jarred nang magkita kami, kitang-kita ko sa mukha niya ang
kalungkutan at paghihirap na natamo niya mula sa kanyang kapatid. Nang malaman niya
ang nangyari sa kanyang pamilya ay hindi na siya nagsalita. Parati lang siyang
nakatulala.

Sumailalim si Jarred sa theraphy dahil sa kanyang mga pinagdaanan.

Parati ko siyang binibisita kayat napalapit ako sa kanya.

Pinagkatiwalaan din ako ni Carlos.

Isang buwan ang lumipas at nakalabas na sa ospital ang kanyang ama.

isang milagro ang nangyari.

Naging laman sa bawat pahayagan at programa sa telebisyon ang trahedya sa kanyang


pamilya kayat napagdesisyunan ni Carlos na magtago-tago kasama ang kanyang anak.

Isang taon kaming hindi nagkita kayat nagulat ako nang muli kaming magkita

[a/n: ewan ko ba pero natatawa ako sa sentence ko]


Nakakapagsalita na si Jarred. Hindi nadin siya masyadong malungkot , kagaya na siya
ng ibang bata.

Mayaman ang pamilya nila kayat nagawa nilang baguhin ang kanilang identity.

Ang nooy si Daniel Jarred Chua ay naging si DJ Padilla.

nakalimutan niya ang mapapait na ala-ala.

pinalayo muna ni Carlos ang kanyang anak upang makapag-usap kami.

"Maganda ang improvement sa kondisyon ni Jarred este DJ " ako

"Oo nga , nakalimutan niya ang lahat. Pinaniwala ko nalang siyang nasangkot kami sa
isang car accident kayat nawala ang mommy niya at wala siyang maalala. " Carlos

hindi ko nagustuhan ang pagsisinungaling ni Carlos pero sino ba naman ako para
manghusga.

"Naaalala niya pa ba ang kuya niya ? " ako

biglang bumalik ang lungkot sa mga mata ni Carlos.

"sinabi ko sa kanya na namatay rin si Darren sa car accident..... detective... Ma--


may balita ka pa ba sa anak kong si Darren ? " carlos

kahit na ganun si Darren , hindi parin maiaalis ni Carlos ang pagmamahal niya sa
anak.
"sa pagkakaalam ko nasa bahay ampunan siya , hindi siya pwedeng makulong. Hayaan mo
, pagbalik ko doon , hahanapin ko si Darren "ako

ilang buwan ko ding hinanap si Darren.

Natagpuan ko ang bahay ampunang pinagdalhan sa kanya.

Pero wala na siya doon.

-----END OF FLASHBACK-----

Hanggang ngayon hindi ko pa din nahahanap si Darren.

May nakapagsabi sa akin na may umampon daw sa kanya o baka daw naglayas.

Iisa lang naman ang kinakatakot ko , ang balikan niya si Jarred o ang ama nito.

______________________________

MAJOR CLUE SA IDENTITY NG KILLER :

Sa mga nakahula na si Darren ang killer *CLAP.CLAP.CLAP.*

tama kayo . hahaha :D

ito ang tanong :

Sa 20 sa kanila sino si Darren?


[kahit na sino sa kanila ay pwedeng maging kapatid ni Dj , Di ko po ito ibe-base sa
kanilang LOOKS. Pwede po silang maging magkapatid kahit na napakalayo ng mukha
nila. haha]

Love ko kayong mga readers kayat bibilisan ko ang updates. hahaha

Excited nadin kasi akong ibulgar sino ang killer.

Alam ko malayo-layo pa sa ending pero trip ko lang eh. haha XD

WORK OF FICTION PO ITO KAYAT KAHIT ANO POSIBLE , ALAM KO KASING MEDYO NONSENSE NA.
HAHAHA

*******************************************
[15] Slaughter 12 : Kill List
*******************************************
________________________________________

[Kathryn's POV]

andito kami ngayon sa harap ng bulletin board.

Dito kasi nakalagay lahat ng announcements.

biglang may yumakap mula sa likod ko , Si Dj pala.

ipinatong niya ang mukha niya sa shoulder ko habang naka back hug siya sa akin.

Ang sweet talaga niya ^__^

Pinagtitinginan kami ng lahat pero wapakels kami.

Di naman kami naghahalikan , naglalambingan lang naman.

Marami pala kami dito sa bulletin board.

Tiningnan ko ang musical list , wala talaga ang pangalan ko.


"boss okay lang yan , maganda parin naman ang boses mo eh " dj

Boss pala ang endearment namin. haha

ngumiti lang ako sa kanya.

"Okay lang naman akin ,ayaw ko lang talagang sumali sa film prod" ako

"bakit ayaw mong sumali sa film prod ?! "

nagulat kami ni Dj nang biglang may sumingit sa pag-uusap namin.

napalingon kami , si Kevin pala

"Huh ? " ako O_O

"Ayy sorry , epal lang ako.. pero really , bakit ayaw mong sumali ? " kevin

"Di ko lang feel " sabi ko sa kanya. Siyempre di totoo yun , kapag kasi sinabi ko
ang totoo , magke-kwento na naman ako. nakakapagod na eh.

"Alam mo kath , you should join the production , at least as a tribute para sa
pinsan mo. sige mauna na ako" sabi ni Kevin tingin sa listahan ng slaughter high.

weird lang ng lalakeng yun.

di siya student dito pero balita ko nakatira siya dito.

"Nandito narin pala ang results sa audition kahapon oh " dj

dali-dali kaming lumapit para tingnan din ito.


-----------------------------------------------------

Title : SLAUGHTER HIGH

director : tobi Yan

producer : Romeo Guzman

production manager : Marie Salva

production assistant : Kevin Antonio

Writers : Kevin Antonio , Robbie Chen , Kayla Villar

Stunt Coordinator : Sophie Song , James Antonio , Enrique Villar

Director of Photography : Dj Padilla

Film Editor : Dj Padilla , Tyler Ponce , Paul Feliciano

Location Scout : Kayla Villar , Robbie Chen

CHARACTERS :

Parker - Kristy Sarnobal

Grey - Jason Cruz

Kat - Kitty Torres

Dominic - Milo Saragoza

Robbie - Robbie Chen

Dixon - James Antonio

Kevin - Kevin Antonio

Blake - Enrique Villar

Ethan- Paul Feliciano

Lee - Dj Padilla

Miki - Kathryn Bernardo

Abigail - Zoe Hermosa

Jessica - KC Quizon

-------------------------------------------
"hala " biglang sabi ni Kevin sabay alis

teka anong problema nun ?

yess!!! , minor role lang ang nakuha ko.

ayaw ko naman talagang sumali dito eh kaso walang choice.

After lessons nagplano na kami sa booth namin para sa foundation day ng university.

"Sino ang may ideas para sa booth natin ? " Ms. Marie

"Kissing booth ! " sigaw ni James

ngek !

"Wag yan baka ma kick out pa kayo , ano pa " Ms. Marie

"marriage booth ! " Kitty

"aside from that " Ms. Marie

"Horror House ! " Paul

nagkatinginan kaming lahat.


"Horror house maganda ! " Ria

nagkasundo kaming lahat na horror house ang sa amin.

masarap kasi manakot. haha

Meeting muna kami for preparations.

________________________________

[Killer's POV]

Taena! may gumugulo na naman sa plano ko.

BWISIT.

pero okay lang , hindi pa naman nila ako pinaghihinalaan.

biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Hindi daw si Kath ang gaganap na Parker , paano na yan ? baka masira yung pelikula
ko" siya

"thats easy. isa pa Malayo na ang narating natin , di natin pwedeng baguhin ang
plano " ako

"So tuloy parin lahat. Papaniwalain parin natin si DJ na magkapatid sila ni Dixon ?
" siya

"Yup , but siyempre before ko papatayin si Dj , magkakaroon muna kami ng Family


Reunion " ako
"Grabe mo naman , natiis mo talagang hindi sabihin kay Dj na magkapatid kayo " siya

"Its all part of the plan. Wag kang epal okay , makikinabang ka rin dito. " ako

"Excited na talaga ako sa movie ko " Siya

"Ulol , movie natin to ! sa ngayon , ang kailangan nating gawin ay ayusin ang cast.
Hindi lang naman ikaw ang excited eh , ako rin. " ako

"Sabi pala niya siya na daw yung bahala sa bahay ampunan incase mayroong magtanong
tungkol sayo " siya

"Okay pero wag ka masyadong magtiwala sa kanya, di natin siya ganun na kilala.
Pare-pareho tayong halang ang kaluluwa pero sa akin ka parin magtiwala okay ? " ako

"Okay " siya

"One more thing , sure ka ba talaga na Si Dj at Kath ang bibigyan mo ng lead roles
sa pelikula natin ? " ako

"We talked about this over and over again. Mas bagay sa pelikula natin si Dj at
Kath . Pero wag kang mag-alala Darren , mapapasayo si Kath after nating magawa ang
pelikula " siya

mabuti naman dahil dapat akin lang si Kath.

Sa akin lang siya.

bigla kaming umayos sa pagkakaupo dahil nakatingin na ang iba sa amin.

Abala silang lahat sa pagpa-plano sa Horror House.

Samantalang kami , busy sa sarili naming plano.


___________________________________

[KATHRYN'S POV]

for the past 3 days , super busy talaga kami.

Yung preparations namin wagas.

Bukas na yung start ng foundation Day.

Mabuti nalang at naayos na ang Horror House.

mananakot na kami bukas.

Sobrang nakakapagod na. Pero mabuti nalang at parati kong kasama si Dj , isang
ngiti palang niya nawawala na ang pagod ko.

Ang sarap palang mainlove ♥

8 pm na pala.

kasabay kong umuwi si Kitty

may ginagawa pa kasi sina Milo at Dj doon kayat nauna na kaming umuwi.

Antok na antok na talaga kami.

Sa sobrang pagod at antok ko , dumiretso na ako sa kwarto

hinubad ko na ang t-shirt ko tapos kinapa ko yung switch ng ilaw.

Pagbukas ko ng ilaw ,nagulat ako nang biglang may nagsalita


"Antagal mo namang dumating!"

napasigaw ako sa gulat

"Ay Kalabaw!!! " ako

nandito pala si Dj

PAUL CALLING.....

kaibigan ko rin naman si Paul kayat sinagot ko ang tawag.

I signaled dj to wait.

"Hello " ako

"Hey I just want to check kung nakauwi ka na " paul

"Yup. thanks paul" ako

from my peripheral vision , napansin kong biglang sumama ang tingin ni Dj sa akin.

Diyoskolord !

"Aw, bye " paul

dali-dali kong binaba ang phone.

biglang tumayo si Dj mula sa kama ko tapos akmang lalabas sa bintana.

hayy, sa bintana pala siya dumaan kanina.


"Hoy Dj ! galit ka agad ? " sabi ko sabay pout.

siyempre magpapacute muna ^__^

"Di ako galit "

Shocks ! wa epek ang powers ko. bigla niyang binuksan ang bintana

"Yan , diyan ka naman magaling eh , bigla mo akong inaaway. umalis ka na nga ,


bwisit " ako

siyempre acting lang yan , di ko naman kayang magalit kay Dj eh. Acting muna para
umayos siya.

bigla niyang sinara ang bintana tapos umupo sa kama ko.

humiga nalang ako sa kama ko at tumalikod mula sa kanya.

"babe.... " dj

hindi ko siya pinapansin

bigla siyang humiga sa tabi ko at niyakap ako

"Babe sorry na" dj

siyempre , di ko rin naman to matitiis kayat humarap na ako sa kanya.

ngumiti ako.

"Wag ka na kasing magalit " ako

"Hindi naman ako galit eh , nagseselos lang ako " sabi ni Dj sabay pout
ang cute ^___^

pinisil ko ang ilong niya.

"wala ka namang dapat ikaselos eh. Im yours and Youre mine. Ikaw kaya ang mahal ko
" ako

"Kath naman eh pinapakilig mo ako " dj

tawa ako ng tawa

ang cute kaya !

"Kath , matagal ko ng gustong itanong sayo to" dj

"Ano yun? " ako

"Bakit parang matagal na kayong magkakilala ni Paul ? " dj

UWAAAAAHHHH !

wag naman yan please !

huminga ako ng malalim tapos umupo ako.

"Babe , long story kasi eh . pwede ba wag muna natin yang pag-usapan "ako

umupo rin siya tapos tumabi sa akin.

"Babe maiintindihan ko naman kung ano yan eh. Gusto ko lang talagang malaman " dj
"Deej, baka magbago ang tingin mo sa akin eh " ako

"Babe kahit na sino ka man , kahit na ano mang nagawa mo mamahalin parin kita eh "
dj

yung feeling na sobrang nakakatouch !

ito yun eh !

mahal na mahal ko talaga tong lalakeng to.

kung iba ang magsasabi nun , hindi ako maniniwala

pero nang marinig ko yun kay Dj , ramdam na ramdam ko yung sincerity.

hingang malalim..

"Last summer , I tried to commit suicide "

napatingin ako sa kanya pero hindi man lang siya nagulat.

"Dumaan ako sa maraming theraphy at group session at doon ko nakilala si Paul.


Pareho kaming may pinagdadaanan kayat naging close kami. He courted me pero
binasted ko lang siya " ako

bigla akong niyakap ni Dj

"Yun lang pala eh , noon mo pa sana sinabi " dj

napabitaw ako sa kanya

"Teka yan lang ang reaction mo? " ako


"Kasi po , nakita ko na yan "dj

sabi niya sabay ngiti tapos tinuro yung right wrist ko

"Huh ? O__O " ako

bigla niya akong niyakap ulit

"Babe naman , kahit na ano man yung pinagdaanan mo , mahal na mahal parin kita eh.
Promise mo lang sa akin na never mo nang uulitin yun okay ? " dj

"Yess boss " ako

tumawa lang siya tapos hinalikan ako ulit.

di talaga papaawat tong si Kissing Monster.

Ayaw ko rin namang tumigel eh . hehe :3

"I love you deej " ako

"huh ? di ko narinig " dj

asus , naglalambing na naman. haha

"Ang sabi ko i love you " ako

"Huh ? " dj

"i *tsup* love *tsup* you" ako


hindi yata nakontento dahil hinalikan pa ako pagkatapos.

Salamat lord dahil binigay mo siya sa akin , sana ganito nalang parati.

[END OF CHAPTER 12]

_________________________________

salamat sa pagbabasa :))))

*******************************************
[16] Slaughter 13 : Crazy Friendship
*******************************************
Dito mapapaliwanag kung ano ba talaga ang connections nila :)))

sana hindi na masyadong nakakalito . hehe :D

_______________________________________

[DARREN'S (killer) POV]

habang nag-aayos ko ng mga gamit ko bigla nalang may nalaglag.

Litrato pala namin noong mga bata pa kami.

ang sarap alalahanin ng mga araw na yun.

Yun yung araw na nakilala ko ang mga kaibigan ko.

10 years ago

bagong dating palang ako sa ampunan kayat wala akong mga kaibigan.
Nakakainis sa tuwing nakikita ko silang natutuwa.

Laro sila ng laro , tawa ng tawa

Gusto ko tuloy silang saksakin hanggang sa mawala ang mga ngiti sa kanilang
mukha...

kakatapos lang akong interviewhin ng mahaderang si Sister Mendrez.

nakakainis.

"Hoy bata ! bago ka dito no ? " tawag sa akin nung isang bata

tumango lang ako.

Kakaiba ang bata , nakasuot siya ng eyeglasses.

half chinese yata to.

"Ako nga pala si Dixon ! " sabi nung bata sabay ngiti.

ang ingay naman nitong batang to.

putulan ko kaya siya ng dila ?

bigla siyang tumabi sa akin sa kinauupuan ko.

"Sabi nila pinatay mo daw yung mommy at daddy mo. Totoo ba yun ? " dixon

naiirita ako sa kanya kayat pinrangka ko siya.


"Oo bakit ?! gusto mo ikaw yung kasunod ?!" ako

"Ang sarap sa pakiramdam no kapag pinapatay mo sila ? yung takot sa mga mata nila
kapag nakikita ka nilang sinasaksak sila. noon sila parati ang nasusunod pero
baliktad na . Sila na yung nagmamakaawa na wag silang saktan. Ang sarap sa
pakiramdam diba ? " dixon

napangiti ako sa sinabi niya.

Naaalala ko yung pakiramdam habang sinasaksak ko sila.

Para akong kinukuryente sa saya.

nang dahil sa sinabi ni Dixon ay naging magaan ang loob ko sa kanya.

kalaunan ay naging magkaibigan na kami.

Isang gabi habang naglalaro kaming dalawa ni Dixon sa bakuran ay may isang batang
dumating at tinulak si Dixon , nadapa si Dixon at nasubsob ang mukha niya sa lupa.
Tawa ng tawa ang bata.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at pinagsusuntok ko yung bata.

si Dixon tumulong din sa pagbugbog sa kanya.

ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa namin.

bigla kong kinuha ang lapis na dala-dala ko at sinaksak ang mga mata niya.

Iyak siya ng iyak at nagmamakaawa.

panay ang pag-agos ng dugo sa kanyang mga mata.

"Tulong ! Tulong ! " sigaw ng bata pero tinakpan namin ang kanyang bibig.

tawa lang kami ng tawa ni Dixon.


Mabuti nalang talaga at walang ibang tao doon.

malayo din kasi kami sa bahay na tinitirhan namin.

"Anong pangalan mo? " tanong ni Dixon

matagal bago makasagot ang bata.

iyak lang siya ng iyak

"Anong pangalan mo ?! " tanong ulit ni Dixon habang mas dinidiinan ang pagkatusok
ng lapis.

"Buuknooy ! tama na.... " sigaw ng bata...

bigla kong hinila ang lapis.

Tawang tawa kami ni Dixon ng makita namin na kasamang nabunot namin ang mismong
mata niya. nagkalat ang dugo.

pilit naming tinatakpan ang bibig ng bata para walang makarinig sa amin.

tawa parin kami ng tawa dahil sa dulo ng lapis ay may natusok na puting bilog.

mata niya pala

nang mapansin naming nawalan na ng malay ang bata ay dahan-dahan namin siyang
kinaladkad papunta sa bangin kaso mga bata lang kami kayat napagod rin kami.

Mabuti nalang talaga at nakakita si Dixon ng wheel borrow kayat di na kami


nahirapan.

malapit lang kasi ang bangin dito sa amin kayat hindi kami matatagalan.

"1...2....3 ! "
itinulak namin ni Dixon sa bangin ang bata...

ang saya....

unang beses ko pa lang naranasan na magkaroon ng tunay na kaibigan kayat napakasaya


ko ngayon.

dali-dali kaming umuwi ni Dixon.

---------------------

umaga na ...

napakasaya ng gising ko...

magkaiba kami ng kwarto ni Dixon kayat kinailangan ko pang lumabas para magkita
kami ng kaibigan ko.

nasa kusina kami ngayon ni Dixon , naglalaro kami ng patay-patayan.

Siya kunwari ang killer tapos ako yung papatayin niya.

Ang saya. hahaha

biglang pumasok sa kusina si Sr. Mendrez

kayat dali-dali kaming umayos ni Dixon

"Nakita nyo ba si Buknoy " Sr. Mendrez

nagkatinginan kami ni Dixon at patagong tumawa


"Sinong buknoy ? " ako

"ah pasensya baka di nyo kilala , o siya sige mauna na ako mga bata " Sister
Mendrez

tumango lang kami ni Dixon pero nang makaalis si Sister ay tawa kami ng tawa ni
Dixon.

-----------------------

Habang kumakain kami , bigla kong napansin na may bago palang dating na bata.

nakakainis lang dahil kamukhang-kamukha niya yung bwisit kong kapatid na si Jarred.

"Dix , yung bata kamukha ng walang hiya kong kapatid " bulong ko sa kanya.

tinawanan lang ako ni Dixon.

Balak naming patayin siya mamaya kaso maglalaro muna kami.

tapos na kaming kumain kayat naglaro na kami.

napansin namin ni Dixon na gustong sumali nung bata sa ibang mga naglalaro pero
inaaway lang siya nila.

"Bata pwedeng sumali ? "

"Hindi ! bawal kang makipaglaro sa amin ! pinatay mo ang mommy at daddy mo ! baka
patayin mo din kami ! " mga bata
bigla kaming nagkatinginan ni Dixon sa sinabi ng mga bata.

Kanina , naiinis ako sa bata dahil kamukha niya si Jarred pero nang dahil sa
narinig ko , parang gumagaan na ang loob ko sa kanya.

napansin namin ni Dixon na nag-iisa lang yung bata kayat nilapitan namin siya.

"Hello " bati ni Dixon sa kanya

"Di kayo natatakot sa akin ? " tanong ng bata

umiling lang kaming dalawa

"Anong pangalan mo? " dixon

"Greyson"

nakipagkilala din kami sa kanya.

simula nun naging magkaibigan kami.

kinalimutan namin ni Dixon ang sana'y plano namin sa kanya.

Tinuring ko silang dalawang kapatid.

Kahit na kamukha ni Grey yung bwisit na si Jarred , parang kapatid narin ang tingin
ko sa kanya.
Pero humanda si Jarred kapag nahanap ko siya.

---------------------

isinama namin si Grey habang naglalaro kami sa bakuran.

"Grey , ang saya ng pakiramdam diba habang pinapatay mo yung parents mo? " dixon

"Hindi ko sila pinatay. Car accident lang yung nangyari " grey

"HA ?! " kami ni Dixon

"So hindi mo pa talaga nararanasang pumatay ? " ako

tumango lang si Grey..

kawawa naman si Grey , di pa niya nararanasan yung kasiyahan namin.

"Hoy ! bad yang patay ! sumbong ko kayo kay Sister ! "sabi nung batang lalake

hindi namin napansin nasinusundan niya kami.

bigla akong napaisip ng paraan para mapasaya si Grey.

"Bata , biro-biro lang naman namin yun eh. Gusto mo ng kendi ? " ako

tumango lang ang bata.

tiningnan ako nila Grey at Dixon na may halong pagtataka , sinenyasan ko nalang
sila na ako ang bahala.
Kinuha ko yung panyo sa bulsa ko at piniringan ang bata.

"Uy bakit ? " bata

"para surprise " ako

ang tangang bata pumayag naman.

Pumunta kaming apat sa gilid ng bangin.

"Malapit na ba tayo ? " bata

"Oo pero wag kang maingay " ako

huminto muna kami sa paglalakad.

parang naiintindihan yata ni Dixon ang gagawin ko kayat itinuro niya kay grey ang
gagawin. Parang nagdadalawang isip si Grey ngunit kinumbinsi namin siya.

itinanggal ko na yung piring sa bata.

"Grey sige na " kami ni Dixon

"Teka nasan yung candy ? " bata

kahit na halatang nagdadalawang isip si Grey ay tinulak niya ang bata sa bangin.

Bigla siyang naging masaya.

Siyempre bilang mga kaibigan niya , natutuwa rin kami para sa kanya.

Naging matalik kaming magkakaibigan simula nun.


------------------

ilang araw ang lumipas at biglang may dumating para ampunin ako.

kahit labag sa loob ko ay pumayag nalang ako dahil aampunin narin daw sina Dixon at
Grey...

kahit na nagkaroon kami ng mga panibagong pamilya ay hindi nawala yung


pagkakaibigan namin.

nung 9 years old ako , nag-migrate kami sa amerika ng mga umampon sa akin. Sinabi
ng dalawa na pumayag daw ako dahil maganda daw dun kayat pumayag din ako.

nung nandoon ako ay bigla akong nagbago , nakuntento ako sa pamilya ko. Ilang taon
din akong walang pinatay.

---------------

few years later

Nakakainggit lang dahil nalaman kong magkaklase pala ang mga ugok na si Dixon at
Grey.

Parati kaming nagcha-chat kayat alam ko ang mga nangyayari sa kanila.

Nalaman ko rin na may girlfriend na pala tong si Grey.

ang ganda ng girlfriend niya.

sabi ni Grey wag daw ako mainggit dahil may pinsan yun na maganda rin.

Siyempre , hinanap ko siya sa facebook at doon ko natagpuan si Kathryn.

Napakaganda niya pero wala akong panahon sa mga ganyan kayat di ko muna siya
kinaibigan.

October 2011 nang sinabi ni Dixon namay sorpresa daw siya sa akin sa pagbalik ko sa
pillipinas, nakahanda na daw , ako nalang daw yung kulang.

[A/N : isa rin ito sa mga motives ni Dixon sa slaughter high , hindi lang na
mention noon. haha ]

hindi natuloy yung pag-uwi ko sa pilipinas dahil pumanaw ang daddy namin at di ko
pwedeng iwan ang kapatid ko.

Nagulat nalang ako nang bigla kong nabalitaan na Patay na si Dixon at Grey.

Napakasakit nang malaman kong wala na sila.

Nawalan ako ng mga kaibigan.

Nang malaman ko yun , napagdesisyunan kong maghihiganti ako.

ipaghihiganti ko ang pagkawala nila.

iniisip kong ginawa ni Dixon at ni Grey ang massacre bilang sorpresa sa pagbabalik
ko ngunit hindi ako dumating.

ngayon , gusto kong gawin ulit ang ginawa nila bilang pag-alala sa pagkakaibigan
namin. Nakahanap ako ng tutulong sa akin.

Matagal ko ring pinagplanuhan ang lahat ng to.


Pinagsama-sama ko ang lahat ng may koneksyon sa mga mag-aaral noon sa Provident
International Boarding School.

igagawa namin ng pelikula ang pinagpagurang sorpresa ng aking mga kaibigan.

[END OF CHAPTER 13]

__________________________________________

graveeeeeh . sensya if medyo nonsense

Baliw po si Darren kaya medyo tagilid mag-isip . haha xD

Patikim lang muna to sa buong plano NILA :)

sa susunod na mga chapters , mas magiging malinaw ang lahat.

*******************************************
[17] Slaughter 14 : House of Horror
*******************************************
Maraming salamat sa mga comments ninyo. Gusto ko sanang magreply kaso natatakot
kasi ako na baka madulas ang aking madaldal na bibig at mabulgar ang hindi dapat .
hahahaha

Kilala nyo na siguro yung isang killer . hahahah :D

na-aapreciate ko talaga kayong lahat.

THANK YOU :)))))))

____________________________________

[DJ'S POV]

Napakasaya ko these past few days


kami na kasi ng taong pinakamamahal ko.

Mahal niya ako at ramdam ko yun.

ang saya lang eh.

nandito kami ngayon sa radio station, kasalukuyang kinakausap si Kath ng station


manager nila.hindi ako pinapasok ng impakta nilang manager kayat hinihintay ko siya
dito sa waiting area.

paglabas ni Kath doon , parang malungkot siya pero nakangiti naman. Sigurado akong
may problema ito.

"Kath anong meron?" ako

"Fired na ako " sabi ni Kath sabay tawa

"Ha ?! bakit naman ? " ako

"parati daw akong absent tapos may bitch kasi pero basta. Long story. Ok lang naman
sa akin , at least mas may oras ako sayo " kath

"Sinong bitch ? humanda yan sa akin ! " ako

"Sus wag na , blessing in disguise to babe " sabi niya sabay tawa.

"Ano ngang ginawa niya ? " ako

"Sabi kasi niya na ginagamit ko lang daw yung program ko as a way na makaka-flirt
ako sa mga tao, naniwala naman yung manager" kath
nyeta ! humanda yang babaeng yan sa akin. kahit na babae siya , papatulan ko yan.

"Pero babe , kalimutan nalang natin please. Ayaw ko na ng gulo eh " kath

inakbayan ko nalang siya at lumabas kami mula doon.

kami lang dalawa ni Kath ang nag lunch dahil di nadaw niya kayang hintayin yung
iba.

ang lakas kumain ni Kath pero napakapayat parin.

nang magpaalam si Kath na pupunta muna sa Cr ay naghanap ako ng paraan para malaman
kung sino yung bitch na sinasabi niya. Gusto ko lang sanang gantihan , ayaw ko
kasing may nang-aaway sa girlfriend ko. Mabait si Kath , alam yan ng lahat kayat
sure ako na walang kasalanan si Kath.

To : ALL CLASSMATES

mga bregs , may kakilala ba kayong bitch na umaaway kay Kathryn ko ?

reply ASAP.

bigla namang may nag-reply

From : Kayla

si Sabrina yung girl na Dj din sa radio station

ah. Si Sabrina pala.

humanda talaga yun sa akin.

---------fast forward
4pm na nang magsimula ang shift namin nila kath sa haunted house.

kami ang nakatokang magbantay.

isang buong bahay na may dalawang palapag.

May kalakihan din ito kayat medyo nakakadagdag ng scary vibes.

literal talaga na horror house ang pinagawa sa amin.

tawang tawa ako dahil yung role ni Kath , white lady

pero inaasar ko siya na black lady.

kaya yun , unlimited batok ang inabot ko.

ginawa nila akong multo para match daw kami ni Kath . nyahahaha :D

tawang-tawa ako sa role ni Robbie , tikbalang

bagay na bagay ! effortless . haha

yung iba di na namin kilala.

yung iba naman ay nagbabantay sa entrance.

Sobrang hirap ng mga ginagawa namin , Nakakainis din dahil yung iba nananapak kapag
natatakot. May babae nga kanina na muntik akong tapunan ng gamit niya.

Sobrang nakakabadtrip.

Takot na takot sila sa amin , eh sila ? di ba sila natatakot kapag nakaharap sila
sa salamin ? nyeta....
biglang may dumaan na babae sa harap namin.

Blond ang buhok pero napaka exotic ng mukha (in a bad way)

"Uy Kath dito ka na pala ngayon ? kawawa ka naman " babae

"Bakit ka nandito sabrina ? namimiss mo relatives mo ? " kath

ah so yan pala ang nyetang si Sabrina

siyempre makikisali din ako

"Ms. pumwesto ka na , ganda ng costume mo sobrang nakakatakot. The best talaga ang
natural no ? " ako

"Yun oh ! Basag ! " sigaw ni Robbie

nagtawanan kami samantalang yung bitch parang nainis kayat nag walk-out.

bigla kaming naka recieve ng GM galing kay Kevin

May secret party daw sa gymnasium mamaya as celebration.

"De javu " robbie

____________________________

[3rd Person's POV]

inis na inis si Sabrina kayat nagwalk-out siya.


tiningnan niya ulit ang message na natanggap niya.

FROM: +639*********

Hey sabrina , meet me at the house of horror. cant wait to see you

Love, your secret Admirer

naniwala naman ang bruha kayat pinuntahan niya ito.

hanap siya ng hanap hanggang sa makarating siya sa dulo ng bahay. Oo literal


nabahay ang ginawa nilang house of horror.

Tanging si Sabrina lang ang naroon kayat nagdadalawang isip na siya. Napakadilim
kasi tapos may horror sound effects pa.

naglalakad siya pabalik ng biglang may humarang sa kanya.

Isang taong nakasuot ng jacket at maskarang bungo.

"Oh my God ! Im so scared Kath... " sarcastic na sabi ni Sabrina habang tinutulak
palayo ang salarin.

ngunit hindi umaalis ang salarin sa kanyang harapan.

inaakala parin niyang itoy si Kathryn na naka costume lang.

"Get the hell out of my way Kathryn "sabrina

napailing-iling ang salarin

dali-dali niyang pinalanghap ng pampatulog si Sabrina.

Ilang minuto lang ang lumipas at unti-unting nagising si Sabrina.


natakot siya nang maramdaman niyang di siya makatayo.

nakatali siya sa isang upuan at may takip ang mga mata.

nasa loob parin sila ng haunted house.

marami ang nakakakita sa kanila pero ang masaklap , akala nila parte pakulo lang
ito ng haunted house.

"What the hell ! pakawalan mo ako ! " sabrina

"not yet " salarin

pilit nagpupumiglas si Sabrina ngunit sadyang napakahigpit ng pagkakatali sa kanya.

"WHOOO HOOO ! GO GO GO ! " sigawan ng mga manonood sa kanila.

nasa isang kwarto kasi sila na walang pintuan kayat nakikita sila ng mga dumadaan.

May harang sa pintuan ngunit ito ay transparent cellophane lamang.

"Kathryn you loser ! i will sue you pag nakawala ako dito ! bwisit ka pakawalan mo
ako " sabrina

"Hindi ka ba talaga tatahimik ?! " sigaw ng salarin na mistulang nagagalit na.

"Wa..wait youre not kathryn ! who the hell are you ? HELP ! HELP ME ! " sabrina

ang mga tao naman na nanonood ay impressed na impressed sa inaakala nilang pakulo
ng horror house.

uminit ang ulo ng salarin kayat sinikmuraan nalang niya ng malakas si sabrina para
hindi na ito mag-ingay at maisagawa ang kanyang plano.
hilong-hilo si Sabrina sa natanggap na suntok.

"Madlang people! this is how you silence a bitch ! "

biglang isinandal ng salarin ang ulo ni Sabrina sa headboard ng upuan.

bigla niyang kinuha ang pliers na dala niya.

inipit niya ang dila ni Sabrina.

kahit na hilong hilo si Sabrina , nagawa parin niyang maka sigaw sa sakit.

nagkalat ang dugo sa bibig ni Sabrina sa nangyari.

halos matanggal ang kanyang dila.

hindi tumitigil ang pag-agos ng dugo.

Nagpalakpakan ang lahat ng mga nakakita sa kanila.

"wohoooo ! galing nyo ! the best talaga kayo film students" sigaw ng lahat.

kinuha ng salarin ang kanyang kutsilyo at ginilitan ang leeg ni sabrina na parang
baboy na iniihaw.

nagsialisan ang ibang manonood dahil nasusuka na sila.

nang masigurado ng salarin na wala na si Sabrina ay bigla siyang nag bow sa mga
nanonood sa kanila.
nagpalakpakan naman ang lahat ng natitirang mga tao at nagsialisan na sa pag-
aakalang tapos na ang pakulo.

tanging ang salarin nalang ang natitira sa second floor kayat isinagawa na niya ang
iba pa niyang plano.

________________________________

[ROBBIE'S POV]

Alam nyo kung ano ang masaklap ?

ang magsuot ng tikbalang na costume at prosthetics !

ayaw ko sanang ganito ang costume ko pero pinilit ako nung bagong classmate naming
si Sophie. Chix yun kayat hindi ako makatanggi. Napakagaling kasi niya pagdating sa
mga prosthetics at nakakadiri effects.

sobrang napakainit , yung pawis ko parang sirang gripo.

kami lang palang tatlo nina kath at Dj ang nandito sa haunted house , yung iba kasi
naghapunan na. 8 pm na kasi. Mas pinauna din kasi nila kaming kumain para may
shifting.

nagke-kwentuhan at nagtatawanan lang kaming tatlo dito sa ground floor.

Wala kasing mga bagong pumapasok tapos yung mga manonood parang abala sa second
floor. Di nalang din namin sila inintindi nakakapagod kasi at baka sapak lang ang
abutin namin pag lalapitan namin sila.

bigla kaming nakarinig ng palakpakan. Siyempre natuwa kami , na appriciate kasi


nila ang efforts namin. Pero ang babaw naman ng kaligayahan ng mga taong to ,
projector lang naman ang pinaka panakot namin doon.

nagsibabaan na ang mga tao , yung iba nasusuka daw

O_O grabe naman eh puro maskara lang ang nandoon .. tss.

yung iba naman napakasaya.

"The best kayo guys ! super convincing ! "

"oo nga eh muntik na akong maniwala "

"Grabe yung dila ! "

"natakot talaga ako dun ! "

"tatawag na sana ako ng police kaso naalala ko horror house pala to "

kanya kanya silang commento.

kami naman walang kaedi-ediya sa ibig sabihin nila kayat tumatango lang kami habang
tumatawa.

"hahaha. ano daw ? " ako

"hahaha. wag ka ng magtanong i appreciate mo nalang"dj

weird naman kasi talaga.

nang nakaalis na sila nagpaalam muna ako sa dalawa.

"guys punta muna ako sa second floor , titingnan ko kung ano yung sinasabi nilang
nakakatakot " ako

tumango lang ang dalawa

"Baka pagbalik ko dito sa baba buntis na si kath , wag muna ha ?! " ako

ang baliw na si dj tinapunan ako ng props , mabuti nalang at nakailag ako.


nyahahaha :D

nakaakyat na ako , wala namang kakaiba...

yung mga ilaw panay ang pagpatay-sindi tapos malakas yung sound effects pero pakana
namin yun.

pumunta ako sa mannequin room , ang mannequin room na puno ng mga mannequin
[MALAMANG!]

effort na effort kami sinuotan pa talaga namin sila ng mga costume. May nakasuot ng
Freddy Krueger (a nightmare on elm street villain) , Jason Voorhees (friday the
13th villain) , Michael Myers (halloween villain) at iba pa.

nagulat ako nang may bigla akong nabangga.

nyeta sino kaya to ? im sure hindi ito mannequin , malambot eh . hahaha

"Sorry " ako

hindi siya kumikibo.

hanep ang get-up niya.

Nakasuot siya ng jacket tapos maskara ng silver na bungo tapos may video camera sa
left shoulder niya.

Akala ko nga si Dixon eh , mabuti nalang at iba yung maskara.

kung demonyong maskara yan , asahan niyong lulundag ako sa bintana para lang
makalayo sa kanya.
"Bro hanep yang costume mo ah , muntik na akong matakot . akala ko kasi ikaw yung
dating gustong pumatay sa amin " ako

di parin kumikibo yung tao.

di ko nga sigurado kung babae ba to o lalaki

"Robbie , bumaba ka muna bilis !! " sigaw ni Kath

"Sige mauna na ko " sabi ko sabay baba

weird naman niya , di man lang tumatango.

nagkalat na talaga ang adik sa mundo.

pagkababa ko nadatnan ko ang mga love birds na sina Kath & dj at Milo & kitty

hayy. nakakainggit !

kailan kaya ako magkakaroon ng lovelife

"bakit kath ? " ako

"pinapauwi na tayo , 2nd year students na daw ang magbabantay " kath

"Robs bakit ang tagal mo sa taas ?" dj

"May nabangga akong tao dun , weird nga niya eh , di man lang kumikibo " ako

"Gwapo ba ?! " sigaw ni Kitty

bigla naman siyang sinamaan ng tingin ni Milo


"Joke lang beh ! " sigaw ni Kitty kay Milo sabay peace sign

"di ko nga alam kung babae ba yun o lalaki , By the way hanep yung costume niya ,
nakasuot ng jacket tapos maskara na bungo " ako

"ha ? eh wala naman yatang nakasuot ng ganun sa atin ? " milo

"sige takutin nyo ako " sabi ko na may pagkasarcastic

"Pero robs , seriously ako yung naga-assign ng costumes. di yan kasali sa plano "
milo

bigla kaming natahimik.

ewan ko ba pero nagtaasan ang mga balhibo ko.

masama talaga ang kutob ko.

"hoy sige na stop na ang takutan , galing nyong mag-acting tara na nga , baka ma-
late pa tayo sa party " kath

nagsi-alisan nalang kami dahil dumating na ang mga second year.

"So pupunta talaga kayo sa party ? " ako

"Oo naman , bakit di ka pupunta ? " kitty

"ewan , di ko trip eh " ako

"Naku robbie , yung kapatid mong si Ria pupunta dun at alam mo ba nililigawan siya
ni Tyler " sabi ni kitty na para bang tinutukso ako

nyeta

kailangan ko palang bantayan ang kapatid ko


protective brother kasi ako

madami akong na realize simula noong mawala si Parker

saksi kaya ako sa pagluluksa ni Dominic kayat ayaw kong mangyari yun sa amin ng
kapatid ko.

natigil kami sa pag-uusap nang biglang sumigaw si Kath

"Dj naman eh! tumigil ka nga ! " kath

tawang tawa kami sa kanila , pilit kasing kinukunan ni Dj ng video si Kath gamit
ang video cam niya.

"Di pwede , kailangan kong mag-practice tutal ako ang camera man sa slaughter high.
hahaha " sabi ni Dj habang pinagt-tripan si Kath

"Tumigil ka sabi eh ! bwisit " kath

parang nainis na talaga si Kath kayat tumigil na si Dj.

hahaha. para silang ewan pero mamaya maglalambingan na yan.

siyempre uuwi muna kami sa mga bahay namin para magbihis , naka-costume pa kaya
kami. nakakahiya kung magpa-party-party kami habang naka ganito.

Pero hindi lang talaga maalis sa isip ko yung kanina , masama na talaga ang kutob
ko.

Mas gugustuhin ko pang maging praning ako kaysa naman maging tama ang hinala ko

[END OF CHAPTER 14]


____________________________________________

Sa mga susunod na chapters ay mare-reveal ang identity ng isa sa mga killers.

PASENSYA NA PO KUNG HINDI KO MA RE-REPLAYAN ANG COMMENTS NYO.

BAKA KASI MADULAS ANG DILA KO AT MA SPOIL KO PA. HAHAHA :D

THANKS SO MUCH FOR READING ♥

*******************************************
[18] Slaughter 15 : A Party To Die For
*******************************************

_______________________________

[KATHRYN'S POV]

nandito ako ngayon sa kwarto ko , nagbibihis ako para sa party

simpleng party lang daw kayat nag shorts lang ako at naka t-shirt na yellow tapos
off-shoulder

di naman masyadong sexy ang dating , swak lang.

biglang may kumatok sa bintana.

sigurado akong si Dj yan , napakamahilig kasi niyang dumaan sa bintana ko.

siyempre pinapasok ko siya.

ang loko , dala na naman ang video camera niya

hinalikan niya ako sa cheeks

pero biglang naging masama ang tingin niya.


"Uy anong problema ? " ako

"shorts talaga ? " dj

tumango ako

"di naman masyadong maikli eh " ako

"No way magpalit ka doon " dj

"no way din ! " ako

"pagtitinginan ka ng mga lalaki doon , baka makasapak pa ako. sige na babe " dj

hayy. di ko rin naman matitiis to eh

"Okay fine . pasalamat ka mahal kita " ako

bigla naman siyang tumawa

pumasok na ako sa cr para magbihis

jeans nalang ako tapos yellow v-neck shirt with matching varsity jacket ko. chos !
haha

paglabas ko nadatnan ko si dj na nakaupo sa kama ko.

"thats better ! " sigaw ni Dj sabay thumbs up

ang cute talaga ^__^ hahaha

bigla na naman niya akong kinunan sa videocam niya.


"Babe ibaba mo yan " ako

"pwede pero kiss muna " sabi ni Dj sabay pout

"No way " sabi ko sabay tawa

"Tara na babe " ako

"eeeh , mamaya na " dj

"hinahanap na tayo . tara na okay " sabi ko sabay kiss . smack lang naman . haha

tumawa naman siya at siya at tumayo na din

----------------------

Nang makarating kami doon.

nagulat kami ni Dj

para kasing naging club ang gymnasium

siyempre kumpleto ang lahat ng kasali sa production pati ang ibang film students na
di namin kilala.

"Babe wag uminom ha " dj

"Oo naman . ikaw rin okay? " ako


tumango lang si Dj.

"Uhm mic test . mic test "

napatingin kaming lahat sa stage

Si Sir Guzman pala ang nagsasalita. Siya yung producer para sa film prod namin.

"Okay Okay ! Welcome to our simple secret get-together. This party is for
everyone , especially para sa mga students na magiging part ng Slaughter High " Sir
Guzman

kahit papaano medyo okay na sa akin ng slaughter high , parang tama si Kevin ,
tribute rin to para kay ate.

bigla akong hinila ng girls.

"Deej hiramin muna namin si Kath ! " kitty

"Hoy sama ako " dj

"Bawal , dun ka sumama kay Robbie " Kitty

wala kaming magawa sadyang mapilit ang mga to.

hinayaan nalang ako ni Dj

"Basta kailangan di yan malasing ha ? " dj

natawa sila at tuluyan na akong nahila.

--------

napunta kami sa isang table , puro girls ang nandoon Ako, si kitty , ria , kayla ,
zoe , kc at sophie. Girl stuffs lang ang pinag-uusapan namin.

nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko.

pagtingin ko si Quen pala..

"Sayaw tayo best " quen

bago pa man ako makapagreact ay biglang nagsalita si Kayla

"Kuya wag na ! baka mag-away lang sila ni Dj eh " kayla

nagtawanan lang kami.

"Kath ka na pala ngayon ? " quen

"nope but im a fan of their loveteam " kayla

"awat na awat na ! " sigaw ni Zoe sabay tawa

siyempre pinaalis din nila si Quen.

girls lang kasi dapat diba.

after nun nagkita-kita na kami lahat magkaka-klase at nagsayawan na.

Yung sayaw namin ay biru-biruan lang.

Iba kasi yung trip namin eh , kahit na anong maisipan.

eh pinagsama ba naman ang mga adik sa iisang major at klase.

------------------

Party party siyempre pero natigil kami nang bigla akong tinawag ni Kristy at Jason.
Magkasama sila sa isang table. Sila lang dalawa ang naroon.

"Guys bakit ? " tanong ko sa kanila.

"Kath uhm , diba cousin mo si Parker , pwede bang i describe mo siya sa akin para
naman mabigyan ko ng justice ang role " kristy

ay oo nga pala , sa film prod na gagawin si Kristy ang gaganap na Parker tapos si
Jason si Grey. hindi ko inakalang sila ang makakakuha ng roles , akala ko kasi sina
Milo at Kitty.

biglang dumating si Kevin na may dalang tray ng dalawang shot ng vodka.

inilapag niya ito sa table.

biglang ininom ni Kristy ang isang shot.

"Uy kath sorry kukunan nalang kita ng isa pang shot ng vodka, dalawa lang yung dala
ko eh" kevin

aalis sana si kevin para kumuha pa ng baso pero pinigilan ko siya

"wag na , i dont drink kevin" ako

tumango lang si Kevin

"kath sayo nalang yan , isa pa di pa kita nakikitang uminom. sample nga diyan ! "
jason.

"Hoy wag mong pilitin jason , baka pagalitan tayo ni Dominic. inomin mo nalang yang
vodka Jason " kevin

umalis na si Kevin agad.

"Come to think of it never ko pa nakitang uminom si Kath " kristy

omaygasss , mapapasubo talaga ako dito.

"KATHRYN ! KATHRYN ! KATHRYN ! " cheer sa akin ni Kristy at Jason para uminom ng
isang shot.

biglang nagsilapitan ang iba pang mga kaibigan namin, pati sila Dj. Narinig siguro
nila ang pag-uudyok nila Jason.

"SHOTS! SHOTS! SHOTS" sigaw ni James

bigla siyang binatukan ni Dj

"Kath if ayaw mo wag na " dj

pero kung di ko iinumin baka sabihin nilang Kj ako.

i just nodded and smiled at Dj.

ininom ko na.

nag cheer naman ang lahat.

"Wohooo ! first time uminom ng baby natin! " robbie

"Isa pa ! " Kayla

"Wag na " this time ininsit na talaga ni Dj na wag na

Honestly , di ko naman talaga first time eh.

iniiwasan ko nalang talagang uminom.

"Babe dun tayo " dj

tinuro niya dun sa table. OP na kasi kami eh.


inom lang kasi ng inom sila Kristy at Jason.

"Jay , kris bukas ko nalang ikwento ha? enjoy muna ako " ako

tumango naman ang dalawa at nagpatuloy sa pag-inom ng vodkang dala ni Kevin.

siyempre sama-sama parin kami ng barkada sa table tawanan ng tawanan.

yung iba lasing na eh.

parang kami nalang yata ni Dj ang medyo sober pa.

dalawang shots lang kasi ang nainom namin.

"Kath , Dj kami ang ninong a---------- "

hindi na napagpatuloy ni Robbie ang kanyang sasabihin dahil bigla nalang siyang
natumba.

sasaluin sana siya ni Dj kaso parang natutumba narin si Dj.

bigla kaming nakalanghap ng usok.

ubo kami ng ubo

pagtingin ko sa iba , ubo rin sila ng ubo. yung iba plakda na sa sahig.

bumibigat ang mata ko hanggang sa naging itim na ang lahat.

-----------------------

napakasakit ng ulo ko sobra.


dahan-dahan kong binuka ang mata ko.

nakita ko ang kisame ,hala hindi naman ito ang room ko

teka bakit ako nakatulog sa sahig.

nasaan ako ??

napakadilim ng paligid.

bigla kong naalala yung mga nangyari.

nasa party kami nang biglang nahimatay ang lahat.

bigla akong napabangon.

DAFUQ ?! bakit nasa gymnasium ako?

nasaan ang iba ??

napatingin ako sa wrist watch ko , 11 pm na

may nakikita akong nakahiga sa tabi ko

Ang mga kabarkada ko ! pilit ko silang ginigising.

pero kahit na anong gawin ko , di sila magising.

O_O

panaginip lang to ! panaginip lang to !

pilit kong kinukurot ang braso ko para magising ako pero di parin ako magising.

"Kath.. oh my god youre awake .. help me please "

napatingin ako sa nagsasalita. nagulat ako nang makita ko si Kristy.

nakatali ang kanyang kamay at paa.

dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya at kinalagan siya.


"Kristy whats happening ? " ako

"Di ko alam , bigla nalang akong nagising na nakatali na " kristy

nang tuluyan nang makatayo si Kristy bigla nalang may yumakap sa likod ko at
biglang tinakpan ang bibig ko.

bigla na namang nagdilim ang paningin ko.

pero bago pa man ako mawalan ng malay ay nakita ko si Kristy na tumatakbo habang
sumisigaw.

__________________________________

[3rd Person's POV]

bumalik ang salarin para tingnan kung nagising naba si Kristy ngunit nagulat ang
salarin nang maabutan niyang Gising si Kath at kinakalagan si Kristy.

dahan dahan siyang naglakad palapit sa kanila at pinalanghap si Kath ng pampatulog.

biglang tumakbo si Kristy palayo kayat dali-dali nya itong hinabol.

hindi makalabas si Kristy mula sa gymnasium dahil naka lock ito kayat wala siyang
choice kundi ang umakyat sa second floor kung saan naroroon ang sport equipments.

dali-dali siyang nagtago doon.

ngunit di niya alam , nakikita pala ng isa pang salarin ang bawat galaw niya sa
pamamagitan ng CCTV cameras.

nagulat nalang si Kristy nang biglang may humampas sa kanya ng dumbells sa ulo.
hilong-hilo siya at nagdurogo ang kanyang noo.

"huwag maawa ka , wala akong kasalanan sayo " pagmamakaawa ni Kristy

"Wala ? you slept with Sir Guzman just to earn that role. You almost ruined my
movie " salarin

"Hindi ako sasali sa pelikula ! basta wag mo lang akong saktan !!!!! " iyak ni
Kristy

"Too late " salarin

tanging sigaw nalang ang nagawa niya nang bigla siyang paghahampasin ng dumbells sa
ulo. Basag ang bungo ni Kristy sa lakas ng pagpalo sa kanya.

nagsilabasan na utak mula sa kanyang duguang ulo ngunit di parin tumitigil ang
salarin sa paghampas sa kanya.

napagpasyahan ng salarin na tumigil na dahil napakarami ng dugo at laman ang


tumalsik sa kanyang maskara.

iniwan niya si Kristy na walang buhay , basag ang mukha at bungo nito.

habang pababa sa hagdan biglang na-radyo sa kanya ang kanyang kasabwat

"Darren gising na si Jason . over "

"on my way and stop calling me darren... over" salarin

----------

biglang nagising si Jason.

nasa music room siya.


nakaupo lamang siya sa upuan kayat madali siyang nakatayo.

nagulat siya nang makita niyang may taong nakasuot ng maskarang bungo sa di
kalayuan.

"Anong ginawagawa ko dito ?! sino ka ? " jason

hindi sumagot ang salarin.

sa galit , tumakbo si Jason palapit sa salarin upang bugbugin ito ngunit laking
gulat niya nang biglang nakaramdam siya na parang napunit ang kanyang balat.

[A/N : nasa multimedia . haha]

biglang may tumulong dugo sa kanyang mukha.

takot na takot si Jason nang maramdaman niyang nasabit ang kanyang mata sa isang
maliit na mga hook na nakasabit sa kisame.

pilit niyang tinatanggal ang hook sa loob ng kanyang mata ngunit talagang nakabaon
na ang matalim nitong parte sa kanyang mata.

sigaw siya ng sigaw dahil sa sakit at hapdi.

isang galaw niya , matutusok na naman siya ng ibang hook.

napunit ang gilid ng mata ni Jason.

tumutulo ang napakaraming dugo.

"Tulungan nyo akooo ! " jason

ngunit pinagtatawanan lang siya ng mga salarin.


"Parang-awa nyo na ! tulungan nyo ako " sigaw ulit ni Jason

walang nagawa si jason kundi kunin ang mga hook na nakabaon sa kanyang mukha.
tiniis niya ang sakit. Tinakpan nalang niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga
kamay.

nang makalagpas siya sa mga hooks bigla siyang sinaksak ng salarin ng maraming
beses.

"You are not worthy to be grey " salarin

pinagpatuloy ng salarin ang pagsaksak kay Jason. Tumigil lamang ang salarin nang
mapansin niyang nabali na pala ang kutsilyo at nabaon sa likod nito.

_____________________________

[DJ'S POV]

bigla akong nakarinig ng sirena ng ambulance at police.

dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko.

nagulat ako nang magising ako sa gymnasium.

tiningnan ko ang wrist watch ko , 3 am na pala

bigla kong naalala ang mga nangyari.

pagtingin ko sa aking paligid , nakita kong dahan-dahang nagsigising ang iba.


nakita ko na ang lahat ng kaibigan ko ngunit hindi ko parin nakikita si Kath.

"Robs nakita mo si Kath ? " ako

tanong ko kay Robbie na kakagising lang ngunit NGANGA lang ang tanging nahagilap
kong sagot mula sa kanya. Halatang lutang parin sila.

dali-dali akong tumayo upang hanapin si Kath.

mabuti nalang at nakita ko si Kath malapit sa stage. Wala parin siyang malay.

"Kath gising " sabi ko sa kanya habang hinihimas ang kanyang ulo. ngunit hindi
parin siya magising.

biglang pumasok ang mga police.

dali-daling nagsitakbuhan ang lahat palapit sa mga police upang humingi ng tulong.

isa-isa kaming tinanong sa mga nangyari bago kami pinalabas.

tanging si Kath nalang ang natitirang walang malay.

_________________________

[Kathryn's POV]

dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko

this time paggising ko, napansin kong nasa aking room na ako.

teka ? paano ako nakauwi ? nasa gym ako kanina diba ?!


dali-dali akong umupo at nagulat ako nang makita ko ang barkada at maging sina
Quen, kayla at Paul.

"Thank God nagising kana , pinag-alala mo kami " dj

bigla kong naalala si Kristy na nakita kong nakatali

"Si..si kristy "

tanging nasabi ko

bigla naman silang natahimik na parang nanlulumo.

"Kath okay ka lang ba ? " quen

nakaramdam ako ng masakit sa ulo ko.

Dafuq! may bukol ako. huhuhu. ang sakit

"napasama yata ang bagsak mo kanina kayat bukol ang inabot mo " paul

bigla naman siyang siniko nila Robbie

umupo din si Dj at tinabihan ako.

inakbayan niya ako at hinimas himas ang likod ko.

"Teka anong oras na ? " ako

"4 am " sila

"sa lahat sa amin , ikaw yung medyo napasarap yung tulog " James
"Teka.. nagising ako kanina kaso may humila sa akin...si..si Kristy ! nakita kong
nakatali siya ! "ako

"Babe wag mo nang isipin yun , magpahinga ka na muna " dj

mayroon ba silang di sinasabi sa akin ?

biglang may tumawag kay Milo kayat umalis muna siya sa kwarto. Ilang segundo lang
ang lumipas at bumalik na din siya.

"Guys , pinapunta nila tayong lahat sa horror house " milo

"bakit daw? " paul

"Basta! tara na ! " milo

O_O mukhang tanga lang ako dito , walang alam kung ano talaga ang nangyayari

"Sama ako " ako

"Wag na , di mo pa kaya . magpapaiwan ako dito para may kasama si bebekath " kitty

"wait di ko din iiwan si Kath " dj

"Dj di pwede , kailangan ka daw doon bilang VP sensya na" milo

"samahan ko sila kitty " kayla

"Maiwan din ako ! " Paul


tiningnan ng masama ni Dj si Milo kayat biglang nagsalita si Milo

"Uhm paul , kailangan ka din daw sumama. hayaan nalang natin sina Kayla, kitty at
Kath dito " Milo

yung totoo nagkakaintindihan ba sina Dj at Milo thru eye contact ? nyahaha

Hinalikan ni Dj ang noo ko at nagpaalam sa akin.

"Babe , saglit lang ako .. i'll be back okay ? " dj

tumango lang ako sa kanya

"Kayla bantayan mo si Kath ha kundi ibibitin kita ng patiwarik " quen

"yes kuya " sabi ni Kayla sabay irap sa kapatid niya.

"James tutal wala ka namang gagawin doong matino please dito ka lang muna para may
kasama yung girls " Dj

"Hindi ka naman masyadong prangka no ? hahahaha. game ako diyan" james

"And james , behave okay ?! walang talo-talo" dj

tawang-tawa lang ako sa kanila dahil may halong facial expressions pa. hahaha

___________________________________

[DJ'S POV]
wala akong choice kundi pumunta sa horror house.

kailangan daw kaming kausapin ng mga police.

medyo malayu-layu din kami mula doon kayat ginamit na namin ang van ko at ni paul.

si Milo muna ang driver kayat malaya akong nakikipag-txt kay kathryn ko.

To : babe<3

ok ka na babe? pahinga ka lang diyan okaaaaay ?

From : babe<3

Yes boss. feeling well na.

pinagt-tripan nga namin ang coffee ngayon eh . haha

To: babe <3

wag masyadong damihan ang coffee okay ? baka mas magiging matatakutin ka nyan.haha

naghihintay ako ng reply mula kay Kath pero wala na.

baka naubusan lang yun ng load.

nagulat kami pagdating namin sa horror house dahil sandamakmak ang police at may
mga ambulansya.

dali-dali kaming lumapit at naki-osyoso mabuti nalang at nakita ko si detective


Rossi kayat nakapagtanong kami.

"Det. ano pong nangyari dito ? " ako


"masama hijo. di nyo na dapat makita. sino ang nagbabantay dito bandang alas syete
ng gabi kanina? " det. rossi

"kami po ! ano po ba talaga ang nangyari??" Robbie

huminga ng malalim si Det. Rossi

"we found four dead mutilated bodies inside the horror house tapos may dalawa pa sa
gymnasium "det. rossi

"HA ?! " sigaw naming lahat sabay sabay.

nauna kaming interviewhin ng police ni Robbie kayat nakatambay muna kami sa loob ng
van.

"tingnan mo kung ano ang nakita ko sa kwarto ni Kath " robbie sabay taas baba ng
kilay

biglang may inilabas si Robbie mula sa bulsa ng jacket nya.

hala kinuha pala ni Robbie ang videocam ko na naiwan ko sa room ni Kath.

"Hanep rin tong cam mo no ? alam mo bang hindi mo to nasara? it kept shooting for
how many hours pero full bars parin . hahaha " robbie

hala di ko pala yan na off .

baka nakunan yung lambingan namin ni Kath. hala

hindi ko namalayan , pinanood na pala ni Robbie ang video

"hala pre , grabe naman kayo magmake-out session ni Kath , hindi ba kayo nahirapang
huminga ?! " robbie
Nyeta !

dali-dali kong kinuha mula sa kanya ang video cam ko.

shit ! nakita nya yung intense moment namin ni Kath kagabi.

muntik na nga akong madala dun eh. hahaha

"Robbie nyeta ka talagang bwisit ka ! hahaha . wag mong panoorin yan " ako

♫riiiing riiing ♫

napatingin ako sa phone ko

Babe calling .....

siyempre dali-dali ko itong sinagot.

siya na yan eh.haha

"hey babe , sorry di ako nakareply kanina na deadbat kasi phone ko " kath

"thats okay babe. musta ? di ba kayo minamanyakan ni James diyan ? " ako

biru-biruan lang namin yan.

chickboy lang si James pero di yun manyak.

bigla nalang hinablot ni Robbie yung camera mula sa kamay ko at lumipat sa likuran
ng van para di ko makuha.

