You are on page 1of 2

“Every Child is Special”

Mga Tauhan:
Ishaan Nandkishore Awasthi - Isang walong taong gulong na batang lalaki na may
karamdaman o sakit na tinatawag na dyslexia. Isang batang walang interes sa pag-
aaral sa kadahilanang nahihirapan siya sa lahat ng mga asignatura dahil sa kaniyang
sakit. Isa syang manlilikha ng sining na may talentong kakaiba na hindi pa nakikita ng
lahat.
Ram Shankar Nikumbh - Siya ang naging guro ni Ishaan sa bago nitong paaralan. Siya
ang unang nakatuklas na may karamdaman si Ishaan na dyslexia. Siya rin ang
nagbigay oras para tumulong sa bata upang malabanan angsakit na ito.
Rajan Damodran - isang batang may kapansanan, siya ay isang lumpo. Siya ang
unangnaging kaibigan ni Ishaan sa bago nitong paaralan.
Yohaan Nandkishore Awasthi (“Dada”)- Nakakatandang kapatid ni Ishaan.
Maya Awasthi (“Maa”) - Ang Ina nina Ishaan at Sachet Engineer. Sinuko ang kanyang
karera satrabaho para sa kanyang mga anak upang maalagaan ang mga ito.
Nandkishore Awasthi (“Papa”)- Ang strikto, at dominanteng Ama ni Ishaan.
Synopsis:
Ang pelikulang “Every Child is Special” ay tungkol sa isang batang
nagngangalang Ishaan Awasthi na may edad na walong taong gulang na may sakit na
dyslexia na may talentong taglay, ang malikhaing pagpinta. Hindi siya naiintindihan ng
kanyang ina kung bakit hinid siya makabasa ng maayos, maski na rin ang kanyang mg
guro. Hindi napagtu-unan ang kanyang espesyal na pangangailangan. Nagpasya ang
kanyang ama na ipasok sya sa isang paaralang panlalake kung saan kailangan niyang
matutong maging independent. Kahit na mahirap sa kalooban ng kanyang ina at
mapalayo sa isat-isa sa mura niyang edad.
Nahihirapan siyang mag-adjust sa kanyang bagong paaralan. Sa kanilang Art Class,
nagkaroon sila ng bagong guro, nagpakilala ang kanilang guro sa pamamagitan ng
isang awitat sayaw para makuha ang atensyon at mapukaw ang interes ng mga
estudyante kung saan ay nagtagumpay. NApansin niyang hindi man lamang ginalaw ni
Ishaan ang kanyang art. Dahil dito tiningnan nya ang mga record ni Ishaan sa guidance
office, pagkatapos niyang tingnan ay naging interesado siya sa buhay ni Ishaan at
nagdesisyong bumisita sa mga magulang ni Ishaan at sinabi ang kalagayan ni Ishaan.
Tinulungan niyang i-improve ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat sa pamamagitan ng
sining hanggang sa nagkaroon siya ng improvement. Si G. Ram ay nag-organisa ng
isang art fair para sa mga studyante at guro. Sa araw ng kompetisyon, maagang
nagising at umalis si Ishaan at bumalik ng nagsisimula na ang kompetisyon.Si Ishaan
ang nanalo. Lubos ang saya at ipinagmamalaki siya ng kanyang mga magulang si
Ishaan, lalong- lalo na nang sabihin ng kanyang mga guro kung gaano ka talino at
talentado ang kanilang anak. Nagtapos ang storya sa pagbuhat ni G. Ram kay Ishaan
sa ere.

Kabatiran:
Ang “Every Child is Special” ay isang pelikula na masasabi kong nasa listahan ko
ng magagandang pelikula. Sobrang puro ang intension at maganda ang mensahe. Itong
pelikula na ito ay isang paalala sa atin na dapat hindi tayo nanghuhusga. Lahat tayo ay
may kanya-kanyang kadalubhasaan at pagkakaiba. Ang pagkakaroon ni Ishaan ng
dyslexia ay hindi niya ginusto. Sa totoong pangyayari, sa lipunang ito, konting
pagkakamali mo lang ay sasabihan ka na agad na “bobo”, “tanga”. Konting kibo mo
lang na hindi gusto ng nasa paligid mo, huhusgahan ka na agad kahit hindi nila alam
kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Ang pagiging malaking tulong ni Ram kay Ishaan
ay nagpapakita na may mga tao pa ring may pakialam at may liwanag sa lahat ng mga
pinagdaan ni Ishaan. Sa buhay natin, may mga pagkakataon tayo na maraming
problema, may pinagdadaanan, at may paghihirap na nararanasan. Isipin natin lagi na
hindi ito ang wakas kundi ay isa lamang itong yugto na ating haharapin at may mga
intrumento ng ating Panginoon na darating upang tulungan tayo. Bigyan natin ng
mahabang pasensya at pag-unawa ang bawat isa. Ang pelikulang ito ay nagbibigay ng
mensahe sa atin na ano mang hugis o sukat ay marapat nating tanggapin sapagkat
tayo ay pantay-pantay pa rin. Lahat tayo ay espesyal. Lahat tayo ay may puwang dito
sa mundo. Maging tulad sana tayo ni G. Ram na tumulong at tumanggap kay Ishaan at
binuksan ang mga bintana at pinukaw ang mga tao sa taglay na kakayahan ni Ishaan.
Bawat bata ay espesyal. Bawat bata ay may sariling personalidad. Bawat bata ay
sinusubukang pagsikapan at tumuon ng pinakamahusay sa kanyang buhay.

You might also like