2. pinagdiliman ng paningin – may galit sa taong iyon 3. huling pitakan 4. palayok na umuumpog sa kawali 5. didilig ng dugo 6. kuwatig – kumampi; pumanig 7. maigaod – maialis ang sarili sa pagkakasadsad sa putik 8. salambaw – tikwas; balintuwad; o panghuli ng isda 9. tiklin – kawayan o kahoy na panungkit; panulak para umusad ang bapor 10. uldog – katulong ng pari 11. ipikurero – maluho o mapili sa pagkain 12. nasaling – nasagi; natamaan 13. tampipi – lagayan ng gamit 14. bangkete 15. lukbutan – pitaka 16. madawag – masukal o madamo 17. andas – sasakyan na may dala ng santo pag may prusisyon 18. entresuweldo – maliit na silid-paupahan 19. karomata - sasakyan na hinihila ng kabayo 20. patitistis – pagopera 21. sambalio – sombrero 22. dupikal – sunod-sunod na pag-tunog ng kampana 23. nasasalabid –napapatid; nadarapa 24. gulilat – nabigla; nagulat 25. kabukturan – kasamaan 26. naglisaw – nagkalat 27. nababadya – nagbabala; naghuhudyat 28. gaputok – kaunti 29. polyeto – papel na may impormasyong nakasulat 30. indulbensiya – pagtitiis para sa kapatawaran ng kasalanan TAUHAN:
1. Padre Florentino – siya ayisang paring indio na ama-amahan ni Isagani at napilitaan
lamang magpari dahil sa kagustuhan ng kanyang ina. 2. Padre Salvi – siya ay isang Pransiskanong prayle na may lihim na pagnanasa kay Maria Clara at siya ang humalili kay Padre Damaso bilang kura sa bayan ng San Diego. 3. Padre Camorra – Siya ay isang prayle na mukhang artilyero at tinaguriang si Kabayo na sadyang mahilig sa mga babae. 4. Kabesang Tales – siya ay naghahangad ng karapatan sa lupang sinasaka na pagmamay-ari ng prayle. 5. Sinong Kutsero – siya ang kutserong nagtungo kay Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago at minaltrato ng mga gwardya-sibil sa hindi pagdala ng cedula. 6. Huli – siya ang anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio na nanilbihan kay Hermanaa Penchang para matubos ang kayang ama. 7. Basilio – siya ay isang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli. 8. Placido Penitente – siya ay isang mag-aaral na wala nang ganang mag-aral dahil sa suliranin sa sistema ng paaralan. 9. Macaraig – siya ay isang mayamang estudyante na nagsusulong para sa pagtatatag ng Akademiya ng Wikang Espanyol 10. Pecson – 11. Juanito Pelaez – siya ang sipsip na kaklase ni Placido at paboritong estudyante ni Padre Million. 12. Mr. Leeds – siya ang tagapagpamahala ng perya na ginanap sa Quiapo 13. Imuthis – ito ang ulo mula sa Ehipto na may koneksyon sa buhay ni Simoun 14. Quiroga – siya ay isang Instik na mangangalakal na gusto ng konsulado sa Pilipinas 15. Donya Victorina – siya ay nagpapanggap bilang Europeo at tiyahin ni Paulita Gomez. 16. Tata Selo – siya ang ama ni Kabesang Tales na nabiglang napipi.
*pls don’t just rely to do this reviewer! use your brain and your book too!