You are on page 1of 20

CATCH THEM EARLY VERSION 2.

Greetings (Jesica Alcaide)

Magandang araw sa inyo mga bata /at sa mga magigiliw nating mga magulang/ at tagapag –
alaga na nanunood ng FB LIVE at nakikinig sa radyo sa 88.5 DWND FM. Ikinagagalak naming
makasama kayo sa araw na ito.

Kamusta na? Naway kayo ay nasasabik na mag-aral muli kasama kami sa inyong mga
tahanan.

Alam nyo ba? Kami ang inyong magiging kapanayam o tinatawag sa ingles na teacher
broadcasters sa oras na ito, mula pa sa Cauayan East Distict, na pinamumunuan ng aming mabait na
District Head na si Sir Emilio C. Donato, kasama siyempre ang OIC District in-charge, Sir Jaime A.
Blas. Batiin din natin ang mga namumuno sa Schools Division of Cauayan City, unang-una sa lahat
ay ang masipag, matalino, matipuno at kagalang-galang na Schools Division Superintendent Dr.
Alfredo B. Gumaru Jr. at di nagpapahuli na isa ding masipag, matalino, matipuno at kagalang-galang
na Assistant Schools Superintendent na si Dr. Adonis Ceperez.

Kasama din ang walang ka kupa-kupas ang kagandahan, ang ating Curriculum Chief, Ma’am
Ruby Maur, ang SGOD Chief natin din na si Sir Marlon Bartolome at ang lahat ng mga matitiyagang
Supervisors at District Head. Hello po sa inyong lahat!

Review of the Project (Beverly Santiago)

Mga kapuso (Bev), kaibigan (Precious), kasama (Joyce) at kapamilya (Jesica)! Kayo ngayon
ay nakikinig at nanonood ng ating proyekto na PROJECT CATCH THEM EARLY version 2.0! Paalala
lang, lalo na sa mga ngayon lang makakanood. Ano nga ba ang proyektong ito? Ito ay tinatawag na
Cuddling At – Risk Children through Home – Based E – Mentoring on the Early Language of Literacy
and Numeracy Version 2.0.

Layunin ng proyektong ito na ihatid sa inyo ang dapat niyong matutunan sa Literacy at
Numeracy ng K to 3 habang kayo ay nag – aaral sa inyong mga tahanan sa panahaon ng pandemya.
Kasama ang inyong mga magulang at tagapag –alaga. Kabilang ang mga stratehiya kung papapano
niyo ituro ang pagbabasa sa ating mga anak. Kaya napaka-importante ding makinig at manood sa
proyektong ito.
Ayan! Alam ko na nasasabik na kayo na magsimula tayo, ngunit, atin munang isa-isahing kilalanin
ang mga teacher broadcasters natin ngayon. Makinig ng mabuti at huwag nating kalimutan ang
kanilang mga pangalan!

Teacher Jesica

Magandang buhay! Ako si teacher Jesica B. Alcaide ng Maligaya ES-Main na pinamumunuan


ng aming mapagkumbabang punong guro na si Gng. Marilou G. Gammad. Tawagin nyo na lamang
akong Teacher Jes! Ulitin ko, ako si Teacher Jes. Ang makulit at masiyahin nyong guro! Ikinagagalak
ko kayong makasama ngayon.

Teacher Precious

Hello mga bata! Ako naman si teacher Precious Joyce C. Alicum ng Maligaya ES-Main din. Tawagin
nyo na lamang akong Teacher Precious! Ulitin ko, ako si Teacher Precious. Ang mabait at mapera
nyong guro! Makinig ng mabuti sa amin mga bata, okay?

Teacher MaryJoyce

Hello mga bata! Ako naman si teacher Maryjoyce T. Doctolero ng Maligaya ES-Main din. Tawagin
nyo na lamang akong Teacher Joyce! Ulitin ko, ako si Teacher Joyce. Ang masayahin at bibo nyong
guro! Maging aktibo sa pakikinig at panonood baka mabigyan kayo ng papremyo kung tama ang
inyong sagot.

