You are on page 1of 1

Isang walang muwang na paslit, nasaksihan ang isang katakot-takot na pangyayaring sumira sa bayang

sinilangan. Isang alaalang hanggang ngayon ay tumatakbo pa rin sa kanyang isip na nagdulot upang
maging debosyon niya ang pigilan ang pagkawasak at pagka wala ng mga buhay.

Isang guro ng Trece Martires National Highschool si Dollwin O. Navarro ng Mathematics Department.
Siya rin ang School’s Disaster and Risk Reduction Management Coordinator ng paaralan na naglalayong
maihanda ang buong paaralan at lahat ng estudyante sa kahit na anong kalamidad na maaaring
dumating, lalo na ang tinaguriang “The Big One.”

Hindi malilimutan ng batang Dollwin, tubong Pangasinan, ang petsang Hulyo 16 taong 1990, ang araw na
nagdala ng takot sa kanya hanggang sa kasalukuyan. Ito ang araw na tumama ang 7.8 magnitude na
lindol sa kaniang lugar na kumitil ng madaming buhay at sumira ng mga imprastraktura, maging ang
buhay ng marami.

“Nung nakaranas ako ng ground shaking nag-enjoy ako syempre,” natatawang ani ni Dollwin.

Bilang isang walong taong gulang na bata, ang maranasan ang lindol ay isang pangyayaring nakakatuwa
at kakaiba sa kanyang nakasanayang mundo. Tila isang laro lamang ang paggalaw ng lupa na nagdadala
pa ng kasiyahan sa kanya imbes na takot.

Ngunit nang Makita niya ang nangyari sa bayan ng Dagupan na sinira ng llindol, unti-unti niyang nakita
ang bangungot gamit ang sarili niyang mata mismo. Mga sirang gusali, gumuhong tulay, mga
nagkakagulong tao at mga nasawing buhay.

Bilang ang kanyang lola ay nakatira sa Dagupan, nagdala pa ito ng higit na takot at pangamba. Ang buhay
ng kanyang minamahal ay nakabingit na rin sa kamatayan dulot ng pangyayaring hindi niya kayang
pigilan.

Kaya naman nangako na lang sa sariling tumulong upang maiwasan ang labis na pagkasira at pagka wala
pa ng mga buhay.

Ngayon ay nanunugkulan na siya bilang tagapangasiwa ng SDRRM ng TMCNHS. Masusi niyang pinag-
aaralan kasama ang iba pang mga guro ang mga dapat na gawin sa oras ng kalamidad lalo na ang

You might also like