Professional Documents
Culture Documents
Mga Extra
Extra 1 - Jacob Ong: Pinapirma si Placido sa panukala, sinagot niya ang tanong ni Padre Millon,
sinabi na maganda si Paulita.
Extra 2 - Louie Ang: Tinanong kay Simoun tungkol sa suliranin sa kalakalan (Don Timoteo
Pelaez), nagtanong kung bakit hindi pa nagsimula ang palabas.
Extra 3 - Lance Lee: Hinimok si Simoun na tulungan sila, sinagot si Extra 2 na dahil wala pa ang
Kapitan Heneral.
Extra 4 (Babae) - Erin: Ayaw niya na magsuot ng bota ang mga guwardiya sibil.
Extra 5 (Babae) - Mica: Gusto niya na magsuot ng bota ang mga guwardiya sibil.
Extra 6 - Raevien: Sinabihan ni Simoun na puntahan si Kabesang Tales na nasa bangka.
Extra 7 - Chloie: Sinabihan ni Simoun na kailangang maghanda sa putok ng kanyon.
Schedule:
None yet
K17 - T1, 2 - Perya
K25 - Restaurant
Kabanata 11 (Unang Yugto) - Los Baños
Kapitan Heneral: Bumalik na tayo sa Los Baños. Ayaw ko talagang mangaso sa Pilipinas, dahil
iba talaga ito kapag inihambing sa Espanya.
Padre Camorra: Ayaw ko nang maglaro! Sige na nga, sino gustong maglaro?
Simoun: Ako. May hamon ako sa inyo, Kapitan Heneral, Padre Irene at Padre Sibyla. Dapat ay
kapag nanalo ako, sasabihin ni Padre Sibyla na “Ako ay tumatanggi sa kahirapan,
pagkamababang-loob at pagkamasunurin sa limang araw,” sasabihin ni Padre Irene na “Ako ay
tumatanggi sa pagtitimpi sa sarili at pagbibigay sa kapwa at iba pa,” at ang Kapitan Heneral
naman ay magbabayad sa akin ng limang pag-uutos ng pagpapakulong, pagpapatapon at
pagpapapatay.
Kapitan Heneral: Huminto na tayo sa paglalaro. Kailangan na nating pag-usapan ang pagtatag ng
akademya ng wikang Kastila.
Kalihim: Sandali lang, may iba pang panukala: ang mahihinang kalibreng sandata.
Mataas na Kawani: Naku naman, Kapitan Heneral, humingi lang ng tulong ang tao, tapos
inalisan mo pa ng hanapbuhay?!
Don Custodio: Paano kaya kapag gawing paaralan ang sabungan tuwing Lunes hanggang
Biyernes?
Padre Camorra: Hindi ito puwede, dahil ito ay hindi makatarungan sa may-ari ng sabungan.
Mataas na Kawani: Hindi naman puwedeng pigilan ang hiling dahil lang sa palagay! Mungkahi
ko ay subaybayin na lang sila ng pamahalaan. Sabagay, makabuluhan naman ang kanilang
hiling!
Padre Camorra: Kapag matuto naman sila nito, malalaman na nila ang ibig sabihin!
Makikipagtalo sila sa atin at hindi iyan puwede.
Kapitan Heneral (sa sarili): Kapag hindi ko pinalaya ay mag-uusap pa kami ng dalagang iyan.
Pero gusto ko na kumain ng tanghalian. Sige na nga!
Juanito: Placido! Naging masaya ba ang bakasyon mo? Sa akin naman, masaya! Nangharana
kami ni Padre Camorra. Ano ang nangyari sa klase?
Placido: Wala naman masyado. Iilang araw doon ay walang klase, at mga iba ay ang pagtalakay.
Placido: Hindi ba niloloko niyo lang ako? Huwag na muna! At mahuhuli na rin ako e…
Sandoval: Penitente!
Padre Millon: Huwag ka nga ganoon kawalang-galang, Placido! Sayang ang talino mo.
Kabanata 13 (Ikatlong Yugto) - Ang Klase sa Pisika
Extra 1: Ang salamin ay anumang makinis na ibabaw na ginawa upang makita ang anumang
iharap dito.
Padre Millon: Maparunung-runungan! Ano ang masasabi mo sa salaming ibabaw na may ibabaw
na kinakapitan ang katawan nito… (walang kuwenta ang sasabihin niya)
Juanito: Ano?!
