You are on page 1of 4

PAGBATI: Buenos noches, senor/ senora. Tuloy po kayo!

Jonella : Zoe, eh alam mo ba kung paano at saan nagsimula ang Lalawigan ng Cavite?

Zoe : Hindi pa nga eh, kaya ngayon ay ikwento natin sa ating mga bisita kung paano at
saan nga ba nagsimula ang Cavite.

Zoe: Eh alam niyo po ba na ang Cavite ay isang lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan


sa Luzon, kalapit ng Kalakhang Maynila. Ito ay kilala sa kanyang makulay na
kasaysayan, bilang isa sa mga pook ng pagsilang ng Himagsikang Pilipino laban sa
mga Kastila.

Jonella: Tama ka diyan, zoe ! Isa rin itong makabago at industriyalisadong lalawigan
na may magagandang tanawin, mga pantalan, at mga industriyal na zona. Ang Cavite
ay may mga lungsod tulad ng Trece Martires, Dasmarinas, at Bacoor, at kilala rin sa
mga tourist destination tulad ng Tagaytay, na kilala sa malamig na klima at
magandang tanawin ng Bulkang Taal.

Zoe: Idagdag pa natin rito na mayaman din ang Cavite sa kultura at tradisyon.
Makikita mo ang mga makasaysayang simbahan, parke, at mga gusali na nagpapakita
ng kasaysayan ng lalawigan.

Jonella: At sa huli, itong lugar ng cavite ay puno ng buhay at may mga pook ng
komersyo, edukasyon, at kultura na nag-aalok ng iba't-ibang karanasan para sa mga
bisita at residente.

Zoe: Ngayon, tumungo naman tayo sa mga Demograpikong pagbabago sa lalawigan


ng Cavite sa mga nag daan na panahon.

Zoe: Sa panimula, ating pag-usapan ang kolonyalisasyon at paglaki ng populasyon.


Dine naman ay dumating Espanyol sa Pilipinas noong ika-16 na siglo at itinatag ang
kanilang presensya sa Cavite. At, Alam niyo ba, Sa paglipas ng panahon, nagtatag sila
ng mga pamayanan, misyon, at bayan, na humahantong sa paglaki ng populasyon na
pinupuno ng iba’t iba at halo-halong lahi.

Jonella: Sumunod naman dito, ang pagbabalik-loob sa Kristiyanismo: Ang mga


kolonyal na pinuno ng Kastila, kasama ang mga misyonero, ay nagsikap na maibalik
ang mga katutubong Pilipino sa Kristiyanismo, kung saan ito naman ay nagresulta sa
pagtatayo ng mga simbahan at pagbabalik-loob ng maraming katutubo sa
Katolisismo.

Zoe: Tama yan ! Ngayon naman, alam mo ang pangkabuhayang gawain ng mga
CAVITENOS? Ang agrikultura lang naman ang pangunahing gawaing pang-
ekonomiya sa Cavite noong panahon ng Kastila. Nakilala ang lalawigan sa matabang
lupa at produksyong agrikultural, kabilang ang mga pananim tulad ng palay, tubo, at
niyog.

Jonella: Ah ganon ba? Kaya talaga namang ang daming maipagmamalaki ng Cavitenos
ano ! Ngunit, alam mo ba? Idagdag pa natin ang pag-aalsa at paglalaban na naganap
sa Cavite ay sapagkat ito ang naging sentro ng mga paghihimagsik at paglaban sa
pamumuno ng mga Espanyol, na may mga makabuluhang pag-aalsa na naganap
noong 1872 at 1896.

Zoe: Kaya nga naman ito rin ay kinikilala bilang “Land of the Brave” ano? Talaga nga
namang matatapang at masisigasig ang mga CAVITENOS. Sa panghuli, alam niyo din
ba na sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, nabuo ang mga bayan at
pamayanan sa Cavite, na humantong sa urbanisasyon. Ang Lungsod ng Cavite, ang
kabisera ng lalawigan, ay naging isang makabuluhang hub para sa pamamahala at
komersiyo.

