You are on page 1of 1

Iesha Gabrielle S.

Binato FPLA
Grade 11 Castor

Ang buhay ng isang tao ay pwede natin maihambing sa isang libro. Ngunit ang librong ito
ay patuloy pa rin isinusulat at patuloy na gumagawa ng mga yugto hanggang sa matapos na at
maisara na ang libro. Ngayon, ibabahagi ko sa inyo kung paano nagsimula ang aking libro. Ako
nga pala si Iesha Gabrielle S. Binato, labinlimang taong gulang, kasalukuyang nasa labing isang
baitang sa STEM strand ng Bucal National Integrated School. Ipinanganak noong ika-8 ng Agosto
taong 2007. Pinalaki ako at ang kapatid na si Liam Ashley S. Binato ng aking mga magulang na
sina Michelle S. Binato at Eugene P. Binato na busog na busog sa pagmamahal at pangangaral.
Lahat ng pangangaral na sinasabi nila sa akin ay alam kong magagamit ko para sa aking
kinabukasan. Nakagisnang kong mamuhay sa ordinaryong paraan na hindi lahat ng gusto mo ay
mabibili dahil kailangan mo itong paghirapan. Ito ang isa sa "highlighted" na parte sa aking libro.
Marami pa akong natutunan sa pagsulat ko ng mga yugto sa aking buhay. Isama ko na rin ang
aking mga kaibigan na nagsisilbing kaagapay ko habang ako'y nasa klase o kahit ako ay makauwi
na. Ang mga tawanan namin at kung ano-ano pa, ka'y sarap magklase kung may kasama ka na
ganito sa araw-araw. Nasa tamang edad na ako kung saan alam ko na ang realidad ng buhay at
kung ano ang mga tama at mali. Alam kong sa libro kong ito hindi maiiwasan magkaroon ng hindi
gaanong kaganda na mga yugto ngunit kailangan ko pa rin magpatuloy. Sa tulong na rin ng mga
taong nagmamahal sa akin, nakakatayo kung sakali mang ako aya matutumba sa mga problemang
dumarating. Patuloy silang nagtitiwala sa akin, kaya dapat ay hindi ko sila bibiguin. Dapat patuloy
lang din ako sa pagsusulat, lahat ng magagandang parte ng aking buhay at kahit yung hindi na
gaano, dahil ako naman ay may natutunan na aral dito. Sa patuloy kong pagsulat ng libro, sana ay
marami pa akong maranasan na magsisilbi kong aral at pati na rin aking mga hindi malilimutang
mga pangyayari na kung saan ito ay dadalhin ko hanggang sa pagtanda. Hindi man ako isang libro
na maganda ang pabalat at magarbo ang pamagat, ngunit masasabi kong napaka-makabuluhan ang
nilalaman nito. Ako nga pala ulit si Iesha Gabrielle S. Binato, patuloy pa rin ang pagsulat sa
kanyang libro at masasabi kong parte na kayo doon. Maraming salamat!

You might also like