Teacher Bev

Happy Weekend sa atin! Isang napaksayang oras para tayo ay matuto. Ako naman si teacher
Beverly V. Santiago ang pinakamabait na guro ng Maligaya ES Main. Tawagin nyo lang ako bilang si
teacher Bev. Ulitin ko, ako si Teacher Bev. Ang negosyante nyong guro! Hello sa lahat ng aming mga
viewers at listeners. Happy watching everyone!

All: WELCOME SA ATING BAGONG EPISODE NG PROJECT CATCH THEM EARLY VERSION
2.O

Review: Teacher Precious

Noong nakaraang sabado napag – aralan ninyo ang ilan sa mga letra at tunog ng Alpabetong
Filipino. Ito ang letrang Oo, Ee, Pp, Rr, Hh. Ulitin nga natin ang tunog ng bawat letra. Magsimula tayo
sa letrang Oo, sabayan ninyo ako. O-o-o! Sunod ay ang letrang Ee, E-e-e. Sunod naman ay letrang
Pp, P-p-p. Ika-apat ay ang letrang Rr, sumusunod pa ba? Naririnig ko kayo. (pang-uto) sabayan
akong muli, r-r-r. Ang pang-huli, ay ang letrang Hh, bigkasin natin H-h-h. Ayan magaling!
Ngayon, balik tayo kay Teacher Jesica. Pero bago iyon umawit muna tayo ng isang awit!
Awitin natin ang ABAKADA! Handa na ba? Kung gayon sabayan niyo kami. A-Ba-Ka-daaaa…

(PLAY THE SONG)

Motivation: Teacher Jesica

Nakikita nyo ba ang mga larawan na naririto (ipakita ang mga larawan sa tsart).

Alamin natin kung anu-ano ang mga larawan.

Una. Ano ito? Ito ay tumatahol. Ito ay aso! A-a-aso!

Ikalawa naman. Ano ito? Dito tayo umiinom. Ito ay baso! Ba-ba-baso!

Ikatlo, ano ito? Ito ay kamay! Ka-ka-kamay!

Ikaapat, ano ito? Isulat ang inyong sagot sa ating chatbox. Tama ito ay dahon! Da-da-dahon!

Ikalima, ano ito? Ito ay sasakyang pamhimpapawid. Ano ito? Tama ito ay eroplano! E-e-eroplano!

(gatas, hari, ilaw, lapis, mata, nanay, nganga, oras, payong, radyo, sawa, tabo, ulan, walis, yaya)

Ayan! Ang galing mga bata! Bigyan nyo ang inyong mga sarili ng limang bagsak. Sabayan ninyo ako.
Isa-dalawa-tatlo….
Presentation of the topic
Tignan, pakinggan at basahin natin ang mga salitang nabanggit sa ating ginawang aktibidad.
Aso, baso, kamay, dahon, eroplano, gatas, hari, ilaw, lapis, mata, nanay, nganga, oras, payong,
radyo, sawa, tabo, ulan, walis at yaya. Pamilyar na ba kayo sa mga salitang ito? Kung ganun ay
halika na’t palawakin pa natin ang inyong bokubularyo sa pagbasa.
Discussion
Teacher Jes (A Ba Ka)
Ano ang tawag sa unang larawan? Ito ay aso! Ulitin nga natin A-a-aso!
Anong unang pantig ang ating narinig? TANDAAN mga bata na ang pantig ay ang unang saltik
ng dila. Ulitin nga natin muli ang tawag sa larawang ito. ASO. Sabayan ako. A-a-aso! (with emphasis
with the sound of a) Ang unang pantig nito ay A! Ating tanggalin ang ikalawang pantig na so (crossed
out). ulitin nga natin ng tatlong beses ang unang pantig nito A-a-a! ang aso ay nagsisimula sa tunog
na A!

Mag-isip nga tayong ng mga salitang nagsisimula sa pantig na A. Maaaring Ahas, Araw, Anim,
Asin, Apoy at iba pa. Magbigay ng sagot gamit ang ating chatbox. Magaling! Halos lahat ng inyong
sagot ay tama!