"Hoy robbie ! bwisit wag mong panoorin " ako

ang nyetang si Robbie binigyan lang ako ng TROLL smile.


"babe ano yun ?? " kath

hala tama.. kausap ko pala si kath

"wala babe , si robbie sinusumpong lang ng kasiraan ng utak " ako

tawa kami ng tawa ni Kath.

napansin kong medyo tumahimik sa likod ko kayat napatingin ako kung ano ang
ginagawa ni Robbie.

seryoso masyado si Robbie sa pinapanood.

nyeta ! nag-eenjoy siyang panoorin kami ?!!

"Hoy robbie ! manyak ! " sigaw ko kay Robbie

"anong ginagawa niya ? " kath

"may pinanonood lang " ako

"hala wala dito yung cam mo , dont tell me pinapanood nya yung cam mo ? " kath

baka magalit si Kath sa akin kapag nalaman niyang nakunan yung lambingan moments
namin kayat dali-dali akong nagpaalam sa kanya.

"babe tawag kami bigla ni Dean. bye! loveyou ! " ako

call ended

napatingin ako kay Robbie na napakaseryoso parin.


para siyang natatakot sa kanyang pinapanood.

"Robs ano yan ? " ako

dali-daling tumabi sa akin si Robbie at pinakita ang video.

yung kamay ni Robbie medyo nanginginig.

ano ba ang problema ?!!

"Deej tingnan mo " robbie

bigla niyang ini-rewind yung cam.

nagulat ako sa nakita ko.

ilang oras matapos kaming umalis ni Kath matapos kaming mag-lambingan sa kwarto
niya ay biglang may pumasok doon.

isang taong nakasuot ng jacket at maskarang bungo ang pumasok sa kwarto ni Kath !

naglalagay siya ng mga hidden cameras doon !

at para bang may hinahanap siya sa mga gamit ni Kath.

biglang nag-panic yung naka maskara

dali-dali siyang pumasok sa malaking cabinet ni Kath.

biglang bumukas ang pintuan.

kami pala ang pumasok.

karga ko ang walang malay na si Kath tapos inalalayan ako ng mga kaibigan namin
para maihiga si Kath sa kama niya.
natakot na ako sa nakita ko kayat dali-dali kong tinawagan si Kath.

Kath answer the phone... answer the phone !

"hello ! " kath

"Babe umalis muna kayo diyan!" ako

parang di siya nakikinig sa akin.

anobayeeen

"wait babe nakatulog sina Kitty , james at Kayla sa sala . pagod parin siguro sila.
dito lang muna kami " kath

"Kath no um----- "

hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla akong hinila ni Robbie

i gave him WHAT? look

"deej , hindi siya umalis ! " robbie

"huh ?! " ako

"Hindi ko nakita sa video na umalis siya ! nandoon parin siya ! " robbie
"Hindi ko nakita sa video na umalis siya ! nandoon parin siya ! "

"Hindi ko nakita sa video na umalis siya ! nandoon parin siya ! "

"Hindi ko nakita sa video na umalis siya ! nandoon parin siya ! "

"Hindi ko nakita sa video na umalis siya ! nandoon parin siya ! "

gulat at takot ang naramdaman ko sa sinabi ni Robbie

"KATH ! UMALIS KA DIYAN BILIS ! " ako

"kath ?! Kath ?! UMALIS KA NA DIYAN ! " sigaw parin ako ng sigaw pero parang di
niya ako naririnig

bigla kong narinig na sumigaw si Kath

"Sino ka ?! GET THE HELL AWAY FROM ME ! aaaahhhhh ! " kath

[END OF CHAPTER 15]

___________________________________

*******************************************
[19] Slaughter 16 : Accidentally on Purpose
*******************************************
MA RE-REVEAL NA DITO SINO ANG ISA SA MGA KILLER....

HAHAHA :D
CONGRATS SA MGA NAKA-TAMA

*CLAP*CLAP

READY NA? hahaha

_________________________________________

[Kathryn's POV]

kakatapos lang naming uminom ng kape

medyo stressed kasi kaming apat na naiwan sa bahay.

nagpaalam muna ako sa kanila na magbabanyo muna.

nakakastress kayat lumublob muna ako sa bathtub.

biglang nag-ring yung cellphone ko.

si dj pala tumatawag.

"Hello ! " ako

nagulat ako nang biglang may narinig akong kalabog sa baba.

dali-dali akong nagbihis at kinuha ang cellphone ko.

"Babe umalis muna kayo diyan" dj


di ko na narinig ang iba pang sinabi ni Dj kanina.

dali-dali akong bumaba

naabutan ko sina Kayla , Kitty at James na nakaupo sa sofa na para bang natutulog.

""wait babe nakatulog sina Kitty , james at Kayla sa sala . pagod parin siguro
sila. dito lang muna kami " ako

"Kath no um----- "dj

huh ? di na tinapos ni Dj ang sinabi niya. asan bayun ?

"Dj ? andyan ka pa ba ? " ako

di parin siya sumasagot pero naririnig ko na parang seryoso ang pag-uusap nila ni
Robbie.

"Deej babe ? " ako

wala parin

hindi ko nalang binaba ang phone dahil baka may emergency lang.

*Boogshh*

[ di ako magaling sa sound effects . hahaha]

dali-dali akong umakyat para tingnan kung ano ang narinig ko.

parang sa kwarto ko galing ang kalabog kayat dumiretso ako doon.


nagtataka ako dahil walang ibang tao sa loob pero nasa sahig ang mga mini boxes ko.
pinulot ko ito isa-isa.

naman oh ! bakit to nahulog ?!

hala baka may multo ??huhuhu

parang sumisigaw si Dj mula sa kabilang linya kayat nilagay ko na ang phone sa


tenga ko.

humarap ako sa pintuan para lumabas ngunit nagulat ako nang biglang may sumara
nito.

DAFUQ ?!

"kath ?! Kath ?! UMALIS KA NA DIYAN ! " dj

nahulog ko ang phone ko sa takot.

kaya pala biglang sumara ang pintuan , may nagtatago pala doong isang taong
nakasuot ng jacket at maskara ng bungo.

kanina pa pala siya nagtatago doon at hinihintay ako..

"Sino ka ?! "

dahan-dahan siyang lumapit sa akin

"GET THE HELL AWAY FROM ME ! AAAAHHHHH ! "

sigaw lang ako nang sigaw dahil akmang hahabulin niya ako.

nakita ko ang gitara ko kayat dali-dali ko itong pinulot.

itinaas ko ito para malaman ng salarin na kaya ko siyang labanan.


"Sige lumapit ka kung ayaw mong ihampas ko sayo to ! " ako

pero wa epek !

lumapit parin siya sa akin kayat dali-dali ko siyang hinampas ng gitara.

buong pwersa ko siyang hinampas ngunit nahila niya ang buhok ko kayat napahiga
kaming dalawa.

masyado siyang malakas.

dinadaganan niya ako.

pilit ko siyang sinisipa pero napakalakas niya.

"KYAAAAAAAA ! BWISIT ! TULOOOONG ! TULOOOONGGG !!!! " sigaw lang ako ng sigaw para
may makarinig sa akin.

nasa sahig parin ako kayat kung ano man ang makita kong nasa malapit sa akin ay
inihahagis ko sa kanya.

nakakita ako ng ballpen kayat dali-dali kong sinaksak ang kamay niya.

napasigaw ang bwisit na salarin sa sakit dahil buong pwersa ko itong binaon sa
kanya.

ngunit mali yata ang ginawa ko dahil mas lalo ko siyang ginalit.

bigla niya akong sinakal gamit ang dalawang kamay niya.

napakalakas niya , halos di ako makahinga.

sinapaksapak ko siya gamit ang kamay ko pero wa epek.

ubo lang ako ng ubo

halos di na ako makahinga.

napatingin ako sa kanyang mata.

pamilyar ang kanyang mata ngunit di ko ito makilala ng maayos dahil sa suot nitong
contact lenses na pula.

*SCREEEETCH*

bigla kaming nakarinig na parang may sasakyang humaharurot na biglang huminto.

nagulat din yata ang salarin dahil biglang lumuwag ang pagkakasakal niya sa akin at
napatingala siya.

sinamantala ko ang pagkakataon para sipain ang private part niya.

napahiga siya sa sakit at nabitawan ako.

"TULOOONG ! TULOONG !!! " sigaw ako nang sigaw paalis doon ngunit nahatak parin ako
ng salarin.

pwersahan niya akong itinulak sa cabinet kayat bumangga ako.

hilong-hilo ako , para akong basahang itinapon lang.

"KATH ! KATH ! "

may naririnig akong sumisigaw sa labas, sigurado akong si Dj yun

"DJ ! DJ ! TULONG ! " sigaw din ako ng sigaw nang biglang kaladkarin ako ng salarin
gamit ang buhok ko.

narinig ko na pwersahang binuksan ni Dj ang front door.

kinaladkad ako ng salarin patungo sa banyo at nilublob ang mukha at katawan ko sa


bathtub.

sigaw ako ng sigaw.

inilublob nya parin ako sa bathtub at pilit akong nilulunod.


nahawakan ko ang kamay niyang may sugat kayat pwersahan kong hinawakan ito. Kahit
na nakakadiri , hinawakan ko ang sugat niya sa kamay at inipit ito hanggang sa
lumaki ang sugat. Sigaw nang sigaw ang salarin sa sakit.

bigla kong naramdaman na wala na siya sa aking likod , paglingon ko , dumating na


pala si Dj at kasalukuyan silang nagsusuntukan ng salarin.

pilit ko paring hinahabol ang hininga ko.

nakita kong nanghihina na si Dj at nadadaganan siya ng salarin kayat dali-dali kong


kinuha ang vase doon at hinampas ko sa salarin.

hindi masyadong nasaktan ang salarin kayat tumayo siya at itinulak ako.

naramdaman kong tumama ang ulo ko sa bed post.

bigla na namang nagdilim ang paningin ko.

_______________________________

[DJ'S POV]

"Kaaaath !!! "

yan lang ang tanging nagawa ko nang makita kong tinulak siya ng salarin.

nabagok ang ulo ni Kath sa bedpost.

nakita kong may tumulong dugo mula sa kanyang ulo.

nakatayo lang ang salarin at mistulang nagulat din sa nangyari.

"WALANG HIYA KA ! "


dali dali kong sinakal ang salarin kayat nahiga siya.

Ngunit sadyang mas malakas siya sa akin , nasipa niya ako kayat napahiga ako.

akala ko papatayin na niya ako ngunit bigla siyang lumabas sa kwarto.

hinabol ko siya.

malapit na kami sa hagdanan nang maabutan ko siya.

nagsuntukan kami doon , pilit kong tinatanggal ang maskara niya ngunit hindi ko
kaya.

na out of balance kami ng salarin kayat pareho kaming nahulog sa hagdan.

hilong-hilo ako....

naging blur ang lahat.

bigla akong nakakita ng isang bata...

sinisipa sipa niya ako..

nasa paanan kami ng hagdan.

hinawakan ko ang ulo ko at pagkakita ko dugo pala....

"Ano ka ngayon Jarred ? " sabi ng bata habang tumaatawa

napaka-pamilyar ng mukha ng bata.

"Anaak ! anaaak ! " sumisigaw si Mommy na lumapit sa amin.

"Darren! anong ginawa mo sa kapatid mo ?! " sumisigaw si Mommy.


ngunit yung batang tinatawag niyang si Darren ay tumatawa lang.

Napakapamilyar ng mukha ni Darren.

Parang nakita ko na siya noon.

"Anak gising " sabi ni Mommy

dali-dali akong napabangon

hingal na hingal ako.

panaginip lang pala....

napatingin ako sa kisame

nasa clinic pala ako

umaga na.

"Guys! gising na si DJ ! " Robbie

nagsitakbuhan sila palapit sa akin.

teka nasaan si Kath ?!

"Nasaan si Kath ?! " ako

tumayo ako para hanapin si Kath ngunit di nila ako pinatayo.

"Wala paring malay eh " Tyler


hindi pala talaga panaginip yun

"bakit di siya dinala sa hospital ? masama yung pagkakabagok niya kanina ! " ako

"Ang walang hiyang school natin mas inaalala pa kasi nila ang rePUTAsyon ng school.
Pero dont worry chineck na siya ng doctor kanina " Robbie

"Nasaan si Kath ? gusto ko siyang makita ? teka nasaan sila James ? " ako

tinulungan nila akong makatayo , nagulat ako sa nakita ko .

nasa iisang kwarto lang pala kami , mini curtain at beds lang pala ang naghihiwalay
sa amin.

[ganito ang position :

DJ / JAMES / KATH

KAYLA / KITTY]

"Di parin ba sila nagigising ? " ako

"malamang kaya nga natutulog ! " Robbie

*pok*

yun nabatukan tuloy ni Milo

"wala naman silang ibang injuries. Naulit lang daw sa kanila yung nangyari na
nakalanghap ng pampatulog. Kayo lang ni Kath ang sugatan. " milo

dali-dali akong lumapit kay Kath

umupo ako sa tabi niya at hinimas-himas ang ulo niya.

bigla kong naalala yung salarin


"Guys nasaan yung naka maskara? sabay kaming nahulog sa hagdan ! " ako

"Pagdating namin ng mga police kayo nalang ang nandoon. tama ! yung nasa video ,
siya yung nakita ko sa horror house ! " robbie

"Ano ba talaga yung nangyari doon ? " paul

epal lang paul ?

kinwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari.

biglang may umubo.

napatingin kaming lahat.

Si kayla pala nagising na.

dali-dali naman siyang kinausap ngkuya niyang si Quen na nakatabi lang sa kanya.

"Kay okay ka lang ba ?" quen

"Okay lang ako..Teka bakit ako nandito??? " kayla

"natagpuan na naman kayong walang malay sa sala " quen

"Kayla anong nangyari doon ? "Milo

"umiinom lang kami pagkatapos inantok agad kami" kayla


biglang dumating si Detective Rossi at isa-isa na naman kaming ininterview.

walang hanggan na bang ganito ?

bumalik na ako sa tabi ni Kath para samahan siya ngunit nakita ko doon si Paul sa
tabi niya.

kahit natutulog si Kath umeepal parin si Paul ?!!

pinandilatan ko siya ng mata.

nahalata naman agad ni Paul na naiinis ako sa kanya.

"Dont worry bro, wala akong balak na agawin siya sayo. Mahalaga sa akin si Kath
kayat nag-aalala rin ako. Basta bro mangako kang di mo siya sasaktan " paul

Sa tingin mo sasaktan ko si Kath ?

nyeta !

pero kalma lang Dj kaibigan yan ni Kath.

nag-shake hands nalang kami ni Paul at umalis muna sila ni Tyler para daw matulog
muna.

"Dj kamusta si Kath ? " tanong ni Quen na biglang lumapit sa akin

"Okay nadaw siya pero di parin nagigising " ako

"tawagan mo ako kung gising na si Kath , kailangan ko pa kasing ihatid tong kapatid
ko " quen

wow kung makapag-utos like a boss ?

nyeta!
tumango nalang ako sa kanya.

umalis naman sila pagkatapos.

-----------

7 am na pala.

sobrang sakit ng katawan ko.

ang hirap nga ring maglakad.

lahat sila tulog , ako lang ang gising

Sina robbie maski walang injury , hayun humiga sa mga extra beds.

♫ Who lives in a pineppple under the sea ?! -------♫

si Kath ang pumili sa ringtone ko ! spongebob daw kasi fav niya. hahaha

DAD CALLING

dali-dali kong sinagot ito.

"Anak okay ka lang ?! bakit di mo sinabi ? kung hindi lang dahil


BRATATATATATATTATAT " ayun umandar ang machine gun na bunganga ni Daddy

"Dad , okay lang ako , hagdanan lang naman eh " ako

"Dj the last time nahulog ka sa hagdanan , you had to be hospitalized for a month "
dad

wait ? nahulog na ako sa hagdanan noon ?

ibig sabihin , totoo yung panaginip ?


"Dad wait. Nahulog na ako sa hagdanan noon ? " ako

"Ay I mean yung pinsan mo " daddy

sus , halatang nagsisinungaling.

"Dad alam ko kung nagsisinungaling ka. Totoo ba yung mga napapanaginipan ko ?? "
ako

"Anong panaginip anak ? " dad

"may batang tumulak sa akin , familiar yung mukha niya. tapos si Mommy tinulungan
nya ako. Kung hindi ako nagkakamali , darren yung pangalan ng bata. " ako

hindi kumikibo si Daddy.

ano ba talagang problema?

"Daddy ? matagal ko ng gustong itanong sa inyo to , may kilala ba tayong darren ?


this past few months lagi ko siyang napapanaginipan " ako

"Anak umuwi ka na dito and i'll explain everything "dad

tooot..toooot...toooot

daddy naman oh ! asar ! nyeta

-----------------------

"Mahal na mahal kita Jarred remember that okay?" mommy


"Hello Jarred kamusta ka na ?" darren

"Kuya! anong ginawa mo kay mommy?? Diba sabi mo paghindi ako magsumbong hindi mo
sila sasaktan ? " ako

"Darren what did you do to your mother?! " dad

"Jarred stay here, be strong okay " dad

paulit ulit kong narinig ang mga pag-uusap nila.

Ayaw kong marinig !

nasasaktan ako !

para akong nahihirapang huminga.

"Jarred ?! Jarred ?! " tawag ng bata sa akin

gusto kong magising pero hindi ko kaya.

"Dj "

kilala ko yung boses na yun.

Kath ?!

"Dj gising "

dali-dali akong napamulat.

pawis na pawis ako

nyeta binabangungot na naman ako.


mabuti nalang at may magandang babae dito sa harapan ko.

ang ganda talaga niyang ngumiti

teka KATH ?!

"Kath ! " dali dali ko siyang niyakap.

"Eksaheradaaaa " sabi ni Kath habang tumatawa

niyakap ko pa siya ng mas mahigpit.

"Araaayyy ! dj ! " kath

dali-dali akong bumitaw sa kanya.

nakalimutan kong napakarami pala niyang tinamong sugat at pasa

"Sorry babe ... " ako

ngumiti lang siya.

hinalikan ko agad siya sa noo

"pinag-alala mo kami. sarap ng tulog mo " biro ko sa kanya

"Sorry " sabi niya sabay peace sign

eh ako di nakapagtiis kaya hayun niyakap ko ulit pero siyempre may limitations baka
masaktan pa ulit.

"Babe grabe mo pala managinip no ? todo pawis ka " sabi ni kath sabay punas sa
mukha ko.
natawa lang ako

ang sweet eh.

Damn i sound so gay but what the hell , im happy.

"Deej nasaan yung gustong pumatay sa akin? " kath

biglang nag-iba yung mukha niya.

para siyang takot na takot

"Wala siya pero pangako ko , hinding hindi ko hahayaang makalapit siya sayo " ako

ngumiti lang si Kath.

"Teka..teka anong kaguluhan to ???! " robbie

bigla namang napangiti si Robbie nang makita niya si Kath

"Gising na si Sleeping Beauty , hinalikan kasi ng palaka " robbie

nyeta !

"Ugok ibang fairy tale yun kuya ! " ria

"Remix nga eh ! tingnan mo ang princess tapos may katabing palaka " Robbie

pasalamat talaga tong si Robbie nandito si Kath

di ko siya mababatukan

biglang napatingin si Ria kay Kath


sa una parang balewala lang , babalik sana siya sa hinihigaan niya pero bigla
siyang bumalik sa amin.

"Oh my God ! Kath youre awake ! alalang-alala kami sayo ! " Ria

"LR lang ? " robbie

"ang kabaliwan , it runs in the family " ako

tawang-tawa kami sa kanila.

nyeta talaga tong mga kaibigan ko. hahaha

_____________________________

[KATHRYN'S POV]

sobrang natakot ako sa nangyari.

hanggang ngayon napakasakit parin ng katawan ko.

masakit kaya mabalibag sa cabinet tapos lulunurin ka pa sa bathtub.

meron akong cast sa left arms tapos benda sa ulo.

parang ako yung wallnut sa plants vs. zombies . hahaha

di ko nalang pinapahalata sa mga kaibigan ko.

biglang tumunog ang radio ng buong school.

"Attention to all students, the whole school is sincerely sorry for what happened.
None of us knew that it was going to happen. blahblahblahblahblah... UNFORTUNATELY
THIS WOULD BE THE LAST SEMESTER OF THE SCHOOL , THEATER ARTS UNIVERSITY IS BOUND TO
BE CLOSED FOR GOOD.... Lets pause for a while and pray for everyone."
isasara na ang school ?

may question mark lahat ng mukha namin.

ilang minuto ang lumipas at nag-usap usap na kami kung saan lilipat.

"guys , basta TEAM POLRAN sama-sama parin okay ? " james

"OO naman ! " kaming lahat.

kwentuhan muna kaming lahat.

ayaw ko na kasing pag-usapan pa yung nangyari kagabi.

"Bebekath sorry di kita naprotektahan " bulong ni Kitty sa akin na maluha-luha

"Kitty naman , wag kang mag-sorry , walang may kasalanan sa nangyari . okay lang
naman ako, pasa lang at sugat ang natamo ko" ako

niyakap ko nalang siya.

ang sweet kasi ng bestfriend ko eh.

"Uyy si Kitty lang ang may hug? " sabi ni Dj tapos nag pout

Ang cuuuteeee :))))))

pinisil ko ang cheeks niya , kakatuwa kasi eh.

-------------------
♫let's go crazy ! crazy! crazy ti'll we see the sun♫

♫who lives in a pineapple under the sea♫

sabay na tumunog ang phone namin ni Dj

FROM : DEAN ROMERO

Ms. Bernardo & Mr. Padilla please go to my office ASAP

"Uy ano yan ? " James

"si dean romero pinapapunta kami sa office nya " ako

"bakit kayong dalawa lang ? " milo

"ewan , adik yata tong si dean " dj

nagpaalam na kami sa kanila at dumiretso na kami ni Dj doon.

-----------------

Pagdating namin sa opisina ni Dean Romero ay walang katao-tao.

parang kami lang yata ang nandito sa 5th floor.

ilang minuto din kaming naghintay pero wala.

nakakainip....
lalabas na sana kami nang biglang pumasok si Kevin sa opisina.

"Uy anong ginagawa niyo dito? " kevin

ganda naman ng bati niya sa amin . haha

"Sinabihan kami ni Dean Romero na pumunta daw dito eh " dj

"Ikaw anong ginagawa mo dito ? " tanong ko kay kevin

nginitian ko si kevin.

magkaibigan naman sila ni Kuya dom kayat magaan ang loob ko sa kanya.

"ah eh , may pinapakuha si Ms. Marie dito eh " kevin

parang nauutal si Kevin.

bakit parang kinakabahan siya ?

"Kevin okay ka lang ? " ako

biglang nasagi ni Kevin ang table.

muntik nang mahulog ang vase doon mabuti nalang at nahawakan niya iyon.

"Kevin easy lang . haha " dj

napatingin ako ulit sa kamay ni Kevin dahil medyo kakaiba.


May bandage ang kamay niya.

LOADING.................

oh my God..

oh my God...

oh my God...

nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko....

napansin niyang nakatingin ako sa kamay niya kayat bigla niya itong itinago sa
bulsa niya.

nagtitigan kami ni Kevin....

yung mata ni Kevin parang galit...

dali-dali akong umiwas ng tingin.

kinuha ko ang cellphone ko at nag txt sa campus security.

"Nag text si kitty ... omg....Sige kevs mauna na kami , may lakad pa kasi kami ni
Dj " pasimpleng pagpapaalam ko.

dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Dj


"Ha ? san tayo pupunta ? akala ko ba may sasabihin si Dean ? " dj

Deeejaaay uwaaaaaa ... natatakot na ako sa susunod na mangyayari.

wag ka nang umangal please !

"ah pi.pp..pinapapunta kasi ako ni Kitty sa baba.. biglaan . tara deej .. bye kevs
" ako

nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi na umangal si Dj at malapit na rin kami sa


pintuan

ngunit biglang nagsalita si Kevin.

"Uhm kath , before you leave may itatanong ako " kevin

hindi ako lumilingon...

"Ano yun ? " ako

halatang naguguluhan si Dj ngunit mas hinigpitan ko nalang yung hawak ko sa kamay


niya.

"Yung totoo , anong brand ng ballpen ang ginamit mo...Ang sakit .. hahahah" Kevin

"babe takbo " ako

"ha ? " dj

dali-dali kong hinatak si Dj at tumakbo.


mabuti nalang talaga at tumakbo rin si Dj.

lumingon ako , OHMYGOD ! hinahabol kami ni Kevin .

"Dj si kevin ang killer ! takbooo ! " ako

mas binilisan pa naming tumakbo ni Dj.

Ngayon lang ako nakatakbo ng napakabilis sa buong buhay ko.

dali-dali kaming tumakbo palapit sa elevator ngunit nakasara pa ito..

DAFUQ !

pindot...pindot...pindot.....

may paakyat ... lord sana may tutulong sa amin....

"Tumakbo pa kayo , maaabutan ko parin naman kayo." sabi ni Kevin sabay kuha ng
kutsilyong dala niya.

*DING*

napatingin kami sa bumukas na elevator.


para akong nabunutan ng napakalaking tinik........

dali-dali akong hinatak ni Dj papasok sa elevator...

mabuti nalang talaga at dumating ang campus security.

sila ang nakasakay sa elevator.

dali-dali nilang hinabol si Kevin.

naiyak ako ng tuluyan.

nanginginig ako sa kaba....

niyakap ako ni Dj at hinalikan sa noo.

"Its over babe .. di ka niya masasaktan pa okay ?" dj

i just nodded.

pinahiran niya yung luha ko.

---------------------------------

Nasa labas ng building kaming lahat.

biglang dumating ang police car na maghahatid kay Kevin sa kulungan.

Ang lahat di makapaniwala

maging ako di makapaniwala.


"Kevin ? how could he do such thing ? walang hiya siya. pareho lang kami ng
pinagdaanan noon " Robbie

"di mo talaga alam ang takbo ng isip ng tao kuya " Ria

"Best okay ka lang ? " quen

tumango lang ako.

"Bakit kaya niya ginawa yun?? " Paul

nakabackhug lang sa akin si Dj

habang silang lahat di parin makapaniwalang si Kevin ang salarin

"Pero alam nyo , sa horror movies , this is the FALSE ENDING..... The worst is yet
to come " Robbie

napatingin kaming lahat sa kanya.

"Guys wag niyo naman akong tingan ng ganyan ,baka matunaw ako ! " Robbie

natigil kaming lahat ng inilabas na si Kevin mula sa building....

nag smirk siya sa amin.

muntik na siyang sugurin ni Dj pero mabuti nalang at napigilan siya ng barkada.


_______________________________

[3rd Person's POV]

malayo ang kinaroroonan ng unibersidad mula sa siyudad kayat aabutin ng ilang oras
ang biyahe.

kasalukuyang nakasakay si Kevin sa police car nang biglang may bumangga dito.

walang malay at sugatan silang lahat ng nakasakay doon.

_____________________________

Pabitin muna . hahaha :D

As robbie says : THE WORST IS YET TO COME

sa mga nakahulang si KEVIN ang killer ... CLAP*CLAP

galing nyo guys !

....mabait po talaga si Kevin sa simula kaso after ng mga nangyari SLAUGHTER HIGH ,
madami siyang na realize kayat ayun nagbago siya..... His complete motives will be
revealed as the story goes on.... :)))

THANKS FOR READING .. I LOVE YOU GUYS! ♥

*******************************************
[20] Slaughter 17 : Life is worth it
*******************************************
Awat muna ang patayan sa chapter nato.

deserve naman nila maging masaya kahit sa isang chapter lang diba ?! hahaha

____________________________________

[Kathryn's POV]

abala kami sa pag-iimpake ng kanya-kanya naming gamit nang biglang pumunta si Ria
sa sa bahay namin ni Kitty.

"Guys ! Yung police car na sinasakyan ni Kevin nabangga daw ! " Ria

"Thats what I call Karma ! " ako

"So buhay pa ba yung gagong yun ? " kitty

"base sa news not yet confirmed pa daw dahil yung police car nahulog sa bangin.
Tapos sumabog pa. Im sure patay na yun. Di naman siya si superman para makaligtas
doon " Ria

para akong nakahinga ng maluwag sa sinabi ni Ria.

" Tapos na kami sa pag-iimpake .. kayo ? " tanong ni Dj at Milo

"tapos na ako , tinutulungan ko lang si bebekath " kitty


siyempre hanggang sa pag-iimpake lang ako.

di ako pinapayagan ni Dj na buhatin ang mga boxes.

♫ Lets go crazy crazy crazy ♫

Kuya dom calling

"guys sagutin ko muna ha !" ako

"Hoy ! may boyfriend ka na ! tapos may sasagutin ka ?! " dj

"Lolo DJ ! yung cellphone ! " Milo

pinagtawan si Dj ng barkada.

"Joke ko lang yun , kayo naman " dj

"PALUSOT DOT COM ! " kitty

tawang-tawa lang ako sa kanila.

sinagot ko na yung call

"Hey you ! " ako

" Hey there insan ! nasaan ka ? " kuya dom

"nasa apartment kuya nag-iimpake lang " ako

"huwaaw ! uuwi ka na talaga ? " kuya dom


"yup kaw ba naman magka near death experience sa pangalawang pagkakataon " ako

"Ano ?! " kuya

Oo nga pala , di pa alam ni kuya yung buong storya ng mga pangyayari. Alam lang
niya na si Kevin yung killer tapos sinugod niya kami.

kaya yun story telling muna kami.

"Chandria , lets talk pag magkita tayo okay ? naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo
" ate kat.

hala ini-loudspeaker pala ni kuya.

Pero okay lang parang pinsan ko na din yan si ate Kat ang bait kasi. kahit na one
year lang ang gap namin , gusto parin nilang tawagin ko silang ate at kuya.

pagkatapos ng telebabad namin bigla akong tinawag ni DJ

"Babe cafeteria muna tayo , one last pizza bilang students dito " dj

pagkain na yan ! gorabels ako.

pagkadating namin doon , nakita namin ang iba pang classmates namin kayat ayun..
Foodtrip one last time daw.

usap-usap kami ng lahat. Siyempre nagpaalaman din kami ng bestfriend kong si Quen ,
ang sama ko namang bestfriend kung di ako magpapaalam.

Si Paul naman kinausap ko para magpaalam , tawang-tawa nga ako dahil habang nag-
uusap kami nasa harapan din niya si Dj.
__________________________________

[DOMINIC'S POV]

Its almost a year since my little sister died.

akala ko tapos na yun pala hindi pa.

and the worst part , ang inakala naming kaibigan ay siya palang nagtangkang pumatay
sa pinsan ko.

"Hubby , ang lalim na naman ng iniisip mo " si Kat pala

napangiti nalang ako.

siguro kung nawala si Kat baka hindi ko na kayanin pang mabuhay.

"wifey iniisip ko lang kung bakit nagawa yun ni Kevin. Awang-awa ako sa sinapit ni
Chandria , diba wala naman tayong kasalanan kay Kevin? " ako

[A/N : Chandria ang tawag ni Dom at Kat kay Kathryn]

"May mga masasamang tao lang talaga dom. Diba wala rin tayong kasalanan kay Dixon
at Grey. Malas lang talaga tayo... " kat

napatango nalang ako.

Oo nga pala , balak sana naming mag-aral ni Kat sa new york noon kaso biglang
nagkaaberya sa papasukan naming school kayat no choice , stuck in da philippines
dre.
pero okay lang naman sa akin as long as magkasama kami ng fiance kong si Kat.

_______________________________

[DJ'S POV]

pagkatapos ng lahat lahat ng pag-iimpake at pagpapalam ay heto na kami ngayon ni


Kath.

excited na si Kath na makita ulit ang parents niya tapos ipapakilala din daw niya
ako sa kanila.

sa totoo lang medyo ninenerbyos ako dahil baka di ako magustuhan ng parents niya.

Pero sabi naman niya di daw terror parents niya.

alam nyo kung ano ang weird ??

Iisang city lang pala kami nakatira ni Kath tapos ang lapit pa. haha

yung iba naming kaibigan ay napakalayo ng tinitirhan kayat tiis muna kami sa mga
phone calls.

anyways heto parin kami ngayon ni Kath.

Pauwi na kami sa aming sariling mga bahay.

siyempre ako ang nagd-drive , may cast kaya ang kamay niya kawawa naman.

van ko ang gamit namin.


masayang masaya ako dahil magkalapit lang pala ang mga subdivisions namin. Masyado
yatang mabait si Tadhana ngayon.

3 hours drive.

never akong nainip dahil kasama ko si Kath.

--------------------------------------

4pm na nang makarating kami sa bahay nila or should i say , mansion nila.

pagdoorbell namin walang sumasagot.

matagal kaming naghintay mabuti nalang at may lumabas sa pintuan.

maid pala nila.

medyo may katandaan na pero napaka masayahin ng mukha.

"Ma'am kath ? MA'AM KATH !!!! " bati sa kanya ng yaya nila na abot langit ang
ngiti.

"Yaya Bels ! " sabi ni Kath sabay yakap.

"Ikaw bata ka , miss na miss ka na naming lahat. Marami na ang nagbago dito pero
alam ko magugustuhan mo ! langya kang bata ka Limang buwan na tayong di nagkita !
bakit ganyan ang itsura mo ?! sinong guma nyan ?!" yaya

grabe ng yaya nila para lang kabarkada si Kath.

baka siya yung kini-kwento ni Kath na close niyang yaya

"Yaya naman , mamaya na ako magkekwento. Ya boyfriend ko pala " kath


1st wave ng pagpapakilala. haha

"Hello po " ako

tiningnan niya ako nang mabuti para bang iniinspect niya ako.

nakakatakot slight.

"mukha namang mabait pero oras na saktan mo tong alaga humanda ka ! " yaya

"Dont worry yaya , never kong sasaktan yang magandang alaga mo . mahal ko yan " ako

nakita kong nag-blush si Kath.

Ayieeee kinikilig !

"Mabuti naman O siya , mauna na ako sa inyo. Ma'am wala pala ang parents nyo , sa
makalawa pa daw dadating ang parents mo. Sinabi mo sana na ngayon ka uuwi sana
nakapaghanda kaming lahat. " yaya

"saan ba kayo pupunta ? "kath

"Sus hija , mas makakalimutin ka pa yata sa akin. Sunday ngayon day-off naming
lahat. Okay lang ba kung mag-isa ka muna diyan ? " yaya

tumango lang si Kath

yess ! maso-solo ko si Kath ngayon ^_____^

"Opo okay lang po " kath

----------------------------
nasa sala kami ngayon nanonood ng The HANGOVER 2

tawa lang kami ng tawa.

minsan hindi ko na natitingnan ang tv nila dahil mas gusto kong pagmasdan ang mukha
ng babaeng mahal ko.

napapangiti rin kasi ako kapag nakikita ko siyang masaya.

"Hoy baka matunaw ako " kath

tss. nahalata pala niya.

"sus kinikilig ka naman " sabi ko sabay yakap sa kanya.

"babe dito ako matutulog di kita pwedeng iwan mag-isa " ako

"Yes boss " kath

"wala ba akong kiss ? " sabi ko sabay pout

"Nope " kath

hala

di na ako pinagbibigyan :(

pero alam kong di niya matitiis ang kagwapuhan ko.

sinundot ko ng mahina ang cheeks niya

"Kath" ako

pero nakatuon parin ang tingin niya sa tv


poke ulit

"Kath " ako

wala parin

poke ulit

"kath" ako

nainis yata kayat humarap sa akin

nakakunot ang noo niya...

*tsup*

hinalikan niya ako sa lips pero smack lang.

bigla siyang ngumiti.

asus ninakawan ako ng halik ng girlfriend ko. Unfortunately , smack lang. Di ako
makakapayag. haha

siyempre hinalikan ko siya.

"I love you Kathryn Chandria Bernardo Padilla" ako

napangiti si Kath sa sinabi ko

"Uy hindi ako nagjo-joke ! " ako


"Sinabi ko bang nagjo-joke ka ? " kath

"Eh bat ka tumatawa ? hindi ka naniniwalang pakakasalan kita ?"ako

"Naniniwala. Sabi mo forever tayo and i believe you. Ang sweet mo kasi kaya ako
napapangiti " sabi ni Kath sabay kiss sa lips ko.

♫who lives in a pineapple under the sea ? -------♫

Dad calling........

"dad ? " ako

"i heard umalis na daw kayo sa school , nasaan ka na ? " dad

"dad samahan ko po muna si Kath " ako

"Anak ipakilala mo na nga si Kath sa akin. Excited na akong makilala ang future
manugang ko. Dito kayo mag-dinner wag maging tahong ! " dad

binabaan pa ako.

loko talaga tong si Dad...

"Babe dinner daw tayo with dad " ako

"ngayon ? " sabi ni Kath na halatang nagulat

kinakabahan to gaya ko. haha


---------------------------------

Nasa bahay na kami ngayon.

manghang-mangha si Kath sa bahay namin.

maganda daw kasi.

eh mas maganda naman siya. :D

hindi pinapahalata ni Kath na kinakabahan siya.

Si daddy naman tuwang-tuwa dahil at last nakilala na daw niya si Kath.

galit nga siya kay kevin dahil muntik na daw siyang mawalan ng chance na magkaroon
ng mga apo.

Halata namang nagustuhan ni Dad si Kath , siyempre maganda si Kath inside and out.

madali lang silang nagkasundo , pinagtulungan nga nila akong okrayin kanina.

Masayang masaya talaga ako ngayon.

Life is good.

after 2 hours ng kwentuhan naming tatlo , nagpaalam na kami kay Dad.

ihahatid ko na kasi si Kath kasi biglang tumawag yung parents niya.

dali-dali daw umuwi yung parents niya nang malaman na umuwi na siya.
------------------------

nasa labas na kami ng bahay nila kath pero parang natatakot siyang lumabas sa kotse
ko.

hinawakan ko ang kamay niya.

"Kath , wag kang kabahan , parents mo yan " ako

"paano kung disappointed parin sila sa akin ? paano kung hindi enough yung
pinagbago ko ? " kath

"They are your parents , matatanggap ka nila maging sino ka man. Parents natin yung
mga pinaka-nagmamahal sa atin. And just the thought na nagbago ka para sa kanila ,
im sure tuwang tuwa yan " ako

hindi siya sumasagot....

parang nag-aalala parin.

"Ganito nalang kath , Paano kung tuluyan kang napatay ni Kevin? hindi mo na
makakausap yung parents mo , hindi mo na sila makikita , mawawalan ka na ng chance
para maayos yung family nyo. BUT you survived. you survived for a reason , reason
number 1 , dahil kailangan pa tayong magkaroon ng happily ever after and reason
number 2 , magiging masaya ka pa with your family. " ako

napangiti si Kath sa sinabi ko.

"Every day is a blessing kath , yan yung parating sinasabi ni Dad sa akin. " ako

huminga ng malalim si kath.

humarap siya sa akin.

"Di lang ang parents natin ang kayang magmahal ng ganyan ka tindi " kath
"Mahal na mahal na mahal na mahal kita maging sino ka man , kahit na napaka hambog
mo ! haha " kath

huy hindi ako hambog !

honest lang ! haha

hinawakan ko ang pisngi niya.

"Kathryn Chandria mahal na mahal na mahal na mahal kita maging sino ka man , kahit
na napaka iyakin mo ! " sabi ko sabay halik sa kanya.

nagpaalaman na kaming dalawa.

gumana ang words of wisdom ko.

________________________________

[KATHRYN'S POV]

kahit papaano'y nabawasan ang kabang nararamdaman ko dahil sa mga sinabi ni Dj.

palapit na ako sa pinto , alam kong nasa sala sila.

pagbukas ko , biglang nawala ang ngiti sa mukha ni mommy at daddy.

omaygadssss..

"Baby anong nangyari ? bakit may mga benda ka ? okay ka lang ? " mommy

ah kaya pala , kinabahan ako dun. haha


"Baby bakit di mo sinabi? yun bang lalake sa news ?? " daddy

tumango nalang ako.

dali-dali nila akong niyakap.

ang sarap talaga ng pakiramdam kapag yakap mo ang mga magulang mo.

"Mom , dad sorry po talaga sa lahat lahat ng kalokohan ko. Sorry *sniff * po " ako

"Shh.. dont apologize kami dapat ng daddy mo ang mag-apologize eh ... baby sorry "
mom

"Sorry sa inyo please can we go back to being a family again? i want to make up for
everything " dad

after nun , nagkwentuhan kami.

sobrang saya ko ngayon.

Marami palang nagmamahal sa akin.

Yung parents , friends and of course si Dj

Lord thanks for the third chance of another life.

hindi ko na ito sasayangin.

Sa pagdaan ng mga araw , mas lalo pa akong sumasaya.

Parati kaming magkasama ni Dj at ng mga kaibigan ko.

Nakilala narin pala ni Mommy at Daddy si Dj tapos botong-boto pa sila sa kanya.

Parati akong binibisita ni Dj sa bahay kayat close na sila nila Mommy at Daddy.
For 14 years puno ako ng kalokohan

For 11 months puno ako ng pagdurusa

Pero for 1 month , naging napakasaya ko na. Para bang nawala yung bad past ko.

[END OF CHAPTER 17]

_________________________________

Pasensya na if medyo lame ang UD na to.

feel ko lang kasing maging masaya. hahaha :D

but the nexts updates , ewan .. haha :D

*******************************************
[21] Slaughter 18 : Short-lived Happiness
*******************************************
[KATHRYN'S POV]

September 30 , 2012 na pala ngayon

hayyy.. Grabe ang daming nangyari sa isang buwan.

Ang saya . hahaha

September 1 nang makulong kami sa CR si Dj

September 9 nang sagutin ko siya

September 15 nang muntik akong mamatay

September 17 nang nabuo ulit ang pamilya ko


its official , SEPTEMBER is the best month of my life.

nandito pala ako ngayon sa Park.

6pm na , sabi kasi ni Dj na makikipagkita daw siya sa akin.

may sasabihin daw siyang importante.

sa totoo lang naiinis ako sa kanya , ilang araw na kasi siyang hindi nagpaparamdam
at hindi nagpapakita sa akin. Nakakailang text na ako sa kanya pero di siya nagre-
reply.

nauna akong dumating sa kanya kayat mas nakakainis.

narinig kong dumating na ang kotse niya kayat umayos na ako.

"Kath sorry kanina ka pa ba naghihintay? " dj

tumango ako.

hindi ako ngumiti sa kanya

"1 week di ka nagpapakita sa akin , you dont even reply on my text messages .
Papupuntahin mo ako dito tapos late ka? " ako

tumabi siya sa bench na inuupuan ko.

nasanay akong hinahawakan niya parati ang kamay ko pero ngayon hindi.

may problema ba.

di na ba niya ako mahal ?


"Kath sorry talaga " dj

may mali sa boses niya.

bakit parang malungkot.

"Deej okay ka lang ? " ako

"OO " dj

wala na , napaka cold niya sa akin.

"Deej yung totoo mahal mo pa ba ako ? " ako

*silence*

matagal bago siya sumagot.

"Kath Im sorry.... sorry makikipaghiwalay na ako sayo " dj

"Kath Im sorry.... sorry makikipaghiwalay na ako sayo "

"Kath Im sorry.... sorry makikipaghiwalay na ako sayo "

"Kath Im sorry.... sorry makikipaghiwalay na ako sayo "

"Kath Im sorry.... sorry makikipaghiwalay na ako sayo "

nabigla ako sa sinabi niya

para akong nabibingi sa narinig ko.

biglang tumulo ang luha ko.


totoo ba yung narinig ko ?

naghihintay akong sumigaw si dj ng PATOLA o JOKE LANG pero wala eh

he was dead serious

"Deej ? "

yan lang ang tanging nasabi ko

"kath im sorry , mas masasaktan ka lang kasi kapag ipinagpatuloy natin to " dj

totoo pala talaga

he's dumping me...

huminga ako ng malalim

"Mas masasaktan ? sa tingin mo hindi ako nasasaktan ngayon ? DJ how could you do
this to me ? mahal kita deej " sabi ko habang umiiyak

ang sakit

bwisit

ang sakit sakit

hindi humaharap sa akin si Dj , nakatingin lang siya sa kawalan.

"Yung totoo Dj ? minahal mo ba talaga ako o pinagtripan mo lang ako ? *sniff* kasi
ako dj , mahal kita eh" ako
halos hindi na ako makapagsalita

yung luha ko , hindi tumitigil

ang sakit kasi talaga eh

first love mo tapos hihiwalayan ka for no good reason.

bigla siyang humarap sa akin tapos hinalikan ako.

dali-dali ko siyang tinulak palayo sa akin.

sinampal ko siya.

"DJ what the hell is wrong with you? Parati mo akong iniinis noon , Then you became
my friend. You Told me You love me, You courted me, You became my boyfriend But
then You dumped me tapos ngayon hahalikan mo ako ??? DJ for god's sake HINDI AKO
LARUAN! if ayaw mo na sa akin so be it , basta wag mo akong paasahin kasi Masakit !
Deej masakit ! " sigaw ko

dali-dali akong tumakbo at umalis.

I never looked back.

ramdam ko parin yung sakit

gusto ko siyang tanungin kung bakit pero baka mas masaktan pa ako.

[A/N : Para mas Effective , PLAY THE SONG ON THE MULTIMEDIA BOX]

dali-dali akong nag-drive.


nasa bakanteng lote ako ngayon.

Dito ko inilabas lahat ng sama ng loob ko.

umiyak lang ako ng umiyak.

isang oras yata ako doon.

biglang tumunog yung cellphone ko ,

from : +639*********

Kath , punta ka sa Infinity bar ASAP . Gusto ka daw kausapin ni Dj one last time.
Please pagbigyan mo siya please.

hindi ko kilala ag nag txt pero ewan ko ba , sinunod ko parin.

nagbabakasakali akong magkaayos kami ni Dj.

malapit lang ang bar na yun sa park kayat pinuntahan ko.

hindi ko inakalang pagsisisihan ko ang pagpunta ko doon.

Pagdating ko doon , hinanap ko agad si Dj.

sa sobrang pagmamadali ko , bigla akong may nabangga.

"Ayy sorry miss "

pamilyar yung boses


"Kath ! anong ginagawa mo dito ? teka umiiyak ka ba ? "

si Paul pala.

ngayon ko lang naalala , Sina Paul pala ang may-ari ng infinity bar

"Wala to , hinahanap ko si--------------- "

hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nakita ko na ang hinahanap ko.

Ang masaklap hindi nag-iisa si Dj.

may kahalikan siyang babae.

napatingin si Paul sa tinitingnan ko.

"GAGO ! " napasigaw si paul

narinig yata ni Dj

napatingin siya sa amin.

halatang nagulat din siya.

I just gave him a weak smile as a sign of defeat.

Oo na panalo na siya , ako yung tanga

dali-dali kong hinila si Paul palayo.

pagkatalikod ko mula kay Dj , nagsimula na namang tumulo ang luha ko.


tumakbo ako

sinundan naman ako ni Paul.

pinapasok niya ako sa kotse niya

Nasa parking lot kami...

hindi parin tumitigil ang luha ko.....

"Paul bakit niya *sniff* ginawa yun ???" ako

"Gago lang talaga siya kath " paul

"minahal ko siya , napakatanga ko! " ako

niyakap ako ni Paul

"Shh... wala kang kasalanan okay ? " paul

hinatid nalang ako ni Paul sa bahay.......

---------------

pagdating ko doon , dali dali akong nagpasalamat kay Paul at pumasok.

hindi ko pinansin si Mommy at Daddy

dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong.

walang humpay sa pagtunog ang cellphone ko..


Si Dj tumatawag....

dali-dali kong pinatay ang cellphone ko......

My so called BEST MONTH OF MY LIFE , Turned for the worst..

In just a month , I experienced what they call love.

Nagmahal ako , umasa ng happy ending pero sa huli sinaktan ng taong pinakamamahal
ko.

paano niya nagawa sa akin yun ?

minahal ko siya pero niloko lang niya ako.

nakakita ako ng blade sa sidetable ko.

dali-dali ko itong kinuha.......

iyak lang ako ng iyak...

maglalaslas na naman sana ako nang bigla kong naalala sina mommy at daddy.

kaya ko ba talagang iwan si Mommy at daddy para lang sa gagong yun ?

nalaglag ko ang blade na hawak ko.

nangako ako sa parents ko na di ko na uulitin yun.


Hindi ko hahayaang masira na naman ang buhay ko dahil sa gagong yun.

humiga nalang ako ulit.

and I Cried myself to sleep.

-----------------------------

7 am

Bigla akong nagising.....

tumutunog yung telephone ko.

dafuq ?! bat di sinagot nila yaya

sinagot ko nalang.

"Bebekath ! at last sinagot mo na yung phone ! alalang-alala kami sayo"

teka si Kitty ?

alam na niya agad ?

"bakit naman kayo mag-aalala ? ginising mo ako , bakit ba ? " ako

"wag mo ng ikaila , tinawagan kami ni Paul. Humanda sa amin yang Dj na yan. Basta
sis , never as in never kang magpadala sa nararamdaman mo ! as much as possible
lumayo ka sa blades ! "kitty

nakakatawa si Kitty

kahit paano , swerte parin ako dahil may kaibigan akong gaya niya.

"Thanks kits... truth be told , tinangka ko na naman kagabi kaso na-realize ko , he


wasnt worth it. Hindi ako pwedeng magpatalo dahil nasasaktan ako " ako
"Yan ! tumpak ! bebekath in life , we all have to kiss frogs just to find our true
prince." kitty

"Yeah and in life shit happens " ako

____________________________________

[Kitty's POV]

pagkatapos ng telebabad namin dali-dali kong tinawagan si DJ.

bwisit tong si Dj

kahit na inis nainis na ako sa kanya , kailangan ko parin siyang balitaan sa lagay
ni Kath.

"hoy Dj sumagot na si Kath okay lang daw siya ! " ako

"Salamat kitty " dj

"Dj magkaliwanagan nga tayo ? bakit mo naman ginawa yun ?! Pinagkatiwalaan ka ni


Kath ! pinagkatiwalaan ka naming lahat ! " ako

"its a long story kitty , di mo ako maintindihan " dj

"Di maintindihan ? pwes paintindihin mo ako! Deej paano mo nagawa yun kay kath ???
Pinapunta mo pa siya sa club para lang makita niyang may kahalikan ka ? Kapal mo
rin noh ? " ako
hindi ko na napigilan ang sarili ko, sinisigawan ko na talaga siya.

"Wait.. no .. hindi ko siya pinapunta doon and I didnt kiss that girl ! bigla niya
akong hinalikan ! hindi ko magagawa yun kay kath ! " dj

"hindi mo magagawa eh nagawa mo na ! " kitty

nasasaktan ako para sa bestfriend ko kayat binabaan ko na si Dj.

Sana naman hindi matulad sa kanya si Milo.

___________________________________

[KATHRYN'S POV]

its been a week since that awful break-up

napaka-bilis kumalat ng balita , alam na ng lahat maliban lamang sa family ko.

pero napakarami kong na-realize.

I came back to the Kathryn who i used to be.

Pero kahit ako yung Kathryn na carefree at maraming kalokohan , this time alam ko
na ang limitations ko. Priority ko ang friends and family ko.

Totoo pala talaga yung sinasabi nila na kailangan mo pang magdusa bago ka matuto.

Sa una masakit pero masasanay ka na.

Truth be told , bitter parin ako.

Sino ba ang hindi ?


"Baby , may emergancy pala sa company natin sa states , kailangan kong mag-stay
doon for a while. Gusto ko sanang sumama kayo , okay lang ba sayo ?" daddy

napatigil ako sa pagkain.

magandang opportunity din to.

"Sure ! dad I was thinking , pwede bang doon ako mag-aral , I want to take up
medical course " ako

biglang nabulunan si Daddy.

pati si Mommy halatang nagulat sa sinabi ko.

"Really ?! " mommy

"Sino ka at anong ginawa mo sa anak ko ? " daddy

daddy talaga oh.

hahaha

"Dad i want to go there , seriously " ako

"Paano na si Dj ? " daddy

nagulat ako sa sinabi ni daddy

isip ng palusot...

loading..loading.... ERROR

"oh my God late na ako... sorry talaga kailangan ko palang pumunta sa bahay ni
Kitty.. byee " sabi ko sabay takbo sa room ko para convincing.

the usual , tambay ako sa kwarto ko.


facebook nalang ako para may kalibangan.

nagulat ako dahil napaka-daming notifications at messages.

pagtingin ko , isa doon from Dj

di ko nalang binasa kaasar eh.

siyempre change ko status ko , SINGLE :P

ilang minuto lang, andami ng nag-comment at nag-like

nabasa ko ang post ni Dj , naligaw sa news feed ko.

''''''''''''''''''''''''''''''''''''''

DJ PADILLA : We all have to do what's right even though it hurts

254 comments 5 likes

Enrique Villar : tss.. gago ka parin

Milo Carmelo Saragoza : hanggang kailan mo yan ililihim ?

Tyler Ponce : Sayang bro

Kc Quizon : nakoo po !

''''''''''''''''''''''''''''''''''''

block ko na siya.

eh anong magagawa ko ? bitter ako eh.

-------------------------
3 days later , na process na lahat ng kailangan ko , pati ticket ready na.

sa october 25 ang flight ko.

na-bored ako kayat pinicturan ko ang ticket ko for instagram.

lakas makaamoy ng mga kaibigan ko kayat dinagsa ang facebook wall ko.

Paul : HOY ! ANONG IBIG SABIHIN NG TICKET MO? bad ka. :P

Kitty : Bebekath anong ibig sabihin niyan??

Milo : alam na ba to ni Dj ? kath mag-usap nga kayo

Enrique : best ganyan ka na pala ? lihim lihim na .. tsk.tsk.

Robbie : Conference call ASAP.

sinunod ko naman agad sila , conference call kami.

kinwento ko sa kanila ang plano ko.

hindi na sila pumalag. alam kasi nilang buo na ang desisyon ko.

------------------------

a few days later , naka recieve ako ng GM mula sa kanilang lahat except Dj.

"Slaughter High is still a GO ! sinong sasali ? " Zoe


"Guys tuloy parin daw ang production ng slaughter high para tribute sa lahat ng
students " Milo

"NEWS : SLAUGHTER HIGH SHOOTING WILL BE ON OCT. 12 ,2012 . Sana daw sumali parin
yung mga napili sa audition sabi ni Sir Guzman " James

♫Take it to the heeaaad .. yeah yeah ♫

bago na ang ringtone ko . hahaha

Kitty calling

dali-dali ko itong sinagot.

"Yow kittybabes whaatsaaap ? " ako

"Na recieve mo na ang message diba ? sasali daw lahat ng napili. walang nagbago..
please join please ! please ! please ! " kitty

tawang-tawa ako sa kanya..

"Sorry kittybabes , di pwede eh " ako

"Last bonding time na natin to .. pero okay ikaw bahala " kitty

tama naman si Kitty , for the last time na din.

baka kasi matagalan akong bumalik.

bahala na

"OKAY FINE ! pasalamat kayo mahal ko kayo. " ako


"Yeyyy ! i love you bebe kath !" kitty

call ended

MY mind is made up

sasali silang lahat sa production

kayat sasali din ako :))))))))

Baka huling beses narin kasi kaming magkita-kita..

and atleast i get to join a production as a tribute for ate parker.

[END OF CHAPTER 18]

___________________________

sorry sa lame update :)

medyo naguguluhan pa kasi ako.

ang sakit lungss. haha

thanks for reading.


*******************************************
[22] Slaughter 19 : Milo-Kitty tandem
*******************************************
Gusto ko munang i feature ang MILO-KITTY tandem kahit sandali lang.

jhabea fan ako eh . hahaha :D

_____________________________________

[MILO'S POV]

♫ So i cross my heart and i hope to die , that i only stay with you one more night

ganda ng ringtone ko Maroon 5 lungs.. nyahaha

KittyKO calling

siyempre dali-dali kong sinagot ang tawag

"Hello Kittyko ! :3 " ako

"Milo ! yung bwisit na kaibigan natin sobrang walang hiya ! " kitty

sino ? O_O

"Ganda ng bati mo sa akin kittybabes . hehe. pero sino ? " ako

"MiloKo si Dj nakipagbreak kay Kath ! " kitty

nagulat ako sa sinabi ni Kitty


matagal narin kasi kaming hindi nagkikita ni Dj tawagan lang kami at chat.

"Huh ? sure ka baka joke lang nila ? " ako

"Di Milobabes , tinawagan ako ni Dj kanina . nag-aalala daw siya baka kung ano daw
ang gawin ni Kath sa sarili niya. Nasaktan daw niya eh. Kanina ko pa tinatawagan si
kath pero wala eh " kitty

ano bang ginawa ni Dj.

sigurado akong malalim ang dahilan ni Dj. Mahal na mahal niya si Kath di niya
kayang saktan siya nang basta-basta.

"Kittybabes calm down , hingang malalim..... now repeat after me , Okay lang si
Kath " ako

"Okay lang si Kath " kitty

inulit naman ni Kitty ang sinabi ko.

good , humihinahon nasiya.

"magiging okay parin ang barkada " ako

huminga ng malalim si Kitty

"magiging okay parin ang barkada " kitty

"Gwapo si Milo " ako

"Gwapo si Milo... MILO NAMAN EH !! hahaha " kitty

"Yehey ! napatawa narin kita ! hahaha. alam ko kung ano ang iniisip mo , Hinding
hindi ako tutulad kay Dj , hindi kita sasaktan " ako
"Promise ? subukan mong saktan ako kung ayaw mong putulin ko si Junior " kitty

hala si Junior ?!!

huwaaaaaaag ! hahaha

Amazona talaga tong mahal ko.

"Kittybabes PROMISE . I WUB WU " ako

"Ano naman yun ? " kitty

"Baby talk for i love you ! " ako

"Shunga Milobabes . hahaha. RAWWRRR " kitty

ang cute pakinggan ! hahaha

"Ano naman yun ? " ako

"Thats dinosaur for I love you " kitty

tawa kami ng tawa

ang saya lang kasi


"RAWWR RAWWR " ako

o sige ako na ang corni ! mahal ko eh . haha

"ano naman yun ? " kitty

"I love you tooooooo " ako

tawanan ulit kami.

"Dont worry kakausapin ko si Dj " ako

"Kutusan mo ! " kitty

"hahaha. kausapin ko muna , pag-confirmed na nagloko , sabay nating itorture ng


barkada " ako

---------------------------------

pagkatapos ng telebabad namin dali-dali kong tinawagan si Dj

ako kasi ang kuya ng barkada kayat ako ang parating tulay.

"Dj totoo ba yung nabalitaan ko ? " ako


"oo " tipid na sagot ni Dj

punyeta

"Bro bakit mo ginawa yun ?! akala ko ba mahal mo si Kathryn ?? gago mo naman pre
bakit mo siya niloko ?! " ako

"Milo sabihin nyo na ang lahat sa akin pero never , never kong niloko si Kath " dj

kumalma nalang ako

hindi maayos ang usapan namin kung ipapairal ko ang inis ko

"Okay so sabihin nga nating never mong niloko si Kath. Bakit ka nakipaghalikan sa
isang pokpok ? " ako

"Hindi ako nakipaghalikan sa babaeng yun ! siya lang yung nanghalik sa akin !
nagulat nga ako kung bakit nandoon si Kath eh. teka paano nyo nalaman ? " dj

"Sinabi sa amin ni Paul ang lahat. " ako

"tss. si paul pala " dj

"Nevermind Paul ! tss.. magkaliwanagan nga tayo , Bakit ka nakipaghiwalay kay


kath ? " ako

hindi sumagot si Dj

punyeta

kung kaya kong masuntok si Dj mula sa cellphone gagawin ko talaga.

binantaan namin siya na kahit kaibigan kaming lahat , oras na saktan yung isa ,
humanda sa ganti.
"Dj para naman tayong hindi magkaibigan " ako

"Milo , sasabihin ko sa takdang panahon. Sorry.. sorry talaga. sana maintindihan


nyo ako " dj

tapos binabaan ako.

parang humupa ang inis ko dahil sa sinabi ni Dj , iintindihin ko muna siya.

