You are on page 1of 7

St.

John Academy of Visual and Performing Arts


229 A. Mabini Ave., Tanauan City, Batangas
Email address: st.johnacademyofvisualarts@gmail.com
Tel no. 741 - 1980

“EVERY CHILD IS SPECIAL”

INTRODUKSIYON
Every child is special ay isang istorya na punong-puno ng aral at magagandang –asal. Sa istoryang ito ay

may isang batang lalake na mayroong tinatawag na “dyslexia”. Ang batang lalake na mayroong “dyslexia” ay

napakatalinong bata dahil nakakagawa siya ng mga bagay na kakaiba na hindi nagagawa ng ibang bata. Siya ay

isang imahe sa atin na huwag sumuko sa lahat ng bagay dahil kahit na may kapansanan siya pinatunayan niya

na kaya niyang gumawa ng mga bagay na makakapag-pahanga sa ibang tao. Ang mga kabataan ngayon ang

pag-asa ng ating bayan. Magagawa natin ang mga bagay-bagay kahit na anong gusto nating gawin magtiwala

lamang tayo sa ating mga sarili kahit na may kapansanan ka pa. Sa ating henerasyon ngayon kailangan nating

gawin ang ating makakaya para sa pag-unlad ng ating bansa. Kahit na anong kondisyon pa ang meron ka kung

gumagawa ka ng mabubuting bagay hindi mo kailangang mag-alala dahil sa dulo makakamit mo ang

pinapangarap mo.

MGA ELEMENTO NG ISTORYA

TAUHAN

Ishaan Nandkishore Awashti- walong taong gulang na batang lalake na palaging nakakagawa ng

imahinasyon sa kanyang isip at hindi gusto ang pagpasok sa paaralan dahil sa bawat asignatura nila ay

nakakakuha siya ng bagsak na grado. Siya ang bida sa istorya at siya ay mayroong kapansanan na tinatawag na

“dyslexia”.

Ram Shankar Nikumbh- siya ang guro ni Ishaan sa sining at siya rin ang tumulong kay Ishaan na

makapagbasa at makapagsulat ng tama at maayos. Siya rin ay may “dyslexia” nung siya ay bata pa lamang at sa

kanyang mga napagdaanan alam niya ang nararamdaman ni Ishaan kaya tinulungan niya ito na mapalakas ang

kanyang pagpapahalaga sa sarili at ang kanyang tiwala sa sarili.


St. John Academy of Visual and Performing Arts
229 A. Mabini Ave., Tanauan City, Batangas
Email address: st.johnacademyofvisualarts@gmail.com
Tel no. 741 - 1980

Maya Awashti- ang nanay ni Ishaan na mapagmahal at umiintindi kay ishaan. Siya rin ang nag-aalaga

sa kanyang mga anak na si Ishaan Awashti at Yohaan Awashti.

Nandkishore Awashti- ang istriktong ama ni Ishaan at ang palaging nasusunod sa kanilang tahanan.

Siya rin ang nagpadala kay Ishaan sa panibagong paaralan na kung saan si Ishaan ay nakaranas din ng masasakit

na salita.

Yohaan Awashti- ang nakatatandang kapatid ni Ishaan. Siya ay sobrang sinusuportahan ang kanyang

nakababatang kapatid na si Ishaan.

TEMA

Ang suporta ng kanyang pamilya, mahabang pasensya at ang pagmamahalan ang tema ng istoryang

“EVERY CHILD IS SPECIAL”. Sa istoryang ito ang pagsuporta ng pamilya ay isa sa nangingibabaw na tema

dahil sa pamilya nina Ishaan Awashti sinusuportahan nila si Ishaan sa anumang bagay ang kanyang ginagawa.