Ikalawang larawan naman ay ano? Ito ay baso! Ulitin nga natin ba-ba-baso!
Anong unang pantig ang ating narinig? Sabayan ako. Ba-ba-baso! (with emphasis with the
sound of ba) Ang sagot ay Ba! Ating tanggalin ang ikalawang pantig na so (crossed out). ulitin natin
ng tatlong beses ang unang pantig Ba-ba-ba! ang salitang baso ay nagsisimula sa pantig na Ba!
Ngayon naman ay mag-isip nga tayo ng mga salitang nagsisimula sa pantig na ba. Maaaring
bakal, bata, bato, baso, baboy at iba pa. Magbigay ng sagot gamit ang ating chatbox. Magaling!
Halos lahat ng inyong sagot ay tama!
Ngayon, kunin natin ang larawan ng aso at pagtabihin sa ikalawang larawan na baso. Anong
unang pantig ng aso? A. ano naman ang baso? Ba. Pagsamahin natin ang dalawang pantig.
Pagpinagsama ang dalawa (basahin ang nasa babang larawan) ay makakabuo tayo ng salitang aba!
Basahin nga natin, a-ba- aba!

+ = aba (larawan)\
Aso + Baso
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: aba! Sige nga sabayan nyo akong basahin. Wow! Kayo nga lang!!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa) ANG HUSAY!!
Ito pa mga bata! Ang dalawang larawan natin ay parehas na baso. Ano kaya ang unang
pantig ng mga ito? Ang unang panting ng nasa larawan ay ba.
+ =baba (larawan)
Baso + Baso
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: baba! Sige nga sabayan nyo akong basahin baba. Wow! Kayo nga lang!!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)
Ikatlong larawan. Ano kaya ito? Ito ay kamay! Itaas nga natin ang ating dalawang kamay! High Five!
Ulitin natin bigkasin. Ka-ka-kamay!

Anong unang pantig ang ating narinig? TAMA!! Ang sagot ay Ka! Ating tanggalin ang
ikalawang pantig na may (crossed out). ulitin natin ng tatlong beses ang unang pantig Ka-ka-ka!
ang salitang kamay ay nagsisimula sa pantig na Ka!
Ngayon naman ay mag-isip nga tayo ng mga salitang nagsisimula sa pantig na ka. Maaaring
kahoy, kalapati, kasoy, kanin, kamote at iba pa. Magbigay ng sagot gamit ang ating chatbox.
Magaling! Halos lahat ng inyong sagot ay tama!
Ngayon, kunin naman natin ang larawan ng baso at pagtabihin sa ikatlong larawan na kamay.
Ano muli ang unang pantig ng baso? Ba. Ang kamay kaya? Ka. Ngayon, Pagsamahin natin ang
dalawang pantig. Pagpinagsama ang dalawang pantig (basahin ang nasa babang larawan) ay
makakabuo tayo ng salitang kaba! Basahin nga natin, ka-ka- kaba!

+ = kaba (larawan)
Kamay + baso
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: kaba! Sige nga sabayan nyo akong basahin kaba. Wow! Kayo nga lang!!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)
Alam nyo ba na hindi lamang abaka ang salitang kaya nating mabuo gamit ang tatlong pantig
na a, ba at ka.
Gawa pa tayo ng ibang salita.
Pagsamahin lamang natin ang unang pantig ng baso at kamay. Basahin naman natin ito. Ba-
ka- baka! Ulitin, baka!
+ = baka (larawan)
Baso + Kamay
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: baka! Sige nga sabayan nyo akong basahin baka. Wow! Kayo nga lang!!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)
PAGSAMAHIN NATIN ITONG TATLONG LARAWAN. Gamit ang kanilang unang pantig tayo ay
makabubuo ng salitang…

+ + = abaka (larawan)
Aso + Baso + Kamay
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: abaka! Ulitin nga natin mga bata abaka! Kayo nga lang !
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)

Magaling! Ngayon ay nakabasa na tayo ng limang salita!

Muli nga nating basahin! (salita lang ang ipapakita)

= aba

=baba

= abaka
=baka

=kaba

Ngayon ay may aktibidad tayong gagawin. Itugma natin ang mga larawan sa kaukulang salita nito.