May tiwala ako kay Dj , sigurado akong malalim ang dahilan niya.

-------------------------------

Ilang araw ang lumipas nakita kong nag-post si Kath ng ticket niya sa instagram.

siyempre dali-dali kaming nag-conference call ng barkada.

di namin sinali si Dj dahil alam naming lagot kami kay Kath.

Nalaman naming aalis siya papunta sa states para dun na mag-aral.

Buo na ang desisyon niya , ni-isa sa amin ay hindi pumalag.

alam kasi naming mauupakan lang niya kami kung pipigilan namin siya.

tinawagan ko si Dj.

hindi ko na siya tinatanong kung bakit siya nakipaghiwalay.

"Deej , alam mo na ang balita? " ako

"ano ? " dj
"aalis na si Kath , doon na daw siya sa states for good " ako

*awkward silence*

hindi kumikibo si Dj

"sige Milo , tinawag ako ni Daddy " dj

sus palusot ang gago

di yan eepekto sa akin.

"Deej nga pala , tinawagan ako ni Sir Guzman kahapon , tuloy parin daw ang
production ng slaughter high. October 12 daw tapos 1 week yata tayong mag sho-
shoot. Sali ka deej para early reunion na rin " ako

tahimik lang si Dj

sigurado akong natatakot tong makita si Kath

mind reader ako eh ?! >.< hahaha

"Deej, dont worry di pupunta si Kath " ako

"Pag-iisipan ko "dj

"good " ako

binabaan ko na siya.

marunong din akong maging rude . haha

napatingin ako sa sidetable ko , nakita ko ang picture frame ni Kitty.

kinuha ko yung picture niya.

sumasaya ako kapag nakikita ko siya , kahit sa litrato lang.


matagal na kasi kaming di nagkikita , malayo kasi ang tinirhan namin.

nasa Cebu siya samantalang nasa baguio ako.

Tiis kaming mag-skype.

kinuha ko yung maliit na kahon sa cabinet ko.

Ready na ang engagement ring na binili ko.

pina carve ko pa ang initials namin tapos may nakalagay na

NEVER TO PART

plano kong mag-propose sa shooting

sabi kasi ni Sir Guzman , nakahanap daw sila ng isang secluded island tapos maganda
daw doon.

PERFECT :))))))

Oo nga pala , gusto kong magkwento tungkol sa amin ni Kitty.

Magkababata kami ni Kitty.

Kaso lumipat sila sa Cebu kayat nagkalayo kami.

Laking tuwa ko talaga nang malaman kong kaklase ko pala ang pinsan ni Kitty.

Kinaibigan ko talaga yung pinsan niya para makibalita tungkol kay Kitty.

siyempre nang malaman ko kung saan magco-college si Kitty , kinumbinsi ko si Daddy


na doon ako pag-aralin dahil its like hitting two birds with one stone. Makakasama
ko si Kitty tapos makakapag-aral ako tungkol sa paggawa ng pelikula. Pangarap ko
kasi yan noong bata pa.
biglang tumunog ang cellphone ko...

Si Kitty pala tumatawag.

dali-dali kong sinagot....

_________________________________

[Kitty's POV]

bigla kong na-miss si Milo kayat tinawagan ko siya.

"Hello kittybabes ! " milo

"Hi Milobabes ! " ako

"timing yung pagtawag mo , bigla ko kasing naalala yung noon " milo

awwww ♥

maging ako nga eh , lagi ko yung naaalala .

"hahaha. ang sarap alalahanin...biruin mo , nang dahil din sa atin nagkakilala sina
Kath at Dj " ako

"Oo nga eh , sayang lang talaga sila..Pero kitty , hindi tayo ang dahilan kung
bakit nag-kakilala sila...hahaha " milo

"sino ? " ako

"Di ko matandaan pero first day of school, diba nagtanong si Dj sa isang student
kung sino si Kitty tapos ang tinuro ng student ay si Kathryn.. hahaha " milo
oo nga pala , yung student pala yung dahilan kung bakit sila nagkakilala tapos nag-
away . hahaha

.....FLASHBACK.............

First day of School.

Naghihintay ako na magsimula ang first class namin kaya't tumambay muna ako sa
Garden ng theater department.

Patingin-tingin lang ako sa paligid hanggang sa napansin kong may babaeng umupo sa
isang bench malapit sa akin.

She was very pretty. May kapayatan siya at morena. She looked so friendly kaya't di
na ako nagdalawang isip na makipag kaibigan sa kanya. Gusto ko kasing magkaroon ng
kaibigan ngayong college. When I was in highschool , I was always bullied kayat
gusto ko namang mabago ang buhay ko ngayon.

"Hello :) " bati ko

FC na kung FC eh wala akong friends eh

"hi ! " bati niya din sa akin. her smile was so sweet

"Kitty nga pala ikaw ? " ako

"Im Kathryn anong major mo ? " kath

"motion picture " ako

"omg ako rin ! yey may friend na ako ! haha " kath

"Kitty Torres ang real name ko , 17 years old " ako


"cute name ! im Kathryn Chandria Bernardo you can call me kath for short " kath

uyy , mabait pala, thank you lord at nakameet ako ng mabait na kaibigan

kwentuhan lang kami ng kwentuhan , marami akong nalaman tungkol sa kanya.

natigil kami sa kwentuhan nang biglang may lumapit sa amin na lalaking gwapo ,
matangos ang ilong niya at medyo badboy ang dating.

bigla siyang may iniabot kay Kath na sulat.

"Ms. Bigay ng kaibigan ko para sayo " guy

"Wow naman , first day may admirer na agad , haba ng hair mo kath ! " biro ko sa
kanya

"huh?! baka hindi para sa akin to , wala kasi akong kakilala dito maski isa " kath

binuksan na agad ni Kath ang sulat.

"Tama nga ako ! para to sayo eh ! hahahaha " kath

ibinigay niya sa akin ang sulat at nagulat ako nang mabasa ko ito

"Dear Kitty ,

New school , New life but always remember , hindi ako mawawala . Im always here to
be your guiding light.
---Alaska

natawa talaga ako sa nabasa ko. Kilala ko kung sino to. kababata ko to. Hindi ko
talaga inakala na dito rin siya mag-aaral. ^___^ .

"Uyy sino yan ? hahaha " kath

"bestfriend ko " ako

"weeh ?! hahaha . dagdag pogi points yan dahil letter ang way niya instead of text
message " kath

ako naman , kinikilig ! hahaha :D

biglang bumalik yung lalaking nagbigay ng letter at kinausap niya si Kathryn.

"Ms. Ikaw ba si Kitty ? " tanong niya kay kath

"hindi ito-------- " kalmadong sagot ni Kath

hindi na natapos ni Kath ang sasabihin niya dahil sumigaw na yung guy

"Eh hindi naman pala ikaw eh?! bakit mo tinaggap?! grabe mo naman !" guy

parang naiinis nadin yata si Kathryn dahil sinigawan siya nito

"Hello ?! bakit ako ang sinisisi mo ? ikaw nga diyan eh , di ka nagtanong ! Wag
kang mag-alala itong katabi ko , siya si Kitty ! Sorry ha pero sana wala namang
bastusan " sigaw ni Kath sabay walk-out. halatang nagalit si Kath sa inasal ng guy.
mistulang napako yung guy sa kanyang kinatatayuan.

di na ako nakapagpigil kaya't kinausap ko din siya.

"Bakit mo naman siya sinigawan? kalmado nga yung tao eh. napakabait nun tapos
sisigawan mo " ako

at nag walk-out nadin yung guy.

biglang dumating si not so mysterious letter sender.

"Hi Kitty ! " milo

"Hala ! hello ! dito ka din pala mag-aaral ?! bat di mo sinabi ? " ako

"para surprise "milo

asus ang sweet ! haha :D

"pagpasensyahan mo nga pala yung kaibigan kong si DJ" milo

"okay lang yun , dun sa kaibigan ko kailangan niyang mag apologize. Sinigawan niya
kaya"ako

natawa lang si Milo at agad na kaming nagkwentuhan.

.....END OF FLASHBACK .....

"Kittybabes , hello ? " milo

ay mukha akong tanga

nawala ako sa iniisip ko. haha


"sorry milobabes , naalala ko kasi ulit . hahaha " ako

"okialways hahaha....By the way , kitakits sa october 12 okay ? " milo

oo nga pala tuloy parin yung shooting... nyahaha

excited na akong makita ulit silang lahat..

lalong lalo na si Kath , mamimiss ko yun eh...

"Sure ! " ako

"Miss you babe " milo

"miss you more babe " ako

"Mas namiss kita" milo

"O sige ikaw na ! " ako

"sorry joke lang naman babes " milo

"I mean ikaw na , ikaw na ang the one for me ! " ako

hahahahhaaha.

ang sarap mainlove mga dre <33333333333

[END OF CHAPTER 19]


________________________________

HAHAHAHAHA :D

ewan ko ano ang trip ko ngayon.

Next chapters Shooting na . hahaha :D

THANKS FOR READING <3

Vote and comment.

Raaawr !

hahaha

HaliMAU out ♥

*******************************************
[23] Slaughter 20 : Welcome To Slaughter
*******************************************
Dito na...

Dito na....

Dito naaaaaaaa....

hahahaha. ewan adik lang ako.

<<<CASSADEE POPE FOR THE VOICE ! hahahaha.. ewan carried away parin ako dahil
vocalist ng hey monday nakapasok sa live shows ng the voice ! .... HAHAHAHA anong
connect niya sa story... WALA , adik lang ako.....>>>>>

seriously , ngayon ko lang nalaman na marami palang nagbabasa ng slaughter


university .... *teary eyes* hahahaha. Oa lang ako ... hahaha. Salamats talaga

BABALA : Marami pong maaaring mangyari sa mga susunod na chapters. Baka mapatay ko
yung mga fav artists nyo... Peace tayo. hahaha. Kathang isip lang po ito lahat ,
wag tutularan. Lalong-lalo na yung killer , wag tutularan... Ayaw ko kayong makita
sa next episode ng SOCO. hahaha

inspirasyon ko po ang HARPER'S ISLAND at SCREAM

pagpasensiyaan nyo na ,adik lang si author.

The nightmare begins ,

Welcome to slaughter..........

___________________________________

[Kitty's POV]

napatingin ako sa relo ko..

9:30 am

nandito na kami ngayon sa resort na pagmamay-ari ni Sir Guzman malapit sa


University namin or should I say old school namin.

dito muna kami magkikita-kita para sabay kaming lahat.

nasa Yacht kami ni Sir Guzman.

bongga talaga si Sir yamans talaga... producer nga eh , siyempre rich

"Sino pa ang hinihintay ? " Ms. Marie

"tatlo nalang po " Milo


"bakit tatlo ? " Robbie

"oo nga diba si Sophie at Paul nalang ... diba hindi pupunta si bebeKath ? " sabi
ni Ria na parang malungkot

di kasi namin sinabi ni Milo na darating si Kath para surprise sa lahat.

napatingin ako kay Dj

nakaupo lang siya sa mga chairs ng yacht.

katabi niya si Milo.

Actually kinalimutan muna namin ang galit namin kay Dj , sabi kasi ni Kath na ang
issue is between the both of them kayat hindi dapat kami mag-away away lahat. Buo
parin daw dapat ang barkada.

Malaki ang pinagbago ni Dj , napaka seryoso na niya

Nakasuot lang siya ng black leather jacket tapos Beats by dre headphones.

napakamaangas ng dating niya kayat mas lalo akong naiinis sa kanya , hindi ko lang
talaga ipinahahalata.

"Yun dumating na si Sophie ! " sigaw ni Robbie.

bago kasi makasakay sa Yacht kailangan pa naming maglakad sa isang mataas na wooden
Path. kayat makikita namin kung sino ang paparating.

[A/N : di ako masyadong magaling mag describe , tingnan nyo nalang sa multimedia
box . hahaha]

napakaraming dala ni Sophie na mga gamit para sa movie effects kayat dali-daling
tumakbo si Robbie para tulungan siya.
I smell something flirty

ilang minuto ang lumipas bigla na namang may dumating na kotse.

"Hot girl spotted ! wohooo ! " sigaw ni James nang bumaba ang isang babae sa kotse.

napatingin kaming lahat sa tinutukoy ni James

kahit na babae ako , masasabi ko rin talagang hot yung babae.

morena tapos sexy.

nakasuot ng shorts , v-neck t-shirt tapos baseball cap.

di namin masyadong makita ang mukha dahil natatakpan ng mahaba niyang buhok at
shades.

akala ko si Kath pero walang bangs yung babae.

bigla ring lumabas si Paul mula sa kotse.

"Taena ! ang swerte ni Paul ! teka bakit palapit dito ang babae ? " Tyler

napatingin ako kay Dj , nanlaki naman yung mga mata niya.

para bang kilala nya yung babae.

hayyy. baka nagmamanyak lang..

"Teka bakit kumakaway yung babae sa atin ? " robbie


napatingin kaming lahat sa babae na tumatakbo palapit sa amin.

pero tumigil siya sa pagtakbo dahil tinawag siya ni Paul.

"Hoy tulungan mo akong magbuhat dito mamaya ka na mag-moment ! " sa lakas ng sigaw
ni Paul , dinig na dinig namin ang sinabi niya.

dali-dali namang bumalik yung babae sa kotse tapos kinuha ang dalawang travelling
bag tapos tumakbo ulit palapit sa amin....excited yung babaeng makasakay sa yacht?

lahat kami may question mark sa mukha.

palapit na yung babae kayat medyo namukhaan namin.

Loading...

Loading....

Loading....

"KAAAATH ?!! " sigaw naming lahat.

napatingin ako kay Dj , pero parang hindi na siya nagulat.

siyempre na-miss namin ang bunso namin kayat nang makasakay na siya , Lahat kami
niyakap siya except sa mga teachers at si Dj.

"Aray...aray..arayyy ! " nag reklamo si Kath kayat bumitaw kami.

tawang-tawa kaming lahat.


Si Ria , hindi parin bumibitaw sa pagyakap kay Kath.

"Kath naman eh ! ang sama mo ! akala ko aalis ka nang hindi nagpapakita sa amin ! "
sabi ni Ria na para bang umiiyak.

nag-panic si Kath..

tawang-tawa kaming lahat.

"Hoy KatKat ! langya di mo talaga ako tinulungan ! hahaha " Paul

"Sensya brooo ! " sabi ni Kath tapos tinulungan na si Paul.

Si Quen naman , tumakbo rin para alalayan si Kath.

teka sila paul at Kath na ba ??

"Tss " narinig kong reaction ni Dj.

as if naman wala siyang kasalanan ! kainis !

ang laki ng pinagbago ni Kath

ilang weeks lang kaming hindi nagkita pero grabe ang pinagbago niya.

"Okay so Everyone's here ? " Sir Guzman

tumango kaming lahat.

"TARALETSSS ! " sigaw ni Sir Guzman tapos nagsimula nang umandar ang yate.
"Wohooo ! " sigawan naming lahat.

ang saya lang kasi . hahaha

--------------------------------

habang nasa biyahe

kwentuhan lang kami ng kwentuhan.

Akala ko magiging awkward pero hindi.

Si Dj , kinukunan lang ng litrato ang dagat

tapos si Kath , daldal lang ng daldal

ang saya namin sobra.

parang walang problema.

"KATH ! bwisit ka ! akala ko chicks , ikaw lang pala how disappointing. tsk tsk "
sabi ni James habang nag-eemote

tawanan ulit kaming lahat.

"Kath nasan na yung mahiwagang bangs mo ? sayang men ! " Sabi naman ni Quen.

"Oo nga eh , sayang hindi ko na mapapagtripan ang bangs mo " sabi ni James sabay
akbay kay Quen.

naghigh five naman ang dalawa


"bakit ba namimiss nyo yung bangs ko ?! kayo yung bangs nyo sa bibig nyo dumadami
na ! " kath

bigla namang hinawakan ni James ang bibig niya kayat tawanan ulit kami.

Wow si Kath ! lumalaban na sa asaran ! hahaha

nakisali nadin ang iba sa usapan.

"Kath , i heard sa states ka na magco-college ? anong kukunin mo ? " Ms. Marie

siniko ko si Milo

Pasimple naming pinagmasdan si Dj

Parang lihim kasing nakikinig si Dj

mahal pa ba ni Dj si Kath ?!

"Yup , im planning to take up medical course ma'am , trip ko maging doctor eh "
kath

natigil kaming lahat sa tawanan.

"Weh ? " ako

"Di nga ? " milo

"Really ? " Ria

"sure ka ? " Robbie

"seryoso ? " quen

binigyan kami ng Death stare ni Kath

hala seryoso talaga siya?

"Wowww ! supportive nyo naman ! " kath


"Kath baka mas lalong magkasakit ang mga pasyente mo ! " james

biglang lumapit si Kath at inakbayan si James

"James dont worry , ako ang bahala sa ilong mo, paliliitan ko yan " kath

[peace tayo albie casino & fans ! hahaha]

"BOOOOM ! " sigaw kaming lahat

biglang pumalakpak si James.

"Ladies and gentlemen , ang ating bunsong si Kathryn Chandria Bernardo ay marunong
nang lumaban sa asaran.. I AM SO PROUD ! " sabi ni James na nag-eemote na naman.

biglang lumapit si Robbie kay Kath.

"Welcome back Kathryn Bernardo ! " sabi ni Robbie sabay shake hands

si Kath naman halatang nagulat.

e kami nga mas dapat magulat , ang daming nagbago sa kanya , di na siya yung shy
and silent type.

siya na ulit yung dating Kath na sinasabi ni Robbie

"Anong trip nyo ? yung totoo suminghot ka ng floorwax no ? " kath

"Eh kasi po ang laki ng pinagbago mo ! " ako

tumawa lang si Kath.

na gets na yata nya ang ibig sabihin namin.


biglang lumapit si Sir Tobi kay Kath.

"Hey Kath , is it okay if ikaw nalang ang gaganap bilang Parker ? wala na kasi si
Kristy " sir tobi

natahimik kaming lahat.

expected na kasi namin na ayaw talaga yan ni Kath.

malulungkot na naman yan.

"Sure ! " kath

Loading....

Loading....

Loading....

"Kath ? sure ka ? " Quen

"Oo nga , kath yung totoo sure ka ? " ako

tumango lang si Kath tapos tumawa

"Bakit gulat na gulat kayo ? is there something wrong ? " sir Tobi

"Wala po sir.. " kath

"Okay good and Dj , since wala na si Jason , you get to play Grey if thats okay
with you Kath?" sir tobi

HA ?!

WHATTDAFAK !

" Okay sure " sabi ni Kath sabay ngiti

WHATDAFAK AGAIN ?!!

nagtinginan kaming lahat magkakaklase.

speechless lahat.

alam kasi namin ang pinagdadaanan nila.

napatingin kami kay Dj na halatang mas nagulat din.

Kami na Oa , Kami na mukhang tanga pero nganga kaming lahat.

"Oy bakit ganyan reaction nyo ? Eksaheraaadaaaa ? hahahaha " kath

"Sure ka kath ? okay lang sayo ? " Ms. Marie

napatingin ulit kaming lahat kay Kath

"Yup , If thats okay with Dj ? Hey Dj okay lang ba if partners tayo sa film ?! dont
worry sa film lang naman " tanong ni Kath kay Dj with a smirk on her face.

napatingin kaming kaming lahat kay Dj


nanlaki din ang mga mata ni Dj

di lang ikaw ang nagulat no !

"Ah.. ahm o..okay lang "dj

"Well thats good ! " Sir Tobi

------------------------------------------------

Kwentuhan muna kaming lahat

Parang nakaget-over na kami sa inasal ni Kath kanina.

Wala namang masama sa inasal ni Kath kanina pero nagulat lang kami na okay lang sa
kanya tapos kinausap niya pa si Dj.

akala kasi namin na bitter parin si Kath kay Dj.

"Milo , kausapin ko muna si Paul " ako

tumango lang si Milo

nag-iisa lang si Paul sa inuupuan niya kayat madali ko siyang nakausap

malaki ang yate kayat wala masyadong makakakita sa amin.

"Paul kayo na ba ni Kath ?" ako

bigla namang lumapit sa amin si Ria at si Milo.

gusto ring maki-chika.

"Hinde .. sana " paul


"Bakit kayo magkasama ? " Ria

"Close kasi kami ni Kath before pa ako nag-transfer sa school " paul

ay tama , nakwento na pala yan sa akin ni Kath

"Eh bakit naging ganyan si Kath ? " Milo

"Natauhan siguro , di ko alam pero guys , dapat maging masaya kayo , di na siya
nasasaktan " Paul

di na siya nasasaktan o nagpapanggap siyang di nasasaktan ?

"Oy bakit narinig ko yung pangalan ko ? " kath

nagulat kami , di namin inaasahan na maririnig kami ni Kath

"Kath , may itatanong sana kami sayo eh " Milo

pinaupo namin si Kath malayo sa iba para di nila kami marinig.

kaso si Robbie at Quen nakatunog yata kayat lumapit rin sa amin.

"Uyy magpapa-autograph na kayo sa akin ! huwaaaw ! hahaha " Kath

"Kathryn Chandria umayos ka nga kung ayaw mong upakan kita ! " ako

ngumiti naman si Kath tapos isinara ang bibig niya na parang nagsasara ng zipper.
"Okay unang tanong , bakit okay lang sayo na gumanap bilang parker ? " Robbie

inunahan pa akong magtanong ng gago. tsk.tsk

"Uhmmmtsbmmasdfghjasfdfj " nakasara lang ang bibig ni Kath na parang may sinasabi

"Ha ? umayos ka bebekath " ako

"asdfghjkasdfghjkl" kath

"Ay alam ko na " Sabi ni Robbie tapos lumapit kay Kath.

Bigla niyang dinaan ang kanyang kamay sa bibig ni Kath na parang nagbubukas ng
zipper.

"Thanks robbie "kath

*facepalm* kaming lahat

diyos ko baliw na yata

"No problem Kath , great minds think alike ! " sabi ni Robbie tapos nag thumbs up

"Diyos ko ! sagutin mo na nga ang tanong " Quen

"Ah , okay lang sa akin na gumanap bilang ate parker , gusto ko kasing malaman ng
mga tao kung gaano kabuti si ate. Gusto ko rin na maging proud siya sa akin " kath

napatango kaming lahat

parang naging malungkot ang mukha ni Kath

sorry (^_^) v
"Kath okay ka na ba ? " Milo

"Aaminin ko , sa una mahirap , masakit pero narealize ko na life is short , why


would I let myself get hurt when I can choose to be happy. Kaya guys favor lang,
please be happy for me " kath

natahimik kaming lahat

ang sama namin ! huhuhu

dali-dali naming niyakap si Kath tapos nag-sorry kaming lahat.

"Oyy bakit kayo nagso-sorry ? wala naman kayong kasalanan sa akin " kath

"Hoy anong ginagawa nyo kay master kath ? " james

biglang dumating si James

natawa kaming lahat

"anong master ? " kath

"Master ka na namin kasi halos magkapareho na ang ugali natin ! hahaha. diba Robbie
? " james

"Oo nga MASTER KAAATH ! " Robbie

sana mabalik ulit sa dati ang barkada

nakakainis naman kasi tong si Dj

bakit pa niya niligawan si Kath kung sasaktan niya ito .

punyetaaaanesss.
______________________________

[Robbie's POV]

sobrang saya namin sa byahe.

nakakabad-trip lang dahil awkward ang relasyon nila Kath at Dj.

Parang kapatid ko na rin si Kath kayat di ko maiiwasang magalit kay Dj.

Pero lalaki din naman ako kayat naiintindihan ko si Dj .. slight.

Nasa top deck kaming lahat.

sobrang saya namin.

tawa lang kami ng tawa.

Si Kath kasi , este master Kath

andaming kalokohan.

"Putragiiss ! " Sophie

napatingin kami sa kanya

"bakit ? " ako

"Nawala yung lucky bracelet ko :(( "sophie

ang cute ni Sophie ! hahahaha

"di mo na kailangan ng lucky charm sa ganda mong yan " James


punyetasss !

nakikisawsaw pa tong si James !

kukutusan ko talaga tong impaktong to.

"Hoy ! tigilan nyo nga si Sophie ! " kath

napatingin tuloy ang lahat sa amin dahil kay Kath.

langya talaga to si master . haha

"Kath ikaw talaga , may iba ka pa bang alam na ways mapaalis ang malas na gaya ni
James ? " ako

narinig kong tumawa si Sophie

1 point for me ! bwahahaha

natahimik si Kath.

bigla naman siyang napangiti.

"Pampaalis ng malas itali si James sa puno ng bayabas ! Kung si James ang kasama
wag kang magpapa-kama" sigaw ni Kath sabay pose na pina hiphop artist

tawang-tawa ang lahat sa ginawa niya.

bigla siyang hinabol si James kayat dali-dali siyang tumakbo palayo tapos
nagsisisigaw.

"Master humanda ka sa akin !!! " James

"Mommmyyyy !!!! " sigaw ng sigaw si Kath habang tumatakbo


tawa lang kami ng tawa.

"Hep hep hep " Sir Guzman

natigil sila sa pagtakbo.

"Para kayong mga bata , your teenagers lets partyyyy ! " Sigaw ni Sir Guzman sabay
labas ng mga beer.

woohoooo !

ngayon lang naman to eh.

mga bata wag kami tularan ha ? hahaha

kanya-kanya kaming kuha ng beer.

napatingin ako kay Dj , ang sama ng tingin niya kay Kath ng makita niyang binigyan
siya ng beer ni Sir Guzman. hayy ang gulo nitong kaibigan ko !

"Dj Kathryn , punta ka na sa Music equipment sa taas ! lets have some fun ! " Sir
Tobi

napatingin ako kay Dj

halatang nagulat siya sa sinabi ni Sir Tobi

di ako nakapagtimpi , nilapitan ko talaga si Dj

"DJ means Disc Jockey ! assuming dre!" sabi ko kay Dj


dali-daling tumakbo si Kath sa turntables.

PAARTY ! PARTYY !

-------------------------------------

Hindi kami masyadong lasing pero grabi yung pagsasaya namin

Sayaw sayaw kaming lahat.

Yung sayaw namin ,may halong mga kalokohan

Si Kath parang di nakatiis kayat sumali sa sayawan

nag-iwan nalang siya ng playlist para di tumigil ang kanta.

tanging si Dj lang ang hindi sumali.

Kinukunan lang niya kami ng mga pictures.

sigurado ako , si Kath yung kinukunan niya.

natigil ako sa pagsasayaw dahil biglang bumulong sa akin si Ria

"kuya , tingnan mo si Paul at Quen parang mag-aaway na " Ria

napatingin ako sa tinuro ng kapatid ko.

sumasayaw si Kath ng pabiro kasama si Kitty at ibang girls tapos sumasapaw si


Quen , Si Paul naman di rin nagpapatalo.

nagulat ako sa sunod na nangyari.

nagbangaan ang mga siko ni Paul at ni Quen.


nagkainitan ang dalawa

biglang tinulak ni Paul si Quen .

napaatras si Quen tapos di niya alam na nasa likuran pala niya si Kath.

Aksidenteng nahulog si Kath sa dagat.

"KAAATH ! " napasigaw kaming lahat

gulat na gulat kami sa nangyari

"Gago kayo ! di marunong lumangoy si KATH ! " napalingon kaming lahat dahil sumigaw
si Dj

tumakbo kami kung saan nahulog si Kath..

takot kaming lahat

nakita namin si Kath naka-cross ang arms ang sama ng tingin sa amin

hindi naman siya nalulunod eh

napatingin siya sa amin.

"PUSHANGGALA ! LANGYA ! BA'T NYO AKO TINULAK ! ANG LAMIG NG TUBIG BWISIT ! BUTI
NALANG MARUNONG NA AKONG LUMANGOY ! " kath

yung pag-aalala namin napalitan ng pagtawa.

walang hiya . hahahaha

si Dj naman nakita kong napahinga ng maluwag tapos bumalik na sa kinauupuan niya.


dali-daling pinindot ni Sir Guzman ang automatic ladder para makaakyat na si Kath.

Badtrip na badtrip si Kath , habang umaakyat bukambibig niya ang salitang bwisit.

kami ,tawa lang kami ng tawa dahil takot na takot ang mukha ni Quen at ni Paul

siyempre makikisali din ako sa gulo.

binigyan ko ng Hala ka sign sina Quen at Paul

mas lalong kinabahan ang mukha.

hahahaha

"Kath sorry talaga " Quen at Paul

inirapan lang sila ni Kath at pumasok na kanyang cabin para magbihis.

ang mga girls sumunod sa kanya para tulungan siya.

napatingin ako kay Dj , ang mokong patago palang tumatawa

nilapitan ko ulit si Dj

"Bakit ka tumatawa diyan ? " ako

"bawal ba ? " dj

"Oo dahil ikaw lang naman ang nagpaiyak kay kath " ako

nawala ang ngiti sa mukha ni Dj

Aiishh yung bibig ko talaga

"Seryosong usapan nga bakit kayo naghiwalay ? " ako

"sa tamang oras robs " sabi ni Dj tapos inilagay na ang headphones niya.

Kaasar !
kung di ko talaga to kaibigan kukutusan ko talaga to.

ipinagpatuloy nalang namin ang kasiyahan namin.

nakatulog ako sa pagod

5pm na nang magising ako

nagulat ako dahil parang pamilyar ang dinadaanan naming dagat.

parang nakadaan na ako dito.

"Dinner's Ready ! " Ms. Marie

chibugan naaaa ! hahaha

non-stop kulitan at tawanan ulit kami dahil energized na ang lahat.

Si Kath ang parang badmood pa.

Di nalang muna nilalapitan nila Quen at Paul dahil baka mas magalit pa.

meron siguro si Kath ngayon.

8 pm nang makarating kami sa destinasyon namin.

Nagulat ako ng makita ko ang malaking sign post sa isla.

"WELCOME TO THE NEW AND IMPROVED

PROVIDENT INTERNATIONAL HIGHSCHOOL "


what the fvck ?!

O_O

nandito ako ulit ?

"Sir ? ito ba yung mismong island ??? " Zoe

"Yup " sir guzman

para akong nawalan ng malay pero gising naman ako

punyeta

ayaw na ayaw ko ng bumalik dito.

"Ya okay ka lang? " Ria

napatango nalang ako kahit hindi.

hinawakan ng kapatid ko ang kamay ko.

Kahit papaanoy nawala ang kaba at takot ko.

nakikinig lang ako sa usapan nila.

di parin ako makapagsalita.

"Sir paano po ninyo naayos to diba sira na po ang ibang parts ng school ? " Kath

"Inayos ito dahil balak nilang buksan ulit ang school. Ewan ko kay Sir Tobi kung
paano siya nakipag-deal para magamit natin to exclusively " Sir Guzman
napunta ang atensyon ng lahat kay Sir Tobi

"Sir paano nyo po sila napapayag na dito tayo sa school magsho-shoot ? " Kc

parang nagulat si Sir Tobi sa tanong

teka anong problema niya?

'Uhm..Ah...I have a friend kasi na inayos na lahat as birthday gift daw para sa
akin and since magbubukas daw ulit ang school , kailangan nila ng public exposure "
Sir Tobi

"hanep insan " Ms. Marie

ano daw ?

mga sira-ulo talaga tong mga taong to.

habang papaalis kami sa yate ay may matandang babaeng lumapit sa amin.

akala ko kakilala nila pero bigla siyang nagsisisigaw sa harap namin

"Wag kayo dito ! nandito Bad man " matanda

natigil kaming lahat sa ginagawa namin.

4 years ako dito pero wala akong naaalalang matanda dito.

"Nay , di po totoo si Batman " dj


"Deej malay mo dito pala siya nagtatago . hahaha " Tyler

"Bad man bingi ! " ako

"Bingi pero gwapo naman "dj

mahangin talaga tong kaibigan kong to.

biglang may dumating na babaeng medyo matanda na rin.

anak siguro siya ng matanda.

"Pasensya na po kayo sa nanay ko " sabi nung babae tapos kinuha at inihatid ang
nanay niya sa bangkang katabi namin.

pero patuloy parin kaming sinisigawan ng matanda

"Nandito siya ! ingat kayo kay Bad man.. saktan kayo niya! " matanda

kinikilabutan ako sa sinasabi ng matanda

ang iba naman parang natatawa.

patuloy lang kaming naglakad papunta sa building

"Robs okay ka lang ? " Kath

"Oo pero ewan ko ba parang kinikilabutan ako doon sa matanda " ako
"Hala si Robbie na love at first sight sa matanda ! " James

"Gago ! " ako

nagtawanan naman ang lahat.

"Isa sa mga rules ng horror movie , Ang baliw ay parating tama " ako

"Robs kumain ka ba ? hahaha " James

"Pagdudahan mo ang lahat wag lang ang baliw dahil siya ang parating tama " Kath

nag high five kami ni Kath

horror movie savvy din pala to si Kath.

Mabuti nalang at may kasangga ako sa usapang ganito.

Pero totoo naman talaga , Maraming rules sa horror movies and one of them is always
trust the crazy one who warns you.

"Kath dont tell me naniniwala ka kay Robbie ? " Paul

"Hindi ko masasabing naniniwala talaga but thats one of the rules of a horror movie
, i cant argue with that " Kath

"Mahilig ka sa horror movies kath ? " kayla

"Yup ! " Kath

biglang may matandang lumapit sa amin lahat.


"Mga ma'am mga sir , ako po pala ang caretaker dito. Pagpasensyaan nyo po yung
matanda kanina. May sakit yun kaya pinapasyal ng anak niya dito. Ngayon lang siya
umasal ng ganun. Pasensya na talaga " Manang Luisa

"Nako manang luisa okay lang po , wag po kayong mag-alala " Ms. Marie

isa-isa na kaming umakyat sa building na tutuluyan namin.

Walang pinagbago ang lugar maliban sa bagong pintura at amoy nito.

Di ko maiwasang maalala ang takbuhan at patayan noon dito.

"Okay so its time for you to go to your own rooms. Iisa lang ang building na
gagamitin natin and that would be the dormitory. It depends na kung sino ang gusto
niyong kasama. Pwede rin kayong mag-solo flight. " Sir Guzman

"Here are your room keys " Ms. Marie

magkasama kami ni Ria sa isang room.

gusto ko kasing mabantayan ng mabuti ang kapatid ko lalong lalo nat nandito kami sa
lugar kung saan maraming masasamang nangyari.

kahit labag sa kalooban ko , wala nang urungan.

isa pa paano ako makakabalik sa siyudad kung iisa lang ang yate namin tapos di pa
ako marunong mag-drive nun.
------------------------

1:23 am na pero di parin ako makatulog

laging bumabalik sa isip ko ang mga nangyari noon.

pumunta muna ako sa terrace para magpahangin.

nakatingin lang ako sa school grounds.

naalala ko yung dati na parati kaming naglalaro diyan ng kung ano-ano

highschool na kami pero nagtu-tumbang preso kami , patintero at iba pa. Hindi kasi
kami pinapagamit ng kung ano-anong gadgets kayat kanya-kanya kaming paraan para
malibang.

parang na-iimagine kong nakikita ko sina Parker at Grey na naghaharutan.

Si Kat na nagpipinta

Si Rex na dumadamoves sa mga malalandi

Si Dixon na nagbabasa ng libro sa isang tabi at

Si Kevin na naglalakad ng napakabilis na parang may pinagtataguan.

hayyy... ang imagination ko talaga..

itutulog ko nalang to.

kung ano-ano na ang nakikita ko.

[END OF CHAPTER 20]

_____________________________________
THANKS FOR READING :)

HaliMAU out ♥

*******************************************
[24] Slaughter 21 : Take One
*******************************************
[Kathryn's POV]

October 13, 2012

---DAY ONE---

kagigising ko lang..

Super sarap ng gising ko dito !

ang sikat ng araw ay tumatama sa noo ko pagkagising ko pa lang.

ang sarap din ng simoy ng hangin , napapalibutan kasi kami ng napakaraming puno.

kasama ko si Kitty sa kwarto

ang sarap pa ng tulog nya di ko nalang ginising

morning rituals

ligo then ayos.

Fake smile ? CHECK

Hidden pain? CHECK

Bitterness? CHECK

love for him ? CHECK unfortunately

"Good Morning bebekath ! " bati ni Kitty sa akin na kagigising lang


"Good Morning bebekitty " ako

"nakahanap ka na ng signal ? " kitty

"di pa , labas muna ako kits , hanap ako ng signal " ako

"ok , be back at 8 am ha for breakfast " kitty

"yup byeee ! " ako

paglabas ko doon , pasok agad headphones....

lakad... lakad..lakad

pagliko ko sa isang corridor bigla akong nakakita ng naglalakad...

<<//33333 dub dub dub dub

Si Dj lang naman ang makakasalubong ko

todo dungo ako , kunwari concentrate ako sa pakikinig ng music.

Awwkwaaard !

nakahinga ako ng maluwag na madaanan na namin ang isat-isa.

walang pansinan.

ang sakit parin dre <<<//333


hanap lang ako ng hanap ng signal pero wala eh.

papunta na sana ako sa kitchen para magbreakfast nang biglang nakasalubong ko si


Quen.

"Uy ! hello ! " ako

hindi naman talaga ako nagalit kay Quen at Paul

inis ? Oo

pero ang nakapabadmood sa akin ay nang narinig kong sumigaw si Dj.

naguguluhan kasi ako sa kanya.

"Di ka na galit?" quen

umiling ako

"Di nyo naman sinadya diba? haha" ako

"Oo pero sorry parin. "Quen

inakbayan niya ako.

para ko na ring kuya si Quen kayat kahit papaanoy gumagaan ang sakit na
nararamdaman ko.

"Sus , ok lang yun di ko yata kayang magalit sa bestfriend ko ! " ako

"Bestfriend .. tss. " narinig kong binulong ni Quen sa sarili niya

"Huh bakit ? " ako


"Ah wala ang sabi ko gutom na ang bestfriend mo ! langya kain na tayo " quen

pagdating namin sa kitchen , kumpleto na ang lahat kayat kainan na naman.

si Paul nakausap ko na rin kayat okay na kami.

After kainan diretso agad kami sa kanya-kanyang trabaho.

una naming pinlano ang storyboard.

marami pala silang binago sa script para mas exciting daw.

agad kaming pumunta sa gymnasium para ayusin ang set.

wala kaming set designer kayat tulong-tulong kaming mag design ng gym na parang
may party.

"Kath kami na ang bahala mag-ayos sa set , ito pala ang lines mo " sabi ni Robbie
sabay abot sa akin ng script. Si Robbie kasi at Kayla ang writer

umupo ako sa isang tabi

biglang may umupo sa tabi ko.

napatingin ako , si Dj pala

aawkwaaard.

ni isa sa amin walang nagsasalita.

pakiramdam ko may nakatingin sa akin kayat napatingin ako sa paligid,


Si Kitty pala at Milo nakatingin sa amin ni Dj

nainis ako kayat padabog akong umalis sa inuupuan namin.

"Start na ! " Sir Tobi

maraming nagbago sa cast kayat si Tyler muna ang naging camera man instead of dj.

ang scene na isho-shoot namin ay yung secret Party nila sa Auditorium.

ito na , super awkward scene namin ni DJ as ate Parker and Grey.

***Shooting***

[ang scene na shino-shoot nila ay ang CHAPTER 1 ng Slaughter High]

"Slaughter High , TAKE ONE , ACTION !" Sir Tobi

bigla akong niyakap ni Dj mula sa likod ko

ang sarap ng pakiramdam na niyakap niya ulit ako

whatdafvck kath shooting lang to !!!

"Goodmornight " dj
humarap ako sa kanya with all smiles

"Parker , Wala ba akong kiss o greetings diyan ? mustang tulog ? " dj

ngumiti lang ako at hindi nagsalita

eh yan yung nasa script eh

"2 days nalang before semestral break saan ka magbabakasyon? " dj

wala parin akong lines kayat ngiti lang ako ng ngiti

"anong nangyari sayo bebekath ? " dj

O___O

bebekath ???

"CUT ! " sigaw ni Sir Tobi

"Dj , di si Kath kausap mo , si PARKER dapat yan ! " Robbie

napatingin ako sa kanila , nakangiti ang barkada.

langya ang puso ko

__________________________________

[Robbie's POV]
Humanda talaga to si Dj mamaya sa akin.

babalatan ko talaga siya nang buhay kung di siya sumagot sa mga tanong ko.

4 pm na nang matapos kami sa pag-shoot ng mga scenes.

sobrang awkward ni Dj at Kath pero saludo ako sa kanila dahil pinairal nila ang
professionalism nila.

pagod kaming lahat...

18 lang kaming nagtulong-tulong sa production.

"Ms. Marie ilan lang po ba tayo dito sa island? " James

"18 tayo plus si manong na driver ng yacht and caretaker ng island " Ms. Marie

"really ? solo talaga natin ang island ? " Kayla

"Yup " Ms. Marie

"nasaan po yung iba? " Kitty

"Hindi ko nga rin alam eh pero wag nyo nalang pansinin ,goal natin matapos tong
movie in just a week " Ms. Marie

1 week ?

sana naman matapos namin to.

sobrang pressure.

"Everyone , magpapaalam muna ako sa inyong lahat " Sir Guzman

"Ha ? san ka pupunta ? " Ms. Marie


"May papers ako na kailangang asikasuhin para sa filmfest. I'll be back tomorrow
morning " Sir Guzman

tumango nalang kaming lahat.

---------------------------------

Nag-di dinner kami ngayon sa dating cafeteria na ginawang malaking kitchen.

kain lang kami nang kain nang mapansin kaming may kulang.

"Teka nasaan si Kath ? " Paul

"Oo nga ? nasaan yun ? " Quen

si Dj halatang na curious din.

"Wag kayong mag-alala naghahanap lang yun ng signal " kitty

Ay oo nga pala

kapag pasensyoso ka , makakahanap ka talaga ng signal

masyado kasing malayo ang islang ito mula sa siyudad.

"Baka mapano yun puntahan ko muna " quen

"Quen wag na , hayaan mo muna yung mapag-isa " sabi ni Kitty tapos tumingin kay Dj

"Baka di pa yun kumakain ? " Paul


asus ang dami talagang concerned kay bebekath

complete package naman din kasi si BebeKath. Maganda , mabait , at matalino.

crush ko naman noon si Kath kaso naaalala ko si Parker sa kanya kayat pass nalang
muna ako. haha

"Kumain na si Kath kanina , yun pa ang takaw nun ! hahaha " Ria

"Hoy baka marinig kayo ni Master patay talaga kayo " James

tawanan ulit kami.

kanya-kanya lang kami ng chikahan.

"Guys kailangan pala natin ng soundtrack. sino ang maganda ang boses sa boys " Ms.
Marie

"Si DEEJAAAYY ! " sigaw ni Tyler

dali-dali namang tinakpan niDj ang bibig ni Tyler pero huli na , narinig na namin.

kumakanta pala si Dj.

"Oo si Dj ma'm " Milo

"Well then, Dj and Kath will have a duet for the soundtrack " Ms. Marie

nabuga ni Quen ang iniinom niyang tubig

samantalang kami nagulat lahat...


Loading....

Loading...

Loading...

"AYIEEEEEE ! " kaming lahat

parang nakalimutan ng lahat ang ginawa ni Dj kay Kath dahil todo kantyaw lang kami.

" ♫ Muling ibalik ang tamis ng Pag-ibig ♫ " kanta naming lahat sabay-sabay maliban
lamang kay Paul, Quen at Dj

tawa lang kami ng tawa dahil namumula na si DJ

nagpapanggap pang hindi nakikinig.

"Kaaath ! " Ms. Marie

natahimik kaming lahat.

napatingin kaming lahat dahil biglang bumasok si Kath sa back door ng kitchen.

"Hello , bat natahimik kayo ? " kath

"May evil presence kasi kaming nahagilap, ikaw lang pala " James

nakakapanibago talaga dahil noon partners sina James at Dj na mang-asar kay Kath
pero ngayon si James nalang.

'Sige awayin mo ako ! wala kang mangga ! " Kath


napatingin kaming lahat sa kamay niya.

andami niyang dalang hilaw na mangga . hahaha

"Uyy mangga ! " Kitty

"Ikaw pumitas niyan ? " Quen

"Oo naman , independent kaya ako " kath

"Paano mo Kinuha? " Sir Tobi

"hinintay ko pong matulog sir " sarcastic na sabi ni Kath

bigla naman siyang tiningnan ng masama ni Sir Tobi

"Joke lang sir ! " kath

tawang-tawa kaming lahat

"HALA KAAA !!! " panakot namin kay Kath

nag-pout lang siKath

nagsilapitan kami para tulungan si Kath na magpeel sa mangga.

lahat kasi kami mahilig sa mangga except kay Dj.

"Kath naglilihi ka ? " James

"Oy buntis si Kath ?!! " Kc


oa naman nitong si Kc

"Ngek ! ano ako na immaculate conception . haha " kath

napatingin ako kay Dj , pasulyap-sulyap siya kay Kath

akala niya siguro di ko nahahalata na parati lang siyang nakatingin kay Kath.

guguluhin ko muna si Kath ngayon. hahaha

"Kath saan mo nakuha yung mangga ? " ako

"Sa puno malamang ! " Milo

"Wow ikaw na si KATH???? " ako

*pok*

nabatukan ako ng punyeta.

di ako makaganti dahil patay ako kay Kitty.

"Kath nagtabi-tabi kaba habang kumukuha ng mangga ? " sabi ko na parang natatakot

effective naman dahil natigil si Kath sa pagdaldal at nanlaki ang mga mata.

"Hindi bakit ? " Kath

"Oh my God ! Kath kumuha ka ng asin bilis !!! bat mo ginawa yun magagalit ang
nakatira doon ! " ako

dali-dali namang kumuha ng asin si Kath


napatingin kaming lahat sa kanya

"anong gagawin ko dito ? " sabi ni Kath na takot na takot

"Ibigay mo sa akin para masarap ang mangga" Ako

O__O ----kath

^__^ -----ako

=_= ------lahat sila

biglang tumahimik si Kath.

nagtawanan naman ang lahat.

tawa lang ako nang tawa hanggang sa mapansin kong ang sama na ng tingin sa akin ni
Dj.

Parang galit si Dj sa akin.

"Bakit ? " ako

bigla siyang ngumuso

tiningnan ko kung sino ang tinuturo niya.

Si kath parang pinapahiran ang mata niya....

Oh my God ! patay ako

dali-dali akong lumapit kay Kath at inakbayan siya.


"Bebekath sorry " ako

"Robbie naman eh " sabi ni Kath habang tinatakpan ang mata niya.

naluha pala si Kath.

napatingin ang lahat sa amin habang kumakain sila ng mangga.

"HALA KA ROBBIE ! " lahat

"Biro lang , sorry bebekath " ako

Umupo naman si Kath tapos kumain na ng mangga.

"Kath ang putla mo " Ms. Marie

Hala oo nga , patay talaga ako nito

"wala to , natakot lang ako. Hahahah" Kath

_______________________________

[3RD PERSON'S POV]

Napakaingay ng lahat sa kitchen

Daig pa nila ang mga bata kung mag-asaran dahil panay ang sigawan at tawanan.

Di nila alam na may nangyayari na palang masama.


Ang caretaker na si manang Luisa ay kasalukuyang naglilinis sa kanyang sariling
bahay.

Ang bahay niya ay malayo sa skwelahan at malapit sa Gubat.

Siya lang mag-isa ang nakatira doon dahil wala na siyang pamilya.

Simula ng massacre nang nakaraang taon ay naatasan na siyang magbantay doon.

Wala na siyang matitirhan at mapagkakakitaan kayat pumayag siyang magtrabaho doon


kahit na nag-iisa lang siya.

Simula rin kasi ng massacre ay wala ng gustong tumira sa islang iyon

Biglang may kumatok sa kanyang pintuan kayat dali-dali niya itong binuksan.

"Sir okay lang po ba kayo ? ano pong maitutulong ko? Teka po gagawa po ako ng tsaa
" bati ni manang luisa sa bagong may-ari ng isla na siyang nagbigay sa kanya ng
trabaho.

Sinundan siya ng kanyang amo sa kusina.

"Wala naman. Wala ka ng maitutulong sa akin. Nagawa mo na ang gusto ko. Wala ka
nang silbi sa akin " amo

Nagulat ang matanda sa sinabi ng kanyang amo kayat dali-dali siyang humarap dito
ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari.

Bigla siyang sinaksak ng maraming beses ng kanyang amo.

Hindi na nagawang makapanglaban ng matanda.


Hindi pa nakuntento ang salarin, nang makita niyang wala na itong buhay ay
pinaglaruan niya ang lumabas na lamang loob ng matanda.

Natigil ang salarin sa kanyang ginagawa nang biglang may kumatok sa pintuan.

Hindi niya muna ito pinuntahan.

Nainip yata ang kumakatok dahil sumigaw na ito.

"Tao po , manang Luisa , ako po ito si Mr. Guzman magpapaalam po sana ako "

Agad na pumunta ang salarin sa pintuan at nagtago sa likod nito.

Dahan-dahan niya itong binuksan.

Inakala naman ni Sir Guzman na pinagbuksan na siya ng matanda kayat pumasok na


siya.

Laking gulat niya nang biglang may nagtakip ng panyo sa kanyang bibig at bigla
siyang nahilo.

Pinaamoy siya ng chloroform ng salarin upang mawalan siya ng malay at magawa niya
ang plano

Ilang oras ang lumipas , dahan-dahang nagising si Sir Guzman.

Nagising siyang hilong-hilo.

Baliktad ang kanyang paningin

Yun pala , nakabitin siya ng patiwarik.


Napatingin siya sa kanyang paligid , nasa gubat siya

Nagulat siya nang makakita siya ng isang taong nakasuot ng jacket at maskara ng
bungo.

May nakakabit itong video camera sa kanyang shoulder.

Napatawa si Sir Guzman.

"Nice one Guys , you got me. Grabe talaga yung effort nyo ha. Chloroform pa talaga.
James bat mo sinuot ang costume mo ? ingatan mo yan dahil baka madumihan yan " Sir
Guzman

Napailing-iling lang ang salarin

"Guys okay fine takot na ako , kayo na ang panalo. Kalagan nyo na ako dahil baka
masuka ako dito " Sir Guzman

Hindi parin sumasagot ang salarin

"Tobi , Marie awat na " Sir Guzman

Pero kahit anong sabihin ni sir Guzman ay hindi parin siya pinapakawalan ng
salarin.

Buong akala ni Sir Guzman na prank lang ang lahat , yun pala siya ang unang
malalagas sa production crew.

"Sorry Romeo , hindi ako si Marie , si Tobi o kung sino mang akala mo. Wag mo nang
hintayin si Juliet mo , magkita nalang kayo sa langit " salarin
"Teka hindi ikaw si Tobi ? TULONG ! TULONG ! TULONG ! " sigaw ni Sir Guzman nang
dahan-dahang lumapit sa kanya ang salarin.

"Sumigaw ka lang hanggang sa gusto mo pero walang makakarinig sayo" salarin

Biglang nagsuot ng blindfold ang salarin at kinuha ang kanyang baseball bat.

"Anong gagawin mo sa akin ? TULONG ! TULONG ! " sir guzman

"Gagawin lang naman kitang piñata " salarin

"Gusto mo ng pera ! madami ako bibigyan kita ! " sir guzman

"You always offer me money ! what the hell is wrong with all of you ?! im filthy
rich ! I even bought this fvcking island!" salarin

"What the hell do you want ?! I'll give you everthing just don't hurt me ! " sir
guzman

"what I want ?uhm , let me think..... I want to chop your head pagkatapos itutusok
ko sa isang stick ! instant lollipop , human flavor ! satisfied Romeo ? pero ang
gusto ko talaga , gawin kang piñata . Ang normal pinata , puro candy at coins ang
lumalabas pero kung ikaw ang gagawin kong piñata , siguradong dugo't laman ang
lalabas " salarin
"Baliw ka ! Baliw ! tulong! Tulong ! " Sigaw ni sir guzman habang nagpupumiglas

"hahaha. Thanks for the compliment romeo " salarin

Dahan-dahang lumapit ang salarin at nagsimulang paluin si Sir Guzman gamit ang
baseball bat habang nakabitin.

Tawa lang ng tawa ang salarin.

Si Sir Guzman naman sigaw lang ng sigaw sa sakit , wala siyang nagawa.

Todo hampas sa kanya ang salarin.

Enjoy na enjoy ito sa ginagawa na parang batang nasa isang children's party.

Parating natatamaan ng salarin ang ulo ni Sir Guzman kayat walang humpay ang
magtulo ng dugo.

Makaraan ng ilang hampas ay tumigil na ang salarin nang makaramdam siyang basang-
basa na ang kanyang mukha dahil sa pagtalsik ng dugo habang hinahampas niya si sir
Guzman.

Tinanggal ng salarin ang blindfold na kanyang suot at tiningnan ang nagawa niya.
Laking tuwa niya nang makita ang walang buhay at kalunos-lunos na sinapit ng
katawan ni Sir Guzman.

Mistulang buko na nabiak ang ulo ni Sir Guzman.

Halos di na makilala ang kanyang mukha.

Halos lumabas ang isa niyang mata

Nakalabas ang isang parte ng kanyang utak at walang humpay ang pag-agos ng dugo....

[END OF CHAPTER 21]

_________________________________________

Yow , yow , yow

Nyahahaha

Thanks for reading

VOTE / COMMENT XD

*******************************************
[25] Slaughter 22 : Hear me out
*******************************************
[ROBBIE'S POV]

As usual di na naman ako makatulog

Sobrang nakakabadtrip.

As usual tatambay nalang ulit ang gwapong lalaki sa terrace

Nyahahaha

Narinig kong pumalaot ang yate ni Sir Guzman

Gabing gabi na , bakit ngayon pa siya umalis?


"Kuya Rob tulog na " Ria

Napatingin ako sa kama niya , nagising pala siya

"Di na naman ako makatulog Ri " ako

"naiisip mo na naman ang mga nangyari noon ? " Ria

Tumango lang ako

"Sus kuya lampayatots no worries , nandito ako walang makakapanakit sayo kundi ako
lang ! " Ria

Nakakatawa lang na ang bunso kong kapatid na babae ang magsasabi sa akin ng ganyan

Dapat ako ang nagsasabi ng ganyan sa kanya

Ok fine , para sa kapatid ko di ko na ipapahalata na medyo hindi ako komportable


dito.

"Usog ka nga diyan , tabi tayo " sabi ko sabay talon sa kama niya

"Kuya naman eh ! " ria

"asus ! wag mong idahilan sa akin na malaki ka na dahil para sa akin ikaw parin
yung kapatid kong sipunin at uhugin ! " ako

Nagtawanan lang kami at natulog na.

Sanay rin kasi akong tumabi sa kanya matulog kahit na may sarili kaming kwarto.
________________________________________

[KATHRYN'S POV]

---DAY 2---

Breakfast kaming lahat pero this time wala si Sir Guzman , umalis daw kasi siya
kagabi.

"Kath your doing a duet with Dj for the soundtrack , mamaya magpunta kayo sa music
room for soundtrack " Ms. Marie

Lechugas naman oh !

Bakit siya pa ?

Bakit ako pa ?

Bakit nyo ako pinagtutulungan ?!!!

"Uyyyy" james

Sa inis ko tinapakan ko ang paa ni James dahil magkatabi lang kami.

Di tumitigil eh

"Aray !! " james

"Anong nangyari sayo? " Ms. Marie


"Nakagat ko po ang dila ko " James

Binaliwala nalang ni Ma'am ang nangyari

Alam kasi ni Ma'am na mapapa-facepalm lang siya sa sagot ni James.

"Alam ko na kung ano dapat ang kanta niyo " Tyler

"Ano ? " Sir Tobi

"♫ We are never ever ever getting back together♫ " sagot ni Tyler habang kumakanta

"Bigyan ng jacket yan ! " Paul

Nagtawanan ang lahat

Pero kami ni Dj hindi

Lord bigyan mo ako ng sapat na pasensya

Lord pigilan mo ako kung sakaling maupakan ko si Tyler

"Meron din ako " Robbie

"Ano?" tyler
"♫muling ibalik ang tamis ng pag-ibig♫" sagot ni Robbie habang kumakanta

Ano to musical??

Bwisit !

Kath think happy thoughts .. happy thoughts

Patience kath

"gasgas na yan Robs " Tyler

"♫Im trying to forget that Im addicted to you , but I want it and I need! it im
addicted to you ! now its over cant forget what you said and i never wanna do this
again , HEARTBREAKER ! ♫" James

Pakiramdam ko umuusok na ako sa galit

Hindi ako naiinis , galit na ako

Sinesenyasan ko silang tumahimik na pero tawa parin sila ng tawa

Akala nila natutuwa ako.

Si Kitty at Si Milo lang ang nakakahalata na naiinis na ako kayat pinipilit nilang
patahimikin sila pero hindi parin sila nakikinig.

"♫ I'll never get over you , getting over me ♫ " Paul
Hindi na ako nakapagpigil

Pikon na kung pikon

Bwisit na bwisit na ako dito

"Alis muna ako hanap muna ng signal " sabi ko habang padabog na umalis doon

Hindi ba nila alam kung gaano kasakit ang mga pinagdaanan ko ?

Ang bait talaga ng mga kaibigan ko

To the highest level talaga sila kung bwisitin ako.

________________________________

[Kitty's POV]

Napapansin na naming nagagalit na si Kath sa pinaggagawa ng iba.

Kung ano-ano na ang ginawa namin patigilin sila kaso di mapipigilan ang kabaliwan
ng mga to eh.

"Alis muna ako hanap muna ng signal " sabi ni Kath tapos padabog na umalis.

Halatang-halata na galit na galit na si Kath.

Natahimik kaming lahat.

Minsan lang kasi naming makita si Kath ganyan ka tindi ang galit.

Ang alaskador na sina James at Robbie ,nanahimik din.


"Tingnan niyo na ang ginawa niyo. Ano masaya na kayo ?! " sigaw ko sa kanila

Hinawakan ni Milo ang kamay ko.

Di na talaga ako nakapagpigil

Bwisit na bwisit narin ako.

"Guys alam nyo start na tayong mag-shoot para matapos to agad " Sir Tobi

"At kayo mag-sorry kayo kay Kath " sabi ni Quen habang nakaharap kay James at
Robbie

-----------------------

Pumunta na kami sa Boy's dormitory para mag-ayos sa set.

Pagdating namin doon , nauna na pala si Kath.

Nakatayo lang siya sa corridor tapos may tinitingang picture frame.

Dali-daling tumakbo sina Robbie , James , Paul at Tyler palapit kay Kath

"Sorry bunsoy ! " sigaw ni James habang niyayakap nila si Kath ng sabay-sabay

Ang cute nga din nila tingnan dahil sabay-sabay silang natumba

Tawa naman sila ng tawa lalong lalo na si Kath


"Oy bakit? Wala naman kayong kasalanan " kath

Si Kath na...

Si Kath na talaga ang best actress !

Diyos ko grabe makapagpanggap ng bestfriend ko pero alam ko deep inside nasasaktan


parin yan.

"Teka di ka galit ? " James

"hindi , bakit naman ako magagalit? Sabi ko diba maghahanap ako ng signal. Baliw
talaga kayo" kath

"Yeyyy ! " sigaw ng apat na mokong

Naniwala naman agad... hahayyy..

Diretso agad kami sa shooting.

Mabuti nalang talaga at walang scene na magkasama sina Kath at Dj kundi awkward na
naman.

Kaso hindi naiwasan ang tensyon.

Si James ang gaganap bilang Dixon kayat pinagsuot na siya ng costume kaso ang
costume na ipinasuot sa kanya ay Jacket tapos maskara ng bungo.

Mas gusto daw kasi nila Sir Tobi ang costume na ginamit ni Kevin compared sa
costume noon ni Dixon.
Di man lang iniisip ni Sir Tobi na maaalala ni Kath ang traumang dinanas niya kay
Kevin.

kaya yun , habang nagsho-shooting kami ng isang scene kung saan hinahabol si Kath
ng killer.