Ang kanyang pamilya ay ginagabayan si Ishaan sa kanyang pag-aaral. Kapag sinabing pagsuporta ng pamilya

ay hindi lamang ito sa kanyang ina,ama at kapatid pati na rin sa kanyang guro na si Ram Shankar Nikumbh na

sumuporta sa kanya na palakasin ang tiwala sa kanyang sarili. Ang kanyang guro ay napakabait na tao dahil

tinuruan niya si Ishaan na magbasa at magsulat. Ang isa pang katangian ng istorya ay ang mahabang pasensya

dahil ang guro sa sining ni Ishaan ay hindi sumuko sa kanya patuloy niya pa rin tinuturuan si Ishaan kung paano

magsulat at magbasa. Ang pinakaimportanteng katangian na meron ang istorya ay ang pagmamahal nila sa

isa’t-isa dahil kahit na anong pagsubok ang kanilang hinaharap nanaig pa rin ang pagmamahalan nila sa isa’t-isa

at lahat ng bagay ay ginawa nilang tama.


St. John Academy of Visual and Performing Arts
229 A. Mabini Ave., Tanauan City, Batangas
Email address: st.johnacademyofvisualarts@gmail.com
Tel no. 741 - 1980

BALANGKAS NG KWENTO

Ishaan Awashti ay walong taong gulang at meron siyang kapansanan na tinatawag na “dyslexia”. Meron

siyang kapansanan at hindi siya marunong magsulat at magbasa ng tama at maayos. Kapag siya ay nakakakita

ng mga letra sa kanyang kuwaderno palagi niyang sinasabi na ang mga letra ay nagsasayaw. Hindi niya rin alam

kung paano magsulat ng maayos kapag siya ay nagsusulat pabaliktad ang kanyang pagsulat. Ang paboritong

gawin ni Ishaan ay ang pagpipinta at pagbuo ng mga palaisipan ang mga bagay na ito ang gustong-gusto niya

palaging gawin kesa ang magsulat at magbasa.

Si Ishaan ay palaging nakakakuha ng bagsak na grado sa kanilang asignatura at dahil sa kanyang

pagganap sa kanyang paaralan ang kanyang ama ay nagdesisyon na ipadala si Ishaan sa panibagong paaralan.

Sa paglipat niya ng pinapasukang paaralan ganoon pa rin ang kanyang mga grado nakakakuha pa rin siya ng

bagsak na mga grado. Si Ishaan ay nakakaranas ng pambu-bully ng kanyang mga kamag-aral at pati na rin ang

kanyang mga guro. Halos lahat ng mga guro ni Ishaan ay napaka istrikto ngunit may isang guro na may

mabuting puso kay Ishaan at ito ay guro niya sa sining na si Ram Shankar Nikumbh. Nararamdaman niya ang

nararamdaman ni Ishaan dahil noong siya ay bata pa mayroon din siyang kapansanan na katulad kay Ishaan ito

ay ang “dyslexia”. Dahil dito napag-isipan niya na tulungan si Ishaan na magbasa ata magsulat at sa bandang

dulo ng kanyang pagtuturo si Ishaan Awashti ay marunong na magbasa at magsulat ng tama at maayos.

PINAGDAUSAN NG KWENTO

Ang pinagdausan ng istorya ay sa Mumbai at Panchgani’s New Era High School sa India. Ito ag lugar

kung saan si Ishaan Awashti ay nag-aral at dito rin niya naranasan ang lahat ng pagsubok sa kanyang buhay.

Dito niya rin nakilala ang nakapagpabago sa kanyang sarili ang kanyang guro sa sining na si Ram Shankar

Nikumbh.
St. John Academy of Visual and Performing Arts
229 A. Mabini Ave., Tanauan City, Batangas
Email address: st.johnacademyofvisualarts@gmail.com
Tel no. 741 - 1980

