You are on page 1of 3

“Hayskul Layp”

Naaalala ko pa unag araw ko sa eskwela

Noo’y wala pa akong nakikilala

Ngunit ngayong nandito nako sa mataas na paaralan

Mga bagong studyante aking masisilayan

Hindi ko alam kung sinong kakausapin

Ang daming grupo sino ba ang pipiliin?

May tomboy, tambay, at basagulero

Meron din namang nerd, sporty, at matatalino

Nandyan ang tawanan, kwentuhan, at pikunan

Mga batang nagkokopyahan sa isang tabihan

Na gagawin lahat para sa kinabukasan

Huwag lang bumagsak at mapagalitan

Hindi mawawala ang suntukan at bugbugan

Mga magtotropa sa gate ay nagsisi-abangan

Pagpapatawag sa guidance ay inaasahan

Pagpalo, pagsermon asahan na rin sa mga magulang

Hayskul Layp

Dyan ako unang nakatikim ng love life

Isa sa aking mga naging inspirasyon

Kaya sinasabayan ko sa pag uwi tuwing hapon

Kapag may Intrams at Araw ng mga Puso


Kami’y nag-eenjoy sa daming pakulo

Hindi lang sa kompetisyon ng palakasan

Pagsali sa poster, slogan, quizbee ay naririyan

Buhay Highschool ay lagi nating makakasama

Sa oras ng paggraduate ay ating maaalala

Dating mga trip na napakasaya

Babalik balikan at ating ibabahagi pa

You might also like