You are on page 1of 2

PANAHON NG PAGKAMIT NG KALAYAAN HANGGANG KASALUKUYAN

Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan


mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit ring sumigla ang
kalayaang pampanitikan ng bansa.
Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino sa iba’t ibang uri sa
panahong ito ay ang pagkakalimbag ng mga sumusunod na katipunan ng mga aklat:
Mga Piling Katha at Mga Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong
Tagalog ni Teodoro Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at
marami pang iba. Kinilala rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang
panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang pananaliksik at
pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas.
Lalo pang sumigla ang panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca
Memorial Awards for Litetature.
Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral noong
nagsisimula ang dekada ’80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina Virgilio
Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
Pinakamasigla rin ang mga panitikang namayagpag sa media gaya ng sa radyo,
telebisyon at sinehan. Nagsilang ang panahong ito ng mga musikerong Imelda Papin
at Victor Wood, ng Hotdog, Sampaguita, Asin, Ryan Cayabyab, Levi Celerio, Pepe
Smith at Freddie Aguilar na naging laman ng mga jukebox. Mga lagaristang gaya
nina Ricardo “Ricky” Lee (may-akda/Himala at Oro, Plata, Mata), Lino Brocka
(tagadirehe/Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag) at Ishmael Bernal
(tagadirehe/Himala) at Marilou Diaz-Abaya (tagadirehe/Oro, Plata, Mata).
Nagsilabasan rin ang mga karikaturang (komiks) na Darna, Liwayway at Zuma
ni Mars Ravelo at ang pinakatanyag na Pugad Baboy.
Nag-uumpisa pa lang ang ikadalawampung siglo, higit na sumigla ang panitikang
Filipino dahil sa trend o pinauso na dulot ng media.
Kinilala ang Eraserheads (isang bandang binubuo ng mga mag-aaral ng UP)
sa pagpapasigla muli sa OPM. Nagbukas ng daan sa marami pang musikero ang
Eheads gaya ng sa Yano, Siakol, Green Department, the Teeth, Rivermaya at
Parokya ni Edgar. Nagbigay ng bagong hihip sa kulturang Pilipino ang mga bandang
ito na nagpakilala ng iba pang genre ng musika sa lahi. Kinilalang The Beatles of the
Philippines ang Eheads dahil sa init na taglay ng bawat pagtanghal at bagong awitin.
Ilan sa mga awiting kinilalang imortal sa panahong ito ay ang Huling El Bimbo, Iskin,
Banal na Aso Santong Kabayo,Himala, Silvertoes, Alapaap, Overdrive, Peksman,
Prinsesa, Pare Ko at Miss sa Loob ng Jeepney. Maliban sa mga banda, kinilala rin
ang mga musika ni Jolina Magdangal, Jeremiah, Rossel Nava at Carol Banawa na
mga supling ng makabagong melo-musika ng bansa.
Sumigla rin ang mga dulang pantelebisyong pambata lalung-lalo na
angBatibot, Ang TV at 5 and up. At mga dulang panradyo ay kinagigiliwan naman ng
mga nakatatanda. Puspusan din ang produksyong pampelikula na nagsalin ng mga
maikling-kwento at nobela sa pelikula at ginawang inspirasyon ang mga awit, tula,
sanaysay at kasaysayan sa pagbuo ng marami pang dulang pampelikula.
Naipanganak din ang maraming genre ng pelikula gaya ng independent flims at
cinema veritae film.
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan,
magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y
programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology – ang Internet.
Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na patuloy na
bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi mandin.
Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa iba’t ibang anyo at
uri ng panitikan gamit ang iba’t ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa
mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa
mga kinakikitaang husay na mga mamamayan.
Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan
lamang ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang
pagpapahalaga at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod
ng panitikan ng lahi.

You might also like