You are on page 1of 4

UNIVERSITY OF CEBU-BANILAD

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


Unang Semestri, Taong 2019 – 2020
Unang Kwarter na Pagsusulit
Filipino 3: Akademika

Panukalang Proyekto
PAGPAPATAYO NG MGA CCTV CAMERA SA TALISAY, CEBU:
SOLUSYON SA KRIMEN

Ipinasa nina:
Ederango, Brix Aldrin O.
Jumao-as, Melque Joey O.
Lopez, Niño Patrick N.
Lusares, Omar G.
STEM B – 12 (HOPE)

Ipinasa kay:
Bb. Remsie Yosores
Guro sa Fil 3: Akademika

Petsa ng Pagpasa: ika – 9 ng Agosto, 2019


ANTI-CRIME ASSOCIATION
GOV. CUENCO AVE., BANILAD, CEBU CITY
424-6199 / aca_baniladcebu@gmail.com

Paksa/Pamagat ng Proyekto: Pagpapatayo ng mga CCTV sa Talisay, Cebu


Mula kina: Ederango, Brix Aldrin O.
Jumao-as, Melque Joey O.
Lopez, Niño Patrick N.
Lusares, Omar G.
Petsa ng pagpasa sa Panukala: ika-9 ng Agosto, 2019
Haba ng panukalang gugugulin sa pagsasagawa ng proyekto: 1 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Ang krimen ay isa sa mga suliranin sa lipunang ginagalawan ng mga Pilipino. Kabilang sa
mga kriminal na gawain ay homicide, physical injury, panggagahasa, carnapping, at lalung-lalo
na ang pagnanakaw at pamamaril. Ayon sa pag-aaral, bumaba sa 5,744 na naitalang index crimes
nitong Mayo ngayong taon kumpara sa 7, 421 noong nakaraang taon (Philippine National Police,
2019). Subalit, hindi pa rin maiiwasan ang patuloy na pagdami ng taong gumagawa ng krimen sa
ating bansa lalo na ang mga kabataang nasa 9 anyos pataas, dahil isa sa mga salik nito ay ang
kahirapan sa buhay na kanilang nararanasan araw-araw. Isa sa mga lugar sa Pilipinas na maraming
naiulat na krimen ay sa lungsod ng Talisay, sa lalawigan ng Cebu.
Hanggang ngayon, marami pa ring krimeng nagaganap sa Talisay, Cebu. Nitong ika-6 ng
Marso ngayong taon lang ay may nabalitaang pulis na kinkilalang si Corporal Mikie Espina, na
namatay sa pananambang sa nasabing lugar (GMA News, 2019). At nitong ika-24 ng Marso
ngayong taon ng madaling araw ay napatay ang isang magkasintahang sakay ng motorsiklo
matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa nasabi ring lugar (ABS-CBN News,
2019). Dahil sa mga pangyayaring ito, kinakailangang palawakin ang seguridad at proteksyon ng
mga mamamayan sa Talisay, Cebu. Hindi talaga masasabi kung kalian mangyayari ang krimen,
kaya dapat itong aksyunan agad sa tulong ng isang makabuluhang proyekto.
II. Layunin
Ang layon ng proyektong ito ay masuri kung gaano ka-epektibo ang pagpapatayo ng mga
CCTV cameras sa mga mamamayan sa Talisay, Cebu. Upang matugunan ito, layunin ng
proyektong magampanan ang mga sumusunod:
1. Mapababa ang antas ng krimen sa bansa, partikular na sa Talisay, Cebu
2. Mapataas ang seguridad ng lugar at proteksyon ng mga mamamayan sa Talisay, Cebu
3. Maibahagi ang malinaw at pulidong ebidensiya kapag may mangyaring krimen at
mabigyan ito ng hustisya

III. Plano na Dapat Gawin


MGA GAWAIN PETSANG ILALAAAN SA GAWAIN
Makipagtulungan sa mga pulis at sa mga tanod
para maging epektibo ang paggawa ng
proyektong ito.
Bumili ng mga materyales na kakailanganin sa
Day 1 (Lunes)
pagbuo ng CCTV system na may sampung
kamera sa bawat barangay.
Kumuha ng isang kwalipikadong inhinyero sa
larangan ng elektrikal at kanyang mga kasama.
Bigyan ng inhinyero ang lahat ng
impormasyon tungkol sa gagawing proyekto,
kabilang na rito ang nilalaman ng proyekto, at
ang gagamiting materyales.
Day 2 (Martes) & Day 3 (Miyerkules)
Hayaang magplano ang inhinyero tungkol sa
gagawing proyekto, kung saan mas naaangkop
ilalagay ang mga CCTV cameras, at iba pang
mga detalye.
Magkaroon ng isang pulong at ilahad ng
inhinyero ang kaniyang plano. Tukuyin at
Day 4 (Huwebes)
pagdesisyunan kung alin ang pinakamabisang
plano ng inhinyero.
Magkaroon ng isang pulong ang inhinyero sa
mga kasama para simulan ang proyekto sa
Day 5 (Biyernes) & Day 6 (Sabado)
pamamagitan ng paghanda kung ano ang mga
kagamitang kakailanganin.
PAHINGA Day 7 (Linggo)
Simulan ang pagtatrabaho sa proyekto sa
Day 8 - 13 (Lunes - Sabado)
unang 6 ng mga barangay sa Talisay, Cebu
PAHINGA Day 14 (Linggo)
Pagtatrabaho sa proyekto sa susunod na 6 ng
Day 15 - 20 (Lunes - Sabado)
mga barangay sa Talisay, Cebu
PAHINGA Day 21 (Linggo)
Pagtatrabaho sa proyekto sa susunod na 6 ng
Day 22 - 27 (Lunes - Sabado)
mga barangay sa Talisay, Cebu
PAHINGA Day 28 (Linggo)
Pagtatrabaho sa proyekto sa huling 4 ng mga
Day 29 - 32 (Lunes - Sabado)
barangay sa Talisay, Cebu
Mangyaring magkaroon ng isang selebrasyon
dahil sa matagumpay na pagtatapos ng isang Day 33
proyekto
IV. Badyet
KAGAMITAN AT SAAN/KANINO KWANTIDAD/HABA HALAGA
ILALAAN ANG PERA
CCTV cameras 220 piraso ₱924, 000
wire 14,000 metrong haba ₱280,000
computer system 22 piraso ₱220,000
DVR (digital video recorder) 22 piraso ₱88,000
Inhinyero at kanyang mga kasama 6 ₱300,000
snacks at pagkaing almusal, pananghalian,
₱10,000
at hapunan
Iba pang gastusin (miscellaneous fees) ₱178,000
Kabuuan ₱2,000,000

V. Konklusyon
Napatunayang epektibo nga ang paglalagay ng CCTV cameras sa Talisay, Cebu. Dahil
dito, mataas na ang seguridad at proteksyon ng mga mamamayan laban sa mga krimen…
< pun-an pa diri nga part >

V. Mga Lagda

_____________________________
Pinuno

_____________________________
Miyembro

_____________________________
Miyembro

_____________________________
Miyembro

You might also like