You are on page 1of 3

SECOND QUARTERLY EXAM

FILIPINO 10

I. PAGPIPILI

1. Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng sanaysay?


a. wakas b. panimula c. tema d. gitna o katawan

2. Ito ang bahagi ng sanaysay na sumusuporta o nagdaragdag ng kaisipan o pananaw kaugnay sa


tinalakay na pangunahing paksa.
a. wakas b. panimula c. tema d. gitna o katawan

3. Ito ay elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.


a. larawan ng buhay b. damdamin c. himig d. kaisipan

4. Sino ang may akda ng “Ang Alegorya ng Yagit”?


a. Willita A. Enrijo b. Plato c. Emilio Jacinto d. Socrates

5. Sino ang may akda ng “Ang Ningning at Ang Liwanag”?


a. Plato b. Socrates c. Emilio Jacinto d. Glaucon

6. Sino ang nagsalin sa Filipino ng sanaysay na “Ang Alegorya ng Yagit”?


a. Socrates b. Willita A. Enrijo c. Plato d. Glaucon

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw?
a. Sa isang banda b. sang-ayon sa c. batay sa d. alinsunod

8. Ano ang pangunahing katangian ng sanaysay?


a. Ipinapahayag ng kumatha ang sariling pangmalas.
b. Ang pagsasalita mismo ng may akda sa akda.
c. Ipinapahayag ng may akda ang kanyang pagkukuro at damdamin.
d. Lahat ng mga nabanggit.

9. Ito ay isang anyo ng sulating naglalahad na kung minsan ay may layuning makukuha ng anumang
pagbabago.
a. mitolohiya b. maikling kwento c. sanaysay d. tula

10. Ito ay isang kwento, tula o larawan na maaaring magpahiwatig o magbunyag ng mga nakatagong
mensahe na kalimitang ukol sa moral o pulitikal na pamumuhay.
a. sanaysay b. tula c. alegorya d. wala sa nabanggit

11. “Ang pangit na yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
a. Malupit ang amo sa kanyang alipin.
b. Mausisa ang amo sa kanyang alipin.
c. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin.
d. Mapanglait ang amo sa kanyang alipin dahil sa pangit na anyo.
12. ____________ nangyari iyon upang matauhan ang mga magtutulog-tulugan. Alin ang tamang isulat
sa ekspresyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iba ng paksa?
a. sa kabilang dako b. sa aking palagay
c. sa ganang akin d. sa paniniwala

13. Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw. Paano binigyang kahulugan ang
salitang kadena sa loob ng pangungusap?
a. nagtataglay ng talinghaga b. taglay ang literal na kahulugan
c. maraming taglay na kahulugan d. lahat ng nabanggit

14. Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon. Ang salitang may salangguhit ay
nangangahulugang ___________.
a. amo b. bathala c. Diyos d. siga

15. Sa sanaysay na “Ang Alegorya ng Yungib” ano ang tinutukoy ng mga bilanggo?
a. kalikasan b. ekonomiya c. pulitika d. sangkatauhan

16. Saang bansa ang inilalarawan ang kultura at kaugalian sa “Ang Alegorya ng Yungib”?
a. Turkey b. Greece c. France d. Albania

Sa bilang 17-21, punan ng angkop na ekspresyon ang bawat pahayag upang mabuo ang konsepto ng
pananaw.

17. __________ Counsels on Diet and Food ay ibinanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang
naimbak ay mas Mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
a. ayon sa b. batay sa c. sa ganang akin d. sa tingin ng

18. ___________ maraming Pilipino ang pagkapanalo ni Manny Pacquiao sa sunud-sunod niyang
laban ay nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.
a. sa tingin b. sa palagay ng c. batay sa d. pinaniniwalaan ko

19. ___________ Ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan
matapos mabatid ang matinding karapsiyon ng ilang politico.
a. sa ganang akin b. batay sa c. pinaniniwalaan ko d. sa tingin ng

20. ____________ Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang
paglalaro ng mga marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang
bata.
a. batay sa b. ayon sa c. sa palagay ng d. sa tingin ng

21. ____________ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro ng
komunidad sa posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan
sa tamang pangangalaga ng mundo.
a. sa tingin ng b. ayon sa c. batay sa d. sa palagay ng

II. PAG-IISA ISA

1-3 Anu-ano ang mga bahagi ng sanaysay.

4-10 Mga elemento ng sanaysay.


III. PAGSULAT. Sumulat ng sanaysay tungkol sa iyong pananaw tungkol sa iyo pagkaraan ng sampung
taon na may pamagat na “ Ako Pagkaraan ng Sampung Taon.”

You might also like