Larawan ng aba Abaka


Baka Kaba

Sunod naman ay gamitin natin ang mga salita sa maikling pangungusap. Gamitin natin ang
pariralang Ito ay________________.
Abaka baka

Magaling mga bata! Ako’y natutuwa na natuto tayong makapagbasa ng ilang mga salita. Ngayon,
pagkalipas lamang ng limang minuto ay pakikinggan naman natin si Teacher Bev! Tuturuan din
kayong magbasa!
Teacher Bev (Da E Ga)
Hello mga bata! Ako si Teacher Bev! Okay pa ba kayo? Bago tayo magsimula muli ay iunat-unat
muna ang buong katawan at kung gutom naman ay humingi ng meryenda sa mga magulang. Okay
na ba lahat?
Kung oo, simulan na natin!
Magkaroon tayo ng kaonting pagbabalik-aral. Basahin nga nating muli!

Ayan! Huwag ninyong kakalimutan yan mga bata at gagamitin pa natin ang mga ito mamaya
sa ating aralin. Ngayon ay dumako na tayo sa ika-apat na larawan. Ano ang tawag sa larawang ito?
Ito ay dahon! Tama! Ulitin nga natin da-da-dahon!
Anong unang pantig ang ating narinig? Sabayan ako. Da-da-dahon! (with emphasis on the
sound of da) Ang sagot ay Da! Ating tanggalin ang ikalawang pantig na hon (crossed out). ulitin nga
natin Da-da-da! ang dahon ay nagsisimula sa tunog na Da!

Ngayon naman ay mag-isip nga tayo ng mga salitang nagsisimula sa pantig na da. Maaaring
dagat, daan, daga, damo, at iba pa. Magbigay ng sagot gamit ang ating chatbox. Magaling! Halos
lahat ng inyong sagot ay tama!
Dahil wala tayong mabubuo na salita sa mga pantig na a-ba-ka at saka da ay tutungo na tayo
sa susunod na larawan.
Ang susunod na larawan ay ano? Ito ay eroplano! Ulitin nga natin e-e-eroplano! Anong unang
pantig ang ating narinig? Sabayan ako. E-e-eroplano! (with emphasis on the sound of e) Ang sagot
ay E! Ating tanggalin ang mga kasunod na pantig na roplano (crossed out). ulitin nga natin E-e-e! ang
eroplano ay nagsisimula sa tunog na E!

Ngayon naman ay mag-isip nga tayo ng mga salitang nagsisimula sa pantig na E. Maaaring
elisi, estatwa, Eba at iba pa. Magbigay ng sagot gamit ang ating chatbox. Magaling! Halos lahat ng
inyong sagot ay tama!
Ngayon, magagamit na natin ang apat na pantig na natutunan natin kanina. Pagsamahin natin
ang dalawang pantig na e at ba. Pagpinagsama ang dalawa (basahin ang nasa babang larawan) ay
makakabuo tayo ng salitang Eba! Basahin nga natin, e-ba- Eba!

+ =Eba (ngalan ng tao)


eroplano + baso
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: Eba! Kayo naman!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)

Gawa pa tayo. Pagsamahin natin ang dalawang pantig na ba at pantig na e at makakabuo tayo ng
salitang babae.
+ + = babae (larawan)
Baso+ baso +eroplano
Basahin nga natin! Ba-ba-e Babae!
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: babae! Kayo naman!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)

Mahusay!
Ngayon ay dumako tayo sa susunod na larawan. Anong larawan ito? It ay gatas! Tama! Ulitin nga
natin ga-ga-gatas!
Anong unang pantig ang ating narinig? Sabayan ako. Ga-ga-tas! (with emphasis on the sound
of da) Ang sagot ay Ga! Ating tanggalin ang ikalawang pantig na tas (crossed out). ulitin nga natin ng
tatlong beses Ga-ga-ga! ang gatas ay nagsisimula sa tunog na Ga!

Ngayon naman ay mag-isip nga tayo ng mga salitang nagsisimula sa pantig na Ga. Maaaring
gasul, gamit, gabi, ganzo at iba pa. Magbigay ng sagot gamit ang ating chatbox. Magaling! Halos
lahat ng inyong sagot ay tama!
Ngayon, gamitin nating muli ang mga pantig na nagamit. Pagsamahin natin ang dalawang
pantig na ba at ga. Pagpinagsama ang dalawa (basahin ang nasa babang larawan) ay makakabuo
tayo ng salitang baga! Basahin nga natin, ba-ga- Baga!

