You are on page 1of 2

Sakripisyo para sa pag-aaral.

Gigising ng madaling araw, mahabang sampung oras sa paaralan at nakakapagod na gabi para gawin ang
mga ipapasa kinabukasan. Ganito ang araw-araw na sakripisyong kinasanayan si Allyssa sa ilang taon
niyang estudyante ng science class. Ngunit dumating ang oras na ang katawan na niya mismo ang
bumigay dahil sa sobrang pagod.

Isa si Allyssa Marie Perdito ng grade 10 Gregorio Zara sa mga estudyanteng nalagay na sa panganib ang
kalusugan dahil sa sobrang pagod dahil sa mga gawain sa paaralan.

Gigising ng alas kwatro ng umaga para maghanda at babyahe ng maaga para maka abot sa klase na
nagsisismula ng ala siete ng umaga. Matatapos ang klase ng lagpas ala singko ng hapon at makakuwi ng
halos ala siete na ng gabi. Pagkakasyahin ang ilang oras na natitira bago matapos ang araw para magawa
ang mga ipapasa kinabukasan at makapag-aral para sa mga pagsusulit na dapat ipasa.

Ilang taon ng ganito ang araw-araw na buhay ni Allyssa. Kahit mahirap ay sanay na siyang pagkasyahin
ang kanyang oras at maisakripisyo ang kanyang oras para sa sarili upang mapanatili ang kanyang grado.

Ngunit, hindi niya inaasahang bibigay din pala ang kanyang katawan sa ilang taon na niyang araw-araw
na buhay.

Ika dalawampu't walo ng Setyembre nang isugod sa emergency room si Allyssa. Matapos siyang
makaramdam ng pag-ikot ng paningin, pagka wala ng pakiramdam, labis na pagka hilo at pagsusuka ng
sabay-sabay.

Noon nalamang may roon na palang Vertigo si Allyssa. Ayon sa Medical News Today, isa itong "sense of
spinning dizziness" o pag-ikot ng paningin habang nahihilo. Nangyayari ito kapag may problema sa inner
ear, sa utak o sa sensory nerves. Dagdag pa rito, sinabi sa pag-aaral na kadalasang edad 65 ang
nakararanas ng ganitong sakit at may koneksyon sa mental health issue ng isang tao.

Ayon sa doktor, over fatigue o sobrang pagod, stress at kakulangan sa tulog ang naging dahilan kung
bakit nagkaroon ng vertigo si Allyssa. Pinayuhan din siya ng doktor na umiwas sa pagkain ng
mamamantikang pagkain at pinagbawalan sa caffeine.

Isa sa pinaka dahilan nito ang mga gawain sa paaralan na sinasabayan pa ng stress. Bilang pag-aaral lang
naman ang pinagkaka abalahan ni Allyssa at dito niya inilalaan halos lahat ng kanyang oras.

"Ano rin siguro yung sched ko kasi malayo school sa bahay ganon," kuwento niya.

Araw-araw na bumabyahe si Allyssa mula Manggahan hanggang Trece na inaabot ng halos kalahating
oras. Kaya aniya'y nadadagdagan pa lalo ang kanyang pagod.
Nakararanas man ng sakit ang mag estudyante, patuloy pa rin ang kanilang pagsisikap na mag-aral para
sa kinabukasang nais nilang makamit. Ano man ang maging kapalit kahit pa ang kanilang kalusugan,
basta't para sa mga kaalaman kayang isantabi.

You might also like