You are on page 1of 3

Pagbubuod at Paguugnay-ugnay ng Impormasyon

Pagbubuod

Iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay ng impormasyon at ideya kaugnay ng paksa

Buod

Siksik at pinaikling bersiyon ng teksto

Ang Buod ay diwa, sumaryo o pinaka-ideya

Katangian ng Pagbubuod

1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ang paksa.

2. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda, bagkus gumagamit ng sariling pananalita.

3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.

Hakbang sa Pagbubuod

1. Basahin munang mabuti ang buong akda upang makuha at maunawaang mabuti ang mga panggitnang
kaisipan.

2. Hanapin din ang pangunahing kaisipan at mga pamuno o katulong na kaisipan.

3. Dapat gamitan ito ng mga payak na pangungusap na sinulat sa isang paraang madaling maunawaan ng
babasa.

4. Hindi dapat na malayo ang diwa ng orihinal sa ginawang buod.

 Banghay
 Tauhan
 Tagpuan
 Problema
 Kalutasan ng Problema

Istorya

 Simula

- Introduksyon o "Overview"

 Gitna
- Sinasagot din dito ang mga ibinangong tanong sa panimula. Nagtatawid din ito ng mga mahahalagang
impormasyon para talakayin ang problemang bumabangon sa paksa.

 Wakas

- Kinalabasa, Solusyon o Resolusyon.

Pamagat

Hawig

Tinatawag itong "Paraphrase" sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na "Parapahrasis" na ibig sabihi'y,
Dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag.

Ang PAGLALAGOM ay ang pagkuha ng magkakatulad na ideya hango sa iba’t ibang sanggunian at pagsasama-
sama ng mga ideyang ito nang may kaisahan at kaayusan sa anyong pasalita o pasulat. Ito ay nagsasaad ng
pangunahing kaisipan ng anumang uri ng sulatin sa pinakapayak na pananalita. Hindi lamang ito pinaigsing pahayag
ng isang mahabang salaysay kundi isang maikling kabuuan na masasabing isa ng sulatin.

Lagom

1. MAIKLI

2. MALINAW ANG PAGLALAHAD

3. MALAYA

4. MATAPAT NA KAISIPAN

Katangian ng Lagom

Pag-ugnay ng impormasyon

Sintesis

Ang salitang "Sintesis" ay nagmula sa salitang griyego na "Sytithenai"

 Syn = Kasama o Magkasama


 Tithenai = Ilagay o Sama-samang ilagay

Pag-iisa ng mga ideya o konsepto mula sa iba't-ibang batis ng impormasyon.

Sa usaping pananaliksik (thesis o research), ang abstrak ay maikling paglalahad ng kabuuan ng isang pag-aaral o
pananaliksik. Nilalaman nito ang maikling panimula, layunin ng pag-aaral, pamamaraang ginamit, kinalabasan at
konklusyon ng pananaliksik. Kalimitang hindi ito lalagpas sa 300 salit
Sa sulating pampanitikan, ito ay pinaikling deskripsyon ng nilalaman ng isang sulatin. Maaaring ito ay bahagi ng
isang buo at mahabang sulatin, aklat, diyalogo, sanaysay, pelikula at iba pa. Minsan ay makikita rito ang
mahahalagang bahagi ng buong nilalaman upang bigyang diin ito.

You might also like