You are on page 1of 1

Ninakaw na Oras

Sa pagpasok mo sa mundong puno ng karunungan, tila yata nalimot mo na ang pagtanaw


sa mundo ng kasiyahan. Sa paglalakbay mo sa destinasyong masagana’t matagumpay, tila
pinapipili ka ng tadhana. Katalinuhan o kasiyahan, alin ka sa dalawang iyan?

Tila marahil sa pagdaan ng panahon, unti-unting lumalawak ang karunungan ng isang


tao. Siyempre pa, tayo ay namumuhay sa tinatawag na “modern world” ngunit hindi maikukubli
na sa bawat pagpasok natin sa paaralan, dala nito’y problema lalo na sa mga mag-aaral ng
sekondarya. Bakit? Ito’y dahil sa kaliwa’t kanang mga takdang aralin na siyang
nagpapakomplikado sa pagtupad nila ng iba pang responsibilidad na siya rin sanang kanilang
pinagtutuunan ng pansin. Sa walong oras na pamamalagi sa paaralan, pag-uwi’y doon pa rin
nakatuon ang oras at atensyon na dapat sanang ibinibigay na sa pamilya. “Pagod na kami”,
sigaw naming mga mag-aaral sapagkat palagi na lamang umaabot sa puntong pagkatapos ng
klase, pag-aaral pa rin. Pag-uwi galing eskwela, estyudante pa rin. Bawal ba kaming maging
anak, ate o maging kuya? Sa kagustuhan naming mag-aral ng mabuti, tila yata naaabuso na
naming an gaming sarili. Idagdag mo pa ang “stress” na nakukuha naming gabi-gabi dahil
lamang sa paggawa namin ng takdang aralin.

Sa ilalim ng House Bill No. 388 na inihain ni Quezon City Rep. Alfred Vargas,
ipinagbabawal na ang pagbibigay ng takdang aralin sa mga estyudante sa elementary at high
school tuwing weekend. Ngunit tulad ng inaasahan, samu’t-saring pambabatikos ang naririnig.
Sinasabi ng ilang guro na isa itong pambabalewala sa kanilang propesyon. Hindi ba’t ang
panukalang ito’y naglalayong isalba ang mga mag-aaral mula sa “stress” na kanilang
nararanasan? Sa halip na batikusin, pagsuporta na lamang ang sana’y kanilang gawin.

“Upang matuto”, iyan ang pangunahing dahilan ng mga guro kaya’t nagbibigay sila ng
takdang aralin kahit pa sa katapusan ng lingo. Sana’y magising sila sa katotohanang oo nga’t
nakabubuti ang pagbibigay nito ngunit huwag naman sana umabot sa puntong nanakawin pati
ang oras na nakalaan sanang makasama ang pamilya, makapaglaro, makapagpahinga, at
makatulog ng mahimbing.

Tayo ay nasa punto ngayon kung saan sa pagtamasa natin sa karunungang ating ninanais
ay ang pagsasawalang bahala natin sa panahong tayo’y dapat magsaya. Huwag sanang umabot sa
puntong kami’y papipiliin kung katalinuhan o kasiyahan ba ang aming nais sapagkat hindi
maaaring isa lamang sa mga ito ang tataglayin naming. Ngayo’y panahon upang mag-isip,
kumwestiyon at gumawa ng aksiyon. Ipaglaban ang karapatan nating mag-aaral, pagnanakaw sa
oras dapat tuluyang matanggal.

You might also like