Padre Millon: Ginoong Multo! Huwag kang magmukhang tagapagligtas. Sagutin mo naman ang
itong tanong. Ang salaming metal ba ay gawa sa tanso o iba pang metal?
Padre Millon: Hindi ka namang mas magaling sa aklat. Sige. Bigkasin mo ang aral ngayon.
Padre Millon: Penitente. May labinlima kang liban. Isa na lang at tatanggalin ka na sa klase.
Padre Millon: Minsan lang akong magtala, kaya limang tanda ang sinusulat ko sa bawat liban.
Placido: Padre, hindi ko na ito kaya. Hindi niyo puwedeng umalipusta sa kapwa. Wala na akong
balak na pumasok dahil hindi na ako makapagtitiis.
*napatingin ang lahat*
Padre Millon: Talagang walang galang ang mga mag-aaral na tulad niyo! Huwag niyong tularan
iyang si Penitente!
Kabanata 14 (Ikaapat na Yugto) - Ang Bahay ng mga Mag-aaral
Pecson: Sa tingin ko ay hindi matutupad ang panukala, dahil maraming maimpluwensiyang tao
ang hindi kinonsulta.
Sandoval: Bakit, sa palagay mo, Pecson, hindi tayo bibigyan ng pahintulot ng Kapitan Heneral?
Pecson: Para hindi ito maunawaan ng mga mag-aaral. Dahil kailangan itong gawin sa gabi,
maaapektuhan ang karangalan ng unibersidad.
Sandoval: Huwag muna natin hatulan ang pasya, dahil hindi pa naman ito ang pangwakas na
hatol e. Ngayon, kailangang magtanggol sa administrasyon. Magbubukas rin ng bagong panahon
ang Espanya para sa kinabukasan ng Pilipinas. Dapat nating ilagay ang ating pag-asa sa
pamahalaan. Hindi dapat tayong madala ng mga ibang pamantayan maliban sa katarungan at
kabutihan. Nagtipon tayo para ipahayag ang ating tagumpay.
Sandoval: Napilit niyo ang mga ibang tao na alisin ang maskara mula sa kanyang sarili.
Pagkatapos naman ay hahamunin kayo.
Sandoval: Kung wala sa inyo ang maglalakas-loob na tatanggap nito, tatanggapin ko at puwede
kong ialay ang aking buhay sa Pilipinas.
Makaraig: Tagumpay ang panukala! Mabuhay ang wikang Kastila! Ngayong umaga ay nakausap
ko si Padre Irene. Sinabi niya sa akin tungkol sa nangyari sa Los Baños. Naalala ni Padre Irene
ang Komiteng Tagapagpaganap ng Edukasyong Primarya. Sinabi ng mga ibang tao sa pulungan
na hindi tinutupad ng komite ang mga tungkuling may katagalan na. Pagkatapos ay sinabi pa
niya sa akin na si Don Custodio ang bahala dito. Ipinangako niya na mag-uulat siya sa loob ng
isang buwan.
Isagani: Mas nagugustuhan ko ang ikalawang pagpipilian. Pilipino naman si Ginoong Pasta at
kaibigan niya ang aking tiyuhing si Padre Florentino. Gawin ko muna ang marangal na paraan.
Kapag walang nangyari, gawin niyo na lang ang pagpapatulong sa mananayaw. Mag-uulat ako
mamaya tungkol sa pag-uusapan namin ni Ginoong Pasta.
Kabanata 15 (Ikalimang Yugto) - Si Ginoong Pasta
Ginoong Pasta: Paumanhin, Isagani, ako ay nagpahintay sa iyo nang matagal. Kamusta ang
iyong tiyo?
Isagani: Nasa maganda naman ang kondisyon niya. Ginoong Pasta, magpapatulong ako.
Nagkaroon ng pagpupulong sa Los Baños. Pinag-usapan nila ang panukala naming mag-aaral na
magtatag ng akademya ng wikang Kastila. Puwede po ba kayong tumulong sa amin?
Ginoong Pasta: Ay, hindi. Ayaw kong masangkot sa mga ginagawa diyan. Gusto ko sana
tulungan kayo dahil mahal ko ang aking bansa. Ngunit, baka hindi ako makakatulong dahil
maselan ang aking katungkulan.
Isagani: Ginoo, wala akong balak na mapahiya o mapahirapan kayo. Nagpapatulong lang ako
dahil wala akong alam sa mga batas, kautusan at mga legal na proseso sa bansa. Wala naman
itong madudulot na masama e!
