You are on page 1of 1

SA AKING MGA GURO

Shenalin O. Taojo

May mga tao akong kilala—


maalaga, masayahin, at puno ng sigla.
Sa pagharap sa amin bawat araw,
tila ba ay napapalibutan sila ng ilaw.

Alam ko na sa bawat pagbukas ng pintuan,


at bawat pagpasok sa aming silid-aralan—
Ang mga hinagpis ay iniiwan sa labas
at sinusubukang nagbigay ng mga ngiting kay tamis at wagas.
Ramdam ko ang inyong pasanin,
kaya salamat sa walang sawang pagbibigay ng ngiti sa amin.

Sa paaralan na siyang naging pangalawang tahanan,


mga gurong nagsilbing mga magulang.
Bawat aralin na may kaakibat na mga aral sa buhay,
mga salitang sa amin ay nagbibigay ng saysay—
dala dala namin ito saan man kami maglakbay.
Salamat mga inay at Italy.

Ang tulang ito ay isang pagpupugay,


sa mga sakripisyo na inyong inialay—
upang sa buhay kami ay matulungan na magtagumpay.
Maligayang araw ng mga guro sa aming mga dakilang gabay.

You might also like