You are on page 1of 9

bulalakaw

By
Hannah Mariel P. Hollero

hannah_hollero@yahoo.com
hannah.hollero04@gmail.com
09950337139
1. INT. KWARTO
Si Isay, masayahing 7 taong gulang na babae, ay talon ng
talon sa kanyang kama parang may inaabot sa taas. Nung
namali siya sa pag tapak siya ay nahulog sa sahig.
Nakahigang tumatawa siya habang pinagmamasdan ang mga
"bituwin" sa kisame at pader.
2. INT. CLASSROOM - DAY
SHOW AND TELL # 1

Bata # 1
3. INT. SCHOOL - DAY
Sa isang pampublikong paaralan sa probincia, nagdadaldalan
ang mga estudyante sa pasilyo.
Sumisilip ang sinag ng araw sa mga bintana at pinuan ng
silid aralan.
School bell rings.

Nagmamadali ang mga estudyante maglakad papunta sakanilang


mga silid.
Isa isang umuupo sa kanilang upuan.

Pumasok ang teacher nila. Isa-isa silang tinitignan kung


maayos at nakaupo ang lahat.
Nagbigay ng isang gawain ang teacher.
TEACHER
Sinong gustong sumagot? Taas lang
ang kamay
Marami ang nagtataas ng kamay. Tinawag niya si Miguel.

MIGUEL
Nasa right ninyo
Tinuturo ang lamesa. Nakakuha ng star si miguel sa kamay.
TEACHER
Nasaan naman ang pintuan?
Sabay sabay ang pag taas ng mga kamay.
TEACHER
Ikaw Isay.

(CONTINUED)
CONTINUED: 2.

ISAY
Nasa left po.

TEACHER
Nasa...
Tinuturo ng teacher ang right kung nasaan ang pinto.
ISAY
Left po.
Tinignan lang ng teacher si Isay.
TEACHER
Right Isay. Nasa right ang pintuan.
Sige upo ka muna Isay. Eto naman
nasaan ang mga....
Nalungkot si Isay at patago nalang nag sulat ng Star sa
kanyang kamay.

4. INT. BAHAY - NIGHT


Nakakalat ang mga pirapirasong papel sa sahig sa pag gugupit
ni Isay ng mga bituwin. Tuwang tuwa siya habang ginagawa
ito.

Dumating ang kanyang, Alfredo, 38 years old, halatang pagod


galing trabaho. hinalikan lang si Isay at umakyat na din.
Dumating ang kanyang kapatid, Ate Elay, 12 taong gulang,
halata mo ang pagod habang bitbit ang kanyang training bag.
Nilapag nito sa sahig at nakita si Isay. Nakita niya na
paubos na ang mga papel ni Isay. Dinalhan nito si Isay ng
mga papel galing sa bag niya na hindi na niya gagamitin.
ATE ELAY
Isay gusto mo to? Meron akong dito
na mga workbooks na puno ng mga
puzzles, connect the dots.
ISAY
Sige ate!

Binuklat ni Isay ang libro. Nakita niya na maraming mga


pictures at gawain. Nilipat niya sa pahina na puro connect
the dots. Nagsimula siyang i-guhit ang
ISAY
(Tuwang-tuwa)
Ate para lang siyang mga bituwin sa
langit!
Napangiti ang kanyang ate. Umakyat na ito para magpahinga.
3.

5. INT. HOUSE
Hinahain na ni tatay ang hapunan ng pamilya.
ISAY
’tay puwede po ba akong tumulong sa
pag hain?
Si tatay ay abala sa pag sasandok. Hindi pinan sin ni tatay.
Mas kinulit ni Isay ang tatay niya.

ISAY
Sige na po ’tay!
TATAY
Isay. Upo ka nalang muna.

Malungkot na sinunod ang tatay.


matapos maghain ni tatay ay umupo na din siya. Walang
umiimik silang dalawa.

TATAY
Tawagin ko muna ang Ate Elay mo.
Umalis at tinawag si Elay. Naiwang magisa si Isay.
Pinaglalaruan ni Isay ang kubyertos niya.

Bumalik ang tatay kasama si Elay.


