You are on page 1of 2

tungkulin ng mga Guro sa kanilang mga

Estudyante
my first post! yipee :D

Guro, sino nga ba sila? Ang mga Guro ay ang pinaka mahalagang parte ng ating lipunan.
Layunin nila ay hindi upang lumikha ng mga mag-aaral sa kanilang sariling imahe, ngunit
upang bumuo ng mga mag-aaral na maaaring gumawa ng kanilang sariling imahe. Ngunit
hindi madali ang pagiging Guro dahil maraming sakripisyo, responsibilidad at tungkulin na
dapat gawin ang isang Guro.

Maraming tungkulin ang mga Guro sa kanilang mga mag-aaral isa na dito ay ang paraan ng
pagpapalawak ng kanilang kaalaman. Para mapadali ito dapat gumawa sila ng “lesson
plan” upang gawing gabay sa pagtuturo at paggamit ng mga “visual aid” tulad ng sa Manila
Paper o sa kartolina na may palamuti upang masiyahan ang mga mag-aaral na makinig sa
guro. Isa rin sa paraan ang pagsali ng mga iba’i-ibang paligsahan upang mahasa ang mga
mag-aaral na maipakita at maipalabas ang mga kaalaman sa iba’t-ibang tao. Tulad ng mga
“Quiz bee” sa mga asignatura ng Matematika, agham at iba pa. Mainam rin ang pagsali ng
mga kompetisyon sa sayawan , kantahan at iba pa na naipapakita ang talento ng isang
mag-aaral. Isa lang ito sa mga paraan na hindi lang karunungan ang kanilang maipapakita
kundi ang mga iba’t-ibang talentong mayroon ang isang mag-aaral.

Isa rin sa tungkulin ng guro ay pagtuturo ng maging mabuting tao at mamamayan sa


lipunan ang mga mag-aaral isa dito ang maging pangalawang ina o ama sa mga
estudyante. Pakinggan ang mga problema o mga hinanakit ng mga mag-aaral at
pagbibigay ng mga mabuting payo na makakatulong na mapalawak ang isipan ng isang
mag-aaral. Maging isang rin modelo o ihemplo sa mag-aaral. Pumasok ng matiyaga kahit
pasaway at makulit ang mga mag-aaral. Magbahagi ng mga kwento na magabayan sa
tamang landas tulad ng “Inspirational stories”, pagbabahagi ng salita ng Diyos. Sa ganitong
paraan ay nakikita ng mga mag-aaral ang kayusahan at kagalingan ng isang guro sa mga
mag-aaral.

Lahat ng mga mag-aaral ay may kanya-kanyang gusto na guro dahil sa kung paano sila
magturo at makikihalubilo sa mga mag-aaral. Kung may gusto hindi rin mawawala ang
ayaw sa guro, isa na rito ang pagiging srikto, “KJ”, mainitin ang ulo o madaling magalit.
Pero kahit ano pa yan ay maraming mga guro na ginagawa ang lahat para sa kanyang mga
estudyante .Ang problema nga lang ay ang mismong mga estudyante ang ayaw matuto.
Maraming dahilan kung bakit nasa paaralan ang mga bata. May gustong marating sa
buhay, pinipilit ng mga magulang, at ang iba ay pumupunta lang ng walang rason. Iba’t-iba
man ang rason ay isa lang ang hadhikain ng mga guro at iyon ay magturo sa mga bata.
Ang pagtuturo ay ang propesyon na nagtuturo sa lahat ng iba pang mga propesyon. Wala
kang matatawag na doctor, nurses, engineering, architect, lawyer, at iba pa kung wala ang
mga dakilang Guro. Sa lahat na naging guro ko nong sa simula pa hanggang naging
kolehiyo na ako ay Maraming Salamat sa mga kaalaman, karunungan na inyong binahagi
sa akin dala-dala ko ito sa aking paglalabay patungo sa aking hinaharap na pagsubok.

You might also like