+ =baga (larawan)
Baso+ gatas

(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: baga! Kayo naman!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)

Gawa pa tayo. Pagsamahin natin ang dalawang pantig na ba at pantig na e at makakabuo tayo ng
salitang babae.

+ =aga (larawan)
aso+ gatas
Basahin nga natin! A-ga - Aga!
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: aga! Kayo naman!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)

Mahusay!
Ngayon ay nakabasa na tayo ng iba’t ibang salita!

Muli nga nating basahin! (salita lang ang ipapakita)

Ngayon ay may aktibidad tayong gagawin. Itugma natin ang mga larawan sa kaukulang salita nito.
Eba babae
Baga Aga

Sunod naman ay gamitin natin ang mga salita sa maikling pangungusap. Gamitin natin ang
pariralang Ako ay/ Ako ay si __________________.
Eba babae

Magaling mga bata! Ako’y natutuwa na natuto tayong makapagbasa ng ilang mga salita. Ngayon,
pagkalipas lamang ng limang minuto ay pakikinggan naman natin si Teacher Joyce! Tuturuan kayong
muli magbasa!

Teacher Joyce (ha I)


Hellloooo mga bata, Ako si Teacher Joyce! bago tayo magpatuloy, kantahin muna muli natin ang
ating abakada song.
(music)
Tara! Ituloy na natin ang ating aralin! Pero bago yan balikan natin ang mga larawan na ipinakita na
nila teacher jes at teacher bev.

(bawat larawan ay tatanungin kung ano ang mga uang pantig ng mga ito)
Ngayon dadako tayo sa susunod na larawan. Ano kaya itong larawan na ito?

Ito ay hari! Ito ang tawag sa namumuno sa isang palasyo/kaharian. Ulitin nga nating bigkasin mga
bata ang pangalan ng nasa larawan ha-ha-HARI.
Anong unang pantig ang ating narinig? Ang husay! Ang sagot ay ha! Ating tanggalin ang
ikalawang pantig na ri (crossed out). ulitin natin ng tatlong beses ang uang pantig ha-ha-ha! ang
salitang hari ay nagsisimula sa pantig na ha!
Ngayon naman ay mag-isip nga tayo ng mga salitang nagsisimula sa pantig na ha. Maaaring
halaman,hamon, at iba pa. Magbigay ng sagot gamit ang ating chatbox. Magaling! Halos lahat ng
inyong sagot ay tama!
Ngayon, kunin naman natin ang larawan ng BABAE at pagtabihin sa larawan na HARI. Ano
muli ang unang pantig ng BABAE?TAMA! Ba. Ang HARI kaya? TAMA! Ha. Ngayon, Pagsamahin
natin ang dalawang pantig. Pagpinagsama ang dalawang pantig (basahin ang nasa babang larawan)
ay makakabuo tayo ng salitang BAHA!

+ = baha/ larawan
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: BAHA! Bigkasin natin muli mga bata BAHA!Kayo nga naman!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)

Ito pa.. kunin naman natin ang larawan ng KAMAY at pagtabihin sa larawan na HARI. Ano
muli ang unang pantig ng KAMAY?TAMA! Ha. Ang HARI kaya? TAMA! Ha. Ngayon, Pagsamahin
natin ang dalawang pantig. Pagpinagsama ang dalawang pantig (basahin ang nasa babang larawan)
ay makakabuo tayo ng salitang KAHA!

+ = kaha larawan
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: KAHA! Bigkasin natin muli mga bata KAHA!Kayo nga naman!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)
Susunod na larawan. Ano kaya ito?

