You are on page 1of 27

TALATA

Filipino 8
• Ano ang talata

• Katangian

• Mga bahagi
• Mga uri ng
talata
Ano ang Talata?
Ang talata ay lipon ng
mga pangungusap na
paunlad na bumuo at
nagpahayag ng isang
kaisipan.
Katangian ng Isang
mahusay na Talata
• Kaisahan
• Kaugnayan
• Kaanyuan
Kaisahan
Ang mga pangungusap ay
umiikot sa iisang diwa.

Kailangang lahat ng pangungusap


ay magkatulong na mapalitaw
ang kaisipang nais iparating.
Kaanyuan
Ang talata ay maaring buuin,
ayuisn at linangin ayon sa lugar,
kahalagahan o kasukdulan.
Kaugnayan
Kailangang magkakaugnay ang
mga pangungusap upang
magpatuloy ang daloy ng diwa
mula sa simula hanggang sa dulo
ng pahayag.
Mga bahagi ng isang Talata:
• Panimulang Pangungusap
• Gitnang Pangungusap
• Pangwakas na Pangubgusap
Panimulang Pangungusap
• Sinisimulan ang talata
• Tumatawg ng pansin sa
mambabasa
• Nagpapahiwatig sa nilalaman
• Hinihikayat ang bumabasa
para magtanong tungkol sa
paksa.
Gitnang Pangungusap
• Mga pangungusap na
magkakaugnay na sumusunod
sa panimulang pangungusap.
Pangwakas na Pangungusap
• Ito ang nagbibigay ng huling
detalye, buod ng talata, o
maaring nagbibigay ng
palagay o opinyon sa paksa ng
talata.
Iba’t ibang uri ng
Talata:
• Nagsasalyasay
• Naglalarawan
• Naglalahad
• Nangangatwiran
Nagsasalaysay
• Ito’y naglalayong
magkwento ng naranasan,
nabasa, nasaksihan, narinig
o napanood.
Pinakamasaya ang ginawang
kaarawan ng aking lola.
Masaya ito dahil sa bihirang
pagkakataon ay halos
nakompleto ang aming angkan
at dumalo halos lahat ng aking
mga kaanak.
Muli kong nakita ang aking
mga pinakamamahal na pinsan
na noon ay kalaro ko pa at
kasamang maligo sa ilog.
Masaya rin akong muling
makatapak sa aming
probinsya.
Ngunit ang
pinakanakagagalak sa lahat ay
ang makita ang wagas na saya
ng aking lola sa kaniyang
kaarawan.
Naglalarawan
Ito ay para bumuo ng isang
malinaw nalarawan ng mga
mambabasa o nakikinig. Ito ay
maaring nakikita, naririnig, at
nadarama ng isang tao.
Sa lahat ng punongkahoy, ang
niyog ang may
pinakamaraming
pinaggagamitan. Lahat ng
bahagi ng punong ito ay
mahalaga.
Mahusay na panggatong ang
katawan nito. Ang mga
dahoon nito ay nagagawang
basket, walis at pambubong.
Ang bunga naman nito ay
nakakatanggal ng uhaw at
gutom.
Tunay na ang niyog ay siyang
puno ng buhay!
Naglalahad
Ito ay nagpapaliwanag o
nagsasaad ng isang katotohanan
palagay o opinyon.
Ang Pilipinas ay isa sa
pinakapositibong bansa ayon
sa mga pag-aaral. Dito
nakatira ang mga masayahing
tao na nakukuha paring
ngumiti at maging masaya sa
gitna ng mga trahedya sa
Sa ngayon, ang Pilipinas ay
may pinakamataas na kaso ng
COVID-19 sa buong South
East Asia. Kaya naman,
binansagan ang Pilipinas na
bagong COVID-19 hotspot.
Nangangatwiran
Ito ay naglalayon na
mapasangayon ang iba sa
paksang isinusulat.
Dapat nga ba na ipagbawal
nasa paaralan ang pagdadala
ng cellphone? Naniniwala ang
mga guro na dapat itong
ipagbawa dahil maraming
mag-aaral ang hindi
nakakapagpokus sa mga aralin
Nagagamit din ito sa
pandaraya sa mga pagsusulit.
Ang ibang mag-aaral ay
nawiwili ding kumuha ng
larawan ng mga kamag-aral
upang magamit sa bullying.
Dahil sa mga kadahilanang ito
ay dapat na ngang ipagbawal
ang cellphone sa paaralan.

You might also like