Biglang naghyper-ventilate si Kath

yung iyak niya naging totohanan.

umupo lang siya sa isang tabi at iyak ng iyak

naaalala niya parin yung dinanas niya kay Kevin

"Cut ! " Sigaw ni Sir Tobi

agad naming pinuntahan si Kath

nakaupo lang siya sa sahig , tinatakpan ang mukha niya na parang takot na takot.

Iyak siya ng iyak

maraming nag-comfort kay Kath at isa na doon si Dj

nakakalito talaga ang takbo ng utak ng lalakeng to

"Kathryn sorry...sorry.... " James

pinakalma muna namin si Kath at pinaupo sa isang tabi

makalipas ang isang oras ay parang kumalma na si Kath


"Guys sorry , sorry nadistorbo ko tuloy kayo , nakakahiya yung ginawa ko " Kath

"Nope wala yun, Kath sorry talaga , napakaselfish namin , yaan mo gagawan namin ng
re-writes para wala ka nang scene with the killer " Ms. Marie

pati si Sir Tobi nag-sorry din kay Kath..

pinaupo lang namin si Kath doon.

alam kasi naming mahirap yung pinagdadaanan niya.

_________________________________

[KATHRYN'S POV]

Pinaupo muna na nila ako sa isang tabi.

Hindi ko talaga napigilan yung takot ko kanina.

Bigla kong naalala ang ginawa ni Kevin habang shooting namin..

takot na takot ako pakiramdam ko nauulit na naman lahat.

nakakahiya yung breakdown ko....

habang naghahanda pa ang lahat biglang lumapit sa akin si James


"Hoy sorry na " james

natawa lang ako sa kanya

"Sus wala yun " ako

"yey ! by the way , Akin na to please! remembrance ! nahulog mo pala to kanina "
biglang itinaas ni James ang dogtag ko.

kaya pala parang may kulang sa akin , nahulog pala yan kanina habang dinadaganan
nila ako.

"Wag bigay yan sa akin ng old friend ko ! ganito nalang bibigyan ko kayo ng isa-
isang dogtag before ako aalis " ako

"Nice ! Good master ! pero master hiramin ko muna ngayon lang .. feel na feel ko
suotin eh , astig ko tingnan . please ?? " James

aaishhh.

di ko talaga matitiis tong mga ulol kong mga kaibigan.

tumango nalang ako.


si James naman agad nagpasalamat at umalis...

hayy... mamimiss ko talaga sila :((

Wala pa akong scene kayat tambay tambay muna ako.

Nakita kong nakaupo lang si Sophie sa isang tabi kasama ang props at make-up
effects niya.

Alam kong wala masyadong kaibigan si Sophie kayat nilapitan ko siya.

"Hello Soph" ako

"Hey Kath " sophie

"Okay ka lang? " Sophie

"Oo pero sobrang nahihiya ako sa ginawa ko " ako

"sus , sila ang dapat mahiya sayo dahil super selfish sila " Sophie

napangiti ako sa sinabi niya.

mabait pala si Sophie

Napatingin ako sa fake blood na dala niya.

"Wow ang dami naman niyan ? paano mo nagawa yan? " ako

"haha. Actually cornstarch lang to nilagyan ng coloring. Medyo weird ang business
namin no? " sophie

"Di , cool nga eh. Andami mong pranks na magagawa dahil dito. Haha " ako

"Oo nga eh , tingnan mo to " sabi ni Sophie tapos may inilabas siyang isang
Kutsilyong may malapad na handle.

"Fake knife? " ako

"no dear , this is not your average fake knife. Ito ang bagong pakulo sa business
namin. Feel the knife its real diba ?" sophie

Hinawakan ko ang kutsilyo , totoo nga itong kutsilyo dahil matalim

Hinawakan ko ang handle at nagulat ako dahil may button doon.

"bakit may button sa handle ? " ako

"When you push the button , umaatras ang real knife at lumalabas ang fake knife. Di
mahahalata ang fake knife tapos may lumalabas pang fake blood kayat sobrang
convincing nito " Sophie

"WOW" ako

As in wow.

Galing ng fake knife na yun , aakalain mo talagang totoo yun.

"Actually since friends na tayo sayo na yan " sophie

^________^

"Really ? THANKS !!! I love it ! " ako


"Welcome ! magagamit mo yan bilang prank sa iba . haha " sophie

After ng shooting doon , diretso agad kami sa Gymnasium

Inihanda agad ni Quen at Sophie ang fake explosion.

Ang next kasing isho-shoot ay yung explosion sa gym kung saan nagkahiwa-hiwalay daw
silang lahat na victims.

Ito yung scene na sobrang iyak daw ni Parker kayat naghanda na ako. Magagamit ko
rin bilang inspirasyon sa scene na ito yung break-up namin ng demonyo.

Manghang-mangha kaming lahat sa explosion effects nila Sophie,Quen at James.


Sobrang galing nila.

Ka-eksena ko si Milo dahil siya ang gaganap bilang Kuya Dominic

Si Dj naman ang camera man

"Slaughter High ,Take 35 , ACTION ! " Sir Tobi

"Parker , makakauwi rin tayo wag ka nang umiyak please. Nandito lang si Kuya " Milo

"Kuya..Kuya narinig naman nila yung pagsabog diba? Kuya narinig nila diba ?? "ako

Binuhos ko dito lahat ng luha ko , ang lahat ng sakit na dulot sa akin ni Dj

"Kuya si Grey ! Kuya si Grey ! " ako

Hysterical na ako

"Kuya buhay pa sila diba ? " ako


"and cut ! " Sir Tobi

Nagpalakpakan silang lahat

"Kathryn Great Job ! parang may pinaghuhugutan talaga! Joke ! " Ms. Marie

Sige mang-asar pa kayo kung ayaw niyong isali ko kayo sa pagsabog.

----------------------------------

5 pm na nang mapagdesisyunan naming lahat na break muna.

Umakyat muna ako sa isang puno para maghanap ng signal.

Mukhang siniswerte na ako at last !

"Kuya Dooom !!! " Ako

"Hoy nasaan ka? Bakit ngayon ka lang tumawag " kuya dominic

Pumayag pala si Kuya na sumali ako sa production bilang pag-aalala daw kay Ate
Parker. Nangako rin ako sa kanyang tatawagan siya oras na magsimula ang shooting
pero mailap lang talaga ang signal dito.

"Ya sorry talaga walang signal dito. Ya ewan ko ba pero napaka-uncomfortable dito ,
di ko inaakalang dito kami sa mismong school nyo magsho-shoot " ako
"Ha? Bakit kayo diyan? " kuya dom

"Ewan ko nga eh " ako

Biglang naging choppy si Kuya

"YA ?! ya?! Naririnig mo ako ? " ako

Langyang signal nato !

Bwisit

Binaba ko nalang ang phone.

Tumatambay muna ako sa itaas ng puno nang biglang may marinig akong naglalakad.

Napatingin ako , si Dj pala.

Pag minamalas ka nga naman oh.

"Kath..kath " dj

Teka tinatawag ba niya ako

O_O

Hala oo nga

"O bakit ? " ako

"nandiyan ka lang pala , pinapapunta tayo ni Ms. Marie sa music room " dj

Poker face lang si Dj


Wala na yung ngiti niya kapag kinakausap niya ako

Ang sakit parin dre <<<//333

Dahan-dahan akong bumaba sa puno.

"Ingat baka mahulog ka " dj

O_O

Nagulat ako sa sinabi niya

Oa na kung Oa pero yung tono ng boses niya sa pagkasabi nun ay kagaya noong kami
pa.

Biglang nadulas ang paa ko mula sa puno

Bagsak ako sa lupa mabuti nalang at mababaw lang.

"Bwisit ! " napasigaw ako

"Sabi sayo mag-ingat " sabi ni Dj tapos inalalayan niya akong tumayo.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko

Pero ang puso ko dumadagundong na naman.

Dali-dali akong bumitaw sa kanya at naglakad papasok ng building.

Iika-ika ako , masakit kasi ang paa ko.

"Hoy ayos lang ba ang paa mo ? " dj


Wow , ganda ng tono parang hindi kami magkakilala bwisit.

"oo " ako

Hindi ko siya nililingon

Ayaw kong sabihin niyang may feelings pa ako sa kanya.

Ang sakit talaga ng paa ko taena !

Bigla niya akong inakbayan tapos inalalayan ako sa paglalakad.

Ayaw ko nang masaktan pa niya ako kaya gumawa na ako ng paraan.

Inialis ko ang kamay niya sa balikat ko.

"Sabing okay lang ako eh ! " Sigaw ko sa kanya tapos tuloy-tuloy akong naglakad

"Sungit ! tanga mo kasi bernado " dj

Yan ,yan ang dj na gusto kong maalala

Yung inaasar lang ako parati

Ayaw ko nang alalahanin yung Dj na sinasabing mahal ako.

Fact is , I still Love Dj and it hurts so bad because he's all i ever wanted. I was
very happy when I was with him. Now I wonder if I can ever be happy again.

Nagpatuloy lang ako papunta sa music room

Samantalang si Dj nakasunod lang sa akin.


Pagdating namin doon , nagulat si Ms. Marie sa akin.

"Anong nangyari ? bat ganyan lakad mo ? " Ms. Marie

"Nadapa lang po " ako

"Tss " dj

Bwisit talaga tong si Dj

"Nasaan po yung iba? " ako

"Nag sho-shoot parin sila. Kayo muna dito , mag practice kayo para sa duet. Ito ang
Music sheets , kayo na ang bahala. Song nyo is called ALL ABOUT US by he is we
featuring Adam Young . alam nyo yan diba? " Ms. Marie

Tumango kaming dalawa.

"O siya maiwan ko na kayo. " Ms. Marie

Pagminamalas ka nga naman

Kasama ko ngayon ang ex ko na mahal na mahal ko pa

And kailangan pa naming kumanta

Awkwaard.

Pagkaalis niya umupo agad ako sa piano.


Kumuha kami ni Dj ng lyric sheet ng song...

Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy pa

Tugtog agad ako

Bahala na si DJ

[A/N : The song is on the multimedia box]

Ako : ♫Take my hand , I'll teach you to dance , I'll spin you around wont let you
fall down

Would you let me lead , you can step on my feet

Give it a try , it will be alright

ako & dj : The room's hush, hush and now's our moment

Take it in , Feel it all and hold it

Eyes on you , eyes on me

Were doing this right

*TOK TOK*

natigil kami ni Dj sa pagkanta nang biglang may kumatok sa pinto

"Hello ! " si milo pala

"Uy Bro " Dj


"Guys pwede humingi ng favor ? " sabi ni Milo tapos isinara niya yung pinto

"Ano yun ? " ako

huminga ng malalim si Milo

ano kaya ang sasabihin nito ?

"Im planning to propose to Kitty this week , pwede nyo ba akong tulungan ?" Milo

PROPOSE

aaawwwww ♥

ang swerte naman ng bestfriend ko !

tuwang tuwa ako para sa kanila kayat dali-dali kong niyakap si Milo at inalog-alog
ang shoulders nya

"Congrats !!!!!! yiheee ! ninang ako ha ! " ako

"Oa " dj

narinig ko yun

bwisit

hindi ko nalang siya pinansin dahil baka kung ano pa ang masabi ko

"After four years pa ang kasal , engage muna ! hahaha " Milo

oo nga sabi ko nga


"Wow ang swerte talaga ni Kitty sayo ! im happy for both of you. Alam kong totoong
mahal mo si Kitty at mahal ka rin niya. Sana pagbalik ko kasal na ha ? hahaha " ako

matamaan na ang dapat matamaan !

Lechugas !

"So anong plano natin? " dj

"Yan nga sana eh , wala akong idea " milo

"No worries Nido , tutulungan kita " ako

"Wag na kath guguluhin mo lang ang proposal " dj

ano daw ?

may gana pa siyang mang-asar sa akin eh malaki pa ang kasalanan niya sa akin!
bwisit

bati na tayo ?!

hindi ko nalang siya pinansin.

"Milo brainstorm nalang kaya muna tayo. Sige mauna na ako " ako

"Hoy saan ka pupunta? " Milo

"Tatawagan ko si Kuya Dom " ako


lalabas na sana ako sa music room nang biglang nakasalubong ako.

"Ayy putek ! " ako

"Ay sorry " sir tobi

si Sir Tobi pala

mabuti nalang gwapo

hindi ako masyadong natakot.

"Guys punta tayo lahat sa Kitchen dinner and Meeting ASAP " Sir Tobi

agad naman kaming sumunod.

-------------------------------------

Sa auditorium..........

"Guys , we only have 5 days left tapos hindi pa umaabot sa kalahati ang nasho-shoot
natin. We need to work hard on this. Para marami tayong magawa everyday , we need
to cut you into groups" Sir Tobi

Ahh , grabe naman ang pressure nito :((

"Crew one would be Kath , Dj , Ria , Robbie , Milo and Kitty " Ms. Marie
"Yess ! " Robbie

"Hala di ako kasama ? " James

"Kaya nga masaya ako ! hahaha " Robbie

"Robbie my loves I hate you na " sabi ni James na mala beki

"YUCKS ! kadiri ka ! bro walang talo-talo ! " Robbie

tawanan ulit lahat.

"Crew two would be Quen , james , kayla and Paul " Ms. Marie

"ngek ! di kami magkasama ni Kath " quen

"as if naman may pag-asa ka " kayla

"ang bait mo talaga " quen

tawanan kaming lahat.

grabe talaga magbangayan ang magkapatid nato . hahaha

"Hey tama na yan and Crew three would be Sophie , Zoe , KC and tyler " Ms. Marie

"Crew three , since tapos na kayo sa pag-shoot sa own roles niyo , kayo ang
bahalang mag-design sa set " Sir Tobi
tumango lang ang lahat.

nakakainis ka grupo ko si Dj

oh well , walang choice

"Kanya-kanya kayong magsho-shoot. Llibot kami parati ni Ms. Marie to supervise


you. "Sir Tobi

"Here are radios/walkie talkies para makapagcommunicate tayong lahat parati. Isa-
isa kayong lahat. If kailangan niyo ng assistance o another character from another
group just use the radio " Ms. Marie

wowww !

bongga to ah

hahaha

"Ma'am paano to gamitin ? " Kayla

"Im glad you ask... push the button , after you speak you say Over and if you heard
you say copy .. clear ? " Ms. Marie

"yup ! " kaming lahat

---------------------
after dinner Kanya-kanya na kaming groups , walang oras na sinayang

napatingin ako sa wrist watch ko

8:35 pm na

nasa monitoring rooms kami. doon kasi namin napiling mag-shoot dahil nakakatakot sa
kung sa gubat kami.

"Robs gumagana ba to lahat noon ? " tanong ni Kitty sabay turo sa mga monitors na
nakapalibot sa dingding

"Oo, diyan namin nakikita ang mga kuha ng cctv cameras. Sayang nga eh dahil nasira
na daw ang mga cctv cameras. " Robbie

"Guys start na tayo ng shoot , basahin nyo na ang napakaganda kong script " dagdag
pa ni Robbie

binasa naminang script

dafuq , scene pala naming tatlo nila Robbie at Dj

[a/n : shino-shoot nila ang mga nangyari sa Chapter 10 ng SH]

***********Shooting*************

"Slaughter University , Take one , ACTION ! " Milo


"Sino yan ? " sigaw ni Robbie nang may pwersahang tumutulak si pinto.

"For God's sake ! tumigil ka ! bwisit ka ! " sigaw ulit ni Robbie

"Guys nandiyan ba kayo ?! " sigaw ni Dj sa kabilang side ng door

"Si Grey yun diba ? " ako

alam na namin ang script kayat hinanda na namin ni Robbie ang mga sarili namin sa
susunod na mangyayari. Magiging bowling pins lang naman kami.

dali-dali kaming tumakbo ni Robbie para buksan ang pintuan habang si Dj , itutulak
niya ang pintuan.

napaatras kami ni Robbie pero na-out of balance ako kayat yung kunwaring
pagkakatumba ko , naging totoo.

nahiga ako sa sahig

putek ang sakit.

dahan-dahan akong umupo

"Kaath ! " napasigaw sila

"Cut ! " milo

"Sabi na sayong mag-ingat eh " nagulat ako dahil sinabi sa akin ni Dj tapos
tinulungan akong tumayo

speechless ako maging ang iba.


"Okay ka lang ? " dj

speechless parin kami

ewan ko kung assuming lang ba ako pero nararamdaman ko ang pag-aalala sa boses
niya.

di ko nalang siya pinansin. Sa halip ay nag-sorry ako sa director

"Sorry Milo , na-out of balance lang " ako

siyempre dapat mag-sorry sa director , yan yung turo sa amin eh.

naglakad ako palayo kay Dj

awkward na masyado eh

"Guys punta muna ako ng kitchen , inom muna ako ng tubig" ako

tumango naman sila

hindi naman talaga ako nauuhaw

gusto ko lang talagang magpahangin muna sa labas

-----------------------------

As usual nasa taas na naman ako ng puno.

ang sarap ng hangin dito ^__^


gusto ko na talagang umuwi , ilang na ilang na ako sa islang to

napatingin ako sa phone ko , uy may signal na !

dali-dali kong tinawagan si Kuya

"Chandria at last tumawag ka " kuya dom

"Ya , gusto ko nang umuwi " ako

"Sabay nalang tayo , on the way na kami d--------- " kuya dom

Dafuq ?! biglang naputol yung tawag !

walang hiyang signal oh .. tsk.tsk

pero pupunta daw dito sina kuya ? yehey ^___^

5 more minutes at babalik na ako sa loob

nakakahiya kasi sa kanila kung matatagalan akong bumalik.

"Akala ko ba iinom ka ng tubig ? "

napatingin ako sa nagsalita

Si Dj pala nasa baba

"Oo " ako

hindi ko na iniisip pa ang sinasabi ko

dali-dali na akong bumaba sa puno para makalayo sa kanya

naglalakad na ako palayo sa kanya nang bigla siyang nagsalita


"Kath sorry " dj

Kath calm down... calm down....

inilabas ko na naman ang fake smile ko at humarap sa kanya

"You dont have to apologize , na-out of balance lang ako " ako

"Im not talking about that. Im sorry Kath " dj

napakaseryoso ng mukha niya

alam ko yang mukhang yan , may problema yang dinadala

tumalikod nalang ako sa kanya at nagpatuloy sa paglakad

ayaw kong makita niyang nagsisimula na namang tumulo ang luha ko.

The damage is done Dj

sorry cant fix my heart

papasok na ako sa backdoor ng building nang makasalubong ko si Robbie

"Oy anong nangyari ? " Robbie

"Wala , napuling lang " yun lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa paglalakad.
________________________________

[ROBBIE'S POV]

nagpaalam si Dj na may kukunin muna kayat inutusan ako ni Milo na sundan siya.

Tama nga ang hinala namin , sinundan niya si Kath

hindi muna ako lumapit sa kanila dahil baka makadistorbo ako pero nang makita kong
papasok na si Kath , lumapit na ako.

umiiyak si Kath ng makasalubong ko siya

"Oy anong nangyari? " ako

"wala napuling lang " sabi ni Kath tapos umalis

hayy.. alam ko ang ibig sabihin nyan

CLICHE yan , sign yan na ayaw ni Kath pag-usapan ang nangyari

dali-dali kong hinanap si Dj

at ayun , nakita ko nasa taas siya ng puno.

"Deej bakit yun umiiyak ? " ako


nagulat si Dj sa sinabi ko at bumaba sa puno.

"Umiiyak siya ? " dj

"Oo , isang tanong , isang sagot mahal mo pa ba si Kath " ako

"Oo , mahal na mahal " walang paligoy-ligoy ang pagsagot ni Dj

"Bakit ka nakipaghiwalay sa kanya?" ako

hindi na sumagot si Dj

nakatingin parin siya sa kawalan.

"Alam mo Dj , napakasakit ng nararamdaman ngayon ni Kath. Kaibigan nyo kami kayat


napapansin namin na pareho kayong nasasaktan. Dj sumagot ka nga. parang hindi na
ikaw yung Dj na nakilala namin " ako

huminga ng malalim si Dj

"Hindi naman talaga ako si Dj eh " dj

natakot ako sa sinabi niya

ano doppelganger siya ? putek kinakabahan ako bigla

"Dj wag kang manakot ano ba ang pinagsasabi mo ? " ako

"My real name is Daniel Jarred Chua at ano ang masaklap nalaman kong kapatid ko si
Darren Chua o mas kilala niyo bilang Dixon Ormoc "dj

Dixon ?
teka ano?

"linawin mo nga ang sinasabi mo , para kang Calculus gago ka. " ako

"Noong nakaraang linggo ko lang nalaman, hindi ko totoong pangalan ang DJ Padilla.
Marami akong nalaman tungkol sa totoong pagkatao ko. Ang masaklap nalaman kong
kapatid ko yung Dixon na mamamatay tao. Alam kong magagalit ka sa akin kayat
naiintindihan ko Robs " dj

sila ni Dixon magkapatid?

ano ?

"So hiniwalayan mo si Kath dahil nalaman mong magkapatid kayo ni Dixon ? " ako

"Oo , alam kong masasaktan siya kapag nalaman niya yun kayat ako na ang gumawa ng
paraan kahit masakit " dj

punyeta talaga tong si Dixon

kahit patay na nagdadala padin ng problema

demonyo talaga ang lalaking yun.

mabuting tao si Dj alam ko yun. Hindi siya kagaya ni Dixon.

"Eh gago ka pala eh. Ano ngayon kung kapatid mo si Dixon? ikaw na ang nagsabi diba
na hindi mo alam na magkapatid pala kayo. Dugo lang pareho nyo. Akala ko naman kung
ano na " ako
nagulat si Dj sa sinabi ko.

"Teka di ka galit sa akin ? " dj

"Gago ! galit ako sa ginawa mo kay Kath . Galit ako kay Dixon. Hindi ako galit sayo
" ako

parang napahinga ng maluwag si Dj

"Salamat bro " dj

"NP ! basta ayusin mo yang sa inyo ni Kath , mahal nyo pa ang isat-isa para kayung
mga ulol diyan. Pag ako nagka lovelife ayaw ko talagang matulad sa inyo" ako

"Bro pwede bang wag mong sabihin kay Kath? " dj

"Bakit wala ka bang balak makipagbalikan sa kanya ? " ako

umiling lang siya

yung totoo takas ba sa mental ang lalaking to ?!

"Bakit na naman ?! " ako

"magagalit lang siya sa akin kapag nalaman niya ang totoo. kung hindi man siya
galit , siguradong tututol ang mga magulang niya sa akin. Ayaw kong dumating ang
araw na kailangan niyang mamili " dj

Diyosmiyo *facepalm*

daig pa niya ang teleserye

sarap kutusan !

"Dj , oo sige hindi ko ipagsasabi ang nalaman ko pero kapag nalaman kong nagpapaka-
martyr ka malalaman talaga ni Kath " sabi ko sabay pasok sa loob.

______________________________

[Kitty's POV]

kompleto na kaming Crew one.

si Kath halatang katatapos lang umiyak pero hindi naman sinasabi sa amin kung
bakit.

tinanong din namin si Robbie kung ano ang pinag-usapan nila ni Dj pero sabi niya
wala daw.

napatingin ako sa relo ko , 9:08 pm

shooting parin kami ng shooting.

Ako muna ang boom mic operator.

ako ang naghahawak ng malaking mic para marinig ang dialogue ng characters.

may suot din akong headset para masigurado kong walang hahalong unwanted sounds.

Sobrang sensitive ng mic dahil konting ingay , maririnig ko agad.


tuloy-tuloy kami sa shooting.

kahit paanoy wala kaming nagiging problema.

"Crew one over " biglang tumunog ang radyo ni Milo. Si Ms. Marie pala

"Copy" Milo

"wag kayong masyadong magpuyat , may bukas pa naman. matulog na kayo over " ms.
marie

"Copy mam over " milo

SHOOTING..SHOOTING..SHOOTING

"guys 12:58 na di pa ba tayo matutulog ? " Ria

"inaantok ka na?" Robbie

"Oo " Ria

"Sino ang inaantok na? " Milo

si Ria lang ang nag-hands up

"Ria , diyan ka nalang muna sa couch matulog , gigisingin nalang kita kapag tapos
na okay? " Robbie

ayun , pinatulog muna namin si Ria sa couch

medyo ganado pa kaming mag-shoot kayat tuloy-tuloy muna.


"Slaughter High , Take 51 , Action " Milo

"Hear me out Parker , One of usasdfghjkasdfghj " Robbie

shit !

bakit may chainsaw na sumasapaw

"cut muna " ako

natigil silang lahat at napatingin sa akin.

"Anong nangyari kits? " Milo

"May chainsaw na umaandar " sabi ko habang patuloy na pinakikinggan ang headset

"chainsaw? " sabi ni Kath tapos napadungaw sa bintana.

maging ang iba dumungaw din sa bintana para alamin kung ano ang naririnig ko.

masyadong creepy na kayat tinanggal ko na ang headset

isinuot naman agad ni Robbie

"Wala naman eh ? " sabi ni Robbie habang pinakikinggan ang headset

"Di meron " ako

"Medyo sensitive ang boom mic kayat naririnig lahat ng ingay , baka crickets lang
yun? " Robbie
"Crickets? dude its a chainsaw " ako

"Baka sina Tyler naghahanda lang ng props gamit ang chainsaw imposible namang si
Manang luisa ang gumagamit ng chainsaw , napakatanda na nun " Dj

"Guys tulog nalang kaya tayo " Milo

"oo nga , pagod na rin ako ! " ako

"Ako din " kath

"Nga pala sabi ni Sir Tobi , yang suot daw natin ngayon habang nagsho-shoot, yan
parin daw suotin natin bukas. Mas madumi , mas convincing daw na may patayan .
hahaha " ako

kumunot ang noo ni Kath

"Ngek ang baho kaya " kath

"Tiis lang tayo. Ang sagwa rin na pinapatay tayo tapos iba-iba ang suot natin.
hahah" Milo

lechugas ano kaya yung narinig ko , para talagang chainsaw.

para ngang may naririnig akong sumisigaw kaso ayaw ko silang matakot.

Baka imagination ko lang

nagsipuntahan na kami sa aming mga rooms.

bukas na muna kami magpapatuloy.

sobrang nakakapagod eh.


__________________________________

[3rd PERSON'S POV]

10:45 pm nang mapagdesisyunan ng Crew 3 na matulog.

magkasama sa isang kwarto si Zoe at si Sophie samantalang si KC ay solo-flight.

"Kc sure ka di ka doon sa amin matutulog? " Zoe

"Yup , okay lang naman , thanks zoe " kc

pagpasok ni Kc sa kanyang kwarto ay dali-dali niyang inilabas ang kanyang lighter


at sigarilyo.

naghintay muna siya ng ilang minuto para makasiguradong walang makakasunod sa


kanya.

dali-dali siyang lumabas sa building.

Smoker si Kc kayat parati siyang lumalabas para manigarilyo.

ayaw niya rin kasing malaman ng iba.

naririnig niyang may gising pa sa isang bintana kayat napag desisyunan niyang sa
gubat muna siya tutal full moon naman kayat hindi masyadong madilim doon.
Lakad siya nang lakad hanggang sa mapansin niyang medyo malayo na siya.

ayaw niyang maligaw doon kayat huminto na siya sa paglalakad tapos nagsimula nang
manigarilyo.

habang naninigarilyo ay parang may naririnig si Kc na parang may nagtatadtad ng


karne.

Sinundan niya ang tunog.

lakad siya nang lakad hanggang sa pakiramdam niyay napakalapit na niya sa tunog.

Akala niya may nagtatadtad ng karne ng baboy o anong hayop ngunit nagulat siya sa
nakita niya.

isang taong nakasuot ng maskarang bungo ay may tinatadtad gamit ang isang malaking
itak.

Ang masaklap , ang walang buhay na katawan ni Sir Guzman ang kanyang tinatadtad.

Napasigaw si KC sa takot.

nang dahil sa kanyang pagsigaw nalaman ng salarin na nakita siya ni Kc.

Agad napatakbo ang salarin para patayin si Kc

Si Kc agad ring napatakbo.


Sigaw ng sigaw si Kc pero walang nakakarinig sa kanya.

takbo lang siya nang takbo hanggang sa makakita siya ng malaking basurahan.

Dali-dali siyang pumasok doon at nagtago.

Pilit niyang tinatakpan ang bibig niya para hindi siya marinig ng salarin.

Ilang minuto ang lumipas bigla siyang nakarinig na parang may naglalakad palapit sa
kanya.

Laking gulat niya nang biglang nakarinig siya ng umaandar na chainsaw.

biglang itinusok ng salarin ang umaandar na chainsaw sa pinagtataguan ni Kc.

sigaw siya ng sigaw.

inihinto muna ng salarin ang chainsaw at binuksan ang basurahan.

Iyak ng iyak si KC nang makita siya ng salarin sa loob.

Sinuntok ng salarin ang mukha ni Kc kayat nawalan ito ng malay.

Isang oras ang lumipas nang biglang magising si Kc.

nakatali ang magkabilang kamay niya sa pader at natatakpan ng masking tape ang
kanyang bibig.

nakita niya sa kanyang harapan ang salarin na may hawak na chainsaw

iyak lang siya ng iyak.


wala na siyang magagawa

ipinaandar ng salarin ang chainsaw niya

itinapat niya ito sa left shoulder ni Kc

"MMMMhmmmasdfghjkasd " yan lang ang tanging masambit ni Kc dahil sa masking tape

pilit siyang nagmamakaawa ngunit balewala.

dahan-dahang pinadaan ng salarin ang chainsaw sa left shoulder ni Kc

napaihi si Kc sa sakit

iyak siya ng iyak , sigaw siya ng sigaw

natigil lamang siya sa pag-iyak ng maputol ng salarin ang kanyang ulo.

"Yan kasi , di mo pa sana oras kaso pakialamera ka " salarin

kahit wala ng buhay si Kc ay ipinagpatuloy parin ng salarin ang paghati-hati sa


kanyang katawan gamit ang chainsaw....

[END OF CHAPTER 22]

___________________________________
POV NA NI DJ sa next chapter :))))))))

bwhahaha :DD

THANKS FOR READING ♥

haliMAU out ♥

*******************************************
[26] Slaughter 23 : His side
*******************************************
[DJ'S POV]

hindi ako makatulog....

iniisip ko parin ang sinabi ni Robbie.

laking gulat ko dahil hindi nagalit si Robbie sa akin.

Mahal na mahal ko parin si Kath kaso ayaw ko siyang masaktan nang dahil sa akin.
Ayaw kong darating ang araw na kailangan siyang mamili sa amin ng pamilya niya.
Ayaw kong magalit sa akin nang dahil sa nalaman ko.

--------FLASHBACK--------

dinner na namin ng parents ni Kath mamaya.

sobrang kinakabahan ako. Siyempre diba , first impression lasts.

gusto ko sanang humingi ng moral support mula sa mga nyeta kong kaibigan ngunit
malayo ang tinitirhan nila eh. Saklap dre.
pero nang makilala ko ang parents ni Kath , nawala lahat ng pangangamba ko. Ang
bait kasi nila eh. Yung turingan nila parang magbarkada lang.

Madali kaming nagkasundo ng parents niya.

Parati na nga akong bumibisita sa kanila para lagi kong kasama si Kath.

malapit din kasi yung bahay namin.

Isang araw pag-uwi ko galing sa date namin ni Kath.

Naabutan ko si Detective Rossi sa bahay , parang napaka seryoso ng pinag-uusapan


nila.

"Carlos yun yung laman nung files na binigay sa akin. " Det Rossi

"Hindi pa siya patay. nararamdaman kong buhay pa ang anak kong si Darren. " daddy

teka anak ?

may kapatid ako ? kapatid ko yung si Darren ?

"Dixon died last year Carlos " det. rossi

"No , hindi ako nani---------------DJ ! kanina ka pa ba diyan ? " daddy

nakita na pala niya ako.

lumapit ako sa kanila

"Daddy totoo bang kapatid ko si Darren ? " ako


tumango lang si Daddy

"Dad all this time bakit niyo nilihim sa akin ? Dad ano pa yung mga tinatago mo ?!
How could you lie to me ?! " hindi ko napigilan ang sarili ko , nataasan ko ng
boses si Dad.

"Because I was protecting you ! " dad

nagsimulang tumulo ang luha ni Dad

ayaw kong nakikita siyang ganito pero kailangan ko nang malaman ang totoo

"Protecting me from what ? " ako

"From your brother ! From those horrible memories ! ayaw kong maalala mo lahat nang
yun ! "dad

ano ?!

hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

pinaupo ako ni Detective Rossi.

"Carlos , panahon na para malaman niya ang totoo " det. Rossi

oo gusto ko ng malaman ang lahat-lahat

litong-lito na ako

halos di ko na kilala ang sarili ko.

napabuntong hininga si Daddy


"Darren was your older brother. Isang taon lang ang tanda niya sayo. Noong mga bata
pa kayo , lagi ka niyang sinasaktan at pinapahirapan. Labas pasok ka sa hospital.
Umabot sa sukdulan ang ginawa ni Darren ng patayin niya... ang mommy mo. Muntik
niya narin akong napatay pero inisip kita kayat nagpakatatag ako. Ayaw na ayaw kong
maalala mo ang nangyari kayat inilihim ko sayo ang lahat. Nagsinungaling ako pero
para sayo yung ginawa ko " sabi ni Daddy habang naiiyak

"Ba..bakit wala akong naaalala ?" ako

"Its called Supressed Memories Dj. Ibinaon mo na ang lahat sa limot at pinalitan
ito ng ibang alaala. Bata ka pa nun kayat madali mong nakalimutan " Detective Rossi

masyadong mahirap tanggapin ang nalaman ko.

buong buhay ko ay isa palang kasinungalingan.

dali-dali akong pumasok sa kwarto ko gusto kong mapag-isa

gusto kong tawagan si Kath para gumaan ang pakiramdam ko kaso baka malaman niya ang
lahat at kamuhian niya ako.

pagkabukas dali-dali akong umalis.

Isang linggo akong nawala.

hinanap ko ang ampunan na sinasabi ni Detective Rossi.

nagpakalayo-layo muna ako.

tiniis kong hindi tawagan si Kath kahit na napakahirap.

isang araw , nahanap ko ang ampunang pinagdalhan kay Darren.

Nagkaroon pala ng sunog doon dalawang ilang buwan na ang nakakaraan. Maswerte at
isa sa mga nasalbang files ay kay Darren.
Doon sa files na yun , nalaman kong totoo ngang si Dixon ay si Darren.

hindi ko na dinouble check pa.

pagkauwi ko sa bahay agad akong nakipag-ayos kay Daddy

alam ko kasing mahirap din ang lahat sa kanya.

siya lang ang tanging kapamilya ko at ayaw kong mawala siya sa akin.

bumalik kami sa dati ni Daddy

"Puntahan mo na si Kath , alam kong miss na miss mo na yun " daddy

"Oo dad , tatapusin ko na ang lahat sa amin " ako

natahimik si Daddy

"Ba..bakit ? " daddy

matagal ko nang pinag-isipan to

alam kong masakit pero ito ang tama

"Masasaktan ko si Kath kapag nalaman niyang kapatid ko ang pumatay sa pinsan niya.
Dad nang dahil kay Dixon nasira ang buhay ni Kath. Pinatay ni Dixon ang pinsan ni
Kath " ako

"Anak mahal ka ni Kath , malay mo hindi siya magagalit " daddy

"kung hindi man siya magagalit sa akin , sigurado akong ang mga magulang at
kapamilya niya ang magagalit sa akin. Ayaw kong dumating ang araw na kailangang
mamili ni Kath between me and her family. Masakit sa akin ang pakawalan siya pero
its for her own good. Masasaktan lang siya sa akin " ako
"Sa tingin mo hindi masasaktan si Kath sa gagawin mo ? " daddy

natahimik ako.

"Anak , bilang isang ama Proud ako sa iyo dahil hindi ka selfish pero bilang IYONG
ama masasabi kong wag mong gawin yan dahil sa huli kayong dalawa ang masasaktan "
daddy

gusto kong paniwalaan si Daddy

kaso ito lang ang paraang alam.

-----------------------------

tinawagan ko si Kath para makipagkita sa kanya

nilakasan ko ang loob ko.

alam kong masasaktan ko siya pero ito yung dapat kong gawin eh.

nakipaghiwalay ako sa kanya habang nasa park kami.

hindi ko magawang humarap sa kanya dahil unti-unti akong namamatay habang nakikita
ko siyang umiiyak nang dahil sa akin.

"Sorry " bukambibig ko ang salitang yan.

pero alam ko walang silbi ang salitang yan.


hinalikan ko si Kath sa huling pagkakataon.

Nasampal niya ako.

Umiiyak siya sa harapan ko.

pilit kong pinipigilan ang luha ko.

umalis si Kath.

naiwan akong mag-isa sa bench

tuluyan akong naiyak

Mahal na mahal ko si Kath

Sigurado akong siya ang una at huling babaeng mamahalin ko.

nagpunta ako sa bar para uminom

gusto kong malimutan ang sakit na binigay ko kay Kath.

Gulat na gulat ako nang biglang may lumapit sa aking babae tapos hinalikan ako.

Hindi ko kilala yung babae.

"Gago"

napalingon ako dahil kilala ko yung boses na yun

para akong tumigil sa paghinga nang makita ko si Kath

nakita niya yung paghalik ng babae sa akin.

umiiyak siya pero nakangiti.

Gustong-gusto ko siyang yakapin pero bigla siyang tumakbo.


wala sa plano kong saktan siya ng ganun.

sa galit ko , nasampal ko yung babaeng nanghalik sa akin

agad kong sinundan si Kath

nakita kong magkayakap sila ni Paul sa loob ng kotse.

ito naman yung gusto ko diba , magkahiwalay kami ni Kath

pero napakasakit parin.

Napakasama ng ginawa ko pero yun ang dapat.

ang pinagtataka ko lang paano nalaman ni Kath nandito ako at bakit ako hinalikan ng
babae.

-----------END OF FLASHBACK---------

hindi ko namalayan , tumulo na naman ang luha ko.

hindi ko maiwasang masaktan sa tuwing naaalala ko yun.

Malaki ang pinagbago ni Kath.

Emotionless na siya sa tuwing magkaharap kami.

bumalik yung dating lungkot sa mukha niya.

yung lungkot na alam kong ako ang dahilan.

Si Kath lang ang tanging rason kung bakit ako sumali sa production.
napakasakit nang malaman kong aalis si Kath para sa states na tumira.

Gusto kong makasama siya kahit sa huling pagkakataon kayat heto ako nasa isang
isla.

Akala ko sila na ni Paul dahil magkasabay silang dumating sa yate pero sabi ni
Kitty sabay lang daw sila dahil umiiral ang katamaran ni Kath pero nagseselos
talaga ako.

Tanggap ko kung may galit sa akin ang mga kaibigan ko , may kasalanan din kasi ako.

Pero kahit kailan hindi ko niloko si Kath.

Mahal ko siya , Mahal na mahal.

___________________________________

[ROBBIE'S POV]

nasa kwarto na kami ni Ria

naghahanda na para matulog

grabe ng revelation ni Dj kanina , parang naalog ang utak ko.

biruin mo nga naman, magpinsan si Kath at Parker

tapos magkapatid si Dixon at Dj

pero mas mapapaniwalaan ko kung ang kapatid ni Dj ay si Grey

kasalukuyan akong nakatingin sa script , magsusulat na naman kasi ako.


tingin-tingin ako sa papel..

Antonio , Kevin

Antonio , James

teka bakit ngayon ko lang napansin

pareho ang apelyido ni Kevin at James ?

"Ria , magkapamilya ba sina James at Kevin ? " ako

"Ha? di ko alam " Ria

"Pareho sila ng apelyido " ako

biglang lumpit sa akin si Ria at tiningnan ang papel

"Hala oo nga no " Ria

kakausapin ko nalang si James bukas.. sa ngayon tulog muna . hahaha

teka , Si Kath pinsan sina Parker at dominic

Si Dixon kapatid ni Dj

if tama ang hinala ko , magkapatid si James kapatid si Kevin

Si Ria kapatid ko

may connection lahat?

baka praning lang ako


dali-dali akong napabangon para kumpirmahin ang hinala ko.

Kinuha ko ang papel na naglalaman ng mga pangalan naming lahat.

Milo Saragoza.....

saragoza....

hala ! BLAKE SARAGOZA ..... magkapamilya sila ???

Enrique Villar

Villar....

si Claire ! Villar ang last name ni Claire !

Kitty Torres

Miki Torres

Coincidence lang ba to ?

O may connection kaming lahat sa mga students noon ?

Diyos ko sana napapraning lang ako

Sana mali na naman ang hinala ko


Bukas na bukas aalis na kami ni Ria dito

may mali eh... may mali talaga.

__________________________

[Ms. Marie's POV]

nasa auditorium kami ngayon ng pinsan kong si Tobi.

Kasalukuyan naming inihahanda ang set doon.

11 pm na

Ang Crew 2 at Crew 3 tulog na daw samantalang ang Crew 1 patuloy lang sa shooting

"Insan , naradyohan mo na ba ang Crew 3 na pwede na silang matulog? " Tobi

hala oo nga sasabihan ko pa sila na pwede na silang matulog.

matapos kong maradyohan ang crew 1 ay patuloy kami sa kwentuhan ng pinsan kong si
Tobi

"Insan yung totoo , paano mo napapayag ang owner ng island na dito tayo magsho-
shoot ? " ako

"Ah yun , kaibigan ko kasi... basta " tobi

wow , harsh lang

ayaw yata niyang pag-usapan

"Tobi matagal din tayong nagkita , ano bang nangyari sayo sa states habang nag-
aaral ka ng film ? " ako
"Insan sa susunod nalang tayo magkwentuhan , antok na ako eh "tobi

may tinatago ba si Tobi sa akin?

alam kong muntikan na siyang magdrop-out sa New york film school dahil sa financial
issues.

hayy.. moody talaga tong si pinsan

pasalamat siya gwapo siya. haha

---------------------------------------

*Toot*toot*toot*

dahan-dahan akong bumangon

teka may nag text sa akin?

napatingin ako sa cellphone ko

From: Sir Romeo

Ms. Marie go to the garage ASAP. Just got back , need your help on something

diyos ko ! 3 AM PA !

ayaw ko pang bumangon

it sucks being an adult :(

teka may garage pala dito ???

dali-dali akong bumaba doon.


tulog pa ang lahat.

langya naman oh, ang hahanapin ko pa saan yun.

gusto ko sanang mag reply kay Romeo pero wala na naman akong masagap na signal.

sinunod ko nalang ang sinabi niya.

after ilang minutes ng paglalakad at paghahanap , at last nakarating na ako sa


garage.

Pagdating ko doon , biglang na-lock ang garage door.

Pilit ko itong binubuksan pero lock talaga.

naglakad-lakad ako sa garage tutal may kalakihan. May kotse sa harap ko.

biglang may nag flash na ilaw sa mata ko.

Ang sakit sa mata ng ilaw sa kotse

pilit kong tinatakpan ang mata ko.

"Sir Guzman , yung lights po ng car nyo ang sakit sa mata" ako

pero di parin niya pinapatay ang ilaw ng sasakyan

naman oh ! alam kong nasa loob siya !

nang-iinis talaga.

nagulat ako nang biglang umandar ang kotse at papalapit sa akin.

dali-dali akong tumakbo ngunit huli na

naramdaman ko nang nabangga na ako ng kotse

ang sakit...

biglang nagdilim ang paningin ko.


[END OF CHAPTER 23]

______________________________________

thanks for reading :)))

ang mga names po na mine-mention ni Robbie sa kanyang POV ay ang mga characters sa
SLAUGHTER HIGH :))))))

yang photo sa gilid , yan po ang itsura ng school sa island :DD

*******************************************
[27] Slaughter 24 : Over and Over Again
*******************************************
_____________________________________

[Detective Rossi's POV]

nasa Theatre Arts University ako ngayon.

kasalukuyan kaming nangangalap ng mga ebidensya para masara ang kaso.

Limang bangkay ang natagpuan dito

nakakaawa ang hirap na dinanas nila

Kevin Antonio was presumed dead dahil sa car accident kahit hindi pa nakikita ang
katawan niya.

kasalukuyan akong nasa harap ng horror house.

Literal na itong horror house dahil sa apat na bangkay na natagpuan doon.


papasok sana ako nang bigla akong makakita ng pamilyar na mukha na nagdadasal.

madre tapos may katandaan na pero nakikilala ko parin siya.

Si Sister Mendez , siya yung principal na nakulong noon dahil sa massacre.

pinakawalan siya matapos mag petisyon ang mga church leaders.

dali-dali ko siyang nilapitan.

"Magandang araw po sister " ako

"Magandang araw rin detective. Kalunos-lunos ang sinapit ng mga tao dito " Sr.
Mendez

"Oo nga po , may tanong po sana ako tungkol sa dati mong studyanteng si Dixon Ormoc
" ako

biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Sister Mendez

halatang naging malungkot siya nang mabanggit ko ang pangalan nito

"Ano yun detective ? " Sr. Mendez

"Nalaman ko po kasing kayo pala ang kumakalinga sa kanya noong bata pa siya sa
orphanage. May kinikwento po ba siya tungkol sa pamilya niya? " ako

"Wala naman. Isang mailap na bata si Dixon , minsan lang siya nagkekwento. Sa una ,
akala ko mabait siya pero lumabas ang totoong kulay niya nang dumating ang batang
si Darren " Sr. Mendrez
teka Darren ?

akala ko ba si Dixon si Darren ?

"Sino pong darren ? " ako

"Si Darren Chua , tandang-tanda ko pa ang batang yan. Pinatay niya ang sarili
niyang mga magulang. Pinilit kong kaibiganin siya pero gaya ni Dixon , sadyang
mailap din na bata " Sr. Mendrez

"Hindi sila iisa ? may nakalap po kasi akong mga papeles na nagsasaad na inampon
ang batang si Darren tapos pinangalanang si Dixon. " ako

"Hindi pinalitan ang pangalan ni Dixon. Alam kong marami akong kasalanan kasi ako
ang nagpasok kay Dixon sa skwelahan. Inakala kong magbabago siya pero sadyang
lumala pa siya dahil naging magkaibigan sila ni Darren " Sr. Mendrez

So peke yung mga papeles ?

ang totoong Darren ay malaya pa hanggang ngayon ?

"Ah sister , maiba po tayo ng usapan. Nasaan na po si Darren ? " ako

"Hindi ko na alam. Naampon si Darren ng isang mayamang pamilya at pinatira sa


amerika. " Sister Menrez

"Sino po ang umampon sa kanya ? kailangan ko pong malaman " ako


"titingnan ko sa dati kong opisina kung naroon pa ang mga papeles. Nagkasunog kasi
sa bahay ampunan kayat maliit lang ang mga nasalbang papeles . Mabuti nalang at may
sarili akong mga kopya " Sister Mendrez

"Sister may iba pa po bang nagpunta sa inyo para magtanong tungkol kay darren or
dixon ? " ako

napaisip ang madre

"Detective two months ago , bago nga pala magkaroon ng sunog ay may isa pong
lalakeng nagtanong din tungkol kay Darren at Dixon... Dati ko rin siyang studyante
noon , isa siya sa mga survivors. Pagkaalis niya po sa ampunan ay bigla pong
nagkasunog... " Sister Mendrez

survivor ?

"Si Kevin Antonio po ba ang tinutukoy niyo? " ako

"Oo sabi niya kaibigan daw kasi niya si Darren kayat gusto niyang malaman ang
nakaraan nito. Sadyang masama nga ang epekto ni Darren dahil ngayon si Kevin naman
ang pumapatay " Sister Mendez

Kaibigan ?

maaaring Kasabwat ni Kevin si Darren sa patayan na nangyari !

pero paano nagkakilala sina Kevin at Darren?

dali-dali ko siyang inihatid sa dati niyang opisina.


ipinakita niya sa akin ang papeles.

nakita ko ang adoption papers ni Darren

binago ang pangalan at Apelyido niya.

Teka ang pangalang to....

pamilyar sa akin ang pangalang to....

Tama ! nainterview ko siya sa last week !

Diyos ko magkaklase pala sila !

dali-dali kong tinawagan si Carlos

"Detective ano na ang balita ? " Carlos

"Hindi si Dixon si Darren. Nasaan si Jarred ngayon? " ako

"Ha ? anong ibig mong sabihin ? " Carlos

"Nasaan si Jarred ngayon ?! " ako

kinakabahan na ako
"Nagsho-shooting ng project nila kasama ang mga kaklase niya " Carlos

nanlamig ako sa narinig ko.

nasa panganib si jarred.

"Carlos , kaklase ni Jarred ang totoong Darren! " ako

_______________________________________

[Kathryn's POV]

---Day 3 ---

naghahanda na kami ni Kitty para mag-breakfast.

napakasaya ko para sa kanya.

Magpo-propose na si Milo , pero wala siyang kaalam-alam

Im happy for both of them sana ako rin maging masaya na.

Hanggang ngayon mahal na mahal ko parin ang demonyong si Dj eh.

"Bebekath naka tulala ka na naman diyan ? " Kitty

"Sorry may iniisip lang " ako

"wag mo ng isipin si Dj ok ? hes just a jerk who broke your heart " kitty
"Actually my heart was broken years ago , he was just a scotch tape na nagbuo ng
puso ko. Unfortunately made in china pala ang scotch tape na yun kayat heto broken
na naman ang puso ko " ako

umupo si Kitty sa kama ko at inakbayan ako.

"Mahal mo pa siya? " Kitty

"Sobra"ako

niyakap lang ako ni Kitty.

"Kits , okay lang ba kung aalis na ako dito mamaya? " ako

"ha? bakit naman ? " kitty

"darating sila kuya mamaya gusto ko na sanang sumama sa kanila pabalik. Mas lalo
lang kasi akong nasasaktan dito eh " ako

"kung yan ang gusto mo pero wag ka munang pupunta ng states ha ? hintayin mo kami
para mahatid ka namin sa airport " kitty

tumango nalang ako

nakakainis ang baho ng suot ko.


Nakasuot ako ng Blue V-neck shirt , Shorts tapos varsity jacket na kapareho sa suot
ni Ate Parker noon. Ang baho talaga ng suot ko.

"Sis may iba ka bang Blue shirt diyan ? " ako

"Sus tiis lang , pareho tayong nagtitiis sa mga suot natin. haha " kitty

------------------------------------

Sabay sabay kaming lahat na nagbreakfast kaso may kulang.

"Guys nasaan si Kc ? " ako

"baka nag-jogging lang " Zoe

"Si Insan este miss marie nakita nyo ? " Sir Tobi

"Wala rin po " Quen

"Quen , sama ka sa amin dahil may scene kayo ni Bebekath " Milo

tumango lang si Quen tapos ngumiti sa akin.

mami-miss ko talaga ang ngiti nitong bestfriend ko.

pagkatapos kumain agad na kaming nagpunta sa Bridge malapit sa gubat.


Doon kasi ang next setting namin.

Si Dj muna ang director habang si Milo ang boom mic operator

kaeksena ko si Quen.

siyempre binasa muna namin ang script.

nagulat kaming lahat sa nabasa namin except lang kay Robbie at Kayla na writers

hala may kissing scene kami ni Quen ?!

"Robs bakit may kissing scene ? My cousin never cheated on Grey"ako

"Yan nga rin ang sinabi ko kay marie. Last week kasi chineck niya yung script tapos
sabi niya masyado daw kasing kawawa ang character ni Ethan kung mamamatay ito na
hindi nakaka-score. He sacrificed himself for Parker " Robbie

napatango nalang kami.

"Slaughter High , Take one , Action" Dj

"Parker magpahinga ka muna" Quen

"salamat " ako

"Hayy miss ko na yung mga kalokohan natin noong mga bata pa tayo " quen

"Ethan Kung hindi ka sana umalis noon ,hindi mo ako mami-miss " ako
"I left philippines because I have a heart condition. Nagmigrate kami para
magpagamot" Quen

"We were bestfriends Ethan , you shouldve told me ! " ako

"Ayokong kaawaan mo parks ! I want to see you one last time thats why I came back.
I love you parker" quen

dahan-dahang naglapit ang mga mukha namin

*gulp*

dafuq may kissing scene kami ng bestfriend ko. -_-

malapit nang maglapat ang mga labi namin nang biglang

"CUTTT !! "

sigaw ni Dj habang hawak ang megaphone

napakasakit sa tenga ng ginawa niya.

"Anong problema bro ? " tanong ni Milo na kasalukuyang nakahawak sa boom mic

nakatingin kaming lahat kay Dj

"May dumaan sa likod , ewan ko kung ano yun " dj

"Bro wag ka ngang magsinungaling ang sabihin mo nagseselos ka lang " sigaw ni Quen
kay Dj

"Oy ! Oy ! Oy ! Chill lang guys ! " awat kaming lahat sa dalawa dahil parang
magsusuntukan na

"hindi nagsisinungaling si Dj nakita ko rin yon " Robbie

natigil ang dalawa dahil sa sinabi ni Robbie

_______________________________________

[DJ'S POV]

punyeta , muntikan na talaga silang maghalikan kanina

hindi ko talaga napigilan ang sarili ko.

"hindi nagsisinungaling si Dj nakita ko rin yon " Robbie

Pheww ! muntik na ako dun .

pasalamat talaga ako kay Robbie.

sinakyan ang palusot ko.

parang naniwala naman ang lahat.

Si Quen kumalma na.

Si Kath naman ang sama ng tingin sa akin.

Ito namang si Kath nakasuot pa ng shorts ! Yung mga boys tuloy pasulyap-sulyap
sarap dukutin ang mata ng mga nyeta.
"Guys mamaya na muna yang shino-shoot ninyo. Kailangan nating i shoot ang ending
dito sa auditorium ASAP over " Sir Tobi

"Agad-agad ? " Milo

"tara na nga " Kitty

habang naglalakad kami pabalik doon ay nilapitan ko si Robbie.

"Salamat " ako

"Wala yun " Robbie

"Hoy ano yang pinag-uusapan nyo ? " sabat ni Milo

"Wala " ako

"Milo may relative ka ba na Blake Saragoza? " Robbie

OP lang ako kayat nakikinig lang

"Oo , second kasin yata ewan. Di kami close , kamamatay lang niya last year..bakit?
" Milo

"Dati ko kasi siyang classmate , biktima din siya dito " Robbie

"kawawa naman yun " Milo


biglang dumating si Kitty tapos inakbayan siya ni Milo habang naglalakad.

"Kitty may kilala ka bang Miki Torres ? " Robbie

"oo anak ng pinsan ng isa pang pinsan ni Mommy " Kitty

Ano daw ?!

lalim nun

biglang natigil sa paglalakad si Robbie

"Kitty nasaan siya ngayon ? " Robbie

"Kamamatay lang niya last year binaril eh " Kitty

nanlaki ang mata ni Robbie na para bang nag-aalala

"Kasama ko si Miki dito noon " Robbie

teka may connection din sila sa ibang biktima ?

"Grabe tadhana no ? " Milo

tahimik lang si Robbie at patuloy na naglalakad.

Napatingin ako kay Kath , nagke-kwentuhan lang sila ni Quen

nami-miss ko na siya.

gusto ko siyang kausapin

gusto ko siyang yakapin


gusto kong sabihin sa kanya na ni minsan hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya.

_______________________________

[Robbie's POV]

masama na talaga ang kutob ko.

Imposibleng coincidence lang ang lahat.

hindi ito gawa ng tadhana.

pakiramdam ko tao ang may gawa nito.

Kasalukuyan kaming nag-shoshoot doon ng ending scene.

nakita kong nakaupo lang sa isang tabi si James kayat dali-dali ko siyang kinausap.

"James may tanong ako sayo " ako

"Manliligaw ka ? " James

ayy, kahit kailan bwisit talaga

sakyan ko nalang

"Bakit ? pwede ba *wink* " ako

"Gago ! hahahaha ..Teka bro yan ba yung suot mo kahapon?" james

nakakainis din kasi tong mga suot namin ! Di kami pinagbibihis kahit na napakadumi
na namin. Kahit na bagong ligo kami , kailangan parin namin suotin ang mga damit
para daw convincing movie.
"Gago bawal kami magbihis ! pasalamat ka costume sayo " ako

ay tama may tanong nga pala ako , muntik ko nang makalimutan.

"Pero james seryoso , kaano-ano mo si Kevin ? " ako

nawala ang ngiti ni James

"bakit mo natanong ? " james

"Na-curious lang ako dahil magkapareho kayo ng apelyido " ako

"Asus ngayon nyo pa napansin ang apelyido namin.hahaha "james

"James seryoso " ako

"Bro just promise me na hindi mo sasabihin sa iba " James

so totoo pala talaga

"Bakit naman? " ako

"half brothers lang kami.. Sasabihin ko sana sa inyo kaso yun nga naging killer ang
walang hiya kaya nilihim ko na . Baka kasi pagbintangan nyo akong kasabwat " James

ah.

kaya pala.

may tiwala naman ako sa mokong nato.


Tama nga ang hinala ko

Most of us are blood related sa mga kaklase ko noon

ang tanga ko bakit ngayon ko lang napansin

aalis na talaga kami dito pagdating ng yate.

Pakiramdam ko nauulit ang lahat ng nangyari noon

----------------------

4 pm nang mapagdesisyunan naming magpahinga muna.

pilit kong kinakalimutan ang takot na nararamdaman ko dahil ayaw kong mag-alala si
Ria.

hinihintay ko lang ang pagdating ng yate para makaalis na....

biglang lumapit si Kath sa akin.

"Robs darating pala sina kuya dominic " kath

"anong gagawin nila dito ? " ako

"susunduin ako , di ko na kasi kaya dito eh " kath

Yes ! may bagong paraan na ako para makaalis kami !


"Kath sasabay kami sayo ni Ria " ako

"Huh? bakit? " kath

"basta kakaiba ang pakiramdam ko dito. Anong oras daw sila dadating?" ako

"Di ko alam, basta darating daw sila " Kath

*facepalm*

gusto ko ng umalis dito ASAP.

naman oh

"Kath , Dj punta na kayo sa music room after ma-shoot ang lahat ng scenes nyo " Sir
Tobi

biglang nag-pout si Kath

"Master wag malungkot , mahal ka ni Dj " Robbie

"liars go to hell " Kath

"See you there ! " Ako XD

_________________________________

[Dj's POV]
habang nag-aayos ako sa equipments ko , aksidente kong narinig ang pinag-uuspan
nila kath.

di ako chismoso no >.<

"susunduin ako , di ko na kasi kaya dito eh" Kath

uuwi na pala siya

maaring ito na ang huling pagkakataon na magkikita kami dahil sa states na siya
mag-aaral.

saklap ng buhay !

7pm na nang mag-dinner kami

napakalayo ko mula kay Kath pero okay narin to dahil nakikita ko parin siya.

bwisit lang dahil si Quen ang katabi niya

kain lang kami ng kain nang biglang nawala ang kuryente.

napakadilim ng paligid

nyeta

"Uy anong nangyari? " Sir Tobi

"patawad pero nabulag ka , wala na ang iyong paningin" james


kahit na wala kaming naaninag , nagtawanan lang kaming lahat.

katabi ko si Robbie kayat naninibago ako dahil hindi siya tumatawa

"Robs okay ka lang? " ako

"its happening all over again " sabi ni Robbie na para bang natatakot

"Ano? " ako

"Guys paandarin ko muna ang generator " Sabi ni sir Tobi tapos tumayo

"WAG ! " sigaw ni Robbie

kahit na napakadilim , alam kong nakatingin ang lahat sa kanya.

"Huh?" Sir Tobi

biglang bumalik ang ilaw..

"Yeyyy ! " sigawan ng lahat


grabe talaga parang mga bata lang.

"Kuya okay ka lang ? " tanong ni Ria kay Robbie

kaming lahat nakatingin lang kay Robbie

napakamot sa ulo si Robbie

"Ah oo.. hehe " Robbie

"Kuya yung totoo ? " Ria

"Uhm Guys , mauuna nga pala kaming umuwi sa inyo. Hinihintay nalang namin yung yate
" Robbie

"kuya?! " Ria

"Shh... trust me on this okay ? " Robbie

tumango lang si Ria

ano bang nangyayari kay Robbie?

kahapon pa siya hindi mapakali

siguradong may kinalaman to sa mga nangyari noon.