Nagkukulitan ang magkapatid.
ELAY
’tay alam ninyo po ba kung nakita
lang ninyo ako doon ’tay ang bilis
ko.
Tumatango lang ang tatay. Pinagmamasdan ni Isay ang ginuhit
niyang star sa kamay niya.

ELAY
’tay tinitignan daw nila ako para
maglaro sa palaro. Kaso marami din
pong ibang magaling.

Habang nagsasalita si Elay ay pilit na pinapakita ni Isay


ang star sa kamay niya.
4.

6. INT. SCHOOL
SHOW AND TELL # 2

Bata # 2
7. INT. HOUSE
Isa isang pinapatayo ng teacher ang mga etudyante para
basahin ang mga salita sa kanilang workbook.
BATA # 3
Cat
BATA # 4
Can
Tumayo si Isay at binasa ang salitang "bed"
ISAY
Deb

Malakas na tumawa ang mga kaklase niya. Nahiya si Isay at


umupo nalang siya. SIya ay maluluha na pero pinigilan nito.
TEACHER
Quiet class.

Unti-unting tumigil sa pag tawa ang mga estudyante.


TEACHER
Isay. Subukan mo ulit basahin.

Umiiling si Isay. Walang magawa ang teacher


TEACHER
Ang basa dito ay.....
CLASS
Bed.
8. INT. SCHOOL
Inilabas ng teacher ang mga exam papers.

TEACHER
Eto na ang mga exam results.
(beat)
Let’s first congratulate Miguel for
being the highest.

Miguel, isang mayabang na 7 taong gulang na lalaki,


nanakaupo sa tabi ni isay, ay tumayo at kuniha ang papel sa
harap.

(CONTINUED)
CONTINUED: 5.

ISAY
Pwedeng patingin ako?
Ibinigay ni Miguel. Tuwang tuwa at naiinggit si Isay nung
makita ang malaking stamp ng Star sa papel ni Miguel. Gusto
din niyang makaroon.

MIGUEL
Akin na!
Biglaang kinuha ni Miguel ang papel niya sa kamay ni Isay.

Naghihintay si Isay na siya na ang tawagin. Matapos lahat ng


kanyang classmate ay may hawak na na papel ay nagtaka siya
kung bakit wala parin siya papel. Lahat ay nag kokompera ng
mga resulta.

TEACHER
Isabel.
Lumiwanag ang mukha ni Isay nung marinig niya ang pangalan
niya. Pag kuha niya ng papel ay punong puno ng pulang marka.
Puro mali ang kanyang sagot. Bigalng lungkot ang naramdaman
niya. Nahiya ito at sinubukan niyang itago sang kanyang
papel.
Pigil na tumatawa ang mga classmates niya. Mas lalong nahiya
si Isay.

9. INT. SCHOOL
Ang buong klase ay nag susulat sa kani-kanilang mga
kwaderno. Umiikot ang teacher sa silid para tignan ang bawat
gawa ng mga estudyante.

Sinusulat ni Isay ang kanyang pangalan sa kanyang kwaderno.


Nakita ng teacher ang gawa ni Isay. Napansin niya na
baliktad ang mga letra sa pangalan ni Isay. Pinasulat muli
ng teacher ang Isabel kay Isay. Baliktad parin ang
pagkasulat.

10. INT. SCHOOL


Show and tell # 3
11. INT. SCHOOL - DAY

Lumilipad ang utak ni isay habang katabi ang kanyang tatay


habang kinakausap ang kanyang teacher.
TEACHER
Eto po yung report card ni Isabel.
Kita po natin na mababa ang mga
(MORE)
(CONTINUED)
CONTINUED: 6.

TEACHER (cont’d)
grado niya. May napansin po ako sa
mga works ni Isay na mahilig po
siya na ipag baliktad ang mga letra
pag nagsusulat siya at pag
nagbabasa. At Napansin ko po na
napapagbaliktad niya ang mga letra
pag nag sususlat at nag babasa
siya.
Sumisilip ang sinag ng araw sa bintana. Nakita ni Isay at
pinuntahan ito. Unti-unting humihina ang mga boses ng
teacher at tatay niya. Kitang frustrated ang tatay niya.
Si Isay ay sumisilip na sa bintana nakatingin sa langit.
naghahanap ng mga bituwin.

