You are on page 1of 2

Ang kuwento ng "Ang Mataba at Payat na Usa" ay tungkol sa magkapatid na balo sa bayan ng

Agamaniyog na sina Mapiya a Balowa at Marata a Balowa. Sila ay kapwa na may anak. Ang anak ni
Mapiya a Balowa ay Mararaya at ang anak ni Marata a Balowa naman ay si Marata.

Isang araw, pumunta sa kagubatan si Mapiya a Balowa at ang kanyang anak upang maghanap ng ligaw na
hayop para may makain at para manguha rin ng panggatong. Nang marating nila ang kagubatan, napunta
sila malapit sa isang nakahigang usa na ubod ng taba. Tinanong sila ng usa kung saan pupunta. Nang
sinabi ni Mapiya na naghahanap sila ng ligaw na hayop, nagmakaawa ang usa sa mag ina na kung maaari
ay sa kanya na lamang kumuha dahil mamamatay rin sya dahil di niya kaya ang kanyang katawan sa
katabaan. Pero hindi rin mamatay ang usa kung magiging maingat ang mag ina sa pagkuha ng karne sa
usa.

Naiyak sa awa ang mag ina kaya sobrang nag ingat sila sa paghiwa ng karne sa katawan ng usa na hindi
nila maabot ang puso nito. Nang mapuno ang kanilang lagayan, nagpaikot-ikot ang usa sa lupa hanggang
mawala ang sugat nito. Nagpasalamat ang usa sa mag-ina ata agad umalis.

Umuwi na ang mag-ina at ipinagbili ang nakuha nilang laman ng usa at ang iba ay dinala kay Marata a
Balowa. Ngunit hindi niya tinanggap. Bagkus, ipinagmalaking magkakaroon din sila ng gaya noon.
Nagtanong si Marata kung saan nila nakuha ito at ikinuwento naman ni Mararaya ang nangyari.

Kinaumagahan, nagtungo rin sa kagubatan sina Marata a Balowa at ang kanyang anak. Pinagpawisan na
sa kalalakas ang mag-ina at tumigil muna sa isang puno. Nagduda na ang dalawaa sa kwento ngunit nang
may makitang usang payat at mahinang-mahina ang anak na si Marata, masaya niyang sinabi ito sa ina.

Nanlumo si Marata nang makita niya ang usa dahil sa kapayatan nito. Ngunit binalewala ito ni Marata at
sinabing papatayin pa rin nila ito at kukunin ang puso at atay nito.

Nagmakaawa ang usa sinabi pa nitong ito’y sakitin at payat. Hindi ito pinakinggan ni Marata at lumapit
pa rin sa usa para hiwain ito. Nagmamakaawa pa rin ang usa at sinabing huwag galawin ang kanyang
puso at atay dahil ito ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan. Patuloy pa rin sa paghiwa ang mag-ina
hanggang sa masugatan nila ang puso at atay ng usa. Nang maramdaman ng usa na unti-unti nga siyang
pinapatay, biglang tumayo ito at nagpagulong-gulong sa mga laman na tinanggal sa kanyang katawan.
Muling nabuo ang katawan nito na walang sugat. Pagkatapos noon ay namatay ang mag-inang Marata a
Balowa at Marata.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/340907#readmore

You might also like