You are on page 1of 4

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

CE/GMRC IV
Panuruang Taon 2014 – 2015

PANGALAN: ____________________________________________ PETSA: _____________


BAITANG/SEKSYON: ____________________ ISKOR: _____________

PANUTO: Alin ang nagpapakita ng paggamit sa mga patapong bagay? Isulat ang tsek (√) o ekis (X).
___1. Ang mga tuyong dahon sa bakuran nina Linda ay ibinabaon niya upang maging pataba.
___2. Ang pira-pirasong kahoy ay ipinagagawang kariton ni Ruben sa kuya.
___3. Ang ina ni Maricel ay mananahi. Maraming retaso ng damit ang nakakalat kaya itinatapon niya
ang mga ito.
___4. Ginagawang taniman ng halaman ni Bianca ang mga lumang lata ng gatas.
___5. Sinisigaan ni Carlo ang mga lumang dyaryo upang hindi ito nakatambak sa isang tabi.
___6. Nag-iipon ng tansan ang magkaibigang Jeric at Eric. Kapag kapaskuhan, gumagawa sila ng
pakalansing para sa karoling.
___7. Itinago ni Janice ang nga putol na krayola upang gamitin uli.
___8. Iniipon ni Daniel ang mga lumang kwaderno upang gamitin ang mga pahinang walang sulat.
___9. Ginagamit ni Kathy na pambalot ng aklat o kwaderno ang lumang kalendaryo o pabalat ng
magasin.
___10. Ginagawang lalagyan ni Tessa ng mga laruan o gamit sa paaralan ang mga lumang kahon o
lata ng biskwit.
PANUTO: Alin ang mga paraan upang ang pamanang kultura ay mapangalagaan at maibahagi?
Isulat sa patlang kung Tama o Mali .
______11. Pagtulong sa pagtangkilik sa mga museo.
______12. Pakikinig ng kwento ng mga nakatatanda tungkol sa mga unang tradisyon.
______13. Pagtatawa sa mga alamat na nababasa.
______14. Pagbibigay ng mga bagay na sinauna bilang donasyon sa mga museo.
______15. Pagkuha ng impormasyon tungkol sa uri ng pamumuhay noong unang panahon.
______16. Pinagtatawanan ang pagbigkas ng “Panatang Makabayan”.
______17. May pagmamalaki habang nakasuot ng baro’t saya sa isang okasyon sa paaralan.
______18. Tinutukso ni Pilar ang kaklaseng kumakanta ng katutubong awitin.
______19. Isinasama Ni Rona ang mga bisita sa plasa at ipinaliliwanag ang paksa ng balagtasan.
______20. Masayang sinasayaw ng mga bata sa Ikaapat na Baitang ang “Itik-Itik”.
PANUTO: Isulat ang W kung wasto ang ipinapakita ng bawat sitwasyon at DW kung di-wasto sa
patlang.
____21. Si Arnel ay naimbitahan sa “Pahiyas” sa Lucban. Isinasama siya ng kanyang pinsan sa pag-
agaw ng mga pabitin. Ayaw ni Arnel sumama. Sa isip niya, makabibili naman siya ng pagkain ng tulad
ng nasa pabitin.
____22. Bumisita si Mia sa lola niya sa isang bayan sa Ilocos. Natutuwa si Mia dahil makakakain na
naman siya ng masarap at tunay na luto ng pinakbet.
____23. Araw ng Patay. Mula sa Maynila, umuwi si Ryan sa Tarlac kasama ang kanyang tatay. Nang
gumabi, ang kanyang mga pinsan ay nagsindi ng mga kandila at itinirik sa labas ng bahay. Nagtawa si
Ryan sa kanilang ginawa.
____24. Bumisita kina Bebot sa Nueva Ecija ang kanyang Tiyo Rading at ang anak nitong si Ambet.
Taga-Pangasinan sila. Tuwang-tuwa si Bebot sa itinuro sa kanya ni Ambet na kantang ”Wala’y Sakey
Ya Genggeng”.
____25. Ang Baitang 4 ay magtatatanghal ng Ati-Atihan. Pinipili ng guro ang gustong sumali.
Hindi sumali si Lara. Ayaw niyang mapintahan ng itim sa mukha.
PANUTO: Isulat ang T kung nagpapakita ng wastong pangangalaga sa mga kontribusyon ng mga
dayuhan at M kung hindi.
____26. Pagpapatayo ng mga museo upang may paglagakan ng mga impormasyon tungkol sa mga
minana mula sa ibang bansa.
____27. Pagpapasemento ng mga daan.
____28. Pagtulong sa pagpapaayos ng mga makasaysayang pook.
____29. Pagpapaganda ng mga makasaysayang pook.
____30. Pagtatali ng mga alagang hayop sa damuhan sa parke.
____31. Pagbabasa ng mga aklat na matatagpuan ang impormasyon tungkol sa banyagang kultura.
____32. Pag-iingat sa paggamit ng mga bagay na nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa pamana
sa kultura.
____33. Pagpapanatili ng mabubuting kaugaliang namana sa mga dayuhan.
____34. Pagpapatayo ng monumento sa makasaysayang pook.
____35. Pagwawalang-bahala sa mga napag-aralan sa HeKaSi.
PANUTO: Iguhit ang Masayang Mukha kung ang honor system ay ipinaiiral ng mga batang
nagsasalita at Malungkot na Mukha kung hindi.
____36. “Sabi po ng guro namin at tiglilima lamang ang bawat bata ng mga biskwit na ibinigay ni
Mayor. Kaya lima laman ang kinuha ko sa supot na lalagyan”.
____37. :Joel, dagdagan mo ang iskor ko sa quiz na iyong tsinetsekan at dadagdagan ko rin ang iskor
mo dito sa iyong papel”.
____38. “Dali, dumarating na si Ma’am. Bilisan mo ang pagkopya ng sagot!”
____39. “Jing, pag may pumara sa malapit sa atin, sabayan natin ng talon, ha? Sayang din ang
ibabayad natin. Tutal, nakabitin lang nman tayo.
____40. “Huwag tayong mag-ingay. Kahit wala ang guro natin, dapat ay tahimik din tayo dito sa silid-
aralan.
PANUTO: Isulat ang Oo kung tamang pag-uugali at Hindi kung mali.
_____41. Nagbabayad nang tama sa mga bagay na pinamili.
_____42. Iniaabot nang kusa ang bayad na pamasahe.
_____43. Hindi isinusulat ang tamang marka sa sariling papel na minamarkahan.
_____44. Isinasauli ang sobrang sukli.
_____45. Sumusunod sa tuntunin kahit walang nakakakita.
_____46. Sinasabi ang tunay na dahilan ng pagliban sa klase.
_____47. Nagsusumbong ng maling pangyayari upang hindi mapagalitan.
_____48. Sinasabi sa magulang ang tunay na pangyayari sa bahay.
_____49. Kapag nasira ang isang bagay sa bahay, agad sinasabi sa nanay o guro ang pangyayari.
_____50. Kapag humingi ng ulat ang guro, hindi sinasabi ang tunay na ginawa ng matalik na kaibigan.
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
CE/GMRC IV
Panuruang Taon 2014 – 2015