TATAY
(frustrated)
Isay, nasaan ka? Tara na.
12. INT. HOUSE - LATE AFTERNOON

Tahimik lahat na kumakain ng hapunan. Pinagmamasdan lang ni


tatay ang dalawa niyang anak habang nagkukulitan
13. INT. HOUSE - NIGH

Tinutulungan na ni tatay ang anak niya sa pag gawa ng


kanyang assignments. Kitang kinakapa pa ng tatay kung paano
ipapaliwanag kay Isay. Binasa niya ang pangungusap muna bago
ipabasa kay Isay.
TATAY
Ikaw naman. Subukan mong basahin
kahit mabagal ok lang. Pwede mo
ding gamitin yung daliri mo para
alam mo kung nasaan ka na.
Inilagay kaagad ni Isay ang kanyang daliri sa papel.

TATAY
O ikaw naman magisa.
Tinignan ni Isay ang tatay niya. Si tatay ay numiti at
patuloy na hinihimok si Isay.
7.

14. INT. SCHOOL


Nakaupo ang buong klase, walag umiimik, naghihintay
magsimula ang pag-susulit.
TEACHER
Itago na lahat ng gamit ninyo.
Ballpen lang ang nasa lamesa.
Matapos ang pag-susulit.

TEACHER
Finish or not finish i-pasa na ang
mga papel ninyo.
Marami pang blanko sa papel ni Isay. Nagmamadali na siya.
Nag pa-panic si Isay.

TEACHER
Isay. Tapos na yung oras. I-pass mo
na. Ok lang kahit hindi tapos.
Napilitan na ibigay ni Isay ang kanyang papel.

15. INT. HOUSE - NIGHT


Nagliligpit si tatay at nakita niya na saobrang lungkot ni
isay nanakaupo sa sala. Nagpupunas ng luha si Isay.

Dumating ang kanyang ate. Pinatahan at inaya si Isay na


gawin ang kanyang project.
ATE ELAY
Tahan ka na Isay.

Pinupunasan ang luha ni Isay.


ATE ELAY
Alam mo ba hindi din ako kinuha ng
coach ko hindi ko pa daw kaya.
Kailangan ko pa daw mag improve at
mag training bago ako mapunta doon.
Para pag lumaban na ako handa na
ako.
(beat)
Ganito nalang Isay gusto mong
tapusin na natin yung project mo.
Tumango at pinunasan niya ang kanyang mukha.
8.

16. INT. BEDROOM


Pumasok ang tatay sa kwarto nung tumingin siya sa kisame at
nakita niya ang mga gawa-gawang bituwin. Nakita niya puno ng
mga star na gawa ni isay ang mga hw, exercises, notebook
niya.

17. INT. SCHOOL


Kitang kita sa mukha ni Isay na kinakabahan siya ngunit
nangingibabaw ang kanyang excitement. Hawak hawak niya ang
supot niya para show and tell.
TEACHER
Palakpakan natin si Isay!
Mahinang pumapalakpak ang mga ka-klase niya.

Mabagal na tumayo si Isay mahigpit na hawak ang supot niya.


Humiga ng malalim si Isay bago mag salita.
ISAY
Gawa po namin ito ni Ate at ni
tatay.
Inilabas niya ang isang flashlight at __________(hindi ko
alam tawag wahh).
Nagtataka ang kanyang mga ka-klase kung ano ang bagay na
iyon.
Tinignan niya ang paligid. Sinubukan isaara ang mga bintana
at ang ilaw ni say. hindi niya abot ang switch ng ilaw.
Tinulungan siya ng Teacher niya. Pagsara ng Bintana ay
tinulungan siya ng mga ka-klase niya.

Sinindihan ni Isay ang flashlight. Sumabog ang mga


makikintab bituwin sa silid. Tuwang tuwa si Isay at ang
kanyang mga ka-klase
18. EXT. STREET - NIGHT

Tumatakbo si Isay tuwang tuwa na may hawak na lusis. Siya ay


parang isang bulalakaw na pabaksak sa mundo. Si Isay ay
biglaang nadapa at nabitawan ang hawak na lusis. Tumingin
siya sa kanyang tatay at kapatid. Siya ay tumayo muli at
nagpatuloy sa kanyang pag takbo kasama ang pamilya niya.

You might also like