You are on page 1of 2

Manunulat: Angel Andres

Ang Pag-u-unicycle ni Schwars sa Kanyang Pangarap

Hindi pera o kahit anong materyal na bagay ang pamanang natanggap ni Schwars mula sa kanyang ama.
Bagkus, kanyang namana ang talento nito sa larangan ng acrobatics.

Sakay ng isang unicycle araw-araw kung hindi umuulan ang pitong taong gulang na si Schwarzenneger
Balasan o Schwars kung tawagin ng kanyang mga kakilala papunta sa paaralan. Ang kanyang hilig ang
nagsisilbing paraan ng transportasyon patungo sa Conchu Elementary School kung saan siya ay nasa
ikalawang baitang na.

"Kapag hindi pa po ako late saka kapag maganda 'yung panahon, nag-u-unicycle ako papunta sa school,
hindi naman po ako nahihirapan dahil sobrang sanay na po ako sa mga gawaing yan dahil mula nung
natuto ako niyan ay nakahiligan ko ng gawin papunta sa pinapasukan kung paaralan," sambit ni Schwars.

Hindi naman naging hadlang ang kanyang hilig sa kanyang pag-aaral. Suportado siya ng kanyang mga
magulang lalo na ang kanyang ama pati ang kanyang mga guro at kaklase. Sumali siya sa iba’t ibang
patimpalak sa gymnastics at kamakailan lang ay nanalo siya ng ginto sa West Cavite Sports Unit na
ginanap sa Ternate Cavite, daan upang makatungtong ang talentadong paslit sa provincial meet.

"Hindi po ako nahihirapan sa school kasi pagdating ko po sa bahay, nagawa na po ako ng mga
assignment. Tapos sa school po nakakatuwa po kasi nagpapa-picture sila sa akin, dahil nga po eh nakita
nila ako sa tv," sabi pa niya.

Sumikat si Schwars dahil nagtrending ang isang post ng netizen na nagpost ng bidyo tungkol sa kanya na
naguunicycle papasok sa paaralan dahilan upang makita ng marami ang kanyang natatanging talento at
masulyapan ng mga sikat na personalidad sa telibisyon gaya ni Korina Sanchez ng Rated K at Drew
Arrelano ng AHA na kung saan ipinakita nila sa kanikanilang programa ang nakakabilib na talento ng
unicyclist kid ng bayan ng Trece Martires, Cavite.

Ang kanyang ama ang gumabay sa kanya kung paano mag-unicycle. Ito rin ang nagmulat sa kanya sa
larangan ng acrobatics. Siya ang nagsilbing inspirasyon ni Schwars. Higit sa lahat ay sinusuportahan niya
ang bunsong anak at sinasamahan sa kanyang training sa Manila dahil natanggap ito sa team ng
Philippine gymnastics. Ang suporta ng pamilya ni Schwarz ang nagsisilbing inspirasyon para mas lalong
pag-igihan at mahasa pa ang kanyang kakaibang talent na nagawa niya sa murang edad pa lamang.

"Idol ko po si Papa kasi inaalalayan niya po ako dati saka siya po 'yung nagtuturo sa akin lagi, hindi niya
ako pinapabayaan, lagi lang siyang nandiyan pag kailangan ko siya," wika ni Schwars.

Hinubog siya ng kanyang ama na si Marshall. Upang magkaroon ng balanse si Schwars, tumatawid ito sa
alambre. Iba't ibang klaseng improvised na kagamitan ang matatagpuan sa kanilang tahanan. Kanya ring
hinasa ang kanyang anak sa pamamagitan ng body building at iba't ibang flexibility exercise.
"Noong una, natatakot ako pero habang tumatagal parang nasasanay na ako. Madaming pangarap si
Schwars kaya susuportahan na lang namin siya sa gusto niya," pahayag ng kanyang ina na si Elgie.

Patuloy nilang hinuhulma ang kakayahan at talento ni Schwars. Sa kabila ng mga maaaring hadlang, ito'y
kanyang malalampasan gamit ang kanyang abilidad at ang kanyang unicycle.

You might also like