You are on page 1of 1

“Daisy bakit ka nagwawalis gabi na ”, “Hindi dapat ikinakalampag ang mga

kubyertos iha”, “Bakit gabi mo na naisipan magputol ng kuko daisy?”. Ilan sa


mga salitang lagi sa aking sinasabi ng aking yumaong itay, hindi ko matanto
kung ano ang mali sa mga ginagawa ko dati dahil ang aking isipan ay musmos pa
at walang ibang alam kundi ang humiga sa kama .

“Daisyyyy!!!!”, May sumira sa pagmumuni-muni ko , pagkabukas ko ng pinto


may biglang napakasakit na bagay ang tumilapon sa aking mukha, isang bato,
“Nararapat lang iyan saiyo daisy” at nagsitawanan ang grupo ng mga lalaki ,
maliban sa dalawang pares ng mga mata na seryosong nakatingin sa akin ang
gwapo niya moreno at napakatangos ng ilong kamukha niya ang aking Itay
ngunit iwinaglit ko ang aking iniisip at isinarado ko na lamang ang aking pintuan
at pumanhik sa itaas upang gamutin ang dumudugo kong noo.

Ilang araw ang lumipas at araw araw ko ding napapansin na laging dumadaan
ang lalaki sa aking bahay at nakapaskil parin sa kaniyang itsura ang seryosong
tingin. Hanggang sa isang gabi naisipan kong lumabas ng aking bahay upang
mag lakad-lakad ng ako’y biglang nadapa “ Ito ang aking panyo punasan mo ang
iyong tuhod binibini” ng itaas ko ang mga labing nakangit ang kaniyang ipinakita
sa akin tinanggap ko ang kaniyang panyo at nagpasalamat , ang ginoo ay bigla
na lamang umalis at iniwan akong hawak hawak ang kaniyang panyo.

“Balita ngayon isang lalaking nagngangalang Song Juan ay tatlong araw ng


nawawala ang kaniyang asawa ay humihingi ng tulong sa kung sino man ang
makakakita sa…” ipinatay ko ang radio puro balita ang aking naririnig wala
akong mahanap na kanta. “Ahay nakakaantok naman ang hatid ng ulan na ito,
Itay matulog ka na bakit nakadilat ka parin matutulog na ako kaya matulog ka
narin itay ” at pinatay ang ilaw sa kwarto ni itay, ang mga pamahiin ay para sa
mga tao lamang at hindi sa aming mga aswang.

You might also like