Ginoong Pasta: Dapat ayusin ang paraan kapag tutulungan mo ang pamahalaan. Ang ginagawa
mo ay maaaring makakasira at makakasalungat sa ginagawa ng pamahalaan.
Isagani: Saligan ang hinahanap ng pamahalaan, hindi ba? Mahina ang dangal kapag ito’y
ginawang saligan. Dapat gamitin ang katarungan dahil ito’y mas matatag.
Ginoong Pasta: Talagang kabalintunaan ang pamahalaang ito. Ang mga hindi natin hinihingi,
binibigay nila; habang ang hinihingi natin, hindi naman nila binibigay.
Isagani: Hindi kaya ng pamahalaan na magbigay sa atin. Hindi rin tayo puwedeng magalit dito
kundi hindi ka makakahingi.
Ginoong Pasta: Isagani, bata ka pa talaga. Hindi mo pa naiintindihan ang dahilan dito. Ipabahala
mo na ang mga bagay na iyan sa pamahalaan. Hindi mo rin naman kailangan ang bagay na ito
dahil marunong ka na magsalita ng wikang Kastila.
Isagani: Pumunta ako dito upang matulungan ang mga ibang nangangailangan.
Ginoong Pasta: Dapat gayahin nila ako. Walang guro o akademya ang nagturo sa akin, kundi ang
aking sarili lamang. Ang mag-aaral ay kailangan ring maibig na matuto, ngunit kaunti lang ang
mga ganoong mag-aaral. Isagani, huwag mo na pakialaman ang bansa. Gumawa ka na lang ng
mga bagay para makinabang ang iyong sarili.
Extra 2: Simoun, puwede bang iparating mo sa Kapitan Heneral ang mga suliranin tungkol sa
kalakalan?
Simoun: Bakit kaya, pareho lang naman ang ginagawa ng mga ibang bansa, pero umuunlad sila?
Extra 2: Ito ay dahil sa daungan. Kainis nga e! Inutos pa ako ng Kapitan Heneral na gibain ang
mga bahay na gawa sa mahinang materyales.
Quiroga: Hindi ko naman alam ang panlasa ng babae, e di pinapili ko na lang siya sa tatlong
pulseras. Gulat na lang ako na nagustuhan ng babae ang lahat! Lugi na talaga ako!
*napatawa si Simoun*
Simoun: Huwag kang mag-alala. Babalik din ang pera mo, galing sa mga nangungutang sa iyo.
Simoun: Heto. Pagbibigyan kita sa utang dahil ayaw ko na bumagsak ang kalakalan mo. Ngunit
pagbigyan mo rin ako.
Quiroga: Ano?
Simoun: Kunin mo mamaya sa daungan ang mga armas na darating. Itago mo sa iyong bahay.
Simoun: Ilalagay naman ang mga baril sa ibang bahay. Sila ang makukulong, hindi ikaw, kapag
ito’y siniyasat at nakita.
Don Custodio: Kailangan ba talaga ng mga guwardiya sibil na pumunta sa India para matuto
kung paanong gumawa ng bota?
Extra 3 (Babae): Hindi naman! Puwede naman silang maglakad nang walang suot.
Extra 4 (Babae): Mataas ang kanilang posisyon. Baka magalit sila sa atin kapag nalaman nila na
tayo ang dahilan kung bakit naging mas hindi komportable ang buhay nila.
Padre Camorra: Ay, iyan! May demonyo talaga ang nasa loob nito.
Padre Salvi: Oo nga, malamig! Bilisan natin, Padre Camorra! Pumasok na tayo sa perya,
mamaya maraming tao ang darating!
*kinurot na naman ni Padre Camorra si Ben Zayb, pero nakurot niya ni Paulita*
Extra 1: *napalingon* Wow! Sino yan? Ang ganda naman ng babaeng iyan!
Extra 3: *huminto*
Donya Victorina: Salamat naman sa lahat ng atensyon ninyo! Napakaganda talaga ng aking
pamangkin!
Juanito: Paulita! Pansinin mo naman ako! *mag-aaction ng papansin*
Padre Camorra (sa sarili): Magandang dalaga talaga ito! Si Isagani pala ang kanyang iniibig.
*naglalakad sina Ben Zayb, Padre Camorra, Padre Salvi, Padre Irene at Don Custodio*
Padre Camorra: Oo nga, pero tingnan mo, hindi tiyak ang mga laki ng katawan. *tinuro ang isa
pang pigurin*
Padre Irene: Hindi nga eh! Hindi dapat sa mga Indio ang ganitong sining!
