You are on page 1of 14

Noong unang panahon, may isang

Manlilikha ng Lapis ang naghabilin sa kanyang


nilikha:

“May limang bagay na kailangan mong


malaman,” sabi niya sa lapis, “Bago kita
ipadala sa daigdig. Lagi mong tatandaan ang
mga ito, at huwag mong kalilimutan
kailanman, at ikaw ay magiging isang
pinakamahusay na lapis.”
“Makagagawa ka
ng mga dakilang
bagay, ngunit
mangyayari
lamang ito kung
hahayaan mong
hawakan ka ng
isang Kamay.”
“Makararanas ka ng napakasakit na
pagtatasa sa pana-panahon, ngunit
kakailanganin mo ito upang ikaw ay
maging mas mabuting lapis.”
“Maiwawasto
mo ang mga
kamaliang
maaari mong
magawa.”
“Ang pinaka-
mahalagang bahagi
mo ay kung ano
ang nasa iyong loob.”
“Kung saan ka gamitin, mag-iiwan ka ng
bakas. Anuman ang mangyari,
magpatuloy ka sa pagsulat.”
Naunawaan ito ng
lapis at nangakong
tatandaan ang mga
habilin. Pumasok
siya sa kahon na
taglay sa puso ang
layunin ng kanyang
Manlilikha.
Ngayon, ipalagay mong ikaw ang lapis na
iyon. Lagi mong tandaan ang mga habilin at
huwag kalilimutan ang mga ito kailanman, at
makakamit mo ang pinakarurok ng pagiging
tao na maaari mong maabot.
Makagagawa ka ng mga
dakilang bagay, ngunit
mangyayari lamang ito
kung hahayaan mong
hawakan ng Diyos ang
iyong kamay, at kung
hahayaan mong
makabahagi ang iyong
kapuwa sa mga
biyayang ipinagkaloob
sa iyo.
Makararanas ka ng napakasakit na pagtatasa
sa pana-panahon sa iyong pagtahak sa
samutsaring suliranin ng buhay; ngunit
kakailanganin mo ito upang ikaw ay maging
mas malakas.
Maiwawasto mo ang mga kamaliang
maaari mong magawa.
Ang pinaka-
mahalagang bahagi
ng iyong sarili
ay kung ano
ang nasa iyong
kalooban.
Sa bawat landas na iyong tahakin, mag-
iiwan ka ng bakas. Anuman ang
mangyari, ipagpatuloy mo ang pagtupad
sa iyong mga tungkulin.
Huwag kang masisiraan ng loob kailanman.
Huwag na huwag mong iisipin na walang silbi ang
iyong buhay at wala kang kakayahang lumikha ng
pagbabago.

You might also like