You are on page 1of 2

Princess Alyssa C.

Altarejos IX- Narra

Naniniwala akong ang maayos at mapayapang paaralan ay makatutulong sa pag-


unlad ng mga kabataan. Ang paaralan ang humuhubog sa mga susunod na mga inhinyero,
doctor, pulis, arkitekto, at marami pang iba. Sila ang magiging susi upang makamit natin
ang magandang kinabukasan kaya naman, ating ibigay sa kanila ang isang maayos na
paaralan na kanilang magiging pinto sa pagtupad ng kanilang mga pangarap. Magandang
hapon, mga kamag-aral. Ako si Princess Alyssa C. Altarejos, kumakandidato bilang pangulo
ng Supreme Student Government Council. Nangangako akong ibibigay ko ang aking buong
makakaya upang makamit natin ang isang maunlad at maayos na paaralan. Ako ay
magseserbisyo para sa ikabubuti ng aking kapwa mga kamag-aral at kung ako man ang
mananalo bilang presidente ng SSG, ako ay gagawa ng mga platapormang makatutulong
sa ating paaralan. Makakaasa rin kayong mas magiging produktibo ang pag-aaral ng mga
estudyante dahil ako ay magsasagawa ng mga programang makatutulong sa pag-unlad ng
karunungan o kaalaman ng mga mag-aaral na naririto sa Palawan National School.

Isa sa aking mga plataporma ang pagpapatupad ng programa kung saan mayroong
tinatawag na “Group study” na mismo ang mga mag-aaral ang nagtuturo sa kapwa nila
mag-aaral. Isang paraan ito upang mapag-yaman ang kaalaman ng mga estudyante at
maibahagi nila ang kanilang talento sa iba pang mga estudyante. Isa pang proyekto na
aking nais maisakatuparan ay ang pagkakaroon ng “Art Exhibit” sa loob ng paaralan. Sa
exhibit na ito ipapakita ang masisining na obra maestra ng mga estudyanteng may angking
talento sa pagguhit o pagpinta, nang sa gayon ay magamit nila ang kanilang talento upang
magbigay inspirasyon at maghatid ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang mga nilikha.
Ang mga proyektong aking nais maisakatuparan ay magiging daan sa kaunlaran ng mga
estudyanteng naririto ngunit hindi ito sapat upang magkaroon tayo ng magandang
paaralan. Dagdag pa rito, nais kong masigurado ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-
aaral kaya nais kong magpatupad ng programa kung saan, magkakaroon ng konsultasyon
mula sa isang guidance counselor at psychologist na may kakayahang alamin ang mental
na kalusugan ng mga estudyante. Mahalagang maisagawa ito upang masiguro ang
kanilang mabuting kalagayan at matulungan silang maibsan ang kanilang stress at
depression. Makatutulong din sa kanila ang emotional support na handog din ng
konsultasyong ito maging ang pagbibigay ng kalinawan sa kanilang mga nararamdaman.
Hindi lang ito ang mga platapormang nais kong tuparin. Nais ko ring humingi ng pahintulot
mula sa ating punong guro na magpatupad ng tinatawag na “Gate pass” nang sa gayon ay
makalalabas ang mga estudyante tuwing tanghalian. Ang gate pass na ito ang magiging
patunay na ang mga mag-aaral ay pinapayagang lumabas at mayroon din itong lagda ng
kanilang mga magulang.

Ang mga plataporma kong ito ay inaasahan kong magbibigay ng kaginhawaan para
sa mga nag-aaral rito sa ating paaralan. Nawa’y makatulong ito nang mabuti sa inyong
lahat at nawa’y kayo ay magkaroon ng magandang pananatili rito sa ating paaralan dahil
sa mga proyektong ito. Hinihiling ko na sana ako ay tumatak sa inyong mga isipan. Huwag
kalilimutan, Princess Alyssa C. Altarejos, nagsasabing ang kabataan ang pag-asa at susi sa
magandang kinabukasan kaya naman, ating ibigay sa kanila ang ating buong makakaya
upang matupad nila ang kanilang mga pangarap. Naniniwala akong ang magandang
paaralan ay tulay sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.

You might also like