"Ako rin pala guys aalis narin" Kath

Gusto na talaga niyang umalis :(


"Ha ? bakit naman ? " Quen

"basta " kath

basta , in other words Ako

alam kong aalis si Kath dahil ayaw na niya akong makita

"Katkat di ka pwedeng umalis ! " paul

wow katkat talaga?

nyeta

"Oo nga Sir Tobi wag mo nga yang payagan si Kath , di na yan magpapakita ulit ! "
James

"Actually pwede na silang umuwi as long as natapos nila lahat ng scenes nila" Sir
Tobi

"Bleee :P " asar ni Kath kay James at Quen

nakakatuwa talaga ang mga to.

Miss ko na yung dating asaran namin ni Kath

yung dating lambingan namin.

alam kong hindi na maibabalik yun

"awat na baka matunaw si Bebekath " Milo


magkatabi nga pala kami ni Milo

napansin niya sigurong nakatingin lang ako kay Kath

"You dont know what youve got until its gone " Milo

"That's what they say but YOU KNEW EXACTLY WHAT YOU HAD. YOU JUST THOUGHT YOU'D
NEVER LOSE IT ..... " Robbie

napatingin kami kay Robbie

kanina kasi parang anxious siya pero ngayon nagiging malalim na naman

"What ?! " Robbie

"Bipolar ka dre ? " Milo

"ewan ko bro " sabi ni Robbie na pilit tumatawa

pagkatapos kumain , diretso agad kami ng shooting.

"James , kailangan ka namin bilang killer " Milo

"Hala bro , may importante kaming isho-shoot ng Crew 2 . kailangan talaga yung
mukha ko. Iba nalang kaya , magsuosuot naman ng costume diba? " James
"O sige iba nalang " Milo

"Tyler tutal magka-height kayo ni James , ikaw muna ang killer ha ? " Milo

"Sure ! " Tyler

"Sige guys mauna na kami " Kayla

Sama-sama kaming magsho-shoot ng crew one at crew three samantalang ang crew two na
kinabibilangan nila Paul , Quen , James at Kayla ay pupunta sa gubat para mag-shoot
ng kanilang mga scenes

____________________________________

[3rd PERSON'S POV]

9 pm na nang matapos maset-up ng crew 2 ang lahat ng kailangan para sa shoot.

"Start na tayo guys " Paul

"Kayla ikaw muna director " Quen

tumango lang si Kayla sinunod ang sinabi ng kapatid...


"Slaughter High , Take one , ACTION ! " kayla

"Dixon bakit mo ginagawa to ? " quen

"you alasdfghhasdfghj " James

napaubo silang lahat...

may lumalabas na usok mula sa kanilang likuran....

Bago sila tuluyang mawalan ng malay ay bigla silang nakakita ng isang taong
nakasuot ng gas mask...

plakda silang apat sa lupa.

pawang walang malay dahil sa nalanghap na usok..

[END OF CHAPTER 24]

______________________________________

Confirmed , Hindi po talaga magkapatid si Dj at Dixon.

Ang totoong Darren po ay kaklase ni Dj.


Minanipula ni Kevin ang papeles kayat akala ng lahat si Dj talaga at si Dixon ang
magkapatid...

Ito namang si Dj at detective Rossi , ang bilis naniwala . hahaha xD

Thanks for reading :))

Vote and comment :))

HaliMau Out ♥

*******************************************
[28] Slaughter 25 : Lights , Camera , Slaughter !
*******************************************
BADTRIP ako ngayon ! :(((

na ELIMINATE ang bet ko sa The Voice na si MACKENZIE BOURG . huhuhuhuhu....

Ceelo Green langya ka ! ... huhuhuhuhu..

wala na ang aking mylabssss ... :((

[sharelangsss. hahaha ]

O siya mamaya na ako dadaldal , hahahha

ENJOY CHAPTER 25 :))

__________________________________

[DJ's POV]

Nasa gymnasium kaming lahat ngayon.

Kami ng Crew 1 at Crew 3 ang magkasama.


"Guys nakita nyo ba si Kc ngayong araw? " Zoe

"wala " kaming lahat

lumapit ako sa isang malaking table , nandun lahat ng props na gagamitin.

Fake knife , real knife , fake blood etc..etc

pinaghandaan talaga ang lahat.

napatingin ako sa relo ko

9 pm na pala

"Dj ! "

bigla akong tinawag ni Sir Tobi at pinalapit ako sa kanya.

magkasama sila ni Kath kayat dali-dali akong lumapit.

"After ng scenes ninyo , diretso na kayo sa music room kailangan nyo ng mag-record
" Sir Tobi

umalis si Sir Tobi para i check ang set kayat naiwan kaming magkatabi ni Kath.

Tahimik lang kaming dalawa.

Pero kahit hindi kami magkausap , kahit paanoy magaan ang pakiramdam ko dahil
kasama ko siya.

hindi ako nakatiis at napatingin ako sa kanya

parang natatakot siya...


napatingin ako kung saan siya nakatingin...

Si Tyler pala nakasuot na siya ng costume na Jacket tapos maskarang bungo.

Naaalala na naman ni Kath yung tangka sa kanyang pagpatay ni Kevin.

"Ehem " ako

wala paring effect...

hinawakan ko ang kamay niya.

napatingin siya sa akin...

"Wala na si Kevin okay ? hindi ka na niya masasaktan pa " ako

ilang segundo din kaming nagtitigan...

bigla niyang binitawan ang kamay ko.

halatang nagulat siya sa ginawa ko.

tumayo ako at nilapitan si Milo na kasalukuyang director sa shoot.

"Bro anong scene ang gagawin ngayon ? " ako

"Uhm Alternate death scene ni Zoe as Abigail , Library scene ni Kath kasama ang
killer and gapang scenes " Milo
"Bro pwede bukas nalang yang kay Kath , pinapapunta na kasi kami ni Sir Tobi sa
music room " ako

napatingin sa akin ng seryoso si Milo

ako naman , paawa face

huminga ng malalim si Milo

"Okay fine but mamaya bumalik kayo dito , para matapos na natin okay ? " Milo

"Yes boss ! " ako

aalis na sana ako nang biglang nagsalita si Milo

"And dj dont do anything stupid. Ayusin ang dapat ayusin " Milo

tumango lang ako

at umalis na

gustong-gusto kong makipagbalikan kay Kath kaso alam ko mas masasaktan lang kami
kung gagawin ko yun. Kailangan kong panindigan ang desisyon ko dahil its for both
of us.

lumapit ako kay Kath

nakatingin lang siya sa kawalan....

"Kath punta na daw tayo sa music room " ako


"Huh ? may scenes pa ako " Kath

"mamaya nalang daw , kailangan na nating mag record" ako

magkasabay kaming naglakad papunta sa music room

tahimik lang kami habang naglalakad.

hindi masyadong kalayuan ang music room mula sa gym kayat hindi kami natagalan.

pagdating namin doon dumiretso agad si Kath sa piano

nagsimula siyang tumugtog....

"Kath okay lang ba if mag-gitara ako ? " ako

"Yup , good idea deej " kath

pokerface lang si Kath

galit pala talaga siya sa akin

kukunin ko na sana ang gitara na nakalagay sa stand nang bigla kong naalala na
naiwan ko pala ang recording equipment...

Tanga ko talaga

"Kath , naiwan ko ang recording equipment , kunin ko muna " ako


tumango lang si Kath tapos nagpatuloy sa pagbabasa sa music sheet

ouch , wapakels na talaga siya sa akin...

lakad...lakad..lakad...

pagdating ko sa gymnasium wala lahat doon

nakarinig ako ng ingay

nandoon pala sila sa katabing classroom , abala ang lahat sa pagshoot ng death
scene ni Zoe as abigail

mukhasim ang mukha ng lahat...

"Bakit ganyan ang mukha niyo ? " bulong ko Robbie na nagpipigil tumawa

"tingnan mo si Zoe " robbie

napatingin ako kay Zoe

pigil din ako sa pagtawa

si Zoe kasi napaka-eksaherada niyang mag-acting na pinapatay...

napaka-awkward tuloy tingnan

sigaw siya nang sigaw


"Huwag nasusugatan na ako... masakit ! .. tumutulo na ang dugo " Zoe

hahahaha...

"Cut ! " milo

uulitin na naman nila...

kawawa. hahaha

nagpaalam na ako sa kanila at bumalik na sa music room dala ang equipment..

pagdating ko , agad na kaming nag-start

the whole time , nakatingin lang ako sa kanya

miss na miss ko na siya

she's so close but yet so far

Kaya ko ba talagang panindigan ang desisyon kong layuan siya?

gustong-gusto kong makipagbalikan sa kanya

but I will be really selfish kung gagawin ko yun....

"Hoy ! "
nagulat kaming dalawa at napatingin sa pintuan....

si Robbie pala at si Milo

"Gago manggulat ba ? " kath

natawa lang ako

ang cute talaga ni Kath kapag naiinis

"Kath , dumating na pala ang yate baka nandoon na sila dominic. kunin mo na ang
maleta mo " Robbie

aalis na pala siya.....

baka huling beses na namin tong magkasama

"O sige kunin ko muna ang mga gamit ko. Ready na kayo robs ? " kath

"Oo kanina pa yung maleta namin sa gym. haha " Robbie

"Di ka naman excited umalis no ? " Milo

umalis na si Kath papunta sa dorm

nagtinginan lang kami nila Robbie at Milo


"ano pang tinatayo mo diyan ? Sundan mo na ! " Robbie

ewan ko ba pero hindi ko na napigilan ang sarili ko

sinundan ko si Kath

pero bago pa man ako makalabas , kinausap ako ni Milo

"Dj , gawin mo na ang dapat mong gawin before its too late. Bumalik ka dito
pagkatapos dahil may pag-uusapan tayo " Milo

tumango lang ako at sinundan si Kath sa kwarto niya.

papasok na siya sa kwarto niya nang bigla ko siyang yakapin mula sa likuran niya.

halatang nagulat siya sa ginawa ko dahil hindi siya nakagalaw..

niyakap ko lang siya nang napakahigpit.

ibinaon ko ang ulo ko sa likod ng ulo niya.

pilit siyang bumibitaw pero hinigpitan ko lang ang yakap ko sa kanya.


"Dj ano na naman to ? " Kath

naririnig kong umiiyak na si Kath.

maging ako parang naiiyak na

"Just 10 seconds kath... 10 seconds " ako

10

3
2

Bumitaw na ako sa kanya at agad na umalis.....

hindi ako lumilingon

patuloy lang akong naglakad palayo sa kanya

tuluyan ng bumuhos ang luha ko

Patawarin mo ako kath , Mahal na mahal kita

Sinunod ko ang sinabi ni Milo

pumunta ako sa music room

si Milo lang ang naroon naka-upo lang siya

ilang minuto din kaming tahimik lang


"Umiiyak ka? " Milo

obvious ba ?

di ko na siya sinagot

"So hindi mo nga inayos? " Milo

di parin ako sumagot

"Magkaliwanagan tayo Dj , alam ko , alam naming lahat na mahal na mahal mo siya.


Deej mahal na mahal ka rin ni Kath bakit ka nagkakaganyan ? " Milo

di parin ako sumasagot...

"Okay fine , wag mong sabihin " Milo

aalis na sana si Milo

pero nagsalita nalang ako...

"Kapatid ko si Dixon ! Kapatid ko yung taong sumira ng buhay niya at ng pamilya


nila... hindi ko alam kung mapapatawad niya ako " ako

hindi makapaniwala si Milo sa sinasabi ko


"What ? diba only child ka lang ? " Milo

heto na naman

"Bago ko lang nalaman na may kapatid pala ako... Everything about me was a lie ,
Even my name is a lie ! " ako

"Dj walang pakialam si Kath kahit magkapatid kayo ni Dixon ! iba si Kath.. Mahal ka
niya" Milo

"Maaring oo , Maaring hindi pero sa huli , aabot din kami sa ganyang problema...
Siguradong aayaw ang pamilya ni Kath. ayaw kong mamili siya kayat tinapos ko na ang
lahat " ako

"Mahal mo si Kath? " Milo

"Tinatanong pa ba yun ? Oo mahal ko si Kath... Una palang minahal ko siya.. mahal


na mahal ko si Kath kayat tinapos ko na ang relasyon namin dahil ayaw ko siyang
masaktan ! Alam kong hindi niya ako matatanggap " ako

biglang siyang natahimik

nanlaki ang mga mata ni Milo


"K...Kath ... " Milo

napatingin ako sa tinitingnan ni Milo...

Nasa likod ko pala si Kath...

Umiiyak siya...

tinatakpan niya ang bibig niya...

nagulat ako sa nangyari

narinig ni Kath ang usapan namin...

"Kath " ako


tumingin sa akin si Kath at agad na tumakbo

hinabol ko siya...

kami lang pala ang nandoon....

agad kong nahawakan ang siko niya....

iniharap ko siya sa akin..

"Kath sorry ..." ako

iyak parin ng iyak si Kath

"Sorry? Dj sinabi ko sayo mahal kita ! pag sinabi ko sayong mahal kita , MAHAL KITA
! *sniff* so what kung kapatid mo si Dixon ??? " Kath

"Kath sorry " ako

yan lang ang tanging nasabi ko

gulat parin ako sa sinabi niya

"Sinabi ko sayo diba Mahal kita maging sino ka man? Deej MAGING SINO KA MAN !
mahirap bang intindihin yun ? Wala ka bang tiwala sa akin? Dj ang sakit ! masakit
sa akin na hindi mo man lang ako pinagkatiwalaan ? " Kath

iyak lang kami ng iyak...

hinawakan ko ang kamay niya pero umatras lang siya....

"Kath.. mahal kita.. akala ko.. akala ko...--------" Ako

"Akala mo magagalit ako sayo? maiintindihan ko yun.. kahit na mahirap iintindihin


ko... Dj i almost committed suicide again.. I cried for weeks... I was suffering
alot... Mahal na mahal kita Deej " Kath

gusto ko siyang patahanin

sobrang masakit sa akin na makita siyang nasasaktan lalong lalo nat alam kong ako
ang may kasalanan...

aalis na sana siya kayat hinawakan ko ang kamay niya...

"Kath..." ako

"its hard trying not love someone like you. Eventhough it hurts so much , I still
think about you every second of everyday " Kath

"Kathryn.. Hindi rin madali sa akin ang ginawa ko... Napakasakit sa akin na hindi
ka lapitan , hindi makausap o matawagan man lang. Mahal na mahal kita... Miss na
miss kita..Pinipilit kong gawin ang tama pero hindi ko maialis na mahal na mahal na
mahal kita higit pa sa buhay ko " Dj

"Deej masakit parin... I need some space.. gusto ko munang mapag-isa , gusto kong
makapag-isip! masyadong masakit.. Just give me some time.... " Kath

binitiwan ko siya..

agad naman siyang tumakbo palayo....

Kath sorry.....

napaupo lang ako sa sahig at umiyak...

biglang umupo si Milo sa tabi ko

"Bro sorry " Milo

"Wala kang kasalanan... " ako

hindi naman ako galit kay Milo

baka tadhana lang talaga na malaman yun ni Kath

"Bro be selfish for once , Mahal mo siya diba ? Mahal mo siya kaya ipaglaban mo.
Patunayan mo sa kanya na iba ka sa kapatid mo. Patunayan mo sa pamilya niya yun.
Prove them that you love kath no matter what... Sa ganyang paraan napakalaki na ng
kaibahan mo sa kapatid mo. Mahal ka ni Kath , just believe her " Milo

napaisip ako sa sinabi ni Milo

tama si Milo

Sobrang tanga ko dahil ngayon ko pa narealize....

TANGA AKO ! PUNYETA !

pero hindi pa huli ang lahat, nandito pa si Kath

dali-dali kong niyakap si Milo

"Punyeta ! salamat bro " ako

agad akong tumakbo at hinanap si Kath

aayusin ko na talaga ang lahat na dapat ayusin...

ang tanga ko lang talaga.....

__________________________________

[3rd PERSON'S POV]

kababalik lang ni Robbie sa Classroom kung saan nagsho-shooting ang mga kasamahan
nila.

nakasalubong niya si Tyler

"Bro anong masasabi mo sa get-up ko , cool no ? " Tyler


"Bro si Junior halatang-halata ! " Robbie

agad na tinakpan ni Tyler si Junior.

hiyang-hiya si Tyler nang marealize niya na totoo ang sinabi ni Robbie.

Si Robbie naman , tawa lang ng tawa.

"Gago ka wag mo akong pagtawanan , nakakahiya kaya " tyler

"Bakit ka ba kasi naka-suot ng tights ? Magbihis ka doon ! magpantalon ka ! ang


laswa . hahaha " Robbie

agad umalis si Tyler at pumunta sa kanyang kwarto.

nang makabihis na siya, agad siyang lumabas sa kanyang kwarto .

laking gulat niya sa pagbukas ng pinto dahil biglang may tumambad sa kanyang isang
taong nakasuot ng jacket at maskara ng bungo...

magkaparehong-magkapareho sila ng suot ng salarin.

ni hindi nga makikilala kung saan sa kanila si Tyler.

"Gago , tinakot mo ako dun James " Tyler


hindi kumibo ang salarin..

magkaharap lang sila..

"Dude para lang akong nakaharap sa salamin... Gayahin mo ang gagawin ko ha ? " Sabi
ni Tyler sabay pogi pose ngunit hindi siya ginaya ng salarin

"Bro naman ang Kj mo punyemas oh ! tabi nga dadaan ako " Tyler

umiling-iling ang salarin at hinarangan ang dadaanan ni Tyler

"James naman grabe na talaga ang tama mo sa rugby . hahaha ..Gayahin mo ako ha para
cool tingnan ... " Tyler

umakto si Tyler na susuntukin ang salarin kayat ginaya rin siya ng salarin.

akmang kunwaring susuntikin na ni Tyler ang mukha ng salarin nang bigla siya nitong
inunahan....

napakalakas ng suntok ng salarin kayat agad na nawalan ng malay si Tyler...

matapos maitago ang katawan ni Tyler ay agad na pumunta ang salarin sa classroom
kung saan nagsho-shooting ang iba....

__________________________________

[Robbie's POV]
ako muna ang naatasan maging director dahil kinakausap pa ni Milo ang dakilang
loverboy namin.

Gusto ko nang mag-umpisa para maka-uwi na kami..

handang-handa na kaming umuwi..

pinagbigyan ko lang talaga si Milo na maging replacement niya for 30 minutes...

excited na akong umuwi dahil nakita ko na dumating na ang yate pero bakit kaya
hindi pa kami pinupuntahan ni Kat at Dominic??

"Ang tagal naman ni Tyler ! " Kitty

diyos ko grabe naman yun magbihis.

Bakit ba kasi siya nag-tights ? hahaha

loko-loko talaga yung lalaking yun..

"Ayan na pala eh " Sophie

napatingin kaming lahat sa pinto , hay at last dumating na si Tyler.

Bilib din ako kay Tyler , kahit break hindi talaga niya hinuhubad ang maskara niya.

"Ito yung fake knife oh " sabi ni Sophie kay Tyler sabay abot ng kutsilyo

si Tyler naman choosy pa , lumapit pa talaga sa table para mamili ng kutsilyo


"Tyler wag ka magiging pihikan! Baka totoong kutsilyo ang makuha mo " sigaw ko sa
kanya.

tumango lang si Tyler.

nilapitan ko si Zoe

"Zoe sundin mo lang yung script ha ? wag mag-aadlib... isipin mong huling araw mo
na to.. iimagine mo na bawat saksak totoo. umiyak ka sumigaw ka.. feel the pain...
" ako

"Bwisit ang Oa mo pero okay i'll do my best " Zoe

aaishhh.. Oa daw

panira ng moment

punyemas

"O sige na ! sige na ! SET-UP ! " ako

umayos naman silang lahat

ang sarap ng feeling...

LIKE A BOSS XD hahaha


biglang dumating si Kath na pulang-pula ang mata pero nakangiti.

"Robs , una na ako sa yate " Kath

"Hoy aalis ka na ? " Kitty

"Mamaya , sa yate muna ako " Kath

"Ok, wag umalis ha ? " Kitty

"Yes boss " Kath

"Slaughter High , Take one , All rights reserved 2012 directed--------------" hindi
ko na natapos ang sasabihin ko dahil may sumingit .. tss

"FEEL NA FEEL ?!!! " Kitty

"Aiisshh... walang basagan ng trip.. moment ko to " ako

tss.
nakakainis

panira ng moment...

"Slaughter High , Take one , ACTION ! " ako

ayun nagsimula na ....

nagsimula na ang kalbaryo ng aming mga mata...

Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot ang scene o ang acting ni Zoe..

gustong-gusto kong agawin mula kay Tyler ang kutsilyo para ako na mismo ang
sumaksak kay Zoe. nakakainis , hindi nakikinig sa directions , sinasabihan pa akong
Oa eh siya naman pala ang Oa.. nyeta..

palapit na sa kanya ang salarin

bigla siyang ginilitan ng leeg....


WOW AS IN WOW !

bilib na bilib kaming lahat...

gumana ang words of wisdom ko kay Zoe

ang galing-galing niyang umarte

kung wala lang talaga sa script to sasabihin ko talagang totoo na ang nangyayari..

Walang humpay ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang leeg.

pilit niyang hinahawakan ang kanyang leeg para pigilan ang paglabas ng dugo..

kitang-kita sa mga mata niya ang sakit at takot..

bilib na bilib din ako kay Sophie, galing niya sa special effects convincing
masyado !

napatingin ako kay Sophie , nakatayo lang siya at nakatulala

proud na proud siguro siya sa gawa niya...

masyado talagang convincing eh...

Si Tyler parang nagpapasikat kayat patuloy niyang pinagsasaksak si Zoe...

Si Zoe naman parang may gustong sabihin ngunit hindi makapagsalita.

Galing pala ng babaeng to umarte kapag under pressure...

Gumapang pa siya palapit sa amin kayat mas bumilib kami..

ilang segundo lang ay tuluyan nang huminto si Zoe sa paggalaw at pumikit..

Patay na ! yehey !
"And Cut ! " ako

nagpalakpakan kaming lahat..

sinong mag-aakalang ang galing pala ng kinalabasan...Tiyaga lang talaga ang


kailangan..

standing ovation ang natanggap nila..

mga dalawang oras kaya kaming nagpaulit-ulit kaya ayan , masayang-masaya kami.

"Guys nasaan si Kath ?! " biglang dumating si Dj na parang katatapos lang umiyak
kayat napatingin kaming lahat.

" Nasa yate ! bilis ! " ako

"UYYY ! " sigawan naming lahat

dali-daling tumakbo si Dj papunta sa tinuro namin...

napatingin ako sa harapan , wow ha si Tyler nakatayo lang sa harapan namin habang
full costume pa. Si Zoe naman nakahiga pa sa sahig..

bilib na ako sa kanila!

100% ang dedication !


"Hoy Zoe , over na yan ha " Kitty

napatingin ako kay Sophie , nakatayo parin siya at parang takot na takot.

tatanungin ko sana siya nang biglang.......

*****BOOOOOOOOOOOOOOOOOM !*****

SOBRANG LAKAS NG PAGSABOG !

gulat na gulat kaming lahat

"ano yun ?! " Ria


dali-dali kaming nagsitakbuhan palabas

gulat na gulat kami sa naabutan namin...

"Oh my God ! " sigaw ni Kitty na napaluha

_________________________________

[DJ'S POV]

huminga ako ng malalim.

Kailangan kong kumalma kung makikipag-ayos na ako kay Kath..

nang maayos ko na ang sarili ko , dali-dali akong tumakbo at hinanap si Kath..

Sisiguraduhin kong ito na ang huling araw na iiyak siya ng dahil sa akin. I will do
everything just to make-up for the pain that I caused her.

Kahit na isang taon akong humingi ng tawad o manligaw sa kanya , gagawin ko yun
para lang maging akin siya ulit. I love her so much and i will never let go of her
ever again.

takbo ako nang takbo hanggang sa naalala ko na nagsho-shoot pala ang iba sa isang
room kayat agad akong pumunta doon.
Pagdating ko doon , kasalukuyan nilang pinapalakpakan sina Zoe

wow ang bilis ng improvement ah.

"Guys nasaan si Kath ? " sabat ko sa kanila

"Nasa yate ! Bilis ! " Robbie

dali-dali akong tumakbo doon...

nakangiti ako habang tumatakbo , excited na akong mayakap ulit ang baby ko.

tumigil ako dahil may naaninag akong naglakad palapit ng yate...

hindi ko maaninag kung sino yun pero sadyang ako si Dakilang assuming.

[Play the song on the multimedia box , UNTITLED by SIMPLE PLAN]


"Kaaaath ! " tawag ko sa kanya , hindi ko maiwasang mapangiti habang sinisigaw ang
pangalan niya

*****BOOOOOOOOOOOOOOOOOM !*****

napaupo ako sa lakas ng pagsabog

sumabog ang yate ....

Hindi....

hindi ito maaring mangyari !


hindi siya pwedeng mawala !

"Kaaaaaath !!! Kaaath !!! " sigaw ako ng sigaw

unti-unting bumuhos ang luha ko

tumakbo ako palapit sa yateng sirang-sira at umuusok...

"Kaaath ! "

hindi hindi pwedeng mawala si Kath sa akin....

pupunta sana ako doon kaso pinigilan ako ni Milo

"Dj wag ! " Milo

pilit akong nagpupumiglas

"Kaaathryn ! Kathryn ! baby lumabas ka diyan ! KATHRYN ?!!!!!!!! " sigaw lang ako
nang sigaw
bigla akong nakaramdam na may iba pang nakahawak sa akin..

"Bitiwan nyo ako , kailangan ako ni Kath ! " sigaw ko

tuluyan na akong nawalan ng lakas at napaluhod

pakiramdam ko tinatakasan na ako ng katinuan ko

"Kathryn ?!!!! " ako

maging ang iba sigaw narin ng sigaw

Hindi pwedeng mawala sa akin si Kath

magso-sorry pa ako sa kanya...

magkakabalikan pa kami !

babawi pa ako sa kasalanan ko

"Dj kalma na please ! dj ! " Milo


"Hindi ! Buhay pa si Kath ! KATH ?!!?! sagutin mo ako ! KATH !!! " ako

[END OF CHAPTER 25]

_______________________________________

Pabitin muna ... HAHAHHAHA

may-umiyak ba ?

hindi ako marunong magpa-iyak... hahaha

GUYS , PLEASE VOTE AND COMMENT YOUR REACTIONS

PUHLEESHHH :)))) hahahaha LOVE YOU GUYS! ♥

*******************************************
[29] Slaughter 26 : Nothing is Coincidental
*******************************************
GUYS , once again gusto kong magpasalamat sa inyong lahat..

For the first time , nakita ko sa WHAT'S HOT ang Slaughter University.

Big deal yun para sa newbie na gaya ko kayat THANK YOU VERY VERY MUCH

youre the best guys ! :))))))

GUSTO KO LANG PONG LINAWIN ULIT :


SLAUGHTER UNIVERSITY IS INSPIRED BY HARPER'S ISLAND AND SCREAM

________________________________

[Robbie's POV]

diyos ko

tama nga ang hinala ko

nauulit ang lahat ng nangyari noon...

"Kuya si Kath diba nandoon siya ! Oh my God ! " iyak ni Ria

"Hindi ! Buhay pa si Kath ! KATH ?!!?! sumagot ka KATH !!! " sigaw ng sigaw si Dj
habang umiiyak at nakaluhod

awang-awa kaming lahat sa kanila

iyak lang siya ng iyak at sigaw ng sigaw

nagwawala si Dj

pilit namin siyang pinipigilang lumapit sa nasunog na yate dahil baka muli itong
sumabog.
napalingon ako , ang iba iyak na din ng iyak

kaibigan din namin si Kath kayat nasasaktan din kami pero ewan ko ba pero hindi
ako kinakabahan para kay Kath...

"Kathryn ?!!! KATHRYN ! no no no please baby sumagot ka ! " dj

"Kath !!! no no no" sumisigaw nadin si kitty

"hindi siya pwedeng mawala , babalikan ko pa siya ! babawi pa ako ! Bitiwan nyo ako
! buhay pa siya ! " walang humpay si Dj sa pagwawala

wait ....

last year there was an explosion pero walang namatay sa amin except sa mga guards.

Hindi namatay si Kath sa kamay ni Kevin


malaki ang posibilidad na buhay pa si Kath

there's a big posibility that Kath is the final girl

"Guys we need to Get inside now ! " ako

-----------------------

"Ahhhhh ! " Kitty

nagulat kami sa naabutan namin , naliligo si Zoe sa sarili niyang dugo

wala na siyang buhay

agad na tinakpan ni Milo ang mata ni Kitty

agad ko ring niyakap ang kapatid ko.

nilapitan ni Dj si Zoe at pinulsuhan

wala na talaga

agad tinakpan ni Dj ng tela ang katawan ni Zoe


totohanan na pala yung shooting kanina

diyos ko ang laki ng kasalanan namin sa kanya

hindi man lang namin siya natulungan

"S...sinong may gawa nito ? " Dj

"Ang mismong nagpasabog sa yate ! Ayaw niya tayong paalisin dahil iisa-isahin niya
tayo " Ako

"Sino??" Milo

"Si Kevin.... " ako

"Kuya patay na si Kevin , ano nagmumulto siya ? " Ria

"No , Yung mga nangyari sa university , It was just a false ending. Kevin's body
was never found maaaring sinundan niya tayo dito o siya mismo ang nauna sa atin
dito. One of the rules in a horror movie , Villains wont die easily " ako

niyakap ko ng mahigpit ang kapatid ko dahil alam kong takot na takot na siya

"Ria , dont be scared nandito lang si kuya... di kita pababayaan " ako

natahimik kaming lahat nang bigla kaming nakarinig na parang may tumatakbo palapit
sa kinaroroonan namin.

agad naming inihanda ang mga sarili namin.

kumuha kami ng mga bagay na magagamit namin para makalaban kami.

pinatago namin sina Kitty at Ria sa aming likod.

inaabangan namin ang salarin sa pintuan..

*gulp*

pigil kaming lahat sa paghinga dahil sa kaba

dahan-dahang umikot ang doorknob

biglang bumukas ang pinto kayat dali-dali naming sinugod ang papasok

"HA------

"Whoa ! ako to EASY STUDENTS ! " sigaw ni sir tobi habang umaatras at pinipigilan
kami sa pag-atake namin sa kanya

agad binaba ni Milo ang baseball bat.

nakahinga kami ng maluwag

langya si Sir Tobi lang pala


"Ano ba ang nangyari bakit may sumabog? " Sir Tobi

"Sumabog ang yate " sabi ni Kitty na naiiyak

gulat na gulat siya

"Ano? may nakasakay ba doon ?? " Sir Tobi

napadungo lang kaming lahat

biglang tumakbo si Dj at sinuntok si sir tobi

"Ikaw ! Ikaw ang may kasalanan nito ! kung hindi mo kami dinala dito buhay pa sana
siya !! " dj

pinigilan namin ni Milo si Dj

wait come to think of it

Nasabi ni Sir Guzman na nandito kaming lahat dahil kay Sir Tobi.....

"Sir Tobi paano mo napapayag ang island owner na dito mag-shooting ? " tanong ko sa
kanya
binigyan ko siya ng masamang tingin

iba na talaga ang hinala ko sa lalaking ito.

bigla siyang napatingin sa duguang sahig kung saan nakahiga ang walang buhay na si
Zoe

"A..a..anong nangyari??" sabi ni Sir Tobi na naiiyak at halatang takot na takot

"Anong nangyari ? May Pumapatay ! Pinasabog ang yate para hindi tayo makaalis
ngayon sabihin mo ang totoo ! " ako

biglang napaiyak si Sir Tobi at napaupo

"So..Sorry hindi ko inakalang aabot sa ganito. May nagbayad sa akin na maging


mentor niyo sa university. Malaking halaga ang binayad niya sa akin para maisama
kayo sa isang pelikula at dito sa isla. Akala ko kaibigan nyo siya , hindi ko
inakalang ganito ang mangyayari.. Sorry " Sir Tobi

teka may nagbayad sa kanya?

planado na pala lahat

lahat kami nagulat sa nalaman namin.

"Sino ang nagbayad sayo ? SINO ?! " sigaw ko sa kanya habang kinikwelyuhan siya
hindi ko na napigilan ang galit ko

siya ang dahilan kung bakit kami nandito ulit

"Hi..hindi ko alam! sa emails lang kami nagkaka-usap... hindi ko alam na magiging


ganito ... SORRY ! sorry hindi ko ginustong mangyari to" Sir Tobi

"Ikaw , ikaw ang dahilan ng lahat !!! " dj

nagwawala na naman si Dj

hinawakan kami ng mga kaibigan namin

"Guys kalma lang please hindi kayo makakatulong sa sitwasyon natin " Milo

huminga ako ng maluwag at kinalas ang pagkakahawak nila sa akin.

umupo nalang ako sa isang tabi

"DJ theres a posibility that kath might be alive " ako

napatingin silang lahat sa akin

"nakita mo ba si Kath sa loob ng yate? " ako


umiling si Dj at kumalma

"may nakita akong lumapit sa yate "Dj

"Naaninag mo kung sino ? " ako

umiling ulit si Dj

"Dj theres a big posibility that Kath is alive. We are in a remake and in the
original , no one died from the explosion " ako

"Ha? anong remake? " Milo

"Like i said , its happened before and its happening again. Lahat tayo may
koneksyon sa mga kaklase ko noon. hoy Ikaw sir Tobi , may kamag-anak ka ba dito o
kakilala na namatay? " ako

biglang natahimik si Sir Tobi

lumapit si Dj sa pintuan

"DJ saan ka pupunta ? " kami

"You said it yourself kath is alive , hahanapin ko siya " dj

"no dj its much safer kung dito lang tayong lahat "
"hindi pwede kailangan kong hanapin si Kath" dj

nilapitan ko si Dj at hinawakan ang magkabilang shoulders niya

"Dude listen to me ! hindi natin alam kung nasaan si Kath Napakalaki ng isla.-----
" ako

bigla kaming natigil sa pag-uusap namin nang biglang magsalita si Sir Tobi

"Ang kinakapatid ko , si Aaron Yan at ang uncle ni Marie ay yung si Salva " Sir
Tobi

natigil kaming lahat

"Lahat tayo may koneksyon , hindi lang tayo basta-bastang napunta dito ! " ako

"Ano na ang gagawin natin ngayon ? " iyak ni Ria

agad kong hinawakan ang magkabilang pisngi ng kapatid ko


"Wag kang matakot okay? kasama mo ako parati hindi ko hahayang may mangyaring
masama sayo " ako

___________________________________

[Sophie's POV]

( 1 HOUR EARLIER )

kasalukuyan kaming nagsho-shoot

Nanlumo kami dahil sa acting ni Zoe

ngunit nang bigla siyang gilitan ng leeg , bumilib na kami sa kanya.

aakalain mo talagang totoo na ang nangayayari.

Pero teka , hindi ko nalagyan ng fake skin layer ang leeg ni Zoe

yung kutsilyong gamit ni Tyler ay hindi akin....totoong kutsilyo ang gamit niya
Oh My God !

Gustong-gusto kong sumigaw pero nanigas ako sa gulat.

Takot na takot ako sa nakikita ko.

biglang may sumabog

nagtakbuhan ang lahat palabas

pero ako , nanigas lang ako sa kinatatayuan ko.

para akong natauhan nang marealize kong nasa harap ko ang killer.

Nasa harap ko din ang walang buhay na katawan ni Zoe.

Tumakbo ako ngunit nahawakan ako ng salarin

"Tulong ! Tulong ! " sigaw ako ng sigaw

ipinalibot ng killer ang kanyang braso sa leeg ko.

"Tulong ! Tulong ! " sigaw parin ako ng sigaw pero walang makarinig sa akin.
pinilit kong manglaban hanggang sa natanggal ko ang maskara niya

"K...KEVIN ?!! " napasigaw ako nang makita ko si Kevin .

buhay pa si kevin !

"LINTIK ! " sigaw niya nang makita niyang natanggal ang maskara niya

bigla siyang may inilabas na panyo tapos tinakpan ang bibig ko gamit nito...

may naamoy akong masangsang na kemikal....

biglang nagdilim ang paningin ko................

-------------------------------------

dahan-dahan akong nagising

nasa isang saradong kwarto kami....

hindi ako nag-iisa kasama kong nakahiga ang mga kaklase ko

wala silang malay lahat


ako lang yung gising...

nakatali ang kamay at paa ko.

"Good mornight" kevin

napatingin ako kung sino yun

Si kevin !

nakatayo sa harap ng pintuan.

"Kevin why are you doing this ! wala akong kasalanan sayo " ako

"Wala naman talaga... Malas mo lang talaga kamag-anak mo si Jonas " kevin

Jonas ? si Jonas yung 2nd cousin ko ?

bigla akong inalalayan ni Kevin tumayo

"Bitiwan mo ako " ako

pinagtawanan niya lang ako....


biglang bumukas ang pintuan

isang taong nakasuot din ng costume ang killer.

"Okay na ba ? " sabi nung isang salarin

hindi ko makilala ang boses niya , may gamit siyang device para maiba ang boses
niya

"Ikaw nalang ang hinihintay. Diba gusto mo talaga ng laro , heto na player mo "
Kevin

lumapit sa akin ang isa pang salarin at kinaladkad nila ako patungo sa isang
malaking butas.

"Sophie , alam mo ba nagbabasa ako sa facebook account mo tapos nabasa ko doon na


ang pinakaayaw mong horror movie ay SAW ? " tanong ng salaring nakamaskara

iyak lang ako ng iyak

nagmamakaawa ako sa kanila

diyos ko ayaw ko pang mamatay

itinayo nila ako


natakot ako sa nakita ko

isang malaking butas na napakaraming injection

No ! No ! No !

"Please wag please ! " ako

"awwww. hindi pwede. Diba ayaw mo sa SAW movies ? well may ganitong trap sa movie
na saw , im sure di mo pa yun nakikita " kevin

"Shut up KEVIN ! This is my game ! ako ang mag-eexplain ! " isa pang salarin

"Okay fine ... sheeesh... init naman ng ulo nito " kevin

"Back to the point , Just like the movie SAW you have to jump down there " Salarin

"Hindi ! AYOKO ! waag ! please maawa kayo " ako

"Wait dear , if makukuha mo ang cellphone na nandoon sa baba , I promise to let you
go " Salarin
ayoko

napakaraming Syringe!

"Please wag nyong gawin to please wala akong kasalanan " ako

"Hard to get much ?! " sabi ng salarin tapos bigla niya akong tinulak niya ako

oh my God !!!!!!!!!!!

ramdam na ramdam kong natutusok ang balat ko nang napakaraming karayom ng syringe

"Tulungan nyo ako ! "

kahit saan ako mapunta , mas nadadagdagan ang tumutusok sa aking syringe..

napakasakit....

may isang syringe na dumikit sa pisngi ko

napakasakit dahil nabaon ang karayom..

pinilit ko nalang tiisin ang sakit at hanapin ang cellphone..

iyak lang ako ng iyak dahil sa sakit....


_______________________________

[3rd Person's POV]

biglang tinulak ng naka maskarang salarin si Sophie sa butas kung saan mayroong
napakaraming syringe (injection)

iyak ng iyak si Sophie nang makita niyang bumaon na sa ibat-ibang parte ng katawan
niya ang mga syringe

para siyang lumalangoy sa dagat ng mga karayom...

tiniis niya ang sakit at hinanap ang cellphone..

bawat galaw niya , mas dumadami ang syringe na tumuturok sa balat niya.

*Bogsh*

biglang binaril ng salarin ang ulo ng kawawang si Sophie


"Bakit mo ginawa yun akala ko ba paglalaruan mo muna? " Kevin

"Walang challenge kevs eh. " salarin

"Ang sabihin mo nakokonsensya ka na " kevin

"Hindi no ! nonsense lang talaga na ginaya ko pa ang Saw . diba hindi naman yun
ginawa ni Dixon at Grey noon ?" salarin

"So what ? We can do whatever we want to them tayo ang BOSS !" kevin

[END OF CHAPTER 26]

_________________________________________

Ginaya ko ang isang trap scene sa SAW for a reason.

I DONT TAKE CREDIT FOR IT :))))

thanks for reading

VOTE AND COMMENT PLEASE :)))

*******************************************
[30] Slaughter 27 : Play By The Rules
*******************************************
Robbie's Rules are back !

These rules are inspired from the movie SCREAM at iba pang napansin kong cliche sa
mga horror movies.
______________________________

[Robbie's POV]

kanya-kanya kaming hanap ng signal pero wala talaga.

tanging si Kath lang ang sineswerteng makagawa ng tawag kahapon.

kinuha ni Sir Tobi ang walkie talkie at nag-radyo sa iba ngunit wala talagang
sumasagot.

"Patawarin nyo ako , I will make this right , hahanapin ko ang iba " Sir Tobi

akala ba niya sa simpleng sorry masasagip ang buhay namin?

akala ba niya sa simpleng sorry mababalik pa ang buhay ng iba ?

"Sasama ako " Dj

"Dj wag na , makikita rin natin si Kath Trust me on this. " ako

natahimik si Dj
"Always bring the walkie talkies para ma-contact natin ang isa't-isa " Sir Tobi

dali-dali siyang umalis

naiwan kaming lima doon sa kwarto.

napatingala ako at nakita ko ang CCTV camera.

"Sa monitoring rooms tayo ! " ako

"Bakit?" Ria

"We have the upper hand kung doon tayo , sigurado akong gumagana ang mga cameras "
ako

sumunod naman agad sila

bago pa man kami umakyat doon ay pumunta muna kami sa kitchen para kumuha ng mga
food supply at kung ano pa ang magagamit namin para maipagtanggol ang sarili namin.

pagdating namin doon , agad naming ini-lock ang mga pinto.

napatingin ako sa relo ko , 11 pm na ng gabi


tiningnan kong mabuti ang monitoring equipments.

Ilang kabit kabit at saksak , gumana na agad.

gumana ang lahat na gaya noon

nakikita na namin ang lahat ng mga nangyayari sa pamamagitan ng cctv cameras.

"Teka bakit wala dito ? " Sabi ni Kitty sabay turo sa isang camera

camera 112

sa garage

may iba ring camera ang hindi gumagana

sigurado akong pakana ni Kevin yan.

agad kaming naghanap ng mga gamit para makahingi ng tulong pero wala talaga

"Guys teka , Nasaan si Sophie at si Tyler ? " Kitty

hala

"Kasama ba natin silang lumabas kanina? "Ria


"Oh my God ! baka hindi si tyler yung sumali sa shooting ! " Kitty

"That explains why hindi niya tinatanggal yung maskara niya kanina ! " ako

"Teka so nasaan si Tyler ? " tanong ni Dj na halatang nag-aalala sa kanyang


kaibigan

"Nagbihis siya kanina kaya matagal siyang nawala ..Diyos ko !" Kitty

para na kaming baliw sa kakalakad ng paulit-ulit sa buong kwarto.

pilit naming inaalala kung ano ang nangyari sa iba

"Yung yate kanina , kay sir guzman ba yun ? " Milo

"Sa pinsan ni Kath yun " ako

"So anytime pwede paring dumating si sir guzman at makakaalis na tayo sa islang
to ?" Milo

sana nga tama ka milo

"Robbie sa tingin mo buhay pa talaga si Kath ? " Dj

nakaupo lang si Dj sa isang tabi

walang ibang emosyon ang mukha niya kundi pag-aalala


ang iba naman halatang nag-aalala din

tumango ako

"paano ka nakakasiguro ? " Dj

huminga ako ng malalim

"Like what I said this is a remake. Ang lahat ng nangyari noon ay naulit. Maaring
may mabago pero iisa parin takbo. Last year there was an explosion , akala namin
namatay yung iba pero hindi. Tanging guards lang ang namatay. We started shooting
at October 13 tapos last year , nagsimula ang patayan October 13 ! " ako

nagulat sila sa sinabi ko..

"Lahat tayo konektado sa mga kaklase ko noon. Last year we followed rules of a
horror movie ngayon we are following rules of a horror remake. " ako

"Bro what rules are you talking about? " Milo

"Rules of survival , nasa isang totoong horror movie tayo. Kung sinunod lang ng iba
ang rules last year may chance pa sana silang mabuhay. " ako

may mga question mark sa kanilang mga mukha.


"Call me weird , call me any names pero there are rules. Rule number 1 , kung may
naririnig kang kung anong ingay , wag na wag mo itong susundan o titingnan. Kath
broke those rules. Naalala nyo yung kwento niya tungkol sa tangkang pagpatay sa
kanya ni Kevin ? " ako

"Ay oo , sabi niya may narinig daw siyang mga kalabog sa taas kayat umakyat siya
kaso naghihintay na pala si Kevin doon sa kanya " Ria

"Exactly. May mali rin kasi tayo , there's also a rule na trust the old and crazy.
Tama pala siya dapat hindi na tayo tumuloy " ako

"wait Anong remake ? " kitty

hindi talaga to nakikinig sa klase

aiishh

"Remake parang new version. Have you seen the original A NIGHTMARE ON ELM STREET ?
yung sobrang luma na " ako

"nope yung bago lang ang nakita ko " kitty

"Yung bago yan ang remake... its literally a new version pero may mga pagbabago "
ako
"Paano mo nasabing remake diba dapat sequel muna ang kalagayan natin ngayon? " dj

Paulet-ulet :P

hayy mabuti naman hindi nila ako pinagtatawanan...

"Una akala ko rules ng isang sequel pero nagbago ang lahat ng mapansin ko lahat ng
pagkakaparehas. Yung parating dejavu. Pero kahit magkakapareho ay may twist.
Palaging may twist sa lahat lahat. ako

"Ya ano pa ang mga rules? " Ria

napatingin ako sa iba , nakikinig lang sila sa akin

kapatid ko talaga to !

mabuti naman at natanong niya

huminga ako ng malalim , marami-rami din tong rules

"Kahit na fully charged at unlimited ang load mo , hinding hindi ka talaga


makakahingi ng tulong gamit ang cellphone mo.

kapag aalis ka never say I WILL BE BACK because you wont be back.
There will be HEROES yung tipong they would sacrifice their own life para maka-
ligtas ang iba. Mas madami ang heroes sa remake

Wag na wag kang lalabas para manigarilyo , uminom o mag-drugs

Explosions never kills the killer or the main character.

Dont be alone , yang line na "Maghiwa-hiwalay tayo !" A big no

If you are a jerk or a bitch , tumakbo ka na dahil siguradong goodbye earth

Never have sex " napatingin ako kay Kitty at Milo

*pok*

aray !

bwisit !

"nasa panganib na nga tayo nang-aasar ka pa ! " milo


"Psssshh...hindi pa ako tapos marami pa---------- ! " ako

hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang radyo..

" Nakakita akong malaking speed boat ! may marunong ba sa inyong magmaneho nito?
over " Si sir tobi pala

biglang kinuha ni Milo ang radyo

"Copy ... marunong ako . nasaan ka ngayon? over " Milo

"copy.. Nasa cabin ako na katabi ng dock over " sir tobi

"Copy " Milo

astig talaga ni Bearbrand !

thank God makakaalis na kami dito.

"Guys dito muna kayo okay ? delikadong lumabas. Raradyohan namin kayo kung handa
na ang lahat " Milo
agad hinalikan ni Milo si Kitty

"Milo mag-ingat ka please " kitty

"Oo naman pakakasalan pa kita ^__^ " Milo

hayy ang sweet talaga ng dalawa , sarap ipatawag ng mga langgam para tangayin tong
mga bakulaw nato.

"Dj ikaw muna ang bahala sa tatlong maria ha ! " Milo

Nyeta !

ako na naman ang napagtripan

"Loko mas malakas ako kay palaka ! " ako

nagtawanan ulit ang lahat..

miss ko na ang barkada sana okay lang sina James at Kath

_______________________________

[MILO'S POV]

Agad akong tumakbo palabas.

Kutsilyo lang at lakas ng loob ang dala-dala ko.


malayo-layo din ang tatakbuhin ko.

nilakasan ko nalang ang loob ko.

kailangan kaming makaalis dito.

kailangan ligtas kaming lahat , lalong lalo na si Kitty

punyemas hindi pa pala ako nakakapag-propose

matagal natong nakatago sa bulsa ko ang singsing pero di ko padin nabibigay sa


kanya. Wrong timing talaga oh ! tsss..

takbo lang ako nang takbo hanggang sa makarating ako sa cabin na katabi ng dock.

dali-dali akong pumasok at naabutan si Sir Tobi na pinapagpag ang malaking speed
boat.

"Milo salamat naman at dumating ka , kanina ko pa to gustong paandarin kaso parang


may mali " Sir Tobi

dali-dali kong tiningnan ang makina...

may maliit na sira pero kaya ko pang maayos to.

nagtulungan kami ni Sir Tobi sa pag-ayos nito.

inabot kami ng 30 minutes para ayusin yun.


nang masiguro naming okay na ang lahat.

agad naming inilibas ang speed boat gamit ang automatic trolley.

dahan-dahan naming itinutulak ito nang biglang

*bogsh!*

nagtinginan kami ni Sir Tobi

"na-utot ka milo ? " tanong ni Sir Tobi habang nagpipigil tumawa

kakaiba yung tunog para bang tunog ng baril....

napatingin ako dahil may tumutulong dugo sa siko ni Sir Tobi

"S..sir ano yan? " tanong ko sa kanya habang tinuturo ang siko niya
agad naman siyang napatingin at nanlaki ang mata niya sa nakita

*bogsh!*

*bogsh!*

*bogsh!*

bigla kaming pinaulanan ng bala kayat dali-dali kaming tumakbo pabalik sa loob ng
dock

hindi namin alam kung saan nangganggaling ang putok ng baril pero isa ang
nasisigurado namin , kami ang target !

nakadapa lang kaming dalawa habang patuloy parin ang putukan.

naririnig naming tinatamaan ang speed boat

nyeta !

paano na kami makakaalis !

biglang humupa ang putukan.


"Milo... "sir tobi

napatingin ako kay Sir Tobi

duguan na siya , maka ilang beses din siyang tinamaan ng bala kanina.

dali-dali ko siyang nilapitan at nilagyan ng pressure ang mga sugat niya.

mayroon ng dugong lumalabas mula sa labi niya pero pilit lang niya itong
binabaliwala.

"Milo listen to me , hindi magtatagal at sasabog ang speed boat . When I say run
you run like hell okay ? " Sir tobi

naguguluhan ako sa sinasabi niya

yung mukha niya napaka-seryoso

he was already coughing blood at halatang nahihirapan na siya

"Sir anong ibig mong sabihin? " ako

"I'll be the decoy dahil huli na naman para sa akin. I'll run on the left , you run
to the right. Dont stop running until safe ka na. Dont mind me , madami na ang
dugong nawala sa akin. its hopeless " Sir Tobi

gusto kong tumutol pero buo na ang desisyon niya


he's playing the hero

isa sa mga rules na sinabi ni Robbie

"Sir you dont have to do this ! " Ako

"I have to do this , Its the least I can do! ako ang may kasalanan kung bakit kayo
nandito hayaan mong makabawi ako kahit sa huling sandali ko" Sabi ni sir tobi tapos
dali-daling pumunta sa pintuan. halos hindi nadin siya makalakad.

"Ready? " sir tobi

tumango lang ako

sa isang iglap , i found myself running so fast

napakadilim ng paligid , tanging ang buwan lang at mga poste ang nagsisilbing
gabay sa tinatakbuhan ko....

naririnig kong sumisigaw si Sir Tobi " You cant catch me you sick son of a
bitch ! , is that all youve got ! "
patuloy ko paring naririnig ang putukan...

patuloy ko paring naririnig ang sigaw ni Sir Tobi dahil sa sakit ng mga tama niya.

wala akong magawa...

biglang natapos ang putukan napatingin ako sa direksyong tinahak ni Sir Tobi

nakita ko siyang nakahiga sa buhangin at naliligo sa sarili niyang dugo

napakadilim ng paligid..

wala ng mga poste ng ilaw

takbo lang ako nang takbo.

maaaring ako na naman ang paputukan


nakarating ako sa front door ng skwelahan para akong nakahinga ng maluwag.

ngunit sa pagpasok ko , biglang nagdilim ang lahat..

[END OF CHAPTER 27]

_____________________________________

Sorry mario maurer fans , pinatay ko talaga character niya :( huhuhu

wa ko choice eh ....

salamat sa pagbabasa...

please VOTE and COMMENT

*******************************************
[31] Slaughter 28 : Pool of Suspects
*******************************************
[Robbie's POV]

napatingin ako sa relo ko , 12:38 am na

Day 4 na namin sa isla...

sa pagkaka-alala ko , limang araw kaming stuck sa school noon


sana naman hindi na kami umabot ng 5 days.

sana ma-rescue na kami dito

*bogsh*

*bogsh*

*bogsh*

agad naming tiningnan ang mga monitors kung saan may putukang nagaganap pero wala
kaming nakita...

tiningnan namin ang bintana pero wala din kaming maaninag sa sobrang dilim.

lahat kami alalang-alala kung ano na ang maaring nangyari sa dalawa.

para kaming napako sa kinatatayuan namin dahil sa takot

bigla kaming nakarinig ng sigaw, boses yun ni Sir Tobi pero di namin mawari ang
sinasabi niya.

nakarinig na naman kami ng walang humpay na putukan...


"Teka nasaan si Kitty? " Ria

dali-daling hinanap siya ng aming mga mata...

bukas ang pinto.

agad kaming tumakbo para pigilan siyang lumabas.

sigurado akong umalis si Kitty para puntahan si Milo.

"Kitty NO ! " kami

pero hindi namin nakita si Kitty.

tumakbo kami papunta sa front door ng school pero naka-lock na ito.

hindi naman ito naka-lock kanina ah.

hanap lang kami ng hanap pero wala talaga.

"Guys bumalik na tayo " ako

"paano na si milo at kitty ?! " Ria

"malalaman natin kung nasaan sila kung nandoon tayo ! bilis ! " ako
nagtakbuhan kaming tatlo pabalik sa monitoring rooms.

agad naming hinanap si Kitty sa cameras.

"Rob , rewind mo ng 5 minutes " Dj

ginawa ko ang sinabi ni Dj...

yun , nakita namin si Kitty na tumatakbo

matagal pala bago namin napansin na umalis siya.

takbo siya ng takbo para hanapin si Milo.

ngunit nang dumaan siya sa isang corridor kung saan sira ang CCTV ay hindi na namin
siya nakitang tumakbo pa.

isa lang ang sigurado ko , nakuha na si Kitty ni Kevin.

baka si Milo din nakuha na.

nanlumo kaming tatlo.

si Dj napasuntok sa pader.
ang kapatid ko naman iyak na ng iyak.

wala na , hindi na namin alam kung ano ang gagawin namin.

gusto naming lumabas para hanapin sina Milo kaso masyadong delikado dahil
napakadilim. Baka kung ano pa ang mangyari sa amin.

----------------------------------

napatingin ako sa relo ko , 1:55 am am

patuloy parin kaming nagmo-monitor ni Dj

si Ria pinatulog ko muna sa couch.

Si Dj alalang-alala parin.

"Deej calm down , sigurado akong okay lang si Kath " ako

napakamot ng ulo si Dj

"Why do you keep on saying that ! paano kung mali ka ? " dj

tama nga naman siya

baka pinapaasa ko lang siya

pero ramdam na ramdam ko buhay pa si Kath


"Deej alam mo naman ang tungkol sa Final girl sa isang horror movie diba? " ako

tumango lang si Dj

"Maaring si Kath ang final girl sa nangyayari ngayon. Nagkamali ako noon kay Parker
pero ngayon sigurado na ako " ako

"What makes you think na siya ang final girl ? " dj

nauulit na naman yung kagaya noon.

kung mabibigyan ako ng piso everytime nakakaramdam ako ng de javu , nako ako na ang
pinakamayan dito

"Tignan mo nga , Si Winston diba namatay siya ? we all know siya ang stalker ni
Kath ! Si Sabrina parati niyang inaaway si Kath. Isipin mo nga diba noong sa party
nag-collapse tayong lahat tapos may time na nagising si Kath pero hindi siya
sinaktan , pinatulog lang siya. Yung inatake siya ni Kevin , she didnt die. Bro and
think about it , Maganda si Kath , matalino , mabait . She has the factors of a
Final Girl " ako

"Rob you said it yourself we are in a remake madaming twist " dj

pero tama nga si Dj

maaaring may mga twist

"Maaring twist din ay ang kamatayan ko " ako


nagulat ang mukha ni Dj

"Gago ka anong pinagsasabi mo ? " dj

"Sa bagong generation ng horror movies , ang mag-syota ang parating nabubuhay at
parating namamatay ang mga gwapo " ako

"Gago ka talaga " dj

"Uy hindi ako nagbibiro , alalahanin mo ang ibang horror movies , Hot girls with
big boobs die and guys with good looks die too " ako

"Good news , you have 98 % chance of survival dude" dj

"Gago lang bro. pero kung mamamatay man ako okay lang sa akin as long as sigurado
akong okay si Ria kaya bro kung may mangyaring masama sa akin please bro bantayan
nyo yung kapatid ko " ako

tumahimik lang si Dj

alam niyang seryoso ako

"DJ what if may kasabwat si Kevin sa tingin mo sino ? " ako


"Kasabwat ? dude magkakaibigan tayong lahat. thats impossible " Dj

"Thats what everyone said last year. Impossible pero yun na , Si Dixon at Grey lang
pala " ako

"Wait si Grey ? akala ko ba si Dixon lang ? " dj

ay tama

nyeta nakalimutan ko tuloy na sikreto namin yun

"Grey was an accomplice hindi lang talaga namin sinabi sa mga police dahil sa huli
mas napili ni Grey na isakripisyo ang buhay niya para maligtas sina Kat at Dom mula
kay Dixon. Pero diba imposible namang mag-isa lang si Kevin. Paano siya
makakaligtas sa car accident ? " ako

"Pero hindi pa natin sigurado na si Kevin nga. Paano kung namatay talaga si Kevin
sa car accident tapos may kaibigan siya or kapamilya na gustong maghiganti sa
atin ? O baka isa man sa atin ay may lihim palang tinatago?" dj

napaisip ako sa sinabi ni Dj

Kapatid ni Kevin si James paano kung may galit si James sa amin ?

pero imposible !

"James cant be the killer. Parang hindi naman kasi sila close ni Kevin " ako

nagulat si Dj sa sinabi ko

"Ha? bakit nasali si James sa usapan ? " Dj


ayy nyeta !

nakalimutan ko , ako lang pala ang nakakaalam nun.

"Kahapon ko lang din nalaman na half brothers sila. Isinekreto ni James dahil baka
pagbintangan daw natin siya" ako

tumango lang si Dj

"Pero ni minsan hindi naman naging masama ang pakikitungo niya sa atin diba?
Pasimuno ng kalokohan si James , Chickboy at Alaskador pero parang hanggang dun
lang yun " dj

"How about Tyler ? diba transferee lang siya ? nagsimula ang patayan nang mag-
transfer sila. " ako

"Si Paul ! diba transferee din siya? may motive din siya dahil alam kong mahal niya
si Kath pero she just rejected him " dj

"Si Quen din may gusto din siya kay Kath. Pero paano niya magagawa ang mga krimen
kung laging nakabuntot sa kanya ang kapatid niyang si Kayla ? " ako

"Oo nga at imposible ding maging kasabwat si Kayla. Babae siya parang di niya yata
kayang gumawa ng ganun tapos mabait naman yun diba " dj

"Dj sexist ka maysado. Never under-estimate girls. May tendency din silang magpaka-
psycho. Mas malala nga kung sila ang gumawa compared sa boys. Paano kung si
Sophie ? bigla siyang nawala kanina diba ? pero ano naman kaya ang magiging motive
niya ? ...............Baka may gusto sa akin si Sophie kaya pinapatay niya ang
lahat para ma-solo niya ako ?!! Oh my God ! " ako
*pok*

aray :((((((((

napakahilig talaga mambatok nitong si Dj

Libre lang naman mangarap diba ?

