You are on page 1of 2

1. Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?

(Filipino)

2. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa o Ama ng Wikang Filipino? (Manuel


Luis Quezon)

3. Kailan ginaganap ang Buwan ng Wika ( Buong buwan ng Agosto)

4. Ano ang tema ng Buwan ng Wika ngayong taon? (Wikang Filipino, Wika
ng Pagkakaisa)

5. Noong taong 1937, ano ang wikang idineklara ni Manuel L. Quezon bilang
wikang pambansa? (Tagalog)

6. Ayon sa Kautusan Bilang 7 na ipinalabas ng Edukasyon Kalihim Jose


Romero, ano ang naging opisyal na tawag sa wikang pambansa noong
taong 1959? (Pilipino)

7. Anong mga letra ang idinagdag sa alfabetong Tagalog? ( f, j, q, v, at z. )

8. Kanino galing ang pangungusap na ito, "Ang hindi magmahal sa sariling


wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda" (Jose P. Rizal)

9. Saan ipinaganak si Manuel Luis Quezon? (Baler Tayabas)

10. Bakit sa Buwan ng Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika? ( Dahil


Agosto 19 ipinaganak si Manuel Luis Quezon.

11. Sinong pangulo ang nagdeklara na gawing buong buwan ng Agosto ang
pagdiriwang ng buwan ng wika? (Fidel V. Ramos - ipinalabas din niya na
gawing taon taon ang pagdiriwang ang Buwan ng Wika sa mga tanggapan
ng pamahalaan at paaralan)

12. Ano ang pambansang wika na ipinalit sa Pilipino ng Saligang batas


1973? (Filipino)

13. Sinong pangulo ang lumagda sa batas na nagpapahayag na ang


pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay Mula Marso 29 hanggang Abril 4 (Ramon
Magsaysay-siya rin ang lumagda ng proklama bilang 12 na ang pagdiriwang
ng Wikang Pambansa ay Mula Agosto 13 -19, noong 1954)

14.Sinong pangulo ang nagtadhana na ang lahat ng gusali at tanggapan ng


pamahalaan ay pangangalanan sa Filipino? (Ferdinand Marcos)
Dahil itinuturing buhay at mayaman ang wikang Filipino, patuloy ang pag-usbong ng mga
bagong salita. Alam niyo ba kung anong mga salita ang nakapasa sa unang SAWIKAAN na
ginanap noong 2004?

Inilunsad noong 2004 ang SAWIKAAN o pagpili ng salita ng taon na itinataguyod ng Filipinas
institute of translation (FIT). Layunin nito na kilalanin ang mga salita o parirala na lumaganap sa
bansa bawat taon.

Noong 2004, umabot sa 14 na salita ang naging nominado. Ito ay ang “ukay-ukay" ni Delfin
Tolentino; “kinse anyos" ni Teo Antonio, “text" ni Sarah Raymundo; “jologs" nina Alwin Aguirre at
Michelle Ong; “otso-otso" ni Rene Villanueva; “salbakuta" ni Abdon Balde, Jr.; “fashonista" ni
Jimmuel Naval; “dating" ni Bienvenido Lumbera; “tapsilog" ni Ruby G. Alcantara; “tsugi" ni
Roland Tolentino; “tsika" ni Rene Boy Facunala o Ate Glow; “dagdag-bawas" ni Romulo Baquiran,
Jr.; “terorista at terorismo" ni Leuterio C. Nicolas; at “canvass" ni Randy David.

Sa huli, itinanghal na panalo ang "canvass", na sinundan ng "ukay-ukay", "tsika" at "tsugi".

Alpabetong Filipino (1987)

• Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawag-Ingles maliban sa ñ (enye) na


tawag-Kastila (ey, bi, si, di, i, ef, dzi, eyts, ay, dzey, key, el, em, en, enye, endzi, o, pi,
kyu, ar, es, ti, yu, vi, dobol yu, eks, way, zi).

Kautusang Pangkagawaran blg. 45, s. 2001 (2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa


Ispeling ng Wikang Filipino)

• may 28 letra pa rin sa 2001 alfabeto, walang idinagdag, walang ibinawas at


gumaganap bilang pagpapatuloy ng 1987 Patnubay…. Ang binago ay mga tuntunin sa
paggamit ng walong dagdag na letra na pinagmulan ng maraming kalituhan simula nang
pormal na ipinasok sa alpabeto ng 1976.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006

• pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng 2001 Revisyon sa Alfabeto at


Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Itinagubilin pa ang pansamantalang paggamit
at pagsangguni sa 1987 Alpabeto at Patnubay sa Ispeling habang ang KWF ay
nagsasagawa ng mga konsultasyon

Mayo, 2008

• ipinalabas ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa,


nakabatay ito sa 1987 Patnubay…, tinapos na ang pagkalito sa maluwag na paggamit ng
2001 Revisyon….

You might also like