PROBLEMA/SALUNGATAN NG KWENTO
Sa istoryang “EVERY CHILD IS SPECIAL”, si Ishaan ay palaging nakakakuha ng bagsak na grado sa

kanilang mga asignatura. Ang ama ni Ishaan na si Nandkishore Awashti ay napagdesisyunan na ilipat siya ng

paaralan para mas umangat pa ang kanyang kakayahan sa pag-aaral. Ngunit si Ishaan ay hindi napayag na

lumipat siya sa ibang paaralan, umiiyak siya sa kanyang ama at nagmamakaawa na huwag siyang ilipat ng

paaralan pero wala siyang nagawa para mapigilan ang desisyon ng kanyang ama. Habang papunta na sila sa

lilipatan na paaralan ni Ishaan ang kanyang ina at nakatatandang kapatid ay umiiyak dahil hindi rin sila

makagawa ng paraan para mapigilan ang kanilang ama sa ginawang desisyon. Sa mga araw na pagtigil ni Ishaan

sa nilipatan ng eskwelahan palagi siyang tulala at hindi kumakain. Si Ishaan ay sobrang nalungkot dahil

hinahanap niya pa rin ang presensya ng kanyang pamilya.

SIMBOLISMO

Sa istoryang “EVERY CHILD IS SPECIAL”, Ishaan Awashti ay gusto ang pagpipinta at pagbubuo ng

palaisipan. Kinukumpara ko si Ishaan sa kanyang mga naipinta dahil sa mga bawat pinta niya makikita dito

kung ano ang nararamdaman at gustong sabihin ni Ishaan. Sa pamamagitan ng kanyang mga pinta dito niya

nalalabas ang kanyang mga hinaing dahil sa pagsulat at pagbasa ay nahihirapan siyang makapaglabas ng

kanyang nararamdaman. Sa pamamagitan ng kanyang mga pinta, siya ay sumasaya at naaaliw sa bawat detalye

ng kanyang naipinta at kahit na mayroon siyang kapansanan nakagagawa pa rin siya ng mga magaganda at

nakakabilib na mga bagay. Ihahalintulad ko rin si Ishaan sa kanyang mga binubuong palaisipan, sa una ang mga

palaisipan na ito ay gulo-gulo pa katulad ng buhay ni Ishaan sobrang dami niyang hinarap na problema sobra

siyang nalungkot at kapag ang mga palaisipan na ito ay inayos at binuo sa huli makikita ang napakamagandang

kalalabasan ng palaisipan na ito. Katulad ni Ishaan nagpursigi siya na matutong magbasa at magsulat upang

maging maayos ang kanyang buhay sa bandang huli nakamit niya ang magandang kinalabasan ng kanyang

pagpupursigi.
St. John Academy of Visual and Performing Arts
229 A. Mabini Ave., Tanauan City, Batangas
Email address: st.johnacademyofvisualarts@gmail.com
Tel no. 741 - 1980

BUOD NG KWENTO

Ang istorya ay tungkol sa batang lalake na may “dyslexia” siya ay nagngangalang Ishaan Awashti. Si

Ishaan ay napakatalino at napakahusay na bata, ang kanyang mga naiisip na imahinasyon ay malayo na sa

katotohanan at ang kanyang mga pinta ay sobrang napakaganda. Ang mga guro ni Ishaan ay hindi maintindihan

ang nararamdaman niya. Siya ay palaging tinatawag na tamad at baliw ng kanyang mga guro sa nilipatan

niyang paaralan. Pati na rin ang kanyang pamilya ay hindi naiintindihan si Ishaan dahil hindi nila alam kung

anong karamdaman ng kanilang anak. Si Ishaan ay hindi gusto ang pagpasok sa paaralan dahil palagi siyang

nakakakuha ng bagsak na grado pagdating sa kanilang mga asignatura sa paaralan. Palagi niyang sinasabi na

ang mga letra ay sumasayaw kapag siya ay pinapabasa ng kanyang guro. Ang pagsusulat ni Ishaan ay

pabaliktad pero tama ito kapag itatapat sa salamin, mahina rin siya sa pag-intindi ng mga konsepto sa

matematika. Dahil sa mga resulta ng kaniyang mga exam siya ay nagcutting sa kaniyang klase dahil sa

pagkawala niya ng tiwala sa kaniyang sarili.

