You are on page 1of 6

FILIPINO PT

ASYANO:
MAABILIDAD,
TALENTADO,
TRADISYUNAL

IPINASA NI:
Harley Davidson L. Dacanay
ASYANO: Maabiliad, Talentado, Tradisyunal

Sa isang maaraw na tanghali, ang Paaralan ng Santa Rosa


ay nakatanggap ng isang kapirasong papel na tila
magarbo ang pagkakabalot na may pulang selyo sa
bukasan. Dali-dali itong inabot at ipinabasa sa punong-
guro at ang mga sumunod na pangyayari ay ang pagpunta
ng punong-guro sa entablado upang ipahayag ang
mensahe sa mga mag-aaral at guro.

Punong-guro: Magandang tanghali sa mga mag-aaral ng


Paaralan ng Santa Rosa, nais kong ihayag ang kalatas o
balita na ating natanggap. Ito ay isang liham ng paanyaya
mula sa Asian Educational Institution of Oriental
Universities (AEIOU) na naglalayong maibahagi ang
Paaralan ng Santa Rosa sa gaganaping Asian Schools
Association on Knowledge Achievement (ASAKA) o ang
programa na nagiimbita sa mga unibersidad at paaralan
sa kontinenteng Asya upang malinang ang talino,
kaalaman, at abilidad ng bawat institusyong edukasyonal.
Ngayo’y napagdesisyunan ng paaralan na ang mga
itatakbo nating kalahok mula sa ating paaralan ay ang
Top 3 students na may pinakamataas na marka sa
sekondaryang pag-aaral, at ito ay sila Juan Macapagal,
Pablo Magsaysay, at Josephina Laurel.

Matapos ang apat na paglubog ng araw, nagsimula ng


magbiyahe ang tatlong kalahok kasama ang guro nilang si
Ginang Maria Quezon papuntang Tokyo, Japan kung saan
gaganapin ang Asian Program.
Ginang Quezon: Tayo’y nakarating na. Tunay ngang
napakaganda ng mga siyudad dito sa Japan.
Juan: Tama ka diyan Ginang Quezon, napakaganda nga
talaga dito.

Filipino AEIOU Admin: Group-A Filipino, dito po dadaan,


Group-B Filipino dito naman po..

At ihinatid na nga ng institusyon ang bawat paaralan sa


kani-kanilang silid sa Hotel sapagkat bukas pa
magaganap ang programa.

(Kinabukasan, 7 AM ng umaga)

Naipaskil na nga sa Bulletin Board ang talakdaan ng


programa. 7-9 AM ay Broadcasting Journalism, 9-11 AM ay
Mathematical Solving, 1-4 PM ay Athletics, 4-6 PM naman
ay Realism Painting, at huli ay ang Creative Writing 6-7
PM.

Ginang Quezon: Oh mga iho’t iha, husayan niyo. Ako’y


naroon sa opisina ng SPA Faculty kung kailangan niyo ang
aking tulong.
Juan, Pablo, Josephina: Opo Ginang Quezon, aming
gagalingan.
(Nagsimula na ang programa na nagsimula ng 7 ng umaga
at ito ay natapos ng 7 ng gabi)
Ginang Quezon: Oh mga bata, kamusta ang programa?
Kayo ba’y nahirapan?
Pablo: Aaminin naming na naging mabigat ang
kompetisyon.
Josephina: Ngunit tingin naman nami’y maaayos na
gaming nagawa.
Juan: Mahusay din ang ibang kalahok, napakabilis nilang
magsagot.
Ginang Quezon: O siya sige, ang resulta ng programa ay
ating mailalantad mamayang 8:30 PM, ating abangan ito.

(8:29 PM)

Pablo: Ang kaba ko’y ‘di maipaliwanag.


Ginang Quezon: Ayos lang naman, manalo matalo, kami’y
saludo sa inyo.
Ginoong Valentino: Ginang Maria Quezon?
Ginang Quezon: Ako nga po yon, ano po ang nais niyo?
Ginoong Valentino: Ako nga pala si Ginoong Valentino,
ang Filipino Representative ng AEIOU, nais ko sanang
ipahayag sainyo ang resulta ng programa.
Josephina: Sukdulan ang aming kaba.
Ginoong Valentino: Sa kasamaang-palad, wala sa ika-
limang puwesto ang mga bata.
Ginang Quezon: Ha? Paano?
Pablo at Juan: Bakit?
Ginoong Valentino: Gayundin sa ibang mga kalahok!
Ipinahayag ng institusyon kanina, na lahat ay nanalo sa
programa dahil sa hindi maipaliwanag na talento ng mga
Asyano!
Ginang Quezon: Iyan ba’y totoo?
Ginoong Valentino: Ito nga’y totoong balita.

(Nagulat sina Ginang Quezon, Pablo, Juan, at Josephina)

Ginang Quezon: Kung gayon ay magandang pahayag iyan!


Bawat Asyano nga’y may abilidad na hindi basta-basta
matatapatan!
Ginoong Valentino: Tama ka diyan Ginang Quezon!

At nang dahil doon, ang programang AEIOU ay naging


matagumpay at maimpluwensiya sa kabataan at sa lahing
Asyano. Ito ay nagdulot ng labis na pagmamahal at
respeto sa tradisyon ng mga Asyano, iba-ibang katangian,
iba-ibang tradisyon, iisang layunin, iisang tinubuang-
lupa. Asyano, maabilidad, talentado at tradisyunal.
FILIPINO PT

"Labis na pagmamahal at respeto sa


tradisyon ng mga Asyano, iba-ibang
katangian, iba-ibang tradisyon,
iisang layunin, iisang tinubuang-
lupa. Asyano, maabilidad, talentado
at tradisyunal."

IPINASA KAY:
Gng. Joyce P. Camilo

You might also like