You are on page 1of 1

PANALANGIN Sa Araw Araw

Maluwalhating Patriarca San Jose esposo ng kabanalbanalang Maria, kinilalang ama ni Jesus, kagalingan,
saklolo at pintakasi namin, kami’y nagpapatirapa sa mga paa Mo’t nag aalay sa Iyo ng Pitong Ama Namin
pitong Aba Ginoong Maria, at pitong Gloria Patri, alaala at galang sa dakilang pitong ligaya, na
dinamdam Mo sa buhay na ito: gayon din naman sa parating pagkahapis Mo hanggang tumutubos ang
kalinislinisan katawan ng Niño Jesus, na natatalastas Mo na balang araw ay lubhang pasasakitan at
ipapako sa isang krus; at sa malaking lumbay Mo nang ikaw ay papanaw sa buhay na ito’t mahihiwalay
sa kaibig-ibig na pakikisama kay Jesus at kay Maria; at sa mga kaaliwan at ligaya ng puso Mo sa
pagnamnam ng matatamis na bunga ng kabanalan at gracia na makakamtan ng tao sa mahal na kahoy
ng Krus at sa pagharap sa Iyo ng maawaing Jesus at ng masintahing Ina niya sa panahon ngIyong
pagkalinga upang ipagkaloob sa amin ng Diyos ang mga biyaya na iginawad Mo sa tunay na mawilihin sa
Iyo; at ang bukod na ninanasa namin sa pagsisiyam na ito, kung mauukol sa lalong malaking
kaluwalhatian ng Diyos sa kapurihan Mo’t sa kagalingan ng mga kaluluwa namin – Amen

(Magdasal ng pitong (7) Ama Namin, pitong (7) Aba Ginoong Maria at pitong (7) Gloria Patri at ang
sumusunod na tanging)

You might also like