You are on page 1of 33

ARALING

PANLIPUNAN 1
KWARTER 3
Ang Aking Paaralan
Halina’t mamasyal sa aming napakagandang
paaralan. Ang pangalan nito ay Mababang
Paaralan ng Bangad. Matatagpuan ito sa
Lower Bangad, Tinglayan, Kalinga. Nasa
tuktok ito ng burol. Natatanaw dito ang mga
naggagandahang tanawin tulad ng bundok
“Sleeping Beauty”, Ilog Chico, mga palayan at
mga kabahayan.
Ito ay may kabuuang sukat na 5,168 sq.m.
Naitatag ito noong Enero 1, 1918. Sa
ngayong ito na ay 105 na taon. Sa
kasalukuyan, ang populasyon dito ay binubuo
ng 168 na mag-aaral, 10 guro kabilang na
dito ang punong-guro. Ipinagmamalaki ko ito
dahil dito ako natutong bumasa, sumulat
nang maayos at dito rin ako natuto ng mga
magagandang asal.
1. Ano ang pangalan ng paaralan na
tinutukoy sa kuwento?

A. Mababang Paaralan ng Bangad


B. Mataas na Paaralan ng Bangad
C. Mababang Paaralan ng Bangad
Centro
2. Saang bahagi itinayo ang paaralan?

A. Sa tuktok ng burol.
B. Sa gilid ng kalsada.
C. Sa kalagitnaan ng mga bahay.
3. Paano inilalarawan ang mga
tanawing nakapaligid sa paaralan?

A. Sariwang hangin
B. Naggagandahang tanawin
C. Dikit-dikit na mga kabahayan
4. Ang mga tanawin na natatanaw dito ay
bundok Sleeping Beauty, mga palayan at
kabahayan at ang _____.

A. Ilog Chipo
B. Ilog China.
C. Ilog Chico
5. Ilan taon na ang paaralan sa
kasalukuyan?

A. 103 na taon
B. 104 na taon
C. 105 na taon
6. Ilan ang kabuuang populasyon ng
paaralan sa kasalukuyan?

A. 168
B. 178
C. 188
7. Bakit ipinagmamalaki ang paaralan?
Dahil sa dito tayo _______.

A. natutong bumasa lang


B. natutong sumulat lang
C. natutong bumasa,sumulat at gumalang
sa kapwa
8. Bilang isang mag-aaral, ano ang
epekto sa pag-aaral mo kung tahimik
ang kapaligiran ng paaralan?

A. Makakapag-aral nang mabuti


B. Makakatulog nang mahimbing
C. Makakapaglaro nang maayos
9. Ano ang dapat mong gawin kung
nagsasalita ang iyong guro?

A. Makikinig nang mabuti


B. Makikipaglaro sa katabi
C. Makikipag-usap sa kaklase
10. Narinig mong nag-uusap ang mga nasa
likuran mo habang nagtatalakay ang inyong
guro, ano ang sasabihin mo sa kanila?

A. Isusumbong ko sa aming guro.


B. Sabihin kong tumahimik sila at makinig sa
guro.
C. Sabihin kong lakasan nila ang kanilang
pag-uusap.
11. Kung maingay ang kapaligiran ng paaralan,
ano sa palagay mo ang epekto nito sa iyong pag-
aaral?

A. Taimtim kong naisasaulo ang mga leksiyon.


B. Madali kong maintindihan ang aming
leksiyon.
C. Mahihirapan akong intindihin ang aming
leksiyon.
12. Ang dyanitor ay makikita sa ating paaralan.
Ang kanyang tungkulin ay___.

A. magtuturo ng mga magagandang-asal sa


mga bata
B. magpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa
paaralan.
C. magbabantay sa kaligtasan ng mga kasapi
ng paaralan.
13. Ano ang tungkuling ginagampanan ng doktor at
nars sa paaralan?

A. Sila ang nagbibigay ng mga pagkain sa


mga mag-aaral.
B. Sila ang nagpapainom ng mga gamot sa
mga mag-aaral.
C. Sila ang gumagamot sa mga taong
bumubuo sa paaralan.
14. Sa mga ibang paaralan, meron silang
guwardya. Ang tungkulin ng isang guwardya ay
___________

A. bantayan ang kaligtasan ng mga kasapi


sa paaralan
B. diligan ang mga pananim sa loob at labas
ng paaralan.
C. panatilihing malinis at maayos ang
paaralan
15. Ano ang tungkulin ginagampanan mo, bilang
isang mag-aaral.

A.Tungkulin kong tumulong sa mga gawain


ng guro.
B. Tungkulin kong ipasagot ang mga modyul
ko sa nanay.
C. Tungkulin kong maging masipag at
matiyaga sa pag-aaral.
Para sa Bilang 16

16. Sa ibang malalaking paaralan ay meron silang


hardenero. Sa iyong palagay, ano ang tungkulin
ipinapahiwatig ng larawan?