Ito ay ilaw! Tama ! ang nasa larawan ay ilaw. Ito ay nagbibigay ng liwanag. Ulitin nga natin
mga bata ang pangalan ng nasa larawan i-i-ILAW!
Anong unang pantig ang ating narinig? Ang husay! Ang sagot ay I ! Ating tanggalin ang
ikalawang pantig na law (crossed out). ulitin natin ng tatlong beses ang unang pantig i-i-I ! ang
salitang ilaw ay nagsisimula sa pantig na i !
Ngayon naman ay mag-isip nga tayo ng mga salitang nagsisimula sa pantig na i. Maaaring
ina, isa ita,hamon, at iba pa. Magbigay ng sagot gamit ang ating chatbox. Magaling! Halos lahat ng
inyong sagot ay tama!
Ngayon, kunin naman natin ang larawan ng ILAW at pagtabihin sa larawan na HARI. Ano muli
ang unang pantig ng ILAW ?TAMA! I . Ang HARI kaya? TAMA! Ha. Ngayon, Pagsamahin natin ang
dalawang pantig. Pagpinagsama ang dalawang pantig (basahin ang nasa babang larawan) ay
makakabuo tayo ng salitang IHA!

+ = iha (anak na babae)


(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: IHI! Bigkasin natin muli mga bata IHI!Kayo nga naman!
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)
Ito pa.. kunin naman natin ang larawan ng ILAW,BASO AT ISA PANG LARAWAN NG BASO.
Ano muli ang unang pantig ng ILAW?TAMA! I. Ang BASO kaya? TAMA! BA. Ngayon, Pagsamahin
natin ang mga unang pantig. Pagpinagsama ang mga pantig (basahin ang nasa babang larawan) ay
makakabuo tayo ng salitang IBABA!

+ + = ibaba
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: iha ! Ulitin nga natin mga bata iha! Kayo nga lang !
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)
Ngayon naman gamit ang mga natapos na larawan tayo ay magkakaroon ng aktibidad. Bumuo
ng salita gamit ang mga sumusunod na larawan.

Mga posibleng nabuo: baha, baka, kaba, aba, babae, iha, daga, baga
Teacher Precious (La Ma)
HEP-HEP mga bata!!! Ako si teacher Precious. Tumayo muna tayo at sumayaw tayo ng kaunti.
Gayahin ninyo kami mga bata. (dance something)
(musssiiiic)
Pangalanan nga muna antin ang mga ito mga bata.

(tatanungin natin ang mga unang pantig ng bawat larawan)


Ngayon dadako tayo sa susunod na larawan. Ano kaya itong larawan na ito?

Ito ay lapis! Ito ay ginagamit sa pagsusulat. Ulitin nga nating bigkasin mga bata ang pangalan ng
nasa larawan la-la-lapis.
Anong unang pantig ang ating narinig? Ang husay! Ang sagot ay la! Ating tanggalin ang
ikalawang pantig na pis(crossed out). ulitin natin ng tatlong beses ang uang pantig la-la-la! ang
salitang lapis ay nagsisimula sa pantig na la!
Ngayon naman ay mag-isip nga tayo ng mga salitang nagsisimula sa pantig na la. Maaaring
lamok,lamesa,lababo,lata, at iba pa. Magbigay ng sagot gamit ang ating chatbox. Magaling! Halos
lahat ng inyong sagot ay tama!
Ngayon, kunin naman natin ang larawan ng BABAE at pagtabihin sa larawan na LAPIS. Ano
muli ang unang pantig ng BABAE?TAMA! Ba. Ang LAPIS kaya? TAMA! La. Ngayon, Pagsamahin
natin ang dalawang pantig. Pagpinagsama ang dalawang pantig (basahin ang nasa babang larawan)
ay makakabuo tayo ng salitang BALA!

+ = bala
Ito pa mga bata.kunin naman natin ang larawan ng LAPIS at pagtabihin sa larawan na BASO.
Ano muli ang unang pantig ng LAPIS?TAMA! La. Ang BASO kaya? TAMA! Ba. Ngayon,
Pagsamahin natin ang dalawang pantig. Pagpinagsama ang dalawang pantig (basahin ang nasa
babang larawan) ay makakabuo tayo ng salitang LABA!