Don Custodio: Mali ang sinasabi niyo! Magaling ang mga Indio diyan dahil nag-aangkin sila ng
katalinuhan sa pag-iiskultor!
*si Padre Camorra, Padre Salvi at Ben Zayb ay napatingin sa isa’t isa*
Padre Salvi: Baka natatakot siya na baka pabilihin at pagbayarin sa palabas ni Ginoong Leeds.
Ben Zayb: Hindi! Ayaw lang niya mahiya. Alam niya na hihiyain natin si Ginoong Leeds, ang
kanyang kaibigan. tingnan ninyo mamaya. Gagamitan talaga ni Ginoong Leeds ang salamin para
makagawa ng mahika...
Kabanata 18 (Ikawalong Yugto) - Ang Kadayaan
Ben Zayb: Dahil wala namang Indio, puwede ko bang suriin ang mga kadayaan?
Ginoong Leeds: Sang-ayon naman ako. Huwag mo lang sirain ang mga kagamitan.
*pumunta si Ben Zayb sa plataporma, at itinaas niya ang takip at hinanap ang salamin, ngunit
wala siyang nahanap*
Ginoong Leeds: Ang kahong ito ay galing sa piramide ni Khufu. tingnan niyo at suriin.
Ginoong Leeds: Ngayong nakita niyo na ang kahon, magsisimula na ang mahika. Sa isang salita
lamang ay mabibigay-buhay ko ang abong ito. Deremof!
Tagapagsalaysay: Sinabi ng isang espingheng galing sa kahon, “Ako si Imuthis. Ipinanganak ako
sa panahon ni Amasis at nag-aral ako sa Gresya. Nang bumalik ako, ang mga prayleng Kastila ay
nananakop sa bansa, kaya ipinagbili ng mga paring Ehipto ang kanilang sarili. Ipinalagay rin nila
na ang batang prayle ng Abydos ay isang santo.”
*nanlaki ang mata at nagbubutil ng pawis si Padre Salvi*
Tagapagsalaysay: Nagpatuloy ang espinghe, at sinabi niya na “Nagkagusto ako sa isang dalaga,
pero gusto rin ng batang prayle ng Abydos. Ginamit ang aking pangalan sa isang kaguluhan.
Tinawag akong isang rebelde, hinuli at pinatay sa Lawa ng Moeris.”
Don Custodio (kay Ginoong Leeds): Ipagbawal na dapat ang ganitong palabas!
Tagapagsalaysay: Ngunit, tama si Ben Zayb. Kung suriin mabuti ang plataporma, makikita ang
salamin sa ilalim nito. Ipinahayag ni Ben Zayb na may nangyaring mahika kahapon sa perya at
ipagbawal dapat ito.
Kabanata 19 (Pangsiyam na Yugto) - Paglisan
Placido (sa sarili): Ano ba yan ang nangyari sa akin diyan sa silid-aralan! Kailangan kong
maghiganti! Maghiganti! MAGHIGANTI!
Placido: Inay! Bakit ba ganyan ang nangyari? Ayaw talaga ng propesor sa akin!
Kabesang Andang: Placido, alagaan mo lang ang iyong sarili. May malasakit pa rin ako sa iyo.
Magtipid ka rin sa pera mo.
Kabesang Andang: Hala! Totoo pala ang sinasabi mo? Ano na ang masasabi ko sa tatay mo, na
magiging abogado ka?
*bumalik si Placido*
Kabesang Andang: tingnan mo. Magpapatulong ako sa mga Agustino para mawala ang galit ng
mga Dominiko.
*nakita niya ang mga barkong nasa daungan, papuntang Hong Kong*
Placido: Ay! Pupunta kaya ako diyan sa Hong Kong para makapaghanapbuhay, pagkatapos ay
babalik ako para lumaban sa mga prayleng iyan.
Placido: Mang Simoun, puwede po akong humingi ng tulong para makapunta sa Hong Kong?
Simoun: Kailangan mong umalis at kausapin mo na ang tinyente at ang kabo. Makikita mo rin
dapat ang isang lalaking nakasakay sa bangka, at ito ay si Kabesang Tales. Gagawin ito lahat sa
isang linggo, dahil baka mamatay na si Maria Clara.
Simoun: Kailangan mong maghanda sa isang linggo para sa unang putok ng kanyon.
