You are on page 1of 2

Isang mapagpalang umaga sa ating mga butihing guro’t kapwa ko Paulinian!

Ako po si Gwyneth Mae S. Lasarte ng Grade-7 St. Thomas. Ako poý inyong hayaan
ibabahagi’t isalaysay ang mga karanasan at nararanasan ng estudyante sa new normal na pag-
aaral
Alam kong ang ibaý makakarelate sa akin at at ang ibaý magmumuni-muni
kung totoo ba talaga, itong aking sasabihin. Kayaý halina kayo at makinig sa aking spoken
poetry
na pinamagatan kong ‘”Ang New Normal na Buhay ng Isang Estudyante”.

Panibagong araw na naman sa eskwela, pinipilit na namang gisingin ng aking mama sa umaga
Ididilat ang mata at pilit babangon kahit tulog pa ang diwa. Pipiliting maligo sa malamig na tubig
kahit antok na antok pa.

Kung minsa’y papasok ng hindi nag-uumagahan, dulot ng pagmamadali makapasok lang sa


tamang oras at di mapabilang sa listahan. Minsan nga’y sumasakit ang ulo at nagrerebulosyon
na ang tiyan
Ganyan ang mga estudyanteng sa klase ay ayaw lumiban.

Sandamakmak na mga gagawin ang nakaabang sa kanila. Sa kalahati man o buong araw nila sa
eskwela
Mga pagsusulit, aktibidad at kung ano-ano pa ay kanilang ginagawa kahit pagod na pagod na.
Ganyan ang mga estudyanteng matiyaga sa pag-aaral nila. Nakarelate ka ba?

Pumasok sa paaralan nang maaliwalas pa ang mukha at uuwi nang halos di maipinta ang itsura
Stress na stress na nga, wika nila sa dami ng pinagagawa. At pag-uwi imbis na magpahinga na ay
gagawin at tatapusin pa, upang kinabukasan ito ay kanilang maipasa.

Buong araw nila ay ginugol na sa eskwela at nawawalan na ng oras para sa sarili nila
Ni hindi na nga makapag-ayos o makapagpaganda, matapos lang ang lahat ng kanilang
ginagawa.

Kahit sa araw ng Sabado o Linggo ay di makapagpahinga, sa daming mga takdang aralin o


proyekto na pinapagawa. Andyan ang quipper, performance tasks at kung anu-ano pa
Sabay-sabay pa iyan, kaya sila’y labis na naguguluhan, kung ano ba ang unang gagawin o
tatapusin
dahil kung hindi makapagpasa sila ay mapapagalitan ni sir at ni maám

Lagi na rin pinapagalitan ng kanilang magulang, sa kadahilanang di nagagawa


ang mga gawain sa bahay na nakaabang at naka-asayn
Nagagalit din si mama at papa, dahil sa laging pag-uwi ng gabi sa di tamang oras
Dulot ng mga pag-eensayo o mga pagpapangkat ng kanilang grupo para ipresenta bukas.

Ganyan ang buhay ng isang estudyante. Ang akala ng iba easy-easy lng, pero hindi ganoon
kadali
Magkakasakit pero papasok pa rin. Nakakapagod, sobrang hirap, pero ok lng
Pilit na magtitiyagaga para sa pangarap
Kaya mga kapwa ko Paulian, manalig tayo sa Diyos, na ang lahat nang itoý ating makayanan
Para sa hinahangad nating magandang kinabukasan.

You might also like