+ = laba
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: LABA ! Ulitin nga natin mga bata LABA! Kayo nga lang !
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)
Ito pa mga bata.kunin naman natin ang larawan ng LAPIS at pagtabihin sa larawan na
GATAS. Ano muli ang unang pantig ng LAPIS?TAMA! La. Ang GATAS kaya? TAMA! Ga. Ngayon,
Pagsamahin natin ang dalawang pantig. Pagpinagsama ang dalawang pantig (basahin ang nasa
babang larawan) ay makakabuo tayo ng salitang LAGA!

+ =laga
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: LAGA ! Ulitin nga natin mga bata LAGA! Kayo nga lang !
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)
NGAYON SA SUSUNOD NA LARAWAN NAMAN TAYO.
Ang naman kaya itong larawan na ito?

Ito ay mata! Ginagamit upang makakita. Ulitin nga nating bigkasin ang pangalan ng nasa larawan
ma-ma-MATA..
Anong unang pantig ang ating narinig? Ang husay! Ang sagot ay Ma! Ating tanggalin ang
ikalawang pantig na TA(crossed out). ulitin natin ng tatlong beses ang uang pantig Ma-MA-MA ! ang
salitang MATA ay nagsisimula sa pantig na MA!
Ngayon naman ay mag-isip nga tayo ng mga salitang nagsisimula sa pantig na Ma. Maaaring
malasa,mababa,mama, mana ,masa at iba pa. Magbigay ng sagot gamit ang ating chatbox.
Magaling! Halos lahat ng inyong sagot ay tama!
Ngayon, kunin naman natin ang larawan ng KAMAY at pagtabihin sa larawan na MATA. Ano
muli ang unang pantig ng KAMAY?TAMA! Ka. Ang MATA kaya? TAMA! Ma. Ngayon, Pagsamahin
natin ang dalawang pantig. Pagpinagsama ang dalawang pantig (basahin ang nasa babang larawan)
ay makakabuo tayo ng salitang KAMA!

+ = kama
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: kama ! Ulitin nga natin mga bata kama! Kayo nga lang !
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)
Bubuo pa tayo ng isang salita. Kunin natin ang larawan ng ASO at pagtabihin sa larawan na
MATA. Ano muli ang unang pantig ng ASO?TAMA! A. Ang MATA kaya? TAMA! Ma. Ngayon,
Pagsamahin natin ang dalawang pantig. Pagpinagsama ang dalawang pantig (basahin ang nasa
babang larawan) ay makakabuo tayo ng salitang AMA!

+ = ama
(tanggalin ang mga larawan at iwan lamang ang mga unang pantig)
Teacher: ama ! Ulitin nga natin mga bata ama! Kayo nga lang !
(ituro lamang ang salita at hayaang sila ang magbasa)

Gawin natin itong isang aktibidad. Punan ang nawawalang pantig upang makabuo ng isang salita.

+ +_______= babala/larawan
Ano ang nawawalang pantig? TAMA !! Ang nawawalang pantig ay LA.

+ +_____= balae
Ano ang nawawalang pantig? TAMA !! Ang nawawalang pantig ay E.

________+ = baka
Ano ang nawawalang pantig? TAMA !! Ang nawawalang pantig ay BA.
Basahin nga muli mga bata: BABALA, BALAE, BAKA
Ayan!!! Ang huhusay mga bata…
Review Part

(5 items lang po each activity lols hahahhahaha)

Memory Catching Game


Inaasahan namin na ito ay nakatulong upang mas lalong mahasa ang inyong kaalaman
Tandaan mga bata na ang pagkatuto sa mga tunog ng alpabeto ay daan upang tayo ay makabasa.
Ending Part

Sa mga magulang inaasahan po namin ang inyong patuloy na paggabay at suporta sa Project
Catch Them Early Version 2.0. Kami ay saludo sa inyong walang sawang pagtitiyaga at tulong upang
ang lahat ng programa ng Kagawaran ng Edukasyon ay maipagpatuloy sa kabila ng pandemya na
ating nararanasan.

Maraming Salamat po!

Keep Safe everyone!

(Play Abakada Song)

Hanggang sa muli

Kami ang inyong teacher broadcaster


Teacher Jes, Teacher Precious, Teacher Joyce, at Teacher Bev na nagsasabing
Sa pagbabasa, mundo ng bata’y mahahasa!
Maraming Salamat !!!! Goodbye!

You might also like