You are on page 1of 2

SUMMATIVE TEST IN ESP 4 #6

Learning Objectives:
● nakakikilala sa wastong paggamit ng pasilidad sa paaralan at komunidad
● naipapakita ang maayos na paggamit ng palikuran, silid-aklatan, palaruan at iba pang pasilidad
sa paaralan o komunidad
● naibibigay ang kahalagahan nang maayos at maingat na paggamit ng pasilidad sa paaralan at
komunidad
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel o
kwaderno.

1. Ano ang gagawin mo sa basurang di nabubulok na nakikita mo sa parke?


A. Susunugin ko ang mga basura.
B. Iipunin ko sa likod ng bahay at hindi gagamitin.
C. lkakalat ko ang mga basura sa bakuran ng kapitbahay.
D. Gagawin ko itong kapaki-pakinabang upang makatulong sa kapaligiran.
2. Paano mo ipapakita ang tamang pag-iingat sa pasilidad sa paaralan?
A. Lilinisan ko ang palikuran araw-araw.
B. Pababayaan ko ang kalat sa aking upuan.
C. Iiwanan ko na nakakalat ang mga aklat sa sahig.
D. Hahayaan kong nakabukas ang gripo kahit hindi ginagamit.
3. Alin dito ang nagpapakita ng pag-iingat sa mga kagamitan ng iyong paaralan?
A. Ang pagkakaroon ng mga putik ng puting tiles sa palikuran.
B. Ang paglalagay ng mga balat ng kendi at papel sa ilalim ng upuan.
C. Ang pagbabalot ng mga aklat na ibinigay ng guro gamit ang plastik.
D. Ang pagkukuha ng mga aklat sa cabinet na hindi ibinalik sa tamang lalagyan.
4. Paano mo pananatilihin ang kalinisan at kaayusan sa silid-aklatan?
A. Ilalagay ko ang gamit sa ibang silid.
B. Iiwanan ko ang mga gamit na nagkalat.
C. Itatapon ko ang mga gamit sa basurahan.
D. Ilalagay ko ang mga gamit sa tamang lalagyan.
5. Aling babala ang nagpapahayag sa pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng gymnasium sa paaralan?
A. Bawal maglaro.
B. Tumawid sa tamang tawiran.
C. Huwag magtapon ng basura.
D. Iwasan ang pagtapak sa damuhan.
6. Ano ang dapat mong gawin para mapanatili ang kalinisan ng palaruan sa inyong paaralan?
A. Hindi ko ito pupuntahan.
B. Palagi akong tutulong sa paglilinis nito.
C. Ipagwalang-bahala ko ang mga basurang nagkalat.
D. Ipakita ko ang pakikilahok sa paglilinis paminsan-minsan.
7. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga at pagmamalasakit sa mga pasilidad sa paaralan
at komunidad?
A. Sisirain ko ito.
B. Itatapon ko ang basura kahit saan.
C. Susulatan ko ang pader ng palikuran.
D. Lilinisin ko ang mga kalat sa silid-aralan.
8. Alin dito ang HINDI pasilidad ng paaralan at komunidad?
A. Kantina at Ospital
B. Kantina at Simbahan
C. Aklatang Pampubliko at Parke
D. Mga laruan at mga Kabataan
9. Alin dito ang HINDI gawain sa pagpapanatiling malinis at kaaya-ayang pasilidad?
A. Ang paglilinis ng palikuran araw-araw.
B. Ang pagsisira ng mga upuan sa silid-aralan.
C. Ang pagsasaayos ng mga aklat sa silid-aklatan.
D. Ang pagpapatay ng ilaw pagkatapos itong gamitin.
10.Alin dito ang nagpapakita ng pag-iingat ng computer laboratory ng inyong paaralan?
A. Naglilinis si Jose sa laboratoryo at itinapon ang basura sa tamang lalagyan.
B. Sinisira ng mga kabataan ang mga gamit sa loob ng laboratory.
C. Ang mga kaibigan na sama-samang nagkakalat ng mga gamit.
D. Hindi sinusunod ni Carlo ang mga tagubilin sa laboratory.

You might also like