Simoun (sa sarili): Mag-aapoy na ang lungsod dahil sa pagmamataas ng mga tao, at ito ang aking
paghihiganti dahil sa pagkakulong ni Maria Clara. Ngunit, hindi ko kayang makakilos dahil
binabagabag ako. Hindi rin ako puwedeng bumalik dahil marami na akong ginawa. Ngunit hindi
pa ako makapagdesisyon… Ano ang gagawin ko?
*natulog na si Simoun*
Kabesang Andang: Gagamitin na lang natin ang Prokurada ng Agustino para mamagitan.
Placido: Sige! Ako na lang makikipag-usap. Nay, bumalik ka na rin at magdala ng regalo at
magpamisa, o kaya’y hindi kikilos ang Prokurada.
Kabesang Andang: Sige, aalis na ako…
Kabanata 20 (Ikasampung Yugto) - Ang Nagpapasiya
Tagapagsalaysay: Kay Don Custodio ibinigay ang pagpasiya sa kagustuhan ng mga mag-aaral na
aralin ang wikang Kastila. Tinagurian siyang “Buena Tinta” dahil sa kahusayan sa panunulat.
Nakapag-asawa siya ng mayamang dalaga. Ang kayamanan ng kanyang asawa ay nakatulong sa
kanya na makapagnegosyo. Walang may pakialam kay Don Custodio noong bumalik siya sa
Espanya dahil hindi siya gaanong nakapag-aral. Dahil dito bumalik siya sa Pilipinas at
pinagyayabang ang mga kunwaring magandang nangyari sa Madrid. Nakapagpasiya si Don
Custodio ng desisyon tungkol sa kasulatan ng mga mag-aaral sa loob ng labinlimang araw.
Mataas na Kawani: Don Custodio, tapos na ba ang panukala? Parang napakatagal mo nang
nagdedesisyon a!
Don Custodio: *di pinansin ang mataas na kawani, pumunta sa isang kabinet at nakita ang mga
kuwaderno*
Don Custodio: Hindi ito, hindi ito, … A! Nahanap ko na! Ang “Proyektong Naisakatuparan Na”!
Ay, teka. Nasa kamay na ito ng Agustino? E, bahala na…
Kabanata 21 (Ikalabin-isang Yugto) - Mga Ayos ng Maynila
Camaroncocido: Alam mo ba, dumami ang mga taong manonood dahil sa mga pari.
Tiyo Kiko: Buti na lang at may trabaho ako ngayon dahil sa itong palabas. Pero hindi naman
sang-ayon si Padre Salvi…
Makaraig: Sumama ka na! Hindi naman pupunta si Basilio kaya may natirang tiket pa.
Tagapagsalaysay: Si Don Primitivo ay isang mataas na tao sa pamahalaan kaya hindi siya masita
ng mga guwardiya nang kumuha siya ng upuan na hindi sa kanya. Sa wakas ay dumating din ang
Kapitan Heneral.
Pepay: Siyempre!
*masaya si Pepay at ang mga estudyante maliban kay Isagani na nakitang kasama ni Paulita si
Juanito*
Juanito: Ang ibig ng servantes ay “utusan”, at ang ibig sabihin ng “domestiques” ay ang mga
utusang domestiko na napaamo na.
Donya Victorina: *namangha kay Juanito dahil akala niyang nakakaintindi ito ng Pranses*
Ipapangasawa ko nga itong si Juanito! Mukhang mas matino pa siya kaysa kay Tiburcio e!
Nakakaintindi naman siya ng Pranses.
Makaraig: *bumalik sa mga mag-aaral pagkatapos kausapin si Pepay* Sinabi ni Padre Irene sa
akin na sumang-ayon si Don Custodio, ngunit ipapailalim ito sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Sandoval: Ano na ang hinihintay natin? Pumunta na tayo sa pansiterya para magdiwang!
*pumasok si Simoun*
Basilio: Señor Simoun, hindi ko nakikita na pumasok ka, si Kapitan Tiyago ay nasa masamang
kondisyon, anumang sandali ay maaaring maging kanyang huling hantungan, dahil ang lason ng
opyo ay mabilis na kumakalat.
Simoun: Pakinggan mo muna ako nang mabuti, sa kung ano ang sinasabi ko, Basilio, sapagkat
ito ay magiging mahalaga. Anumang sandali sa loob ng oras, isang pag-aalsa ay maaaring
sumiklab sa Pilipinas sa aking hudyat...
