You are on page 1of 1

Ang PUSA sa aking DURUNGAWANni Buenaventura S. Medina, Jr.Ang pangyayaring iyon ay kasaysayang mulit muling magaganap. Alam ko.

Alam ko, atngayon ay nadarama kong muli iyong magaganap.Ako ang dahilan. Ako at ang lahat ng katulad ko.Binayaan kong dilaan ng liwanag
buhat sa ilaw ng poste ang dilim na sandali ringnamayani sa aking silid. Kanginay pinid ang bintana. Ayaw kong kahit anumang alaala (ang kay Ida,
ang kay Ida, ang kay Ida) ay makaalis sa silid na itong ginagalawan ng aking naguguluhang isip. Ngunit naghimagsik ang aking diwa: si Ida,
angaming pagkikita nang nakalipas na gabi, sa isang silid na maraming sandaling nagmaramot sa liwanag- ang mga alaalang ayaw lumayo at ngayoy
nagpapabilis ng tahipng aking dibdib at sa pintig ng aking puso, ay siyang nag-udyok sa aking takasan ang dilim. Madali kong hinawi ang dalawang
dahon ng aking durungawan. Sa isangiglap ay sumilip sa aking silid ang liwanag.Bumalik ako sa aking hihigan: tiklop pa rin ang aking kumot at
kulambo, at nakasalansan pa rin ang mga unan. Hindi ko ginulo ang lahat ng iyon; sapat nang kaguluhan ang nasa isip ko upang malimutan ko ang
ginhawa ng lahat ng iyon.Ngunit di ko matagalang tingnan ang malabong liwanag sa aking silid (Gayundin ang liwanag na dumaloy sa silid naming
ni Ida nang makalipas na gabi makaraan angmaraming saglit na pagkabilnggo sa dilim.) Inisip kong takasan aang kakarampot na liwanag upang kahit
sumandaliy maiwaksi ko amg larawan ni Ida; dumapa ako sa hihigan, ibinaon ko ang aking ulo sa mga unang maayos pa rin ang
pagkakasalansan.Ngunit narinig ko ang tunog ng isang bagay na nanguyapit sa medya-agwa at lumapag sa pasamano. Nagbaaalikwsa ako: sa
bintanay naroon ang pusa.Namalayan marahil aang pagkaalam ko sa sa kanyang d-inaasahang pagsipppot sa aking durungawan, ang pusay biglang
lumundag aat mabilis na tinungo ang ilalim ng maliit na aparador sa sulok. Tumindig ako. Ayaw kong kahit anoy makapagpahigpit sakaguluhang
nakayapos sa akin.Matinis ang ngiyaw ng pusa nang lumapit ako sa aparador. Hindi ko nais lapitan iyon; ibig ko lamang dukwangin ang pinto upang
itoy buksan at nang magkaroon iyonng malalabasan.Itinaboy ko ang pusa. Ngumiyaw iyon. Babahagyang kaluskos lamang ang nalikha niyon sa
bilis ng pagkakaalis sa aking silid.Tatabigin ko sana ang pinto ng aking silid nang biglang tumawag ang aking Tiya.Ano iyan?Sa salas natutulog ang
aking Tiya. Alam kong doon nagtuloy ang pusa. Wala iyongmalulusutan doon: pinid ang mga bintana at ang pinto. Tiyak na makikita iyon ngaking
Tiya.Ang pusa, Tiya.Narinig ko ang klik ng ilaw. Nagliwanag ang salas. Tinabig ko ang aking pinto. Ayaw kong umuho ang liwanag sa aking silid.
Tiyak na maririnig ang patutungayaw ng aking Tiya. Galit na galit ito sa pusa. Sa pusang iyon, lalo na. Iyon ang inahing pusa. Iyon ang ina ng tatlong
kuting na kinatatakutan ng aking Tiya.Itapon mo. Iligaw mo. Ilayo mo rito. Iyan ang sabi ng aking Tiya kaninang umaga.Hindi niya tuloy malinis ang
salas sapagkat nasa isang sulok ang inahing pusa at ang tatlong kuting. Ayokong makita yan, utang na loob.

Transcript of ANG PUSA SA AKING DURUNGAWAN

ANG PUSA SA AKING DURUNGAWAN


PAGSUSURI SA BANGHAY
SIMULA:
ipinakilala ang pangunahing tauhan sa loob ng kwento

may nakita siyang pusa sa kanyang durungawan


FLASHBACK
panahon na itinapon niya ang mga kuting ng pusa
hinahanap ang mga ito ng pusa
Sa parteng ito, IPINAHIWATIG na nakipagtalik ang tauhan kay Ida. Naalala niya iyon dahil sa liwanag sa kanyang silid.
"Huwag sana...huwag ngayon...alamin mo ang magiging katayuan ko...sadya bang ganyan ang pag-ibig mo...ha, ha, ha...subali't...suba..."
Sa pag-uusap nilang ito, TUWIRANG hinayag sa kwento ang kanilang pagtatalik.
ikinagalit ng kaniyang tiya ang balitang itinapon sa basurahan ang isang sanggol
idiniin na tila natatamaan ang tauhan sa sinasabi ng tiya niya
Bumalik ulit ang pusa sa durungawan, ngumingiyaw at kinakalmot ang dahon ng durungawan.
Ayaw niyang makita ang pusa sapagkat pinapaalala nito ang kanyang ginawa
"Hindi na niya makikita ang mga kuting. Pinatay ko!"
TAUHAN
NARRATOR
nagsisisi, gustong kalimutan ang ginawang desisyon, hindi mapakali sa mga bagay sa paligid; pinapahalagahan ang kaniyang reputasyon. Walang
paninindigan
IDA
tradisyunal na babae, dahil naging sunud-sunuran lang
TIYA
modernong babae; nasasabi/ nailalabas niya kung anong nararamdaman niya
NARRATOR AT IDA :
MODERNONG TAUHAN SAPAGKAT NAGTATALIK SA DI-TAMANG ORAS
PUNTO DE BISTA
First Person
Naging epektibo dahil mas napalawak ang tunay na nararamdaman ng sentral na karakter
TAGPUAN
Gabi, madilim na may konting ilaw galing sa poste
Nasasalamin ang pinagdadaanan ng sentral na karakter
BAKIT MODERNO?
pagtatalik bago magpakasal
pagpapalaglag
paggamit ng flashback
paggamit ng pagpapalabo
ang wika ay matipid
at simple
modernong tauhan
ang tagpuan ay sa lungsod
MAY-AKDA
Buenaventura S. Medina Jr.
nagsulat ng higit sa 25 na libro
Karamihan ay mga nobela at
libro sa kritisismo
Nagtapos ng BA at MA sa Ingles sa Far Eastern University
Nagtapos ngPh. D. sa Centro Escolar University
Naging professor sa Far Eastern University, Ateneo de Manila University, at De La Salle University
PARANGAL:
napabilang sa Don Carlos Palanca Memorial Awards Hall of Fame noong 1996
South East Asia Writer Award (SEAWRITE) noong 1994
Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas Award

You might also like