You are on page 1of 2

NAME: _________________________________ PETSA: ___________

GRADE: _________________________________ MARKA:

FIRST SUMMATIVE TEST


MOTHER TONGUE

I. Basahin ang bawat sitwasyon at sagutin ang tanong pagkatapos nito. Isulat
ang letra ng wastong sagot.
___1. Isang umaga nasalubong ni Genie ang kanyang kaibigan na si Carmen. Ano ang
sasabihin niya?
A. Magandang umaga Carmen. C. Magandang hapon Carmen.
B. Magandang tanghali Carmen. D. Magandang gabi Carmen.
___2. Nabangga ni Susan si Carla na may dala-dalang salamin. Nalaglag ito at nabasag.
Ano ang dapat niyang sabihin sa kanya?
A. Maraming salamat Carla. C. Walang anuman Carla.
B. Paumanhin Carla. D. Kumusta, Carla?
___3. Nagpunta sina Lucky at Lenie sa Mall. Gustong bumili ng payong ni Lenie, bola
naman ang nais bilhin ni Lucky. Ano ang gustong bilhin ni Lenie?
A. payong B. lapis C. notbuk D. krayola
___4. Papasok ka na sa paaralan. Ano ang iyong sasabihin sa iyong tatay?
A. Paalam po, tatay C. Paumanhin po, tatay.
B. Mano po, tatay. D. Magandang umaga po, tatay.
___5. Alin ang nagpapakita ng magalang na pananalita?
A. Kunin mo nga ang walis, Sita. C. Akina ang paying, ate.
B. Bigyan mo ako ng tubig, Alvin. D. Maari mo ba akong tulungan, kuya?
___6. Kumain ng maraming tsokolate si Angelito. Mayamaya, umiyak siya hawak ang
pisngi. Bakit kaya?
A. Nalulungkot siya. C. Busog na busog siya.
B. Sumasakit ang ngipin niya. D. Gusto pa niya ng tsokolate.
___7. Alin ang naiibang salita?
A. paumanhin B. panauhin C. paumanhin D. paumanhin
___8. Aling pangkat ng salita ang naiiba?
A. plato, kutsara, tinidor C. dragon, pusa, baboy
B. prinsesa, kanluran, prutas D. Luzon, Visayas, Mindanao
___9. Aling salita ang may wastong baybay?
A. braso B. talompo C. walu D. binti
___10. Alin sa mga sumusunod ang salitang may klaster?
A. prutas B. sawa C. ninong D. ate
___11. Si Lovely ay umaawit. Alin ang ngalan ng tao?
A. umaawit B. Si C. Lovely D. ay
___12. Alin sa mga sumusunod ang ngalan ng bagay?
A. kalabaw B. aklat C. Florencio D. silid
__13. Pumunta ang aming pamilya sa Lucban upang manood ng Pahiyas. Alin ang ngalan
ng pangyayari?
A. Lucban B. pumunta C. Pahiyas D. pamilya
__14. Marami silang alagang kabayo sa kanilang bukid. Ang salitang may salungguhit ay
ngalan ng______.
A. lugar B. bagay C. hayop D. pangyayari
__15. Namasyal ang mag-anak ni G. Reyes sa Cavite. Alin ang ngalan ng lugar?
A. namasyal B. G. Reyes C. Cavite D. mag-anak
II. Basahin ang kuwento at sagutin ang tanong sa ibaba nito. Isulat ang titik ng
wastong sagot.
Maagang gumising si Brando. Kumain ng agahan, naligo, nagbihis ng maayos na damit at inihanda
ang sarili sa pag-alis. Nagpaalam siya sa nanay at tatay.
___16. Sino ang batang nabanggit sa kuwento?_____________________
___17. Saan kaya siya pupunta? ______________
___18. Aling salita sa talata ang may kambal katinig? _______________
II. Isulat ang tamang baybay ng ngalan ng larawan.

19. 20.

_________ _________

NAME: _________________________________ PETSA: ___________


GRADE: _________________________________ MARKA:

SECOND SUMMATIVE TEST


MOTHER TONGUE

I. Basahin ang tanong sa bawat bilang at isulat ang wastong letra sa sagutang papel.
A. Basahing mabuti ang unang pangungusap at piliin ang tamang panghalip upang
makumpleto ang ikalawang pangungusap.
1. Ang pangalan ko ay Angelita C. Reyes. ____ ay masayahing bata.
A. Siya B. Tayo C. Ako D. Kami
2. Si Manny Pacquiao ang ating Pambansang Kamao. ____ ay nag-uwi ng maraming karangalan sa
larangan ng boksing sa iba’t-ibang panig ng mundo.
A. Ako B. Sila C. Sina D. Siya
3. Sina Marlin at Donita ay kambal. ____ ay magkamukhang-magkamuha.
A. Sila B. Sina C. Kami D. Siya
4. Ang bulkang Mayon ay matatagpuan sa Bicol. _____ ay dinarayo ng maraming tao dahil sa
angking kagandahan.
A. Siya B. Ito C. Sila D. Kami
5. Masarap ang pansit habhab. ____ ay kilalang pagkain sa Lucban, Quezon.
A. Ito B. Sila C. Siya D. Kami
B. Basahin ang talata.

Isinama ni Gena ang kaniyang bagong kaibigan na si Jana sa kanilang bahay. “ Nanay, siya po si Jun,
ang bago naming kaklase. Ang kaniyang pamilya ay mula sa Maynila. Lumipat na sila dito sa Batangas dahil
dito po nadestino ang kaniyang tatay na isang sundalo.”
“Kumusta ka, Jana?” bati ng kaniyang nanay. “Mabuti po naman,” sagot ni Jana habang nagmamano sa
nanay ni Gena.

6. Sino ang tinutukoy na bagong kaibigan sa talata?


A. Gena B. Gana C. Jana D. nanay
7. Saan nagmula ang pamilya ni Jana?
A. Maynila B. Batangas C. Cavite D. Laguna
8. Ano ang trabaho ng tatay ni Jana?
A. isang pulis B. isang mangingisdaC. isang barber D. isang sundalo
9. Ano ang katangian ni Jana?
A. palakaibigan B. magalang C. masipag D. matulungin
10. Ano ang katangian ni Gena?
A. palakaibigan B. magalang C. masipag D. matulungin
II. Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito. Isulat ang letra ng
wastong sagot sa iyong sagutang papel.
Gulay na inihain
Ito nama’y pansinin
Ang berde nitong kulay
Bitamina ang taglay.
Nagdudulot ng sigla
Sa katawang mahina
Ito’y nagpapakinis
Sa nanunuyong kutis.
___11. Tungkol saan ang tula?
A. sa katawan B. sa bitamina C. sa gulay D. kutis
___12. Ilang saknong mayroon ang tula?
A. dalawa B. apat C. walo D. pito
___13. Ilang taludtod mayroon ang isang saknong?
A. dalawa B. apat C. walo D. sampu
___14. Ilang ritmo mayroon ang tula?
A. lima B. anim C. pito D. walo
___15. Aling pares ng salita ang magkatugma?
A. inihain – kulay B. sigla – mahina C. kutis- taglay D.
kulay- sigla
___17. Ano ang tugma ng tula?
A. dalawahang tugma C. tatluhang tugma
B. apatang tugma D. limahang tugma
___18. Ano ang tamang baybay ng ngalan ng larawan?

A. kar-ni B. ka-r-ne C.kar-ne D. karn-e


___19. Sumulat ng isang pangungusap na ginagamitan ng panghalip.
___20. Isulat ang pangungusap na ididikta ng guro.

You might also like