Basilio: Sinabi ko sa iyo bago pa man na hindi ko nais na masangkot sa politika, Señor Simoun.
Simoun: Nasa aking kamay ang kalooban ng pamahalaan. Magpasya ka Basilio. Kasama ko si
Kabesang Tales, nasa ibaba siya at naghihintay. Pinamunuan ko ang himagsikang ito sapagkat
ibig kong iguho ang pituan ng Santa Clara at ikaw ang mamumuno rito upang kunin sa kumbento
si Maria Clara.
Simoun: Oo, si Maria Clara, siya ang tanging dahilan kung bakit ako ay nabubuhay pa.
Nagpaplano ako ng rebolusyon dahil ito ang tanging paraan upang buksan ang mga pinto ng
kumbento.
Simoun: Kasinungalingan!
Basilio: Ito ang liham ni Padre Salvi na binigay sa akin ni Padre Irene tungkol sa nangyari kay
Maria Clara.
Simoun: Namatay, namatay nang hindi ko man lamang nakita. Namatay nang hindi nalalamang
nabuhay ako para sa kanya.
*umalis si Simoun*
Donya Victorina: Ipaalam mo lamang sa kanya na ipahahanap ko siya sa mga guwardiya sibil.
Buhay man o patay ay gusto ko siyang makita sapagkat kailangang maghintay ng sampung taon
ang isang tao upang makasal muli.
Donya Victorina: Sino pa, edi si Juanito! Ano ang masasabi mo sa kanya?
Paulita: O, bakit naririto ka? Bakit hindi mo sundan sa Luneta ang nakakahalinang mananayaw
at manganganta? Mga Pranses na sobrang kayputi at sobra rin sa ganda!
Paulita: Oo, ako na kung ako. Mabuti naman po at nakarating kayo. Kagabi ay parang hindi man
lang ninyo ako nakita. Tingin po ako ng tingin sa inyo pero parang lumuluwa na ang mga mata
ninyo sa kasusunod sa imbay ng katawan ng mga mananayaw na pakembot-kembot sa tanghalan.
Isagani: Huwag mong ipasa sa akin ang sisi. At saka, wala akong nalalaman sa sinasabi mo
tungkol sa mga mananayaw na iyan.
Isagani: Paulita, alam mo namang para sa iyo lamang ang aking mga mata. Ikaw lamang ang
pinakaninanais kong masdan at titigan. Lubos ang pagmamahal ko sa aking lalawigan bago pa
lamang kitang makilala. Ngayon ay masasabi kong kulang ang ganda ng aking bayan kung wala
ang iyong kagandahan. Darating ang panahon at magiging malaya na ang Pilipinas at pagdating
ng panahong iyon saka lamang makukumpleto ang aking kaligayahan at mga pangarap.
Isagani: Kung magkatotoo iyon, matutuwa pa rin kami kung may maghahanap sa aming bangkay
at ituturo ninyo ang aming puntod sabay ang pagmamalaki. Langit ang aming madarama kung
kayong mga nabubuhay ay magpapahalaga. Isang katotohanang lubos na mapapatunayan ang
kabayanihan sa oras na inialay ang aming buhay para sa lupang tinubuan.
Kabanata 25 (Ikalabin-limang Yugto) - Tawanan at Iyakan
Sandoval: Masarap ang sopas na ito! Ano kaya ang tawag dito?
Sandoval: Napakahirap namang tandaan! Sa ngalan ni Don Custodio, binibinyagan kita bilang
proyekto ng mga sopas.
Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang Instik at ang tortang alimango ay sa mga prayle.
*kakanta si Pecson*
Makaraig: Pansit guisado naman para sa bayan, dahil katulad nang pansit ang mga Intsik. Tayo
ang tumatangkilik pero sila ang nakikinabang. Tulad ng ating pamahalaan ngayon.
Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay Quiroga, isa sa pinakamakapangyarihang tao sa
Pilipinas.
Makaraig: Maghinay-hinay kayo mga kaibigan. Posibleng may mga nagmamasid sa kanila at
posible ring may pandinig ang mga dingding. Ibaba ninyo ang inyong mga tinig at mag-ingat sa
mga salitang sasabihin.
Pecson: Lalabas lang ako upang ipalabas ang iba pang mga ulam.
Pecson: Nakita ko ang paboritong tao ni Padre Sibyla na umalis agad nang mapuna na napansin
ko siya.