SUSI SA PAGWAWASTO

1 √ 26 T
2 √ 27 T
3 X 28 T
4 √ 29 T
5 X 30 M
6 √ 31 T
7 √ 32 T
8 √ 33 T
9 √ 34 T
10 √ 35 M
11 TAMA 36 MASAYA
12 TAMA 37 MALUNGKOT
13 MALI 38 MALUNGKOT
14 TAMA 39 MALUNGKOT
15 TAMA 40 MASAYA
16 MALI 41 OO
17 TAMA 42 OO
18 MALI 43 HINDI
19 TAMA 44 OO
20 TAMA 45 OO
21 DW 46 OO
22 W 47 HINDI
23 DW 48 OO
24 W 49 OO
25 DW 50 HINDI
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT
CE/GMRC IV
Panuruang Taon 2014 – 2015

TALAAN NG ISPISIPIKASYON

KASANAYAN KATEGORYA

MADALI KATAMTAMAN MAHIRAP

Paggawa ng mga produktong mula sa mga 1, 2, 3, 4, 5,


patapong bagay 6, 7, 8, 9, 10

Pangangalaga sa mga mahahalagang bagay 11, 12, 13,


at kagamitang minana sa ninuno 14, 15, 16,
17, 18, 19, 20

Paggalang at pakikilahok sa mga kasapi ng 21, 22, 23, 24, 25


pangkat-etniko o ibang kultura

Pagpapahalaga sa mga kontribusyong 26, 27, 28, 29, 30,


nagawa ng ibang lahi sa kulturang Pilipino 31, 32, 33, 34, 35

Pagsasagawa ng Honor System 36, 37,


38, 39, 40

Pagsasabi ng totoong pangyayari 41, 42, 43,


44, 45, 46,
47, 48, 49, 50

KABUUAN 30 15 5

You might also like