You are on page 1of 3

7- STAR A & STAR B FLAG RAISING SCRIPT

*PAGBATI*

ADDIE: Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat! sa minamahal nating mga guro
at magulang, gayundin sa aking mga kapwa mag-aaral. Ako po si Caitlin Addie R.
Ercilla ng ika- pitong baitang ng STAR A

JUZTINE: At ako naman po si Juztine Mae M. Deanon ng ika-pitong baitang ng


STAR B . Ngayong umagang ito, sabay-sabay nating masusubaybayan ang birtwal
na pagtataas ng watawat ng Pilipinas sa ating paaralan. Inaanyayahan po namin
kayo na panatilihing bukas ang kamera at panatilihing nakaoff ang mikropono para
sa ating pagkakaisa at pananatili ng kaayusan sa ating programa.
Maraming salamat po!

*PASIMULA*

ADDIE: Ito'y ating sisimulan sa pagbibigay pugay sa ating watawat.Tayong lahat


ay tumayo at Ilagay ang ating kanang kamay sa kaliwang dibdib, at ating aawitin
ang pambansang awit ng Pilipinas: Lupang Hinirang.

JUZTINE: Susundan ito ng isang mataimtim na panalangin mula kay Auman,


Breanna Azeneth, Panatang Makabayan na pangungunahan ni Patricia Mae
Dimpas.

ADDIE: at ang Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas na pangungunahan naman ni


Juztine Mae M. Deanon.
*PAGKAING PANGKAISIPAN AT MGA ANUNSYO*

JUZTINE: Dumako naman tayo sa ating pagkaing pangkaisipan aking pong


inaanyayahan ang ASTP for Administration, Head of the Filipino Department, Mr.
Cerilo P. Castillo Jr. para sa pagkaing pangkaisipan. Magandang umaga po!

ADDIE: Maraming Salamat po Mr. Cerilo P. Castillo Jr., Ating simulan ang
pagbibigay ng mga anunsyo para sa linggong ito na pangungunahan ng SSG
ADVISER na si MRS, NENA PANOPIO.

JUZTINE: Maraming Salamat po sa pagbibigay ng mga anunsyo MRS, NENA


PANOPIO.

*MGA HIMNO*

ADDIE: Halina't buong sigla nating awitin ang Himno ng Lungsod Quezon,
Himno ng Sangay ng Lungsod Quezon, at Himno ng NCR.

*SAYAW-EHERSISYO*
JUZTINE: dumako naman po tayo sa ating sayaw-ehersisyo ngayong lunes,
narito ang iilang mga estudyante mula sa 7-STAR A & B

ADDIE: Maraming salamat sa mga estudyanteng nakilahok sa pagsasayaw, tunay


nga na ang pag-eehersisyo ang magbibigay sa atin ng enerhiya para maging aktibo
sa pagsalubong sa ating panimulang klase.

*PAGWAWAKAS*
JUZTINE: Bago tuluyang matapos ang ating birtwal na pagtataas ng watawat ng
Pilipinas, ating awitin ang hymno ng Batasan Hills National High School.

ADDIE: Sa pagtatapos, nais naming magpasalamat sa mga kaguruan at mga mag-


aaral na tumulong sa amin sa paghahanda para sa Birtuwal na Pagtataas ng
Watawat ngayong araw. Nandiyan ang tagapayo sa Kataastaasang Pamahalaan ng
Mag-aaral ng ating sintang paaralan na si Bb. Nena S. Panopio. Sa mga kaguruan
mula sa kagawaran ng Araling Panlipunan, Bb. Jezzabelle Garcia, Bb. Marissa
Gianan, Bb. Cristina Santos, Bb. Princess Dianne Viray at sa tagapayo ng pangkat
STAR A at STAR B ng ika-pitong baitang, Muli ako po si Addie E. Ercilla

JUZTINE: Maraming salamat din po sa mga opisyales ng Kataastaasang


Pamahalaan ng Mag-aaral, ang opisyal na namamahala sa Birtuwal na Pagtataas ng
Watawat at ang Pangalawang Pangulong Panlabas, G. Miguel Guian Augis. Sa
mga kinatawan ng mga iba’t ibang baitang, sa ika-pitong baitang, Bb. Marifhel L.
Dura at G. Angelo Dave O. Cañada at sa ika-sampung baitang, Bb. Gerlie F.
Petallana at G. Francisco J. Diciano Jr.Muli, ako po si Juztine Mae M. Deanon ng
ika-pitong baitang ng STAR B Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat!

You might also like