You are on page 1of 5

Alamat ng Eklipse

Si Araya ay isang anak ng lider na naniniwala sa diyos ng kabutihan,


walang ibang itinuro yung ina ni Araya kundi kabutihan at kagandahan
na binigay ng diyos sa kanila. Nung bata pa si Araya sinabihan na siya ng
kanyang ina kaaway nila ang ibang tao na naniniwala lamang sa diyos
ng kadiliman na walang ibang alam kundi away lamang.

Naisipan ni Araya kung baka pwedeng magawan ng paraan yung pag


uusap nila, pero mas natakot yung kanyang ina kung susubukan ni
Araya yun.

Isang araw na malaki na si Araya napag isipan niyang pumasyal sa gubat


para kumuha ng mga sariwang mga prutas. Nung bigla na lang may
nakita itong mabangis na hayop nabitawan ni Araya yung mga prutas na
bagong kuha nito nung bigla siyang inatake.

Nung nasa gilid na ng kamatayan si Araya bigla na lang natumba yung


mabangis na hayop na umatake sa kanya, isang mangangaso na
pumatay sa mabangis na hayop.
Nagulat yung dalawa nung nakita nila yung isat isa, hindi nawala yung
takot ni Araya nung nalaman niya yung mangangaso ay si Mawan isang
anak ng lider ng kanilang kaaway. Napako si Araya sa takot nung
nilapitan siya nito.

Nung akala niya'y papatayin ito bigla na lang itong kinamusta at


binabalaan na maraming mga mababangis na hayop. Hinatid siya ni
Mawan sa parte ng gubat kung saan wala masyadong mga mababangis
na hayop.

Binabalaan na din siya ni Mawan na huwag na bumalik sa mga parte ng


gubat, at baka makita pa siya ng mga sundalo na galing sa kanilang
kaharian.

Dalawng araw nang nakalipas at hindi makakalimutan ni Araya si


Mawan kaya dahil gusto niya ulit itong makita at mag pasalamat sa
kanyang ginawa kaya nag pasya itong pumunta sa gubat baka sakaling
makita niya ito ulit.

Hindi nagkakamali si Araya at nagkita sila ulit, dahil mabait at madaldal


si Araya, masayang nakikinig si Mawan hangang sa araw araw na nila
yung ginagawa hangang sa nag iibigan yung dalawa.
Inilihim nila ang kanilang relasyon sa mga ibang tao pati sa kanilang
mga magulang dahil higpit itong pinagbawal. Dumating yung araw na
lumalalim yung pag iibigan ng dalawa at napag desisyunan ni Mawan na
lumayas at mag tanan ang dalawa. Nagulat na lang si Araya sa sinabi
nito at parang hindi ito sigurado sa desisyon ni Mawan.

Hangang sa biglang sumulpot ang mga magulang ng dalawa sa kanilang


likuran, agad nilang pinag hiwalay si Araya at Mawan sa isat isa at agad
itong inuwi. Ikinulong si Araya ng kanyang ina sa sarili niyang silid para
hindi ito makapag kita kay Mawan ulit.

Nasaktan at umiyak si Araya at iniisip niya lamang si Mawan, ilang araw


na siyang naka kulong sa sarili niyang silid at nalaman niya yung gaano
kalalim yung pagmamahal niya kay Mawan nung may isang ibon na
pumunta sa kanyang bintana. Pinakain at naging kaisa isang kaibigan na
lang ito ni Araya

Naisipan ni Araya na mag dala ng mensahe kay Mawan gamit ng ibon,


sinabi niya sa maliit na ibon na ipadala niya yung mensahe sa kanya.
Lumipad naman yung ibon paalis at nag hintay na lang ito.
Matagal na naghihintay si Araya na bumalik ang ibon malapit nang
mawalan ito ng pag asa, nung gabing yun napansin ni Araya yung ibon.

Agad niyang nakita yung sulat, masayang kinuha ni Araya yung sulat at
agad itong binasa. Nag memensahe na lang sila para magkausap
masunurin din yung ibon at walang naging problema sa kanila.

Sa ikatlong araw napag desisyunan ni Araya na pumayag sa desisyon ni


Mawan na mag tanan ang dalawa. Sa gabing yun, nag hintay si Araya na
bumalik yung ibon pero matagal itong bumalik kaya napag desisyunan
ni Ari na tumakas na at mag hintay kay Mawan sa gubat.

Sinimulan ni Araya ang paghahanap ng paraan para makatakas ito nung


bigla niyang nakita yung isang maliit na butas sa ibaba ng kanyang
kama, agad niyang sinira pa ito para lumaki madilim na lagusan ang
kanyang nakita dun, matapang siyang pumunta dun dala ng isang ilaw,
dahan dahan itong nag lakad hangang nakita niya ang ilaw palabas.

Masaya itong umalis at nag hintay sa gubat, isang lalaki ang naka tayo
sa kahoy kung saan sila magkikita dali daling tumakbo si Araya patungo
sa lalaking nag hihintay, nung malapit na niyang mayakap yung lalaking
naghihintay agad itong huminto.
Akala niya si Mawan ang nag hihintay sa kanya, agad siyang nasaksak
gamit ng sandata ni Mawan, napatingin ito sa mga mata ng lalaking
pumaslang sa kanya at dun niya nalaman na ang sumaksak sa kanya ay
ang ama ni Mawan.

You might also like