"Si Sir Tobi , siya ang nagdala sa atin dito. Paano kung drama lang niya yung sorry
niya kanina tapos magkasabwat pala talaga sila ni Kevin ? " dj

"Sa tingin ko hindi siya , bigla kasi siyang umamin kanina kahit isa palang ang
nakita niyang patay. Tapos kanina parang nanghihina siya habang sumisigaw. Pero
diba magpinsan sila ni Ms. Marie bakit bigla siyang nawala? Pwede ring si Ms. Marie
ang killer dahil sa nangyari noon , nakatanggap tayo ng message sa kanya na pumunta
doon sa classroom. Paano kung nagsinungaling lang siya na nawala ang phone niya? "
ako

"Imposible ding si Milo o Kitty diba ? " dj

"Paano kung tama ka? paano kung may tinatagong galit sa ating lahat si Milo. Bigla
siyang nawala diba ? O si Kitty bakit bigla din siyang nawala. Pero bro paano kung
si Kath ang killer nakita mo naman yung pinagbago niya diba? Paano kung inuulit
niya ang mga nangyari noon para maging magkatulad na sila ni Parker? Anything is
possible" ako

"Anything is possible ? Paano kung ikaw Robs ? " dj

"Natanong narin ako ni Parker nyan dati. Kung ako man ang killer bakit ko pa
sasabihin sa iyo ang mga to. I would be smart enough not to talk about the murders
isa pa kung ako naman ang killer matagal na kitang pinatay " ako

"What if si Ria? "dj

natawa nalang ako

"Bro kapatid ko yan. Kung killer yan matagal na akong pinatay nyan dahil madami
akong binibigay sa kanyang sakit sa ulo. Pero paano rin kung ikaw ang isa pang
killer ? Sinusundan mo ang mga yapak ng kuya mo? " ako

"Gago... mas maniniwala pa ako kung ako ang killer tapos motive ko para makuha si
Kath. Never akong gagawa ng kahit ano para sa kapatid kong yun " dj

"Tama na nga ! baka hindi na tuloy ako magtiwala sa iba " dj

"Dj yan nga ang dapat. Wag na wag kang magtitiwala. Sarili mo lang ang
pagkakatiwalaan mo. We all know how to act , Actors are great Liars" ako

wait , what if si Kath nga?

there's always a twist !

she changed alot.

yung nangyaring pagsabog at pagkawala niya , yan rin yung nangyari kay Grey.
what if yan ang twist sa amin.

Si Kath ang nasa posisyon ni Grey noon.

pwede rin kasing Final Boy sa horror movies.

"Rob diba si Tyler yun ? " dj

napatingin ako kung saan siya nakaturo

"Hala oo ! " ako

nakikita namin si Tyler , pagewang-gewang siya maglakad.

malapit siya sa garage.

agad tumayo si Dj para puntahan si Tyler

"Bro bakit di ko mabuksan ?!!" sigaw ni Dj

agad akong napalapit sa pintuan.

totoo nga hindi mabuksan.


si Ria nagising sa ingay namin..

"Ya anong nangyayari ? " ria

"Di mabuksan ang pinto ! " ako

nagtulungan kaming buksan ang pintuan pero ayaw talaga.

may nag-lock sa amin dito.

nyeta !

"There's another way out " ako

napatingin silang dalawa sa akin.

"Tunnels " ako

dali-dali kong hinanap kung nasaan yung lagusan doon. Isang taon na rin kasi kayat
nakalimutan ko na.

Kapa..kapa..kapa...

hanap...hanap...hanap..

Yun !

sa wakas.

agad binuksan ni Dj ang lagusan.


nagkatinginan kaming tatlo

*gulp*

"Guys ako na ang bababa. Dito lang kayo " Dj

"Dj hindi mo alam ang patutunguhan ng lagusan! isa pa wala na din ang blueprints. "
ako

"Teka blueprints ? " biglang tumayo si Ria at may kinuha sa cabinet... "Ito ba ? "
Ria

lumapit ako at tiningnan ko ito.

"Oo nga ! ito yung blueprints " ako

agad lumapit sa amin si Dj at tiningnan ito.

"Ria saan po to nakuha? " ako

"Diyan lang sa cabinet " Ria

"Nahirapan ka ba sa paghanap niyan o nakatago ba yan ? " ako

"No , nasa top nga yan ng mga gamit eh kayat agad na bumulaga sa harapan ko." Ria

wait last year , ang tagal naming nahanap ang blueprints.


halos baliktarin na namin ang buong kwarto.

at sa pagkakaalam ko iisa lang ang copy nyan at yun ay nasira na namin noon

"Dude its a trap " ako

"anong trap ? " dj

"Si kevin o kung sino mang demonyong yan. Sinadya niyang ilagay ang blueprints sa
obvious na lugar para madali nating makita. Alam niyang gagapang tayo sa mga
tunnels kapag may dala tayong blueprints. Theres only one copy of that original
blueprint at nasira namin yun. Plano yan ng killer" ako

"I have to take a risk robs. For Kath and for the others " Dj

wala na talaga akong magagawa para pigilan siya.

buo na ang desisyon niya.

ang tanging magagawa nalang namin ay magdasal.

magdasal na sana malampasan namin to.

magdasal na sana walang mapahamak sa amin.

magdasal na may darating na magsalba sa amin.

_________________________________

[DJ'S POV]
heto ako ngayon sa tunnels gumagapang.

dala ang flashlight at blueprint.

ginagabayan ko ang sarili ko na mapunta.

nagbabakasakali akong makita ko dito si Kath.

"Kath ! Kath ! " tawag ako ng tawag sa kanya pero parang mga daga lang ang nandito.

Punyeta naman oh !

ano ba tong mga daga dito ? umiinom ba sila ng cherifer ? ang laki eh !

gapang ... gapang....gapang

hanggang sa makalabas na ako sa lagusan.

dali-dali akong punta sa garage kung saan pumasok si Tyler

walang cctv camera sa loob ng garage kaya wala kaming ediya kung ano na ang
nangyayari.

pagpasok nagulat ako sa naabutan ko.

Si Tyler pilit pinaandar ang kotse.


ngunit hindi niya alam na sa likurang bahagi nito ay nakatali ang ulo ni Ms. Marie.

tapos ang kalahating parte ng katawan ni Ms. Marie ay nakatali sa ding-ding

kadena ang gamit sa pagkakatali kayat kapag ipinagpatuloy ni Tyler ang pagpapatakbo
sa kotse , siguradong mapuputol ang ulo ni Ms. Marie.

Nakatahi ang bibig ni Ms. Marie kayat hindi siya makapagsalita.

iyak lang siya ng iyak.

"TYLER WAG ! WAG ! " ako

tumakbo ako palapit kay Tyler

"TYLER ! STOP THE ENGINE ! STOP THE ENGINE ! " sigaw ko habang pinapalo ko ang
window ng sasakyan para mapansin niya ako.

kahit na halos magkaharap kami, hindi parin tumitingin sa akin si Tyler

parang wala siya sa sarili niya.

parang hilong-hilo siya tapos yung kamay niya grabe kung makanginig
Gulat na gulat ako ng biglang iniharurot ni Tyler ang kotse.

hindi ko siya napigilan

Maraming dugo ang tumalsik saakin.

tumilapon sa isang bahagi ng garage ang ulo ni Ms. Marie

wala akong magawa kundi ang mapasigaw.

*booghshhhh *

nabangga pala ang kotseng ginamit ni Tyler.

Punyeta tong si Tyler !

Pinaandar ang kotse habang hindi pa nabubuksan ang malaking garage door kaya hayun
bumangga sa dingding.
binaliwala ko ang dugong tumalsik sa akin kahit na sobrang diring-diri ako.

dali-dali kong pinuntahan si Tyler.

Nawalan siya ng malay pero maraming sugat na tinamo

kinuha ko siya mula doon.

kitang-kita ko ang kalunos-lunos na sinapit ni Ms. Marie

ipinikit ko nalang ang mga mata ko habang dinadaanan namin siya.

[END OF CHAPTER 28]

________________________________________

sensya if Waley ang chapter nato . hehehe :))))

nahihirapan na akong pumatay xDD hahaha

THANKS FOR READING

VOTE & COMMENT

puhleeeesss :))

*******************************************
[32] Slaughter 29 : Captured
*******************************************

11 chapters to go... I think :)))


GUYS MAGPAPAALAM NA AKO SA INYO.

unfortunately , kailangan kong umalis sa wattpad for 5 months kailangan kong mag
focus sa studies ko. Pero I can assure you that tuloy tuloy parin ang updates. Ako
parin po ang magsusulat sa SU pero ang bestfriend ko na ang maghahandle sa account
nato.

Last story ko na yata ang SU sa ngayon. Si Kyra na muna ang bahala sa LIKE=DEATH
and CHRISTMAS KILLS. mas magaling po yan sa akin. :)))))))

SALAMAT PO TALAGA SA SUPPORT NYO.

BYE BYE :)))

MAMI-MISS KO KAYONG LAHAT :)))

---haliMAU ♥

___________________________________

[ Kathryn's POV ]

dahan-dahan akong nagising

nagulat ako dahil nasa isang kulungan ako. Nakasuot ako ng orange jumpsuit na para
bang isang preso. Nakatali ang kamay ko sa isat-isa habang nasa likod ko ito.

shit ! ang sakit ng ulo ko.


Hala bakit nasa gubat ako... ang dilim ng paligid pero naaaninag ko na hindi ako
nag-iisa. May iba pang mga kulungan. Hiwa-hiwalay kaming lahat .

Pare-Pareho kaming nakasuot ng orange jumpsuit at nakatali.

Pero bakit ako lang ang walang takip sa mukha ? sila kasi ay parang may mga sako sa
mukha.

"Oh my God ! Bebekath ! thank God your alive ! "

napatingin ako kung sino yun...

Si Kitty !

magkasama sila ni Milo sa isang kulungan.

magkatabi lang kami

hindi sila nakasuot ng orange jumpsuit at wala rin silang takip sa mukha.

"Kath ! "

Sigaw ng nasa katabi ko pang kulungan.

Si Paul yun! kahit may takip ang mata niya , nakikilala ko parin ang boses niya.

"Kath ! okay ka lang ?! " sigaw ni Quen na nasa isa pang kulungan.
"Oy ! Oy ! Oy nagke-kwentuhan na kayo ? Ano to Talkshow ?" biglang may sumigaw

yung boses na yun

"K...kevin ? " ako

"The one and only... Miss me ? " Kevin

bigla siyang lumapit sa kulungan ko.

"Musta na? sarap ba tulog ? " Kevin

"Walang hiya ka Pakawalan mo kami dito ! " ako

"Asus , asa ka " Kevin

"Kevin wala kaming kasalanan sayo ! Pakawalan mo kami ! " sigaw ni James na nasa
kalayuang kulungan.
"Whoa! galing ah . best actor lang little bro , meron ka ! " Kevin

biglang kinuha ni Kevin ang flashlight na dinala at tinutukan niya kami isa-isa

"Kuya Quen ! "sigaw ni Kayla

si Quen naman todo comfort sa kapatid niya kahit malayo lang sila.

naitutok ni Kevin ang flashlight niya sa table kayat naaninag ko na may kutsilyo
doon..

*Ting ! *

bright idea !

"Kath bakit ka nakangiti diyan ? " Kevin

___________________________________

[Kitty's POV]

iminulat ko ang mga mata ko


hala bakit nasa sahig ako?

dali-dali akong bumangon pero nakatali pala ang mga kamay ko at nasa isang kulungan
ako sa gitna ng gubat.

napatingin ako sa paligid ko...

"Milo ! " laking tuwa ko nang makita kong kasama ko pala siya sa kulungan.

walang malay si Milo kayat agad ko siyang ginising...

"Kitty ! " agad niya akong hinalikan

gusto ko siyang yakapin pero nakatali ang mga kamay namin.

"Nasaan tayo ? " Milo

"Di ko alam ? nasa loob ako ng school kanina nang bigla akong mawalan ng malay "
ako

"Okay ka lang ba ? Nasaan ang iba " Milo

"Okay lang ako... Nandito ang iba pero di ko sila makilala dahil may takip ang mga
mukha nila" ako
"Milo! Kitty! Kayo ba yan ?! " sigaw ni James na nasa isa pang kulungan

"James! okay ka lang ? " Milo

"Sobrang torture ng amoy nitong sako sa ulo ko. Sobrang nangangalay ang kamay ko ,
Sobrang sikip sa kulungan ko. Nilalamok ako . Therefore i conclude , im okay "
james

hayyy..

kahit ano na ang sitwasyon namin

nagagawa pading magloko ni James

"May sako sa ulo? " Milo

"Nyeta ang daya wala kayong sako sa ulo ?! ! " james

alam ko natatakot na yang si james deep inside


"Guys ! nasaan tayo? bakit ang dilim " kayla

"Ikaw pala yan kayla , may sako ang ulo mo gaya ko. "james

"Nasaan si Kuya ? " kayla

"Kuya Quen ! " tawag ng tawag si Kayla kay Quen

"K....Kayla ! teka bakit di ako makagalaw at bakit napakadilim ?? " Quen

"Teka si Kath yun diba " Milo

napatingin ako sa katabi naming kulungan

Oh My God!

Thank God ! buhay si Kath

tama nga si Robbie

dahan-dahan siyang nagigising


"Oh my God ! Bebekath ! thank God your alive ! " ako

biglang lumapit sa amin si Kevin.

Buhay si KEVIN ?! O_O

si Kath biglang tumapang , nakikipag-usap kay Kevin na para bang nanghahamon ng


away.

"Wow kevin ha , ang sipag mo naman ! binihisan mo pa talaga kami isa-isa ! Sipag mo
dre " Kath

"Actually ,hindi naman masyadong mahirap , Suot niyo naman parin yung suot niyo
kanina , idinouble ko lang sa inyo ang jump suits . Galing ko no ? " kevin

"Ya , super , whatever. So tell me paano ka naka-survive sa car crash ? dont tell
me hindi ka tinanggap sa langit o impyerno? " Kath

"The car crash was all part of our plan. Ang tanga nyo lang talaga dahil nag-assume
agad kayo na patay na ako. Porket di makita ang bangkay patay agad? tsk.tsk." kevin

wait OUR ?

tama ba yung narinig ko ?

"By the way ano pala ang motive mo?" sabi ni Kath sabay smirk
"Motive ? uhmmm... let me think.... FAME! " kevin

what fame?!

"Sikat ka na diba ? "Kayla

"You sick son of a bitch " Paul

kanya-kanya kami ng reaction pero parang may sariling mundo sina Kath at Kevin

"Fame? Your friends died one by one last year! hindi ka ba talaga na kontento ? how
about your friends ?! " kath

"Friends ? I dont need friends , I need Fans! " kevin

"You already have fans! isa papaano ka magkakaroon ng fans kung alam nilang killer
ka! BOBO ! " kath

nagalit si Kevin sa sinabi ni Kath kayat bigla niyang sinipa ang kulungan ni Kath
ng napakalakas

"Kath.. shhh.." ako

gusto ko siyang tumahimik

dahil baka kung ano pa ang gawin sa kanya ni Kevin

Parang ginagalit kasi ni Kath si Kevin


humarap si Kath sa akin tapos nag wink

teka may plano siya?

"Wow sipa yung reply ano nga ? " Kath

"Alam mo kath maganda ka sana eh kaso di ka nag-iisip. Ganito kasi yan , akala ng
lahat ako ang killer pero after ng massacre dito sa island papalabasin ko na
biktima lang ako ng false accusations. Biktima lang din ako ng killer. of course
because of that mas sisikat ako , i will be called the Good guy who was wrongly
accused. Oh diba ? galing ko talaga ! " kevin

" Nah youre still stupid. Stupid as always ! hahaha. By the way G-tech pala yung
ballpen ko. Alam mo hanggang ngayon gumagana pa yun " kath

biglang binuksan ni Kevin ang kulungan ni Kath , galit na galit na talaga siya

biglang hinatak ni Kevin si Kath palabas ng kulungan....

biglang kinuha ni Kevin ang baseball bat at walang habas na pinagpapalo si Kath
gamit ito.

"Stop it ! " Kayla

"Layuan mo si Kath ! bwisit ka ! " quen

"Kevin itigil mo yan ! " James

"No ! No ! Kevin waag! " ako

"Kevin nooo ! " Milo


wala kaming magawa para maipagtanggol si Kath.

Sigaw lang kami ng sigaw pero wala kaming magawa

nakikita kong duguan na si Kath.

may lumalabas ng dugo mula sa bibig niya pero patuloy parin si Kevin sa pagpalo kay
Kath

"Kaaaath ! Kevin stop it ! Kevin ! " Quen

"Kevin ! papatayin kita ! papatayin kita ! wag mong gagalawin si Kath ! " Paul

Pumikit nalang ako dahil hindi ko kayang makita ang bestfriend kong sinasaktan ng
walang kalaban laban.

gusto kong takpan ang tenga ko.

Rinig na rinig ko ang sigawan ng lahat.

Rinig na rinig kong sumisigaw si Kath

huminto na si Kath sa pagsigaw kayat napadilat ako

nakahiga lang si Kath habang umiiyak


Si kevin nakatayo lang sa harapan ng duguang si Kath

"Bebekath ! " ako

tumingin lang si Kath sa akin at ngumiti

napaiyak na ako dahil awang-awa ako sa kanya.

kitang-kita ko ang mga sugat niya.

duguan pa ang mukha niya.

"Kath alam mo ba na mayroon akong kasabwat sa kanila " Kevin

nagulat kami sa sinabi ni Kevin

may kasabwat siya sa amin ?!

Si kath biglang napabangon.

nagulat din siya sa sinabi ni Kevin

"No ! youre lying kevin ! "kath

"believe it or not , may traydor sa inyo " sabi ni Kevin habang tumatawa
"No no , thats impossible. were friends ! wala sa aming kagaya mo ! " kath

"You saying AMALAYER ?! WOW KATH AMALAYER ! ALAM MO KATH , AMALAYER AND AMAKILLER !
AMAGWAPO KILLER !" sigaw ng sigaw si Kevin habang tumatawa at pinagsisipa si Kath

kinaladkad na siya ni Kevin pabalik sa kulungan niya.

pero bago pa man siya layuan ni Kevin ay biglang may kinuha si Kevin mula sa bulsa
niya.

"Kath one more thing , My hand still hurts you bitch ! " sigaw ni Kevin at biglang
sinaksak ang kamay ni Kath gamit ang ballpen

napasigaw si Kath kayat nagsigawan din kaming lahat para pigilan si Kevin.

Tumawa lang si kevin habang sinasara ang kulungan...

"Kath... " napaiyak ako habang nakatingin sa kanya... Duguan si Kath at hinang-
hina.
_____________________________________

[Kathryn's POV]

there are no words to describe kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon.

binalibag at pinagpapalo lang naman ako ng walang hiyang lalakeng yun.

pero its worth it.

nang dahil dun , nakalapit ako sa isang matalim na bagay at na luwagan ang tali sa
kamay ko.

sinadya kong galitin si Kevin para makalapit doon.

duguan na ako.

ang sakit ng mga sugat ko lalong lalo na ang kamay ko. Ang bwisit sinaksak ang
kamay ko.

punyeta

makakaganti rin ako sayo kevin...

"Kath okay ka lang ?" sabi ni Kitty habang umiiyak


Umiling-iling ako

"Kaaaath! okay ka lang ? " sigaw nila Quen

hindi na ako sumagot.

pati magsalita , napakasakit.

humiga nalang ako sa lupa.

iniyak ko nalang ang sakit na nararamdaman ko.

"Kath ? ano buhay ka pa ? "Kevin

"Kevin walang hiya ka ! humanda ka sa akin ! " Quen

kinakausap nila ako lahat pero hindi na ako sumagot

ang sakit igalaw ng katawan ko.

nararamdaman kong namamaga na ang noo ko.

unti-unti akong pumikit...

pumikit lang ako pero hindi ako natulog...

ilang minuto din akong ganyan....

gusto kong makalimutan ang sakit na nararamdaman ko.


"Kath you had the chance to run kanina, bakit hindi ka tumakbo ? " paul

"i might have the chance to run but i wont. Hindi ko kayang mabuhay knowing nang-
iwan ako sa ere. " ako

pilit kong iniisip

totoo kaya yung sinabi ni Kevin?

totoo kayang isa sa amin ang kasabwat niya...

"Pets , behave kayo ha , pupuntahan ko lang yung ibang cast sa school " kevin

nang masiguro kong nakaalis na siya

agad akong bumangon.

masakit pa ang katawan ko pero di ako pwede maging mahina ngayon.

nararamdaman kong malapit ng matanggal ang tali sa kamay ko.

i gathered all my strength , sa wakas na tanggal ang mga tali sa kamay ko.

nabuhayan ng loob si Milo at kitty nang makita nilang natanggal ko ang tali sa
kamay ko.

dali-dali kong itinulak ang pintuan ng kulungan pero naka padlock pala.

gusto kong sipain pero hinang-hina na talaga ako


bigla kong naalala ang sinabi ni Kevin na suot parin namin yung damit namin kanina.

dali-dali kong hinubad ang jumpsuit.

kinapa-kapa ko ang jacket na suot ko.

YES ! nasa akin pa yung kutsilyong bigay ni Sophie sa akin.

"Kitty akin na yung kamay mo para maputol ko ang tali" ako

pero sadyang napakalayo niya mula sa akin.

"Kath , unahin mo na si Paul " Milo

"Paul akin na yang kamay mo bilis ! " ako

agad isinandal ni Paul ang kamay niya sa rehas.

thank God naabot ko ito at napakawalan ang kamay ni Paul.

dali-daling tinanggal ni Paul ang sako sa ulo niya.

sinipa sipa ni Paul ang pintuan ng kulungan niya.

buong pwersa niya itong ginawa kayat makaraan ng ilang sipa ay tuluyan na siyang
nakawala.
agad siyang tumakbo sa table kung saan iniwan ni Kevin ang susi.

agad niya itong kinuha at tinulungan akong makaalis doon.

habang inaalayan akong tumayo ni Paul

bigla kaming nakarinig na may naglalakad papunta sa amin.

Si KEVIN PABALIK NA !

dali-daling lumapit si Paul para buksan ang kulungan nila Milo at Kitty

"Run " Milo

"ha ? " ako

"Run baka maabutan pa kayo ! iwan nyo nalang ang susi sa amin .. Run " Milo

"Umalis na kayo bilis " quen

ayaw ko silang iwan kaso hinila ako ni Paul

"Guys babalikan namin kayo " ako


"umalis na kayo bilis " Quen

dali-dali kaming tumakbo ni Paul palayo...

ngunit narinig naming sumigaw si Kevin

"You can run but you cant hide ! hahaha" kevin

binaliwala ko ang sakit at mga sugat ko

tumakbo kami ni Paul at nagtago malapit sa falls.

"Dito ! " paul

bigla akong hinila ni Paul sa isang malaking tubo.

pumasok kami doon at nagtago.

naririnig na naman namin ang mga bakas ng paang papalapit sa amin.

sigurado akong paparating na si Kevin sa pinagtataguan namin.

teka parang napakalaki naman yata ng tubong to..

agad kong hinila si Paul


naglakad kami papasok ng malaking tubo...

lakad lang kami nang lakad hanggang sa makita naming nasa isang underground room
kami.

napatingin ako sa paligid at laking gulat ko sa mga nakita ko...

Nasa isang sulok ang walang buhay na katawan nina Kc , Sir Guzman at Sophie

muntik na akong mapasigaw sa takot mabuti nalang at natakpan ni Paul ang bibig
ko...

"Kath he's coming .. run ! " paul

agad kaming tumakbo

takot na takot na talaga ako ngayon...

takbo lang kami ng takbo nang biglang tumigil sa pagtakbo si Paul.


"K...kath "

napalingon ako sa kanya , tuluyan na akong napaiyak nang makita kong natamaan si
Paul ng isang pana na tumagos sa kanyang tiyan.

tumutulo na ang dugo sa kanyang bibig...

"Paul " agad ko siyang tinulungang tumayo pero pinigilan niya ako..

"Please takbo na please .. i love you please run" paul

wala akong magawa kundi sundin ang sinabi ni Paul

seryosong seryoso ang mukha niya.


_____________________________

[3rd PERSON'S POV]

Kahit na labag sa kalooban ni Kath ay sinunod niya ang sinabi ni Paul na tumakbo.

Gumuhit ang ngiti sa mukha ni Paul nang makita niyang papalayo na si Kath.

naririnig na niyang may naglalakad papalapit sa kanya.

ininda ni Paul ang sakit at tumayo.

nakatayo lang siya doon.

hinihintay niyang magkaharap sila ni Kevin.

pumikit si Paul at huminga ng malalim...

pagbukas ng mata niya nasa harapan na niya si Kevin.


"So youre playing hero now paul ? " kevin

Napa smirk lang si Paul.

kinuha ni Paul ang kutsilyong tinatago niya sa kanyang jumpsuit.

agad niyang inatake si Kevin ngunit sadyang mas malakas sa kanya si Kevin.

nasasaksak niya si Kevin pero unti-unti na siyang nanghihina dahil sa panang tumama
sa kanya.

napahiga si Paul kayat nagkaroon ng pagkakataon si Kevin para saksakin si Paul ng


maraming beses hanggang sa nalagutan ito ng hininga.

"My work here is done " sabi ni Kevin sabay alis sa tunnel.

hindi na niya hinabol pa si Kath.

Si Kath , patuloy lang sa pagtakbo at paggapang.

nakarinig siya ng umaandar na kotse pero nagpatuloy lang si Kath sa paggapang


biglang nakakita ng hagdan si Kath kayat umakyat siya dito.

nakakita siya ng labasan ngunit di niya ito mabuksan ang takip dito , ang tanging
magagawa niya lang ay ilabas ang kamay niya mula sa isang maliit na butas nito at
umasa na sanay may tutulong sa kanya.

"Tuloooong ! " kath

nasa loob na pala ng manwhole si Kath

pagdating ni Kevin sa lugar kung saan niya kinulong ang iba ay napansin niyang may
kulang.

wala na sina Kitty at Milo sa kanilang kulungan

at may isang kulungang nakabukas

samantalang walang malay ang lahat ng mga natitirang bihag.

___________________________________

[DJ'S POV]
"Gising na si Tyler ! " Ria

agad kaming lumapit sa kanya.

hindi na siya kagaya kanina na parang wala sa sarili

"Nasaan ako ? " tyler

"Nasa monitoring rooms ka. okay ka lang ? " Ako

"Oo , shit ang sakit ng ulo ko " tyler

"Ty may naaalala ka ba sa mga nangyari kanina? "ako

umiling-iling lang si Tyler.

"Tyler's been drugged. Im sure " Robbie

napatingin kami sa kanya.

"what? im sure he's been drugged. Thats why pagewang-gewang siya kanina at walang
maalala. Kaya din wala siya sa sarili nang mamatay si Ms. Marie. " Robbie
"Wait.. namatay si Ms. Marie ? " tyler

tumango ako at kinwento ko sa kanya ang nangyari.

napaiyak si Tyler..

"Guys sorry hindi ko alam... hindi ko sinasadya guys sorry ! " Tyler

"hindi mo yun kasalanan , wala ka sa sarili. it was an accident " ako

"Sorry hindi ko talaga alam. Si Kevin ! humanda si Kevin sa akin ! " tyler

"K..kevin ? nakita mo siya ? " Ria

"Where's kevin ?! nasaan sina Kath ? " ako

"naaalala ko na nasa gubat kami , nasa isang magkakahiwalay na kulungan kaming


lahat. Tulog sina kath. Ako lang ang gising. Tapos si kevin....... buhay siya "
tyler

dali-dali akong tumayo at kinuha ang kutsilyo

"Uy saan ka pupunta?" robbie


"hahanapin ko si Kath " ako

pilit nila akong pinipigilan pero hindi ako nakikinig sa kanila.

Si Kath ang importante sa akin ngayon.

Kailangan ko siyang mahanap

agad akong pumunta sa garage.

mas mahahanap ko si Kath kung gagamitin ko ang kotse.

napatingin ako sa relo ko 4:38 am na

drive lang ako nang drive nang bigla akong nakarinig na may sumisigaw.

hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya....

inihinto ko ang kotse.....


naririnig ko parin yung sigaw kayat napatingin ako sa salamin ng kotse.

nakakita ako ng isang kamay mula sa ilalim ng dinaanan ko !

agad akong tumakbo..

"KAAAAATH ! " ako

[END OF CHAPTER 29]

______________________________________

PABITIN MUNA ! hahahah :D

Patay na si Paul

Suspects are down to 12 :)))

*******************************************
[33] Slaughter 30 : Together Forever
*******************************************
Guys.... wag nyo akong papatayin please :)))))))))

kailangan lang talagang mangyari ang chapter nato... haha :D


PEACE guys :**

-haliMAU ♥

___________________________________

[3rd PERSON'S POV]

*beep*

agad napatingin si Kevin sa kanyang pager.

signal iyon ni Darren na may problema...

pagbalik ni Kevin doon ay wala na sina Kath at Paul sa kanilang kulungan kaya agad
niya itong hinabol.

"Kitty umalis na si Kevin , yung kutsilyong bigay ni Paul ? " Milo

agad nakawala ang dalawa mula sa pagkakatali.

sinenyasan ni Milo sa tumahimik lang si Kitty

dali-daling kinuha ni Milo ang susi kayat nakalabas na sila...


biglang hinila ni Milo si Kitty kayat walang nagawa si Kitty kundi tumakbo.

biglang naalala ni Kitty ang kanyang mga kaibigan kayat huminto siya..

"Milo? iiwan lang natin sila doon ? " kitty

"Kitty we have no choice. Narinig mo naman yung sinabi ni Kevin diba ? may kasabwat
siya. may traydor sa atin ! " Milo

"Milo hindi ko kayang iwan ang mga kaibigan natin! HINDI NATIN DAPAT SILA INIWAN "
kitty

"Kitty we have no one to trust but ourselves. All i care about is your safety
please lets go " Milo

wala magawa si Kitty kayat napaiyak na lamang siya habang tumatakbo

Lingid sa kanilang kaalaman ay isa sa mga bihag ang lumabas mula sa kanyang
kulungan. Agad itong nagsuot ng maskara. Dali-dali niyang hinabol sina Milo at
Kitty.
tumatakbo ang dalawa sa gubat ngunit biglang napahinto si Milo.

"Babe bakit ? " Kitty

matagal bago nagsalita si Milo

parang pinakikinggan niya ang paligid

"May humahabol sa atin ! takboooo " Milo

nagpatuloy silang dalawa sa pagtakbo hanggang sa makaabot sila sa isang tulay.

Ito ang tulay na diretso sa backdoor ng school.

ngunit pagdating nila sa gitna ng tulay , napansin nilang nakalock ang rehas na
nagsisilbing pintuan nito.

mula sa malayo ay natanaw na ni Milo na papalapit na ang isang taong nakasuot ng


orange jumpsuit at maskara ng bungo.
Pero si Kitty patuloy lang sa pagtulak ng mga rehas. hindi niya alam na may
papalapit sa kanila.

biglang may kinuha si Milo mula sa bulsa niya.

"Kittybabes" milo

patuloy lang si Kitty sa pagsipa sa rehas habang umiiyak.

"Kittybabes " milo

iniharap niya sa kanya si Kitty

lumuhod siya at ipinakita ang singsing

"Will you marry me ? alam ko wrong timing pero i need to ask you this"milo
halatang nagulat si Kitty.

gusto niyang ngumiti pero nangingibabaw ang takot at luha niya.

"I love you so much kitty , will you marry me ? " Milo

"Yes! oo naman ! Yes ! Yes I love you so much Milo . Yes ! " sigaw ni Kitty habang
umiiyak

They shared a kiss full of love

pagkatapos ay dali-daling inalalayan ni Milo si Kitty na umakyat sa rehas.

Nang makaabot na si Kitty sa kabilang dulo ng tulay ay nagulat siya nang makita
niya ang salarin na papalapit na kay Milo

[PLAY THE SONG ON THE MULTIMEDIA BOX]


"Milo bilis ! akyat bilis ! " Kitty

ngumiti lang si Milo

"I love you kitty please run ...I love you babe " Milo

"No ! No ! MILO NO ! Di kita iiwan ! dont be a hero akyat na bilis !" sigaw ni
Kitty habang hinahawakan ang rehas na naghihiwalay sa kanila.

"Run " milo

agad kinuha ni Milo ang kutsilyong nasa bulsa niya.

inihanda niya ang kanyang sarili dahil napakalapit na niya sa salarin.

inilabas din ng salarin ang kutsilyong dala niya.

bigla niyang sinugod si Milo.

Sigaw ng sigaw si Kitty


Agad nakailag si Milo sa kutsilyo at nasuntok ang salarin. Nagsuntukan ang dalawa
hanggang sa mapahiga sila. Mas malakas ang salarin kayat nasaksak niya si Milo
malapit sa puso nito.

Sinamantala naman ni Milo ang pagkakataon para matanggal ang maskara ng salarin...

"I...Ikaw? paano mo to nagawa sa amin? " sabi ni Milo na biglang napatayo. hinang-
hina na si Milo at napakarami ng dugo ang nawala sa kanya

tumayo din ang salarin..

"Sorry you wouldnt live long enough to hear my story " salarin.

biglang isinandal ng salarin si Milo sa railings ng tulay at pinagsasaksak ito ng


maraming beses.

"MILOOOOOOOOOOO ! STOP IT PLEASE ! MILOOOOOOOOOOO ! " sigaw ng sigaw si Kitty


habang iyak ng iyak

Walang magawa si Milo para makapanglaban dahil nabitawan niya ang kanyang kutsilyo
at hinang-hina na siya.

bago nawalan ng hininga ay napatingin si Milo kay Kitty at ngumiti sa kanya. He


mouthed the words I love you , sa huling pagkakataon.

iyak lang ng iyak si Kitty hindi niya nagawang tumakbo o umalis.

napangiti si DARREN

[darren muna xD hahaha]

agad tinulak ni Darren ang kawawang si Milo sa tulay at nahulog ito sa ilog....

"MILOOOOOOOO ! " sigaw parin ng sigaw si Kitty.

Humarap si Darren kay Kitty at dahan-dahang naglakad..

nakatayo lang doon si Kitty at nakatulala.


palapit ng palapit si Darren habang nakangiti.

tanging isang rehas nalang ang naghihiwalay sa kanila.

Nagsimula si Darren sa pagbukas ng rehas pero si Kitty ay nakatayo lang doon habang
tinitingnan ang walang buhay na katawan ni Milo na inaanod sa ilog.

bago pa man makalapit si Darren ay biglang nagsalita si Kitty.....

"Hindi mo kami mapapaghiwalay...... " Kitty


biglang pumikit si Kitty at humarap sa salarin.

inihulog niya ang kanyang sarili sa ilog.....

sa taas ng pinagbagsakan ni Kitty ay agad siyang binawian ng buhay.

[sa sobra pong taas ng pinagtalunan niya ang impact ay parang nahuhulog sa
concrete]

napangiti ulit si Darren at agad na umalis.

____________________________________

[Dj's POV]
"Kaaaath ! " sigaw ako ng sigaw habang tumatakbo

kilalang kilala ko ang kamay na yun.

agad kong hinawakan ang kamay niya..

"Babe! nandito na ako..nandito na ako..." ako

"D..DEEEJAAAAAY ! " kath

agad kong tinanggal ang takip ng manwhole.

pagyuko ko doon nakita ko si Kath na duguan

agad ko siyang hinila paalis doon.

niyakap ko siya ng napakahigpit.

ramdam na ramdam ko ang takot na nararamdaman niya.

"Kath baby thank god youre alive...akala ko nawala ka na sa akin" ako

hinalikan ko siya ng ilang beses.

iyak lang siya ng iyak.


nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas nakita ko na siya !

tama nga ang sinabi ni Robbie

hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

nagulat ako dahil kitang-kita ko na pinahirapan siya ng masyado ni Kevin

napaiyak ako dahil kitang-kita ko ang mga tinamong sugat at pasa ni Kath.

hindi ko man lang siya naipagtanggol.

"Baby aalis na tayo okay ? " ako

agad ko siyang kinarga papasok sa kotse at isinakay siya sa front seat.

"Sina Kitty ! nasa kulungan pa sila ! babalikan ko pa sila ! " kath

Papaandarin ko na sana ang kotse pero ayaw mag-start maka ilang ulit ko itong
sinubukan pero ayaw parin.

"Anong problema ? " kath


"Naubusan tayo ng gas" ako

naglakad nalang kami habang hinahanap namin sila.

malapit ng mag-umaga kayat hindi na kami nahirapan pa.

nakarating kami sa isang parte ng gubat kung saan maraming kulungan.

pero wala na sila doon.

ni isa wala na kaming nakita sa kanila doon.

biglang nagsimulang umulan ng napakalakas.

sana hindi ito bagyo.....

[END OF CHAPTER 30]

____________________________________

Jhabea fans SORRY :)))

planado ko na po kasi ang lahat para sa story.

I have no choice but to kill their characters ;))))

wag nyo akong patayin ha :))))

*******************************************
[34] Slaughter 31 : Perfect Storm
*******************************************
GUYS

Ako parin po to , si haliMAU

ako po ang solo na magsusulat sa last 10 chapters ng SU pero pagdating po sa


LIKE=DEATH at CHRISTMAS KILLS ay apat na po kami dahil hanggang dito nalang talaga
ang kaya ng powers ko..

THANK YOU PO TALAGA SA INYONG LAHAT.

AS IN SUPER DUPER THANK YOU :)))))

____________________________________

[Detective Rossi's POV]

Hindi namin alam kung nasaan sila.

Hindi sinabi ni Jarred sa kanyang ama kung saan siya pupunta.

Isa lang ang sigurado namin , Magkasama ang magkapatid at nanganganib ang buhay ni
Jarred.

ilang oras ko ding tinawagan ang mga parents ng ibang estudyanteng kasama sa
production ngunit hindi rin nila alam kung nasaan sila ngayon.

Nalaman ko na nagpunta sila sa resort malapit sa university kayat agad kaming


nagtungo doon. Nakausap ko ang staff doon at sinabi nilang ang yate ni Mr. Guzman
ay patungo sa Provident International Boarding School.
Nakasara na ang eskwelahang yun kayat nalilito ako kung bakit doon sila pupunta.

Agad kong tinawagan ang mga kakilala kong police. At sinabing paalisin na ang mga
estudyante doon dahil may masamang mangyayari.

Pupunta daw sana sila doon kaso may bagyo daw na darating kayat ipapagpaliban daw
muna nila tutal hindi din daw siguradong may patayang nagaganap.

Diyos ko !

nauulit ang mga nangyari noon.

Agad kaming bumyahe ni Carlos papunta doon.

kami nalang mismo ang pupunta doon.

_______________________________

[Robbie's POV]

kami nalang tatlo ang nandito.

nagdadasal kami na sana wala ng mapahamak sa amin.

" the communication mainframe was completely sabotaged "Sabi ni Tyler na halatang
natatakot na talaga

ngayon lang pala niya na realize


siyempre yan ang unang gagawin ng killer , he will cut us off from the outside
world para wala kaming mahingan ng tulong...

thus making us prey in his own sick game.

*Weeewooooweeeewoooo*

napakalakas ng sirena..

Not again !

"Robs ano ang ibig sabihin nyan? " Tyler

"Its a storm warning , May bagyong paparating" ako

"Paano na ? Paano na tayo makakaalis ? " Ria

nanlumo kaming tatlo.

we are Sitting ducks.


lumapit sa amin si Ria at tumingin na din sa monitoring rooms.

"Ya ? bakit wala tayo dito sa mga monitors ? " Ria

"Ha? anong ibig mong sabihin ? " ako

"Theres a cctv camera inside this room pero bakit wala tayo dito ? " Ria

"Theres a cctv camera inside this room pero bakit wala tayo dito ? "

"Theres a cctv camera inside this room pero bakit wala tayo dito ? "

"Theres a cctv camera inside this room pero bakit wala tayo dito ? "

nagulat ako sa sinabi niya.

wala namang cctv camera dito noon.

bakit may cctv na ngayon dito sa room?

at bakit wala kami dito sa mga monitors ?

LOADING...
LOADING....

LOADING....

*HORRIFYING REALIZATION*

"Tyler , Ria wag na wag nyong titingnan ang cctv camera dito please JUST ACT
NATURAL " ako

napatingin silang dalawa sa akin.

halatang nagulat sila sa sinabi ko.

"kuya whats wrong ? " Ria

"just calm down and act natural. Someone else is watching us. Hindi dito naka-
connect ang camerang yan. " ako

sinunod naman nila ang sinabi ko kahit na halatang natatakot din sila.

"Robbie may nakita akong laptop sa isang cabinet , I can hack the CCTV camera
feeds ng killer " tyler

tumango ako.

mabuti nalang talaga at magagamit ngayon ni Tyler ang hacking skills niya.
pasimple niyang kinuha ang laptop na parang bored na bored.

after 30 minutes na access na ni Tyler ang camera maging ang laptop na main monitor
nito.

nagulat kami sa aming nakita.

"Guys bakit napakarami natin videos dito?" Tyler

"Malamang may CCTV kaya na nanonood sa atin " Ria

"No I mean kahit nasa university pa tayo " Tyler

Pasimple kaming lumapit ni Ria sa pinanonood ni Tyler sa laptop.

nagulat kami sa aming nakita.

napakaraming Thumbnails ng mga videos.

may videos sa ligawan at hiwalayan nila Dj.


may videos habang kumakain at nagkukulitan kaming lahat na magkakaklase.

may videos habang natutulog kami sa kanya-kanya naming bahay.

may videos kami noong summer kahit na hindi pa kami students sa university.

at may videos sa lahat ng mga patayan.......

"T...teka patay na si Dean Romero? " tyler

kung matagal ng patay si Dean Romero ibig sabihin.

hindi siya ang nagpalano ng lahat.

maaring si Kevin at kanyang kasabwat ang nagplano nito.

"The killer's making a movie " Ria

"Ha?" natigil ako sa pag-iisip nang biglang nagsalita ang kapatid ko.

"The killer is the one making the movie ! all along akala natin tayo ang gumagawa
pero cast lang tayo sa snuff film niya " Ria

"Kaya pala napakaraming cameras sa kulungan namin kanina " Tyler


The killer is making a movie.

So ito ang twist.

We are the REMAKE literally.

"teka sino to? " Tyler

nakakita kami ng isang picture sa computer na ini-hacked ni Tyler..

Lumang picture iyon ng tatlong batang lalaki.

kung hindi ako nagkakamali , Parang si Dixon at Grey yung dalawang bata tapos yung
pangatlong bata ay napaka familiar. Nakita ko na ang mukhang to.... saan ko nga ba
nakita ang mukha ng batang ito?

*BOGSHHH BOGSSHHHH*

nagulat kaming tatlo nang bigla kaming nakarinig na para bang may pwersahang
tumutulak sa pintuan.

agad kaming napatayo.


"kuya.... " sabi ni Ria na takot na takot kayat hinawakan ko ang kamay niya.

"SINO YAN ?! " sigaw ni Tyler

"Kuya diba ito yung scene na ginawa natin noong nakaraang araw. Yung sainyo ni Grey
at Parker? " Ria

tama nga

kaya pala de javu ang nararamdaman ko.

pero may mali ... parang may mali..

Biglang may tumunog na chainsaw na umaandar kayat dun ko na napagtantong tama ang
hinala ko, Gusto na kaming pasukin ng killer !

naririnig naming dinadaanan ng chainsaw ang pintuan.

agad kaming nagsigawan.

"Bilis sa bintana " ako

pinauna ko si Tyler kasunod ay ang kapatid ko at ako ang huli.


bago pa ako tuluyang makalabas ay kitang-kita ko na malapit ng mabuksan ng killer
ang pintuan. Ang maskarang suot niya ay kagaya kay Kevin...

napakalakas ng ulan kayat kahit takot na takot kami ay ingat na ingat kaming
madulas.

si Tyler ang nasa unahan kayat siya ang sinusundan namin.

naunang naka-abot si Tyler sa isang bukas na bintana.

"Guys may bintana na .. wohoooo! muntik na yun ah " sigaw niya.

kumapit muna siya nang mabuti sa bintana.

nang masiguro niyang hindi siya madudulas ay dahan-dahan niyang iniangat ang
katawan niya.

bago pa siya tuluyang makaakyat ay lumingon na siya sa amin.

"Bilisan nyo " Tyler

ngunit di na kami nakapag-react pa.


nagulat kami nang mapansing may naghihintay na pala sa bintana...

"Tyler alis diyan ! " sumisigaw na kami.

"Ha? " biglang napatingin si Tyler sa tinuturo namin..

ngunit huli na ang lahat.

biglang may sumaksak ng kutsilyo sa kanyang mukha.

"Tyleeeerrr ! " kami

agad nahulog ang walang buhay na katawan ni Tyler sa baba.

ibinalik namin ang tingin sa bintana kung saan nakatayo ang pumatay kay Tyler. Naka
suot siya ng orange jumpsuit at maskarang bungo.

"Ria wag kang bibitaw ! stay there ! " ako

dali-dali kong ipinatong ang paa ko sa corner ng isa pang bintanang dinaanan namin.

agad kong sinipa ang bintana.

dahan-dahan akong pumasok doon.


"Ria bilis pasok ! " ako

agad kong inalalayan ang kapatid ko na makapasok mula sa bintana.

nanginginig na sa takot ang kapatid ko.

basang basa kami sa ulan.

iyak ng iyak ang kapatid ko.

nakapasok pala kami sa Kwarto sa girls dormitory.

alam kong pupuntahan kami ng salarin kayat agad kaming lumabas doon ni Ria.

takbo lang kami ng takbo...

malaki ang posibilidad na makikita kami ng salarin dahil nandoon siya sa monitoring
rooms.

napansin kong wala ng cctv cameras sa dinadaanan namin kayat agad kong kinapa-kapa
ang sahig....

"Ria kapain mo kung may lagusan " ako

hanap kami ng hanap.

binibilisan namin dahil kahit na anong oras pwedeng dumating ang dalawang
salarin....

"Ya dito ! " ria


agad ko siyang tinulungang buksan ito at agad kaming pumasok.....

Gapang lang kami ng gapang

ako ang nasa unahan para magagabayan ko ang kapatid ko.

"Ria umiwas ka kapag wooden na ang kisame " ako

natuto na ako nang dahil sa nangyari noon.

gapang kami nang gapang hanggang sa napansin kong naging maluwag ang dinadaanan
namin.

hindi pamilyar sa akin ang lugar

marahil hindi namin ito nadaanan noon.

napansin kong nasa basement na pala kami.

nagulat kami ni Ria nang bigla kaming nakakita ng isang kulungan.

mayroon dalawang taong nakasuot ng jumsuit.


agad namin itong nilapitan at tinulungan....

wala silang malay kayat tinanggal na namin ang mga sako sa kanilang ulo...

"KAT ? DOMINIC ? " ako

[END OF CHAPTER 31]

_________________________________

*******************************************
[35] Slaughter 32 : Grabbed
*******************************************

MALAPIT NG MATAPOS ANG SLAUGHTER UNIVERSITY

I LOVE YOU GUYS :*****

____________________________________

[DJ's POV]

Gapang lang kami ng gapang ni Kath.


ito lang kasi ang paraan namin para makapunta sa monitoring rooms.

nakalock na kasi ang ibang pintuang dinaanan ko dito kanina.

naririnig kong umiiyak si Kath

alam kong natatakot siya sa mga daga.

matagal ng may phobia sa daga si Kath kayat torture to para sa kanya.

"Babe close your eyes , hawakan mo lang yung paa ko as guide " ako

sinunod din ako na kath.

gapang lang kami nang gapang nang biglang nagsalita si Kath..

"babe parang may gumagapang din" kath

patuloy lang kami sa paggapang pero nakatuon ang tingin ko kay Kath.

"Sure ka? saan ba-------------BOGSH" di ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang


may nabangga ako.
"AAAAHHHHH ! " sigawan kaming lahat.

pagtingin ko , Si Robbie pala ang nabangga ko.

nakapikit si Robbie tapos sigaw ng sigaw

*pok*

nasapak ko bigla

tumigil naman si Robbie sa pagsigaw at naghahabol pa ng kanyang hininga.

"Nyeta ka ! ikaw lang pala yan muntik na kaming atakihin sa puso. " ako

naghahabol parin si Robbie ng hininga habang hinahawakan ang kanyang puso.

"Ya? anong nangyari ?! YA ?! " Ria

"RIAAAAAA ! " sigaw ni Kath

"KAAAAAAAATH ! " may sumigaw pero di pamilyar ang boses nito pero parang sa lalaki

"K..kuya dominiccc! " sigaw ni Kath at halatang naiyak siya


nakahinga na ng maluwag si Robbie na parang nahimasmasan na.

"aaaiishhhh natakot talaga ako dun. Langya pakiramdam ko huminto ang puso ko sa
gulat ! " robbie

"Ikaw lang ba?! mas nakakatakot kaya ang mukha mo ! " ako

"Guys ! pwede ba mamaya nalang ang usapan yung mga daga lumapit na.. huhuhu " Kath

Gapang kaming lahat ng gapang

hindi muna kami nag-uusap

lahat kami kinakabahan sa mga susunod na mangyari.

maraming likuan ang mga tunnels kayat kung saan saan kami gumagapang.

Si Robbie ang nanguna sa amin dahil mas may karanasan na siya dito.

Pinsan pala ni Kath yung lalake kanina.

magkasama sila nung girlfriend niya na survivor din dito.

nakaramdam si Robbie ng isang labasan kayat napagdesisyunan naming lumabas doon.


nagulat kami dahil nasa Kitchen pala kami.

wala pa kaming kain lahat kayat we grabbed any food we can.

kanya kanya kami ng lamon.

nalaman naming dumating pala dito kagabi sina Dominic at Kat pinalanghap din sila
ng pampatulog kayat ngayon lang kami nagkita-kita.

"nasaan sina Kitty at Milo? " kath

walang nakasagot sa kanya

ni-isa sa amin walang kaalam-alam kung nasaan sila.

"Guys kevin is making a movie , planado na niya to lahat. Sinubaybayan na niya tayo
kahit noong summer pa. Sigurado akong si Kevin din ang nagpasok sa atin sa
university " Robbie

"Kevin's alive? " Dominic

"Oo it was all just an act , kasali tong lahat sa mga plano niya" Kath

biglang lumapit si Dominic kay kath at tiningnan ang mga sugat na tinamo nito.

" Siya bang may gawa sa iyo nito ?! " dominic


umiyak lang si Kath

"Siya ba ang gumawa nito ?! " dominic

agad pinakalma si Dominic ni Kat.

"Dom walang magagawa ang galit mo ngayon ?! " kat

"bakit pa niya kailangang idamay ang pinsan ko dito ?! " dominic

"All of us are here for a reason. Gumagawa ng pelikula si Kevin kaya nauulit ang
mga nangyari noon. Wala tayong ibang sisisihin kundi si Kevin " Robbie

"SSSHHHHHHH... "

bigla kaming natigil dahil biglang nagsenyas si Ria na tumahimik kami.

may naglalakad papunta sa amin !

dali-dali kaming pumasok sa lagusan....


Gapang kami ng gapang.

Robbie

Ria

Ako

Kath

Dominic

Kat

[posisyon sa tunnels]

napapansin naming medyo sumisikip na naman ang ginagapangan namin.

Shit kinakapos na ako ng hininga.

nagpatuloy lang kami sa paggapang ng biglang....

"KYAAAAAAA ! " napasigaw si Kath ng napakalakas.

sina dominic at Kat napasigaw din.


biglang may ilaw na tumama sa amin.

dun ko lang na realize na may biglang kumuha kay Kath.

Sobrang bilis ng pangyayari wala kaming nagawa.

biglang sumara ang pintuan..

"KAATH ! KAATH ! " agad naming pinagpapalo ang labasan kung saan kinuha si Kath..

palo lang kami ng palo ng biglang..

*PAK*

may itak na itinusok ang salarin mabuti nalang at walang natamaan.

"kath! " sigaw parin kami ng sigaw

biglang umangat ang itak...

"GAPANG NAAA BILIS ! GAPAAAANG !" napasigaw si Robbie

bigla na namang ibinagsak ng salarin ang itak kayat kanya kanya ng gapang ang iba.
nagkahiwa-hiwalay kaming lahat.

magkakaibang direksyon ang tinungo nila

naiwan ako doon kung saan kinuha si Kath.

ayaw kong gumalaw patuloy lang ako sa pagpalo doon at pagtawag kay Kath , rinig na
rinig ko parin siyang sumisigaw

bigla na namang ibinagsak ang salarin ang itak kayat agad akong umilag.

napakasikip doon kayat nahihirapan na ako.

wala akong choice kundi gumapang palayo...

patuloy parin ang salarin sa pagsaksak ng itak sa direksyon ko.

Gamapang lang ako nang gapang ng biglang


*PAK*

ramdam na ramdam kong timaan ng itak ang paa ko

bigla naman agad na inihugot ng salarin ang itak

"SHIT ! " napasigaw ako sa sakit

hindi ko na ininda ang sakit at gumapang....


pangako Kath babalikan kita.....

[END OF CHAPTER 32]

*******************************************
[36] Slaughter 33 : Im Tired
*******************************************
Di ko na patatagalin to....

eto na.......

eto na......
eto na talaga......

[Kathryn's POV]

"Kyaaaaaaa ! "

sigaw lang ang nagawa ko nang biglang may humila sa akin.

dalawang tao ang humila sa akin

Gulat kaming lahat sa nangyari kayat hindi na ako nakalaban pa....


pagkakuha sa akin

bigla akong inihagis sa sahig.

Shit ang sakit nyeta.

sigaw lang ako ng sigaw dahil sobrang saki na ng likod ko.

"GAAAAAAAAAAAAAAAA ! ako na ang baliw , sigaw lang ako ng sigaw sa sakit

may isang salarin na dinadaganan ko

ang isa naman ay sinasaksak ang iba gamit ang itak.

"NOOOOOOOOOO ! " sigaw lang ako nang sigaw dahil patuloy lang ang ang isang salarin
sa pagsaksak.

"AAAAAH ! " ako

nagpupumiglas ako dahil di ako makagalaw.


bigla kong napagtanto na nakasuot ng orange jumpsuit ang salarin ...

SHIT ! totoo ngang may traydor.

i gathered all my courage.

pumukit ako.

*BOGSH*

buong pwersa kong ibinangga ang ulo ko sa ulo ng salaring nakadagan sa akin.

shit ang tigas talaga ng ulo ko dahil nabitawan ako ng salarin at napahawak siya sa
ulo niya sa sakit.

agad akong tumakbo...napakasakit ng ulo ko... may tumutulong dugo...

shit dumudugo na naman ang noo ko.

shit , ito na , ito na talaga ang pinakamabilis kong pagtakbo sa buong buhay ko.
medyo pagewang gewang pa ako dahil hilong-hilo na talaga ako...

sobrang sakit ng ulo ko...

nyeta ang sakit ng ulo ko....

then everything went black

*blaag*

---------------------------------

dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko...

shit nawalan na naman pala ako ng malay...

nandito ako ngayon sa isang opisina....

nasa isang sofa ako...

agad akong bumangon..


ako lang mag-isa ang nasa kwarto....

agad akong lumabas..

Dafuq bakit nag-iisa lang ako dito ?

imposible namang hayaan nila akong mag-isa dito...

ang lakas lakas ng ulan , rinig na rinig ko ang malalakas na kulog.

tinatakpan ko nalang ang tenga ko.

Ano na naman ba to ?!

bakit ako nalang mag-isa ?!

pagod na pagod na ako...

ayoko na...

sobrang sakit na ng mga sugat ko.

hindi ko na kaya..
"KEVIN YOU SICK SON OF A BITCH !! WHAT ARE YOU WAITING FOR ?! WHAT ARE YOU WAITING
FOR ?! YOU COWARD! YOU SICK COWARD ! NANDITO AKO PATAYIN MO NA AKO ! AYOKO NA !
PANALO KA NA! IM TIRED OKAY , IM FVCKING TIRED!" sigaw lang ako ng sigaw habang
naglalakad ako sa corridors. Hindi ko alam kung nasaan ako pero sigurado akong nasa
school pa ako.

ayoko na....

mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa magtiis ng ganitong sakit.

ramdam na ramdam ko ang sakit sa katawan ko.

ayoko na....

"KAAAAATH ! "

nakarinig ako ng sigaw mula sa isang kwarto...

agad akong pumasok doon.

pagbukas ko nadatnan ko si Quen na nakatali sa isang tabi...

nagpupumiglas siya.
"Quen!" agad akong tumakbo palapit sa kanya..

"Nasaan ang kapatid ko ? Si..si Kayla ?! " Quen

"Di ko alam ..d..di ko alam " agad akong naghanap ng kahit anong matalim na bagal
sa table. Kailangan kong mapakawalan si Quen

thank God nakakita ako ng gunting

agad ko siyang kinalagan...

biglang bumukas ang pinto...

napalingon ako...

"Shit " yun lang ang nasabi ko nang makita ko si Kevin sa pintuan habang
nakangiti..

"Kath bilis " Quen

bigla niya akong pinatayo at binuksan ang bintana...


agad akong lumabas mula doon.

"Quen bilis " ako

"Climb to the other window . Dont stop , Dont look back . Just run okay . Dont stop
running until youre safe " Quen

biglang isinara ni Quen ang bintana....

ngumiti siya sa akin...

nakakapit parin ako sa ladder. mabuti nalang talaga at may vertical ladder doon.
napakalakas ng ulan. Basang basa na ako. Napakahapdi dahil nababasa ang sugat ko.

"Quen no ! Get the hell out of there" ako

ngumiti ulit si Quen...

i heard him shout Go....


wala akong magawa

i just closed my eyes and climbed to the other window..

tuluyan na akong nakapasok sa isang kwarto

*BANG*

at may sumigaw

di ko mapigilang mapaiyak..

andami ng nag sakripisyo ng dahil sa akin...

ang sakit dahil ako ang dahilan ng pagkamatay nila...

[END OF CHAPTER 33]

________________________________

vote & comment pleeeasssee :))))

Alam ko ang iba sa inyo ay naguguluhan :D bwahahaha

*******************************************
[37] Slaughter 34 : The Face of Evil
*******************************************
Alam ko sa chapter nato , may idea na kayo sino ang killer

Maaaring tama maaaring mali but thats okay :)

story lang naman to . hahaha

wag kayong mag-alala another half of the puzzle will be solved here..

as Robbie says , NOTHING IS COINCIDENTAL

________________________________

[DJ'S POV]

Patuloy lang ako sa paggapang hanggang sa mapansin kong may pintuan sa dinadaanan
ko.

Agad na akong lumabas mula doon.

Laking gulat ko nang mapansing nasa isang kwarto ako.

Isang kwartong puno ng mga laptop at Film equipments.

nagulat ako nang mapansing karamihan sa mga laptop ay may naka-play na mga videos.
nakuha ang atensyon ko ng isang laptop.

Tumulo ang luha ko ng mapanood ang isang video na naka-play kung saan pinagsasaksak
si Milo at ang pagpapakamatay ni Kitty.

*BLAG*

biglang bumukas ang pintuan.

biglang pumasok si asdfghjk nakasuot siya ng orange jumpsuit.

duguan ang mga kamay niya.

nakangiti lang siya sa akin.

evil grin to be exact.

"Galing ah , buhay ka pa pala " asdfghjkl

K...kasabwat sila ni Kevin?

"IKAW?! " ako


"Oo ako nga , surprised Jarred?" asdfghjk

"P..paano mo nagawa sa amin to? "ako

"pare-pareho lang talaga kayo ng mga tanong , by the way musta na si daddy? balita
ko nakamove-on na daw ang matanda? " asdfghjk

"Daddy?? " Tanong ko. Litong lito ako

"Oo Daddy as in PAPA , TATAY , AMA , FATHER .... as in DADDY natin " asdfghjkl

"D...DARREN? ikaw si Darren? " ako

"Ay hinde hinde ! siya ! siya ! " asdfghjkl

All this time siya pala ang kapatid ko

All this time niloko niya lang kaming lahat

Hindi si Dixon ang kapatid ko.


