You are on page 1of 3

Masaya Pala sa Paaralan

Isinulat ni Liwayway P. Abing

(1) Noong pandemya ako ay laging masaya.

Sa bahay lang kami lagi nina papa at mama.

(2) Ngayong wala ng pandemya, sa paaralan dapat papasok na.

(3) “Ana, gising na. Papasok na tayo!” wika ni mama.

Unang araw ng pasukan ngayon maghahatid naman si papa.

(4) Malungkot ako dahil unang araw ng pasukan.

Natatakot ako at totoong kinakabahan.

(5) Sa geyt ay sumalubong ang mga guwardiya sa amin.

Ngiti ang tugon sa bawat batang dumarating.

“Magandang umaga,” bati ng mga bata.

(6) Dumampi sa aking pisngi malamig na hangin.

Malaking puno na ngayon ko lang napansin.

(7) Malinis na paligid at bulaklak na marami.

Nagbibigay kulay sa bawat gusali.

(8) “Anak dito sa TPES, din kami nag-aral ng iyong papa.

Naitatag ito noong Taong 1945, buwan ng Disyembre.

(9) Nagmamasid ako at nakikiramdam.

“Helo Ana, ako si Ada,” wika niya.

Ngumiti rin ako, takot ko ay nawala na.

(10) Kasama ang aming guro na si Titser Amora.

Mga bahagi ng paaralan sa amin ay ipinakita.


(11) Sa opisina ng punong-guro kami unang nagpunta.

Matamis na ngiti ang bati sa amin ni Titser Rona.

Maganda na siya, matalino pa, at ang husay pala niya!

(12) Tumungo naman kami sa silid-aklatan. Kuwentong

pambata nasa aking harapan! Lahat ng kuwento ay nagustuhan

ko.

(13) Sa Klinika, mabait na nars nagwika, “Kung masama ang

pakiramdam dito ko kayo aalagaan.”

(14) Sa kantina, sabi ni titser alituntunin dapat sundin. Kaayusan

at kalinisan aming tuparin.

(15) Sa klase namin ang lahat ay masaya. Gumuguhit, nagkukulay,

at nagbabasa. Sa pagbilang at pagsulat, si Titser, sa amin ay

natutuwa.

(16) Aking napagtanto, sa paaralan ay masayang tumungo.

Natututo na ako, nagkakaroon pa ng kaibigan!

MELCS- Grade 1

1. Nasasabi ang mga batayang impormasyon tungkol sa sariling paaralan:


pangalan nito,lokasyon, mga bahagi nito), taon ng pagkakatatag at ilang
taon na ito, at mga pangalan ng gusali o silid. AP1PAA- iiia-1

2. Identify rhyming words in nursery rhymes, songs, jingles, poems, and


chants. MT1PA-Ib-i-1.1
3. Give the name and sound of each letter. MT1PWR-ib-i-1.1
4. Interpret a map of the classroom/school MT1SS-iia-e-3.1
5. Listen and respond to others in oral conversation MT1OL-Ie-i-5.1
6. Identify the problem and solution in the story read MT1LC-IIf-g-4.3
7. Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng pagsasagawa ng kilos o
gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan F1WG-IIIh-j-6
8. Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng
tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari F1WG-IIc-f-2
Sinopsis:

Tapos na ang pandemya. Dalawang taon ding nasa bahay lang si Ana.

Ngayong may face to face na, biglang natakot si Ana! Gusto niya sa bahay

na lang siya. Papasok pa kaya si Ana?

You might also like