Jonella: Sadyang, kamangha-mangha ang mga kasaysayan tungkol sa lalawigan ng


cavite. Ngunit, hindi pa tayo natatapos dito, ngayo’y dumako naman tayo sa mga
pagkain na ipinagmamalaki ng mga CAVITENOS.

Jonella:
Unang una ay ang pancit pusit
Pancit Pusit - Ang pancit pusit, isang masarap na Caviteno noodle dish, ay nag-aalok
ng kakaibang twist sa kilalang pancit bihon o sotanghon sa pamamagitan ng
pagsasama ng pusit sa halip ng mga tradisyonal na pagpipilian sa karne. Ang
nagbibigay sa ulam ng kakaibang itim na kulay ang ink ng pusit.

Zoe:
Tinapang Salinas
Ang "tinapang salinas" ay isang uri ng tuyo o dried fish sa Pilipinas. Karaniwang
ginagamit ang asin o "salinas" sa pag-preserba nito. Maari itong gawin mula sa
iba'tibang uri ng isda tulad ng bangus, galunggong, o tulingan. Ang proseso ng pagtapa
at pag-aalikabok nito ay nagbibigay ng masarap na lasa at matagal na buhay-kalakal
para sa isda. Ito ay popular na ulam o pulutan sa mga Filipino partikular sa bahagi ng
Rosiario Cavite.

Jonella:
Kulao – Ito naman eh isang kakaibang putahe mula sa cavite na may pinaghalong
tokwa at baboy na may suka, sibuyas, at toyo. Ito ay ginagamit din bilang sahog sa
pancit puso, pancit luglug, arroz caldo o bilang pulutan.

Zoe:
Pipian
Ang "pipian" ay isa sa pinaka popular na putahe sa Cavite na hango sa isang ring
putaheng mula sa Espana. Maiihalintulad ito sa Kare-Kare, subalit, ito ay mas
madaling lutuin at may mas kaunting sahog. Kabilang dito ang:
Manok, bawang, achuete, rice flour, peanut butter, sibuyas, at mga pampalasa.

Kanin
At syempre, sa salu salung pinoy, hindi mawawala ang mainit na kanin!

Jonella:
Pakwan at Pinya - Eh para sa ating panghimagas narito ang "pakwan” at “ pinya” na
isang uri ng prutas na karaniwang makikita sa mga bansa na may mainit na klima,
tulad ng Pilipinas. Ang mga prutas na ito eh hindi lamang masarap, masustansiya pa.

Sumunod naman ang…

Bibingkang Samala - At alam niyo ba ang pagkaing ito ay isa sa pinakasikat na


kakaning pamukat o panghimagas na ipinagmamalaki ng Cavite City. Sapagkat ito
naman gawa sa malagkit na bigas, gata at asukal.

Zoe:
Sago’t gulaman
Para naman sa ating inumin, mayroon tayong sago’t gulaman. Ang sago’t gulaman ay
masarap na ipares sa kahit anong putaheng pinoy.
Jonella:
Eh nawa’y naintindihan po Ninyo ang aming maikling presentasyon tungkol sa
lalawigan ng cavite. Sana naman po ay inyo ring magustuhan ang aming mga
inihandang pagkain sainyo. Isang munting paalala na ang mga CAVITENO eh talaga
nga naming may mayaman na kasaysayan at maraming maipagmamalaking mga
putahe o pagkain na gawa sa iba’t ibang bersyon ng bawat bayan.

Oh, Paano ba yan, Zoe! Halina’t ayain mo na ang ating mga ka-barrio sumabay sa ating
munting salo-salo.

Zoe:

*Tawagin ang mga kapit bahay*


Zoe: Maaring natatakam na ang lahat sa mga masasarap na putaheng nakahain sa
ating hapag, ngunit bago natin matikman ang mga ito, inaanyayahan ko ang lahat
upang sabay sabay ng magdasal at magpasalamat sa biyayang ipinagkaloob sa atin.
Nais ko pong tawagin si Hannah upang pangunahan ang dasal.

*Pray*
*Kain*

Zoe: Habang kayo po ay kumakain, hayaan niyo pong ipakita ng dalawa sa aming mga
kasama, sina Jamie at Andrea ang kanilang talento sa pag sayaw.

You might also like