Siya ... siya pala talaga ang totoong kapatid ko

_____________________________________

[KATHRYN'S POV]

pinunasan ko ang luha ko at tumayo.

napatingin ako sa paligid.

Dafuq nasa kwarto ko pala ako.

yung kwartong tinutuluyan namin ni Kitty

galing din naman oh , ang bait ni tadhana dito pa ako nadiretso.

basang-basa ako sa ulan, punong puno ako ng dugo.

mamamatay nadin naman ako kayat mabuti pang mamatay akong malinis.

at least hindi nakakahiya kapag nakaharap ko si God.

naghilamos lang ako at nagchange ng damit.


biglang nahulog ang isang kutsilyo mula sa bulsa ko

pinulot ko agad ito at inilagay sa bagong jacket na suot ko.

napatingin ako sa salamin.

bugbog sarado pala talaga ako , andami kong sugat at pasa sa mukha.

umupo nalang ako sa kama ko.

naghihintay lang akong dumating si Kevin para patayin ako.

alam ko namang alam niya na nandito ako.

nakapikit lang ako nang biglang may narinig akong naglalakad sa labas.

heto na....

malapit na talaga ang katapusan ko...

i started to utter my prayers.

"Our father in heaven------------------------------- "


natigil ako sa pagdadasal ng biglang may narinig akong nag-uusap sa labas.

"Kuya asan ang iba? hindi ba natin sila hahanapin ???"

yung boses na yun...

Sina RIA !!!

dali-dali akong lumabas.

nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sila.

muntikan silang mapasigaw sa gulat.

"oh god! salamat nakita ko kayo " ako

di ko mapigilang mapaluha dahil takot na takot na talaga ako

"Bebekath Anong nangyari sayo" Ria

lalapitan sana ako ni Ria pero bigla siyang pinigilan ni Robbie.


kakaiba ang tingin sa akin ni Robbie.

"Bakit? " sabi ko habang dahan-dahan na lumapit.

biglang umatras si Robbie tapos hinila si Ria .

bakit nila ako nilalayuan?

"Kath wag kang lumapit" robbie

napanganga lang ako sa gulat

napaka-cold ng boses ni Robbie

"Guys bakit? " ako

"Kath wag kang lumapit please " robbie

"Kuya ! " Ria

"Ria tara na ! " biglang hinila ni Ria si Robbie palayo.

tumakbo si Robbie kayat napatakbo din si Ria.

napaupo lang ako sa sahig habang hinahawakan ang ulo ko.


litong lito na ako sa nangyayari.

takot na takot na ako.

sariling mga kaibigan ko nilalayuan ako.

Tumayo ako at tumakbo

kailangan kong mahanap sina Dj

magagawa ko yun kapag nakarating ako sa monitoring rooms.

Natigil ako sa pagtakbo ng makita ko ang isang taong nakasuot ng black jacket at
maskarang bungo , may kinakaladkad siya. Isang katawan ng babae

bigla akong napatingin sa suot ko

SHIT bakit magkapareho kami ng jacket na suot?

mas ikagulat ko ng tuluyan kong nasilayan kung sino ang kinakaladkad niya.

Si KITTY!

wala na si kitty
nanginginig na ang tuhod ko

iyak lang ako ng iyak

gusto kong sumigaw gusto ko siyang lapitan

yung bestfriend ko wala na..

biglang napatingin sa akin ang salarin.

bigla akong nabalik sa reyalidad.

dahan-dahan siyang lumapit sa akin kayat napatakbo ako.

naririnig kong hinahabol din niya ako kayat mas binilisan ko ang pagtakbo.

natigil lang ako sa pagtakbo nang makitang dead end na pala ang tinatakbuhan ko.

wala akong ibang magawa kundi ang kunin ang lampshade at manglaban.

nakatayo lang ako doon.

biglang dumating ang salarin.


magkaharap na kami.

agad kong inihampas sa ulo niya ang lampshade pero parang baliwala lang sa kanya.

napaatras ako

may kinuha siya mula sa bulsa niya

isang panyo

"Matulog ka muna " salarin

agad niya akong niyakap kayat agad akong nagpumiglas.

mas malakas siya sa akin.

alam niyang marami akong mga tinamong sugat kayat sinadya niyang yakapin ako ng
napakahigpit.

siniko-siko ko siya ng maraming beses

lahat ng lakas ko binuhos ko sa bawat sipa at sapak ko sa kanya.

nakita kong nabitawan niya ang panyo kayat naglakas loob akong sipain ang private
part niya.

"Gaaaaaaaa ! " napasigaw siya sa sakit at napaluhod

Napaisip ako bigla , kung si Kevin siya ay baka binugbog na ako nito

pero hindi, parang gusto lang niya akong patulugin tapos hindi pa siya masyadong
nanlalaban. Niyakap niya lang ako para hindi ako makapagpumiglas.

nakaluhod parin siya kayat i grabbed the opportunity

Tinanggal ko ang maskara niya........................

gulat na gulat ako nang makita ko kung sino siya..........


biglang nagsimulang tumulo ang luha ko

nararamdaman kong nanginginig ako sa takot at gulat

"K....

"KOKEY ?! "
[ayy sorry , lang trip . hahahhahahaha]

"ENRIQUE ? " ako


natakpan ko ang bibig ko.

hindi ko inaasahang siya ang tatraydor sa akin....

------FLASHBACK------

[3RD PERSON'S POV]

"Climb to the other window . Dont stop , Dont look back . Just run okay . Dont stop
running until youre safe " bilin ni Quen kay Kath.

pagkatapos ay bigla niyang isinara ang pinta.

he mouthed the words GO

agad siyang humarap kay Kevin

pumalakpak si Kevin

"WOW ! that was very convincing! Inulit mo pa talaga ang linya ni Ethan pati ang
buong scene *clap clap* And the best actor award goes to DUG DUG DUG " kevin
*BANG*

biglang binaril ni Quen si Kevin sa kanyang tuhod.

agad napasigaw si Kevin sa sakit.

"I TOLD YOU SO MANY TIMES ! SO MANY TIMES! DAPAT HINDI MASAKTAN SI KATH ! i told
you clearly right na wag sasaktan si Kath ! pahirapan mo na lahat wag lang siya
pero anong nangyari ? Sa lahat lahat siya ang pinaka pinahirapan mo " Quen

-----END OF FLASHBACK-----

[END OF CHAPTER 34]

_____________________________________

GUYS ! uyyyy, alam ko kung ano ang reaction nyo ngayon. hahaha
*CLAP-CLAP*

ANG GALING NYO TALAGA :)))))))

IM SO PROUD SA INYO *teary eyes/ clapping wildly*.

hahahaha

He was the killer all along , TAMA ang inyong mga hula

sa simula palang tama talaga kayo

gusto ko lang talagang guluhin ang mga utak niyo :)))

i love you guys

thanks for reading ;))))

WAG BIBITIW , MARAMI PANG MGA MANGYAYARI

VOTE and COMMENT

*******************************************
[38] Slaughter 35 : Pretensions of a Psychopath
*******************************************

CONFIRMED : Si Enrique talaga ang killer

kayat *CLAP-CLAP* sa mga nakahula youre so super galing.

alam ko naman na kayong lahat isa talaga si Quen sa mga pinaghihinalaan nyo.

Pasensya na pala if medyo predictable.

__________________________________

[KATHRYN'S POV]
"Enrique.... paano mo nagawa sa amin to? How could you betray us? Akala ko ba
magkaibigan tayo? " ako

hindi ko na talaga napigilan ang luha ko.

ang sakit pala ng pakiramdam kapag tina-traydor ka ng taong pinagkatiwalaan mo.

"No.. hindi ka naman talaga sana masasali eh , I have no choice okay? " Quen

bigla siyang tumayo

naglakad siya papalapit sa akin kayat napaatras ako.

"Hindi masasali ? You killed my friends you son of a bitch! Nasaan ang pinsan ko !
Nasaan sina DJ ?!" ako

"Parati nalang si DJ?! bakit ba puro dj ka nalang?! Yung kapatid ko? kalimutan mo
na yun! ako ang nararapat sayo ! " quen

kapatid?

akala ko ba si Dixon ang kapatid ni DJ ?


"Anong sinasabi mo? magkapatid kayo ni Dj ? " ako

"Oo , unfortunately siya ang long lost and shouldve been dead little brother ko.
Adopted lang ako di ko totoong kapatid si Kayla " Quen

"Baliw ka! you stay the hell away from me! i hope you rot in hell you son of a
bitch ! " ako

abot langit ang galit ko sa kanya.

nang dahil sa kanya namatay ang mga kaibigan ko.

"Look kath , you dont have to be mad ---" quen

"MAD? you think im MAD?! MAD DOESNT BEGIN TO DECRIBE WHAT I FEEL. YOU KILLED MY
FRIENDS! SILA YUNG TOTOONG KAIBIGAN KO ! WALA SILANG KASALANAN SAYO! WHAT DID WE
EVER DO TO YOU?! YOU ARE THE ONE WHO DESERVE TO DIE ! NOT THEM " ako

"Im still here kath " Quen

"YOURE NOT MY FRIEND ! YOU WERE NEVER MY FRIEND! " ako

dali-dali ko siyang tinulak at tumakbo....


takbo lang ako ng takbo

naglalakad lang siya pero sinusundan niya ako.

binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa makarating ako sa music room.

napatingin ako sa loob at nakita kong nakatali sa loob sina James at Kayla

dali-dali akong pumasok.

nadatnan kong umiiyak si Kayla habang nakatali

si James naman ay may busal sa bibig...

pawang duguan silang dalawa.

"Kath! " kayla

agad ko silang kinalagan gamit ang kutsilyong bigay sa akin ni Sophie

"Salamat kath! " james

nang makawala na ang dalawa ay agad kaming lumabas mula doon...


"Nasaan ang iba? nasaan si Kuya? "kayla

hindi ko na siya sinagot

alam kong hindi siya agad maniniwala kung sasabihin kong isa si Quen sa mga
salarin.

Takbo lang kami ng takbo.

*BANG*

biglang nadapa si James

"James ! " ako

plakda si James sa sahig , duguan at walang malay

tutulungan ko pa sana siya pero bigla akong hinila ni Kayla

"Kath tara na... bilis " sabi ni Kayla habang umiiyak

napatingin ako sa likuran namin nakita ko si Quen na may hawak ng baril , nakangiti

siya pala ang bumaril kay James


Takbo parin kami ng takbo hanggang sa umabot kami sa clinic.

napakalaki nito at napakadilim

agad kaming pumasok ni Kayla at nagtago.

napakaraming beds doon kayat magkahiwalay kami sa pinagtataguan.

narinig naming pumasok si Quen

"Nagtataguan pa kayo , mahahanap ko parin naman kayo " quen

tinatakpan ko lang ang bibig ko

nasa ilalim ako ng isang kama , nakapikit lang ako pero ang luha ko lumalabas
parin.

napakatahimik ng paligid.

nakahinga ako ng maluwag dahil narinig kong bumukas ulit ang pintuan.
"AAAAAAAAHHHHHHHH ! " napasigaw ako nang biglang may humatak sa paa ko. Hindi ko na
nagawang makakapit pa . Tuluyan na niya akong nahila.

"Kath stop running ! " Quen

sigaw lang ako ng sigaw dahil pilit niyang inilalagay ang panyo sa bibig ko

muntik na niya akong mapalanghap ng pampatulog , mabuti nalang at tinulungan ako ni


Kayla.

bigla niyang sinabunutan si Quen.

"Kuya stop it ! anong nangyayari sayo " Kayla

agad kong sinipa ang ulo ni Quen kayat napahiga siya.

dali-dali kong hinawakan ang kamay ni Kayla at tumakbo palayo.

takbo lang kami ng takbo pero naririnig kong hinahabol kami ni Quen.
hingal na hingal na ako

pagad na pagod na ako

naririnig kong umiiyak si Kayla habang tumatakbo

naaawa ako sa kanya , mas nasasaktan siya dahil sariling kapatid niya ay tinraydor
siya.

nagtago kami sa laundry room.

iyak parin ng iyak si Kayla kayat pilit ko siyang pinapatahan.

"Kath paano to nagawa ng sarili kong kapatid? " kayla

"hindi mo siya totoong kapatid " ako

"sasaktan din ba niya ako? hes my brother but" kayla

naririnig naming naglalakad si Quen sa labas

alam kong papasok siya dito kayat naghanap ako ng paraan para makaalis.

nakakita ako ng isa pang pintuan.

"Kayla dito " ako


agad kaming tumakbo ni Kayla at tumakbo doon.

next thing i know , nasa corridors na naman kami.... tumatakbo..

"Kath dito bilis " kayla

pagpasok namin , nasa isang classroom pala kami.

napakadilim ng paligid

di ko maaninag ang pinasukan namin.

"Kayla tara na , maaabutan niya tayo dito " ako

"No dito lang tayo " kayla

biglang bumukas ang ilaw

napatingin ako sa paligid.

nagulat ako nang makitang may mga kulungan doon.


"Kayla ano a----------------"

di ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil paglingon ko sa kanya ay bigla niya


akong tinulak papasok sa isang kulungan.

I was caught off guard kaya tuluyan niya akong napasok doon.

para akong isang hayop na nakakulong sa isang malaking hawla.

pinagsisipa ko ang kulungan ngunit huli na , na-lock na niya ang kulungan at hindi
ko ito maabot

"KAYLA PALABASIN MO AKO DITO ! " ako

Nagkaroon ng Question Mark ang mukha ko.

emotionless lang si Kayla na nakatayo sa harapan ko.

"AND CUT ! " kayla

yung emotionless niyang mukha ay napalitan ng ngiti.

agad niyang pinunasan ang luha niya.


ang tanga ko! ngayon ko lang napansin na dumudugo ang noo niya

siya yung nakaheadbutt ko kanina.

"Kayla how could you do this to us! palabasin mo ako dito !!! " sigaw ako ng sigaw
habang sinisipa ang kulungan

tumawa lang siya.

"Shut up kath " kayla

biglang bumukas ang pintuan....

pumasok si Quen....

inakbayan agad ni Kayla si Quen.

"Kuyaaaaa , sorry masakit ba yung sabunot ko? " kayla


"lampa ka parin di man lang ako nasaktan "sabi ni quen sabay tawa

"Oh my God! youre both sick! Mga baliw kayo! Palabasin nyo ako dito ! " sigaw lang
ako ng sigaw. Tinitingnan ko palang silang dalawa ay kinikilabutan na ako.

biglang sinipa ni Kayla ang kulungan ko

"Tumahimik ka ! " kayla

agad naman siyang hinila ni Quen

"Oh , wag ganyan kay , yung usapan natin kath wont get hurt okay? " Quen

tumango lang si Kayla.

"Kuya kailangan ba talaga nating buhayin yang babaeng yan? i get that shes our
final girl but sisirain lang niya ang plano natin "kayla

final girl?

mga baliw !

DAFUQ!

i need to get out of here

"She's important to me okay kayat please hayaan mo nalang ako sa plano ko. By the
way hindi ko pa nahuhuli sina Robbie at Ria" Quen
"Ako lang ang bahala sa kanila " Kayla

no

not them ! oh God

"Dont you dare hurt them you bitch ! Papatayin kita !!! " sigaw ako nang sigaw
habang inaalog ang kulungan ko. Gusto kong umalis dito ! Gusto kong tulungan ang
mga kaibigan ko !

"Oh Gosh im so scared " saracastic na sabi ni Kayla

si Quen naman tumatawa lang

"PLEASE DONT HURT MY FRIENDS PLEASE ! PLEASE ! " ako

"Di yun pwede babe may kasalanan sa akin si Robbie " Quen

BABE?!

EWWWWWWW!

SHIT !

"Never call me that you psycho ! Mabait na tao si Robbie compared sayo ! Dont you
ever hurt them!!" ako
"Malaki ang kasalanan niya sa akin lalong lalo na sa kaibigan ko! Isa siya sa mga
pumatay kay Dixon! " ako

"Dixon?! what the fvck is wrong with you ! DIXON TRIED TO KILL THEM , HELL HE EVEN
KILLED MY COUSIN YOU PSYCHO ! HE DESERVED TO DIE HE DESERVED TO SUFFER ! " ako

biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Quen

halatang nagalit siya sa sinabi ko.

bigla din niyang sinipa ang kulungan ko.

"Dixon was my friend ! he was my bestfriend ! they tortured him to death and I will
avenge his death!"Quen

"So avenge his death thats your Motive?! BOBO ! alam mo bang si Kevin ang mismong
pinakanag-torture kay Dixon ?! BOBO ka kung sinasabi mong yan ang motive mo!
kakuntsaba mo ang pinakadapat mong paghigantihan!" ako sabay smirk

"Si Kevin??? kasali siya? " quen na halatang naguguluhan

"Kuya dont listen to here , Ginugulo lang niya ang utak mo okay? Una na ako " kayla

tumango lang si Quen


"No ! No dont hurt them please ! please ! " iyak lang ako ng iyak at sigaw ng sigaw

gusto kong tulungan ang mga kaibigan ko

ayaw ko silang mapahamak..

pero wala akong magawa

im locked inside this damn cage !

"Quen please please , im begging you please dont kill them ! Stop killing my
friends please ! please! " ako

nagmamakaawa na ako sa kanya.

maiyak-iyak na din ako para maawa siya

"Kath I love you but im sorry i have my own plans.. mauna na ako , behave ka lang
diyan " Quen

shit ! shit !

"YOU SON OF A BICTH ! I HOPE YOU DIE ! MAMATAY KA SANA ! ROT IN HELL YOU
PSYCHO !!!!! " sigaw lang ako ng sigaw.

umalis si Quen kayat naiwan akong mag-isa dito.


hindi ako makaalis.

wala akong magawa kundi mapaiyak nalang at magdasal na sanay wala ng mapahamak.....

[END OF CHAPTER 35]

_______________________________________

3 KILLERS BWAHAHAHAHA :DDD

reactions pleaaaaase ;)))))

VOTE and COMMENT :)))

*******************************************
[39] Slaughter 36 : Her Script
*******************************************

____________________________________

[RIA'S POV]

"Kuya bakit mo ginawa yun kay kath ?! Anong problema mo?! " ako

napatakbo ako dahil kay Kuya

pilit niya akong hinihila.


Nasa Teacher's Building na kami ngayon.

tumigil si Kuya sa pagtakbo kayat tumigil nadin ako.

"Kuya answer me! kaibigan natin si Kath! nakita natin ang mga sugat na tinamo niya
tapos ginawa mo yun?! Anong klaseng kaibigan ka ? no... ANONG KLASENG TAO KA?! "
ako

hindi ko maiwasang mataasan ng boses si Kuya dahil awang-awa ako kay Kath.

nagkakapatayan na nga tapos nagawa pa namin siyang iwan

"The one that's being careful. Okay I know what I did was wrong pero wala akong
magagawa! Hanggat sa di pa natin nakikilala ang kasabwat ni Kevin ay wala tayong
dapat pagkatiwalaan. At isa pa yung jacket na suot ni Kath ay kaparehong-kapareho
ng suot ng salarin. Isipin mo nga she was dragged out of the tunnels kanina just
like what happened to Dixon " Kuya

naiintindihan ko si Kuya kaya tumango nalang ako

may tiwala ako kay Kath pero sa ngayon kailangan kong sundin si Kuya.

Maingat kami ni Kuya sa bawat dinadaanan namin.

iniiwasan naming dumaan sa mga lugar na may CCTV camera dahil baka makita kami ni
Kevin.
Lakad kami ng lakad nang bigla kaming nakarinig ng sumigaw ng napakalakas.

Yung boses na yun kilalang kilala ko yun..

Si Kath...

nilapitan ako ni Kuya at agad na tinakpan ang tenga ko...

napapikit nalang kaming dalawa.

naaawa ako kay Kuya alam kong umiiyak siya

alam kong naiiyak siya dahil nakokonsensya siya sa pagtrato niya kay Kath kanina.

that scream just goes to show that kath was innocent just like us.

"Kuya hindi mo alam yun , wala kang kasalanan okay?" agad ko siyang niyakap...

naglakad ulit kami ni Kuya.

Goal naming puntahan ang stations ng guard dahil walang CCTV cameras at may panic
room daw doon.
Ilang minuto kaming naglalakad. Pababa na sana kami sa spiral staircase nang
biglang may naririnig kaming umiiyak at tumatakbo.

agad kaming nagtago sa pintuan na malapit dito.

Nakita namin si Kayla na umiiyak duguan ang kanyang noo at parang nalilito siya
kung saan pupunta.

agad kaming lumabas ni Kuya sa pinagtataguan namin para tulungan siya.

Natuto na kami sa nangyari kay Kath kayat di na kami nagdalawang isip na tulungan
siya.

"Kayla " kuya

tuluyang napahagulgol si Kayla nang makita niya kami.

niyakap ko siya agad....

"Nasaan ang kuya ko? " kayla

"Di namin alam , kami lang ang magkasama" ako

pilit namin siyang pinapatahan...


"Tara na bumaba na tayo " kuya

"No hahanapin ko ang kuya ko " kayla

hinawakan ko ang kamay niya

"Its not safe here" ako

we took 2 steps forward

pero si Kayla nakapako lang sa kanyang kinatatayuan at umiiyak kayat humarap kami
ni Kuya sa kanya.

"Lets go kayla isa pa we cant trust him " kuya

nagmamadali na kami

kailangan na naming makaalis kaya lang di pa kumakalma si Kayla

"Cant trust him? He's my brother for god's sake ! my brother " kayla

"I know alam ko pero........ " kuya

"Pero? " kayla


parang ayaw ng ituloy ni Kuya ang sasabihin niya.

"Kayla tara na okay? " ako

"PERO *evil grin* " kayla

nawala ang lungkot sa mukha ni Kayla

bigla itong napalitan ng ngiti..

yung ngiti niya kakaiba....

nagulat kami ni Kuya

sa inasal ni Kayla

Biglang sinipa ni Kayla ng napakalakas kuya robbie

nang dahil dun na out of balance siya at tuluyang nahulog sa mahabang hagdan.
"KUYAAAAAAAAAAA!" napasigaw lang ako ng makita ko si kuyang nagpagulong-gulong sa
hagdan. nagulat ako sa nangyari , para akong napako sa kinatatayuan ko.

"YOU BITCH! " sigaw ko

sasabunutan ko sana siya pero pagharap ko ay may hawak na siyang baril at nakatutok
ito sa akin.

"Make one wrong move at pasasabugin ko ang ulo mo " kayla

wala akong ibang magawa

umiiyak lang ako nang makita kong napakataas ng pagkahulog ni Kuya.

duguan siyang nakahiga doon sa baba.

"KUYA ROBBIEEEE! " ako

sigaw ako ng sigaw pero hindi bumabangon si Kuya

napahagulgol lang ako...


hindi ko magawang lumapit o tumulong sa kanya...

biglang hinila ni Kayla ang buhok ko kaya bahagyang napaatras ako

"Walang hiya ka Kayla wala kaming kasalanan sayo " ako

"Oh shut up! LAKAD ! " kayla

dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan habang hawak-hawak niya ang buhok ko at


itinututok ang baril niya sa akin.

nanginginig ako sa bawat baitang ng hagdan na inaapakan ko.

napakasakit na makita ang kuya ko sa ganyang sitwasyon.

habang papalapit sa kanya ay napapahagulgol ako

Gustong-gusto kong lapitan si Kuya pero pinipigilan niya ako.

nilapitan niya si Kuya at agad na pinulsuhan.......

diyos ko pakiusap buhayin mo ang kuya ko

hindi ko kayang mawala siya sa akin............


biglang humarap sa akin si Kayla

napakalaki ng ngiti sa kanyang mukha

"CONGRATULATIONS ! HE'S DEAD ! " kayla sabay palakpak

"NO ! NO ! KUYAAAAA ! KUYAAA!!! " sigaw ako ng sigaw gustong gusto ko siyang
lapitan pero wala akong magawa , nakatutok parin sa akin ang baril niya.

"Just to be sure " kayla

bigla siyang tumayo at lumapit sa akin.


humarap si Kayla sa bangkay ni kuya at pinaputukan ito ng baril

"Demonyo ka ! " sigaw ko kay Kayla

sa galit ko sinabunutan ko siya kayat muntikan kaming nahulog sa hagdan.

sa bawat sampal at sabunot ko sa kanya , inilalabas ko ang galit ko.

hindi ko namalayan na nakuha na pala niya ang baril niya.

bigla niya itong itinutok sa akin kayat napahinto ako.

iyak lang ako ng iyak nang hinila niya ako para tumayo.

"Leche ka sisirain mo pa ang buhok ko , humanda ka sa akin mamaya" kayla

hinila niya ako palayo...

hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin...

nakatingin lang ako sa kuya ko habang papalayo kami

wala na ang kuya ko.............

Bigla kong naalala ang lahat ng mga pinagsamahan namin.....


iniwan na niya ako....

simula bata pa kami , nangako siyang di niya ako iiwan ....

pero ngayon wala na talaga siya......

________________________________

[KATHRYN'S POV]

biglang bumukas ang pintuan...

pumasok si Kayla na kasalukuyang tinututukan ng baril si Ria.

humahagulgol si Ria pero nakaduko lang siya

parang wala siya sa sarili

"Ria! " ako

napa-angat ang mukha niya ng marinig niya ako

"Kaath! " ria


biglang binuksan ni Kayla ang kulungan ko at ipinasok si Ria.

hindi na ako nakapanglaban pa dahil hawak parin niya ang baril.

Agad ko nalang niyakap si Ria.

"Kath wala na ang kuya ko " iyak ng iyak si Ria

wala akong ibang magawa kundi ang maiyak....

My friends died one by one in the hands of who we claimed friends.

"So ganyan dramahan lang kayo?" Kayla

"You bitch, time will come at makakaganti kami sayo!! " ako

pinagtawanan lang niya ako.

bigla niyang hinila ang isang arm chair at pumwesto sa harapan namin.

"Ria stop cyring like a baby will you " Kayla

hindi kumibo si Kayla , sa halip ay nagpatuloy lang ito sa pag hagulgol.


Sa bawat hikbi ni Ria ay nararamdaman ko ang pighati na nararamdaman niya.

inakbayan ko nalang si Ria...

"Kayla how could you do this to us? anong ginawa namin sayo?" ako

hindi ko ipinakita sa kanya na natatakot ako.

I looked straight into her eyes and gave her a cold voice.

umupo siya ng maayos.

ipinatong niya ang pisngi niya sa isang kamay habang nakapatong ito sa arm chair.

para lang siyang nakikipag-kwetuhan sa amin

"Alam mo Kath , wala naman talaga akong galit sayo......well meron pero Slight lang
naman" kayla

dafuq?!

"You are important to us..... to me..............to my movie....... " dagdag pa ni


Kayla

"Your movie? " ako

bahagyang umangat din ang ulo ni Ria mula sa pagkakasandal sa braso ko.

inakbayan ko nalang si Ria habang nakaharap kami kay Kayla.


"Yup,remember that family business we were always talking about? Mom and Dad are
film producers and I want to follow their footsteps. At nung sinabi ni Quen na
gagawa siya ng pelikula bilang tribute sa kanyang bestfriends nag volunteer agad
ako na maging director tapos siya yung producer. See Kath , You are all part of our
movie from the start. By FROM THE START i mean mula sa pagtapak nyo pa lang sa
school ay nagsimula na ang script. Matagal na namin kayong minamatyagan" Kayla

the way magsalita si Kayla ay parang nakikipag-kwentuhan pa siya.

yung ngiti niya ay parang walang problema.

but Script?

"K...K.. kilala nyo na kami noon pa? " Ria

biglang napangiti si Kayla ng magsalita si Ria

"Yes my dear, di lang talaga kami nagpapakita.Ako ang naka-assign magbantay sa


girls... Ito ngang si Kath pinakaba ako lalong lalo na sa suicide attempt niya last
summer. Akala ko mawawalan kami ng final girl. Pero blessing in disguise pala yun
kasi dahil doon , naging perfect fit si Kath sa attitude ng isang final girl "
kayla

"Final girl? pinlano nyo lahat ? baliw kayo " ako


"Crazy but genius. Yup Final Girl. Ikaw talaga yung first choice namin since yung
pangalan mo napakalapit sa pangalan ni KAT which is the first final girl sa
nangyaring massacre last year. Kilala mo naman siya diba? girlfriend nga siya ng
pinsan mo. And another reason is because magkamukhang-magkamukha kayo ni Parker.
Sadyang mabait si tadhana sa amin dahil magpinsan pa talaga kayo" kayla

lahat pala talaga na-plano na nila

ginawa lang nila kaming kasangkapan sa pelikula nila...

"Bakit nasali si Dj kung hindi naman talaga siya kapatid ni Dixon? " ako

"Personal reasons ni Quen yun , Magkapatid sila ni Dj kaya isinali rin niya si DJ "
kayla

"Teka magkapatid si Dj at Quen?? Bakit hindi kuya ang tawag mo kay Quen ? " Ria

halatang nalilito na si Ria sa mga nangyayari

maging ako nalilito na

hindi kapani-paniwala ang mga nangyari

parang isang bangungot

"ito namang si Ria daig pa ang internet explorer sa larangan ng pagka-slow....Quen


isnt my real brother. He was adopted noong mga bata pa kami. Actually kung tutuusin
may utang na loob ka talaga sa akin Kath" Kayla
utang na loob?

"Anong pinagsasabi mong utang na loob? You killed my friends you bitch thats
nothing to be thankful for ! " ako

biglang kinuha ni Kath ang laptop sa tabi niya at may ipinakitang video.

Video namin yun ni DJ first day of of class.

Sa pagkakaalala ko , wala akong nakitang nag vi-video sa amin nun.

bakit may video siya nyan???

"Hey..hey... Chillax Kath. Supposed to be sa script namin may love team. Kaya ang
napili ko kayong dalawa ni Jarred este DJ. Did you know na naging cupid pa talaga
ako para lang magkalapit kayo? Remember the first day of class? I was the one who
told Dj na ikaw si Kitty kayat nagkamali siya sa pagbigay ng love letter." kayla

Nagulat ako sa sinabi niya

naging masaya ako dahil sa gawa nila pero kabayaran pala nun ang paghihirap ko.

"So gusto mo magpasalamat ako sayo? *smirk* " ako

"Not really... gusto ko lang naman mag-kwento... Remember mo yung time na na-lock
kayo sa CR? ako rin ang gumawa nun " napangiti si Kayla na parang isang batang
nagpapabida sa mga magulang.. "Nang dahil dun nagkalapit kayo diba? Inaway nga ako
ng bonggang-bongga ni Quen ng dahil dun. Habang pinapatay niya si Winston, Busy
naman akong maging cupid sa inyong dalawa " Kayla
"Nang dahil sayo nagkalapit k..kami ? " ako

hindi parin ako makapaniwala

all this time ....

all this time pinaglalaruan lang kami nilang lahat....

nagiging puppet na pala kami sa kanilang palabas...

"Im not done yet bebekath , Remember Cassie? Iniligaw ko lang naman si Cassie para
magkakilala sila ni Dj. Yung suicide ni Ms. Beth ! di yun suicide , ako ang gumawa
nun para mas magkalapit pa kayo. Parati kaming nag-aaway ni Quen ng dahil sayo
tapos ikaw , ang bilis mong maniwala sa mga palusot ni Quen. Wala akong boyfriend
noh! kung magkakaroon man ako ng boyfriend, Sisiguraduhin kong si Quen yun.... ikaw
lang naman ang hadlang sa amin kath eh. Ikaw yung gusto niya " Kayla

"EWWW ! sayong sayo na si Quen ! i dont like him at all ! You can have that psycho
anytime you want " ako

"GOOD ! " sabi ni Kayla na napangiti

"Kayla please if you want quen , sayong-sayo na siya just please let us go. We will
never bother both of you ever again. lalayo kami just please help us" ako

pilit kong kinakalma ang boses ko dahil baka maengganyo ko si Kayla na tulungan
kami.

biglang tumawa si Kayla

"Nice one kath but no deal ako diyan. May script kaming dapat sundin. Yan ang
priority. But di ko susundin ang original script namin ni Quen. Mas gusto ko ang
version ko sa script kayat ito ang masusunod whether he likes it or not.Naririnig
ko ang bawat usapan niyo dahil sa mga mic na kinabit namin. I heard Robbie talked
about Remake. Well he was right all along. This is all the remake but With a twist
" Kayla

"You sick bitch pinatay mo ang kuya ko! Papatayin kita ! PAPATAYIN KITA ! " sigaw
ng sigaw si Ria habang umiiyak.

Pilit ko siyang pinapakalma.

Ramdam na ramdam ko ang galit at pighating nararamdaman niya.

pero pinagtatawanan lang kami ni Kayla...

"As I was saying...The twist in my version of the script will be about revenge.
Actually inarrange ko na ang lahat , may mga evidence akong inilagay kayat Ikaw ang
mapagbibintangang killer kapag dumating ang mga police and sa film namin. Your
Jacket , fingerprints etc....All will lead to you. See ikaw ang remake version ni
GREY. Tapos yung magiging motive mo , You wanted to make a movie for your dearest
cousin. You were desperate enough to repeat the massacre. You killed everyone
including your boyfriend because he dumped you.O diba genius?? " kayla

nagtaas-baba ang kilay ni Kayla na para bang proud na proud sa ginagawa.

nandidiri ako sa pinagsasabi niya.

natatakot ako dahil alam ko posibleng mangyari ang lahat.

mapupunta sa akin ang lahat ng akusasyon....

kaya pala nilayuan ako nila Robbie kanina dahil inakala nilang kasabwat ako..

"Ang survivors nito ay kaming dalawa ni Quen. This time ang magkapatid ay si DJ at
Quen , DJ would be the male version of Parker. Ako si Kat tapos si Quen si Dominic.
There will be no Robbie at this version. Ewan ko lang if bubuhayin ni Kuya si
Kevin. And after all the deaths and betrayal Quen and I will live happily ever
after..." Kayla

"Kayla youre different from Quen! hindi kayo magkadugo! bakit kinukunsinte mo
siya??! " ako

umayos si Kayla sa kanyang pagkakaupo.

nawala ang ngiti sa mukha niya.

"Good question Kath.... Alam mo ba noong bata pa ako , parati akong walang kasama.
Yes we were rich but i was still longing for their love and attention... Until they
adopted Darren , I mean Quen. Noon hindi ko alam ang criminal record niya. Ang alam
ko lang may kuya na ako at masaya ako. Napaka-cold niya sa akin noon, parati lang
niya akong tinutulak sa isang tabi. Parati lang akong nakabuntot sa kanya habang
nasa states kami." bahagyang napangiti si Kayla habang naaalala ang mga nangyari.
Hinawakan niya ang kwintas na suot niya.

"One time , someone grabbed me along the alley. Muntik na akong ma-rape ng isang
addict pero tinulungan ako ni Quen. Nag bugbugan sila ng lalaki. Muntik ng mapatay
si Quen ng addict kayat tinulungan ko si Quen. Aksidente kong napatay ang lalaki.
Noong una sobrang natakot ako but Quen said it was okay... He told me killing was
fun until I realized tama pala siya. Simula noong insedenteng yun naging close kami
, Simula ng araw na yun I fell in love with quen. Thats why I vow to stand by him.
To kill for him " Kayla

diring-diri ako sa naririnig ko

bawat salita ni Kayla ay kinikilabutan ako.

Si Ria hindi makapagsalita halatang nababagabag sa mga naririnig.

"Andami ko na yatang nasabi...Ipadala ko kaya to sa MMK. hahaha " Kayla


natigil siya sa pagtawa nang mapansin niyang nakatingin lang kami ng masama sa
kanya...

"AAAWKWAAARD " kayla

hindi parin kami kumikibo ni Ria

takot kaming dalawa sa mga maaring mangyari....

hinawakan ko ang mga kamay ni Ria....

"Kath.. " mahinang bulong ni Ria habang umiiyak...

wala akong magawa kundi mapa-iyak din...

hindi ko kayang sabihin sa kanya na wala na din si Kitty...

Diyos ko sana okay lang sina Dj at Kuya Dom...

biglang bumukas ang pintuan...

"Kay , I need Kath to come with me " Quen....


"Okeydoki! Paano tong isa? " Kayla

"Dispatsahin mo na " Quen

[END OF CHAPTER 36]

____________________________________

HELLO :)

ANONG MASASABI NIYO SA CHAPTER NATO?

SHET LUNGS ROBBIE :(((

SI ROBBIE ANG NASA MULTIMEDIA....

MAGING AKO NAIIYAK , GOODBYE ROBBIE ♥

VOTE and COMMENT

*******************************************
[40] Slaughter 37 : Forgotten Rule
*******************************************
hello ! :)

WALA LANG GUSTO KO LANG BUMATI...

MAMI-MISS KO KAYOOOO ♥

Ayaw ko pa sanang tapusin to pero NO CHOICE ako eh , ayaw ko din kayong bitinin...
______________________________

[RIA'S POV]

"Dispatsahin mo na" Quen

napangiti si Kayla sa sinabi ni Quen....

agad hinawakan ni Kath ang kamay ko....

Sa totoo lang natatakot ako pero iniisip ko nalang na mabuti pang mamatay na ako
para magkita na kami ni Kuya Robbie at least magiging masaya ako dahil makakasama
ko siya.

napatingin ako kay Kath and I gave her my smile

my last smile......

"No!No!No!" sigaw ng sigaw si Kath

"Kayla dont you ever touch her ! " Kath

natawa lang si Kayla


"Kath calm down , hindi naman siya pahihirapan ni Kayla. It would be an easy death.
Diba kay?"Quen

"Oo naman *smirk* " kayla

dahan-dahang lumapit si Quen sa kulungan.

"Get the hell away from us you psycho! " sigaw ng sigaw si Kath habang sinisipa ang
kamay ni Quen.

nakadungo lang ako.

I know death is coming for me

at least i'll be brave enough to suffer my fate

hindi makalapit si Quen sa amin dahil pilit na nanglalaban si Kath kahit na tutukan
niya ito ng baril.

Biglang may kinuha si Quen mula sa kanyang bulsa.

isa itong cellphone , ipinakita niya ito kay Kath

"Look , if pilit kang manlalaban isa sa kanila ang mamamatay MARK MY WORD!" Quen
seryosong-seryoso ang mukha ni Quen

napaluha si Kath ng makita namin ang cellphone.

Isang live feed ng video kung saan nakatali sina Dj , Kat at Dominic.

pinunasan ko ang luha sa mga mata ni Kath

"I'll be okay " ako

alam kong hindi sasaktan ni Quen si Kath base sa mga sinabi ni Kayla.

walang magawa si Kath kundi lumabas ng kusa.

"Kuya anong oras na? " Kayla

"5pm na " Quen

"Kuya yung ulan baka tumila na , masisira schedule natin " Kayla

"Di yan , tiwala lang tayo sa bagyo " Quen

nagkatinginan kami ni Kath

pareho kami ng iniisip


mga baliw silang dalawa

--------------------------------------------

mag-isa lang ako dito sa kulungan....

Nagbabantay sa akin si Kayla....

ilang minuto ang lumipas at nagsimula na siyang mag-inat....

nakita kong kinuha niya ang kutsilyo sa isang armchair....

Teka hindi na baril ang dala niya....

"Hey ! sorry sa paghihintay" Kayla

Hindi ako tumitingin sa kanya, nakatitig lang ako sa kawalan

binuksan niya ang kalungan ko.


pagkabukas na pagkabukas niya

agad kong sinipa ang mukha niya kaya napaupo siya.

Dali-dali akong lumabas sa kulungan at dinaganan siya. Natapon niya sa malayo ang
kutsilyo kayat naglakas loob akong sabunutan siya..

"YOU KILLED MY BROTHER YOU BITCH! " ako

inilabas ko ang lahat ng galit ko sa kanya.

I was sitting on top of her, nakaharap ang mukha niya sa sahig kayat hinawakan kong
mabuti ang buhok niya at pilit kong inuuntog ang ulo niya sa sahig.

Rinig na rinig ko siyang sumisigaw

para kaming nasa wrestling.

She kept on tapping her hands signalling me to stop but hell no!

She will pay for what she did to my brother

"MASAKIT BA?! MASAKIT?! DIE YOU BITCH!!" sigaw din ako ng sigaw
mas nilalakasan ko ang bawat untog...

nakikita kong may dugo na sa sahig

kulang pa yan!

kulang pa yan sa sinapit ni Kuya at ng mga kaibigan ko.

*BLAG*

napahiga ako nang bigla akong madaganan ng isang armchair.

ang sakit ng ulo ko dahil tumama ang mismong kahoy dito.

hinila pala ni Kayla ang paa ng armchair kaya nahulog ito sa akin.

shit! ang bigat.

biglang napatayo si Kayla

ngayon siya naman ang nakadagan sa akin.

duguan ang mukha niya kaya kahit paanoy napangiti ako.

bigla niya akong sinakal....

pahigpit nang pahigpit ang sakal niya sa akin.


pilit kong inaabot ang buhok niya para patas kami pero nahihirapan na ako.

napakasakit na ng pagkakahawak niya sa leeg ko...

Sigaw lang ako ng sigaw.....

naabot ko ang mukha niya kayat pilit ko itong sinasampal.

hindi tumalab kayat inabot ko ang dalawang kamay ko hinawakan ko ang dalawang mata
niya. Ang thumb ko ay nasa mga mata niya kayat pilit kong tinutusok ang mga ito..

"GAAAAAAAAAAAAAAA!" napasigaw siya sa sakit at tuluyan niyang nabitawan ang leeg ko

agad akong tumayo at napatakbo sa pintuan.

pagkabukas ko sa pintuan agad niya akong nahila kayat natumba ako sa sahig

nakapatong na naman siya sa akin at sinasakal ako.

unti-unti na akong nanghihina....

nakita ako ang kutsilyo sa di kalayuan ko...

pilit ko itong inaabot pero hindi ko na kaya....


"BITIWAN MO SIYA!!!!!!!!!!"

Napatingin ako kung sino ang sumigaw.....

SI JAMES !
gusto kong maiyak....

akala ko huli na ang lahat

nabuhayan ako ng loob nang makita kong may makakatulong sa akin.

tumayo si Kayla at pero nakaharap parin siya sa akin

*BOGSH*

biglang natumba si James sa sahig nang bigla siyang hampasin ni Kayla ng isang
Wall Clock.

Plakda si James sa sahig.

duguan siya at walang malay...


huhuhuhuhu :(((

Yung feeling na sobrang saya mo na tapos mababaliwala lang.

eto yun eh !

ULTIMATE FACEPALM ! ULTIMATE EPIC FAIL !

biglang humarap si Kayla sa akin

nakangiti siya , ngiting demonyo...

dali-dali akong gumapang papunta sa kutsilyo.

pareho naming nahawakan ang kutsilyo kaya't nag-agawan kami.

siniko ko ang panga niya kayat natumba rin siya.

kanya-kanya kami ng paraan para mabitiwan ng isa ang kutsilyo ngunit pareho kaming
mahigpit ang kapit dito.

sigawan lang kami ng sigawan.

kinagat niya ang kamay ko , napakasakit kayat nabitawan ko ang kutsilyo.

napatingin ako sa kamay ko


shit dumudugo...

dinaganan niya ako.

nakaharap na ang mukha ako sa sahig.

nakaupo siya sa likod ko kayat di ako makapanglaban.

hinawakan niya ang baba ko.

gusto niyang iangat ang mukha ko gamit ang kanyang kaliwang kamay.

nakita ko ang kanang kamay niyang may hawak ng kutsilyo....

Pilit pala niyang inaangat ang mukha ko dahil gigilitan na niya ako ng leeg...

gusto kong manlaban pero huli na ang lahat

whats the point of fighting for my life?

kanina tinanggap ko na namang mamamatay ako pero bakit ba ako nagpapakahirap


ngayon?

bigla niyang iniangat ang kutsilyo at sinaksak ang likod ko.

"SHIIIIIT ! " napasigaw ako sa sakit


"Ano ka siniswerte?! hindi pa kita papatayin ! pahihirapan muna kita! " Kayla

Sinaksak niya ulit ako pero ngayon sa braso ko naman kayat sigaw ako ng sigaw

ramdam na ramdam ko ang talim ng kutsilyong tumatama sa akin.

napapikit lang ako.

mas mabuti nang ganito...

Narinig kong sumisigaw si Kayla

para siyang nasasaktan

siya pa ang may ganang sumigaw eh ako naman tong sinaksak niya ng dalawang beses!

nararamdaman kong bahagyang gumaan si Kayla...

nakapikit parin ako...


"PAKYU LANGYA HAYUP! HAGDAN NA NAMAN?! BAKIT SA LAHAT-LAHAT HAGDAN PARIN! SAWANG-
SAWA NA AKONG MAHULOG SA HAGDAN!!!!!!!!!!!!!!!!! NAGBAGO NA ANG LAHAT PERO BAKIT SA
HAGDAN NIYO PARIN AKO TINUTULAK!!!! PUNYEMAS HAYUP BWISIT!"

ramdam na ramdam ko ang inis sa sigaw niya.

Ramdam ko ang galit ni Kuya Robbie....

LOADING....

LOADING...

LOADING...

LOADING....

LOADING....

KUYA ROBBIE?!!
"BITIWAN MO AKO! QUEN TULOOOOOOOONG ! TULOOOOONG! " sigaw ng sigaw si Kayla tapos
umuubo siya.. para bang nahihirapan din siyang huminga

naririnig ko ang kalansing ng kadena....

napadilat ako at umupo ng maramdamang wala na si Kayla sa likod ko...

Napaluha ako sa nakita ko....

"KUYAAAAA ! " ako

napaluha ako sa tuwa...

totoo ba tong nakikita ko?

buhay si Kuya Robbie ! duguan siya. Pilit niyang sinasakal mula sa likuran si Kayla
gamit ang isang malaking kadena.

napatingin sa akin si Robbie

"OKAY KA LANG ?!! " kuya


tumango lang ako sa kanya. Hanggang ngayon di parin ako makapaniwalang buhay pa ang
kuya ko.

"ANOTHER RULE I FORGOT TO MENTION , FAKE DEATHS ARE POSSIBLE! " kuya rob

nakita kong sumusobra na si Kuya sa pagsakal kay Kayla dahil dumudugo na ang leeg
nito pero wala talaga akong nararamdamang awa sa kanya ngayon...

Pansamantalang itinali ni Kuya si Kayla sa isang tabi gamit ang kadena...Nawalan


rin kasi ito ng malay dahil makailang ulit siyang pinagsisipa ni Kuya.

gusto ko siyang lapitan pero di ako makagalaw.

may dugo na ring tumutulo sa bibig ko.

agad lumapit si Kuya at niyakap ako...

para akong isang batang di makapagsalita dahil iyak ng iyak...


hindi ko alam ang sasabihin ko dahil halo-halo ang emosyon ko

"Kuya.... *hikbi* antanga ni James! " ako

natawa si Kuya sa sinabi ko pero di parin siya bumibitaw sa akin.

"Ria bakit may dugo ang likod mo ?!!! " kuya

hindi pala niya nakitang pinagsasaksak ako kanina...

"Si Kayla eh *sniff* Kuya *sniff* a... akala ko talaga katapusan ko na "

bumitaw si Kuya sa yakap namin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko

"Sabi ko naman sayo diba? Di kita pababayaan" kuya

naiiyak lang ako lalo sa pinagsasabi ni Kuya

akala ko talaga wala na siya

mabuti nalang talaga at okay lang siya..

pinatalikod ako ni Kuya at tiningnan ang sugat ko. Okay lang daw ang sugat ko dahil
hindi masyadong malalim ang tama ko sa likod

"Ya? bakit sabi ni Kayla kanina wala ka na daw pulso? natamaan ka rin ng baril
diba? " ako

"Di ko alam paggising ko nasa paanan na ako nang hagdan at dumudugo ang ulo
ko....sa braso lang ako natamaan pero okay ako... Sadyang tanga lang talaga si
Kayla , Baka nakakalimutan mong parating lagapak yan sa health class natin. Isa pa
pusa yata ako. NINE LIVES BABY! " kuya

natatawa lang ako sa kanya

kahit nasa ano mang sitwasyon kami , pinapatawa parin ako ng kapatid ko..

"Nasaan ang iba? " kuya

nag-iba ang mukha ni Kuya

naging seryoso na siya nang mapansin na ako lang mag-isa dito.

"Dinala ni Quen si Kath sa auditorium" ako

[END OF CHAPTER 37]

________________________________________
buhay na buhay si Robbie LOLS :))))))

THANKS FOR READING KAHIT NA MEDYO SABAW..

VOTE and COMMENT

--HALImau out ♥

*******************************************
[41] Slaughter 38 : His Script
*******************************************
[KATHRYN'S POV]

Nandito na kami sa Auditorium.

gusto kong agawin sa kanya ang baril pero wala akong magawa dahil naka-posas ang
mga kamay ko.

Kinakabahan na ako sa maaaring mangyari.

Natatakot akong may mapahamak na naman.

Nag-aalala ako kay Ria.

biglang binuksan ni Quen ang ilaw.

mula sa baba ay natanaw ko sa itaas sina DJ


agad akong tumakbo paakyat doon.

Nang makarating na ako sa taas nakita kong nakatali silang tatlo. Sa magkakaibang
upuan sila nakatali. Duguan si DJ at si Kuya Dom. Si Ate Kat naman walang malay.
May mga masking tape ang kanilang mga bibig kayat hindi ko naiintindihan ang mga
isinisigaw nila.

[A/N : Ang kinaroroonan nila ngayon ay ang exact place kung saan nangyari ang
pinaka FINALE ng part 1 ]

lalapitan ko sana sila ngunit bigla akong pinigilan ni Quen.

"Bitiwan mo ako! " ako

tumigil na ako sa pagpupumiglas ng biglang inilabas ni Quen ang baril at itunutok


sa kanila.

"Wag mo silang lapitan kung ayaw mong mawala ang isa sa kanila. Hindi ako
magdadalawang isip na gawin yun kath " quen

hindi na siya yung quen na kilala ko

punong-puno ng poot ang mga mata niya

seryosong-seryoso siya sa mga banta niya.


"Quen just stop all this shit! Im begging you ! ano ba talagang kailangan mo? "
iyak na ako ng iyak.

naglakad si Quen palapit kay DJ.

nanginginig ang tuhod ko dahil natatakot na ako sa maaaring mangyari.

biglang tinanggal ni Quen ang masking tape sa bibig ni DJ.

"Quen kung ano mang galit mo sa akin wag mo na silang idamay! Ako yung gusto mong
patayin diba? Sige na patayin mo na ako! " dj

mas lalo akong napaluha sa sinabi ni DJ. Duguan ang mukha ni niya , halatang
binugbog siya ni Quen.

natawa lang si Quen

"So you really think this is all about you Jarred?" napasinghal si Quen

halatang naguguluhan si Kuya Dominic sa nangyayari.


"This is not just about you!. Para to sa mga kaibigan kong sina Grey at Dixon. "
humarap si Quen kay kuya Dom "Alam mo naman yung ibig kong sabihin diba?
dominic?...Pinatay niyo lang naman ang mga kaibigan ko diba? " Quen

"Quen for christ's sake Pinatay ng mga kaibigan mo ang pinsan ko! They ruined my
life! Ang lakas ng loob mong maghiganti para sa kanila, They killed innocent
people! They deserve to die you sick son of a bitch!!!" sigaw ko sa kanya.

biglang humarap sa akin si Quen at dinuro ako.

"Wag kang makialam dito Kath! " Quen

galit na galit siya dahil sa mga sinasabi ko

"Wag makialam?! BWISIT KA PINATAY NINYO ANG MGA KAIBIGAN KO NG WALANG KALABAN-
LABAN! Kevin savagely beat me with a fvcking baseball bat tapos walang pakialam! "
ako

inilabas ulit ni Quen ang baril niya

*gulp*

natahimik ako bigla dahil alam ko ang ibig sabihin niya.


"See im not just avenging my friends death and finishing my brother. Im making a
movie as a tribute for my bestfriends." Quen

bigla niyang inilabas ang isang malaking film equipment

at pinakita sa amin ang mga na-shoot niyang footages namin noong nasa university pa
kami.

si Dj halatang nagulat din sa footages

"Quen just stop this please! " ako

"Im sorry kath but napakalayo na ng narating namin. See nagsimula kami sa casting.
It took us two months to be exact. Sayang ang summer namin dahil ginalugad pa namin
ang buong pilipinas para mahanap ang perfect cast"

nakaharap si Quen kay Dj.

tumingala si Quen na para bang inaalala ang mga nangyari noon.

"Siyempre hinanap namin ang four survivors....Gumawa pa talaga kami ng paraan ni


Kayla para di matuloy si Dominic at Kat sa New York. Yung kay Robbie , muntikan pa
talaga siyang umalis mabuti nalang at nabigyan agad siya ng brochure ng university.
Sobrang dami naming paghihirap para lang masigurado naming mapasok kayong lahat sa
university. Inisa-isa pa talaga namin kayong pinadalhan ng application letter para
sa school. Sinigurado naming lahat kayo makakapag-aral sa Theater Arts University
dahil Lahat kayo ay connected sa lahat ng students last year." quen

"So sa simula pa lang naging parte na kami ng lintik nyong pelikula ? " Dj

"Yup! Lahat kayo napili na naming maging cast. " biglang humarap si Quen sa akin
"Kath at first ikaw yung choice namin bilang parker pero binago namin as Parker but
as time passed by , minahal kita. Totoong minahal kita Kath kayat binago ko nalang
ang character mo as KAT. Pero ayaw kitang madamay pa kayat gumawa din ako ng paraan
para maalis ka sa production pero baliwala ang lahat ng efforts ko dahil
kinakalaban ako ni Kayla. Alam mo kung ano ang masakit? gumawa ng paraan si Kayla
para lang mag kamabutihan kayo ni Dj! Ikaw nahulog ka naman sa kapatid ko!" huminga
ng malalim si Quen."With the help of Sir Tobi , naisagawa namin ang mga balak
namin. Kawawa nga siya eh , di niya alam na pinapahamak na pala niya kayo."Quen

"Quen if you love Kath Please let her go! wag mo siyang sasaktan! just let her
leave ako nalang ang patayin mo " dj

napatingin ako kay dj

nagkatinginan kami

"NO" i mouthed at him

"Pero since nandito na ang lahat Ganito nalang ang naging script namin Ako , si
Kayla , kevin at Kath ang mabubuhay sa huli. siyempre para may twist ako ang
version ni Dominic while Kath is KAT. Sa huli ang killer ay si DJ , motive mo ay
nabaliw ka dahil sa traumang dinanas mo mula kay Darren noon at kasabwat mo si sir
tobi" Quen
"Baliw ka Darren! " Dj

sigaw ni DJ na pilit na nagpupumiglas

ibinalik ni Quen ang masking tape sa bibig ni DJ

"matagal na! " Quen

"sigurado ka ba talagang yan ang script ni Kayla? *smirk* " ako

halatang nalilitosi Quen sa sinasabi ko.

kung alam lang niya na may sariling plano si Kayla

"Oo bakit? siya ang director pera iisa lang ang script namin... "quen

bigla kong naalala si Kevin

"Si Kevin...Paano kayo nagkakilala ni Kevin? " ako

biglang napangiti si Quen.


"Good Question , Actually Si Kevin ang nagsimula ng lahat. One month after
nabalitaan ko ang mga nangyari sa bestfriends ko , bigla niya akong kinontak saying
he knows my real identity tapos alam niya kung sino ang mga pumatay kay Dixon. He
did his research. Grabe talaga ang pagka KSP niya sobra. Kaya yun naging kasabwat
namin siya since marami siyang alam tungkol sa ibang survivors" Quen

biglang nanlaki ang mata ni Kuya Dom

dahil lang pala kay Kevin ang lahat ng to..

"KEVIN TORTURED DIXON TO DEATH! PINAIKOT KA RIN NIYA! " ako

tumango lang si Quen at binuksan ang pintuang malapit sa kanya

bigla niyang hinila mula dito ang isang wheel chair kung saan nakaupo si Kevin at
nakatali. May masking tape din siya sa bibig kayat di siya makapagsalita....

"Heto na si Kevin , siyempre di ko palalampasin yung ginawa niya sayo " quen

bigla niyang itinabi si Kevin sa akin at inilapag sa paanan ko ang isang baseball
bat

bigla kong naalala ang sinapit ko sa kanya noong nasa gubat kami.

hindi ko maiwasang maluha..


"Kath alam kong gusto mong maghiganti, do it now. Hindi ka na niya sasaktan pa "
Quen

hindi ko kaya

kahit na gaano pa kalaki ang galit ko sa kanya....

umiling lang ako...

biglang tinanggal ni Quen ang masking tape sa bibig ni Kevin.

"Antanga mo talaga kath! binibigyan ka na nga ng paraan diyan, nagpapaka-anghel ka


naman sheeesh" kevin

kahit na nakatali siya at alam niyang hawak ko ang buhay niya

hindi parin siya natitinag

"Kath we wouldnt judge you , he hurt you so get even!" Quen

tumatakas parin ang luha mula sa mga mata ko

gusto kong gumanti pero alam kong mali yun

"Hindi ako kagaya mo!! " sigaw ko kay Quen


napatingin ako kay DJ

he just nodded at me and gave me the go-ahead look....

maging siya gusto niya akong gumanti kay Kevin

"Yeah youre not like us dahil your just a little spoiled brat na nagtatapang-
tapangan. Pare-pareho lang kayo ni Parker na mala santa kung umasta pero nasa loob
ang kulo. " Kevin

para akong posporong sinilaban dahil sa sinabi niya

hindi ko na napigilan pa ang sarili ko.

sa galit ko pinulot ko ang baseball bat at hinampas siya ng maraming beses sa ulo.

dumudugo na ang ulo niya..

nabitawan ko ang baseball bat nang mapansin ko ang ginagawa ko.

narinig kong tumawa si Kevin...


"Is that all youve got ? " Kevin

"Kath sigurado ka ba talagang di mo na kaya? " Quen

yung boses ni Quen ay parang nag-aalala talaga

"Killing is fun kath! just try it " Quen

DAFUQ O_O

"Quen di ako mamatay tao na gaya mo! I WILL NEVER BE LIKE YOU ! " ako

napangiti lang si Quen sa sinabi ko

"Alam mo kath some monsters are born , some are made.... I was made all thanks to
slaughter high and Darren este Quen here is born... Ikaw you have 98% chance to be
like us" Kevin

kahit na duguan nagagawa parin ni Kevin na magsalita na para bang walang nangyari..

biglang pinulot ni Quen ang baseball bat


nanlaki naman ang mata ni Kevin nang makita si Quen na papalapit sa kanya.

agad pinaghahampas ni Quen si Kevin ng Baseball bat.

buong lakas na hinahampas ito ni Quen kayat kitang-kita kong tumatalsik ang dugo sa
sahig... natakot din ako dahil nakita kong tumilapon ang ngipin at isang mata ni
Kevin sa sahig.

napaatras si Quen kayat bigla niyang naapakan ang matang tumilapon.

parang isang grapes na naapakan ang mata niya...

diring-diri ako sa nakita ko at agad akong napasuka...

ilang minuto lang ang lumipas at huminto na si Quen.

nakapikit lang ako dahil kaharap ko ang duguan at yuping-yuping ulo ni Kevin...

"Now that kevin's gone , lets proceed to our final act " quen

[END OF CHAPTER 38]

_______________________________________

May ishe-share lang ako sa inyo


Kung kayo ang nasa posisyon ni Kath gaganti din ba kayo ?

---Kung ako pa yun tinorture ko talaga si Kevin para patas.....

HALImau out ♥

*******************************************
[42] Slaughter 39 : It Ends Tonight
*******************************************
[Kathryn's POV]

"Final Act?" nakunot ko ang noo ko

ano na naman kaya ang binabalak ng taong to

"Di pa tayo tapos sa shooting kayat when dawn comes , magsisimula tayo sa final
shoot mamaya......And after that you and I will live happily ever after" Quen

Natawa lang ako sa kanya

nakunot naman ang noo niya sa reaction ko.

