You are on page 1of 1

Manunulat: Mary Antoinette Bago

Ang Nakatagong Linamnam sa Probinsiya ng Cavite

Mula sa isang kakaiba at misteryosong itsura na replica ng bahay at pagkain ni Aguinaldo, sa


loob nito’y dito mo mapagtanto ang mga lihim na unti-unting mabubunyag sa unang tikim pa lamang ng
mga sikat na pagkain sa loob ng Cavite Republic. Sinasabing sikat ang Cavite dala marahil ng mga
makasaysayang lugar na dinarayo ng nakararami ngunit bukod sa mga magagandang lugar na
matatagpuan, kilala rin dito ang iba’t ibang pagkain na magpapabusog hindi lamang sa iyong mga mata
kundi maging sa iyong tiyan mula sa lihim na matutuklasan.

Ang Lihim ni Lola


Isa ito sa mga patok na pagkain dito. Mula sa pagiging kulay ube na tila isang uri ng kakanin,
hindi maitatago ang surpresang dala nito sa tuwing ika’y titikim. Gawa sa balinghoy ang nasabing
pagkain na ginawang kulay ube, na may palamang itlog na pula na binalot sa isang dahon ng saging at
nilagyan ng keso sa ibabaw. Unang kagat mo pa lamang dito, mararamdaman mo na ang nakatagong
lihim ni Lola.

Ang Lihim ni Aguinaldo


Isang makulay na lihim ang matutuklasan mo sa pagkaing ito dahil na rin sa mga sangkap na
ginamit. Pinagsama sama lamang ang chico at manga, na sinasabing paboritong prutas ni Aguinaldo, na
sinamahan rin ng suman na magdadagdag ng kakaibang lasa nito.

Paborito ni Aguinaldo
Lingid sa kaalaman ng nakakarami, isa ang pagkaing pinoy na turon ang paborito ni Aguinaldo.
Upang mabigyan ng panibagong “twist” ang turon, ibinalot sa lumpia wrapper ang pinagsama-samang
langka, kamote,suman at iba pang mga sangkap na magbibigay ng kakaibang lasa at tamis sa nasabing
panghimagas.
Sabi nga walang lihim na hindi nabubunyag, ngunit ito ang lihim na magbibigay karangalan at
pangalan sa bayan ng Cavite kung saan iniangat nito at muling binubuhay ang mga pagkaing Pilipino.
Maaaring replika lamang itong maituturing ngunit di naman nito matatawaran ang orihinalidad
na lasa nito na magmamarka sa dila ng mga Pilipino.

You might also like