Ang mga magulang ni Ishaan ay pumunta sa paaralan ng kanilang anak para tanungin kung ano ang mga

nangyayari sa kanilang anak. Ang kanyang guro ay sinabi lahat ng kanyang mga naobserbahan sa mga

ginagawa ni Ishaan sa klase. Ang punong-guro sa paaralan ay sinabi sa kaniyang magulang na kailangan ni

Ishaan na ilipat sa espesyal na paaralan at ang kaniyang ama ay nagdesisyon na ipadala si Ishaan sa espesyal na

paaralan para mas umangat ang kanyang mga kakayahan. Hindi gusto ni Ishaan ang paglipat niya sa espesyal na

paaralan dahil walang pinagkaiba ito sa paaralan na inalisan niya. Nang dahil dito nagkaroon ng “trauma” si

Ishaan dahil sa pagkakahiwalay niya sa kanyang pamilya. Isang araw may isang guro ang tumulong kay Ishaan

na hanapin ang kanyang sarili at ito ay guro niya sa sining na si Ram Shankar Nikumbh. Tinuruan niya si Ishaan

na mangarap lang at ibahagi ang kanyang mga nararamdaman at tinuruan niya rin si Ishaan na magbasa at

magsulat ng tama at maayos.


St. John Academy of Visual and Performing Arts
229 A. Mabini Ave., Tanauan City, Batangas
Email address: st.johnacademyofvisualarts@gmail.com
Tel no. 741 - 1980

MOVIE ANALYSIS

Sa kwentong “EVERY CHILD IS SPECIAL” naghalo-halo ang aking emosyon dahil sobrang ganda ng

kwentong ito. Nakapagpasaya, nakapagpalungkot at iba’t-ibang emosyon pa. Sa una wala pa akong ideya sa

kondisyon ni Ishaan pero habang pinapanood ko ito hanggang sa huli nakita ko na si Ishaan ay may kapansanan.

Humanga ako kay Ishaan Awashti dahil kahit na siya ay may “dyslexia” nakagagawa pa rin siya ng mga

nakakabilib na bagay na hindi nagagawa ng iba. Ang kwentong ito ay nagbigay ng inspirasyon sa lahat dahil

kahit na meron kang kapansanan makakagawa ka pa rin ng mga bagay na kakaiba sa lahat. Si Ishaan ay isang

imahe sa lahat dahil sa kakaiba niyang angking katangian. Si Ishaan ay marami nang kinaharap na pagsubok sa

kanyang buhay sa murang edad niya pa lamang. Ngunit ginawa niya ang lahat para malampasan ang lahat ng

kaniyang problema. Nagpursigi siya na matutong magbasa at magsulat para sa magandang kalalabasan sa

kaniyang paaralan.

Sa kaniyang murang edad nakaramdam na siya ng iba’-ibang pakiramdam na dapat hindi pa

nararamdaman ng isang bata katulad niya. Nagkaroon siya ng “trauma” dahil sa mga nangyari sa kanyang

buhay. Habang si Ishaan ay nasa nilipatan niyang paaralan siya ay nakakaranas ng pambu-bully sa kanyang mga

kaklase. Nalungkot ako dahil nagagawa nilang manghusga ng isang tao kahit hindi nila alam ang sitwasyon

nito.
St. John Academy of Visual and Performing Arts
229 A. Mabini Ave., Tanauan City, Batangas
Email address: st.johnacademyofvisualarts@gmail.com
Tel no. 741 - 1980

NATUTUNAN SA KWENTO

Sa istoryang “EVERY CHILD IS SPECIAL” binigyang-diin na kahit na anong kondisyon ang meron ka

ipagpatuloy mo pa rin ang iyong mga pangarap. Kahit na sinong tao sa mundong ginagalawan natin ay walang

perpekto gumawa ka lang ng mga bagay na maganda at mabubuti asahan mo na may maganda ring maidudulot

ito sa iyo. Napakahalaga na iniingatan at pinanatilihin ang pagmamahalan at tiwala sa isa’t-isa. Huwag na

huwag kang manghuhusga ng tao kung ikaw din naman ay masama ang ugali dahil walang perpektong tao.

Matuto tayong intindihin ang kondisyon ng ibang tao kahit na anong kondisyon pa ang meron sila gawin natin

silang espesyal at huwag nating iparamdam na hindi sila kabilang sa atin.

You might also like