"Psshh....*smirk* You know what Quen? Id rather die in a horrible way kaysa
makasama ka. Nasusuka ako sayo alam mo ba yun? Quen I dont like you , I never
have , I never will! " sigaw ko sa kanya

humarap siya sa akin ang sama ng tingin niya

bigla siyang lumapit sa akin at sinakal ako

pumikit nalang ako.....

wala na akong luhang maiiyak pa

sawa na akong umiyak....

naririnig kong nagsisigawan sina Kuya Dom at DJ kahit na nahihirapan na sila sa


masking tape.

"Sasama ka sa akin , whether you like it or not" Quen

kahit na nahihirapan na akong huminga.

Idinilat ko ang mga mata ko at pinilit na makapagsalita

i looked at him straight in the eyes

"Kill me now you psycho! Kailanman hindi kita tinuring na bestfriend. Kinaibigan
kita out of Empathy , Gusto ng lahat maging magkaibigan tayo kaya wala akong
choice. I never liked you. " Ako

kung ano-ano na ang pinagsasabi ko


pero alam ko deep inside katotohanan yun.

Alam kong may kasalanan ako sa kanya kayat tanggap kong papatayin niya ako..

Naging magkaibigan kami noon ni Quen dahil ipinagtanggol niya ako sa isang
prankster. Hindi ako komportable sa kanya pero pine-pressure ako ng lahat na
kaibiganin siya since napakabait daw niya sa akin. Sabi din nila na wala akong
utang na loob kung hindi ko kakaibiganin si Quen. Kayat wala akong choice.

Hindi pa ako masyadong maayos mag-isip that time kayat kinaibigan ko nalang si Quen
at nagsikap na maibalik sa kanya ang kabutihan niya.

medyo lumuwag ang sakal ni Quen sa akin kayat nakakahinga na ako.

nagalit talaga siya sa sinabi ko.

tuluyan na niya akong binitawan.

nagsasalubong na ang dalawang kilay ni Quen.

nakakatakot siya dahil galit na galit na talaga

"Nagtitimpi lang ako sayo , Pumili ka! sasama ka sa akin o papatayin ko sila? "
Quen

nagulat ako sa sinabi niya

dahan-dahang lumapit si Quen kay Kuya Dom

*gulp*
"please dont hurt them!! Sasama ako sayo just dont hurt Them!! " sigaw lang ako ng
sigaw dahil hindi ko magawang makalapit.

napatingin ako sa kanila

umiiling sila at sigaw ng sigaw

ayaw nilang sumama ako kay Quen

pero wala akong magagawa , ayoko silang mapahamak

lumingon sa akin si Quen at ngumiti

pero bigla niyang sinaksak si Kuya Dominic sa paa

"QUEN WAG!!! " ako

napasigaw si Kuya sa sakit

napapikit nalang ako dahil hindi ko kayang makita silang nasasaktan.

biglang tumawa si Quen

"Do you really think I would make you decide? Sheeesh... whether you like it or not
magiging akin ka. Whether you like it or not! Papatayin ko sila " Quen
"Quen maawa ka! Ako nalang ang patayin mo wag lang sila! " ako

tumawa lang si Quen

"Mahal na mahal mo talaga sila no? sana ganyan rin ang nararamdaman mo sa akin"
Quen

bigla kong nahawakan ang jacket ko

nanginginig na ako sa kaba. Nagulat ako nang bigla kong nahawakan ang kutsilyo. Ang
kutsilyong bigay sa akin si Sophie.

______________________________________

[DJ'S POV]

Wala akong magawa

nakatali lang ako dito...Kinakabahan ako sa maaaring mangyari. Hindi ko masyadong


kilala ang kapatid ko pero nakasisigurado ako sa isang bagay, Kaya niya kaming
patayin na isang iglap.

kanina ko pa sinusubukang makaalis mula dito pero sadyang napakahirap.

nagtulungan kami ni Dominic pero di parin namin kaya.


".B....Before you kill them , Can I talk to them.....one.... one last time? " Kath

medyo nauutal pa siya sa pagsasalita , halatang natatakot na siya

gusto ko siyang yakapin para sabihing magiging okay lang ang lahat

pero maging ako hindi nakasisiguro kung magiging okay lang ba talaga kami.

iisa lang ang hiling ko ngayon , sana hindi mapahamak si Kath...

"Okay fine , hindi kita matitiis go tutal huli na naman" Quen

unang lumapit si Kath kay Kat

pagkatapos kay Dominic

tinanggal ni Kath ang masking tape sa bibig ni Dominic at nagbulungan sila

napakunot naman ang noo ni Quen

"Ano yan ?! " Quen

tanong ni Quen habang naka cross ang mga braso


"Family matter at wala ka na dun! " kath

ako ang huli....

sa paglapit ni Kath sa akin agad niyang tinanggal ang masking tape.

magkalapit ang noo namin..

iyak siya ng iyak

"Babe dont cry ... please dont cry....Mahal na mahal kita " ako

"Deej....." kath

"Whatever happens , mangako kang aalagaan mo ang sarili mo okay? " ako

"Deej , I love you okay? always remember that " Kath

nag-uusap lang kami ni Kath habang nag-iiyakan.

napansin kong may inilabas si Kath mula sa kanyang bulsa...

pasimple niyang hiniwa ang tali ko sa kamay...


hindi napapansin ni Quen ang ginagawa niya dahil magkadikit parin ang noo namin ni
Kath at nahaharangan ni Kath ang view ng kamay ko.

we kissed...

biglang iniabot ni Kath sa akin ang kutsilyong ginamit niya...

"HOY TAMA NA YAN! PUNYETA! " sigaw ni Quen na nagagalit

agad niyang hinila si Kath palayo sa akin.

Hinahawakan ko ang taling napigtas dahil hindi ko pinahahalata kay Quen na wala na
akong tali sa kamay.

"Magpapaalaman lang eh naghahalikan pa! Nandito ako pero naglalandian parin kayo"
Quen

pokerface lang si Kath...

biglang bumukas ang malaking pintuan ng auditorium kayat napatingin sina Kath at
Quen sa baba.
"Robbie...." Kath

"Special delivery.... Try mong barilin ako kung ayaw mong patayin ko tong bwisit
mong kapatid" robbie

rinig na rinig ko ang sinasabi ni Robbie

daig pa niya ang megaphone sa lakas ng boses...

"Okay fine akyat dito! the more the merrier" Quen

naka-cross lang ang braso ni Quen habang hinihintay si Robbie na makaakyat.

Ilang minuto ang lumipas at tuluyan ng nakaakyat si Robbie

nagulat ako nang mapansing may hinihila siyang isang malaking kadena at nasa
kabilang dulo nun ay si Kayla. Kahit na nasa bingit kami ng kamatayan , natatawa
parin ako dahil parang isang asong nakakadena si Kayla.
Duguan ang mukha ni Kayla at halatang pinahirapan.

nararapat lang sa kanila yan , kulang pa yan sa sinapit ng iba.

"Quen..... *hikbi* " iyak ni Kayla

agad namang tumabi si Kath kay Robbie

"Quen tapos na ang bagyo , binigyan ko na si Ria ng Flare Gun para maka-hingi ng
tulong. There are five bullets kayat siguradong any second now , may darating dito
na mga police..." biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Robbie at muling naging
seryoso"Pakakawalan mo sila o papatayin ko ang fake mong kapatid? " Robbie

salamat sa diyos makaka-alis na kami

habang busy sila sa pag-uusap ay unti-unti ko nang nahihiwa ang mga tali sa paa ko.

unti-unti na akong nakakagalaw....

"Go kill her! she's useless to me. Si Kath lang naman ang importante sa akin " Quen

walang bakas ng pag-aalala sa boses ni Quen


natatawa lang si Quen..

nagulat kaming lahat sa sinabi niya

maging si Kayla nagulat din.

"Quen..No! wala na ba talaga akong halaga sayo? " Kayla

"Meron slight pero youre just not worth it. Kasangkapan ka lang naman sa plano ko
Kayla , pasensya na sis " Quen

biglang nagbago ang mukha ni Kayla.

sobrang bilis ng mga pangyayari

bigla niyang kinuha ang baseball bat at pinalo si Robbie , agad naman itong nawalan
ng malay.

"Robbie!" napasigaw si Kath


agad hinila ni Kayla ang buhok ni Kath at tinutukan ito ng nakuha niyang kutsilyo
mula kay Robbie.

she wrapped up her arms around Kath's neck

para hindi makapang-laban si Kath

"KAYLA WAG! " ako

shit gusto kong tulungan si Kath pero di parin ako makawala

"Kailan ka ba magbubulag-bulagan Quen! Hindi ka niya mamahalin dahil si Dj ang


mahal niya! Quen ako lang ang nagmamahal sayo ! Mahal kita Quen! " Sigaw ni Kayla
na nanggagalaiti sa galit.

si Quen halatang nagulat din sa nangyari

"Kayla drop the knife , dont hurt Kath chillax okay , wag mong sirain ang script
natin"sabi ni Quen na habang pinapakalma si Kayla

ramdam na ramdam namin ang tensyon...

maging si Quen hindi makalapit sa kanila

itong si Robbie naman knock-out

dali-dali kong tinatanggal ang tali sa mga braso ko


"My version of the script is better Quen. You and I will live happily ever after
just let me kill this bitch! " sigaw ni Kayla at biglang sinaksak si Kath sa
tiyan..

napasigaw kaming lahat...

agad niyang binitawan si Kath kayat napaupo si Kath sa sahig....

"NOOOOO!!!! NOOO!!! " sigaw din ng sigaw si Dominic

dali-daling tumakbo si Quen palapit kay kayla at pinagsasaksak ito ng maraming


beses...napakarahas ng pagkakasaksak ni Quen dahil mukha ni Kayla ang pinuntirya
niya.

Galit na galit si Quen kay Kayla , rinig na rinig namin ang pagmamakaawa ni Kayla
para sa buhay niya pero sadyang hindi natitinag si Quen....

kahit na nasa malayo kami , ramdam na ramdam namin ang dahas niya sa pagsaksak

hindi na ma-itsura ang mukha ni Kayla dahil maging ang utak niya ay lumalabas na.
nang tuluyan na akong makawala agad kong nilapitan si Kath na hinang-hina at
duguan...

lumalabas na ang dugo mula sa bibig niya...

"Baby..no..no.... hang in there okay? Police are coming " ako

"ano ka ba Okay lang ako " sabi ni Kath habang ngumingiti pero kitang-kita ko sa
mga mata niya ang sakit na kanyang nararamdaman

"IKAW! IKAW ANG MAY KASALANAN NITO! " biglang sumigaw si Quen at pinagsusuntok ako.

natapon ni Quen ang kutsilyo kayat naglakas loob na akong lumaban sa kanya.

nagpagulong-gulong kami doon habang nagsusuntukan.

nasikmuraan niya ako ng napakalakas kayat napabuga ako ng dugo mula sa bibig ko.

hilong hilo ako.

sandali kaming natigil nang bigla kaming naka-rinig ng mga chopper sa taas.

nandito na sila...
"AND CUT " ako sabay smirk sa kanya

pero mas lalo lang nagalit si Quen dahil patuloy lang ulit niya akong
pinagsusuntok.

hindi na ako makapanglaban pa dahil maging ako ay hinang-hina na.

sumusuka na ako ng dugo..

nakita kong pinulot ni Quen ang kutsilyo..

shit katapusan ko na talaga....

nagulat ako nang biglang sinakal ni Kath si Quen mula sa likuran gamit ang duguang
kadena.

napapaubo si Quen dahil halos hindi na siya makahinga sa pagkakasakal sa kanya ni


Kath.

napaatras si Quen ngunit sa pag-atras niya ay aksidente nitong naitulak si Kath...


naulit yung nangyareng pagkahulog ni Kath sa yate

pero this time hindi na sa tubig ang binagsakan ni Kath

bumagsak si Kath sa kongkretong sahig...

"KAAATH! " napasigaw kaming dalawa ni Quen

kahit na iika-ika na ako , dali-dali akong bumaba sa hagdanan...

sa pagbaba ko , narinig ko ang malalakas na sirena ng police at ilaw nila...

tuloy-tuloy parin ako sa pagbaba hanggang sa makaabot ako kay Kath...

pagdating ko , naliligo na si Kath sa sarili niyang dugo..


hindi na siya gumagalaw

"Kath answer me .. say something! " sigaw ako ng sigaw habang tinatapik ang pisngi
niya.

"TULONG! TULONG! " sigaw ako ng sigaw

napatingala ako , nakatulala lang si Quen na nakatingin sa amin mula sa taas

hindi ko na napigilang bumuhos ang luha ko

"Kath please! please open your eyes please..dont do this to me... open your eyes
please " inihiga ko siya sa braso ko pero di parin siya nagsasalita o gumigising...

"Babe , can you here me ? open your eyes , dont sleep please ...Kathryn gising
please! "
"KAAAATH! "

[END OF CHAPTER 39]

______________________________________

thanks for reading :(((

LAST CHAPTER NA ... HUHUHU :(((

THANKS FOR READING .....

VOTE and COMMENT

*******************************************
[43] Slaughter 40 : Game Over.....
*******************************************
Hello :)

ONCE AGAIN... THANKS AND ENJOY THE LAST CHAPTER

VOTE and COMMENT

______________________________________

[ROBBIE'S POV]
1 WEEK LATER

"Kuya nandito na tayo , baba na " Ria

bigla akong nabalik sa reyalidad ng marinig ko ang boses ng kapatid ko.

Siya muna ang nagd-drive dahil hindi ko pa kaya. Paralyzed na ang left arm ko dahil
sa paulit-ulit na pagkabagok ng ulo ko. Mabuti nalang at ito lang ang inabot ko.
Kaya pa namang maayos ang left arm ko kaso dadaan muna ako sa napakaraming
theraphy.

Pagkababa ko sa kotse biglang bumungad sa akin ang napakalakas at napakalamig na


simoy ng hangin dito sa sementeryo.

napatingin ako sa paligid...

Andaming tao
naka-itim kaming lahat.

agad kaming nagtungo ni Ria sa isang linya ng upuang naka-reserba sa amin.

hinanap agad ng paningin ko si Dj.

Nakita ko si DJ na kinakausap ang lumuluhang mga magulang ni Kath.

Parang parte nadin ng pamilya nila si Dj dahil ang ama ni Kath ay inaakbayan siya.

ilang minuto ang lumipas at nagsimula na ang libing.

Tahimik kaming lahat na nakikinig sa pari. Pigil ang luha ng iba pero kami ,
tuluyan na kaming napaiyak.

magkatabi kami ni DJ pero nakatulala lang siya.

nakakausap namin siya ng maayos pero hindi na siya gaya ng dati. Parati siyang
lutang.

Alam naming lahat na si Kath parin ang iniisip niya.

Biglang nagsalita ang pari


"We therefore commit their body to the ground; earth to earth, ashes to ashes, dust
to dust; in the sure and certain hope of the Resurrection to eternal life."

Sunod-sunod na ibinaba ang kanilang mga kabaong.

Tuluyan ng napahagulgol ang mga tao sa paligid namin.

Ang hirap tanggapin na once again , Nakikita ko na namang ibinabaon ang mga
kaibigan ko.

Akala ko masasanay na ako , pero hindi .

paulit-ulit na akong nakakita ng ganito pero masakit parin.

Masakit makitang wala na ang mga kaibigan mong totoong minahal mo.

Biglang nagbalik sa isip ko ang lahat ng mga ala-ala naming lahat...

Nakakamiss sa tuwing naaalala ko ang mga oras na Binabatukan ako ni Milo kapag
nang-aasar ako. Kapag naririnig ko ang walang humpay na pagdaldal ni Kitty. Sa
tuwing pinapagalitan ako ni Ms. Marie. Ang bagong pagkakaibigang nabuo namin nina
Paul at Tyler sa tuwing pagt-tripan namin si Kath. Ang sarap balik-balikan ng mga
alaalang yun.

Pero hanggang pag-alala nalang ang magagawa ko.


Yung pagkakaibigang binuo namin , nabuwag nang dahil sa kabaliwan ng tatlong
inakala naming kaibigan.Pero kung tutuuisin nagkakilala kaming lahat dahil sa
kagagawan nilang tatlo.

Maraming buhay ang nasira dahil sa pagkakaibigan ng tatlong batang lalaki.

Sina Dixon , Grey at Darren. Mga batang akala mo'y napaka-inosente sa unang tingin
pero kung makikilala mo sila ng mabuti , malalaman mong mga demonyo palang
nagbabalat-kayo.

Lumaking angkin ang kasamaang magbabago ng lahat.

Deep inside we all have our own demons.

Mahirap magtiwala sa mga tao dahil walang kasiguraduhan ang lahat.

Pero kahit na ganun , iisa lang ang dapat nating ipairal

At yun ay ang tiwala sa diyos.....


THE END................................

HUWAAAAIIIIT ! wala pa ! hahahaha :D

[WAG MANINIWALA SA AUTHOR NA TAKAS SA MENTAL........]

Matapos ang service ay nagsialisan na ang lahat.

Sinadya naming magpa-iwan.

[PLAY THE SONG ON THE MULTIMEDIA BOX.....

GONE TOO SOON - SIMPLE PLAN]

Nakaupo lang kaming apat sa bermuda grass.


Luhaan parin kami.

Si James na may benda pa sa ulo ay hindi parin humupa ang mga luha. First time kong
nakitang umiyak si James. Tapos ganito pa katindi

Si Ria at Dj nakatingin lang sa kawalan.

Biglang tumayo si James at lumapit sa puntod ni Milo.

"Bro bakit ka naman nang-iwan? Sabi mo naman diba tutulungan mo pa akong humanap ng
chick na seseryosohin ko." pinunasan ni James ang luha niya at humarap kay Kitty
"Hoy babae , wag ka masyadong dumaldal dahil baka sipain ka nila paalis sa langit"
hindi na ulit napigilan ni James ang luha niya.

Tumayo ako at inakbayan si James

Hindi kami nagsasalita...

Bigla ko ring naramdaman na may umakbay sa akin , Si Ria pala

bigla ring tumayo si DJ at inakbayan si James.

nag-iiyakan kami....

wala kaming pakialam kung may makakita sa amin. wala kaming pakialam kung
nagsitulo na ang mga sipon namin. wala kaming pakialam kung bansagan man nila kami
ng kung ano-ano
"Guys di man lang kayo nagpaalam , ang daya " Ria

biglang nagsalita si DJ na kanina pa walang imik

"Bearbrand salamat sa lahat........ Magkasama na kayo ni Kitty diyan.Kapag nakita


niyo si Kath, Wag na wag nyo siyang hayaang manatili diyan. Pabalikin nyo agad sa
akin ha" Dj

"Kapag naging pari na ako , ako na mismo ang magkakasal sa inyong dalawa ni Kitty
bro... " James

O_O

Nanlaki ang mga mata naming tatlo. natigil kaming lahat sa iyakan namin.

"Pari? " dj

"Ikaw?" Ria

"Sure ka? "ako

"Bwisit bat di kayo naniniwala , magpapari nga ako. " James


di namin naiwasang magtawanan.

kahit ano pa ang problema namin , kaya parin naming tumawa kapag magkakasama kami.

magsasalita pa sana kami nang biglang tumunog ang cellphone ni Dj

"Guys pinapatawag tayo sa police station " Dj

sabay-sabay kaming pumunta doon...

bigla ko na namang naalala ang mga nangyari 2 weeks ago....

-----FLASHBACK----

[3RD PERSON'S POV]

Pagpasok ng mga police ay agad nilang naabutan si DJ na karga ang walang buhay na
si Kath kayat agad nila itong isinakay sa ambulansya.
Napakaraming dumating na mga police pero once again , HULI NA ANG LAHAT.

dumating ang ama ni Dj at nakita niya ang anak na si Darren na pinoposasan na ng


mga police. Hindi na nanglaban pa si Darren dahil kagaya ni DJ , hindi parin siya
makapaniwala sa aksidenteng nangyari kay Kath...

"Darren.... " tanging nasabi ng kanyang ama

Si Quen naman ay sandaling nakipagtitigan sa kanyang ama at napangiti. Ngiting


demonyo.

----------

Si DJ ay nasa isang tabi lang at nakatulala habang isinasakay si Kath sa isang


stretcher. Agad siyang nilapitan ng ibang mga nakaligtas.

"DJ nasaan si Kath?! " tanong ni Dominic na katatapos lang kinalagan ng mga police

napa-iling iling lang si DJ at umiyak

"Dominic Sorry , hindi ko siya naprotektahan " DJ


muling nagbalik kay Dominic ang lahat ng nangyari kay Parker.

Sa mismong lugar kung saan namatay si Parker ay Doon din binawian ng buhay si Kath.

napaluhod siya at napaiyak.

maging si Kat ay napaiyak din....

Lahat sila ay isa-isang sinakay sa mga stretcher.

Lahat sila ay ginamot sa kanya-kanya nilang sugat na tinamo.

lahat sila may sugat..

wala sa kanila ang hindi nasaktan.

"BUHAY PA TO ! " sigaw ng isang paramedic kayat agad nagtakbuhan ang lahat papunta
sa ambulansyang kinaroroonan ni Kath.
kitang-kita nilang rine-revive si Kath gamit ang defibrillator

"1001 ! 1002 ! 1003 ! " paramedic

biglang naging stable ang monitor ni Kath.

tuwang tuwa ang lahat sa nangyari.

Si DJ na kanina ay nakatulala ay biglang nakahinga ng maluwag.

gusto sana nilang sumama kasama kay Kath at Robbie patungo sa ospital kaso hindi pa
sila pinapayagang maka-alis sa isla. Tanging si Kath at Robbie lang ang pinayagang
umalis. Silang dalawa nalang kasi ang natitirang walang malay.
"Dj , wag kang mag-alala wala kang kasalanan. hindi mo siya pinabayaan alam naming
lahat yun" Dominic

"Oo nga , wag kang mag-alala Kath is a fighter she'll be okay" Kat

pilit nilang pinapakalma si DJ dahil hindi parin ito mapakali.

-------------------------------

Ilang oras ang lumipas matapos ang interogasyon ay agad silang pumunta sa ospital.

nasa waiting area sila habang hinihintay ang operation ni Kath at Robbie sa
magkatabing kwarto.

biglang lumabas ang doktor na nago-opera kay Robbie at ibinalitang maayos na siya
pero pansamantalang paralisado ang kanyang kanang kamay.

Patuloy parin sila sa paghihintay na matapos ang operation ni Kath.

Walong oras silang naghintay hanggang sa lumabas na ang doktor.


"Nasaan po ang family ni Ms. Bernardo? " doctor

agad naman nagsilapitan ang mga magulang ni Kath na hindi mapakali.

"Your daughter is comatosed. Were not sure how long. Were sorry but theres 50%
possibility that she wont be able to wake up. She sustained alot of injuries from
the beating she recieved , She needs a kidney donor dahil napuruhan po talaga
siya." Doctor

---END OF FLASHBACK---

____________________________________

[DJ'S POV]

kagagaling lang namin mula sa libing ng mga guro at kaklase namin.


Gusto ko sanang dumiretso sa hospital para makasama si Kath kaso pinapatawag ulit
kami sa police station. Siguradong magkikita na naman kami ng walang hiya kong
kapatid.

nang makarating kami doon , agad kaming sinalubong ni Det. Rossi

"Det. kailangan po ba talaga kami dito? baka po magising si Kath , kailangan po ako
doon " ako

alam kong sinabi ng doktor na maliit nalang ang posibilidad na mangyari yun pero
may tiwala ako kay Kath. Hindi siya bibitaw...

biglang lumabas si Daddy mula sa isang kwarto at sinabihan akong pumasok.

naiwan ang iba sa labas.

pagpasok ko doon sa interrogation room , nakita kong nandoon pala si Quen.

nakasuot na siya ng orange t-shirt at may posas sa kanyang mga kamay.

kahit na nasakote na siya ay parang wala lang sa kanya.

nakaupo kami sa isang table.

nasa harapan lang namin siya.


"Wow family reunion to ah " Quen

nakunot ang noo ko sa sinabi niya

"Family? you call us your family? you ruined our lives ! pinatay mo si mommy ! "
hindi ko napigilan ang sarili ko at nagsisigaw ako doon.

pilit naman akong pinapakalma ni Daddy

si Quen tumatawa lang

"Darren please.... bakit ka nagkaganyan? anong ginawa namin para magkaganyan ka? "
Daddy

naaawa ako kay daddy

sa kabila ng lahat ng ginawa ni Quen ,mahal parin siya ni Daddy

anak niya si Quen kayat kailanman hindi mawawala ang pagmamahal ni Daddy sa kanya

"I was born this way DAD ! I was born evil ! Hell , hindi ko kailanman pagsisisihan
ang mga ginawa ko " Quen

sa galit ko , napalo ko ang table at kinwelyohan siya


"Hindi ka nagsisisi sa ginawa mo kay kath???! akala ko ba mahal mo siya?!!! " sigaw
ko sa kanya.

biglang nawala ang ngiti sa mukha niya ng banggitin ko si Kath.

agad naman akong inawat at pinaupo ni Daddy

halatang nag-aalala si Quen kay Kath....

"N...nasaan si Kath? bakit di pa niya ako binibisita ? " Quen

siya pa ang maygana magsabi niyan?

punyeta!

"Bibisitahin? ang lakas din ng loob mo! Comatose si Kath ng dahil sa kagagawan
niyo! hanggang ngayon nag-aagaw buhay si Kath ng dahil sayo!! " ako

bigla akong hinawakan ni Dad kayat napilitan akong tumahimik.

"Quen, nasa hospital pa si Kath. Hindi pa siya nagigising. Sa ngayon naghihintay


muna siya ng kidney at blood donor " kalmadong sabi ni Daddy
nang marinig yun ni Quen ay bigla siyang natahimik.

pagkatapos nun ay hindi na siya nagsalita at nakatulala na lang.

parang wala nang patutunguhan ang usapan namin kayat nagsi-alisan nalang kaming
lahat.

Nauna na akong bumisita sa ospital dahil ininterview pa ang iba ng mga police.

--------------------

"Babe gising na , napapasarap na naman ang tulog mo " ako

nakahiga lang si Kath sa kama niya.

ilang araw nadin siyang ganyan.

tanging makina nalang ang bumubuhay sa kanya.

napakasakit sa aking nakikita ko siya sa ganitong sitwasyon.

hindi ko siya naprotektahan mula sa kapatid ko.

araw-araw patuloy akong nagdadasal na sana magising na si Kath at makahanap kami ng


donor.
Mahirap kasing hanapin ang match ni Kath.

kung pwede lang sana na ako ang magiging donor, matagal ko nang ginawa pero sadyang
napaka pait ng tadhana.

Niisa sa amin walang match sa kanya.

kailangan pa naming maghanap ng donor...

_______________________________________

[3RD PERSON'S POV]

Magdamag na hindi mapalagay si Quen nang malaman niya ang kalagayan ni Kath.

Sa kabila ng kasamaan ni Quen ay totoong minahal niya si Kath.

pagsapit ng umaga ay nakapagdesisyon na si Quen.

kinausap niya ang kanyang abogado at pumirma ng kasulatan na nagsasaad na kapag may
mangyayaring masama sa kanya ay maido-donate sa isang ospital ang kidney niya.

Pinangakuan ni Quen ng malaking halaga ng pera ang kanyang abugado kapalit ng


kanyang pananahimik.
pagsapit ng tanghalian ay biglang nang-agaw si Quen ng baril sa isang police at
nang hostage ng isa pang preso.

nag-amok si Quen doon kayat walang ibang nagawa ang mga police kundi barilin siya.

Pinagbabaril si Quen ng maraming beses.

ngunit bago pa man siya malagutan ng hininga ay nabigkas niya ang pangalan ng
iisang taong minahal niya...

"K...Kath.. "

____________________________________

[DJ'S POV]

Nandito parin ako sa tabi ni Kath.

hindi ko siya iniiwan.

para ngang dito na ako nakatira kaso pinapauwi ako ng parents ni Kath para sila
naman daw ang magbantay sa kanya.
habang papaalis ako , bigla kong nakasalubong si Dominic at Kat na abot tenga ang
ngiti.

"DJ good news " Kat

"Ano yun? " ako

"May donor na si Kath! " Dominic

"Talaga?! Thank you lord ! " ako

hay salamat...

tuwang-tuwa ako sa nabalitaan ko.

mas malaki kasi daw ang posibilidad na gigising si Kath kapag nagka kidney donor na
siya.

nang makarating ako sa bahay , napansin kong medyo tahimik si Daddy

"Dad anong meron? " ako


"Dj....wala na si Quen " Daddy

wala akong ibang nararamdaman.

tumango nalang ako.

"Ano daw nangyari ? " ako

walang ibang emosyon ang lumalabas sa akin.

totoo , kapatid ko si Quen pero walang kapatawaran ang ginawa niya

"Nang-agaw siya ng baril sa isang police kanina at nang-hostage kaya pinagbabaril


siya ng mga police " Daddy

tumabi ako kay Daddy sa sofa

"Dad wala po kayong pagkukulang sa kanya sa katunayan sobra po yung ginawa niyo
dahil hindi man lang kayo nagalit sa kanya " ako

"Anak hindi ganun , Galit ako sa... sa ginawa niya , galit din ako sa kanya pero
anak ko din siya" daddy
tumango lang ako

"Dad naiintindihan ko naman po kayo , hindi niyo na po kailangang magpaliwanag" ako

naiintindihan ko naman talaga si Daddy

alam kong nahihirapan din siya dahil sa mga nangyari.

-----------------------------

2 DAYS LATER

nandito kami ngayon sa hospital.

kakatapos lang kasi ng operation ni Kath dahil nandito na daw ang kidney.

kompleto kami dito para sumuporta.

hindi namin pinag-uusapan ang tungkol sa nangyari kay Quen dahil ayaw pa naming
maalala si Quen o ang mga nangyari...
matapos ang operasyon ay hindi parin nagigising si Kath.

hindi parin kami sumusuko.

sinabi ng doctor na mas lumaki ang chance ni Kath mabuhay ng dahil sa transplant
pero hindi daw kami dapat umasa dahil may posibilidad padin daw na hindi magising
si Kath...

Ang tanging magagawa naming lahat ay magdasal.

araw-araw kaming nagdadasal.

napakaraming nanalangin na magising na si Kath.

[END OF CHAPTER 40 :))))]

*******************************************
[44] Epilogue
*******************************************
ito na ... last na talaga...

sa AUTHOR'S NOTE NA AKO MAGDA-DRAMA :D hahaha

GUYS ANG SAYA KO HABANG BINABASA ANG MGA COMMENTS NYO. HAHAHA

THANK YOU DIN GUYS FOR SUPPORTING SH & SU

_____________________________
[DJ'S POV]

Its been two months...

two long painful months na hindi pa gumigising si Kath.

Ang iba parang sumusuko na...

Pero hinding hindi ako panghihinaan ng loob.

alam kong hindi niya kami iiwan.

araw-araw akong nagdadasal na sana magising na siya.

December 25 na

Paskong pasko pero di parin siya nagigising...

nakakainis... humanda talaga siya sa akin kung mas tumagal pa ang tulog niya.

umuwi muna ang parents at relatives ni Kath para mag-pahinga dahil dito kami
nagcelebrate kagabi. nandito rin si Daddy kagabi kaya ang saya. Parang iisang
pamilya lang kami. Si Kath nalang talaga ang kulang.

Ako lang mag-isa dito ngayon. ayaw ko kasing iwan si Kath dahil baka magising siya.
Darating din mamaya ang barkada.

"Payatots gising ka na , wag ka nang magpa-abot ng new year " ako

biglang may kumatok sa pintuan...

Si Dominic pala

"DJ pinapauwi ka daw ng papa mo. Di ko alam kung bakit." Dominic

"Ako?" ako

"Ay hindi , hindi.. " Domic

natawa lang ako

nyeta , craziness runs in the family talaga.

siya na daw muna ang magbabantay Kay Kath habang wala ako...

"Babe uwi muna ako ha? babalik ako ASAP " bulong ko sa kanya

agad akong umalis dahil baka may emergency sa bahay.


pagkasakay ko sa elevator , napansin kong ako lang mag-isa sa loob

ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng kaba.

gusto kong bumalik sa kwarto ni Kath pero huli na dahil bigla nang nagsara ang
elevator.

pinindot ko ito para bumukas pero hindi.

parang sira

"Langya ano na naman to.. bumukas ka please..."

nagulat ako nang biglang namatay ang ilaw


hindi lang ang ilaw ang namatay kundi ang kuryente pa talaga.

bigla akong napaluhod nang maalala ko si Kath

hindi ko maiwasang mapaiyak..

nagdadasal ako na sana bumalik na ang kuryente pero wala...

makina nalang ang tanging bumubuhay kay Kath........

iyak lang ako ng iyak habang nakaupo sa isang tabi...

wala na si Kath.....
*POK*

*POK*

*POK*

"Palaka gising na "

bigla akong napabalikwas mula sa sofa

hingal na hingal ako....

pinipitik pala nila Robbie ang noo ko..

mabuti nalang talaga at panaginip lang ang lahat.

"Hoy DJ bwisit daig mo pa si Kath sa tagal gumising! " Robbie

"Bwisit for the first time bro natuwa ako nang makita kita! " Ako

"Hala sakit naman magsalita! " Robbie

biglang bumukas ang pintuan sa likod ni Robbie


"MERRY CHRISTMAS MGA NYETA!!! " sigaw ni James na biglang dumungaw sa pintuan.

Diyos ko

magpapari ba talaga to si James?!!

"Hoy natutulog si Kath madidistorbo mo ! " saway ni Robbie kay James

"Tanga! Mabuti ngang madistorbo si Bebekath para magising! " pumasok din si Ria sa
pinto na may dalang mga pizza.

natatawa lang ako sa kanila dahil umiiral na naman ang kabaliwan....

"Nga pala bakit ang tagal nyo?! nakatulog tuloy ako at nagkaroon ng bwisit na
panaginip." ako

isa-isa na nilang binaba ang mga dala nila at pumwesto na sa pagkaka-upo.


"Sorry hinintay pa kasi naming magkaroon ng sapat na vacant ang elevator...to
kasing isa hindi gustong gumamit ng hagdan" James

agad itinuro ni James si Robbie

"Try mo kayang maitulak sa hagdan ng maraming beses hindi ka ba magkakaphobia


nyeta!" Robbie

"Paskong-pasko nagsisigawan na kayo , mabuti nalang at chillax lang si bebekath "


sabi ni Ria tapos lumapit kay Kath... Inaayos niya ang unan ni Kath..

agad din kaming nagtayuan para ayusin ang mga upuan para malapit kami kay Kath
lahat.

-----------------------

The usual trip parin kami

movie marathon sabay kain ng pizza

hindi na horror ang pinapanood namin. naranasan na naming maging parte ng horror
movie kayat bagong buhay na kami.

TED ang trip namin. sobrang laughtrip dahil sa manyak na teady bear.
pinagpapasahan naming lahat ang box ng Pizza

"Kath pizza oh ! " Ria

"Ayaw ni Kath akin nalang daw.. thanks kath " james sabay kuha sa pizza

oh diba? parang normal lang na trip

naglagay din nga kami ng extra 2 chairs para kay Milo at Kitty.

mabuti nalang talaga at may flatscreen sa hospital room ni Kath...

tawa kami ng tawa nang biglang sumigaw si Robbie

"UWAAAAAHH ! GUMALAW ANG KAMAY NI KATH! "


dali-dali kaming tumayo lahat at agad binuksan ang mga ilaw.

excited na excited kaming lahat

pero nang tiningnan namin si Kath wala naman...

"Bro wala namang ganyanan " ako

nakakapanghinayang kasi , nag-eexpect na akong gumising si Kath pero wala pala....

"I swear to God hindi ako nagsisinungaling " Robbie

seryosong seryoso ang mukha ni Robbie

alam naming hindi siya nagsisinungaling pero wala eh.

"Robs baka epekto lang niyan ng pagkakabagok mo , minamalikmata ka na. diba Ria? "
James

hindi sumasagot si Ria kayat agad kaming napatingin sa kanya.

"Hoy! " ako


pero nakatingin lang siya kay Kath.

nanlaki ang mga mata ni Ria habang nakatingin kay kath kayat napatingin din kami
kay kath.....

nagulat kaming lahat dahil gumagalaw ang kamay ni Kath...

"AND YES ROBBIE CHEN IS ONCE AGAIN CORRECT!! " Proud na proud na sigaw ni Robbie
sabay taas ng kamay para high five pero ni isa sa amin ang pumansin sa kanya.

agad kaming lumapit kay Kath...

napakasaya naming lahat....

"Kath ... babe .. can you here me ? " ako


hinahawakan ko ang kamay ni Kath para maramdaman niyang nandito kami.

"Bebekath kung naririnig mo kami sapakin mo si James! " Robbie

"Nyeta! kath batukan mo si Robbie" James

"Hoy baka kung saan na naman ako ma paralyze wag na " Robbie

bigla silang kinurot ni Ria

Napakadaldal kasi ng dalawa

"Bebekath...open your eyes na please..." Ria

nagsimulang gumalaw ang eye lids ni Kath

ilang minuto ang lumipas at dahan-dahang bumukas ang mga mata niya...

naluha ako sa saya.

at last magigising na si Kath


napatingin ako sa iba , naluluha na din ang dalawa samantalang si Ria umiiyak na at
halos tatalon sa saya.

"THANK YOU LORD! JAMES TAWAGIN MO ANG DOCTOR! " ako

sa saya ko sumisigaw na ako..

nakatuon lang ang atensyon naming lahat kay Kath

parang nahihirapan siya sa pagbukas sa kanyang mga mata....

"Ria tawagin mo ang doctor ! " James

"Kuya tawagin mo ang doctor " Ria

"Kath tawagin mo ang doctor " Robbie

nagkatinginan kaming apat.

sus kung pwede lang talaga, babatukan ko na to si Robbie kaso baka kung saan pa ma
paralyze kawawa naman...

tuluyan ng nagising si Kath

bigla niyang tinanggal ang tubong nakakabit sa bibig niya kayat nagpanic kaming
lahat.

"Kaaath! wag ! " kami

huli na kami , tuluyan na niyang natanggal ito.

pero parang okay lang naman siya...nakahiga parin siya.....

parang nahihirapan nga siya sa tubo kanina..

"Kath okay ka lang? " ako

pigil kami sa paghinga

halo-halo ang emosyon naming apat.

ang daldalerong sina James at Robbie ay tumahimik.


"K....Kath? " kath

Nakunot ang noo naming lahat

hindi ganyan ang reaction na hinihintay naming lahat

tiningan niya kami isa-isa .

Yung mukha niya ay halatang litong lito. Mistulang may question mark siya sa
mukha...

naghihintay kaming lahat sa susunod niyang sasabihin...

nakikinig kami ng mabuti sa kanya...


"S... Sino kayo? N..nasaan ako? " kath

napako kaming lahat sa kinatatayuan namin.

gulat kaming lahat...

"Babe ako to? di mo ba ako nakikilala? " ako

"S..Sino ako? " dagdag pa ni Kath

"Hala! Nyeta naman oh! nagka-amnesia pa si Kath! " Robbie

tinititigan parin naming lahat si Kath


lahat kami naiiyak na dahil niisa sa amin wala siyang matandaan.

biglang binuka ni Kath ang bibig niya na halatang nahihirapan ng magsalita.

"P....

P....

PA.
..PATOLA... " kath

nagtinginan kaming lahat...

lahat kami naguguluhan sa sinasabi ni Kath.

"Anong patola? Kath hindi ka Patola! Tao ka! Tao!" Robbie

"Kuya isa nalang talaga babatukan na kita!!!! " banta ni Ria na inis na inis na sa
kuya niya.

bumalik ang tingin naming lahat kay Kath...

Nakangiti si Kath..

Yung ngiti niya parang nakakaloko.


"Kayo mukha kayong patola! " kath

this time yung boses ni Kath naging maayos na pero bakas ang panghihina.....

LOADING....

LOADING....

LOADING....

LOADING...

LOADING...

LOADING...

"KATH! " sigaw naming lahat habang sabay sabay namin siyang niyakap...

dinaganan naming lahat si Kath sa kanyang kama

langya napagtripan pa kami

pero Ang saya dahil sa wakas gising na siya


"HOY DI AKO MAKAHINGA " iyak ni Kath kayat agad kaming napabitaw...

hinang-hina siya kayat agad kaming nakonsensya

kawawa dinaganan naming lahat habang kagigising lang niya

"Sorry , ikaw naman kasi eh nangt-trip.. wag ka ng matulog ha? " sinasabi ko sa
kanya habang inilapit ko ang mukha naming dalawa.

"Huy pakiusap tawagin nyo na ang doktor" ako

agad namang lumabas si Robbie,James at Ria

hayy salamat...

"Kath we missed you so much, I missed you so much! akala ko talaga iiwan mo na
kami" ako

agad ko siyang hinalikan sa noo

"pwede ba naman yun? sabi ko naman diba di ako mawawala " Kath tapos ngumiti

agad dumating ang mga doktor at inasikaso si Kath..

tinawagan ko din ang parents ni Kath at si Dominic.


alam ko na kagaya ko , nasasabik nadin silang makita si Kath na gising.

lumayo muna kami dahil nilapitan siya ng mga doktor.

they checked kath

lahat sila may ngiti sa mga mukha

lalapit na sana ako kay Kath nang bigla akong kinausap ng doktor

naging kaibigan ko na din kasi ang mga doktor dahil parati lang akong nandito sa
hospital.

"What happened is a real miracle , buong akala naming lahat di na siya magigising.
Congratulations " doc

"Correction , CHRISTMAS MIRACLE! " Robbie

nagulat ang doktor dahil biglang sumingit si Robbie sa pag-uusap namin.

"Doc pagpasensyaan nyo na nabagok po kasi ang ulo nito " James sabay turo kay
Robbie

nagtawanan kaming lahat.


Salamat sa diyos at nagising na si Kath.

_________________________________

[KATHRYN'S POV]

2 Months na ang lumipas matapos ako magising.

Ang tagal ko palang nakatulog.

Another chance for life at hindi ko na ito sasayangin pa.

Medyo naninibago pa ako dahil sa mga nangyari. Wala na ang ibang mga kaibigan ko
nakakainis nga eh dahil hindi man lang ako nakasama sa paghatid sa kanila sa huling
hantungan.

Parati lang akong bumibisita sa puntod nila

kahit papaanoy medyo natatanggap ko na ang lahat

"Nandito na tayo " dj

Napatingin ako sa kanya at napangiti

Agad niyang hinawakan ang kamay ko.


Nagkabalikan na pala kami ni Dj.

Mahal namin ang isa't-isa , pero sadyang naging biktima lang talaga kami sa
pelikula ng mga sira-ulong itinuring naming kaibigan.

Nang dahil sa mga nangyari , mas tumatag pa ang relasyon namin.

Biglang bumaba si DJ at pinagbuksan ako ng pinto.

Hanggang ngayon may Cast pa ako sa kamay ko. Medyo malala din kasi ang bali ko.

"Di ka sasama? " ako

Ngumiti lang si DJ at umiling

"Alam kong kailangan nyong mag-usap ng pinsan mo , hihintayin lang kita dito " DJ

Matapos magpaalam agad na akong naglakad papalapit sa puntod ni Ate Parker.

Mula sa malayo , natanaw ko na Si Kuya Dominic na kinakausap si Ate Parker...

Napansin niya na papalapit ako kayat agad niya akong sinalubong at inakbayan...
"Parker nandito na si Chandria! " sigaw ni Kuya habang papalapit kami.

Alagang-alaga talaga ni Kuya Dom ang puntod ni Ate.

Ang linis ng paligid tapos may magagandang bulaklak pa.

"Chan Okay ka na? " kuya

"Oo naman....mahirap tanggapin ang lahat pero kailangan eh . " ako

ngumiti ako sa kanya.

"At some point we really have to accept things kahit na masakit. Mas masasaktan
lang tayo kung hindi natin tatanggapin ang mga nangyari. " sabi ni Kuya Dominic
habang nakatitig sa puntod ni Ate.

Agad ko siyang niyakap.

"Kuya alam mo naman diba na kailanman di ka iiwan ni Ate ,malay mo nakatingin siya
sa atin ngayon " ako

Napangiti lang si Kuya...

bigla kong naramdaman na tumutulo na naman ang luha ko.

"That's the reason why I continued living my life , alam kong parati ko siyang
kasama at alam kong masasaktan siya kung makikita niya akong patuloy na
nasasaktan... Kaya ikaw Chandria , wag na wag kang malulungkot dahil ang lahat ng
mga nangyayari ay may rason. " tumingala si Kuya "Death is inevitable , Death is
inescapable... Pero kahit ganun , hindi naman sila mawawala sa puso't isipan natin.
" Kuya dominic

"Kuya naman napakadrama mo.. pinapaiyak mo ako " sabi ko sa kanya habang pinipitik
ang noo niya.

Agad kong pinunasan ang luha ko.

"Hoy chandria may kasalanan ka pa sa akin " Kuya dom

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya

"Ano naman ? " ako

"Pinag-alala mo ako noong nasa isla pa tayo , Langya ka Cha! Muntik na akong
atakihin sa puso nang malaglag ka " kuya dom

Natawa lang ako sa kanya , mabuti nalang at okay na siya.

"Kuya mami-miss kita , ingat ka dun ha? " ako


"Oo naman ! ikaw din wag pabayaan ang sarili okay? patay ka talaga sa amin ni
Parker" Kuya dom

Bukas aalis na pala sila ni Ate Kat , sa ibang bansa sila mag-aaral para malayo sa
lahat ng mapapait na ala-alang dinulot ng mga nangyari...

Samantalang kami ng TEAM POLRAN , sa iisang eskwelahan lang kaming lahat. Tuloy
parin ang plano naming sama-sama. Ayaw naming mahiwalay sa isa't-isa. Pero yung
kurso namin iba-iba na.

matapos ng paalaman namin ni Kuya , agad na akong pumunta sa kinaroroonan ni DJ.

Nang makarating ako sa kinaroroonan ni DJ , agad niya akong pinagbuksan ng pinto..

Agad kaming nagtungo sa kabilang sementeryo kung saan naghihintay ang buong
barkada.

______________________________________________

[ROBBIE'S POV]
Kararating lang nila DJ at Kath

Nandito kami ngayon sa puntod nina Milo at Kitty.

Ipinwesto na namin ang lahat ng mga gamit para sa movie marathon.

Kahit na wala na ang dalawa sa amin , patuloy parin naming ginagawa ang mga bagay
na parati naming ginagawa habang magkakasama noon. Sa ganitong paraan ,
nararamdaman namin na kompleto parin ang barkada.

Kailanman ayaw naming mabuwag ang samahang binuo namin.

Nang matapos na ang pinapanood namin , balik kwentuhan ulit kaming lahat.

Nakaupo lang kaming lima sa bermuda grass.

Pinapalibutan lang namin sina Milo at Kitty.

Napatingin ako kay Ria

Bumalik na sa dati ang kapatid ko , muli na siyang naging masayahin. Tawa lang siya
ng tawa kahit na walang nakakatawa.

Biro lang , mas naging maganda ang pananaw niya sa buhay sa kabila ng mga nangyari.
Tinuturing niyang pangalawang pagkakataon na niya to para mabuhay kayat wala siyang
sinasayang na sandali. Nursing na pala ang kinuha niya , ewan ko rin kung ano ang
trip ng kapatid kung to pero masaya naman daw siya.

Napatingin ako Kay James

Nagbago na si James. Yung dating Chickboy , manyak , tamad at kung ano ano pang
negatibo sa mundo , wala na. Nagbagong buhay na talaga ang nyeta. Napaka pormal at
mapagkumbaba na ni James ngayon. Sineryoso niya ang sinabi niyang magpa-pari siya.
Next school year , papasok na siya sa semenaryo. Pero kahit na ganyan siya ,
siyempre hindi nawawala yung pagka-alaskador niya.

Napatingin ako Kay DJ

Ang saya na niya ngayon dahil parati niyang kasama si Kath. Ni hindi nga
mapaghiwalay ang dalawa eh. Simula nang magising si Kath ay agad nagkabalikan ang
dalawa. Sigurado akong this time , hindi na nila hahayaang mahiwalay sila sa isa't-
isa. Engineering student na daw si DJ next school year. Naririnig ko palang ang
salitang engineering dumudugo na ang ilong ko.

Napatingin ako Kay Kath

Nang magising si Kath ay mas sumaya ang barkada. Siya parin ang baby naming lahat.
Naging mas masaya si Kath. Napakakulit parin niya pero mature na kung mag-isip. Ang
saya na din niya dahil parati niyang kasama si Dj. Hanep din tong si Kath dahil
magdo-doktor daw.
Nakakasawa tumingin sa kanilang lahat para I describe sa inyo ang mga sitwasyon
nila.

Paano naman ako?

Heto ako , Gwapo parin

hahaha

Isa lang naman ang nagbago sa akin ,at yun ay ang Phobia ko sa matataaas na
hagdanan.

"Hoy Robbie ! bakit nakangiti ka diyan? " James

asus , dinidistorbo na naman ako sa moment ko

Once a gago , always a gago

"If I know , naaalala ni Kuya Robbie yung nurse na kamukha ni Sandara Park " Ria

"Tsss.. pagnakatalikod Sandara Park pero pag nakaharap Jurrasic Park ! " ako
"Sira! ang bait kaya nun! " Ria

"Rob kamusta na pala ang kamay mo? " Kath

"heto sumasailalim na sa theraphy pero kapag kaya ko nang magalaw itto , unang una
kong gagawin ay batukan si James " ako

biglang napatingin sa akin si James

binigyan niya ako ng death stare

"Langya wag mo na akong batukan maawa ka naman. Pag ako naging pari na , Ikaw
talaga ang pinakauna kong ililibing Robs" James

tawanan ulit kami

nyeta talaga tong lalaking to . hahaha

hindi na pala uso ang batukan sa amin

siyempre karamihan sa amin ay may head concussion dahil sa mga nangyari kayat baka
mas lalo pa kaming mapahamak kung patuloy kami sa batukan.

Kurutan nalang ang trip namin ngayon.

"Hala tama ! James nakita kitang binaril ni Quen! akala ko talaga namatay ka nun!
" Kath
napatingin kaming lahat kay James

"Ah yun...Thank you pala Kath" biglang tumawa si James. May kinuha siya mula sa
leeg niya at pinakita niya sa amin ang isang dogtag , dogtag na sira "Itong dogtag
mo ang nagsalba sa buhay ko, mabuti nalang talaga at dito tumama ang bala. Sorry
kath nasira pero Kath thank you talaga dahil dito nabuhay ako " James

napangiti lang si Kath

halatang natutuwa

"Mabuti naman at may naitulong ako kahit paano , sayo nalang yan James. haha " Kath

"Hala bakit si James binigyan mo ng dogtag tapos ako wala? " Dj tapos nag pout

biglang pinisil ni Kath ang pisngi ni DJ

"Asus si tampururut! hindi ko yan binigay sa kanya noh! ninakaw niya yan sa
akin"Kath

tawanan ulit kami

hayy ang sweet talaga ng dalawang to!

mga langgam attack them please dahil umiiral ang pagiging bitter ni Forever Alone.

biglang napunta ang usapan tungkol sa naranasan namin noon sa isla


imbes mag-dramahan , dinadaan namin sa lokohan ang kwentuhan.

"Bro grabe ka nun , hinampas ka lang ng isang beses ni Kayla gamit ang isang
baseball bat plakda ka agad ! hahaha " Dj

nyeta napunta ba naman sa akin ang usapan...

"Weak mo naman bro! " James

"Hala si Kuya pa ang weak! James isang beses ka lang din hinampas ni Kayla gamit
ang Wall Clock. James , wall clock yun. WALL CLOCK ! " Ria

tawanan ang lahat.

natahimik naman si James ,wahaahah !

"Yun oh ! hahaha! Kapatid ko talaga to ! " sigaw ko habang inaakbayan siya.

"Oo nga magkapatid talaga kayo , pareho nyong sinasaktan ang puso ko " sambit ni
James na nag-eemote.

"Waaah! wall clock lang pala ang katapat mo james pero weak parin kayong dalawa ,
Si Kath nga na kahit na maraming beses pinaghahampas ng baseball bat nagawa pang
makatakas at makagapang doon sa manwhole. " Dj

facepalm kaming dalawa ni James


nakakahiya , mas grabe nga pala yung sinapit ni Kath na bugbog nun.

"Ay oo nga , nandun kami sa mga kulungan ng mangyari yun kay Kath di man lang kami
nakatulong. Pero bilib na bilib ako kay Kath , Tigasin din pala tong babaeng to.
Kahit na pinagbubugbog kamay lang ang napuruhan " James

sa aming lahat , Si Kath ang pinaka pihirapan kayat bilib kami sa kanya dahil
kinaya niya ang lahat ng sakit. Awang-awa kami dahil kung sino pa yung bunso sa
amin , siya pa yung dumanas ng ganung pagpapahirap.

"Hindi lang kamay no! tingnan nyo yung noo ko parang alkansya sa dami ng stitches "
kath

tawanan kaming lahat

para nga talagang alkansya ngayon ang noo ni Kath pero kami din naman , ako nga eh
may tahi din sa noo.

nag-sorry na din pala ako kay Kath dahil dun sa pinagbintangan ko siyang salarin.
Agad naman niya akong pinatawad. Hindi lang talaga namin sinasabi kay Dj dahil
siguradong lagot ako dun. haha

kain kami ng kain habang nagkekwentuhan.

ang saya lang dahil parang picnic.

parang kasama din namin sina Milo at Kitty.


"Guys tama na nga baka mag-iyakan pa tayo " kath

tumango naman kaming lahat.

yung usapan kasi namin napupunta na sa dramahan.

tumayo ako at inilabas ang Isang DISC sa bag ko.

"Yes may movie na naman... anong title nyan? " Dj

hindi ito isang ordinaryong pelikula

at siguradong hindi nila gugutuhing panoorin to

"Ang title nito? WORST WEEK OF OUR LIVES " ako

naiintindihan na nila ang ibig kong sabihin

inilapag ko ang disc sa isang tabi

tumayo kaming lahat sa harap nito

binuhusan ko ng gas ang disc at sinilaban ito.

nasa disc na yun ang lahat ng footages na kuha nila Quen , Kayla at Kevin
lahat ng patayan at iyakan......

"Sa pagkasunog ng pelikulang ito , masusunog din ang lahat ng masasamang ala-ala at
pangyayaring naranasan at nasaksihan natin doon. " ako

"Amen bro ! " James

nawala na naman ang pagseseryoso namin , tawanan na naman...

shit ang hirap talagang magpaka-serysoso

"Nood tayo ng hunger games ! " James

"Ang tagal na nyan , nakita ko na yan " Dj

oo nga, kaming lahat nakita na yan. summer yata nung na release yan.

"The bacon games " sabi ni Ria sabay siko sa akin

tawanan kaming dalawa

alam ko ang ibig sabihin niya


"OP ALERT ! " kath

"Oo nga may sariling mundo ang chen siblings " Dj

natawa lang ako

naO-OP na pala ang tatlo

"Ganito guys , Think of a movie title then palitan nyo ang isang word ng BACON "
ako

halatang naguguluhan sila

"Bacon? nakakagutom naman" Dj

"Nagugutom ka eh kumakain ka nga ngayon eh " james

"Ganito example . THE HUNGER GAMES , THE BACON GAMES " ako

napatawa naman sila lahat

gets na nila ang trip namin...

"THE BACON IN THE WOODS! " kath


"A CRAZY LITTLE THING CALLED BACON! " Dj

"BACON POTTER ! " Ria

"NO OTHER BACON " james

"SLAUGHTER BACON " ako

ang corny namin no?

kahit na napaka-nonsense ng Trip namin , nonstop laughtrip lang kami

napakasaya parin lalong lalo na't kami ang magkakasama.

tawa lang kami ng tawa...

Ibat-ibang tao mula sa iba't-ibang mundo.

napagsama-sama kami ng dahil sa tatlong batang lalaki.

Pero sa kabila ng lahat ng mga nangyari

Masaya parin ako dahil nakilala ko ang mga kaibigan ko.

Kahit na maraming pasakit ang tinamo namin , naghihintay pala sa amin ang masayang
buhay kasama ang isa't-isa.
Maaaring ngayon hindi pa namin lubusang natatanggap at naiintindihan kung bakit
kinailangang mangyari ang lahat ng yun pero darating ang araw na maayos din ang
lahat at malalaman namin ang rason sa lahat ng mga nangyari.

Sa isang iglap nagbago ang lahat , Ang mga taong inakala naming kaibigan ay
ipinahamak kami.

Ang mga nagpahamak sa amin ang siyang naglapit sa aming lahat sa isa't-isa.

Ang mga taong naging malapit sa amin , ay kailanman di namin kalilimutan. Kahit na
wala na sila , mananatili parin sila sa aming ala-ala.

We all have a purpose.

We all have chances

Life is short
Everything happens for a reason.

eventhough bad things happen , lets look up and thank God for everything.

God is always there for us

.....THE E N D.....

(c) highstrungteen & multiplepsycho

ALL RIGHTS RESERVED 2012

TO GOD BE THE GLORY !

*******************************************
[45] FACTS / AUTHOR'S NOTE
*******************************************

AUTHOR'S NOTE :

Guys THANK YOU sa inyong lahat. THANK YOU sa pagbabasa , votes at comments niyo.
Sobrang sumasaya ako everytime nakikita kong nadadagdagan ito.

Sa mga nagbasa from SLAUGHTER HIGH TO UNIVERSITY... THANK YOU

Lahat kayo sobrang SALAMAT.


Hindi ko kasi inakalang aabot sa ganito karami ang good reviews at readers ko.
Slaughter High started as a vandal on my notebook. Wala kasi akong trip nun kayat
nagsasayang lang ako ng tinta. bwahaha :D

Everything is so surreal right now.

Guys Pasensya na pala if medyo predictable ang ending ng BOOK 2.

napansin ko po kasi na napaka-tragic ng ending ng BOOK 1 kayat heto ginawa ko ng


masaya.

Pasensya na sa wrong grammars at wrong spellings xD kakapagod kasi mag-edit . haha

NEWBIE lang po ako kayat pagpasensyahan niyo na. xD

__________

gusto ko sana maglagay ng mga clues at explanations kagaya sa BOOK 1 kaso masyadong
madami eh :)) maglalagay ako pero di lahat...

1. Slaughter High was originally entitled , THE DEVIL WALKS AMONG US . Kaso medyo
mahaba tapos tinatamad ako sa pag-type ng title kayat pinalitan ko nalang ng SH.

2. Sa chapter 4 , Kayla and Quen was talking about KILLER SMILE , they mean that
LITERALLY. hahaha xD . isa yun sa mga pinaka-clue ko sa identity ng killer.

3.Sa chapter 15 , ang plano ni Kevin ay si Jason at Kristy lang ang bibigyan ng
drink na pampa-immune sa kanila sa knock-out gas kaso na-inom ni Kath ang isang
shot kayat bigla siyang nagising habang nakatali sina Kristy. After maibigay ni
Kevin ang drinks sa kanila, agad siyang nagtungo sa bahay ni Kath.
4.Sa chapter 16 , Si Kayla ang nagpainom ng kapeng may pampatulog kay James at
Kitty. Nagpapanggap lang siyang tulog the whole time. [ Actors are great liars ]

5.Kevin bought the island. Siya ang pinaka-unang dumating doon. Siya rin ang
pumatay sa ibang nandoon habang busy sa pagpapanggap sina Quen at Kayla.

Marami pa akong gustong ita-type na clues & explanations pero tinatamaaan na ako ng
katamaran . hahaha

_____________________

Hanggang dito nalang muna ako

Once again , THANK YOU SO MUCH FOR READING & SUPPORTING THE TWO SLAUGHTER BOOKS.

sobrang saya ko talaga dahil maraming tumangkilik nito.

words arent enough to describe the happiness i feel right now.

GOODBYE GUYS

THANKS AND TAKE CARE

HALImau logging out ♥

*******************************************
[46] Please Read [important] CONFESSION NI AUTHOR XD
*******************************************
UNDER EDITING
*******************************************
[47] Chapter I : Scars
*******************************************

************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

You might also like