You are on page 1of 2

PAGPAPAKILALA, PAGPAPATUNAY AT PAGPAPATIBAY NG PAGTATAPOS

ELEMENTARYA

PAGPAPAKILALA (Para sa Punong-Guro/Ulong Guro/Gurong Namamahala)

Kagalang-galang na Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Palawan, G. Servilla A.


Arzaga, CESO V (na kinakatawan ni ____________________ ), Tagamasid
Pampurok/Punong Gurong Tagapag-ugnay (G./Gng./Bb.)___________________ ng Distrito ng
__________________ ikinararangal ko pong iharap sa inyo ang ___ batang lalaki at ___ batang
babae, o kabuuang bilang na ___ mga batang magsisipagtapos sa Paaralang Elementarya ng
_______________sa Taong Panuruan 2014-2015 (dalawang libo’t labing-apat at dalawang libo’t
labing lima).

Kasiya-siya po nilang natapos ang mga kinakailangan sa Pagtatapos sa Kurikulum Pang-


Elementarya na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Hinihingi ko po
ang pagpapatunay at pagpapatibay ng kanilang pagtatapos.

PAGPAPATUNAY (Para sa Tagamasid Pampurok o Punong Gurong Tagapag-ugnay)

Kagalang-galang na Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Palawan, G. Servilla A.


Arzaga, CESO V (na kinakatawan ni __________________)sa kahilingan po ng Punong
Guro/Ulong Guro/Gurong Namamahala na si (G./Gng./Bb.) _________________ ay
pinatutunayan ko bilang Tagamasid Pampurok/Punong Gurong Tagapag-ugnay ng Distrito ng
_________________ na kasiya-siya nilang natupad ang mga kinakailangan sa pagtatapos ng
Kurikulum Pang-Elementarya na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas.
Kaya’t hinihiling ko po ang pagpapatibay sa kanilang pagtatapos.

PAGPAPATIBAY (Para sa Tagapamanihala ng Sangay Bilang Kinatawan)

Batay sa pagpapatunay ng inyong Tagamasid Pampurok/Punong Gurong Tagapag-ugnay ng


Distrito ng _______________ na si(G./Gng./Bb. ) _____________________ at sa kahilingan ni
_________________ (Punong Guro/Ulong Guro/Gurong Namamahala) sa kasiya-siya ninyong
natapos ang Kurikulum Pang-elementaryang na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon,
Republika ng Pilipinas. At sa bisa ng kapangyarihang iginawad sa akin ng Pansangay na
Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Palawan, G. Servilla A. Arzaga, CESO V, ay pinagtitibay
ko ang inyong pagtatapos ngayong ika - __ ng Marso, 2015, dito sa Paaralang Elementarya ng
______________. ____________, Palawan.

Bilang patunay ng inyong pagtatapos, ipinagkakaloob ko sa inyo ang Katibayan ng Pagtatapos.

Binabati ko kayong lahat!


SEKONDARYA

PAGPAPAKILALA (Para sa Punong-Guro/Ulong Guro/Gurong Namamahala)

Kagalang-galang na Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Palawan, G. Servillano


A. Arzaga, CESO V, na kinakatawan ni ____________________ ikinararangal ko pong iharap
sa inyo ang _____ batang lalaki at _____ batang babae, o kabuuang bilang na ______batang
magsisipagtapos sa (Pangalan ng School) ____________________ para sa sa Taong Panuruan
2014-2015 (dalawang libo’t labing-apat at dalawang libo’t labing lima).

Kasiya-siya po nilang natupad ang mga kinakailangan sa pagtatapos ng Kurikulum Pang-


Sekundarya na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Kaya hinihiling ko
po ang pagpapatunay at pagpapatibay ng kanilang pagtatapos.

PAGPAPATUNAY AT PAGPAPATIBAY (Para sa Tagapamanihala ng Sangay Bilang


Kinatawan)

Batay sa kahilingan at pagpapatunay ng inyong Punong Guro na si _____________________ na


kasiya-siya ninyong natapos ang mga pangangailangan sa pagtatapos sa Kurikulum Pang-
Sekundaryang na itinakda ng Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, at sa bisa ng
kapangyarihang iginawad sa akin ng Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan sa
Palawan, G. Servilla A. Arzaga, CESO V, ay pinagtitibay ko ang inyong pagtatapos ngayon ika –
____ ng Marso, 2015 dito sa _______________________, _________________, Palawan sa
Taong Panuruan 2014-2015(dalawang libo’t labing-apat at dalawang libo’t labing lima). Bilang
patunay ng inyong pagtatapos ipagkakaloob ko sa inyo ang inyong Diploma.

Binabati ko kayong lahat!

You might also like