You are on page 1of 1

IGIBAN, PAMATID UHAW SA INIT NA NARARANASAN

IGIBAN, PAMATID UHAW SA TAG-ARAW


NAIS KO, NAIS MO, NAIS NATING LAHAT
Mataas na temperatura, lumalagablab na init at tuyong lalamunan, bulong ng mga mamamayan

Sana all meron nyan.


Sana all meron nito.
Sana all may pambili.
Ikaw na mayaman, ikaw na may pera.

Sari-saring emosyon, sari-saring opinyon, mga salitang binibitawan ng mga taong ang nais ay isang sosyal na igiban walang
iba kundi ang AQUAFLASK na yan.

Pagsapit ng buwan ng Abril at Mayo ay hindi na magkandaumaliw o mapakali ang bawat isa lalong-lalo na pagtapat ng alas onse
hanggang alas dos ng hapon. Anon ga bang meron sa panahong ito? Halika, suriin at pag-usapan natin.

Dati-rati, karamihan sa mga bata buong maghapon ay nasa kalsada upang maglaro at nangangapit-bahay para makipagusap sa
kanilang kaibigan. Pansin din natin ang mga may edad ng nasa kalsada upang makipagbuno at maghanap-buhay. Walang init na
iniinda, patuloy sa pag-arangkada basta’t pangangailangan ng katawan ay kanilang maisalba. Ngunit sa kabila ng pagpapagal na
ito, maraming Pilipino ang umaaray sa panahon na ating nararanasan.

Kasama nga rito ang mga guro ng Luis Y. Ferrer Jr. North National High School na nagmula sa Departamento ng Agham. Upang
maitawid ang pang-araw-araw na pagtuturo, ang bawat guro sa nasabing departamento ay nagbigay ng mga suhestiyon kung ano
ang pwede at nararapat na gawin. Ito ay upang matulungang mapawi ang tuyong lalamunan at init ng katawan sa gitna ng gitgitan
na kanilang pinagdadaanan.

Ang Departamento ng Science ay tinaguriang AQUAFLASK TEAM ng Norte. Bukod tanging grupo ng guro na gumagamit ng
ganitong igiban. Mahal kung ilarawan ng karamihan, ngunit kailangan sa init na nararanasan.

Ano nga bang meron sa Aquaflask?

“Kailangan natin ng tubig araw-araw. Lalo na sa panahong ito, kinakailangang lagi tayong may dalang igiban hindi lamang sa
ating faculty kundi kahit sa pagpasok natin sa ating mga klase” pahayag ng kanilang susing guro sa Agham na si Bb. Edna A.
Mari. Dagdag pa nya, ugaliing gumamit ng payong kapag aalis at lalabas ng bahay upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng
mataas na temperatura sa labas.

You might also like