A. Siya ay nagtitinda ng mga halaman.


B. Siya ay nag-aalaga ng mga halaman.
C. Siya ay nag-aalis ng mga tuyong
halaman.
Para sa Bilang 17
(Gargaritani, 2013)

17. Sa ibang paaralan, meron silang silid-aklatan na


pinangangasiwaan ng isang libraryan. Ang tungkulin nito sa
paaralan ay ___

A. Bumibili ng mga aklat na hihiramin ng mga mag-


aaral.
B. Nagsusulat ng mga aklat na hihiramin ng mga mag-
aaral.
C. Nag-aayos at nagbibigay ng mga aklat na hihiramin
ng mga bata
18. Ano ang tungkulin ng isang punong-guro sa
paaralan?

A. Siniseguro niya na nagagamot ang mga


may sakit.
B. Siniseguro niya na lahat ay gumaganap
sa kanilang tungkulin
C. Siniseguro niya na malinis ang bakuran
ng paaralan.
19. Bilang isang mag-aaral, mahalaga ang
paaralan sa sarili kong buhay dahil ______

A. ito ang pangalawa kong tahanan.


B. mag-aaral akong mabuti kahit wala
akong baon.
C. dahil dito ako matutong bumasa,
sumulat, magbilang at iba pa
20. Ang iyong guro ay nagtatalakay tungkol
sa mga tunog ng mga letra. Ano ang dapat
mong gawin?

A. Makinig nang mabuti lamang.


B. Makinig nang mabuti at makibahagi sa
klase.
C. Makinig sa katabi na nagsasalita.
21. Ikaw ay isang nars sa iyong lugar, paano ka
makakatulong sa iyong komunidad ?

A. Makakatulong akong bunutin ang sirang


ngipin.
B. Makakatulong akong gamutin ang mga
maysakit.
C. Makakatulong akong maglinis sa
komunidad.
22. Bakit kailangan mong makapagtapos
sa pag-aaral?

A. Upang maging mayaman.


B. Upang dumami ang mga kaibigan.
C. Upang makatulong sa pamilya at
kamunidad.
23. Bakit kailangang maghugas lagi ng mga
kamay at gumamit ng alkohol?

A. Upang laging ligtas sa anumang sakit lalo


na sa COVID-19.
B. Upang magandang tignan ang kamay.
C. Upang hindi nakakahiya kung marumi ang
kamay.
24. Bakit kailangang makinig nang mabuti
sa guro habang nagtuturo?

A. Upang maiwasan na antukin sa klase.


B. Upang malaman kung magaling magturo
ang guro.
C. Upang maintindihang mabuti ang
kanyang itinuturo.
25. Sa loob ng silid-aklatan, nabasa mo ang
“Bawal ang Maingay” pero maingay ang mga
kaibigan mo. Kaya napagalitan kayo. Ano ang
dapat mong ginawa para HINDI sana kayo
napagalitan?

A. Pinagsasabihan ko sana sila.


B. Iniwanan ko sana sila.
C. Hinayaan ko na lang sila.
26. Suriing mabuti ang bawat sitwasyon, sino kaya sa
kanila ang sumusunod sa mga alituntunin sa paaralan?

A. Si Roy na laging natutulog tuwing nagtuturo


ang kanyang guro.
B. Si Totoy na nagwawalis at nagdidilig
pagdating sa paaralan.
C. Si Ana ay nakikipaglaro sa kanyang kaibigan
sa paaralan.
27. Tuwing Brigada-Eskwela, abala ang mga
magulang at mag-aaral na nagtutulungan para
mapaganda ang paaralan. Ano ang gagawin
mo para makatulong ka dito?

A. Magtago na lang sa isang sulok.


B. Makipaglaro sa mga kapwa bata.
C. Magwalis ng mga kalat at dumi sa paligid
28. Nakita mong tuyong-tuyo na ang halaman sa
paaralan ninyo. Ano ang gagawin mo?

A. Didiligan ko ang halaman kahit walang


magsasabi.
B. Hihintayin ko ang guro upang ipadilig ang
halaman.
C. Uutusan ko ang ibang bata na magdilig sa
halaman.
29. Nakita mo ang iyong kaklase na
nagtapon ng basura sa hindi tamang
lagayan. Ano ang dapat mong gawin?

A. Hahayaan ko na lang siya.


B. Sisigawan at aawayin ko siya
C. Pagsasabihan ko na ilagay niya sa
basurahan.
30. Nabasa mo ang mga nakapaskil na babala
sa loob at labas ng paaralan. Ano ang gagawin
mo?
A. Susundin ko ang mga babala sa loob
at labas ng paaralan.
B. Sisirain ko ang mga babalang
nakapaskil.
C. Gumawa ng mga hindi mabuting
nakakasira sa paaralan.

You might also like